Loving a 'G'

By euzaku35

132K 2.4K 550

Everything about Tyrone Jake Marcos screams mystery… and trouble. At first, Patrice Ramirez was so sure that... More

Loving a 'G'!
CHAPTER 2: That Creepy Smile
CHAPTER 3: Sexy Dork
CHAPTER 4: After School Guest
CHAPTER 5: Facebook Chat
CHAPTER 6: 1st Date for A Cause
CHAPTER 7: Paint Play
CHAPTER 8: Red Lipstick
CHAPTER 9: Mystery Letter
CHAPTER 10: Meet the friends
CHAPTER 11: Say 'Good Night'-the Tyrone way
CHAPTER 12: KakaoTalk
CHAPTER 13.1: 1st Day. Maid Cafe
CHAPTER 13.2: 1st Day. Maid Cafe 2
CHAPTER 14.1: 2nd Day. Dart and Trust
CHAPTER 14.2: 2nd Day. Basketball Game
CHAPTER 14.3: 2nd Day. Confession
CHAPTER 14.4: 2nd Day. Decision
CHAPTER 15.1: 3rd Day. University Ball
CHAPTER 15.2: 3rd Day. University Ball 2
CHAPTER 16: Past To Present
CHAPTER 17.1: Tyrone's place
CHAPTER 17.2: Tyrone's place (Part 2)
CHAPTER 18.1: Interrogation
CHAPTER 18: Interrogation + Pictures
CHAPTER 19: Another Mystery
CHAPTER 20: Meet the sister
CHAPTER 21: Number Fourteen
CHAPTER 22: One Lucky Girl
CHAPTER 23: Late Night Movie Watching
CHAPTER 24: Sisterhood
CHAPTER 25: Let's Talk About Trust
CHAPTER 26.1: Bye Julian
CHAPTER 26.2: Consulting Tyrone
CHAPTER 27: Let's Do Good Day
CHAPTER 28.1: Tyrone's Birthday
CHAPTER 28.2: The Girl From The Past
CHAPTER 28.3: HE'S A 'G'
CHAPTER 30: Dark Past Revealed
CHAPTER 31: Mom
CHAPTER 32: Gamble
CHAPTER 33: The Friendsss
CHAPTER 34: Memories
CHAPTER 35: Dream and Realization
CHAPTER 36: Serendipity
CHAPTER 37: Hearts and Flowers
CHAPTER 37.2: Hearts and Flowers (Part 2)
CHAPTER 38: The Pervert and the Modest
CHAPTER 39: "100+1 Things About Tyrone"

CHAPTER 29: Courage and Denials

1.9K 46 18
By euzaku35

CHAPTER 29: Courage and Denials

PATRICE'S POV

October 31. Thursday. 1 AM.

Thanks to the taxi, I got home. Everyone is already asleep. I slowly made my way upstairs to my room. I still cannot believe what just happened... I cannot believe what Faye just told me. Really? Tyrone? A gigolo? You gotta be kidding me!

So when I made it to my room, I immediately opened my laptop and went to Google. I typed 'Gigolo'. Of course I have to make sure that the gigolo that Faye is accusing Tyrone of being is the same with the definition of this word to me.

There are a lot of results showed so I opened them. I swear to god, my heart was racing in disgust and I was teary-eyed while reading every definitions that the web has given me. 

Gigolo

1. A male prostitute equivalent to a high-class call girl; gigolos service wealthy women. Gigolos sometimes receive gifts in lieu of payment for services, for example a Rolex or a Mercedes.

2. A man who has a continuing sexual relationship with and receives financial support from a woman.

3. A man living off the earnings or gifts of a woman, esp. a younger man supported by an older woman in return for his sexual attentions and companionship.

My heart thudded so fast and I feel like throwing my laptop outside the window. I know what a gigolo is.... and Faye just told me that my boyfriend is one. I sighed deeply. ARE YOU KIDDING ME?!! What am I supposed to do with this?!!

Hindi ko na talaga alam ang magiging reaksyon ko. Naguguluhan ako, naiinis ako sa sarili ko, naiinis ako kay Tyrone! Naiinis ako sa nangyayari!! So ganito na lang 'toh? Isang araw malalaman ko na lang na yung lalaking mahal na mahal ko, isang gigolo. That he's some sort of a male prostitute? Binabayaran lang ng kung sinu-sinong mayayamang babae? Dammit!

Tumunog ulit yung phone ko. I'm sure si Tyrone na naman ang natawag. Kanina pa sya natawag sa akin at kanina ko pa rin dinededma ang mga tawag niya. I grabbed my phone and turned it off. I never imagined this day would come that I can really ignore Tyrone's calls. 

It's because I'm scared. I'm scared kung anong pwede kong masabi sa kanya. I'm scared na baka bigla na lang mawala yung Tyrone na minahal ko at mapalitan ito ng bago niyang katauhan na nalaman ko. Sa puso't isip ko, si Tyrone ay si Tyrone. Sya yung lalaking misteryoso, malahim, moody pero mahal ko... Hindi sya isang bayarang lalaki. I don't want to think of him that way... I don't want to feel disgusted by him...

But what choice do I have? Masyado akong nabibigla sa mga nangyayari! I don't know what to think! Kayo nga, sabihan kayo na ang boyfriend niyo ay isang gigolo? Ghad! I'm not buying any of this! Tyrone is being paid money and luxury in exchange of sexual favors? COME ON, STOP PLAYING SHITS ON ME...

Because it hurts like hell...

I already cleaned up myself and ready to go to bed pero hindi ko pa rin maialis sa isip ko ang lahat. Talaga lang ha? Si Tyrone? Nakakatawa. Grabe... pero natigilan ako. But what if it's really true? I'm in denial but... if I think of it... it's possible.

Tyrone was always secretive to me. Ang dami niyang tinatago. Nung una, akala ko babaero lang sya at mahilig ipasok ang sarili sa gulo... but after what Faye told me, it does make sense... It even explains the Numbers and his luxurious living kahit na wala naman talaga syang trabaho. Pati nga yung Letter G prank na ginawa niya sa akin nung nag-uumpisa pa lang kami... Is that what it is? He works as Gigolo? G stands for Gigolo?

Binagsak ko ang sarili sa kama... at bago ko pa mapansin, nagtuluan na pala yung mga luha ko. Just thinking of the possibilities, sumisikip na yung dibdib ko. Tyrone cannot be a gigilo! Please, tell me this was all a prank... or a nightmare, na bukas paggising ko, maiisip ko na lang na isa lang itong masamang panaginip na imposibleng mangyari sa totoong buhay.

Kasi kung hindi... Dammit, it will really hurt me but I might never want to see his face again. Ever.

*****

October 31. Thursday. 8 AM.

I only had 5 hours of sleep. Nahirapan akong matulog. Ayaw tumigil ng utak ko sa pag-iisip. Pilit kong pinapaniwala ang sarili ko na kalokohan lang ang lahat... I was even talking to myself! I was even talking to my reflection in the mirror! I was even talking to the panda stuff toy that Tyrone gave me! I think I'm going crazy so I have to talk to someone-- like a real person that can talk to me... that's why I'm going to Charisse's house.

"It's still early. Saan ka pupunta, Patrice?" Tanong sa akin ni Mommy. Nakaupo sila ni Daddy sa may table, kumakain ng breakfast. Handa na akong lumabas ng bahay nang ayos na ayos nung mapansin nila ako.

"Kina Charisse po." sagot ko. "May mahalaga lang po kaming pag-uusapan. Babalik rin ako kaagad." sabi ko kay Mommy. Syempre, walang kasiguraduhan kung uuwi ako agad.

"Have some breakfast before you go, princess." My dad told me. I shook my head and told them na kina Charisse na ako kakain. Mom told me na bawas- bawasan ko daw yung pag-uwi ko ng madaling araw so I said 'yes' then apologized  para hindi na humaba ang usapan.

Nung makalabas naman ako, nag-hihintay na yung sasakyan namin at si Manong Jose... pero hindi lang sya. Sa may tapat rin ng bahay namin ay naka-park ang sasakyan ni Tyrone. He's standing near his car. He's still wearing the midnight blue coat that he was wearing from last night's party.

"Sandali lang po, Manong Jose." paalam ko kay Manong Jose at pinuntahan muna si Tyrone. Nung makalapit ako sa kanya, naamoy ko kaagad na medyo amoy pinaghalong alak at sigarilyo pa sya. Mukha rin syang pagod at walang tulog.

Don't tell me dumiretso sya dito at nag-hihintay lang sa tapat ng bahay ko mula pa kaninang madaling- araw?

"What are you doing here?" I asked him coldly. Lumapit naman si Tyrone at pinakita sa akin yung phone niya.

"You're dodging my calls. You've been ignoring me." medyo naiinis niyang sabi. Inirapan ko na lang sya. Hindi naman pinansin ni Tyrone yung pag-irap ko at nag-patuloy sa pagsasalita. "I was worried about you, Patrice. I was worried na may nangyari sayo sa party... o di kaya hindi ka nakauwi ng ligtas." bakas ang pag-aalala sa pagod niyang boses. Biglang lumambot ang puso ko at parang gusto ko na lang syang yakapin... but then.. "He's a gigolo." biglang sumama na naman ulit ang loob ko nung maalala ko yung sinabi ni Faye.

"You already see that I'm fine. You've got nothing to worry." masungit kong sabi sa kanya, hindi ko sya tinitingnan sa mukha. I can't... I don't want to see his face. Kapag nakikita ko sya, parang bigla bigla na lang nagpa-flashback sa utak ko yung mga sinabi ni Faye...

"Nakita ko si Aira sa party at hinanap kita. She told me umuwi ka na daw.... with Faye." Tyrone said wearily.  I sighed and looked at my side.

"Wag kang mag-alala. Nag-usap lang kami ng ex mo. Hindi kami nag-away o kung ano pa man." sabi ko sa kanya. "Faye is nice." She told me everything I want to know. "She's too good for you." I added.

"Is that why you're mad at me?" tanong niya sa akin. Hinawakan niya ako sa magkabilang gilid ng braso at yumuko ng konti para matingnan niya ako sa mata. "Is it because of Faye? Did she tell you anything?" tanong pa niya. Napalunok ako at umiwas ng tingin... Am I ready to face this?

"No. She didn't tell me anything." I lied to Tyrone. "I'm mad at you because it was your birthday and we're not together." At least that's half-true. Nagagalit ako sa kanya because I expected so much from him on his birthday. Ni hindi nga kami nagkasama man lang ng mas matagal sa ten minutes eh.

"Ganun ba?" somehow parang nakahinga ng maluwag si Tyrone. Is that because he's afraid na alam ko na nga ang totoo? "I'm sorry, Pat. I'm really sorry. That party was a mess." He said with irritated voice.

"It's okay. At least I met your ex." At nalaman ko ang lahat. Inalis ko yung pagkakahawak niya sa akin. "I'm going to meet Charisse. You should go home." and with that, I turned my back to him.

Sumakay na ako sa kotse... I looked at the side mirror to see Tyrone watching me leave--papalayo sa kanya. Hindi ako sanay na ganito ang pakikitungo kay Tyrone. Hindi ako sanay na talikuran sya at hayaan syang panuorin akong umalis. Sumakit ang lalamunan ko sa pagpipigil ng iyak. I cannot cry.  I don't know but sooner or later, baka kailangan ko na talagang iwan si Tyrone... Can I manage not to cry kapag nangyari yun?

*****

Charisse's House. 8:30 AM.

"Ang aga mo namang mambulabog." sabi sa akin ni Charisse nung bumaba sya galing sa kwarto niya at i-meet ako dito sa may salla nila. Nakasuot pa sya ng pajamas niya. Hindi pa nakakasuklay ng buhok.

"Good morning, din." bati ko sa kanya. Humikab sya at naupo sa may katapat kong couch. Gising na yung Mommy ni Charisse at nagluluto sa kitchen. Every semester, sa boarding house nakatira si Charisse at Aira kahit na hindi naman kailangan. Paano kasi, gusto daw nilang maging free at independent. Pero kapag sembreaks, tumitira ulit sila sa kani-kanilang bahay.

"What happened?" Cha asked, half-awake, half-asleep. Anong oras na kaya 'toh nakauwi galing sa party ni Tyrone?

"Tyrone's ex-girlfriend happened." sagot ko sa kanya. Parang biglang nagising si Charisse sa sinabi ko.

"Talaga? Wow... Nakilala mo sa party?" Naka-chismosa mode na sya niyan kaya gising na sya. Nag-nod naman ako sa tanong niya sa akin. "Ano, maganda ba? Ay wait... sabi ni Aira kasabay mo daw umalis yung pinsan niya ah." sabi ni Cha.

Nagkatinginan naman kami saglit.

"No way. Don't tell me....??" tumango- tango naman ako. "Aira's cousin's name is Faye. Faye is Tyrone's ex-girlfriend." sabi ko kay Charisse. Napanganga naman sya.

"OMG. What a small world!" she exclaimed. "Pero anong nangyari? Bakit kayo magkasama? Sinaktan ka ba niya? Tinakot na aagawin sayo si Tyrone? Nako, Patris sabihin mo lang, ako na ang re-resbak!" nanggagalaiti na sabi ni Charisse.

"Sira, hindi noh." medyo natawa ako. "Faye is so nice that she told me things that Tyrone would never tell me." Somehow, napapansin ko na ang lagi kong dine-describe kay Faye ay 'nice'. Anyway, wala namang kaso dun, nice naman talaga yung tao eh.

"Talaga lang ha? Like what?" Charisse eyed me suspiciously. Hindi naman ako sumagot agad at nanatili lang na nakaupo at nakatingin sa may floor. Hindi rin naman sya nagsalita ulit. Maya maya, bigla na lang nag-tuluan yung mga luha ko kay pinunasan ko rin naman iyon agad.

"Patrice...." tawag sa akin ni Charisse, halata mong nag-aalala sa biglaan kong pag-iyak. Ngumiti naman ako sa kanya pero tuloy pa rin yung pagpapahid ng luha ko. I sniffed. Naguguluhan kasi ako at sobrang nahihirapan. As in.... Ang hirap...

"Ano bang nangyari? Anong sinabi sayo ni Faye?" tanong ni Charisse, naglakad sya at lumipat sa pwesto ko. She put an arm around me na parang kino-comfort ako.

"Cha, anong gagawin mo kapag yung boyfriend mo--" sumingit si Charisse. "Except wala akong boyfriend." Tumawa ako ng mahina. "Fine... What should I do, Cha?" nakatingin lang ako kay Charisse. "What should I do after I found out a secret about Tyrone that I can never accept?" I asked her then burst out crying.

"Haayyy, Patrice..." Lalo namang humigpit ang pagkaka-akbay niya sa akin at hinihimas- himas yung balikat ko, pinapatahan ako. "Hindi ko alam kung anong sikreto ba yang nalaman mo pero..." she paused. "Just a piece of advice, my friend..." tumingin ako sa kanya, pinipigilan na ang pagtulo ng luha, humihikbi pa rin.

"If I were on your shoes, hindi kaagad ako maniniwala sa sinabi niya." nakatingin pa rin ako kay Charisse. "Maybe she's nice.. she's Aira's cousin eh... pero ex-girlfriend pa rin sya ni Tyrone. Pwedeng gusto niyang makipagbalikan..." she paused again, then nag-isip. "O di kaya may sama sya ng loob kay Tyrone... kaya niya ito sinisiraan sayo." then nag-shrug si Charisse.

Inalis ko naman ang tingin sa kanya. I sniffed then huminga ng malalim. Siguro nga nung una ayokong maniwala sa sinabi ni Faye pero kasi...

"Paano kung nag match naman lahat ng mga sinabi niya sa mga napapansin ko kay Tyrone?" tanong ko. Mahirap paniwalaan pero kagaya nga ng iniisip ko, mataas ang possibility na totoo ang sinasabi ni Faye.

"Still, hindi ka pa rin dapat maniniwala hangga't hindi si Tyrone ang umaamin sayo. Have some trust in him. So kung ako sayo, puntahan mo si Tyrone at sya ang tanungin mo mismo. He's the only one that can help you, Patrice." advise niya sa akin.

"Paano kung totoo nga yung sinabi ni Faye? Ano ng mangyayari sa akin? Sa amin?" tanong ko sa kanya. Bigla na naman akong parang maiiyak ulit.

"Sabi mo hindi mo matatanggap yung sikreto niya, diba?" tanong ni Cha sa akin. "If mahal mo talaga si Tyrone at ayaw mo syang mawala... then find a way para matanggap mo." sabi niya sa akin. Find a way para matanggap ko? Pero hindi ko nga matanggap eh. T^T

"But for the mean time, break muna kayo sa love problems, girls." dumating yung Mommy ni Charisse. "Mahirap mag-hanap ng solusyon kapag gutom. Kain muna kayo ng pancakes. Masarap yan~" sabi sa amin ni Tita nang nakangiti.

Bigla ko tuloy naalala yung time na pinagluto ko rin si Tyrone ng bacon and hotdog pancakes... Ang dami ng iniiwang clues sa akin ni Tyrone na nagsasabing hindi lang maliit na bagay ang tinatago niya mula sa akin. At lagi rin syang nagpapahiwatig na hindi talaga sya yung mabuting tao na inaakala kong ganun sya. Lagi niya rin akong sinasabihan na baka masira niya yung pagtitiwala ko sa kanya... And he's right. Because in just one G-word... Sinira nga niya ang tiwala ko.

******

In front of Tyrone's house. 5 PM.

It took me so looooooong bago ko napag-desisyunan na tama si Charisse at kailangan kong harapin itong problemang kinakaharap ko ngayon. Dumating rin kanina si Aira at pareho nila akong kinukumbinsi na dapat kong kausapin si Tyrone. Nalaman ko rin na kaya pala pamilyar si Tyrone kay Aira ay dahil nakita na niya ito noon... sa debut ng pinsan niyang si Faye kung saan si Tyrone ang escort. Sabi niya, baka around that time niya in-add sa Facebook si Tyrone.

Anyway, hindi na mahalaga sa akin ngayon yung mga ganung bagay... dahil ngayong araw na 'toh... Malalaman ko ang lahat ng totoo... mula mismo kay Tyrone.

"Manong Jose, paki-hintay na lang po ako dito." sabi ko at pagkatapos ay naglakad papunta sa bahay ni Tyrone, nasa may gate pa lang ako ay naririnig ko na ang pasigaw na boses ni Tyrone sa may garahe habang may kausap sya sa phone.

"ARE YOU CRAZY?! Hindi mo ba talaga maintindihan ang sinasabi ko?" napatigil ako sa pagbubukas ng gate ng bahay niya. Nakinig lang ako... pero napansin ko rin na sandamakmak na garbage bags ang nandito sa harap ng bahay niya. Haaayy, kalat yan galing sa katatapos lang na party.

"It's over, Lucia! It was long over! So stop all your bullshits and get the fck out of my life!" tapos narinig ko na lang na parang may sinipa si Tyrone kaya nagbagsakan yung mga gamit. Pumasok na ako sa gate ng bahay niya.

"Nandyan ka pala," sabi niya nung mapansin niya ako. Halata mo sa mukha niya ang pagka-irita. Tiningnan ko sya at napansin ko rin na nakakalat yung mga lata ng mga neon paint, mukhang iyon yung sinipa ni Tyrone sa sobrang inis niya kanina.

"Who's on the phone?" tanong ko at naglakad papalapit sa kanya. Bigla naman umiwas ng tingin sa akin si Tyrone at inilagay yung phone sa bulsa.

"Just someone I know." sabi niya tapos hinawakan ako sa aking braso. "I'm glad you're here, Patis. Let's go inside?" he asked me, smiling. Hindi naman ako nagpatinag roon.

"Was it Number Fourteen again? Ginugulo ka pa rin ba niya?" blangko ang aking mukha nung itanong ko iyon sa kanya. Nakakapang-init ng dugo. Talaga bang wala ng break ang mga nangyayari ngayon? Hindi na ba talaga 'toh matatapos?

"What are you saying..." He tried to laugh it off but failed. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya. Halata mong nabigla rin sya sa sinabi ko pero sinusubukan niya iyong itago.

"I answered your phone once at sya yung tumatawag. I'm sorry." pag-amin ko sa kanya, but still, there was no emotion in my face, not even in my voice.

"I guess you know." napabitaw sya sa pagkakahawak sa braso ko. Inalis ko yung tingin sa kanya at tumingin na lang sa mga nakakalat na lata ng pintura. Naalala ko nung naglaro kami ng pintura noong nag-paint kami ng wall... Nag-doodle ako at sinabing isa syang Dark Prince... totoo pala yun.

"Let's talk about it inside." He said with an authoritative tone. Ibang iba sa sweet voice niya kanina. Huminga ako ng malalim at sumunod sa kanya. Whatever I came here for, it's going to happen today. He'll tell me everything.

Nung makapasok kami sa loob ng bahay niya, medyo magulo pa rin pero malinis na. Mukhang buong araw lang syang nag-linis dito. Nakatulog pa kaya sya? Aissh, ano ba yan, Patrice. Stop worrying about him! Hindi magtatagal, darating yung araw na wala ka na dapat pakialam sa kanya... who knows this might be that day.

"Faye told me everything I need to know." Ako ang naunang nagsalita para mabasag ang katahimikan. Nakaupo lang kami dito sa may salla niya. Nakaupo sya sa may sofa sa may gilid ko. Walang kahit anong ingay na pwedeng maka-distract sa pag-uusap namin.

"What do you want to know?" He asked in a low voice. I turned to look at him in total disbelief.

"Hindi ako makapaniwala." nasabi ko na lang at huminga ng malalim. "You mean wala kang balak sabihin na kasinungalingan lang ang lahat ng iyon?" Hindi talaga ako makapaniwala. Para na rin niyang sinabing totoo ang lahat!

"Why would I if it's the truth?" walang buhay niyang sabi. Parang biglang uminit yung paligid ng aking mga mata. What the hell... Please tell me this is not happening...... SO, IT'S TRUE! DAMN IT.

"Wow..." yun lang ang nasabi ko. Tuluyan ng pumatak ang aking luha. Huminga ako ng malalim at kumurap-kurap. I don't want to cry. I cannot cry. Alam niyang iyakin ako pero hindi ako dapat umiyak sa harap niya.

"I was 17 years old. Inabandona ng nanay. Dalawang taon pagkatapos naming malaman na may sakit ang bunso kong kapatid, namatay naman sa aksidente ang tatay ko. Naiwan akong mag-isa para maghanap ng paraan at maipagamot si Tricia." kumirot ang puso ko sa sinabi niya... kahit na nakakaramdam ako ng awa......... hindi ko pa rin ito matatanggap. </3

"So, that's what I did. Hinuhuthutan ko ng pera ang mga mayayamang babae kapalit ng gusto nila sa akin." at napakuyom ako ng kamao. Hindi ko na napigilan ang pag-bagsak ng aking mga luha. I should have known it. Kung ano mang saya ang nararanasan ko dahil kay Tyrone, lahat ng iyon ay panandalian lang. Every time life lets me be happy, it will laugh at me then throw me another rock.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 74.9K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
1.4M 53.8K 71
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
1.2M 53.3K 68
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
29.1K 1.4K 19
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...