School of Myths: Ang ikalawan...

By chufalse

751K 16.2K 2K

Genre: Action, Fantasy, Comedy, Romance, Vampires, Werewolves, Supernatural, Harem Lumipas ang dalawang taon... More

Prologue
Chapter 1: Ang mga bagong transfer student.
Chapter 2: Sino ang tunay na Zenon? O.o
Chapter 3: Sa pagbabalik ng mga Draken.
Chapter 4: Sa ilalim ng katauhan ni Luke Ainsgate.
Chapter 5: April Swatzron.
Extra Chapter: The family members of the Vampire clan.
Chapter 6: Ang mga Isenhart.
Chapter 7: Combat Practice.
Chapter 8: Jigo Lancelot
Chapter 9: Poisedon Tidalsea Olympus.
Chapter 10: Lalakeng may pulang buhok.
Extra chapter: Side Story - Combat practice part 2. xD
Chapter 11: Alex Nightmiere at ang isinumpang sandata.
Chapter 12: Evis City
Chapter 13: Evis City part 2.
Chapter 14: Aviona.
Chapter 15: False of Truth Castle.
Extra chapter: Side Story - Combat practice part 3. xD
Chapter 17: Pagbalik sa Odin city.
Chapter 18: Mishia Crimson.
Chapter 19: Mga hindi inaasahang pangyayari.
Chapter 20: Ang Lihim sa likod ng Vielzkud family.
Extra chapter: Side Story - Combat practice part 4. xD
Chapter 21: Special Myths' exam.
Chapter 22: Hudyat
Chapter 23: Ang simula.
Chapter 24: Nakaraang tatlong daang taon
Chapter 25: Nakaraang tatlong daang taon. Part 2
Extra Chapter: Nang makilala ng mga karakter ang kanilang lumikha.
Chapter 26: Nakaraang tatlong daang taon. Part 3
Chapter 27: Pagpupulong ng bagong alyansa.
Chapter 28: Nakaraang tatlong daan at tatlumpong taon.
Chapter 29: Hindi inaasahang pagtatapat.
Chapter 30: Ang pagwawakas ng dalawang lahi.
Chapter 31: Sa pagpapatuloy na mga paglalaban.
Extra Chapter: Behind the scene part 3.
Chapter 32: Ang anak ng mga makasalanan.
A halloween special: Scary Mount Olympus.
Chapter 33: Paglisan
Chapter 34: Mga hindi inaasahang pagdating.
Chapter 35: Nawawalang kaibigan sa nakaraan.
Extra Chapter: Side story - Chris Crescentmoon at Sai Kerberos
Chapter 36: Pagpapaliwanag
Chapter 37: Sa pagbubukas ng katotohanan.
Chapter 38: Reign Icarus.
Chapter 39: Ang pagpapatuloy sa hindi natapos na paglalaban.
Chapter 40: Mga natitirang mapayapang araw.
A new year's special: School of Myths X Charm Academy
Chapter 41: Mga paghahanda.
Chapter 42: Pagsalakay.
Chapter 43: Nalalapit na pagtatapos.
Chapter 44: Sa wakas.
Afterwords - January 07, 2015.
Special chapter: chufalse' kagaguhan awardings
A valentine's special: School of Myths X Charm Academy. Part 2

Chapter 16: Ang muling pagkikita.

14.2K 316 44
By chufalse

Sa ngayon ay kasalukuyan pa ring nasa loob ng kwarto ni Alex ang magkakaibigan at kasalukuyan pa rin silang nagku-kwentuhan. Hindi nila batid kung anong oras na, hanggang sa kumalam ng malakas ang tyan ni Aron.

 

*** SFX: *Uh! *Ummmmmm! ***

Agad napalingon ang magkakaibigan kay Aron ng sandaling narinig nila ang pagkalam ng tyan ng nito.

“Sorry, pero nagugutom na ako eh.” Medyo awkward na pagkakasambit ni Aron.

 

*Hmmm.. Parang nagugutom na din ako. Teka, anong oras na ba?” Sambit naman ni Annie.

“Malapit ng palang mag 7 pm.” Sambit naman ni Mark.

 

“Ang mabuti pa ay sumabay na kayo sa’ming pagkain at dito na din kayo magpalipas ng gabi.” Walang emosyong pagkakasambit naman ni Alex.

Matapos magsalita ni Alex ay biglang may kumatok sa pinto kung nasaan sila at kalaunan ay binuksan nito. Tila nakakita ng anghel ang magkakaibigan, dahil mga natulala ito sa nilalang na nakita nilang pumasok.

 

“Ate, kakain na tayo. Isama mo na daw ang mga kaibigan mo sabi ni Mama.” Walang emosyong pagkakasambit ni Elle.

 

“Sino ang cute na batang yon, Alex?” Masayang pagkakatanong ni Annie.

 

“Siya ang nakakabata kong kapatid, siya si Elle.” Walang emosyong pagkakatugon naman ni Alex.

 

“Hello, ako nga po pala si Elle Nightmiere.” Wala muling emosyong pagkakasambit ni Elle.

*** Elle Nightmiere. 14 years old at siya ang nakakabatang kapatid ni Alex. Katulad ng kaniyang ate ay tahimik lang itong si Elle. Mabait at matalino din siya, mahilig din siyang magbasa ng mga aklat, mangolekta ng mga stuff toys at kahit hindi halata ay malakas siyang kumain. xD

Slim ang pangangatawan ni Elle, nasa 4’9 ang kaniyang taas, maputi at makinis ang kaniyang balat, maganda din ang napaka-haba niyang puting buhok at parang kinagat ng lamok ang kaniyang hinaharap. (if you know what I mean! :3 Well, Flat is Justice! Sabi nga ni Mayuri ng Steins;Gate! Tuturu! xD) ***

Sa mga oras na ito ay hindi na nagawang pigilan ni Annie ang kaniyang sarili, kaya naman dali-dali na niyang nilapitan at kalaunan ay niyakap ang cute na si Elle. xD

 

“Whoa! Ang cuuuuuute mo talaga! Hindi ko akalaing may nakakabata palang kapatid si Alex!” Masayang pagkakasambit ni Annie.

Wala namang reaksyong ibinigay si Elle matapos siyang mayakap ni Annie. Nakangiti naman ang magkakaibigan, habang tinitingnan nila ang dalawa.

 

“Alex! Okay lang bang i-uwi ko na ‘tong kapatid mo!?” Masayang pagkakatanong ni Annie kay Alex.

 

“Pasensya ka na po ate, pero hindi ako isang bagay.” Walang emosyong pagkakasambit naman ni Elle.

 

*Hahaha! Walang dudang kapatid nga ni Alex itong si Elle! Parehas kasi silang magsalita eh!” Masayang pagkakasambit naman ni David.

 

“Sang-ayon ako don! Siguro na-mana nila ito sa Mama nila.” Sambit naman ni Melisa.

 

“Ang mabuti pa ay tayo na sa hapag-kainan. Kanina pa siguro tayo hinihintay don.” Walang emosyong pagkakasambit naman ni Alex.

“Mabuti pa nga.” Nakangiti namang pagkakasambit ni Mark.

Makalipas ang ilang sandali ay nilisan na nga ng magkakaibigan ang kwarto at nagtungo na sila sa lugar kung saan sila kakain. Mga ilang minuto din ang kanilang nilakad at narating na nila ang hapag-kainan. Sandaling napahinto ang magkakaibigan, dahil pamilyar ang lugar na ito sa kanila.

“Sandali lang, hapag-kainan ba ‘to o isang cafeteria?” Tanong ni Jigo.

(Note: Halos kasing laki ng school cafeteria itong kainan ng buong vampire clan, dito sa loob ng False of Truth Castle. xD)

“Pasensya na kayo kung masyadong malawak ang hapag-kainan na’min. Dito kasi kumakain ang buong vampire clan.” Walang emosyong pagkakatugon ni Alex.

 

*Ahh.. Kaya naman pala.” Sambit naman ni Selina.

“Ate, tayo na doon sa lamesa na’tin. Nakahanda na rin ang mga pagkain para sa mga kaibigan mo.” Walang emosoyong pagkakasambit naman ni Elle.

Ilang sandali pa ay nagsimula na muling maglakad ang magkakaibigan, pero sa ngayon ay nakakaramdam sila ng kaba, dahil halos lahat ay pinagtitinginan sila. Mga ilang hakbang pa ay narating na nila ang lamesa na para lang sa kanila. Natuwa ang magkakaibigan dahil mukhang masasarap ang mga pagkaing nakahain para sa kanila.

“Whoa! Mukhang masasarap ang mga pagkain ah!” Masayang pagkakasambit ni Aron.

“Ayan ka na naman Aron! Umayos ka kung ayaw mong masaktan sa’kin.” Sambit naman ni Selina kay Aron.

“Oo nga naman Aron! I-ayos mo din yung pagkain mo, wag mong ipakita sa kanila ang tunay mong nature sa pagkain.” Sambit naman ni Melisa.

“Okay! Okay!” Medyo dismayadong pagkakasambit naman ni Aron.

Halos sabay-sabay umupo ang magkakaibigan at ilang sandali pa nga ay nagsimula na silang kumain. At habang kumakain ay palingon-lingon si Mark sa kanilang paligid at ilang sandali pa nga ay nakita na niyang papalapit sila Arthur, Elle at isa pang babae.

“Kamusta, maraming salamat at nagawa nyo pang bisitahin ang aking anak dito. Natitiyak kong napaka-hirap ng naging paglalakbay nyo para lang makarating sa kastilyo na’min.” Nakangiting pagkakasambit ni Alice.

*** Alice Nightmiere. Siya ang ina nila Alex at Elle. Masayahin, mabait, matalino at napakalakas na vampire nitong si Alice. Mahahalatang nakuha ni Alex ang kaniyang kagandahan sa kaniyang ina.

Maganda kahit slim ang pangangatawan nitong si Alice. Nasa 5’4 ang kaniyang taas, mapusyaw ang kulay ng balat nito, kulay itim na mahabang buhok, at kahit papaano ay may hinaharap naman. (If you know what I mean! :3) ***

“Mukhang may mali dito ah! Bakit ang cheerful naman ng Mama nila Alex. Ang inaasahan ko kasi ay wala din itong emosyon eh!” Sambit ni Mark derekta sa kaniyang isipan. xD

“Medyo nahirapan nga po kaming pumunta dito. Marami po kaming nakaharap na mga nakakatakot na creatures. Like yung mga itim na puno, mga malalaking spiders, mga snakes na may dalawang ulo at yung halamang nanggagaya ng itsura.” Sambit ni Annie.

Nabigla ang pamilya ni Alex matapos marinig ang huling sinabi ni Annie.

“Nakaharap nyo ang mga Drakes?” Tanong ni Arthur.

 

“Opo at sobrang nahirapan po talaga kaming labanan ang mga nilalang na yon.” Tugon naman ni Mark.

“Mabuti naman at ligtas kayo.” Sambit naman ni Alice.

“Pero papaano nyo natalo ang mga Drakes?” Tanong muli ni Arthur.

*Ahh! May nagligtas po sa’min. At isa po siyang… Aray!” Nabiting pagkakasambit ni Aron.

Bago matapos ni Aron ang kaniyang sasabihin ay mabilis at malakas na tinadyakan ni Selina ang paa niya. Mabilis namang napalingon si Aron kay Selina at tila ba nagagalit ito sa ginawa sa kaniya.

“At isa siyang?” Tanong muli ni Arthur.

*Ahh! *Um.. isa po siyang Fenrir! *Ahh! Oo nga po pala, itong si Mark po yung tinutukoy ni Aron. Siya po kasi ang decendant ni Ensign Lionheart. *Heh..heh..heh.. Medyo awkward na pagkakatugon ni Selina kay Arthur.

*Ahh! Hindi na nakakapagtaka, sa totoo lang ay mahirap kalabanin ng nag-iisa ang mga Drakes, lalo na kung marami silang naka-gaya sayo. Pero nagtataka ako, dahil ngayon lang ulit ako nakarinig ng tungkol sa mga Drakes. Mahirap talagang ubusin ang mga nilalang na yon.” Sambit muli ni Arthur.

“Bakit kaya itinago ni Selina si Ms. Aviona? *Hmmm.. Hindi kaya isang importanteng nilalang talaga ang Fairy dragon?” Tanong ni Mark derekta sa kaniyang isipan.

“Mabuti na lang at nakapag-palusot ako. Dapat hindi muna nila malaman na isang Fairy dragon ang naglitas sa’min, dahil posibleng may masamang mangyari sa Forest fairy clan, kung sakaling malaman nila ito. Dapat malaman na din ito ni master Zilan.” Sambit naman ni Selina derekta sa kaniyang isipan.

 

“Ano bang pinagsasasabi mo, Selina? *Ehh….Araaaaay!!” Nabiting pagkakasambit muli ni Aron.

Muli ay nahinto sa pagsasalita si Aron, dahil muli na naman siyang tinadyakan ni Selina. Galit niya muli itong tiningnan, pero imbes na si Selina ang matakot sa kaniya ay siya pa itong nakaramdam ng takot matapos siyang titigan ng masama nito. xD

 

“Ano kaya ang problema ni Selina? Bakit kanina pa niya ako pinipigilang magsalita!?” Tanong ni Aron derekta sa kaniyang isipan.

*Ehem! *Ehem! Ang mabuti pa po ay kumain na po tayo. Bakit hindi nyo po kami sabayan sa pagkain?” Sambit muli ni Selina.

“Mabuti pa ngang sumabay na kami sa inyo.” Sambit naman ni Arthur.

Ilang sandali pa nga ay sinabayan na nila Arthur, Alice at Elle ang magkakaibigan sa pagkain. Samantala, mapunta naman tayo ngayon sa bahay nila Rachelle. Kasalukuyan na rin kumakain sa ngayon sila: Rachelle, Luke, Carl, Lina, Zeren, Hades, Warren, Eclaire at Aviona. At habang kumakain ay nag-uusap na din sila. xD

“Hindi talaga ako makapaniwalang nagkita tayong muli, Aviona. Matagal ka na na’ming hinahanap ni ama, pero nabigo kaming makita ka at inisip na’ming baka nasawi ka na.” Sambit ni Zeren kay Aviona.

“Nasa pangangalaga ako ng Forest Fairy clan, pero tumakas na ako sa kanila. Sobrang nakakabagot na kasi dun sa lugar kung saan nila ako binabantayan eh.” Sambit naman ni Aviona.

 

“Kung ganon kasama mo pala si Black Fiery? Mabuti naman at ligtas kayong dalawa.” Nakangiting pagkakasambit naman ni Luke.

 

“Ang totoo nyan ay sinundo ko lang siya kanina sa kagubatan ng Evis.” Sambit muli ni Aviona.

 

“Sandali lang, papaano mo nga pala nalaman ang lugar na ito, Aviona?” Tanong naman ni Eclaire.

*Hmmm.. May mga kabataan kasi akong nakita sa kagubatan kanina. Nasa panganib sila kaya naman tinulungan ko sila sa paglaban nila sa mga Drakes. Nagkausap kami ng sandali at doon ko nalamang mga kaibigan yon ni Zenon. *Hmmm.. Kung hindi ako nagkakamali ay pito sila at naglalakbay sila upang maka-punta sa kastilyo ng vampire clan.” Sambit muli ni Aviona.

“Whoa! Sila Mark at ang iba pa ang mga yon! Kamusta na sila? Okay lang ba sila!?” Sambit muli ni Luke.

*Uhm! Ligtas na sila at tinulungan ko na din silang maka-punta sa kastilyo.” Nakangiting pagkakasambit ni Aviona.

“Maraming salamat. Pero nagulat talaga ako kanina ng makita kita habang naka-sakay kay Black Fiery sa labas ng bahay” Sambit muli ni Luke.

“Maiba lang ako, nagulat talaga ako tungkol sa mga nalaman ko ngayon. Isa siyang Fairy dragon at tumakas siya sa puder ng Forest fairy clan. Hindi kaya nababaliw na ang mga yon sa kakahanap sayo?” Sambit naman ni Rachelle.

“Nauunawaan ko kung bakit nila ako kailangan itago at pangalagaan. Pero sobrang nakakabagot na talaga dun sa lugar kung nasaan ako. Wala akong kausap, dahil madalang nalang akong dalawin ni Krystine. Nag-aaral kasi siya.” Sambit muli ni Aviona.

“Whoa! Si Krystine Verdandi ba ang tinutukoy mo?” Masayang pagkakatanong naman ni Luke kay Aviona.

 

*Uhm! *Ahh! Dun nga din pala siya nag-aaral sa paraalan mo, tama ba?” Sambit muli ni Aviona.

“Ganon na nga! At sa ngayon ay kaklase ko siyang muli. Pero hanggang sa ngayon ay hindi ko pa rin sinasabi sa kanila na ako talaga si Rain Esfalls.” Sambit muli ni Luke.

“Whoa! Kung ganon ay ikaw pala ang Rain Esfalls na laging naku-kwento sa’kin ni Krystine sa tuwing binibisita niya ako.” Gulat na pagkakasambit ni Aviona.

“Talaga? Nagku-kwento siya sayo ng tungkol sa’kin? Pero ano naman ang mga bagay na sinasabi niya sayo!?” Masayang pagkakatanong ni Luke.

“Rain Esfalls?” Medyo nakakatakot ang tono ng pagkakasambit ni Rachelle.

Sa mga oras na ito ay napayuko na lang si Luke, dahil na pansin na ni Rachelle na masyado ng na ilalayo nito ang usapan.

“Wag mo ng sagutin pa ang tanong ni Rain sayo o kaya ay sa ibang araw nyo na lang yon pag-usapan.” Sambit ni Rachelle kay Aviona.

“Okay!” Nakangiti naman pagkakatugon ni Aviona.

“Nagpapasalamat ako sayo Aviona at nagkita na muli kami ni Black Fiery. Mabuti naman at nagawang magtago ni Black Fiery ng ilang daang taon.” Sambit naman ni Hades.

*Ahh! Pinatulog ko si Black Fiery at ikinulong sa isang lugar na ako lang ang maaaring makapunta, kaya naman walang makakahanap sa kaniya kundi ako lang. At isa pa, sobrang daming Drakes ang iniwan ko para magbantay hindi kalayuan doon.” Nakangiti namang pagkakatugon ni Aviona kay Hades.

“Hindi naman ako makapaniwalang may kaibigan pala kayong Fairy dragon. Ang alam ko kasi ay inubus na ang lahi nila ng mga Isenhart eh.” Sambit naman ni Warren.

“Tama ka sa mga sinabi mo, ginoong Druid. Halos inubos ng mga Isenhart ang lahi ko at muntik na akong mapasama sa mga ka-uri kong tinapos ng mga yon. Pero salamat kay Zenon at nagawa niya akong mailigtas.” Medyo malungkot na pagkakasambit ni Aviona.

“Ganon ba? Pasensya na kung napa-alala ko sayo ang mga mapapait mong nakaraan.” Sambit muli ni Warren.

“Ayos lang, matagal na namang nangyari ang bagay na yon at hindi na yon maaari pang mabago o balikan. Maiba lang ako, hindi nyo ba kasama ang batang si Tyki?” Sambit muli Aviona

“Wag kang mag-alala dahil kasama na’min siya, pero sa ngayon ay pansamantala siyang walang alala tungkol sa’min. Pero nakatitiyak akong maalala ka niya.” Tugon naman ni Hades kay Aviona.

 

“Pansamantala siyang walang alala tungkol sa inyo?” Tanong ni Aviona.

“Tama ka. Kinuha na’min ang lahat ng alala niya tungkol sa’min, dahil kasalukuyan siya ngayon nasa kampo ng kalaban at isa sa mga kalaban na’min dito ay isang Isenhart.” Sambit muli ni Hades.

“Ganon ba? *Hmmm.. Ang batang Tyki na yon, sana naman walang masamang mangyari sa kaniya.” Sambit muli ni Aviona.

 

“Wag kang mag-alala para kay Tyki. Isa siyang malakas na mythical shaman.” Nakangiting pagkakasambit naman ni Zeren.

“Sabagay. *Hehehe.. Nakangiti ring pagkakasambit ni Aviona.

“Ang Aviona na ‘to. Kaibigan siya ng unang Zenon, pero dahil bumalik na ang lahat ng alala ni Rain tungkol sa ng mga naunang Zenon ay naalala na siya nito.” Sambit ni Lina derekta sa kaniyang isipan.

 

*** Flashback! xD ***

June 18, CS242. Gabi na ngayon at ito ang pinaka-masayang gabi ni Lina, magmula nung araw na nawala si Rain. Ngayon gabi kasi ay muli na niyang nakita at nakasama ito. Halos kakatapos lang nilang kumain, kaya naman sabay ng nagtungo sila Lina at Rain sa kwarto nito. Marami kasing katanungan si Lina kay Rain, kaya hindi niya palalampasin ang gabing ito ng hindi niya nalalaman ang mga nangyari dito.

(Note: Ang date na tinutukoy dito ay yung araw na nagkita nang muli si Lina at Rain. xD)

Sa loob ng kwarto ay halos sabay na umupo sa kama ang dalawa.

“Haaay! Dalawang taon kong hindi nagamit ang kwartong ‘to ah!” Nakangiting pagkakasambit ni Rain.

“Lagi ko ‘tong nililinis, pero hindi ko ‘to ginagamit dahil alam kong babalik ka para gamitin mo muli itong kwarto mo.” Nakangiti ring pagkakasambit ni Lina.

 

*Hmmm.. Pero sa ngayon ay hindi ko muna ito magagamit. Sa dorm kasi ako ngayon umuuwi eh.” Sambit muli ni Rain.

*Hah!? Bakit sa dorm ka pa umuuwi? At bakit hindi ka-agad nagpakilala sa’min? Ang akala ko tuloy ikaw yung Zazan na kaklase ni Airen.” Sambit muli ni Lina.

“Zazan pala ang ginagamit ng batang sinasabi ni Carl na kamukha ko. Pero natitiyak kong may malaking rason kung bakit nandito ang batang yon at nagpapanggap bilang ako.” Sambit muli ni Rain.

*Hmmm.. Pwede bang mamaya na na’tin pag-usap ang tungkol sa bagay na yan? Ang gusto kong malaman ay ang tungkol sa nangyari matapos mong kalabanin yung mga pwersa nung sundalo dati! Bakit bigla ka na lang nawala?” Sambit muli ni Lina.

*Ahh! Tungkol sa bagay na yon? *Hmmm.. Sa totoo lang ay hindi ko masyadong alam ang nangyari sa’kin. Pero sila ama at kuya Zeren ang kumuha sa’kin. At ang sabi pa ni ama ay napigilan ng bagay na ibinigay niya sa’kin ang pagkamatay ko nung ginamit ko yung supernova explosion.” Sambit muli ni Rain.

“Bagay? At anong klaseng bagay naman yon?” Tanong muli ni Lina.

“Isa yong bato na kulay itim. Binigay sa’kin ni ama ang bagay na yon nung mga panahong sinasanay niya ako. Ang sabi niya ay dahil don, kaya kinaya ng katawan kong tanggapin ang sobrang init na taglay ng supernova. Nagising na nga lang ako dun sa bahay kung saan ako nagsanay ng ilang mga araw sa mundo ng mga tao eh.” Tugon ni Rain.

“Talaga? Pero bakit hindi ka na bumalik pa? Alam mo bang halos magunaw ang mundo ko sa kakaisip kung nasaan ka? Kung ano ang kalagayan mo at kung ano-ano pa!” Sambit muli ni Lina.

“Sorry, pero minabuti kong wag muna magpakita at magpalakas na rin. Sa dumaang dalawang taon ay maraming nangyari sa’kin. At habang lumilipas ang mga araw ay unti-unting bumabalik ang mga alala ng nauna kong katauhan. Ang mga alala ng una, ikalawa at ikatlong Zenon.” Sambit muli ni Rain.

Sa mga oras na ito ay nagulat si Lina, dahil ang alam niya ay nabubura ang mga alala ng mga dating naging buhay ng isang phoenix sa oras na ma-reincarnate muli ang mga ito.

 

“Talaga? So naalala mo na kung bakit mo ginawa ang Yami clan?” Tanong ni Lina.

*Uhm! Ginawa ng ikalawang Zenon ang Yami clan, dahil sa kagustuhan niyang maipaghiganti ang napatay niyang kasintahan at isa yong tao. Malaki ang pinagkaiba ng bawat katauhan ng bawat Zenon. Ang unang Zenon ay tahimik, mabait at maaalahanin. Sobrang mapagmahal naman ang ikalawang Zenon na nagtulak sa kaniya upang maging masama. Ang ikatlo naman ay sobrang laki ng pagmamalasakit sa iba, lalo na sa kaniyang mga kaibigan. At iba din ang pagkatao ko sa kanila.” Sambit muli ni Rain.

 

“Ganon pala, pero bakit kaya bumalik ang mga alala ng mga dati ikaw?” Tanong muli ni Lina.

“Hindi ko rin alam kung bakit, pero isa lang ang nasisiguro ko. Ako ay ako, at hindi ang mga naunang Zenon.” Nakangiting pagkakasambit ni Rain.

Napangiti na lang si Lina matapos magsalita ni Rain.

 

“Sobrang saya ko talaga ngayon, dahil nagbalik ka na.” Nakangiting pagkakasambit ni Lina, pero nangungusap ang mga mata nito habang nakatingin kay Rain.

“Kahit ako din. Pero sana ay ilihim mo muna ito sa iba na’ting kaibigan. May pakay kasi kami sa ngayon nila ama dito at yon ay ang pabagsakin ang Yami clan at paslangin si Zeus.” Sambit muli ni Rain.

 

“Okay, nauunawaan ko. Pero bakit kailangan nyong patayin si Zeus?” Mabilis na pagtugon ni Lina.

“Dahil siya ang may pakana kung bakit naubos ang lahi ng mga sorcerer at sorceress. Ginamit niya sila ama at Poseidon. Halos mga bata palang kaming mga Reign Icarus nung mga panahong yon, kaya hindi na’min alam ang tunay na nangyari.” Sambit muli ni Rain.

 

*Hmmm.. Kung ganon hindi mo pa din nakikita si Poseidon?” Tanong muli ni Lina.

“Siguro nagkita na kami dati, pero hindi ko maalala ang kaniyang mukha. Si kuya Zeren pa lang kasi ang nasa tamang edad ng mga panahong yon. At siya lang din ang halos may alam sa mga tunay na nangyari sa gyera ng mga mythical shaman at  mga sorcerer/sorceress.” Tugon muli ni Rain.

“Okay! Malinaw na sa’kin ang lahat! Kalaban nyo sila Zeus at ang Yami clan. At simula sa araw na ito ay lahat ng mga kalaban nyo ay kalaban ko na rin, kaya humanda na sila. *Hmmm.. Paano nga pala si Selina? Sa tingin ko kasi ay kasapi pa rin siya sa Yami clan eh.” Sambit muli ni Lina.

“Natitiyak kong ginagamit lang siya ng mga kapatid ko. At may mga nilalang na gumagamit sa Yami clan at sila talaga ang tunay na pakay na’min.” Sambit muli ni Rain.

“At sino naman ang mga nilalang na yon?” Tanong muli ni Lina.

“Sa ngayon ay hindi pa rin na’min sila tukoy, pero alam na’min nila ama na may nilalang na ginagamit ang Yami clan para sa sarili nilang interes.” Tugon muli ni Rain.

Sa mga sandaling ito ay napansin ni Lina na sobrang seryoso na ng ekspresyon ni Rain, kaya minabuti na lang niyang ayain ito na magpahinga na sila.

*** Flashback end’s here! xD ***

Mabalik tayo sa bahay nila Rachelle, kasalukuyan pa ring nag-uusap sila; Luke, Aviona, Zeren, Hades, Eclaire at Warren. Hindi naman magawang sumingit nila Carl at Lina, dahil wala silang maisip na magandang sabihin.

Mapunta naman tayo sa Ceto city, sa isang bahay kung saan pansamantalang tumutuloy sila June, April, Irish at Kiel.

 

“Ate, malapit na bang maluto yan!? Nagugutom na kasi ako eh!” Sambit ni June.

“Sandali na lang ito, bunso.” Tugon naman ni April.

“Haaay! Saan ba nagpunta sila master Kiel at Ms. Irish?” Tanong ni June.

 

“Nagpunta sila kung nasaan si Zazan sa ngayon, baka bukas pa ang uwi ng mga yon.” Tugon muli ni April.

“Kamusta na kaya sila Papa at Mama? Okay lang kaya sila ngayon?” Sambit muli ni June.

Sandaling natahimik si April, dahil hindi niya alam ang dapat itugon sa kaniyang kapatid. Pero ilang sandali pa ay nagbukas ang pinto, may isang lalake ang pumasok at kalaunan ay nagsalita ito.

“Wag mo ng alalahanin ang mga magulang mo, June. Ayos lang sila at masasabi kong masaya sila ngayong nalaman na nilang buhay ang kanilang mga anak.” Nakangiting pagkakasambit nung lalakeng pumasok.

Agad namang napatingin si June sa lalaking nagsalita at kalaunan ay nagsalita na rin siya.

“Nakabalik ka na pala, Garry Wiseman.” Sambit ni June.

 Chapter end

 Afterwords.

 

Sa wakas! Nakalabas din ng bahay! sobrang laki ng baha, hanggang bewang ko, 5'5 ang height ko ah.. xD

Sa mga gustong maging updated sa mga ginagawa ko o sa mga gustong makausap ako.. maaari lang po kayong pumasok sa group page ng SOM..

 

eto po yung link.

 

https://www.facebook.com/groups/SchoolOfMyths/

  

Pagpasensyahan nyo na po kung may mga typo-errors.. pakiunawa na lang po.. Aun thanks..

 

Tandaan nyo po na sa pamamagitan po ng inyong mga pagboto at pagcomment ay mas lalo pa po akong ginagahang magsulat.. kaya po sana ay patuloy nyo pong subaybayan ang story na to..

 

Lagi nyo din pong tignan ang title ng susunod na chapter, dahil isa po sa mga hint ang mga title ng bawat chapters na sinusulat ko.. Hihih..

    

Susunod.

Chapter 17:  Pagbalik sa Odin city.

Continue Reading

You'll Also Like

52.2K 1.6K 37
The four right hands are now facing a journey between life and death. Dahil una, pag nakita sila na nasa forbidden place ay maaari silang patayin, pa...
2.4M 78.6K 69
In order to maintain the balance of this world, there's a rule to be followed. Don't fall in love with someone who belongs to other Elemental Kingdom...
69.2K 3.1K 14
My name is Carmela Castro. I am an Elemental. At gaya ng mga kauri ko ay kailangan kong magaral sa isang pribado at hindi ordinaryong paaralan. Kung...
8.6M 291K 51
Sky Academy, a school wherein magic really exist and impossible things never. First book to the Sky trilogy. Completed. Wattys2016 Winner. Published...