Enchanted Academy (Book 2)

By JoshuaLeeStories

66.5K 1.6K 177

Completed✓✓✓ Sa pagkabuhay ng alteza na si Prosfera ay siya namang pagbagsak ng lahi ng mga salamangkerong pu... More

Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20 & Epilogue

Chapter 05

2.3K 78 10
By JoshuaLeeStories


KANIKA’S POV

“MALAYO pa ba? Parang kanina pa tayo naglalakad pero wala naman tayong patutunguhan, e,” tanong ko kay Leya. Kanina pa kasi kami naglalakad pero parang wala pa akong nakikitang ibang tao.

“Bakit? Pagod ka na ba?”

“Tinatanong ko kung malayo pa ba? At oo, medyo napapagod na ako. Kung may pakpak lang din sana akong katulad mo, 'di ba? Hindi sana ako mapapagod. Hindi mo pa ako pwedeng bigyan ng pakpak?”

“Hindi ko kayang gawin iyon, Kanika. Hindi mo ba alam na nakakapagod din ikampay ang mga pakpak baka akala mo! Isa pa, huwag kang mag-alala dahil malapit na tayo.”

Sana lang ay totoo ang sinabi ni Leya na malapit na kami sa aming pupuntahan. Aba! Ang sakit na kaya ng paa ko. Naka-tsinelas lang ako. Kung alam ko lang na maglalakad kami sa kagubatan, nagsuot sana ako ng rubber shoes. Hindi naman kasi ako in-inform nitong si Leya.

Hanggang sa huminto kami sa harapan ng dikit-dikit na puno. Dead end na.

“Nandito na tayo!” Masayang wika niya.

Luminga-linga ako sabay kamot sa ulo. “Ha? Seryoso ka ba? Paano tayo makakadaan dito kung may mga nakaharang na puno? 'Wag mong sabihin na pagkakasyahin natin ang mga sarili natin sa puwang ng mga dikit-dikit na puno, ha? Dahil kahit ikaw na maliit na ay hindi kakasya diyan. Ako pa kaya?”

“Masyado kang nanghuhusga agad, Kanika! Ang mundo ng Erkalla ay mahiwaga. Kaya huwag ka nang magugulat sa iyong makikita. Lalong-lalo na ang mga nilalang dito ay may kapangyarihan. Baka manibago ka!”

Sa sinabing iyon ni Leya ay may naalala ako sa aking nakaraan. Ang totoo kasi niyan ay hindi na bago sa akin ang makakita ng mahika. Noong bata kasi ako, siguro pitong taon pa lamang ako noon, may isang batang lalaki akong nakilala na unang nagpakita sa akin ng totoong salamangka…

Mag-isa lang akong nagpunta sa ilog. Kakatapos lang ng bagyo kaya malakas ang agos ng tubig. Magandang magpaanod ng bangkang papel. Marami akong ginawang bangkang papel at isa-isa ko iyong pinaanod sa ilog. Sinusundan ko ang mga iyon hanggang sa tuluyan na silang lamunin ng tubig.

Ngunit ang huling bangkang papel ko ay sumabit sa sanga ng nakatumbang puno sa ilog. Gusto ko sana na umandar pa iyon kaya naman kumuha ako ng patpat at sinundot ang bangka. Sa kasamaang-palad ay nadulas ako at nahulog sa ilog. Inanod ako. Hindi ako makasigaw dahil sa nilalamon ako ng tubig.

Takot na takot ako. Ang akala ko ay katapusan ko na nang makita kong hahampas ako sa malaki at matulis na bato pero hindi nangyari iyon. Bigla akong umangat mula sa tubig. Namangha ako nang makita kong binabalot ako ng kulay asul na liwanag. Nakita ko na isang batang lalaki na kakaiba ang kasuotan ang nakataas ang dalawang kamay at nakatapat sa akin. Umiilaw din kulay asul ang kanyang mga kamay at tila ba siya ang kumokontrol sa akin.

Maingat at dahan-dahan niya akong ibinaba sa lupa malapit sa kanya.

“Sa susunod mag-iingat ka, bata! Muntik ka nang mamatay dahil sa hindi mo pag-iingat!” sabi niya sa akin.

“Ikaw ba ang may gawa niyon?” Imbes na matakot ay tanong ko pa sa kanya. Sunud-sunod siyang tumango. “Wow! Magic! Ang galing!” Napapalakpak pa ako.

“Magic? Ano iyon?”

“Power. Kapangyarihan! Magician ka ba? O anak ka ng magician? Turuan mo naman ako, o!”

“Hindi ko masyadong maintindihan ang sinasbi mo.”

“Ay! Muntik ko nang makalimutan. Salamat nga pala, ha. Niligtas mo ako. Ako nga pala si Kanika. Ikaw, anong pangalan mo?” Inilahad ko ang aking kamay pero tiningnan niya lang iyon. Nang mangalay ako ay ibinaba ko na lang ulit. Wala pala siyang balak makipag-shake hands sa akin.

“Hindi ko pwedeng sabihin ang pangalan ko.”

“Bakit?”

“Basta. Hindi pwede. Hindi naman ako taga-rito, e.”

“Ah. Saang baranggay ka ba? Teka, gusto mo bang maglaro tayo?”

Imbes na sumagot ang batang lalaki ay hinawakan niya ang aking braso. “Ano iyan?” Itinuro niya ang balat ko sa aking braso malapit sa aking kaliwang balikat. Hugis pakpak iyon ng isang ibon.

“Birth mark ko daw iyan sabi ng aking ninang. Hugis wings, 'di ba?”

“Palatandaan?”

“Ganoon na nga!”

“Akala ko ay nasugatan ka sa ilog. Mabuti naman at hindi.”

“Ano? Maglalaro na ba tayo?”

“Hindi pwede. Uuwi na ako sa aking mundo.” Pagkasabi niyon ng bata ay bigla na lang siyang naglaho sa aking paningin.

Ikwenento ko iyon kay Ninang Nimfa pero hindi niya ako pinaniwalaan. Ang sabi niya ay hindi iyon totoo. Imahinasyon ko lang daw iyon. Likha lang daw ng malikot kong isip dahil nga sa bata ako. Pero kahit bata pa ako noon, alam ko sa sarili ko na hindi iyon likha lamang ng aking imagination. Totoo iyon. Kaya hindi na rin masyadong bago sa akin ang mga taong mayroong magic o kapangyarihan. Siguro magugulat na lang ako kung mas intense pa sa ipinakita ng batang iyon sa akin ang makikita ko dito sa Erkalla.

“O, bakit ka nakangiti diyan ng mag-isa?” usisa sa akin ni Leya.

Hindi ko na pala namalayan na kanina pa ako nakangiti. “Wala. May naalala lamang ako sa aking nakaraan. Isang batang lalaki kasi ang nagligtas sa akin noon at ginamitan niya ako ng kanyang mahika. Hindi kaya taga-rito sa Erkalla ang batang iyon?” tanong ko.

“Maaari naman. May kakayahan naman kami na makatawid sa inyong mundo gamit ang puting kristal. Ano? Handa ka na bang makita ang lahing iyong pinagmulan?”

“Alam mo, hindi ko alam kung paano mo--”

“Veira selez!” malakas na sigaw ni Leya.

Biglang umuga ang lupa. Gumalaw ang mga puno at gumawa iyon ng lagusan para makapasok kami. Napanganga ako dahil hindi ko iyon inaasahan. Hindi na naman ako in-inform ni Leya na gumagalaw pala ang mga punong ito!

“Iyan ang pinto papunta sa lihim na lugar ng mga Ligero! Tara na, Kanika!”

Nauna na si Leya sa pagpasok sa lagusan. Ako naman ay namamangha pa rin habang pumapasok doon. Nang tuluyan na akong nasa loob ay muling gumalaw ang mga puno at nawala na ang lagusan. “Wow… m-magic!” Hindi pa rin ako makapaniwala sa aking nakita.

Sa mga fantasy movie ko lang nakikita ang mga ito. Malay ko ba na totoo at posible ang mga bagay na napapanood ko dito sa Erkalla.

Pagharap ko ay may nakita akong maliit na parang village. May mangilan-ngilan na bahay na simple lang ang yari. May mga tao na naglalakad at kung ano pang ginagawa. Kahalintulad lang din sila ng tao sa mundo ng mga tao. Walang pinagkaiba. Iba nga lang ang mga damit nila. Makakapal ang tela na parang ang init suotin. Hindi ba sila binabanas sa mga suot nila?

“Sumunod ka sa akin, Kanika! Ipapakilala na kita sa hari at reyna!”

“O-okay…” Nakanganga kong sagot.

Habang nakasunod ako kay Leya ay panay ang tingin ko sa aking paligid. Pinagtitinginan ako ng bawat madaanan ko. Parang alam nila na bagong salta ako sa kanilang lugar.

Isang malaking bahay na may malaking pinto ang pinasok namin ni Leya. Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa pinapupo niya ako sa isang upuan. Salas yata ito. Puro upuan, e. Iyon nga lang, walang entertainment showcase.

“Maupo ka muna diyan, Kanika. Tatawagin ko lamang ang hari at reyna! Magagalak sila kapag nakita ka nila!”

Lumipad si Leya pataas sa ikalawang palapag ng bahay na iyon. Pare-parehas ang hitsura ng mga bahay dito. Parang yari sa makapal na semento tapos ang bubong ay parang pinatigas na putik. Basta, para akong nasa mundo ng fairy tale. Feeling ko tuloy ay ako si Cinderella o kaya naman ay si Snow White!

Ilang sandali lang ay may nakita akong isang lalaki at isang babae na pababa ng hagdan. Magara ang kanilang kasuotan kumpara sa mga taong nakita ko sa labas. Nasa unahan nila si Leya na nauna na sa paglapit sa akin.

Huminto sila sa harapan ko habang ako ay tumayo na rin.

“Haring Davidson, Reyna Jadis… malugod ko pong ipinapakilala sa inyo ang hinirang-- si Kanika!” Pagpapakilala ni Leya sa akin sa dalawang iyon. “Kanika, sila naman ang hari at reyna ng Ligero.”

Napansin na na parang naluha ang dalawa nang makita ako.

“M-maaari ba kitang mayakap, aking lira?” sabi ni Reyna Jadis at ibinuka niya ang kanyang mga braso.

“Lira?” takang-tanong ko.

“Dito sa Erkalla, ang tawag sa apong babae ay lira,” nakangiting paliwanag ni Leya sa akin.

“A-apo niyo ako? Kayo po ang ina at ama ng aking…” Ibinitin ko ang aking sasabihin. Hindi kasi ako sigurado kung sila ba ang ina at ama ng aking nanay o tatay.

“Kami ang ina at ama ng iyong ama-- si Matias!”

“Lola! Lola!” Sa sobrang saya ko ay napasugod na ako ng yakap sa kanilang dalawa.

Sabik na sabik kasi ako sa tunay na kamag-anak. Tapos, heto pa at kaharap ko na sa wakas ang pinagmulan ng aking lahi.

Tuwang-tuwa naman ang hari at reyna. Niyakap din nila ako nang mahigpit.

“Patawrin mo kami kung hindi maganda ang pagdating mo dito. Kung hindi sana nakuha ng Osoru ang Erkalla ay magkakaroon sana tayo ng engrandeng pagsalubong para sa iyo…” ani ng reyna. Pinagmasdan niya ang aking mukha. “Tingnan mo, Davidson, nakuha niya ang mangasul-ngasul na mata ng ating si Matias. Tunay ngang ikaw siya ang supling ng ating namayapang anak!”

“Tama ka, Jadis… Ngunit ang ganda niya ay nakuha niya kay Helena. Kapwa sila mukhang mga anghel sa kalangitan!” sabi naman ng aking lolong hari.

Naku! At binola pa ako ng dalawang ito. Sabagay, sino pa ba ang magbobolahan kundi kaming magkakadugo, 'di ba?

“Maraming salamat nga pala sa iyo, Leya, dahil ligtas mong dinala dito sa amin ang aming lira…” turan ng reyna sa lambana.

Dumapo si Leya sa aking balikat sabay yukod. “Isang karangalan po ang mapaglingkuran kayo, mahal na reyna at hari…”

“Oo nga pala, Kanika, si Leya ang magiging gabay mo dito sa Erkalla. Siya ang magpapaliwanag sa mga bagay na hindi mo naiintindihan. Mabait siya at maaasahan.”

“Salamat po. Mukhang kailangan ko po talaga ang gabay ni Leya. Medyo naninibago pa po kasi ako dito sa mundong ito. Ang dami kong nakikita na nakakamangha!”

“Wala pa iyan. Kapag pumasok ka na sa Enchanted Academy ay mas marami ka pang makikitang nakakamangha!” sambit ni Haring Davidson.

“Enchanted Academy? Ano po iyon? Paaralan?”

Hinawakan ng reyna ang dalawa kong kamay. “Mamaya na namin ipapaliwanag sa iyo kung ano ang Enchanted Academy. Sa ngayon ay nais ka muna naming ipakilala sa lahat ng salamangkerong puti na narito! Halika ka, aking lira…” Hinila ako ng reyna papunta sa ikalawang palapag. Nakasunod naman sa amin sina Leya at Haring Davidson.

Pumunta kami sa terrace at mula doon ay kitang-kita ko ang lahat ng nakatira sa lugar na iyon. Pati na ang kanilang mga bahay.

“Magandang araw sa inyong lahat!” Malakas na sigaw ng hari. “Maaari ko bang mahiram nang sandali ang inyong atensiyon?”

Lahat ay tinangala kami.

“Nais kong ipakilala sa inyong lahat si Kanika-- ang nag-iisang hinirang! Siya ang batang babae na tinutukoy ni Oscar sa nakita niyang propesiya. Si Kanika ay ang aming apo na anak ni Matias. Siya ang magsasalba sa ating lahat at magbabalik sa dating Erkalla!” Itinaas ni Haring Davidson ang kanang kamay ko.

Nagpalakpakan naman ang lahat habang nakatingin sa akin.

“Ah, thank you. Salamat sa inyong lahat…” Hindi magkandatuto kong sabi.

“Sa wakas! Dumating na ang ating hinirang!” sigaw ng isang babae.

“Nalalapit na ang pagbagsak ng malulupit na mga Osoru!” Nagsigawan ang lahat.

“Mamayang gabi ay magkakaroon tayo ng simplenmg piging. Lahat kayo ay imbitado! Maaari na kayong bumalik sa inyong mga ginagawa!” turan ng hari.

May ganoon talaga?

Teka, hindi ba’t ito ang gusto ko noon pa? Ang makapaglingkod sa mga tao. 'Eto na iyon. Ang katuparan ng aking matagal nang pangarap. Hindi nga lang sa mga tao ako maglilingkod kundi sa mga kalahi kong salamangkero. Pero keri na iyon. Magpapaka-choosy pa ba ako? Makakapaglingkod na ako sa mga kalahi ko, maipaghihiganti ko pa ang kamtayan ng aking mga magulang.

Hindi na ako makapaghintay na makapaharap ko si Prosfera at ang mga Osoru!

Continue Reading

You'll Also Like

414K 1.1K 200
Isang seksing artista at napakagandang si Ysla Paraiso ang nagbakasyon sakay ng isang cruise ship, ngunit nagbago ang lahat nang mapadpad sila sa isa...
5.5M 275K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
48.2K 2.6K 36
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.
11.2M 504K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...