Love Was Made for Us [PHR]

Oleh jnkbernardo

87.4K 1.2K 504

SEQUEL TO Marco and Jannah's story entitled UNTIL YOU FOUND ME. Southern Fever Band Book 3. ----------- "It'... Lebih Banyak

Teaser
The Inspiration
1. Forever Friends
2. You're Still the One
3. My Happy Heart
Four: Melting into You
Five: Drunk Realizations
6. Wish Upon a Cloud
8. Running Away from My Heart
9. Fall All Over Again
10. Forever Love

7. Foolish Heart

5.2K 87 10
Oleh jnkbernardo

"NANINIWALA ka ba sa falling star?" tanong ni Rish kay Ruben habang nasa dalampasigan sila at nakahiga sa picnic mat sa buhanginan. Nakaunan siya sa braso ni Ruben at kapwa sila nakatingin sa mga bituwin sa langit. Katulad nga ng sabi nito, dinala nga siya nito sa Benjamin's Nest, ang kabubukas lang na resort nito sa Samal Island.

Kung anuman ang mangyayari pagkatapos ay hindi na mahalaga sa kanya. She can get hurt ngunit hahayaan niya ang sariling magiging masaya sa piling nito nang mga sandaling iyon. Let tomorrow take care of itself. Tutal, alam na niya ang pakiramdam ng isang bigo noon. Kung mabibigo uli siya, at least may babaunin siyang magandang ala-ala sa piling nito.

"Maybe. Why?" sagot nito sa kanyang tanong. Nilalaro ng daliri nito ang kanyang buhok.

"If ever magwi-wish ka, ano ang wish mo?"

"Baka hindi na magkakatotoo kung sasabihin ko."

"Ayos lang iyon. Wala namang falling star eh so hindi pa rin iyon magkakatotoo," aniya.

"Paano kung may falling star na?"

"Eh, di ibahin mo na lang ang wish mo. Sige na," pangungulit pa niya. Sandali itong natahimik.

"I would not call it a wish. Rather, a prayer. Na sana matupad ang lahat ng pangarap ko para sa banda namin. That our music would reach out and touch people's hearts."

"I'm sure, matutupad iyon," sabi niya at lalong isiniksik ang mukha sa dibdib nito.

"Eh, ikaw ano ang wish mo?"

Humugot muna siya ng malalim na hininga bago sumagot. "Sana, ako ang kukunin mong singer kapag naisipan mo nang magpakasal."

Kunut-noong bumaling ito sa kanya. "Iyan lang ang wish mo?" hindi makapaniwalang tanong nito.

"Oo, masama ba?" sagot niya.

"Hindi naman. S-sige, kung iyan ang gusto mo," anito.

"Thanks." Hindi na niya aaminin dito ang lihim niyang hiling na sana, siya din ang kukunin nitong bride and she would sing their wedding song as she would walk down the aisle. Saka na niya hihilingin ang bagay na iyon kapag nandiyan na ang falling star.

"Masaya ka ba sa choice mo noon Ruben? When you chose your dream over Hannah?" maya-maya pa ay tanong niya.

Mahina itong tumawa. "Reporter ka na ba ngayon? Bakit andami mong tanong?" tumagilid ito paharap sa kanya.

"I'm just curious," nakangiti niyang sagot.

"I think I'm happy. Kasi kung babalik man ako sa point na iyon ng buhay ko, I would still choose my dreams. Sisikapin ko pa rin ang magtagumpay. Masama ba iyon?"

"Hindi naman. Kasi kung ako iyon at mahal na mahal ko ang isang tao, hindi ko siya papipiliin. Tatanungin ko siya kung saan siya masaya. At magiging masaya na rin ako para sa kanya. Susuportahan ko siya. At kung tulad mo siya na mahilig sa musika, I'll be his number one fan," aniya.

Muli itong tumigin sa langit. "That's good. Masuwerte ang lalaking mamahalin mo," mahina nitong sambit.

"Masuwerte rin si Hannah dahil mahal mo pa rin siya kahit iniwan ka niya noon," sabi niya. Hindi ito sumagot. Humigpit lamang ang pagyakap nito sa kanya.

--------

"PWEDE ba akong mangolekta ng shells sa dagat mo?" paalam ni Rish kay Ruben isang umaga. Nasa veranda siya ng beach house nito at mula sa kinatatayuan ay kitang-kita niya ang malawak na karagatan. Pati na ang nakakaengganyong buhangin. Alam niyang may mga treasures siyang makikita roon kapag naglakad-lakad siya.

Lumapit ito at ibinigay sa kanya ang isang tasa ng kape. "Hindi mo na kailangang magpaalam. Lahat ng gusto mong gawin, magagawa mo dito. Consider this place as your own paradise," sagot nito at inilapit sa bibig ang tasa ng kape.

"Talaga?" nakangiting baling niya rito.

Hinapit muna siya nito at hinalikan sa ulo. "Yeah. Habang nandito ka, your wish is my command."

Hindi niya mapigilan ang paglundag ng kanyang puso sa sinabi nito. Mabilis siyang umiwas ng tingin at pilit kinalma ang nagrarambulang sistema. Hindi lang iyon ang unang pagkakataong nakarinig siya ng something sweet mula dito. Ilang beses na rin niyang napatunayang walang ibang ibig sabihin ang mga iyon. Pasaway lang ang puso niya dahil hindi niya maawat sa paglundag.

Itinuon na lamang niya sa tasa ng kape ang kanyang pansin.

Nang hapong iyon ay masaya siyang naglakad-lakad sa dalampasigan at namulot ng mga shells na gagawin niyang collection. Halos tatlumpung minuto na rin siyang naroroon nang lumapit si Ruben at may ibinigay sa kanya. Isa iyong kabibi na kasing-laki ng palad nito. Bahagyang nakasara iyon ngunit alam niyang mayroon iyong laman dahil nakikita niya sa siwang ng bibig ng kabibi.

"Open it," utos ni Ruben. Seryoso ang anyo nito. Sinunod niya ang utos nito at napasighap siya nang makita ang laman niyon.

"Ruben! It's—it's a necklace!" nanlaki ang mga matang sambit niya. Ang kwintas ay may pendant na hugis bituwin.

"It's for you," sabi nito. May damdaming siyang nababasa sa mga mata nito ngunit hindi niya iyon mabigyan ng pangalan. Bago pa siya makareact ay kinuha na nito ang kwintas at isinuot sa kanya. "I hope you like it."

"I love it," naluluha niyang sambit. Wala itong idea sa labis-labis na kaligayahang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Ngunit hindi pa pala doon nagtapos ang sorpresa nito. Dahil bigla siya nitong hinapit sa baywang at inangkin ang kanyang mga labi.

Tila siya naparalisa hanggang sa tuluyan na siyang napapikit at hinayaan ang sariling matangay sa halik nito. His kiss was even sweeter this time. Hindi niya maiwasang magtaka kung ano ang ibig sabihin ng paghalik nito sa kanya ngayon.

Nang pakawalan nito ang kanyang mga labi ay habol nila pareho ang kanilang hininga. Ipinagdikit nito ang kanilang mga noo.

"P-pwedeng huwag ka nang magpapaligaw sa ibang lalaki?" bulong nito.

"W-wala namang nanliligaw sa akin, eh."

"What if meron? G-gusto ko, akin ka lang, Rish. Ayokong mapunta ka sa iba," sagot nito. Tila huminto sa pagtibok ang kanyang puso.

"P-pero bakit, Ruben?" tanong niya. Nais niyang malaman mula mismo ang totoo at nang sa wakas ay matahimik na siya.

"H-hindi ko alam kung tama itong nararamdaman ko. Ang tanging alam ko lang ay hindi ko kayang malayo sa'yo. You may think I'm strong. You may believe I can face anything. But I am only strong because I have you," samo nito.

"W-what about Hannah? H-hindi ba gusto niyang makipagbalikan sa'yo?"

"Kung gusto ko siyang makasama, siya dapat ang dinala ko dito. But you're here now. Narinig mo naman siguro mula sa mga tauhan ko na ikaw lang ang babaeng dinala ko dito. Doesn't that tell you anything?"

Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng mga luha. Dahil sa sinabi nito ay nabuhayan siya ng loob. He is actually telling her beyond words na mahal siya nito. Hindi na siya nagdalawang-isip na halikan ito. Gumanti ito ng halik na mas mainit kaysa noong una.

"I need you. I can't live without you, Rish. Gusto ko ako ang tutupad sa lahat ng mga pangarap mo. Huwag mo akong iwan," muli ay samo nito sa kanya. Pinahid ng hinlalaki nito ang kanyang mga luha.

"Hinding-hindi ako mawawala. I'm yours, Ruben. Now and always."

Ngumiti ito. Nagulat pa siya nang makita ang isang butil ng luha sa pisngi nito. "You made me so happy. You have no idea just how much," bulong nito bago muling inangkin ang kanyang mga labi. Tinugon niya ang halik nito. Wala na siyang hihilingin pa sa mga sandaling iyon. It was worth all the pain she had been through all these years.

"A-alam mo bang hindi ngayon ang unang halik mo sa akin?" tanong niya rito nang makabalik sila sa beach house nito at nakaupo sa sofa. Nasa veranda uli sila at pinapanood nila noon ang paglubog ng araw. Nakahilig siya sa dibdib nito at mahigpit naman ang yakap nito sa kanya.

"Oo, alam ko. Although why you tried to hide it is beyond me," sagot nito.

Nanlaki ang kanyang mga mata at tumingala dito. "Y-you knew? B-but you were—"

"Drunk. Yes. But I was not unconscious when I kissed you, Rish," sagot nito at lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. "Hinayaan kitang mag-isip na hindi ko naaalala kasi mukhang hindi ka kumportable na pag-usapan iyon."

Tumango siya. "I was ashamed to admit it. Kasi baka isipin mong gawa-gawa ko lang o kaya naman iisipin mong pinagsamantalahan kita habang natutulog ka sa kama ko," sagot niya.

Mahina itong tumawa. "I hope you're not disappointed with...with my kisses."

"Bakit naman ako ma-disappoint eh...m-masarap ka namang humalik," nahihiyang pag-amin niya at muling humilig sa dibdib nito.

Muli ay tumawa ito. "I'll do my best," bulong nito.

"I'm glad ikaw ang first kiss ko, Ruben," mamaya pa ay sabi niya. Ikaw din ang first love ko. Ang unang lalaking nakahawak ng kamay ko at naging saksi sa napakaraming firsts sa buhay ko, lihim niyang dugtong.

Iniangat nito ang kanyang mukha at sinalubong ang kanyang tingin. Sandali siya nitong tinitigan na tila ba binabasa ang kanyang iniisip habang hinahaplos ng isang daliri nito ang kanyang pisngi.

"Thank you for trusting me this much. I feel honored. Pangako, hindi ko sisirain ang tiwala mo," bulong nito bago inangkin ang kanyang mga labi. His kisses were getting sweeter and sweeter everytime.

-------------


"KAPIT kang mabuti," utos ni Ruben kay Erisha. Nasa likod siya ng motorsiklo nito nang sumunod na araw. Ililibot daw siya nito sa buong isla.

"Ayos na ba ang ganito?" tanong niya at ikinawit ang kamay niya sa may baywang nito.

"Hug me tighter. Para malaman kong nasa likod pa kita," sagot nito. Naka-neutral ang makina ng motorsiklo nito.

"How tight?" tanong niya. Sa halip na sumagot ay kinuha nito ang kanyang mga kamay at hinila iyon sa bandang tiyan nito. Dahilan ng lalo niyang pagkadikit sa likod nito.

"Put your hands together," utos uli nito at sinunod naman niya. "Ready?"

"Okay. Pero be careful ha? Ngayon pa lang ako sasakay sa ganito," aniya.

"Ako ang bahala sa'yo. Mag-e-enjoy ka. Promise."

Ilang sandali pa ay nasa daan na sila. Sandali niyang naisantabi ang nararamdamang takot dahil sa mga magagandang tanawing dinaanan nila. Sa coastal road sila dumaan kaya tanaw niya ang malawak na dagat. Sa tabing-daan ay may mga ligaw na bulaklak na nagpapaganda sa tanawin.

"I love it!" masaya niyang sambit nang huminto ang motorsiklo nito sa isang damuhan na punung-puno ng mga dilaw na bulaklak. Hinubad niya ang suot na helmet at iniwan iyon sa tabi ng motorsiklo. Masayang tumakbo siya at umikot-ikot sa gitna ng mga bulaklak.

"O, smile na," utos nito. Nilingon niya ito. Masaya itong habang kinukunan siya ng larawan sa SLR nito. Ngumiti na lang siya at binigyan ito ng iba't ibang pose. Nagulat na lang siya nang lumapit ito at humalik sa kanyang pisngi sabay click ng camera nito. Sabay nilang sinilip ang shot sa LCD screen ng camera at kapwa nila nagustuhan iyon. Indeed, it was a very nice shot. Kuhang-kuha doon ang kaligayahan nilang dalawa.

"Huwag na kaya tayong bumalik sa Davao? Dito na lang tayo. Basta't kasama kita, ayos na ako. Mangongolekta na lang tayo ng shells and watch the sunset together," sambit nito habang nakayakap sa kanya mula sa likuran. Tanaw nila ang malawak na karagatan.

"I wish. Pero paano ang mga trabahong iniwan natin? Ang banda mo at ang mga alaga ko sa orphanage?"

Bumuntunghininga ito. "Oo nga. Ang daming dapat i-consider. Pero babalik uli tayo dito ha? Kung pwede every weekend? I want to say goodbye to the sun everyday with you in my arms."

"Sure. Masaya ako dito kasama ka," sagot niya at humilig sa dibdib nito. Siya na ang pinakamasayang babae sa mga oras na iyon.

"RUBEN, may naghahanap sa'yo," bungad ni Jigs nang pumasok sila sa rehearsal studio pagkagaling nila sa resort. Agad nag-init ang kanyang pisngi nang dumako ang tingin ni Jigs sa magkahawak nilang kamay at makahulugang tumingin sa kanya.

Sinikap niyang huwag pansinin iyon. Sinubukan din niyang kumawala sa mga kamay ni Ruben ngunit hindi nito binitiwan ang kanyang kamay.

"Sino?" tanong nito.

"Hannah daw ang pangalan niya," sagot ni Jigs. Agad silang nagkatinginan ni Ruben. Matagal na tila nag-uusap ang kanilang mga mata. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito ngunit pakiramdam niya ay mapupugutan siya ng hininga.

"Hinatid ko siya sa rooftop, pare. Doon na lang daw siya maghihintay," pukaw ni Jigs sa kanila.

"Pakisabi wala na kaming dapat pag-usapan pa," sagot ni Ruben nang hindi siya nilulubayan ng tingin.

"I think you should...see her," mahina niyang sambit na nakatitig rin dito. Kumunot ang noo ni Ruben. "B-baka...baka may mahalaga siyang sadya. Hindi natin alam," aniya sa pilit pinakalmang boses.

"A-are you sure you want me to see her?" paniniyak pa ni Ruben. Ang totoo hindi niya ito gustong puntahan si Hannah o kahit sino pa mang babae. Ngunit ayaw niyang isipin nito na selfish siya. Gusto niyang malaman nito na understanding siya at hindi judgmental.

Lumunok siya bago sumagot. "Y-you should."

Mabilis siya nitong niyakap. Pagkuwan ay hinalikan sa kanyang mga labi. "Babalik ako agad. I won't take long. Hintayin mo ako, okay?"

Tumango lang siya at hinayaan itong lumabas ng studio. Siya naman ay naupo sa couch at pinanood na lamang ang rehearsal ng banda kahit malayo doon ang kanyang isip. Tutuparin niya ang pangako niya kay Ruben. Hihintayin niya ito.

Mahigit kalahating oras ang lumipas bago ito bumalik. Walang salitang humalik ito sa kanyang pisngi. Pagkuwan ay tumuloy na sa entablado para sa pagpapatuloy ng rehearsal ng mga ito.

Hindi niya maiwasang magtaka. Nang umalis si Ruben kanina ay maaliwalas ang mukha nito. Ngayon ay seryoso ang anyo nito. Ngumingiti naman ito sa kanya kapag napapansin nitong nakatingin siya ngunit hindi niya maiwasang magtaka sa kilos nito.

Ano kaya ang pinag-usapan nito at ni Hannah? Bakit parang may nababasa siyang galit sa mga mata ni Ruben? Nang matapos ang rehearsal nito ay niyaya siya nitong umuwi na.

"A-Are you okay?" tanong niya nang makasakay sa sasakyan nito.

"Yeah. Why?" tanong nito na nanantiling nakatuon sa daan ang pansin.

"W-wala lang. K-kumusta ang pag-uusap ninyo ni Hannah?"

Kumibit-balikat ito ngunit hindi pa rin siya tinatapunan ng tingin. "Ayos lang," tipid nitong sagot. Hindi na lang siya kumibo. Noong nasa resort sila nito ay sobrang sweet ito sa kanya. Bakit parang may nagbago?

Sana imahinasyon lang niya iyon. Pagod lang siguro ito kaya hindi ito masigla sa pakikipag-usap sa kanya. At pagod lang din siguro siya kaya kung anu-ano ang tumatakbo sa kanyang utak. Hindi naman siguro babawiin ni Ruben ang mga sinabi nito sa kanya sa resort diba?

Sana nga, lihim niyang sambit.

Nang makauwi sila ay sinamahan siya nito hanggang sa pintuan ng kanyang bahay.

"Magpahinga ka na. You look tired," anito sabay halik sa kanyang pisngi.

"Ruben," tawag niya nang tumalikod ito at naglakad pabalik sa bahay nito. Huminto ito at pumihit paharap sa kanya.

"Hmn?"

Hindi siya sumagot. Tinawid niya ang distansiya nila at mahigpit na yumakap dito. Gumanti naman ito ng yakap at ilang ulit na humugot ng malalim na hininga.

Nang gabing iyon ay nahirapan siyang matulog. Hindi maalis sa utak niya ang maraming katanungan. Paano ba siya kikilos ngayong sila na ni Ruben? Dapat ba niyang ipaalam dito na nagseselos siya sa pag-uusap nito at ni Hannah? Dapat ba niyang aminin ang mga insecurities niya? Mahal nga ba talaga siya nito?

Nahinto ang malalim niyang pag-iisip nang marinig ang pag-andar ng isang sasakyan. Tinungo niya ang bintana at tulad nga ng hinala niya, sasakyan iyon ni Ruben. Mukhang may pupuntahan ito nang gabing iyon at mukhang may babae pang nakasakay sa front seat ng kotse nito. Sinipat niya ang suot na relo. Malapit nang maghating gabi.

Hindi niya mapigilan ang kirot sa kanyang dibdib. Bakit may pakiramdam siyang si Hannah ang babaeng kasama nito? She had been so happy at his resort. Ngunit hindi siya nakatitiyak kung hanggang kailan ang kaligayahang iyon.

The moment of truth has finally arrived! Anunsiyo ng kanyang utak.

Bigla siyang natigilan. Ruben never really told her that he loved her noong nasa resort sila. Sinabi lang nito na kailangan siya nito at gusto siya nito. Tila siya binuhusan ng malamig na tubig. She felt like a fool.

Pinahid niya ang luha at kinapa ang pendant ng bigay nitong kwintas. Ano ba ang ibig sabihin niyon? Ibinigay ba nito iyon bilang isang kaibigan o bilang isang lalaking nagmamahal sa kanya? Ano ba ang ibig sabihin ang bawat halik nito sa kanya? What about the words he said to her? Do they mean nothing?

========

A/N:

Dear panget,

For the longest time, I held on to the hope that you'd find me. I guess I had to let it all go now. Mas mabuting pagtuunang pansin ang taong handang tumanggap saken kesa patuloy na umasang ipaglaban mo ako...tayo. Masakit magpaalam ngunit mas masakit ang umasa sa wala. It just feels like the light in my eyes faded and for as long as I live I will be a lost soul. But I know his love will revive me and make me whole again. In time. Everything takes time. Bibigyan ko ng chance ang sarili ko na mahalin ng iba. Panahon na para itigil ang pag-asa na balang araw makikita kita. I just have to accept that you are forever gone and out of our lives.

Ang tagal tagal tagal kitang minahal. Pero ang tagal tagal tagal mo na rin akong niloloko. If I didn't do a drastic move, I would not have the strength to let you go. So I had to do it. I have to force you to hate me, to think of the worse about me. So you will finally leave. Because I couldn't find it in my heart to say goodbye. 

There will always be a part of me that belongs to you and the years we shared together. 

Goodbye, panget.

Dear readers, 

pakihanap siya at ilibing ng buhay. 

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

61.6K 1.6K 16
Published by Bookware, 2011 Sa iba kasi, simple lang ang ibig sabihin ng best friend. Pero para kay Allie, mas malalim pa iyon. Marami siyang good me...
60.7K 1K 16
Published! Please grab a copy for only Php42.00 thank you. Available in PPC stores, NBS and other bookstores nationwide :) "I'm crazy. Pero ganoon ma...
450K 24.2K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...
106K 1.8K 20
Sa edad na treinta ay hindi pa nararanasan ni Lalah na magka-boyfriend. Dinig na dinig na niya ang pagtunog ng biological clock niya. Palagi kasing p...