Karl's Point of View
Kanina pa akong 6 am nagising.. Alam kong nakabihis na nun si Lexi dahil nakita ko siyang nagpeprepare na for school..
Hindi muna ako lumabas ng kwarto ko at hinintay siyang makaalis..
Tinawagan ko yung dalawa kong chicks na hintayin ako sa may restau malapit sa tinitirahan namin..
Sumakay na ako ng black lambourghini at sinundo yung dalawa kong chicks..
Hndi ko na sila pinagbuksan ng pinto dahil hindi ako gentleman.. Magdusa sila..
Pinaandar ko na yung kotse at naabutan ko si Lexi na nakasakay sa motor niya..
Tsk tsk hetong babaeng nerd na toh, hindi man lang naisipang magsuot ng helmet?
Paano kung madisgrasya siya? Paano kung masaktan siya?
Wait.. What am I thinking?
Syempre inisip ko yun kasi ako malalagot sa mga magulang nya kapag may nangyari sakanyang masama.. Oo tama!
Nakita kong sumenyas siya na pwede akong mag overtake..
Napasmirk ako.. Hindi muna ako sumunod..
Bibiglain ko ang nerd na toh..
Bigla akong nag overtake at nakita kong muntik na syang madisgrasya..
Tumawa naman yung mga chicks ko..
"Stop laughing!" Sigaw ko.. Tumigil naman sila agad.
Tumingin ako sa rear view mirror ko at hindi naman siya nadisgrasya.. Thank God..
Narinig kong bumusina siya ng napakalakas..
Natawa naman ako kasi halatang galit na galit siya..
Nag signal light ako at umandar ng napakabilis.. Hinahamon ko siya.. Mukhang nagets naman niya at pinaandar niya rin ng mabilis ang motor niya..
And wow! Nalampasan niya ako! She's good in driving, pero ang nakakatakot eh wala siyang helmet. Baka madisgrasya siya..
Hindi ako concerned ah! I'm just stating the fact!
Nagpark na siya at nag park na rin ako sa tabi ng motor niya..
Nakita kong nanlaki yung mga mata niya nung nakita niya ako.. Psh gwapo ko kasi..
"Eyow! Lexi honey!" Tawag ko sakanya at bumaba ng kotse..
Nag bow siya sakin pero nakita ko namang tinarayan niya ako.. She's so cute kapag nagtataray siya hahaha..
Lumapit na sakin yung mga chicks ko at inakbayan ko silang dalawa..
Lumapit kami kay Lexi at ngumiti ako sakanya.. Yung gwapo kong ngiti..
"Hey Lex--"
Hindi ko natuloy yung sasabihin ko dahil sumulpot agad siya...
"Halika nga dito! Mag uusap tayo! Teka lang mga hipon ha? Kausapin ko lang ang alimango niyo!" Sigaw ni Lexi sa chicks ko at hinila niya ako palayo sakanila.. Wait.. Alimango?
Magsasalita na sana ako kaso sumigaw yung isa kong chicks.. "Hey! What did you just call us?!"
"Sabi ko hipon! Bingi ba kayo o bulag? Di nyo makita sarili nyo?" Sarkastikong sabi ni Lexi habang hinihila ako.. Napangisi naman ako sa mga sinasabi niya..
"Eh ikaw nga nerd! Ang pangit mo pumorma! Jeans and tshirt? What a loser!"
Napatingin naman ako sa suot ni Lexi.. Oo nga, ang pangit niya pumorma..
"Hindi kasi ako tulad ninyo na kapag tumuwad kayo makikita na ang gubat nyo! Wag nyo nga ako kausapin! Nakakadiri kayo! Chupii! Alis!" Sigaw pa ni Lexi habang nag hahand gesture..
Mas lalo akong napangiti ng malapad.. Napaghahalataan na kasi toh si Lexi eh.. Hahahaha
"Oh? Bakit mukha ka nang aso jan?" Tanong ni Lexi.
Ngumiti ako ng mapang asar.. "Jealous?"
"AYSHATTAP! Heto tatandaan mo rude boy ha.. Nasa iisang school tayo at ayokong malaman ng iba na alam mo na.. Kunwari hindi tayo magkakilala.. Arasso?" Bulong niya sakin..
"Woah~ Easy there nerd.. Ganyan din yung naisip ko kaso sumulpot ka eh.." Oo nga kasi selos ka sa mga chicks ko! Hahahaha iba ka kasi sakanila..
"Asa ka boy! Ikaw kaya yung tumawag sakin ng 'Eyow! Lexi honey!' Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo at kilabutan ka sa mga babae mo!"
"Nakalimutan mo na ba yung sinabi ko sayo? Na walang pakialaman ng buhay?" Naiinis kong tanong.
"Naalala ko pa yan kahit na di mo sabihin, di pa rin kita papakelaman.. Kaso nga lang, kung pipili ka ng chicks dapat yung matino! Ge na! Papasok na ko! Babye master hipon!" Nag bow siya sakin at ngumiti..
What did she call me? MASTER HIPON?!
Naglakad na siya palayo pero sumigaw pa rin ako.. "Freaking nerd girl!"
Pero hindi niya na ako nilingon..
Pinulupot nanaman ulit ng mga chicks ko yung mga kamay nila sa braso ko..
"Babe, who was that nerd?"
"Do you know her?"
"NO." Sagot ko at dumiretso na sa classroom namin..
"Wait for us babe!"
Pagbukas ko ng pinto ng classroom, nakita ko si Lexi.. Classmate ko siya?
Hinila ko ulit yung mga chicks ko at inakbayan ko papasok sa room..
Napatingin naman sakin si Lexi na kunot ang noo.
Hahahaha she's jealous alright..
Buong umaga nakikipagtawanan lang ako sa mga chicks ko.. Hindi naman kami pinapagalitan ng prof dahil kilala na akong playboy sa school na toh..
Sumusulyap sulyap ako kay Lexi pero hindi siya tumitingin sakin..
Hindi na ba effective yung powers ko na pangpaselos sakanya?
Nakatitig na ako sakanya pero hindi pa rin siya sumusulyap sakin..
Ugh I give up! Umupo na ako ng maayos at nag cross arms..
Sinabihan ko na yung mga chicks ko na tumigil na sa kakatawa..
---
Lunch break na at nakita ko si Lexi na mag isang kumakain sa cafeteria..
Wala ba siyang kaibigan dito?
Naisipan kong doon nalang kami uupo ng mga chicks ko sa table niya..
"Mind if we sit here?" Sabi ko..
Hindi siya sumagot bagkos tinignan niya ako ng may blankong ekspresyon.
"Babe.. Wag na tayo dito.. Nakakadiri ang mga nerd eh.." Sabi ng isang chicks ko.. Sumagot rin yung isa at sumang ayon..
"Mandiri kayo sa sarili nyo.. Wag sakin.. Ubod kayo ng landi.. Mga hipon pa.. Imbis na mag aral puro landi ang atupag.. Mabuntis sana kayo at mabaog.." Sabi ni Lexi habang nakatuon sa kinakain niya..
Woah~ I didn't expect that she will stab my chicks like that!
Napasinghap naman yung mga chicks ko at sinabunutan si Lexi..
At first, hindi ko muna sila pinigilan..
Pero nakita kong maluha luha na si Lexi..
Lalapit na sana ako kaso naalala ko yung sinabi namin sa isa't isa na walang pakialaman ng buhay..
Nahulog yung glasses niya at mangiyak iyak na sya..
Sigaw siya ng sigaw at yung mga nananabunot sakanya ay puro mura ang linalabas ng kanilang bibig..
Nakita kong tumulo na yung luha niya at tumingin siya sakin..
Parang sinasabi ng mga mata niya na kailangan niya ng tulong..
Naglakad ako ng isang step pero tumigil naman kaagad ako..
No, hindi ko dapat siya tulungan.. Kaya niya yan.. Nasagot niya nga yung dalawa kanina eh..
Tumigil na yung dalawa sa kakasabunot at nagsalita.. "Yan lang ang dapat sayo nerd! You're a loser! Di hamak na walang magkakagusto sayo kasi ang pangit pangit mo!"
Mas lalo siyang naiyak.. Bakit parang nanlalambot ako kapag nakikita ko siyang umiiyak?
"Ano naman kung nerd ako? Ano naman kung loser ako? Ano bang problema niyo sakin at ginaganito nyo ako? Dahil sa nerd at pangit ako may karapatan na kayong saktan ako?! Wala kayong karapatan! Wala! Makarma sana kayong mga hipon kayo! Dapat sainyo niluluto na at ginigisa para mamatay na kayo!" Sigaw ni Lexi habang umiiyak..
Natawa naman yung mga tao sa cafeteria except sakin..
Nabigla ako ng sipain nung dalawa sa sikmura si Lexi..
"Aaaack!" Singhal niya habang namimilipit sa sakit..
Sisipa pa sana sila ulit nang pigilan ko sila..
"Tama na yan.."
Pero may narinig pa akong lalaking nagsalita sa tabi ko.. "That's enough.." Tinignan ko siya.. Sino naman tong taong ito na basta basta nalang sumusulpot?!
"B-but babe! Sapat lang yan sakanya!" Reklamo nung isa saakin.. Hindi ako sumagot..
Lalapit na sana ako kay Lexi ng maunahan ako nung lalaki..
Binuhat siya nito.. bridal style at umalis yung lalaki habang buhat buhat si Lexi..
Napako ako sa kinatatayuan ko..
Napatingin ako sa sahig at nakita ko yung glasses ni Lexi..
Pinulot ko iyon at tinignan..
Dapat ako yung lumigtas sakanya.. Dapat hindi ko siya hinayaang masaktan ng ibang tao..
---
Vote and Comment please!