May's Fairy Tale COMPLETED (P...

By PHR_Novels

399K 6.9K 152

May's Fairy Tale By Victoria Amor "One thing I know, I'm miserable without you. At kung hihingin mong i-give... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 10

16.7K 296 6
By PHR_Novels

"ANO'NG— Sir Shin!" gulat na bulalas ni May nang bigla na lamang siya nitong isandal sa dingding nang sumara ang pinto ng elevator. Nanlaki ang mga mata niya nang diinan nito ang buton ng huling palapag!

Kabisado niya ang building. Walang umaakyat kapag ganoong oras. Fifth floor lamang pababa ang busy dahil sa mga katulad niyang agents na akyat-baba sa building.

"Who's that bastard?" mariing tanong nito, halos bumaon ang mga daliri sa mga balikat niya.

Walang maintindihan sa mga sinasabi nito na napamaang siya rito. Sino ang tinutukoy nito? At kailan pa ito bumalik sa Pilipinas?

"N-nasasaktan ako, Sir—"

"Answer me, damn it!" Naggalawan ang mga ugat nito sa mukha at tila nag-aapoy ang mga mata nitong nakatutok sa kanya.

Lalo siyang napasiksik sa kinasasandalan. Sa anyo nito ay hindi niya maiwasang matakot.

"Answer me!" nagtatagis ang mga ngiping ulit nito. "Who's that bastard you were kissing with?"

Saka lamang niya naintindihan ang lahat. Nakita nito sa Resty? Nahaluan ng pagtataka ang takot na nararamdaman niya. Imposible namang nagseselos ito kaya nagagalit. "Boyfriend ko siya," sagot niya at sinikap pumiglas mula sa pagkakahawak nito. "M-may... trabaho pa ho ako—" Hindi niya naituloy pa ang sasabihin dahil sinakop na nito ang mga labi niya kasunod ng paghapit nito sa katawan niya palapit dito. She gasped when she felt his tensed body against her. Nakulong sa bibig nito ang pagsinghap niyang iyon. Pinipilit niyang magpumiglas pero wala siyang laban sa lakas nito. Walang nagawa ang mga hampas niya sa dibdib nito.

Patuloy ito sa marahas na paghalik sa kanya, tila pinarurusahan siya, sinasaktan siya. Pahina naman nang pahina ang mga hampas niya kasabay ng pangingilid ng mga luha sa kanyang mga mata. Seconds later, she was trembling.

Noon huminto ang elevator sa pinakamataas na palapag. At tila noon din lamang ito naging aware sa panginginig niya. Saglit itong napatitig sa luhaan niyang mukha.

"Shit! What have I done?" usal nito, saka siya binitiwan.

Humihikbing napasandal siya, nanginginig ang buong katawan sa takot.

Nagpakawala ito ng marahas na suntok sa pinto ng elevator bago tuluyang lumabas at iniwan siya. Nanginginig ang mga daliring pinindot niya ang palapag ng Centric Tech para kuhanin ang mga gamit niya. Hindi niya kakayaning magtrabaho nang gabing iyon.

Nang magsimulang bumaba ang elevator ay natagpuan niya ang sariling tila nauupos na kandila habang nakasandal sa dingding. Nang mga sumunod na sandali, pumuno sa loob ng elevator ang pigil niyang hagulhol.

Continue Reading

You'll Also Like

10.2K 676 24
• Kung may personipikasyon ng aso't pusa, iyon sina Husky at Kitty. Unang pagkikita palang nila ay nagbangayan na sila, idagdag pang maging ang kanil...
200K 4.5K 26
Payton Sarmiento is the president of St. Griffin University's student council. She is smart, pretty, and a natural leader. Halos lahat ng estudiyan...
237K 3.6K 20
Love Team by Andie Hizon
137K 3.2K 25
"I'd gladly kiss you a thousand times right at this minute - no, make that a million times right at this minute - to make up for that one time that I...