Noli Me Tangere ✔

By ronwelicious

134K 1K 15

/Ang Buod ng Noli Me Tangere/ For school purposes only. Originally written by our national hero Dr. Jose Riz... More

Paalala
Mga Tauhan
Ang Buod ng Noli Me Tangere
Kabanata I: Isang Handaan
Kabanata II: Si Crisostomo Ibarra
Kabanata III: Ang Hapunan
Kabanata IV: Erehe at Pilibustero
Kabanata V: Pangarap sa Gabing Madilim
Kabanata VI: Si Kapitan Tiyago
Kabanata VII: Suyuan sa Asotea
Kabanata VIII: Mga Alaala
Kabanata IX: Mga Suliranin Tungkol sa Bayan
Kabanata X: Ang San Diego
Kabanata XI: Ang mga Makapangyarihan
Kabanata XII: Araw ng mga Patay
Kabanata XIII: Mga Unang Banta ng Unos
Kabanata XIV: Si Pilosopo Tasyo
Kabanata XV: Ang mga Sakristan
Kabanata XVI: Si Sisa
Kabanata XVII: Si Basilio
Kabanata XVIII: Mga Kaluluwang Naghihirap
Kabanata XIX: Mga Suliranin ng Isang Guro
Kabanata XX: Ang Pulong sa Tribunal
Kabanata XXI: Mga Pagdurusa ni Sisa
Kabanata XXII: Liwanag at Dilim
Kabanata XXIII: Ang Piknik
Kabanata XXIV: Sa Kagubatan
Kabanata XXV: Sa Tahanan ng Pilosopo
Kabanata XXVI: Ang Bisperas ng Pista
Kabanata XXVII: Sa Pagtakip Salim
Kabanata XXVIII: Sulatan
Kabanata XXIX: Ang Umaga
Kabanata XXX: Sa Simbahan
Kabanata XXXI: Ang Sermon
Kabanata XXXII: Ang Panghugos
Kabanata XXXIII: Malayang Kaisipan
Kabanata XXIV: Ang Pananghalian
Kabanata XXXV: Mga Usap-usapan
Kabanata XXXVI: Ang Unang Suliranin
Kabanata XXVIII: Ang Prusisyon
Kabanata XXXIX: Si Donya Consolacion
Kabanata XL: Ang Karapatan at Lakas
Kabanata XLI: Dalawang Dalawa
Kabanata XLII: Ang Mag-asawang De Espadaña
Kabanata XLIII: Mga Balak o Panukala
Kabanata XLIV: Pagsusuri sa Budhi
Kabanata XLV: Ang mga Pinag-uusig
Kabanata XLVI: Ang Sabungan
Kabanata XLVII: Ang Dalawang Senyora
Kabanata XLVIII: Ang Talinhaga
Kabanata XLIX: Ang Tinig ng mga Pinag-uusig
Kabanata L: Ang mga Kaanak ni Elias
Kabanata LI: Mga Pagbabago
Kabanata LII: Ang Baraha ng Patay at ang mga Anino
Kabanata LIII: Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga
Kabanata LIV: Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang Di Nagkakamit ng Parusa
Kabanata LV: Ang Pagkakagulo
Kabanata LVI: Ang mga Sabi at Kuro-kuro
Kabanata LVII: Vae Victus! Sa Aba ng Mga Manlulupig
Kabanata LVIII: Ang Sinumpa
Kabanata LIX: Pag-ibig sa Bayan
Kabanata LX: Ikakasal na si Maria Clara
Kabanata LXI: Ang Barilan sa Lawa
Kabanata LXII: Ang Pagtatapat ni Padre Damaso
Kabanata LXIII: Ang Noche Buena
Kabanata LXIV: Katapusan

Kabanata XXXVII: Ang Kapitan-Heneral

655 9 0
By ronwelicious

[37]








Kabanata XXXVII

Ang Kapitan-Heneral

Pagkadating ng Kapitan-Heneral, ipinahanap niya kaagad si Ibarra. Samantala, kinausap muna niya ang binatang Taga-Maynila na nagkamaling lumabas habang nagsesermon sa misa si Padre Damaso. Ang paglabas ng binata sa simbahan ay ikinagalit ni Damaso. Namumutla at nginig ang buong katawan ng binata ng pumasok siyang kausapin ng Heneral. Ngunit, ng lumabas na ito, nakangiti na siya. Ito ay tanda ng mabuting ugali ng Kapitan-Heneral;. Mayroon siyang panahon basta sa katarungan.

Pagkalabas ng binata, ipinapasok na ng kagawad ang mga reverencia na sina Pari Sibyla,Pari Martin,Pari Salvi at iba pang mga prayle. Yumuko ang mga ito at nagbigay galang sa Heneral…Dahil hindi kasama si Padre Damaso, hinanap siya ng heneral. Sinabi nina Pari Sybila at Pari Salvi na may sakit ang hinahanap. Ang sumunod na nagbigay galang sa heneral ay sina kapitan tiyago at Maria.

Pinapurihan ng Heneral si Maria dahil sa ginawa nito sa pananghalian. Kung hindi dahil sa kanya , maaring nautas na si Ibarra si Padre Damaso. Sinabi ng Heneral na kailangang tumanggap ng gantimpala si Maria na kagyat namang tumutol.

Smantala, ipinahayag ng kagawad na dumating na si Ibarra at nakahanda na siyang humarap sa Heneral. Napansin ng Heneral na medyo nabalisa si Maria, Kaya sinabi niyang nais itong makaharap bago umaalis patungong Espanya. Sinabi naman niya sa alkalde na samahan siya nito sa paglilibot.

Hindi matiis ni Pari Salvi na ipaalala sa Heneral na si Ibarra ay excomulgado. Pero,hindi siya pinapansin nito at sa halip sinabi ng Heneral na ipaabot kay Padre Damaso ang pangangamusata na gumaling ito kaagad. Napamaang ang mga reverencia at sabay sabay na nagpaalam. Nakasalubong nila ang pagpanaog ni Ibarra. Ngunit hindi sila nagkakibuan. Mata lamang ang nag-usap.

Pagkakita ng Henaral kay Ibarra mabilis niya itong kinamayan at sinabing tama lang ang kanyang ginawa lalo na ang ginawang pagtatanggol sa ala-ala ng ama. Tiniyak niya na kakausapin ang arsobispo tungkol sa pagkakaexcumulgado ni Ibarra.

Sa pagkukuwento, lumitaw na nagkapalad si Ibarra na makatagpo ang pamilya ng kapitan Heneral noong siya nagpunta sa Madrid. Tinanong ng Heneral kung wala man lang liham na tagubiling dala si Ibarra para sa kanya. Hindi na kailangan ito, ani Ibarra sapagkat lahat daw ng mga Pilipino ay tinagubilin sa Heneral. Sa pagpapahayag ni Ibarra ng kanyang sariling pananaw sa buhay, nagpamuni ng Heneral na matalino ang binata. Inamuki niya itong ipagbili ang lahat lahat na ari-arian at sumama na sa kanya sa Espanya sapagkat hindi nababagay ang kanyang kaisipan sa Pilipinas. Pero,sinasabi ni Ibarra na higit na matamis ang mamuhay sa bayang sinilangan at pinamuhayan din ng mga magulang nito.

Pinahalagahan ng Heneral ang paninindigan ni Ibarrasapagkat inaakala niyang higit nga niyang kilala ang Pilipinas kaysa sa kanya. Nang maalala niya si Maria, sinabi ng Heneral kay Ibarra na puntahan na niya ang kanyang kasintahan at itagubilinang paparoonin sa kanya si kapitan tiyago.Ipinagugunita niya kay Ibarra na samahan siya sa pamamasyal. Tumango si Ibarr at umalis na. Kapagdaka,tinawag ng Heneral ang mga kagawad at sumunod ang alkalde. Sinabihan ng Heneral ang alkalde na hindi na kailangang maulit pa ang naganap na pananghalian at ibigay ang lahat ng kaluwagan kay Ibarra sa pagsasakatuparan ng kanyang mga mabubuting layunin. Huwag ding pakialaman si Ibarra, mariing pautos pa ng Heneral.

Tumango ang Alkalde sa tinuran ng Heneral. Nangako siyang pangangalagaan din ang kaligtasan ni Ibarra. Nang dumating si tiyago kaagad na binati siya ng Heneral dahil sa pagkakaroon ng kapuri-puring anak at marangal na manunungangin.Nagprisinta pa ang Heneral na maging ninong sa kasal. 

Samantala, kaagad na hinanap ni Ibarra sa Maria. Kumatok siya sa silid ni Maria sapagkat naririnig niya ang boses nito. Pero, hindi binuksan ang pinto at sa halip ay si Sinang ang sumilip. Sinabi ni Sinang na isulat na lamang ni Ibarra ang sasabihin sapagkat papunta sila sa dulaan. Nagtaka si Ibarra.

Continue Reading

You'll Also Like

31.9M 815K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...
10K 81 12
Mga tulang tungkol sa nasaktan at sa buhay ng may akda. Patungkol sa Pag-ibig...
M By Maxine Lat

Historical Fiction

6.5M 292K 17
#ProjectM II This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical viole...
205K 12.1K 45
Eloisa, a tomboy from the present has to travel in time to 19th century in order to save Marikit from the death caused by Maximilliano, a playboy hea...