Ang Syota Kong Astig! (Publis...

By Sweetmagnolia

24M 406K 101K

This is the second book of ANG ALALAY KONG ASTIG. A continuation of the love story of the most eligible billi... More

ANG SYOTA KONG ASTIG!
Prologue
[1]BLAKE'S DAY
[2] GIRLFRIEND ON DUTY
[3] MEET MY WOMAN
[4] RECIPE OF HAPPY HEARTS
[5] LIFE AFTER NEW JERSEY
[6] BREAKING PROMISES
[7] HIDE AND SEEK
[8] TAMED GIRL GONE FIERCE AGAIN
[9] SELF-REFLECTION
[10] THINGS TO DEAL
[11] THE RETURN OF A FRIEND
[12] GIRLS NIGHT OUT
[13] THE ART OF WHITE LIES
[14] GIRLFRIENDS CONSPIRACY
[15] WOMEN AROUND HIM
[16] TRUST AND NEGLIGENCE
[17] PARTIALLY DEVOTED TO YOU
[18] WHEN THINGS GO RIGHT AND WRONG
[19] He's Into Her
[20] I Know It All
[21] The Past That Haunts
[22] A Whole New Fight
[23] Facing the Tiger's Eye
[24] Bad Rescue
[25] The Lost Love of the Lost Soul
[26] His Fragile Heart
[27] One Step Away From Pain
[28] The Unlikely Encounter
[29] New Rules for the Old Role
[30] Into Her Realm
[31] A Day of Bizarre Love Expression
[32] Digging Inside Her Heart
[33] The Untouchable Ex
[34] Room for Temptations
[35] The Divine Story
[36] Unbeatable Hearts
[37] The Flavors of Love
[38] The Discoveries
[39] She Wants It Back
[40] Her Own Move
[41] The Root of All Evil part 1
[41] The Root of All Evil (Part 2)
[42] The Best Part of the Day (Final)

Epilogue

661K 15.2K 4K
By Sweetmagnolia

                                         *****

"Hon, huwag na lang nating ilagay yang picture frame na yan," salita ni Alex.

Natigilan si Blake na noon ay nasa ibabaw ng step ladder at napatingin sa asawang nakatingala sa kanya habang hinahaplos-haplos nito ang bilog na bilog ng tiyan. Pinagpapawisan na siya sa maya't mayang pagsunod sa utos nito.

"Bakit?"

"Ayoko ng kulay. Medyo nangingibabaw masyado ang blue. Ayokong mabahiran ng kahit konting panlalaking taste ang kuwarto ng magiging baby girl natin."

Nanghina bigla si Blake. Nakakailang akyat-baba na siya sa kakasabit sa larawan sa kung saan-saang pwesto tapos ipapatanggal lang pala.

"What's wrong with that color? Lagyan naman natin ng kaunting variety itong kuwarto. Lahat pink and purple na lang ang nandidito and besides it's a baby blue so not really that boyish," kumbinsi niya.

"Ah basta ayoko pa rin! Tanggalin mo yan!" pagmamatigas ng misis.

Wala siyang nagawa kundi sundin ang buntis na asawa. Bumaba siya ng hagdan bitbit ang malaking frame. Hinihingal na inilapag niya ito sa sahig at agad na nagpunas ng pawis habang si Alex ay inililibot pa rin ang mga paningin sa kuwarto na halatang naghahanap pa rin ng aayusin. Lahat na ata ng mga gamit sa nasabing silid ay nabuhat niya na dahil sa ginagawang pagre-rearrange ng asawa.

"Hon, ilipat mo yung crib sa kabilang side ng kama," utos na naman nito.

Uminom muna siya ng tubig at saka muling sumunod. "Hon madami pa bang aayusin?" di na nakatiis na tanong niya habang buhat-buhat ang crib.

"Hmmm..." iginala ni Alex ang mga mata. "Wala na, last na yan."

Nakahinga ng kaunti si Blake. Magtatatlong oras na silang nag-aayos ng kuwarto dahil sa pabago-bagong desisyon ng misis. Hindi lang siya makapagreklamo dahil itong huling buwan ng pagbubuntis nito ay nagiging masyado na itong madamdamin.

"Finally, we're done!" nakangiting ika niya matapos ilipat ang kuna.

Lumapit sa kanya si Alex at malambing na pinunasan siya ng pawis. Ngunit biglang nagbago ang hilatsa ng mukha nito nang mapansin ang frame na nakasabit sa tabi ng crib.

"Huh?May picture pala ng naglalaro ng basketball."

Muling kinabahan si Blake. "It's a picture of a happy family and it's a common scene that the father and son are playing basketball while the mother and daughter are picking flowers," paliwanag niya habang tinitingnan ang picture frame.

"Tanggalin mo yan diyan. Pagpalitin mo nung painting na nasa kabilang dingding."

Napakagat sa labi si Blake at huminga ng malalim. Hindi biro ang laki at bigat ng painting na pinapalipat sa kanya. Pagod na pagod na siya kaya't medyo napipikon na rin sa asawa. "I don't see any problem in that picture," nagtitimping tugon niya nang may pilit na ngiti.

Tiningnan siya ng masama ni Alex. "Katabi ng crib ng baby natin yan tapos ang nakikita niya naglalaro ng basketball," pairap na sagot nito.

"What's the big deal about that picture as if makakaapekto yan sa paglaki ng anak natin."

Tumingin si Alex sa tiyan at hinimas-himas ito. "Ayaw kong maliit pa lang ay naeexpose na ang anak natin sa mga panlalaking bagay. Gusto kong lumaki siyang babaeng-babae."

"Hon, we're going to have a baby girl. If she's a girl then she'll grow up as one. Anong kinalaman ng mga boyish color or pictures tungkol diyan?"

Simangot na hinarap ni Alex ang mister. "Eh paano kung magaya siya sa akin? Maliit pa lang ako ay na-expose na ako sa mga panlalaking bagay dahil kay lolo, kaya ayan tuloy lumaki akong puro panlalaki ang interes. Ayokong matulad sa akin ang magiging anak natin."

Simula nang magbuntis, unti-unting naunawaan ni Alex ang ina kung bakit galit na galit ito sa pagpupulis niya. Ngayong magkakaanak na siya at kahit nasa tiyan niya pa lamang ito'y punum-puno na siya ng pangarap para sa bata. Kung papaano ito palalakihin, aalagaan at poprotektahan. Gusto niyang lumaki itong mabait at magandang bata. Hinding-hindi siya papayag na may manakit dito kaya naman lubusan ang pananalangin niya na sana'y huwag itong magmana sa kanya.

"You were exposed in an actual boyish activities that's why you grew up that way which will not happen to our daughter. So stop worrying over a picture and a color, okay?" paliwanag ni Blake hanggang sa unti-unting kumunot ang noo niya. "And by the way, what's wrong with being boyish? Nakalimutan mo na bang I fell in love with you because of that type of personality?"

"Walang mali pero iba pa rin kung lumaking normal na babae ang anak natin," katwiran ni Alex. "Teka nga muna kanina ka pa nahahalata yang pagrarason mo. Siguro ayaw mo lang sundin yung utos ko."

Bumuntong hininga si blake at pagod na namewang. "To be honest wifey, kanina pa ako napapagod. I told you to get an interior designer for this room para mas mainterpret ng mabuti yang gusto mo."

"Ano ka ba? Para sa anak natin to kaya dapat tayong mga magulang ang personal na nag-aayos nito."

"I know pero ilang beses na natin tong inayos but there's always something that you're not satisfied with," napapakamot sa batok na sambit ni Blake.

Tumaas ang isang kilay ni Alex at nagtatampong tumingin sa asawa. "Kung ayaw mong sumunod, pwes ako ang gagawa!"

Agad na naalarma si Blake at mabilis na pinigilan ang misis na inuumpisahan na sanang hilahin ang step ladder. "Ako na! Ako na! Nagbibiro lang ako. Pwede ba namang hindi ko sundin ang mahal ko," biglang lambing niya.

"Napipilitan ka lang ata eh," may tampong sagot ng asawa.

"Ako mapipilitan? Ano ka ba naman eh sabi mo nga this is for our baby," masiglang sagot ni Blake. "But before I carry that painting, give me an energizer first," sabay turo niya sa pisngi.

Saka lamang ngumiti si Alex at lumapit sa naglalambing na lalaki para bigyan ito ng isang halik. Ngingiti-ngiting pinanood niya ang mister habang muli itong umaakyat ng hagdan upang pagbigyan ang gusto niya ngunit maya-maya lamang ay nakaramdam siya ng pananakit ng balakang. Hanggang sa tila may basang bagay na tumulo sa kanyang mga hita. Napahawak siya sa balakang at nang yumuko siya'y may tubig nga sa kanyang paanan.

"B-Blake.....m-manganganak na ata ako."

Katulong ni Blake ang isang maid at ang driver sa pagsugod kay Alex sa hospital. Wala ng bihis-bihis na naganap dahil sa sobrang pagkataranta. Nakapambahay lang na dumating sila sa hospital at doon ay naabutan na nilang naghihintay ang buong pamilya ni Alex at si Don Henry na nag-aabang sa entrance. Isinakay si Alex sa stretcher at sumunod naman agad si Blake sa asawa habang tinutulak ng mga nurses patungo sa loob ng hospital.

Napapakagat sa mga labi si Alex habang maya't mayang bumubuga ng hinga. Kanina niya pa tinitiis ang sakit ngunit habang tumatagal lalo itong tumitindi hanggang sa hindi niya na napigilan ang sarili na huwag mag-ingay nang binabaybay na nila ang pasilyo patungo sa delivery room.

"TANGINA ANG SAKIIIIITTTT!!!!!"napapamurang sigaw niya. "BLAKE TULUNGAN MO AKO!!! HUWAG KANG AALIS SA TABI KO!!!" 

"Yes Hon andito lang ako. I won't leave your side," natatarantang sagot ni Blake habang hinahawakan ng mahigpit ang palad ng asawa.

Bumuntot din sa stretcher si Ginang Sylvia.

"MA ANG SAKIT!!!HINDI KO ATA KAYA TO!!! TULUNGAN NIYO AKO!"

Hinawakan ng ginang ang kabilang kamay ng anak. "Kaya mo yan anak, inhale exhale lang. Inhale...exhale, inhale...exhale," namumutla sa nerbyos na paggabay ng ina.

"Wooh!Woooh! Ang sakit talaga! MAAAAAA! HINDI KO KAYA!"

"Huwag kang OA! Kung tama nga ng bala nakayanan mo, yan pa kayang panganganak! I-ere mo lang yan!" biglang pagalit ng ina ngunit kitang-kitang mas tila kinakabahan pa ito kesa sa manganganak.

"BLAKE KUNG ALAM KO LANG NA GANITO TO KASAKIT!!! TANDAAN MO HINDING-HINDI KA NA MAKAKAULIT! HUMANDA KA PAGKATAPOS NITO PIPILIPITIN KO YANG KAMAY MO!!!!! ANG SAKIT SAKIIIIT!!!!"

                 -----

Nakatulog si Alex matapos pagdaanan ang hirap ng panganganak. At nang magmulat siya ng mga mata'y mukha agad ng asawa ang dumungaw sa kanya.

"How are you Hon?" puno ng pag-aalalang tanong nito habang hinahaplos-haplos ang buhok niya at mahigpit na nakahawak sa palad niya.

Iginala niya ang mga paningin. Nasa loob na siya ng private room ng hospital at silang dalawa lang ni Blake ang naroroon.

"Are you still in pain?" tanong ulit ni Blake.

Umiling si Alex at ngumiti. "Hindi na.... N-Nasaan ang baby natin?"

"She's in the nursery," may ngiting sagot ni Blake.

"K-Kumusta siya?"

"She's healthy...and just like you, she's beautiful," puno ng damdaming sagot ni Blake sabay halik sa noo ng bagong panganak na asawa at mas lalong hinigpitan pa ang pagkakahawak sa palad nito.

"Gusto ko na siyang makita."

"Don't worry dadalhin na siya dito ng mga nurses."

"Nasaan sina Mama?"

"Andun silang lahat sa nursery. They're all looking at the windows. It seems that they're more excited than us," tatawa-tawang sagot ni Blake.

Nagkatitigan ang mag-asawa at ngumiti si Alex. Hinaplos niya ang pisngi ng lalaki at sinuklay ng kamay ang buhok nito. "Mukhang pagod na pagod ka na. Gusto mo bang umidlip muna't magpahinga?"

"Don't worry about me. You're the one who's in pain right now. Besides, I can't afford to take a rest hanggang hindi ako sure na okay ka."

"Salamat...Sorry kanina ha, ang ingay ko. Nakakahiya."

"No big deal. Kaunti lang naman ang pinagkaiba nun sa bahay," biro ng lalaki.

Kinurot ni Alex ang mister. "Uhm loko-loko. Kelan pa ako naging maingay sa bahay?"

Natawa si Blake. "Uhm minsan lang naman... like every morning, noontime and sometimes even at bedtime."

"Kunyari ka pa pero hindi naman kumpleto ang araw mo pag hindi naririnig ang boses ko," nakairap na wika ng babae.

"I'm not complaining. Do I sound like I'm complaining? Bakit naman ako magrereklamo sa tanging bagay na nagbibigay buhay sa bahay....But wifey, I have one concern about what you said earlier?"

"Ano yun?"

"You're not being serious when you said na hindi na ako makakaulit, right?" bulong ni Blake nang may pilyong ngiti.

Biglang sumakit ang balakang ni Alex. "Ahhh aray. Blake kapapanganak ko lang, pwede bang huwag na muna nating pag-usapan yan," nakangiwi ngunit natatawang sagot niya.

"But you said we're going to make a big family."

Natigil ang dalawa sa paglalambingan nang dumating ang nurse karga ang bagong silang na sanggol. Sabay na napangiti ang mag-asawa. Inalalayan ni Blake sa pag-upo sa higaan ang misis. Iniunat ni Alex ang mga kamay nang puno ng pananabik na makarga't masilayan ang anak.

"Ang baby ko--"

Subalit siya namang biglang pagsulpot ng buong pamilya. Kinuha agad ni Sylvia ang sanggol sa nurse.

"Ang cute-cute naman ng apo ko! Tingnan mo honey parang ang laki ng hawig niya sa akin," walang pagsidlan ng kaligayahang wika ng ginang sa mister habang nakatitig sa bata.

"I think her looks is more of Blake," prangkang sagot ni ginoong Lauro.

Inismiran muna ng ginang ang asawa at saka muling nilambing ang bata. "Baby, aalagaan kang mabuti ni lola."

"Can I carry my grandchild too?" wika naman ni General Valdemor.

Ibinigay ng ginang ang sanggol sa matanda. "Dahan-dahan Papa baka mabalian si baby," paalala nito.

"I'm happy that finally may laruan na rin kami sa bahay," pahayag naman ni Don Henry habang tinutunghayan ang bata.

Pinagpasa-pasahan ng buong pamilya ang sanggol habang si Alex ay nanatiling nakaunat ang mga kamay at nakanganga. Hindi makapagsalitang pinapanood niya ang mga ito habang nagkakagulo sa bata. Wala man lang ni isang nakaalalang kumustahin siya.

"Oh my god. Ang ganda ng pamangkin ko. Finally magkakaroon na rin ng beauty queen sa pamilya natin. Titiyakin kong magkakakorona ka paglaki mo!" may kalambutang wika ni Dennis habang karga-karga ang bata.

"Dennis Valdemor!" matigas na tawag ni General Valdemor. "Umayos ka kung ayaw mong pagapangin ulit kita sa ilalim ng barbwire. Kahit na umamin ka na tungkol diyan sa pagkatao mo, hindi pa rin ako sumusuko na gawin kang isang tunay na lalaki kaya't huwag kang lalambot-lambot sa harap ko!"

Mabilis na tumikhim si Dennis at umayos ng tayo. "Ang ganda mo baby," lalaking-lalaki at bilog na bilog ang boses na pagkakasabi nito.

"Ah kung hindi niyo masasamain....pwede bang makita ko naman ang anak ko?" malumanay na pagkakasabi ni Alex.

Saka lamang napatingin sa direksiyon ng mag-asawa ang buong pamilya.

"Ay nandyan ka pala!" komento ni Dennis.

"Okay lang ba na ako naman ang magkarga sa bata? Kung hindi nakakahiya," sarkastikong sambit ni Alex.

"Sure!" may kalambutan ulit na wika ni Dennis ngunit nang makitang nakatingin ulit sa kanya ng masama ang lolo ay agad siyang tumikhim. "S-Sure," sabay bigay sa bata sa ina nito.

Parang mabibingi si Alex sa lakas ng kabog ng dibdib habang inaabot sa kanya ang bata. At nang mahawakan niya na ito ay unti-unting dumungaw ang luha sa kanyang mga mata. Parang may isang anghel na dumikit sa kanyang dibdib. Hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman. Nakalimutan niya lahat ng sakit at hirap na dinanas sa panganganak. Kahit paulit niyang maranasan yun ay titiisin niya kung ganito naman kasarap sa pakiramdam na makita ang batang iniluwal niya.

Nagmulat ang sanggol at bahagyang ngumiti na tila alam na ang ina ang kumakarga sa kanya. Lumabas ang magkabilaang biloy nito sa pisngi. Napakagandang bata. Maputi, makapal ang buhok, matangos ang ilong, itim na itim ang bilog ng mga mata at maganda ang hugis ng mapupulang labi.

"Hon, kamukhang-kamukha mo nga," bigkas ni Alex habang tinitingnan ang asawa't anak upang pagkumparahin ang dalawa.

Ngumiti si Blake na noon ay parang nakalutang din sa ulap sa saya habang pinagmamasdan ang kanyang mag-ina. "She looks like you too."

"Baby kamukhang-kamukha ka ng Daddy," nakangiting sabi ni Alex sa sanggol sabay halik dito.

"Teka, ano nga pala ang pangalan ng apo ko?" tanong ni Sylvia.

"Cassandra Marlene," sagot ni Blake.

"Maganda. Pwede bang ako ang magbigay ng nickname?" sabat ni Dennis. "Anong gusto niyo? Cass, Cassie, Sandra o Sandy?"

Naistorbo ang pag-uusap ng lahat nang biglang dumating sina Margareth at James kasama ang mag-iisang taong gulang na anak na lalaki. Karga ni Margareth ang anak samantalang may bitbit namang lobo at mga bulaklak si James.

"Nasan ang pamangkin ko?!" di makapaghintay na bungad agad ni Margareth kahit nasa pinto pa lamang.

Dali-dali itong lumapit sa bata at ni hindi man lamang kinumusta muna ang kaibigan.

"Woah! Ang gandang bata!" namimilog ang mga matang ika nito. "Baby Harry look. You have a little sister already," masayang sabi nito sa anak.

Inilapag naman ni James sa mesa ang mga dala-dala at pagkuwa'y nilapitan si Blake. "Congrats pare!"

"Thank you," nakangiting tugon ni Blake.

"Teka lang! Tamang-tama kumpleto na ang casting!" bulalas ni Dennis na ikinagulat ng lahat. "Nurse pwede bang kunan mo kami ng litrato?" sabay abot nito sa cellphone.

"Yes Doc."

Pumuwesto ang nurse sa unahan ng kama at nagsitayuan ang lahat sa bandang likuran ng higaan. Bakas sa mukha ng bawat isa ang tuwa't saya. Naupo naman si Blake sa kama para tabihan ang kanyang mag-ina. Nang nakangiti na ang lahat ay saka humanda ang nurse sa pagkuha ng litrato.

"Ready....One...two..."

At pagpatak ng tatlo, surpresang hinalikan ni Blake sa mga labi ang asawa.

                                                      ----- The End-----

Maraming maraming salamat po sa lahat ng natuwa, nagalit, naiyak at na-inlove sa kuwentong ito. Kung alam niyo lang kung gaano ako kasaya sa pagmamahal at suportang ibinigay niyo sa story na ito. So thank you everyone for loving Blake Monteverde & Captain Alexandra Valdemor. I hope their characters will remain in your hearts for a long time (teary-eyed). God bless you all and I love you guys! ---- Sweetmagnolia

BOOK 3 - ANG MISIS KONG ASTIG!

Continue Reading

You'll Also Like

1.3K 87 9
[Rainbow Series #2: Color Orange] Paano kung mamulat ka sa isang pamilyang may magkakaibang paniniwala at pamanaw dahil sa kanilang piniling propisyo...
4.2M 22.8K 7
[The Walkers Trilogy #2] [Sequel to 'The Perverted Vampire] Savannah Kier Walker will never be normal. From the very start, she knew that she's diffe...
148K 8.3K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
630K 3.1K 200
Sinulat ko to hindi dahil sa wala lang..sinulat ko to dahil gusto kung eshare sa inyo ang mga story na maganda yung pagkasulat ng mga ibat ibang auth...