Enchanted Academy (Book 2)

By JoshuaLeeStories

66.5K 1.6K 177

Completed✓✓✓ Sa pagkabuhay ng alteza na si Prosfera ay siya namang pagbagsak ng lahi ng mga salamangkerong pu... More

Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20 & Epilogue

Chapter 06

2K 80 2
By JoshuaLeeStories


CALVIN’S POV

KINABUKASAN ng tanghali ay nasa malaking bulwagan na ng palasyo ang lahat ng babae na may edad na labing pito. Nakaupo ako sa aking trono habang nakatingin sa kanila. May mga kawal na nakapalibot sa mga babaeng iyon. Iba’t ibang emosyon ang aking nababanaag sa kanilang mga mukha. May pagkalito, takot at pagkabahala.

Katulad nila ako din naman ay walang ideya sa kung ano ba ang gagawin sa kanila ng alteza. Hindi pa rin niya kasi sa akin sinasabi ang mga susunod niyang hakbang para hindi matupad ang nakitang propesiya ni Matandang Juva. Kaya sa ngayon ay hindi pa rin ako makagawa ng hakbang o plano para pigilan si Prosfera.

Ilang sandali pa nga ay dumating na si Prosfera. Lahat kami ay yumukod sa kanya.

Pumunta siya sa unahan ng mga babae. Tinawag niya ako at agad akong lumapit sa kanya.

“Ano po iyon, mahal na alteza?” tanong ko.

“Ito na ba ang lahat ng kababaihan dito sa Erkalla na may edad na labing pito?”

“Opo.”

“Sigurado ba kayo?”

“Sigurado po, mahal na alteza. Bawat bahay sa Erkalla ay magdamag na ginalugad ng ating mga kawal para lamang madala dito sa palasyo ang lahat ng kababaihan na may edad na labing pito.”

Tumango-tango si Prosfera. “Mahusay kung ganoon… Ngayon ay isasagawa ko na ang paraan para hindi matupad ang propesiya!” Matalim ang mga mata nito.

Bigla akong kinabahan. “Ano po ba ang gagawin niyo sa kanila?” Nababahala kong tanong.

“Panoorin mo na lang, Haring Calvin!”

Humarap si Prosfera sa lahat ng mga kababaihan. Itinaas nito ang dalawang kamay at pumikit. Umusal ito ng chant na ngayon ko lang narinig. “Veini vidi mutimium!” Isang kulay itim na usok ang lumabas sa buong katawan ni Prosfera. At ang usok na iyon ay pumasok sa lahat ng bibig ng mga babaeng naroon.

Nanlaki ang mga mata ko nang isa-isang bumagsak ang mga kababaihan. Namumula muna ang mga mata nila at parang hindi sila makahinga. Nakikita ko ang ugat sa kanilang mga leeg at halata ang paghihirap sa kanilang mga mukha. Saka sila babagsak na parang wala nang buhay!

Napatayo ako mula sa aking trono. “Alteza Prosfera! Itigil mo iyan!” sigaw ko.

Lumingon siya sa akin at nagimbal ako sa puro itim niyang mata. “Ikaw ang magtigil! Hayaan mo akong wasakin ang propesiya!” Itinuro pa niya ako gamit ang matutulis niyang kuko.

Nang wala nang nakatayo sa mga babae ay saka lang nawala ang usok na lumalabas sa kanyang katawan. Tumawa siya. Isang nakakakilabot na tawa.

“Sa wakas! Hindi na matutupad ang propesiya! Wala nang babae dito sa Erkalla na may edad na labing pito dahil lahat sila ay pinatay ko na!”

“P-pinatay mo sila?”

“Bakit, Haring Calvin? May problema ka ba sa ginawa ko?” tanong niya sa akin.

“Oo! Dahil pumatay ka ng mga inosenteng salamangkero! Hindi alam ng mga pamilya nila na ganito ang gagawin mo sa kanila! Maayos namin silang inimbitahan dito sa palasyo ngunit sila pala ay iyong papatayin lamang!”

“Iyon ay upang maputol ko ang propesiya, ang aking pagkamatay!”

Ikinuyom ko ang aking kamao habang nakayuko. Kung alam ko lang sana na ganito ang kanyang gagawin sa mga babaeng iyon, sana ay natulungan ko sila, sana ay hindi ko na lang sinunod ang utos ng alteza! Napakawala niyang puso! Talagang kayang-kaya niyang pumatay para sa sarili niyang kapakanan. Hindi siya karapat-dapat na maging Diyos ng mga taga-Erkalla. Isa siyang demonyong walang puso!

Marahan kong iniangat ang aking ulo. Tiningnan ko si Prosfera diretso sa kanyang mga mata. “Hindi kita mapapatawad sa ginawa mong pagpatay sa mga babaeng iyan! Wala silang kasalanan sa iyo!” At tuluyan na nga akong napuno. Hindi ko na magagawa pang manhimik na lang at palampasin ang labis na kasamaan ni Prosfera sa mga taga-Erkalla.

Ito na ang tamang oras para siya ay aking labanan. Tama na ang pagtatago ko. Ngayon ay puputulin ko na ang sungay ng pinaka makapangyarihang salamangkerong itim!

“Lapastangan! Ano’t tila ako ay iyong kinakalaban?!” Naging mabalasik ang mukha ni Prosfera.

Isang malaki at matulis na espada ang pinalabas ko sa aking kamay. Walang salita na sinugod ko si Prosfera. Hindi siya naging handa at nasaksak ko siya sa tiyan. Paghugot ko niyon ay umagos sa sugat niya ang kulay itim na dugo. Akmang sasaksakin ko ulit siya pero mabilis siyang nawala sa aking harapan.

Huli na nang maramdaman ko siya sa aking likuran dahil itinarak niya sa aking likuran ang kanyang matutulis na kuko. Itinapon niya ako sa sahig.

Nahihirapan akong tumayo. Ginawa ko nang tungkod ang hawak kong espada.

“Isa kang kahihiyan sa lahi ng mga Osoru! Ano’t kinakalaban mo ako?! Ang dapat sa iyo ay mamatay!”

“Ikaw ang dapat mamatay! Wala kang kasing-sama!” Malakas akong sumigaw at kahit nahihirapan ay sinugod ko pa rin siya.

Isang kulay itim na bolang enerhiya ang binato sa akin ni Prosfera. Natamaan ako sa aking katawan at tumilapon ako palayo sa kanya. Bumagsak ako sa sahig. Susugurin sana ako ng mga kawal pero pinigilan sila ni Prosfera.

“Huwag niyo siyang gagalawin! Hayaan niyong ako ang pumatay sa traydor na iyan!”

“P-papatayin kita!” sigaw ko sa kanya.

“Hindi ikaw ang papatay sa akin. Baka nakakalimutan mo na isang babae na may labing pitong taon ang edad ang papatay sa akin. Iyon nga lang, pinatay ko na silang lahat! At isa pa, ikaw, Calvin, ay tinatanggalan ko na ng kapangyarihan bilang isang hari ng Erkalla!” Pagkasabi niyon ni Prosfera ay biglang nawasak ang aking korona. Nagkapira-piraso iyon at tumapon sa sahig.

Muli akong tumayo. “Talagang hindi ko na nanaisin pa na maging hari ng lahing ito kung puro kasamaan lang naman ang pinapakita mo!”

“Tama na ang satsat! Harapin mo na ang iyong kamatayan!”

Isang malaking bolang enerhiya ang kanyang nilikha. Nang ibabato na niya sa akin iyon ay ipinikit ko ang aking mata at bigla akong naglaho. Pagdilat ko ay nasa aking silid na ako. Nagmamadali akong kumuha ng ilang gamit at hindi ko kinalimutan ang hawla kung saan naroon ang dalawang ibon na aking alaga.

“Calvin!” Nagulat ako sa biglang pagdating ng aking ina.

“Ina!” Binitiwan ko sandali ang aking mga dala at patakbong yumakap sa kanya.

“Ano ang iyong ginawa? Bakit kinalaban mo ang ating alteza?!” Itinulak niya ako at galit na tiningnan.

“Dahil hindi ako pabor sa mga ginagawa niya! Wala siyang kasing sama, ina! Halika, sumama ka na sa akin. Lilisanin na natin ang impyernong palasyo na ito!” Inilahad ko ang aking kamay.

Mariin siyang umiling. “Hindi ako sasama sa iyo! At huwag kang aalis! Harapin mo ang kaparusahan sa iyo ng ating alteza--”

“Ikaw ay tunay nang nabubulagan, ina! Kung ayaw mong sumama sa akin ay ako na lamang ang aalis at hindi niyo ako mapipigilan!” Mariin kong ipinikit ang aking mata at muli akong naglaho…





NAKARATING ako sa bukana ng gubat kung saan alam kong nagtatago ang mga Ligero na nakaligtas sa digmaan noon. Matagal ko nang alam na naroon sila ngunit sinabi ko kay Prosfera na wala doon ang mga Ligero. Naniwala naman siya dahil buo pa ang kayang tiwala sa akin noon. Kaya hindi na nila hinahanap sa gubat na ito ang mga Ligero. Naisip ko kasi na kailangan ko silang proteksyunan dahil makakatulong ko sila pagdating ng araw upang mapabagsak si Prosfera. Ngayon ay pupuntahan ko sila upang sabihin na umaanib na ako sa kanila kahit ako ay isang Osoru. Ang hiling ko lamang ay sana’y pagkatiwalaan nila ako.

Naglakad na ako papasok sa gubat. Mga ilang oras din ang lumipas nang isang tila pader na mga puno ang sumalubong sa akin. Magkakadikit ang mga puno na para bang hindi nila hahayaan na ako ay makadaan doon.

Hinawakan ko ang pader ng mga puno at pumikit. Naramdaman ko na sa kabila ng mga punong iyon ay naroon ang mga Ligero. Ngunit, paano ako makakapasok?

Ah, alam ko na. Ako ay lilipad na lamang.

Leviticus aerum!” Pagkawika ko niyon ay umangat ang aking mga paa mula sa lupa.

Lumipad ako at nang lalampasan ko na ang mga puno ay may tila malakas na pwersang nagtulak sa akin palayo. Tumilapon ako at humampas pa ang aking likod sa isang puno. Sa wari ko ay may inilagay na proteksyon ang mga Ligero sa lugar kung nasaan sila para hindi makapasok ang mga katulad ko.

Kung gayon ay imposible talaga na ako ay makapasok sa lugar ng mga Ligero. Ngunit hindi dapat ako sumuko!

Ipinikit ko ang aking mata at nag-pokus. Sinusubukan kong kausapin sa pamamagitan ng aking isipan ang hari ng mga Ligero na si Davidson. Alam kong buhay siya at ang kanyang reyna dahil ako mismo ang nagpatakas sa kanila mula sa digmaan. Alam nila na ako ay tutol sa muling pagkabuhay ng alteza.

“Haring Davidson… Ikaw ay aking nais makausap… Dinggin mo ako! Ako ay nakikiusap!” Mahinang usal ko.

“Sino ka?”

Ganoon na lang ang aking tuwa nang marinig ko ang tinig ng hari.

“Ako po ito. Si Calvin. Sana ay inyo pa akong natatandaan.”

“Calvin… Bakit ko naman makakalimutan ang Osoru na tumulong sa amin upang makaligtas noon sa digmaan. Ano ang iyong sasabihin? Bakit kailangan mo pa akong kasusapin gamit ang iyong isipan?”

“Tumiwalag na ako sa pamumuno ni Prosfera. Nais ko po sanang umanib sa inyo. Sa ngayon po ay nasa labas ako ng inyong pinagtataguan. Hindi po ako makapasok dahil sa proteksyon na inyong inilagay. Kung maaari po sana ay hayaan niyo akong makapasok.”

Wala na akong narinig pang sagot mula sa hari. Nakita ko na lang na unti-unting nagkaroon ng lagusan mula sa mga puno. Pumasok ako doon at agad naman akong sinalubong ng hari at reyna.

Yumukod ako sa kanila.

“Ikinagagalak namin na ikaw ay aanib na sa aming pwersa laban sa alteza ng mga Osoru, Calvin! Kailangan na kailangan talaga namin ngayon ng dadgdag na pwersa,” sabi sa akin ni Haring Davidson nang nasa loob na kami ng kanyang tahanan.

“Isang karangalan, mahal na hari. Sadyang hindi ko na nagugustuhan ang mga ginagawa ni Prosfera. Ipinapatay niya ang lahat ng batang babae sa Erkalla na may edad na labing pito. Dahil ayon sa propesiya ay isang batang babae na nasa ganoong edad sa ngayon ang papaslang sa kanya sa pagsapit ng babaeng iyon sa edad na labing walo…” Pagkukwento ko.

Tumiim ang bagang ng hari. “Tunay na walang kasing sama ang inyong alteza! Impyerno ang dinala niya sa Erkalla simula nang siya ay muling mabuhay. Alam na rin namin ang tungkol sa tinutukoy mong propesiya. Ngunit, huwag kang mabahala, Calvin. Dahil sinisiguro namin na matutupad ang propesiya na si Prosfera ay mapapatay ng isang batang babae na may edad na labing pito ngayon.” Napamaang ako sa tinuran ng hari.

“A-ano pong ibig niyong sabihin? Paano iyong mangyayari gayong sigurado ako na lahat ng batang babae dito sa Erkalla na nasa ganoong edad ngayon ay pinatay na ni Prosfera. Imposible naman na nasa inyong lahi ang tinutukoy sa propesiya dahil sa pagkakatanda ko ay walang sanggol na babae na nakatakas sa digmaan noon.”

Matipid na ngumit ang hari at reyna.

“Calvin, dahil wala dito sa Erkalla ang tinutukoy sa propesiya. Siya ay nasa mundo ng mga tao!” sagot ng reyna.

“Ano?” Hindi makapaniwalang sambit ko.

“Tama ang reyna, Calvin. Ang batang babae na sinasabi sa propesiya ay nandito na sa aming pangangalaga. Ang totoo niyan ay magkakaroon kami ng maliit na piging para sa pagdating niya. Mamayang gabi iyon gaganapin.”

Sa sinabi ng hari at reyna ay bumangon ang pag-asa sa aking puso. Totoo nga na kailanman hindi magwawagi ang kasamaan laban sa kabutihan. May mga pagkakataon na akala natin panalo na ang dilim ngunit hindi pa pala. Sadyang ang propesiya ay magaganap at walang magagawa si Prosfera para iyon ay pigilan.

“Hindi ko ito inaasahan! Ang buong akala ko ay nasira na ni Prosfera ang propesiya! Mabait pa rin talaga si Bathala sa ating lahat. Ngunit, sino ang batang babaeng iyon?”

“Si Kanika… Siya ang nag-iisang anak nina Helena at Matias.” nakangiting sagot ni Haring Davidson.

“Nagkaroon ng anak sina Helena at Matias?” Hindi makapaniwalang tanong ko.

Simula kasi nang puntahan ko silang dalawa sa mundo ng mga tao para bigyan sila ng babala ay hindi ko na sila nakita pang muli. Iyon na ang naging huli naming pagkikitang tatlo.

Continue Reading

You'll Also Like

137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
639K 31K 78
Growing up in fear of the wicked empire overruling the entire continent, Blaire Everett endures hiding in the arctic southern region with her family...
1.9M 182K 206
Online Game# 2: MILAN X DION
108K 4.9K 39
[Aenriah Girls #1] [COMPLETE] When Ariana asked God to take her away from a dangerous situation, Athanasia seemed to listen to her request. Ariana a...