Papalayain
Ilang buwan na din ang nakalipas magmula nung mga araw na na-realize ko sa sarili kong mahal ko na nga si Terrence.
Hanggang ngayon. hulog na hulog pa din ako sa kanya.
Sino ba naman kasi hindi mahuhulog sa tuwing nandyan siya tabi mo?
Pero hanggang ngayon hindi niya pa rin ako napapansin.
Pero tingin ko mas mabuti nalang iyon para ma-maintain namin yung pagkakaibigan namin.
Pero hindi mo pa ring maiwasang masaktan.
Ilang araw nalang ay birthday na ni Maxienne at excited na excited ang bruha.
"Eto naman, parang debut mo na." sambit ko sabay subo sa fries.
"Bawal na ba akong maging excited ngayon Vi?" tawa niya. "Wala lang. Trip ko lang maging excited, bakit ba?" dugtong niya sabay irap. Napangiwi nalang ako.
Sunod-sunod din ang mga lakad ko kasama si Aiden, pero kadalasan kasi, pag lumalabas ako ay pinagkakaguluhan ako ng mga tao.
Dahil nga, sumisikat na lalo ang LG.
This past few months ay nag-release kami ng bagong album. Naging patok ito at to the point na malapit ng ma-sold out. Naging isa rin ang album na ito sa top songs/album sa Spotify at ITunes.
Dahil din dito ay sunod-sunod ang mga endorsements naming banda. Nagkaroon pa kami ng mga mall tours at magkakaroon ng concert ngayong buwan.
Tindi.
"Mang-imbita ka naman ng mga celebrity friends mo!" sambit niya.
"Baka may celebrity friends?" sagot ko naman sabay subo ulit ng fries.
"Nga pala. Speaking of.. Kailan balak ni Terrence na tanungin si Candace na maging GF niya?" kinurot naman ang puso ko sa sinabi ni Maxienne.
Oo, ganun pa din ako kay Terrence. Mahal ko pa din siya. Kahit na hinahayaan ko nalang siyang maging masaya kay Candace.
"Ewan ko ba dun." sabi ko.
"Tagal na niyang nanliligaw ha. Kailan niya talaga officially na tatanungin si Candace?" tanong niya ulit.
"Bakit ba ako ang tinatanong mo--"
"Masakit ba?" tawa niya kaya napairap ako. "Eto naman masyadong seryoso! Bakit ba kasi ayaw mo pang umamin?" tanong niya.
"Ayoko." sagot ko naman.
"Makakaya mo bang hanggang diyan ka lang?" tanong niya ulit. "Alam mo may pagkakataon ka pa naman eh. Hindi pa naman sila---"
"Max, alam mo namang may iba ng pinupusuan yung tao. Ipagpipilitan ko pa ba sarili ko?" tanong ko naman.
"Hindi naman sa ganun. Pero may chance ka pa eh---"
"Mar-reject lang din naman ako. Kaya mas mabuti nalang na ganito nalang kami. Magkaibigan, masaya, walang ilangan." sagot ko naman.
"Well then." sabi niya sabay ngisi. "Kumusta naman kayo ni Aiden?" napangiti naman ako.
"We're good friends." sagot ko naman.
Aiden was the one whose been there for me sa mga panahong nasasaktan ako sa pakikitungo ni Terrence sa'kin. He's really a good friend.
"Friends nga lang ba?" napangiwi naman ako.
"Syempre. Ano ka ba Maxienne." sambit ko naman sabay inom na sa Coke ko.
"Feeling ko kasi may gusto yun sa'yo. Sa tagal niyo pa namang magkasama lagi." sambit naman niya sabay subo din ng fries.
"Imposible yun. Saka alam niyang may gusto akong iba---"
"Yun na nga yung pinupunto ko. Ano pang silbi ng pagkakaroon mo ng feelings kay Terrence kung may gusto din siyang iba?" tumagos naman lahat ng sinabi niya sa'kin.
"O-okay lang yu---"
"Hindi okay yan. Nasasaktan ka eh." sabi niya. Naalala ko yung sinabi sa'kin ni Mommy dati.
"Max, natural naman yun eh. Pag nagmamahal ka, nasasaktan ka din." sagot ko naman.
"Pero hindi rin healthy yun bes. Ano yun, give ka lang ng give?" tagos niyang tanong sa'kin.
"Okay lang yun. Ang importante lang naman dun, nagmamahal ka." sagot ko naman.
"Hays. Di na nga ako makikipag-bangayan sa'yo." sagot niya kaya ngumiti na lamang ako at kumain nalang ulit kami nang biglang tumunog ang phone ko.
Terrence is calling you...
*dugdugdugdugdugdug*
Napangiti naman ako nang makita ang pangalan niya sa screen at sinagot ang kanyang tawag.
"Hello Terrence?" bungad ko kaya napatingin sa'kin si Maxienne.
"Hey Vi!" lumawak ang ngiti ko nang banggitin niya ang pangalan ko.
Diba, ang babaw ng kaligayahan ko pagdating sa kanya.
"Napatawag ka." sabi ko naman at sumubo sa fries.
"Ano kasi.. Uhh.. Tungkol 'to kay Candace.." tinusok naman ng libong tinik ang puso ko nang marinig ko mula sa kanya ang pangalan ni Candace.
"A-ano yun?" tanong ko naman.
"I'm gonna ask her for the first time to be my girlfriend..."
Halos gumuho ang mundo ko nang sabihin niya yun.
~*~*~*~*~*~
"Hanggang kailan mo pa ba itatago kay Terrence yang nararamdaman mo?" tanong sa'kin ni Aiden habang nagd-drive siya. Papunta kami ngayon sa isang mall para bumili ng mga kakailanganin umano ni Terrence para sa unang pagtatanong niya kay Candace kung pwede niya na ba ito'ng maging girlfriend.
Oo, masakit, pero anong magagawa ko
"Hanggang sa mapansin niya din ako." sagot ko naman.
"Mapansin? Tignan mo ngang si Candace lang ang nakikita niya." sabi naman niya.
"Ayoko pang umamin." sagot ko at yumuko.
"Kung sa tingin mo ay okay lang na hanggang diyan ka lang Vi. Para sa'kin hindi na tama yan." sambit niya. Napatingin naman ako sa kanya.
"P-pero kasi, mas mabuti nalang na ganito kami. Magkaibigan saka walang ilangan. Pakiramdam ko kasi pag umamin ako, lalayo na siya. Hindi ko naman kaya yun---"
"Pero diba, mas masakit na hindi niya alam kung anong nararamdaman mo? Kasi ang alam niya, walang nasasaktan kaya patuloy pa din siya kay Candace." sagot ni Aiden.
Kailangan ko na nga ba talagang umamin?
~*~*~*~*~*~*~
"Vi!" bati sa'kin ni Terrence ng nakangiti.
Nandito na kami sa restaurant kung saan gaganapin ang pagtatanong niya kay Candace. Naka-set up na din lahat.
Sht, ang gwapo niya. Argh!
*dugdugdugdugdugdug*
"H-hi Terrence." sabi ko naman habang hawak ang isang rose na ibibigay kay Candace mamaya.
"Thank you for being here." sabi niya sabay ngiti. Naglabas naman ako ng pilit na ngiti.
"W-wala yun! Basta para sa inyo ni Candace." pinilit kong hindi maging malungkot ang tono ng pananalita ko.
"Hay, sana nga sagutin niya ako. Its been 5 months since I've been courting her. I think, right time na din naman para tanungin ko na siya." sabi niya.
Ewan ko nalang kung hindi ka sasagutin ni Candace.
"Tingin ko naman sasagutin ka na nun, matagal ka na ring nanliligaw Terrence." sabi ko at tinapik ang balikat niya.
"Thanks Vi---"
"Nandyan na si Candace!" sigaw ni Lean sa entrance. Nagulantang naman si Terrence.
"Alright!" bumaling muna siya sa'kin bago umalis. "Wish me luck." sabi niya sabay yakap sa'kin.
Niyakap ko naman siya pabalik.
Ipapaubaya na kita kay Candace. Papalayain na kita.
~*~*~*~*~*~