Casa Inferno (The heart's hom...

By JFstories

6.1M 267K 181K

"...and the devil fell in love with you, the way he loves hell." This novel is inspired by real events. High... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
ALWAYS
Hello Again (Update 2.1)
Hello Again (Update 2.2.)
Hello Again (Update 2.3.)
Hello Again (Update 2.4.)
Hello Again (Last Wattpad Update)
The book

Chapter 15

155K 8.6K 3.1K
By JFstories

Chapter 15

"DIYOS KO..." Napaatras ako matapos kong makita kung ano ang nasa loob ng bibig ni Klay. "A-anong ginawa nila sa'yo?"

Napayuko siya. Tila hiyang-hiya.

Lumapit ako sa kanya at niyapos ko ang katawan niya. "I-I'm so sorry..." Pumiyok ako. "I-I'm so sorry..." Napaiyak na ako nang tuluyan.

Gumanti rin siya ng yakap sa akin. Naramdaman ko ang labis niyang lungkot sa yakap niyang iyon.

Masahol pa sa hayop ang dalawang iyon. Anong klase silang tao? Paano nila ito nagawa kay Klay?

"We have to go, Klay... Sumama ka sa'kin..."

Kumuyom ang kanyang kamao. Hindi siya makatingin sa akin kahit anong gawin kong huli sa kanyang paningin.

"Ang mahalaga ay makaalis na tayo dito." Hinila ko na siya sa pulso. Lalabas na kami ng pinto nang matigilan ako. May narinig akong yabag na papalapit sa amin.

Kapwa kami napaatras sa pinto. Nagkatinginan kami at napalunok.

Anong iisipin ni Lola Soler kapag nakita niya kaming magkasama sa kwarto, may bitbit na bag ng mga damit sa ganitong oras?

I have to think. Kailangan ay makalusot kami.

Nang tumapat ang yabag sa pinto namin ay kumatok ito. Humakbang ako patungo sa pinto matapos naming magkatinginan ni Klay.

Marahan kong tinanggal ang lock ng pinto. Nagdarasal ako na hindi sana palakol ang sumalubong sa akin.

Hinila ko ang pinto pabukas. Pero ganoon na lang ang gulat ko ng makita kung sino ang kumakatok.

Namilog ang mga mata ko sa lalaking bumungad sa akin. "G-Green?"

"Ember." Alanganin ang ngiti sa natural nitong mapupulang mga labi.

Saglit na nakalimutan ko ang lahat pagkakita ko sa kanya. Halos lundagin ko nang yakap si Green. Hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko na siya ngayon.

"H-How?" Tanong ko sa kanya. Nakatingala ako sa kanyang guwapong mukha.

"Nagpanggap akong sila talaga si Lola Soler at Lolo Saul."

"Sinalubong ka nila?" Doon bumalik ang reyalidad at takot sa dibdib ko.

Tumango siya. Pagkuwan ay napahawak siya sa aking magkabilang balikat. Sumeryoso ang kanyang mukha. "They're not my grandparents."

"I know." Nilingon ko si Klay. Nakayuko lang ito sa sulok.

Napatingin si Green sa kapatid. Humakbang siya at nilapitan ang lalaki. Ilang sandali pa'y galit na kinwelyuhan niya si Klay. "Nasaan sila Lolo at Lola?! Bakit hindi mo sila naipagtanggol?!"

Pumagitna ako sa dalawa. "Green, that's enough!"

Itinulak ni Green si Klay kaya napasandal ito sa pader. "This is all your fault! Hindi sana mapapahamak sina Lola at Lola kundi dahil sa'yo!"

"Green, tama na... and please, lower your voice. Baka marinig tayo ng dalawang matanda."

Hinihingal sa galit si Green. Ngunit pinili niya na makinig na lang sa akin. "So what's the plan now?"

"Kailangan nating makaalis dito. Kailangan nating magtulungan. Kaya iyong away niya, palipasin niyo muna. Saka na kayo magsuntukan kapag nakatakas na tayo dito."

"That's not an easy plan. Nadatnan ko sila na ipinapako ang mga bintana. May hinarang din silang tabla sa mga pinto at ipinako ito."

"Ha?"

"I think nakatunog na sila na tatakas tayo."

Tahimik lang si Klay na nakikinig sa amin.

Lumapit si Green sa bintana. "Kung tatalon naman tayo dito ay pihadong malulumpo tayo."

Nanakbo ako palapit sa aparador ni Klay. Tinulak ko iyon sanhi para lumitaw ang isang butas na lagusan. "Dito tayo lalabas."

Nilapitan ito ni Green. "This is good."

Nilingon ko si Klay. "Klay, tara na."

Subalit tinalikuran lang kami nito.

"Klay, ano ba?" Pagmamakaawa ko sa kanya.

Lalapitan ko sana siya nang hilahin ako ni Green sa pulso. "Hayaan mo na siya."

"Ha?"

"Umalis na tayo. Tumakas na tayo."

"Paano si Klay?"

"Wala akong pakialam sa kanya."

Sumimangot ako. "Naririnig mo ba ang sarili mo? Kapatid mo siya."

"Bakit natin siya pipilitin kung ayaw niyang sumama? Makakasagabal lang siya sa atin. Let's go." Hinila niya ako.

Tinabig ko ang kamay niya. "Hindi mo alam ang pinagdaanan niya!"

"Are you serious? Don't tell me na pipiliin mo pa ang gungong na yan kaysa sa'kin?"

"Green, kapatid mo siya."

"Kailangan na nating makaalis dito. Isusunod na nilang isasara at papakuan ay itong mga kwarto." Inilahad niya sa akin ang kanyang kamay. "Let's go!"

Umiling ako habang umaatras palayo sa kanya. "I can't believe na kaya mong iwan ang kapatid mo."

"Ayaw niya ngang sumama, di ba? Bakit ko isusugal ang buhay sa gagong 'yan?!"

"Maybe he has a reason. Baka nag-aalala siya sa Lolo at Lola mo? Baka buhay pa kasi sila? Baka nandito pa rin sila sa bahay na 'to–"

"The hell I care!!!"

"Ha?"

"Iisipin ko pa ba sila kung nasa panganib tayo?!"

Nagdilim ang mukha. I'm tired of him. Pagod na ako sa pagiging makasarili niya. Pagod na ako sa pagiging bossy niya. Ayoko na. Palagi na lang siya ang nasusunod. May desisyon din ako. At ngayon, iyon ang masusunod.

Humarap ako kay Klay. "Klay, ano bang dahilan kung bakit ayaw mong sumama sa'min? Please, let me know!"

Tumingin lang siya sa akin.

"Buhay pa ba ang Lola at Lola niyo? Nandito ba sila sa bahay na 'to? Nasaan sila? Please... nasaan sila?"

Binuksan ni Klay ang pinto at patakbo siyang lumabas.

Susundan ko sana siya subalit nahablot ni Green ang braso ko. "What the hell are you doing?"

Tinabig ko ang kamay niya. "Hindi tayo aalis dito nang hindi kasama ang pamilya mo!"

"Tanga ka ba? Paano kung mamatay tayo? Paano na ang pangarap natin?"

Umiling ako habang nakatitig sa mga mata niya. "I'm done with you. Ayoko na. Tapos na tayo." Pagkatapos ay tinalikuran ko na siya.

Napamura siya.

Sinundan ko si Klay. Nadatnan ko siya sa ika-anim na kwarto. Pilit niyang kinakalas ang mga kandado dito.

Inawat ko siya. "Klay, wag! Baka kung ano ang nasa loob nyan."

Pero hindi ko siya maawat. Wala siyang balak huminto na sirain ang kadena at kandado ng pinto.

Nanakbo ako sa kaliwang pasilyo at kinuha ang palakol na nasa ilalim ng lababo. Kailangan kong ihanda ang sarili ko sa kung ano man ang lalabas doon. Ang pintong iyon... ang bangungot ko. Kung ano man ang nasa loob niyon ay delikado.

Binalikan ko si Klay sa ika-anim na pinto. Nang makita niya ang hawak kong palakol ay inagaw niya sa akin ito. "Klay, wag–"

Huli na nang awatin ko siya. Isa-isa na niyang binaklas ang kandado at kadena. Hanggang sa bumukas ang pinto. Naglabas ang naguunahan na bangaw. Ang malansa at masangsang na amoy ay umilingasaw.

Napaatras ako. Sa likod pala ng pintong ito ay may tao.

Umangat ang mukha ng isang matandang babae na nakahandusay sa sahig. Inaagnas na ang kalahating katawan nito. Kulay puti ang buhok nito. Sa tabi nito ay may matandang lalaking wala ng buhay.

Napaluhod si Klay nang makita ito. Napaluha siya at napahagulhol.

Natutop ko ang aking bibig.

Ang pintong ito na aking kinatatakutan... ang pintong ito na aking iniiawasan... ay naroon pala –

–ang tunay na Lolo Saul at Lola Soler.

@JFstories

JAMILLE FUMAH

Continue Reading

You'll Also Like

573K 17K 86
Kayla is not your ordinary girl. Why? Because she really isn't. May kakayahan siyang hindi naiinitindihan ng ibang tao. She has a third eye. Hindi n...
134K 5.8K 61
Teenage Paranormal Detectives are a group of students that tackles different paranormal mysteries and entities while juggling their teenage everyday...
13.6M 607K 32
Sikat siya at hindi ka niya kilala. Kaya bakit sa dami ng taong nakapaligid sa kanya, ikaw na walang kamalay malay ang minumulto niya? THE JERK IS A...
39.7K 3.5K 69
Cursed Stories #2 | Mistakes are unintentional, but you pay for it. *** An epistolary, short story. "Order now, die later." When a stranger was added...