Enchanted Academy (Book 2)

Galing kay JoshuaLeeStories

66.5K 1.6K 177

Completed✓✓✓ Sa pagkabuhay ng alteza na si Prosfera ay siya namang pagbagsak ng lahi ng mga salamangkerong pu... Higit pa

Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20 & Epilogue

Chapter 08

2.2K 75 14
Galing kay JoshuaLeeStories


KANIKA’S POV

LAHAT kami ay sumang-ayon sa suggestion ni Calvin na magpapanggap akong lalaki sa pagpasok ko sa Enchanted Academy. Iyon na lang kasi ang tanging paraan para hindi ako mapagdudahan ng mga Osoru lalong-lalo na si Prosfera. Alam ko na isa na naman iyong challenge sa akin pero parang nakakatuwa din siyang gawin, 'di ba? Iniisip ko pa lamang ay parang na-e-excite na ako.

Nang araw din na iyon ay ipinakilala na ako sa aking magiging gabay habang ako nasa loob ng paaralan-- si Jareth. Makakabuti din na lalaki ang kasama ko sa Enchanted Academy para naman mapag-aralan ko ang kanilang mga kilos at pagsasalita.

Mabait si Jareth. Sa sandaling pagkukwentuhan naming dalawa ay napalagay na agad ang loob ko sa kanya. Makwento kasi siya at palaging nakangiti. Palabiro din kaya walang ilangan na nangyari. Parang ang tagal na nga naming magkakilala, e. Nakatulong din siguro na magkasing-edad lang kami kaya mabilis kaming naging vibes. In fairness naman sa kanya, parang kilala rin siya ng halos lahat ng mga Ligero. Gwapo rin siya. Matangos ang ilong, maganda ang hugis ng labi at mata niya. Matangkad siya. Hanggang balikat nga lang niya ako, e. Tatay niya pala kasi ang punong-kawal ng mga Ligero. Bata pa lang daw siya ay hinahasa na siya para sumunod sa yapak ng kanyang ama. Kaya naman pala medyo malaki ang kanyang braso. Ewan ko lang kung may abs siya o ano, ha. Hindi ko naman kasi nakita.

Teka… bakit ko naman gustong makita ang katawan ni Jareth?

Hindi abs ang dapat kong pinagtutuunan ng pansin kundi ang pagpasok ko sa Enchanted Academy.

Isang araw bago ang pasukan ay sinimulan na nila ang transformation sa aking hitsura. Hindi naman ako pwedeng pumasok sa Enchanted Academy na babae ang aking hitsura tapos sasabihin kong isa akong lalaki. Dapat may make-over din!

Una ay ang aking buhok. Pinutulan nila iyon at ginupitan ng parang sa isang lalaki. Nag-practice din ako ng kung paano magsalita ang isang lalaki. Medyo pinalaki ko ang aking pagsasalita pero hindi naman iyong OA. Baka mahalata agad ako, e. Siyempre, pati na rin ang paglalakad at pagkilos ay inaral ko din. Pagkatapos ay ang aking pananamit naman. Puro damit panlalaki ang ipinabaon nila sa akin. Ang kasuotang pampaaralan naman daw ay makukuha namin mismo sa Enchanted Academy. Bongga! Free uniform. Malaki siguro ang buwis na binabayad ng mga salamangkero dito sa Erkalla. Joke lang!

Excited na talaga ako sa muling pagpasok ko sa school. Dati pangarap kong makapag-college pero parang mas higit pa doon ang nakuha ko. Biruin niyo, mag-aaral ako sa isang paaralan na tuturuan ako kung paano gumamit ng mahika at salamangka! Kakaiba, 'di ba?

Basta, gagalingan ko ang pag-aaral doon. Hindi ko sasayangin ang tiwalang ibinigay sa akin ng hari at reyna. Hindi ko bibiguin ang mga Ligero dahil alam kong ako ang kanilang pag-asa.





BUKAS na ang pagpunta ko sa Enchanted Academy. Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako inaantok. Nakaupo ako sa harap ng salamin sa aking silid. Pinagmamasdan ko ang akong sarili doon. Malayong-malayo na ang hitsura ko sa dati kong hitsura. Talagang hindi mo na ako mapagkakamalan na isang babae. Lalaking-lalaki na ang mukha ko. Siguro, malalaman mo lang na ako ay isang babae kapag tinanggal ang tela sa aking dibdib. Kapag tinanggal kasi iyon ay mahahalata mo na meron akong alam niyo na.

Talagang kailangan kong galingan ang pagpapanggap na ito.

“Kaya mo iyan, Kanika! Para sa Ligero, Erkalla at sa pagkamatay ng mga magulang mo…” Mahinang sabi ko.

“Kanika, bakit hindi ka pa natutulog? Hindi ba’t unang araw ng pagpasok mo bukas sa Enchanted Academy?” Napapitlag ako nang biglang dumating si Leya. Pumasok siya mula sa nakabukas na bintana ng aking kwarto.

Napahawak tuloy ako sa aking dibdib. “Nakakagulat ka naman, Leya!” pakli ko.

“Ikaw ang nakakagulat dahil gising ka pa.” Dumapo siya sa balikat ko at umupo doon.

Talagang at home na at home na ang lambanang ito sa balikat ko, ha.

“Wala naman. 'Di pa ako inaantok. Sayang, 'no? Hindi pala kita makakasama sa Enchanted Academy. Gusto pa naman sana kitang kasama. Alam mo naman na ikaw ang una kong nakilala dito sa Erkalla.”

Bumuntung-hininga ang lambana. “Maging ako din. Gusto ko sanang sumama sa iyo doon pero hindi naman maaari…”

Bigla akong may naisip. Napangiti ako sa kawalan. “Alam ko na! May naisip ako, Leya!” masayang sabi ko.

“Ano naman iyon?”

“Sasabihin ko sa iyo pero ipangako mo na sikreto lamang nating dalawa iyon, ha?”

Mabilis na tumango si Leya. “Pangako! Ano iyon? Sabihin mo na, Kanika!” At parang excited si Leya sa aking sasabihin. Halatang-halata sa kanyang pagsasalita.

“Nakaisip na ako ng paraan kung paano ka makakasama sa akin sa Enchanted Academy!” sabi ko sabay kindat sa kanya.





“ANO ito? Walis?” Nakangiwi kong turan nang bigyan ako at si Jareth ng walis ni Calvin. “Magwawalis ba muna kami bago kami magpunta sa Enchanted Academy?”

Paano ay paalis na kami ni Jareth. Ito na kasi ang araw na papasok kami sa Enchanted Academy. Nasa labas na kami ng bahay ng hari at reyna tapos biglang dumating si Calvin na may dalawang walis. Waling tingting siya tapos may mahabang patpat na hawakan.

Ngayon ay hitsurang lalaki na talaga. Talagang push na push na ako sa pagpapanggap ko bilang isang lalaki sa Enchanted Academy.

Malakas na tumawa ang hari at reyna sa aking sinabi.

“Nagkakamali ka, aming lira. Hindi ka magwawalis,” sabi ni Reyna Jadis. “Ang walis na iyan ay ang inyong sasakyan ni Jareth para makarating kayo sa Enchanted Academy!”

Ano daw? So, parang magmumukha kaming mangkukulam ni Jareth?

“Pero kung nais mo naman na magwalis muna dito bago tayo umalis, bakit hindi?” biro naman sa akin ni Jareth habang pigil niya ang kanyang pagtawa.

Pabiro ko siyang inirapan. “Sige lang! Pagtawanan mo lang ako, Jareth. Malay ko ba na ito ang sasakyan natin, 'no! Saka sa mundo na pinanggalingan ko, pang-walis lang talaga ito. Kapag sumakay ka dito ay isa kang mangkukulam!”

“Ngunit nasa Erkalla ka na, Kanika. Dapat ay masanay ka na sa mga mahihiwagang bagay na iyong makikita!”

“O, tama na iyan at baka kayo ay magkapikunan pa…” turan ng reyna.

Nilapitan ako ng hari at reyna upang yakapin. “Kadarating mo lang ngunit aalis ka na naman, Kanika. Kami ng iyong lolo ay masasabik sa iyong pagbabalik…” Malungkot na sabi ni Reyna Jadis.

“Ako rin po. Pero gagawin ko naman ito para sa ating lahi at sa buong Erkalla…” tugon ko.

Matapos nila akong yakapin ay si Jareth naman ang kanilang kinausap.

“Jareth.”

“Mahal na hari?”

“Ikaw na ang bahala sa aming lira. Bantayan mo siya. Huwag mo siyang papabayaan na mapahamak. Gabayan mo siya dahil siya ay bago pa lamang dito sa Erkalla. Ipinagkakatiwala namin sa iyo ang ating hinirang…” ani Haring Davidson.

Yumukod si Jareth sa hari habang nakalagay ang kamay sa dibdib. “Ipinapangako ko po na hindi ko papabayaan ang hinirang. Asahan niyo po iyan!”

“Kanika…” tawag sa akin ni Calvin. Humarap ako sa kanya. “Sana ay maging mahusay kang salamangkero paglabas mo ng Enchanted Academy. Hayaan mo, paglabas mo doon at pagbalik mo dito ay kukwnetuhan kita tungkol sa iyong ama at ina!” Nakangiti niyang sabi.

“Aasahan ko iyan, Calvin!”

“Sige na. Lumisan na kayong dalawa. Basta, 'wag niyong kakalimutan na mag-ingat. At ikaw, Kanika. Ikaw ay isang lalaki. Huwag mong kakalimutan iyan. At sa pagpasok mo sa Enchanted Acaedmy, hindi na ikaw si Kanika. Ikaw na si Kiko!” Paalala sa akin ng hari.

Tumango ako.

Ako ang pumili sa pangalang Kiko bilang pangalan kong panlalaki. Malapit naman kasi sa totoo kong pangalan, 'di ba? Saka para madaling tandaan at bigkasin. Baka kasi kapag mahaba ay malito pa ako. Kailangan din kasi talaga naming mag-ingat dahil hindi biro itong gagawin namin. Para kaming mga daga na pumasok sa isang kulungan na puno ng mga tigre.

Matapos naming makapagpaalam nang maayos sa hari, reyna at kay Calvin ay sumakay na kami sa walis. At talagang malakas akong napasigaw nang lumipad iyon nang pagkataas-taas!

“Jareeeth!!!” Palahaw ko habang nakapikit.

“Huwag kang sumigaw! Baka mataranta sa iyo ang walis at ihulog ka niyan!”

“Anong sabi mo?!” Bigla akong natakot sa sinabi niya.

Kaya kahit natatakot ako ay pinigilan ko ang pagsigaw.

“Biro lamang! Kalamayin mo lamang ang iyong loob. Umupo ka nang maayos. Hindi mo na naman kailangang kontrolin ang walis dahil alam na niyang kung saan tayo dadalhin!”

Huminga ako nang malalim. Wala naman akong fear of heights. Sanay na ako diyan dahil tumutulay ako sa lubid. Ang talagang ikinakatakot ko lang ay baka makabitaw ako at mahulog. Hindi pa naman ako marunong lumipad! Nakakaloka! Paniguradong patay ako nito kapag nahulog ako. Ang taas kaya ng lipad ng walis na sinasakyan namin tapos ang bilis pa. Naluluha-luha na nga ako sa lakas ng hangin na humahampas sa aking mukha. Talaga bang ito lang ang mode of transportation dito sa Erkalla? Wala ba silang bus, LRT o kahit jeep man lang?

“Ang saraaap!!!” hiyaw pa ni Jareth.

Mabuti pa itong si Jareth at nag-e-enjoy sa pagsakay ng walis! Sabagay, sanay na siguro siya. Baka mangkukulam siya sa past life niya kaya ganoon. Ako naman ay hindi talaga! Talaga ngang ang daming nakakalokang bagay dito sa Erkalla. Araw-araw ay nagugulat at namamangha ako sa aking mga nakikita.

“Malapit na tayo! Nakikita mo ba iyong tila malaking palasyo na iyon!” Itinuro niya sa akin ang kanyang tinutukoy.

“Oo! Iyon na ba ang Enchanted Academy?” Medyo lumuwag ang aking pakiramdam dahil sa wakas ay malapit na malapit na pala kami. Nahihilo na rin kasi talaga ako sa pagsakay dito sa walis.

“Hindi pa! Kasunod pa niyan ang Enchanted Academy! Ang palasyong iyan ay ang palasyo ng mga Osoru!” At malakas na tumawa si Jareth.

“Hinayupak ka talaga!” gigil na turan ko.

Talagang trip na trip niya akong pagtrip-an palagi!

Nilampasan namin ang palasyong itinuro niya sa akin. Mga limang minuto pa kaming lumilipad gamit ang wali hanggang sa may matanaw akong isang malaking palasyo. Pero mas malaki iyon sa nauna. Hula ko ay iyon na ang Enchanted Academy. Ang ganda niyang tingnan dito sa itaas. Ang lawak ng kanyang kinalalagyan. Para talaga akong pumasok sa mga fairy tale books dahil sa mga iyon lang ako nakakakita ng mga ganito. O mas tama kong sabihin na para akong pumasok sa pelikulang Harry Potter!

Unti-unting bumaba ang walis hanggang sa maabot na ng paa ko ang lupa. Umiikot na talaga ang paningin ko sa sobrang hilo.

“'Andito na tayo sa--”

Gwark!

Hindi na naituloy pa ni Jareth ang kanyang sasabihin dahil bigla na lang akong napasuka at sa may dibdib pa niya talaga ako sumuka. E, bigla kasi siyang humarap sa akin kaya iyon ang nangyari. Hindi ko naman sinasadya.

“Nakakadiri!” sigaw niya habang maasim ang mukha.

“Pasensiya na!” sabi ko habang pinupunasan ang gilid ng aking bibig gamit ang manggas ng aking suot na damit.

“Bakit mo naman ako sinukahan?!”

“Hindi ko na napigilan, e. Hilong-hilo na ako sa walis na iyan. Ang mabuti pa, pumasok na lang tayo sa loob para naman makapaglinis ka na. Dami mong arte! Suka lang 'yan!” sabi ko sabay irap.

“Mabuti pa nga!”

Bago pumasok ay isiniksik ko muna sa aking isipan na isa akong lalaki at hindi babae.

Pumikit pa talaga ako. Lalaki ako. Lalaki ako. Lalaki ako… paulit-ulit kong sabi sa aking sarili. Bigla akong itinulak ni Jareth. “Aray ko! Bakit ka ba nanunulak diyan?!”

“E, kasi parang matutulog ka na. Nakapikit ka na kasi.”

“Hindi ako matutulog. Nakatayo ako, matutulog? Kinukumbinse ko lang ang sarili ko na ako ay isang lalaki.”

“Ah, sige. Ano na? Tapos ka na ba? Pwede na ba tayong pumasok sa loob para naman makapaglinis na ako?”

“Okay! Tara na!”

Kusang bumukas ang malaking gate ng Enchanted Academy. Amazing talaga!

Habang naglalakad kami ni Jareth papasok ay panay ang linga ko sa aking nadadaanan. Lahat ay bago sa aking paningin. Hindi ko rin maiwasan ang hindi maging emosyonal dahil minsan sa paaralang ito ay nag-aral din ang aking ama at ina. Nakakatuwa lang na mag-aaral din ako ngayon dito.

Ama, ina… Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para maging proud kayo sa akin. Sana po ay gabayan niyo ako sa pakikipagsapalaran ko dito sa Enchanted Academy! Bulong ko habang nakatingin sa kalangitan.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

10.4M 478K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
21M 515K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
11.3M 506K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
61.8M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...