SCHOOL OF DEATH

By annlovinpeach

11.1K 310 21

SCHOOL OF DEATH [COMPLETED] Horror, Suspense, Fiction and Romance By:@annlovinpeach More

INTRODUCTION
CHAPTER 1: First Death
CHAPTER 2: TEXT MESSAGE
CHAPTER 3: BLOODY FRIDAY
Chapter 4: THE FACULTIES
CHAPTER 5: THE BLACK BOOK
CHAPTER 7: LETTER FOR BLAKE
CHAPTER 8: ESCAPING
CHAPTER 9: THE REVELATION
CHAPTER 10: UNKNOWN NUMBER
CHAPTER 11: GHOST
CHAPTER 12: THE REVELATION PART 2
CHAPTER 13: HER TWIN SISTER
CHAPTER 14: THE TRUTH
CHAPTER 15: PANGANIB
CHAPTER 16: TRAP
CHAPTER 17: MISSING KYLA
CHAPTER 18: THE TRAITOR
CHAPTER 19: TEARS
CHAPTER 20: THE REALIZATION OF YUHAN
CHAPTER 21: BROKEN FRIENDSHIP
CHAPTER 22: THE ANTI HYPNOTISM
CHAPTER 23: THE UNEXPECTED FRIENDSHIP
CHAPTER 24: THE REAL REASON
CHAPTER 25: BLAKE VS. YUHAN
CHAPTER 26: SANYA VS. JESSNA
CHAPTER 27: DEATH
CHAPTER 28: HINAGPIS
CHAPTER 29: HIS POINT OF VIEW
CHAPTER 30: THE HISTORY
CHAPTER 31: SAVING KYLA
CHAPTER 32: ANG PAGSABOG
THE FINAL CHAPTER

CHAPTER 6: LIVING LIKE A HELL

430 15 2
By annlovinpeach

Kyla's POV:

Nagising ako dahil sa malakas na tunog galing sa baba. Tinignan ko yung alarm clock saka tinapon sa kama.

"Aiiish ano ba yan! 3:15am?"

Bumalik ako sa pagkakahiga pero isang malakas na tunog ulit ang nanggaling sa baba.

"Sino yan?" Sigaw ko pero walang sumasagot.

H..Hindi kaya, yung t..taong sumaksak sa akin ang nandito?

Natatakot ako. Ako lang mag isa sa bahay kaya sobrang takot ang nararamdaman ko ngayon.

Dali dali kong kinuha ang gunting ko sa bag. Saka bumaba ng kwarto ko.

"Sino yan?!" Sigaw ko ulit pero wala pa ring sumasagot

Dahan dahan akong pumunta sa kusina dahil doon nanggagaling ang kakaibang tunog.

"Ooouch!"

Aray ang sakit -_- nadulas kasi ako. Pero teka.. Kinapa ko yung basa na nasa sahig na dahilan kung bakit ako nadulas. Tinignan ko ng mabuti ang mga kamay ko.

Nabitawan ko agad ang gunting dahil sa sobrang takot ko.

"A..ano to? B..bakit may d..dugo"

Nakakatakot. Kinakabahan ako. Paanong nagkadugo dito?

Napansin ko rin ang mga dugong yapak sa sahig. Sinundan ko ang mga ito hanggang sa nakapunta ako sa kwarto ni Keisha. Ang aking kapatid.

Huminto ang mga dugong yapak sa malaking salamin ng kapatid ko.

Dahan dahan kung inangat ang mga tingin ko papuntang salamin saka..

"AHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!"

Sigaw ko. Nanginginig ako sa takot. Sobrang takot. Pagharap ko sa salamin ay may nakita ako sa likod ko.

Si Ayen. Duguan siya. Sobrang dami ng dugo sa katawan niya. Yung mukha niya, nababalutan ng napakaraming dugo. Umiiyak din siya ng dugo. Yung leeg niya... Mayroong hiwa. Napakalaking hiwa.

Hindi ako makagalaw. Parang naparalize ata yung katawan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nakatingin siya sa akin. Wari'y humihingi ng tulong.

Nasa ganun akong sitwasyon ng bigla akong natumba dahil may humila sa mga paa ko.

"AHHHHHHH!!!! TULOOOOONG!!!" Sigaw ko.

Hinihila ako ng babaeng mahaba ang buhok palabas ng kwarto ni Keisha. Duguan din ang mga kamay niya. Nakakatakot siya.

Iyak ako ng iyak. Sumisigaw ng tulong pero wala atang nakakarinig sa akin.

Hila siya ng hila sa akin pero agad naman akong nakakapit sa may lamesa ng kapatid ko.

Nag pupumiglas ako sa pagkakahawak niya sa mga paa ko.

"TULOOOOOONG!!!!" Sigaw ko

Nagulat din ulit ako ng hinawakan ni Ayen ang Kamay ko. Tulad ng babaeng mahaba ang buhok, duguan din ang kamay ni Ayen kaya nagkaroon din ng mga dugo ang mga kamay ko.

Ayoko na! Please! Tulungan niyo ako!

Pagmamakaawa ko sa aking isip.

Biglang pumatay sindi ang ilaw. Hanggang sa tuluyan na itong pumatay, kasabay ng pagkawala ko ng malay.

********

Nagising ako sa sinag ng araw na nag mumula sa bintana ng kapatid ko.

"Anong nangyari?"

Tanong ko habang hawak hawak ang ulo kong sobrang sakit.

Nang maalala ko na ang nangyari, agad kong tinignan ang mga kamay at paa ko.

"Paanong.. Hindi kaya panaginip lang yun? Pero kung panaginip lang yun, paano ako napunta sa kwarto ni Keisha?"

Ni isang bahid kasi ng dugo, eh wala akong makita. Dali dali naman akong tumayo saka lumabas sa kwarto ng kapatid ko. Nilock ko ito saka patakbo akong pumunta sa kwarto ko.

"Ano ba yun? Panaginip lang? Arrrrgh"

sinabunutan ko nalang ang mga buhok ko sa sobrang lito.

********

Third Person's POV:

Nasa study area ang daddy niya ng tuloy tuloy siyang pumasok sa pintuan nito.

"At kailan ka pa nawalan ng manners?" Tanong ng daddy niya sa kanya

"Anong ibig sabihin nito dad?! Ano tong nabalitaan ko na sa School na titira ang mga 4th year? Ano to? Tatanggalan niyo sila ng Freedom?!" Sigaw niya sa kanyang ama.

"No. Nag aalala lang ako sa kanila. They are graduating students. Masyado silang magala. Kung nasa school lang sila, hindi sila mapapahamak. And every Sunday naman pwede silang umuwi sa kanikanilang bahay. But they need to go back on Monday morning." Paliwanag sa kanya ng kanyang ama

"Kahit na Dad! Hindi parin yan tama! Anong klaseng patakaran ng School na yan?! Anong klaseng Principal ka huh?!" Sigaw niya ulit

"Shut up! You're just my Son! Hayaan mo nalang ako gaya ng hinahayaan kitang itago yang identity mo sa School!" Sigaw din sa kanya ng kanyang ama.

"Sige, hahayaan kita sa gusto mo. Pero wag na wag mong gagalawin mga kaibigan ko."

Lalabas na sana siya ng may naalala siyang itanong sa daddy niya.

"Teka nga pala. M..may kinalaman ka ba sa nangyari kay Kyla?" Tanong niya

"What do you mean?" Maang na tanong ng kanyang ama.

"Titanic Poison. Sayo nanggaling yun diba?" Pagpapatuloy niya

"Wala ka na ngang galang sa akin, pagbibintangan mo pa ako? Yan ba ang nakuha mong ugali sa mommy mo?!!" Sigaw sa kanya

"Ano ba dad! Wag mong idamay si Mama dito! At kapag nalaman kong may kinalaman ka nga sa nangyari sa kaibigan ko, hinding hindi kita mapapatawad. -_-"

Saka niya tinalikuran ang kanyang ama.

Lalabas na sana siya ng pintuan ng marinig niyang sinabi ng kanyang ama..

"Layuan mo yung babaeng yun." Daddy niya habang nagbabasa ng libro

"No. I'll never leave her." Smirk niyang sagot saka tuluyang nilisan ang study room.

********

Kyla's POV:

"Kylaaaa? Yuhoooo?" Jess

"Jess nandito ako!"

Kaway ko sa kanya mula sa taas. Nasa baba kasi siya. Umakyat naman agad siya at niyakap ako.

"Ano ka ba! Haha ang higpit naman ng yakap mo!"

Sobrang higpit kasi ng yakap niya. Parang baliw lang.

"Namiss kasi kita eh. Ano? Naka empake ka na?" Tanong niya sa akin.

"Ah oo. Teka kukunin ko lang sa kwarto ang gamit ko. :)"

"Sige. :)" Jess

Kinuha ko na ang maleta ko. Saka lumabas ng kwarto.

"Tara na?"

"Haay. So doon na talaga tayo titira?" Jess

"Ewan. Okay na rin siguro to kaysa mag isa ako dito sa bahay. N..nakakatakot kasi.."

"Ano ka ba! Panaginip mo lang yun noh! Hindi totoo ang mga multo!" Jess

Kwenento ko kasi sa kanya ang nangyari kagabi. Pero hindi siya naniniwala sa akin.

"Sana nga."

"Wag mo nang isipin yun. Tara na sa labas, baka hinihintay na tayo ni Yuhan." Jess

Nandito si Yuhan?

"Talaga? Nandito siya?" Tanong ko sa kanya.

"Yiieee.. Namumula siya. Hahaha oo. Sa car niya nalang daw tayo sumakay. So halika na."

Hila sa akin ni Jessna. Pag labas namin ng bahay, nasa labas na nga si Yuhan. Ang gwapo niya.

Ayy ano ba tong iniisip ko! Aiiish!!!

"Ang tagal niyo naman! Haha tara na?" Yuhan

Sumakay na nga kami sa kotse niya. Nasa backset si Jessna at nasa frontset naman ako katabi si Yuhan.

"Ah Yuhan, Salamat pala sa pagligtas sa akin nung may nagtangkang pumatay sa akin. :)"

Hindi pa kasi ako nakakapapasalamat sa kanya simula nung magising ako.

"Ah.. Ky, yung totoo kas.." Yuhan

"Haay Naku Ky! Buti nalang talaga nakita ka agad ni Yuhan, kundi nakuuu! Ewan nalang!!" Jess

Alam ko naman eh. Kaya sobrang thankful ako sa kanya.

"Salamat talaga. :)" pagpapasalamat ko sa kanya.

"H..huh? Ah wala yun. Hehe" Yuhan

Mayamaya ay nakarating na nga kami sa School. Bababa na sana ako ng kotse ng mahulog ang phone ko.

Huh? 1 text message?

Inopen ko yung message at again, nabasa ko naman yung text sa akin last time.

From: Unknown Number

Don't Trust Anyone

Aiiish! Sino ba kasi to?! I always trying to call this number but it's always useless. Hindi kasi sumasagot!

"Ky? Usong bumaba ng Car. Haha" Jess

Ayy oo nga pala. Nasa loob pa pala ako. Tsk tsk. Bumaba na nga ako saka sabay sabay kaming pumasok sa loob ng gate.

Haay so dito kami titira within 6months? Psh.

Agad kaming dumeretso ni Jessna sa aming dorm. Magkaiba ang dorm ng babae at lalaki. Buti nalang magkasama kami ni Jess sa iisang kwarto.

"Dorm 307 ba tayo Ky?" Jess

"Ah Yes. Dorm 307 daw. Tara?"

Pagbukas namin ng kwarto eh bigla akong nagulat. Nagulat sa dalawang taong nakatayo sa harap namin.

"Sanya? Kristine? Anong ginagawa niyo dito?" Tanong sa kanila ni Jessna

"Well, according to Ms.Lopez 1room, 4people. So, I think, we're roommates?" Sanya

"Buhay ka pa pala?" Nabigla ako sa tanong sa akin ni Kristine.

"H-huh? Ah.. O-oo."

"Sayang naman. Bakit nabuhay ka pa? Haay nabuhay ka nga, namatay naman si Ivy. How sad right?" Kristine

What? A..anong?

"Pwede ba Kristine! Kagagaling lang ni Ky sa Hospital. Wag muna.." Jess

"Wait! What do you mean? Ivy? Ivy Castro? W..wala na siya? P..paano?" Tanong ko sa kanya

"Sabi nila namatay si Ivy because of you." Sanya

"Isa ka pa Sanya eh! No Ky, it wasn't your fault. She died because of heart attack. I visited her once. Okay na daw siya sabi ng mga Doctor. But because of her poor heart, inataki siya. That's all!" Jess

"Whatever! Psh." Kristine Sabay flip ng hair at umalis ng Kwarto.

"Hey! Alis muna ako. Wag kayong magkalat huh! Kundi patay kayo sa akin! Sige bye!" Sanya saka nilinisan din ang kwarto

"Jess, bakit hindi mo sa akin sinabi na wala na pala si Ivy?" Tanong ko sa kanya.

"'Cause I don't want you to worry! I know close kayo ni Ivy because she's the first person na pumansin sayo rito. Diba?" Jess

"Kahit na Jess! Dapat sinabi mo parin sa akin."

"Sorry." Jess

Aiiish kung sinabi niya agad sa akin edi sana napuntahan ko agad si Ivy.

Ivy is one of my close friend here. Kaya nashock talaga ako sa balitang yun.

"Saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni Jessna

Hindi ko siya pinansin saka tuloy tuloy na lumabas ng kwarto.

Habang paakyat ako papuntang rooftop, nakasalubong ko ang isa sa nakakatakot na guro sa school namin. Si Mr.Lorenzo

"Oh! Nakaligtas ka?" Mr.Lorenzo

"H-ho? A..eh opo."

Nakakatakot talaga siya. Bukod sa sobrang estrikto niya, nakakatakot pa ang hitsura niya. Malaking Mata, mataba at matangkad na lalaki.

"Sa susunod, mag iingat ka na eha. Baka hindi ka na makakaligtas sa susunod. I'm just saying this as you're Humanities teacher." Sir

Hindi ko alam pero kinabahan ako sa sinabi niya.

"Hala, sige. Mauna na ako sayo." Sir saka tuluyan akong iniwan.

Dumeretso nalang ako parooftop kaysa isipin ang kanyang mga sinabi.

Lumapit ako sa dulo saka linanghap ang hangin.

"Keish? Nandito ka ba? Nandito na si Ate." Pinahid ko ang mga luha ko.

"Keish.. Hanggang ngayon.. (Sniff) h-hindi ko parin matanggap n-na wala k-kana."

Tuloy tuloy parin ang pag agos ng aking mga luha.

"W-wag kang mag alala. G-gagawin ko ang lahat, mahanap lang ang taong gumawa nun sayo."

Huhu Keish :'( pinahid ko ang mga luha ko at inayos ang sarili. Babalik na sana ako nang nabigla ako dahil pagharap ko..

"S-sino ka?"

Tanong ko sa lalaking kaharap ko. All black siya. Matangkad at may dalang..

"Teka, bawal manigarilyo dito!" Sabi ko sa kanya.

"PSH. As if may nakakakita sakin."

Sino ba tong lalaking to? Hindi siya familiar sa akin.

"Isusumbong kita."

Tatalikuran ko na sana siya kasu kinabahan ako sa sinabi niya.

"Don't trust anyone."

"T-teka.. I-ikaw ba yung nagtetext sa akin palagi?"

Tanong ko sa kanya. Naalala ko kasi yung text sakin nung unknown number.

"Huh? What the hell are you talking about? I never texted you. I don't even know you. I just said that because the teachers here looks like mysterious."

"TSS. Sino ka ba kasi?!" Tanong ko sa kanya.

"I'm.."

Hindi niya natuloy ang sinasabi niya dahil biglang dumating si Yuhan.

"Tobby! Nand... Ky? Anong ginagawa mo dito?" Yuhan

Magkakilala sila?

"Magkakilala kayo?" Tanong ko kay Yuhan.

"Huh? Ah oo. Kaibigan ko siya. Exchange student siya ng north. Si Tobby Choi. Ah Tobby, kaibigan ko pala. Kyla. Kyla Padilla." Yuhan

Tinapon nung tobby yung sigarilyo niya saka tinapakan.

"Hindi ako nakikipagkilala sa mga babae." Tobby saka tuluyang umalis.

As if naman gusto ko ding makipagkilala sa kanya.

"Wag mo nang pansinin yun. Ganyan lang talaga yun. Tara na sa baba. Hinihintay na tayo ni Ma'am Lazaro." Yuhan

"Huh? Bakit daw?"

Bakit naman kaya? Naalala ko tuloy yung sinabi niya sa akin nung ininterview niya ako about Ayen's death.

Flashback:

"Alam kong may tinatago ka Kyla." Ms.Lazaro

Huh? A-alam niya bang n-nasa akin ang mga libro ni Ayen?

"Anong ibig niyo pong sabihin?"

"Kung ano man yang tinatago mo, keet it as a secret." Ms.Lazaro

"Uhm.."

Gusto ko sanang sabihin sa kanya pero.. Mapagkakatiwalaan ba siya?

End Of Flashback

"Tara na, samahan kita." Yuhan

Magkasama nga kami ni Yuhan papunta sa office ni Maam Lazaro. Habang naglalakad kami nakasalubong namin si Blake.

Teka.. May gusto pala akong itanong sa kanya.

Nilapitan ko siya. Magsasalita palang sana ako ng bigla siyang umiwas.

Huh? Anong problema nun? Gusto ko sana siyang tanungin about Kay Keish eh.

"May kailangan ka ba kay Blake?" Yuhan

"Huh? Ah wala naman."

******

"Pinapatawag niyo daw po ako ma'am?"

"Ah yes. Okay ka na ba?" Maam Lazaro

Ano to? Pinatawag niya lang ako para mangumusta?

"Okay na po ako ma'am."

"Good to hear that. Anyway, marami kang na mis na lesson. But don't worry pwede ka pang humabol." Ma'am

Ayos. Buti naman kung ganun.

"Ah.. Ma'am, alam niyo na po ba kung paano n-nakarating dito ang kapatid ko?"

Tanong ko sa kanya. Until now kasi, hindi ko parin maintindihan kung paano namatay ang kapatid ko. Kung sino ang pumatay sa kanya, at kung bakit dito siya namatay sa School namin.

Ganun din kay Ayen. Hindi parin sa akin malinaw ang pagkamatay niya. At anong meron sa libro niya at nawawala ang isang page. Mesteryo ang lahat sa akin.

"Uhm.. I'm so sorry pero hanggang ngayon hindi parin namin alam kung paano." Ma'am

"Ah ganun po ba?"

"Pero wag kang mag alala eha, gagawin namin ang lahat managot lang ang gumawa nito sa kapatid mo." Ma'am

Sana nga. Sana nga.

"Sige na Ms.Padilla. pwede ka nang lumabas." Ma'am

Lumabas na nga ako ng Office ni Ma'am Lazaro. So, pinapunta niya lang talaga ako para kumustahin? Haaay sa tingin ko si Ma'am lang atang may concern sakin dito. Napabuntong hininga na lamang ako.

Pag labas ko ng office, wala si Yuhan.

Huh? Nasaan naman kaya yun? Sabi niya hihintayin niya ako dito. Psh. Nag lakad lakad na lamang ako hanggang sa inabot na ako ng gabi.

Habang nag lalakad ako ay may isang familiar na tao akong nakita.

Huh? Si Jack ba yun?

"Jack!! Jack!!" Sigaw ko sa kanya.

Agad naman siyang lumingon.

"Ate Ky?" Jack

He's Jack Rey Villa. Classmate siya ng kapatid ko. At ano naman kayang ginagawa niya dito?

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Pinuntahan ko kasi yung daddy ko dito. Kumusta ka na? Okay ka na ba?" Jack

"Yes, i'm fine. :)"

"A sige Ate Ky, mauna na muna ako sayo. Hahanapin ko pa pinsan ko eh." Jack

Pinsan? May pinsan siya dito?

"Sige sige. Ingat ka."

Nagpaalam na nga siya sa akin. Napaisip naman ako kung sino ang tinutukoy niyang pinsan. Sino kaya? Dapat tinanong ko nalang siya kanina. Buti pa, bumalik nalang ako sa Dorm baka hinihintay na ako ni Jes.

Paakyat na sana ako sa kwarto namin ng makasalubong ko si Kristine kasama ang kanyang mga kaibigan.

"Saan kayo pupunta? Gabi na ah?"

Kahit papaano naman nag aalala rin naman ako sa kanila.

"And so? Psh. By the way, nakita mo ba si Yuhan?" Kristine

"Wala. Bakit?"

"Nothing. Lets go girls." Kristine

Saan naman kaya sila pupunta? Haay makaakyat na nga.

Pagpasok ko sa kwarto, wala ni isang tao. Nasaan sila? Mag sosorry pa naman sana ako kay Jess. Tsk.

"Booogsh!!!"

Nagulat ako sa tunog na nagmula sa Cr. May tao ba?

"Jess? Ikaw ba yan?" Sigaw ko pero walang sumasagot.

"Sanya?"

Sigaw ko ulit pero wala paring sumasagot. Kaya nilapitan ko nalamang para tignan.

"Ayy? Wala namang tao. M-minumulto nanaman ba ako?"

Tanong ko sa aking sarili. Bigla akong kinilabutan kaya nagmadali akong lumabas ng kwarto.

Saan naman ako pupunta? Dumeretso na lamang ako sa Canteen para kumain. Nagugutom na ako eh.

Pagdating ko sa canteen, wala ni isang katao tao. Nasaan sila? Bakit walang mga tao? Lumabas nalamang ako.

Pag labas ko ng Canteen, wala ulit akong nakikita ni isang tao. Nasaan sila? Pati si Yuhan di ko makita.

Nagbuntong hininga nalang ako saka tumingin sa langit. Wow. Ang laki laki ngayon ng buwan at ang liwaliwanag.

Habang nakatingin ako sa buwan ay laking gulat ko dahil nag iba ang kulay nito. Bigla itong naging kulay red orange. Parang apoy. Bigla ding dumilim ang langit.

Uulan kaya? Nagulat ulit ako ng biglang kumulog at kumidlat. Saka biglang may lumiwanag sa pinakalikod ng lumang building.

May lumang building kasi sa school namin. At ewan ko ba, wala ata silang balak ayusin o iparenovate yan. Dahil sa curiousity, eh pinuntahan ko ang liwanag na nagmumula sa likod ng lumang building.

Nang makarating na ako, laking gulat ko sa aking nakita.

"Ahh...mmmnm!!! Mmmm!!!"

Sisigaw na sana ako ng biglang may tumakip sa aking bibig dahilan para hindi ako nakasigaw.

"Shhhh. Wag kang maingay kung ayaw mong madamay." Lalaking tumakip sa aking bibig.

Sobrang takot na takot ako. Pinagmasdan lang namin ang ginagawa ng mga nakapang blackhood. Nakakatakot ang kanilang ginagawa. Napakadami nila at nakapang maskara silang lahat.

Pinapalibutan nila ang isang circle. Nakadagdag sa takot ko ng makita kong may isang babaeng nakawhite ang pilit na hinihila papunta sa loob ng circle.

"Dala mo ba ang phone mo?" Tanong sa akin ng lalaki.

"Mmmm.. Mmmm.."

"Ano? Hindi kita maintindihan." Siya

Paano mo ako maintindihan kung hanggang ngayon nasa bibig ko parin ang kamay mo.

Nang mukhang nagets niya na yung ibig kong sabihin, saka niya na ako binitawan.

Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil masyadong madilim.

"S-sino ka?" Pabulong na tanong ko sa kanya.

"Ang sabi ko, kung may dala ka bang phone." Man

Phone? Aiiish naiwan ko sa kwarto.

"W-wala."

"Aiiish. Kailangan natin makunan ang ginagawa nila."

Bumalik ang tingin ko sa mga nakapang hood.

Maya maya, pilit na sumisigaw ang babae.

T-teka? Friend yun ni Sanya ah. Missy? Tama! Si Missy nga! Kailangan ko siyang iligtas!

"Saan ka pupunta?!" Pabulong na sigaw niya sa akin.

Hinwakan niya ang braso ko para pigilan ako.

"Kailangan kong iligtas si Missy!"

"Sira ka ba? Gusto mo bang mamatay?! Pag ginawa mo yan, mapapahamak ka lang."

"Ahhhhh!!!!!!"

Sabay kaming napalingon ng kasama ko kay Missy.

Napatakip ako ng bibig sa sobrang gulat. Hiniwa nila ang leeg ni Missy. Tinipun nila ang dugo saka ibinuhos sa isang maliit na rebulto. Hindi ko masyadong makita ang hugis pero halatang rebulto iyun.

Nagsiluhudan silang lahat saka itinaas nung isang nakahood ang rebultong may dalawang sungay saka may sinabing hindi ko maintindihan.

"So ito pala ang sinasabi nila? Living like a Hell. Dito sa pesteng school na to." Lalaking kasama ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko sa kanya.

"Wag kang magpapadala. Tatagan mo ang loob mo. Wag kang magtiwala kahit kanino. Kailangan mong makasurvive dito." Siya

Hindi ko siya maintindihan. Sino ba talaga siya?

"Ano ba kasi talagang nangyayari dito?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Naghihiwa hiwalay na sila. Bilis! Umalis ka na! Bumalik ka na sa kwarto mo! Dali!" Saka niya ako tinulak.

Mabilis naman akong tumakbo papuntang dorm. Agad agad kung binuksan ang pinto.

Hingal na hingal akong nilock ito.

"K-Ky? Are you okay?"

"OhGod!!! Jess?

Nagulat ako dahil biglang nagsalita si Jessna. Akala ko kasi walang tao.

Agad ko naman siyang nilapitan at niyakap.

"Ky? Okay ka lang ba? Anong nangyari?"

Tanong ni Jessna na may halong pagtataka at pag aalala.

Umiyak na lamang ako saka mahigpit siyang niyakap. Natatakot ako. Anong mangyayari sa amin dito? Anong ibig sabihin ng nakita namin kanina? Ano naman kaya ang ginagawa nila?

Humiwalay ako sa pagkakayakap kay Jessna.

"Kanina kas.."

Sasabihin ko sana ang nangyari kanina, Kaya lang naalala ko ang sinabi sakin nung lalaki kanina.

FLASHBACK:

"So ito pala ang sinasabi nila? Living like a Hell. Dito sa pesteng school na to." Lalaking kasama ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko sa kanya.

"Wag kang magpapadala. Tatagan mo ang loob mo. Wag kang magtiwala kahit kanino. Kailangan mong makasurvive dito." Siya

END OF FLASHBACK

"Ano yun Ky?" Jess

"Huh? Ah gusto ko sanang mag sorry tungkol sa nangyari kanina."

"Ano ka ba! Wala yun. Mabuti pa, matulog na tayo. Inaantok na ako eh." Jess

"B-buti pa nga siguro. Good night Jess."

"Good night Ky."

Pumunta muna ako sa CR para maghilamos. Saka dumeretso sa aking kama.

Ano kayang ginagawa nila kanina? Inalay ba nila si Missy? Para saan? Para sa rebultong yun? At sino naman kaya yung lalaking yun? Bakit ang lakas ng loob ko na kilala ko siya? Aiiish. Sa sobrang dami ng iniisip ko, hindi ko namamalayan na unti unti na akong nakatulog.

*********

Yaaay. Tapos na po yung Chapter 6! Nagustuhan niyo ba? Mayroon na ba kayong hint kung sino yung lalaking kasama kanina ni Kyla? At another victim nanaman ang nangyari. Tsk tsk. Makakasurvive kaya si Kyla sa pinasukan niyang School? Well, tignan natin. ^^

Ps. Vote and comment naman po, para ganahan akong magsulat. Thank you :*

******

Next Chapter: Letter for Blake

Continue Reading

You'll Also Like

73.7K 2.8K 200
"..." Kushida. Oh, She realised that even Ichinose Honami, cut her off like a lizard's tale, not that important. Just like that straight girl, Horik...
91.8M 2.9M 134
He was so close, his breath hit my lips. His eyes darted from my eyes to my lips. I stared intently, awaiting his next move. His lips fell near my ea...
49.5K 2K 16
Book 2 of the π•±π–Žπ–Œπ–π–™π–ˆπ–‘π–šπ–‡ series {Duology} 𖀓 π•Ύπ–”π–’π–Š π–’π–Šπ–’π–”π–—π–Žπ–Šπ–˜ π–“π–Šπ–›π–Šπ–— π–‘π–Šπ–†π–›π–Š π–žπ–”π–šπ–— π–‡π–”π–“π–Šπ–˜. π•Ώπ–π–Šπ–ž π–‡π–Šπ–ˆπ–”π–’π–Š 𝖕𝖆�...
55.3M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...