ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of...

By angelodc035

43.7K 2.2K 550

FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic... More

ANG NAKARAAN....
PROLOGUE
Chapter 1: FAILURE
Chapter 2: THE AWAKENING
Chapter 3: A WEREWOLVES NIGHT
Chapter 4: THE DUEL
Chapter 5: BLAKE
Chapter 6: A NEW DAWN
Chaptet 7: THE MAN ON A BLACK CLOAK
Chapter 8: THE ISLAND OF SEVEN KINGDOMS
Chapter 9: FIRE, ICE AND PROPHECY
Chapter 10: PILUNLUALAN (MYSTIC TUNNEL)
Chapter 11: CAREN'S FATE
Chapter 12: THE NEW ALPHA
Chapter 13: SAKAYA
Chapter 14: DIYOSANG TALA
Chapter 15: SAKAYA'S TEST
Chapter 16: ANILAOKAN
Chapter 17: STRIGOI
Chapter 18: QUEBALUAN TREE
Chapter 19: CHASING MEMORIES
Chapter 20: AWAKENING
Chapter 21: AWARENESS
Chapter 22: THE FATE
Chapter 23: BLOOD BY BLOOD
Chapter 24: A DECISION MADE
Chapter 25: ANILAOKAN'S LOVE
Chapter 26: BEHEMOT
Chapter 27: REDEMPTION, REVENGE AND REUNION
Chapter 28: DRAGON PHOENIX
Chapter 29: DESPERATION
Chapter 30: INTERROGATION
Chapter 31: BATHALA
Chapter 32: THE RETURN
Chapter 33: THE ELEMENTAL WORLD
Chapter 34: BLAKE, LAUREA, DIYOSANG TALA AND CLAUDIUS
Chapter 35: THE FALLEN GODDESS
Chapter 36: MANGGAGAWAY (SPELL CASTERS)
Chapter 37: CITY OF THE DEAD
Chapter 39: BLOODY BATTLE
Chapter 40: BLOODY DEATHS
Chapter 41: DEATH BY BLOOD
Chapter 42: DEAD EVERYWHERE
Chapter 43: LOSS
Chapter 44: BATHALA'S DEATH
Chapter 45: QUINTA FOREST
Chapter 46: BALINTATAW
Chapter 47: CHAOS
Chapter 48: HUKLUBAN
Chapter 49: DARK POWER
Chapter 50: CAPTURE
Chapter 51: ERISE
Chapter 52: HOTEL MORTE
Chapter 53: DIYOSANG BULAN
Chapter 54: BABAGUA
Chapter 55: REVELATION
Chapter 56: INFESTATIONS
Chapter 57: THE ESCAPE
Chapter 58: LOVE AND BETRAYAL
Chapter 59: A SISTER'S DEMISE
Chapter 60: A NEW HOPE
Chapter 61: LAMUIAN FOREST
Chapter 62: PALACIO LUNAR TOWER
Chapter 63: MOTIVES
Chapter 64: FORCES OF NATURE
Chapter 65: APOCALYPSE
Chapter 66: DEATH IS THE BEGINNING
EPILOGUE
PASASALAMAT

Chapter 38: BLOODY GHOULS DAY

467 27 2
By angelodc035

Tumatagos ang napakaliwanag na sikat ng araw sa mga naglalakihang bintana ng pinakamagandang kastilyo sa isla ng Murcia. Ang kastilyo ng mga maharlika ng Ishindalor sa Parnangan.

Halos sabay-sabay sa paghakbang ang may dalawampung pares ng paa na tila inililipad ng hangin habang bimabaybay ang kahabaan ng bulwagan. Lumilikha ang mga ito ng malulutong na tunog na gawa ng kanilang mga takong sa suot nilang sapatos na pandigma sa napakakinis na sahig na gawa sa itim na krystal.

Sa gawing unahan ng mga deligado ay nakatuon ang atensiyon nila sa napakagandang babae na nakasuot ng puting kasuotan. Marami napanganga sa kanyang kagandahan at ang napakahaba at napakaitim na buhok. Napakalambot na isinasayaw ng mahinang hangin ang suot niyang damit habang naglalakad ito sa gitna ng napakalawak na bulwagan. Sa kanyang harapan ay ang napakakisig na si Anilaokan na buong tapang na nilalakad ang bulwagan papunta sa dalawang maharlikang nakaupo sa gawing dulo ng bulwagan.

Nakakamangha ang ganda ng lugar na animo'y nakalutang sa kalawakan ang sino mang naroroon sa gitna ng mga nagkikislapang mga bituin.

Hati naman ang reaksiyon ng mga tao sa loob ng bulwagan na nabigla rin sa di inaasahang pagdalaw ni Anilaokan sa kanila. Lahat ay nakatayo sa magkabilang bahagi ng bulwagan habang tahimik na nakamasid sa pagdating ng mga ito.

Kapansin-pansin din ang kagandahang taglay ni Laurea o Mariang Sinukuan, ang isa sa pinaka hinahangaan nilang diwata sa ikatlong mundo. Pero ang labis nilang pinagtatakhan ay kung bakit kasama ang matuwid na si Mariang Sinukuan. Matigas ang hitsura ng kanyang mukha na labis na ipinagtataka ng mga taga Parnangan. Maamo ang mukha at palangiti si Mariang Sinukuan na kakilala nila, pero kabaligtaran ng diwatan na naglalakad sa harapan nila ngayon.

Tumayo ang hari at ang kanyang Reyna nang makalapit sa kanilang harapan sina Anilaokan at Mariang Sinukuan. Nagbigay pugay ang Hari at Reyna sa dalawa at sumunod rin sa kanila ang lahat ng mga naroroon sa loob ng palasyo. Lahat ay yumuko para kilalanin ang pagdating nila bilang mga panauhin.

Nanatili naman ang sampong mandirigmang Labuad sa likuran nina Anilaokan at tumayo ng naayon sa mga kawal ng dakilang Anilaokan. Ang natitira pang sampu ay nanatili sa kalagitnaan ng bulwagan at inalerto ang mga sarili.

Humakbang ang hari papalapit kina Anilaokan at Mariang Sinukuan na kapansin-pansin sa mukha nito ang pagaalala. Wala siyang kaalam-alam na biglaan ang pagbisita ni Anilaokan na labis niyang ikinababahala. Hindi bibisita si Anilaokan kung wala itong kailangan sa kanya. Ito ang pangalawang pagbisita ng lalakeng diwata bago ito mapatay ng isang mortal na tao libong taon na ang nakakaraan.

Sinubukang magsalita ng hari ngunit walang lumabas na boses mula sa kanyang bibig. Natigilan ito at tila nag-iisip kung ano ang sasabahin nito sa kanya. "...is...i...isang, mapagpalang umaga sa'yo dakilang Anilaokan at Ma...Mahal na Mariang Sinkuan, ano ang napakaimportanteng dahilan at biglaan ang inyong pagparito sa aming kaharian?" ang lakas-loob na tanong ng hari kay Anilaokan. Halata rin ang takot sa mukha ng asawang reyna ng lalake dahil sa mahigpit na pagkakakapit nito sa braso ng asawang hari.

Tumingin si Anilaokan sa mata ng hari. Matigas ang mukha nito at tila seryoso ang kanyang pagsadya sa kaharian ng Ishilandor. Humakbang ng dalawang ulit si Mariang Sinukuan at pilit na ngumiti sa hari. Kaagad na nagbigay pugay ito sa hari at Reyna ng kahariang iyon.

"Isang mapagpalang umaga rin sa'yo haring Makatarem at reyna Wada. Naparito kami para kausapin kayo ng ating dakilang Anilaokan tungkol sa katapatan ng kahariang ito sa ating pinakamamahal na si diyosang Bulan." ang napakalamig na boses na wika ni Mariang Sinukuan sa mag-asawa.

Nagtinginan ang hari at reyna sa kanilang narinig mula kay Mariang Sinukuan at napalunok ang hari bago niya naibuka ang kanyang bibig para magsalita. "Di...diyosang Bulan? Sandali, teka naparito kayo dakilang Anilaokan para lamang alamin ang katapatan namin kay diyosang Bulan? Alam naman ninyo na ang katapatan ng kahariang ito ay kay Amang Bathala lamang." ang tugon ng kinakabahang hari na si Makatarem.

Nanatiling kalmado na nakamasid lamang si Anilaokan sa hari. Blangko ang ekspresyon ng mukha nito at nanatiling nakikinig sa mga sinasabi ng hari.

"...hindi para kay diyosang Bulan ang katapatan ng kaharian ko dakilang Anilaokan. Walang lugar sa aming kaharian ang diyosang nakikipag-ugnayan kay Behemot ang diyos ng kasamaan."

Isang kumpas sa kanang kamay ang ginawa ni Anilaokan at mabilis na umangat sa kinatatayuan si haring Makatarem. Pakiramdam ng hari ay isang napakalakas na kamay ang tila sumasakal sa kanya habang nakalutang ito sa ere. Mabilis na kumilos naman ang mga tauhan ng hari para tulungan sana ito. Ngunit hindi pa man sila nakakalapit ay ginamitan na sila ng kapangyarihan ni Mariang Sinukuan. Tumilapon ang halos lahat ng tauhan ni haring Makatarem sa loob ng bulwagan.

Nagsisigaw naman sa pagkakabigla si Reyna Wada sa kanyang nakita. Sa kanyang kamay ay lumitaw ang halos kulay bughaw na bola ng apoy at hindi ito nagdalawang isip na ibinato iyon kay Anilaokan. Pero hindi pa man nakuhang tumama ng bolang apoy sa lalaking diwata ay sinalubong niya ito ng kanyang kaliwang palad. Isang napakalakas na puwersa ang pinakawalan ni Anilaokan para mabilis na bumalik ang bolang apoy kay reyna Wada. Tinupok ng kanyang sariling kapangyarihang si Reyna Wada ang buo niyang katawan. Isang napakalakas na sigaw mula sa kayang asawa ang tanging narinig ni haring Makatarem habang ginagamitan pa rin siya ng kapangyarihan ni Anilaokan. Gusto niyang magpumiglas para makawala sa kapangyarihan ni Anilaokan pero wala siyang magawa para kumawala rito. Wala siyang nagawa para sa kanyang asawa na kasalukuyang tinutupok pa rin ng apoy na nagmula sa sarili nitong kapangyarihan. Gusto niyang sumigaw at ipaghiganti ang kanyang pinakamamahal na asawa.

"Kamatayan ang sino mang hindi magbibigay ng katapatan kay diyosang Bulan!  Kung ako sa'yo Makatarem ay may pagkakataon ka pang lumuhod para kilalanin si diyosang Bulan para pamunuan ang ikatlong mundo!" ang malakas na wika ni Anilaokan kay haring Makatarem.

Pinipilit na nagpapakatatag ni Mariang Sinukuan sa kanyang nakikita sa mga ginagawa ni Anilaokan. Pero kailangan niyang magpanggap para sa kanyang mga balakin. Kailangan niyang mapaniwala si Anilaokan na kaisa na niya ito sa kanyang mga layunin. Pero kailangan muna niyang magpanggap hanggang mahulog sa bitag niya si Anilaokan.

Takot na takot ang iilang mga tauhan sa palasyo habang ang sampong mandirigmang kasama nina Anilaokan ay sinalubong ang mga lumulusob na mga sundalo ng kaharian ng Ishindalor. Malalakas ang mga kapangyarihan ng mga mandirigmang mula sa isla ng Labuad kaya hindi magawang makapasok ng mga ito sa loob ng palasyo para iligtas ang kanilang hari at reyna.

Ibinaba ni Anilaokan si haring Makatarem. Pagkababa nito sa kanya ay mabilis na nilapitan nito ang naabo niyang asawa. Halos mabaliw ito sa sobrang hinagpis na nararamdaman nito sa pagpatay sa kanyang asawa.

Tila natutuwa pang pinagmamasdan ni Anilaokan si haring Makatarem na pilit na pinapatay ang apoy na tumutupok pa rin sa naaabong katawan ni reyna Wada.

"Makatarem, ang tanging gagawin mo lang naman ay tanggapin si diyosang Buwan bilang iyong panginoong diyos at hahayaan kitang mabuhay. Mananatili kang hari ng napakagandang kaharian na ito." ang halos nakangising wika ni Anilaokan.

Tila walang naririnig si haring Makatarem sa mga sinasabi ni Anilaokan. Di na rin niya inalintana ang nangyayari ng kaguluhan sa loob at labas ng kanyang palasyo. Sa pagkakataong ito ay galit na galit siya kay Anilaokan, maging kay Mariang Sinukuan. Kailangang magbayad ng mahal ang gumawa nito sa kanila. Tumayo ito ng nakaharap kay Anilaokan na nakakuyom ang dalawang kamao sa kanyang tagiliran. Nanginginig siya sa sobrang galit. Galit na galit sa dalawang nilalang sa kanyang harapan. Maghihiganti siya para sa pinakamamahal niyang asawa.

"Aaahhh!!!" ang malakas niyang sigaw. Kasabay ng pagpapakawala ng mga tila sibat na gawa sa matutulis na kristal. Kusang nababaklas ang mha ito sa pader ng palasyo at mabilis na nauulma para maging matatalim na mga sibat.

Mabilis naman sa pagkilos si Anilaokan para maiwasan ang mga mala-sibat na mga kristal. Gayon din ang ginagawa ni Mariang Sinukuan na tila nagsasayaw lamang sa kanyang mga pagkilos sa pag-iwas sa mga ito. May pagkakataong nagagawang matunaw ng mga matatalim na kristal gamit angbkapangyarihan ng babaeng diwata.

Patuloy pa rin sa pag-amok ang hari at desidido siyang patayin ang mga taga isla ng Labuad na naroroon lalo na si Anilaokan at Mariang Sinukuan. Dalawa sa mga mandirigmang taga Labuad ang tinamaan ng mga sibat at kaagad na namatay. Halos hindi rin makaatake si Anilaokan at Mariang Sinukuan dahil sa sobrang bilis sa paggamit ng kapangyarihan ni haring Makatarem. Makapangyarihan din si haring Makatarem kaya hindi mabali ang kanyang desisyon na tanggihan bilang panginoong diyos si diyosang Bulan.

Puro ilag at pag-iwas ang ginagawa ng dalawang makapangyarihan na diwata sa mga panganib na dulot ng kapangyarihan ng hari. Hindi rin magamit ni Anilaokan ang kapangyarihan niya bilang pang-atake sa hari, kaya puro pagdepensa lamang sa kapangyarihan sa galit na galit na si haring Makatarem ang kanyang nagagawa. Sa di inaasahan ay isang halos dalawang piyeng sibat na kristal ang tumusok da tagiliran ni Anilaokan. Namilipit ito sa sakit at tumumba sa kinatatayuan nito. Lumusot ang sibat sa katawan ni Anilaokan na labis na nagpahirap sa kanya at mawalan ng depensa sa kapangyarihan ni Haring Makatarem.

"Magbabayad ka sa ginawa mo sa asawa ko! Magbabayad ka!" ang malakas na sigaw ni haring Makatarem kay Anilaokan. Nanginginig sa sobrang galit ang hari at nakahanda na niyang paliparin papunta kay Anilaokan ang lahat ng natitira pang mga sibat na yari sa kristal. Nakaramdam na ng takot si Anilaokan ng mga sandaling iyon na baka iyon na marahil ang katapusan niyang muli sa ikatlong mundo.

Isang kumpas ang ginawa ni haring Makatarem at mabilis na tatama kay Anilaokan ang mga natitira pang mga sibat. Pero mabilis na kinontrol ni Mariang Sinukuan ang mga sibat gamit ang kapangyarihan nito at mabilis na nalaglag ang mga napulbos ang mga ito sa makinis na sahig ng palasyo. Doon nagkaroon ng pagkakataong umatake si Anilaokan at sa isang kumpas ng kanyang kamay ay nabalian ng leeg si haring Makatarem at wala ng buhay ng bumagsak ang katawan nito sa sahig ng palasyo.

Sa kandungan ni Anilaokan ay nawalan ng malay si Mariang Sinukuan dahil sa paggamit ng labis sa kapangyarihan nito.
-----------------------

Mula sa loob ng mga madidilim at abandonadong gusali sa Malolos ay sumisilip sa labas ng kalsada ang mga napakaraming aswang. Tila may kung anong mahika silang naririnig na boses na nanghihikayat sa kanila na lumabas sa liwanag na hindi nila mapigilan. Gayun man ay naniniguro pa rin sila na hindi lalabas ang haring araw sa kalangitan para malaya silang maghahanap ng sariwang dugo at lamang-loob ng tao. Gutom na gutom at sabik na sabik na makakain ng sariwang putahe na kanilang pinanabikang lasapin. Inaamoy ang kabuuan ng paligid at naglalaway sa tuwing naiisip ang masarap na dugo at lamang-loob ng tao.

Sa tuktok ng pinakamataas na gusali ay naroroon si Sitan ang kanang kamay ni Behemot na umuusal ng mga dasal para kontrolin ang klima sa kapaligiran. Kumpul-kumpol na mga ulap ang tumatakip sa mukha ng araw kaya malaya ng nakakalabas ang mga anak ng buwan. Sa isa pang gusali ay naroroon ang isang makapangyarihang manggagaway na huklubang lalake. Umuusal din ito ng orasyon para sumunod sa kanya ang mga aswang at mga malignong naroroon sa paligid. Siya si Hiduan, isa sa tatlong pinakamakapangyarihang manggagaway na nabubuhay sa sanlibutan. Tagasunod siya kay Sitan at pinagkakatiwalaan siya nito. Maraming digmaan na silang pinagsamahan at lahat ng iyon ay pinanalunan nila.

Mula sa kalsada ay buong tapang na naglalakad si Anmanuan ang mandirigmang mangkukulam na nagmula pa sa isla ng Labuad sa ikatlong mundo. Hawak-hawak nito ang dalawang pugot na ulo ng lalake. Pamilyar ang mukha ng dalawang ulo na kani-kanina lamang ay hinahabol nila ang isang paring Katoliko na si Father Noel.

"Naririto lamang sila at naaamoy ko ang kanilang napakalinamnam at napakasarap na dugo! Sige,  magpakabusog kayo! Ganyan nga!  Lipulin ang lahi ng mga natitirang tao sa Mundo! Maghanda sa nalalapit na pagdating ng ating dakilang diyos na si Behemot!" ang umaalingawngaw na sigaw nito habang naglalakad sa kahabaan ng daan. "Huwag matakot mga kapwa anak ng buwan, dahil ang araw ay magiging gabi, walang hanggang kadiliman ang hatid namin sa inyo at kailanman ay hindi na muling sisikat ang araw sa mundong ito. Malaya na kayo! Malayang-malaya na! Kaya purihin ang ating diyos na Behemot!" ang dugtong pa niya sa mga kumakapal na bilang ng mga aswang sa kalsada.

Ibinato niya ang dalawang ulo sa grrupo ng mga aswang sa kalsada. Pinagkaguluhan ng mga aswang ang dalawang ulo na animo'y mga mababangis na asong nag-aagawan sa kakarampot na pagkain.

"Halina mga kasama at aarihin natin ang mundo ng mga tao na unang naging atin sa simula pa lang. Purihin at sambahin ang ating panginoong Behemot!"

Mula sa mga gusali ay nagsilabasan pa ang napakaraming aswang; bata,  matanda, babae at lalake. Ang ilan sa kanila ay may mga bitbit na bahagi ng katawan ng tao at mga hayop na sarap na sarap habang kinakain ang mga ito. Marami sa kanila ang tila nakawala sa kanilang mga hawla ninanamnam ang bawat sandali na naging malaya sila sa ilalim ng araw.

Libu-libong mga aswang ang galak na galak na nasa kalsada. Dahil sa buong buhay nila ay ngayon pa lamang sila nakalabas sa ilalim ng sikat ng araw bilang aswang na di nasusunog.

Mula sa Longos, na bahagi rin ng Malolos ay mabilis na nagsilabasan ang mga bampirang Sangre at Strigoi. Ang araw na natatakpan ng maiitim na ulap ay tila isang bilog na buwan na tumatawag sa kanila. Inamoy-amoy nila ang buong paligid at saka tinahak ang direksiyon kung saan naroroon ang amoy ng tao. Kailangan sila ng kanilang pinuno. Kailangan nilang tumugon para sa kanilang diyos.

Sa loob ng simbahan ng Barasoain ay nangnginig sa takot ang halos tatlong daang kataong nagsisiksikan sa mga upuan. Karamihan sa kanila ay nagdarasal at humihingi ng kaligtasan sa Diyos. Marami ang umiiyak at nagmamakaawa sa Amang May-lika ng lahat. Mga bata at matatanda, mga babae at lalake na umaasa ngayon ng awa mula sa pinaniniwalaang Diyos at sa grupo nina Odessa.

Kinandado ang lahat ng pintuan at bintana ng simbahan. Nakapuwesto sa may pintuan sa loob ng simbahan sina Father Mexo at Alex. Kasama nila ang grupo ng mga armadong kalalakihan at kababaihan na halata sa kanilang mga mukha ang kaba at takot.

Sa harapan ng pintuan ng Simbahan ay naroroon naman sina Caren at Demetria na matiyagang nagbabantay din. Samantalang si Sagaway ay binabantayan ang gawing likuran ng simbahan.

Patuloy naman sa paglipad ang Malakat na si Alimog upang makita ang mga paghahandang ginagawa ng mga anak ng buwan. Kitang-kita niya ang tila mga langgam na sa dami ang mga anak ng buwan na nakakalat na sa kalsada. Natatanaw rin niya ang pagbabantay nina Odessa at Randy sa kalsadang dadaanan ng mga anak ng buan papunta sa simbahan para lumusob.

Paano nila lalabanin ang ganoong karaming mga anak ng dilim na patuloy pa rin sa kanilang pagdami? Paano sila lalaban gayong iilan lamang sila para labanin ang halos isang libong mga nilalang ng kadiliman? Hindi sila puwedeng sumuko dahil nakasalalay ang buhay ng mga taong nasa loob ng simbahan sa kanilang mga balikat.

Nakikiramdam na nakatayo sa gitna ng kalsada si Odessa kasama si Randy na nagmamatyag sa paligid. Hindi niya alam na ganoon na karami ang mga kampon ng kadiliman sa lugar pa lamang iyon ng Bulacan. Hindi na rin siya nagtataka kung bakit mabilis na nauubos ang mga tao sa mundo.

"Odessa!" ang halos pasigaw na tawag ni Randy sa kanya.

Lumingon si Odessa kay Randy at lumapit ito sa kanya. Inginuso ni Randy ang paparating na nilalang kasama ang napakaraming mga alagad ng kadiliman. Isa sa mga pamilyar na mukha kay Odessa ang natatangi sa lahat ng naroroon.

"...Sitan.. " ang namutawi sa mga labi ni Odessa.

"Huh?" napatingin si Randy sa naging reaksiyon ni Odessa pagkakita sa lalakeng nakatalukbong ng itim na tela sa kanyang ulo. "Sinong Sitan? " ang tanong pa niya.

"Si Sitan,  sa mundo ng mga tao siya ang diyos ng kasamaan. Ang pinagkakatiwalaan sa lahat ni Behemot na aking..." ang tugon ni Odessa pero hindi na niya nakaya pang ituloy ang kanyang sinasabi tungkol sa kaugnayan niya kay Behemot.

"Behemot?  Anong meron kay Behemot mahal ko?" ang usisa ni Randy sa kasintahan.

"Wala,  kalimutan mo na muna iyon. Kailangan na nating maghanda." ang naging tugon ni Odessa at tumalikod na kay Randy para ihanda na ang sarili sa pakikidigma.

Continue Reading

You'll Also Like

179K 5.3K 45
Si Airy, ang huling Fairy Warrior ay lalaban para sa kalayaan ng kanyang lupain mula sa masamang si Queen Fright. Ngunit hindi madali ang tatahakin n...
103K 2.4K 34
[EDITING] Do you believe in magic? Do you believe in charms? Do you believe that these magical things can create a family you won't forget? If yes...
20.6M 758K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
79K 2.4K 39
Stone Academy. Ito ay nakatampok sa Stone World; ang mundo na binuo ng labing-dalawang gemstones. Ang Stone Academy ay ang paaralan kung saan itinutu...