Royale Series 11: Perfectly C...

Por iamyourlovelywriter

2.1M 38.2K 2.4K

a/n: contains slightly matured scenes. :p TEASER: "It's you!" tinaasan ni Chrome ng kilay ang... Más

Book 11: Perfectly Captured
PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE-A
CHAPTER NINE-B
CHAPTER NINE-C (SPG)
CHAPTER TEN-A
CHAPTER TEN-B
CHAPTER TEN-C
EXTRA story: Devilish Plan

EPILOGUE

140K 2.4K 108
Por iamyourlovelywriter

EPILOGUE

            PINIGILAN niya ang paglipad ng suot niyang Victorian hat dahil sa biglaang paglakas ng ihip ng hangin. Napapikit na rin siya kasi baka mapasukan ng pollen ang mga mata niya at saka napatingala sa langit. She is in the middle of the flower field laying over her picnic blanket.

            “Mommy!!!!” napatingin siya sa limang taong gulang na anak niya na patakbong tumungo sa kanya. May hawak itong bulaklak na kinuha lang yata nito sa field. Umayos siya ng upo at hinintay ang anak na makarating sa kanya.

            “Gideon Emerson be careful.” Aniya sa anak ng muntik na itong matapilok sa nakausling bato na pahara-hara sa daan. Hindi naman ito nadisgrasya pero bilang ina iba pa rin ang dating niyon sa kanya.

            “I am okay mom.” ngumisi pa ito. Napatitig siya sa anak niya kahit kailan talaga hindi siya magsasawang tingnan ito kamukhang-kamukha kasi nito ang ama nito… Wess. Almost six years na rin noong hilingin niyang lumayo muna ito sa kanya. Mahirap para dito ang hiningi niya she can still remember what happened like it was yesterday.

            Naglalakad na siya palayo sa binata kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan ng biglang may mainit na bagay na yumakap sa likuran niya. Hindi na siya nagpumiglas because it is no use naman and besides kung iyon lang din naman ang huling yakap nila bakit hindi nalang niya pagbigyan ang kanyang sarili?

            “I will let you go for now but it doesn’t mean hahayaan ko nalang na tuluyan mo akong malimutan Chrome.” Kumalas ito sa kanya at hinarap siya nito. Hindi niya alam kung umiiyak ba ito o hindi dahil na rin sa malakas na buhos ng ulan. “Ikaw ang pinaghintay ko noon ako naman ang maghihintay ngayon. Kahit gaano pa iyon katagal I am more than willing to wait for you to come back for me, to love me again. Hindi madali ang pinagdaanan natin pero ngayon pa ba tayo susuko? Ngayon pa bang magkasama na uli tayo at magiging isang pamilya na tayo? I am a jerk we both know that but let me prove to you that this jerk can love you more than what you think I can.”

            Sinapo nito ang magkabilang pisngi niya at saka inilapat ang mga labi ito sa kanyang mga labi. Biglang nawala ang lamig na naramdaman niya sa ginawa nito he probed her lips and part it as he tried to kiss her whole heartedly. Kusa na ring naglandasan ang mga luha mula sa kanyang ga mata dahil ramdam na ramdam niya ang intesidad ng paghalik nito sa kanya. Ramdam niya ang pagmamahal nito para sa kanya. Iyong love na hindi nagbago kailanman, it changed… but he love her now more than before.

            “You’ll wait?” she asked.

            “I’ll make you love me again. That’s a promise kahit kailan hindi ako sumuway sa pangako ko, when I promised to love you before I did, sabi ko hindi ko magmamahal uli unless it was Chrome and you came back and made me love you more than anything in this world. I’ll fix myself I will be a much better person I will be a person worth for your love and I will be a father worth to be looked upon.” Hinawakan nito ang impis na tiyan niya at muntik na siyang maiyak sa nakitang saya sa mukha nito. “I’ll wait for you kahit ilang taon pa iyan I have waited you for eight long years and I don’t mind waiting for another years.”

 

            AT tinotoo nito ang sinabi nito, hindi ito nagpakita sa kanya sa loob ng dalawang buwan. Actually namimiss na rin niya ang isang iyon, she is three months pregnant and luckily biglang nawala ang morning sickness niya at ang mga cravings niya. Nakabalik na rin siya sa dati and now she is with her twin sister who is happily engaged with Bret. Masaya siya ng malaman ang balita, naikwento na rin sa kanya ni Elize ang lahat. At hindi na niya naibalik ang kanyang alaala sabi nila mas mabuti na rin iyon at least wala na siyang aalalahanin pa.

            Naikwento na rin niya ang lahat sa mga kaibigan niya, noong una ay nagulat pa ang mga ito dahil sa dalawa pala siya. Natakot pa na ang mga ito dahil baka mamulubi daw sila ngayon na dalawa na sila. Nakakatawa lang ang sarap sapakin. She is back to her normal self, ibinalik na niya ang katauhan ni Elize sa kanya. She is wearing her casual clothing at hindi na iyong long dresses.

            Naintindihan din ng pamilya niya ang nangyari, hindi naman siya sinisi ng mga ito. Masaya pa nga ang lahat dahil dalawa na sila ng pandagdag ng pamilya ng mga magaganda. Nagpatuloy si Elize sa pag-aaral at mabuti nalang at tinutulungan ito ni Bret mahal na mahal si Elize eh.

            Si Lucy? May nagawa man itong masama pero alam niyang pinagsisihan na nito ang ginawa. Hindi na sila nagsampa pa ng demanda at nakalabas na ito, nagalit pa nga ito sa kanya dahil bakit daw ang tanga-tanga niya at pinakawalan pa daw niya ito. She read Lucy’s background at hindi siya tanga upang hindi magamit ang talino nito. Lucy is a genius na nabobo lang dahil sa pag-ibig, she graduated in a prestigious school in London with a degree in Medicine. Yup, she is a doctor herself and her field? Nasa institute na ito at nagtatrabaho, sinabi niya ditong mas mabuting makulong ito sa institute at may natutulungan keysa pagtripan ng mga tao sa kulungan. Wala din itong nagawa and right now she is working on it halos hindi na nga ito lumalabas pero bago pa man ito pumasok nakiusap ito sa kanya na pwede ba daw nitong ibalik ang dating mukha nito at pumayag na rin siya.

            “Hoy, buntis na maganda tulad ko ano na?” untag ni Kirra sa kanya.

            “Anong ano na?” kasalukuyan siyang nag-iinventory sa Royale ng mga oras na iyon.

            “Aminin mo na kasi may namimiss ka.”

            “Sino naman?” kaila niya of course hindi niya aaminin na namimiss na niya si Wess. At sa gabi naiisip niya pa rin ito at hinihiling n asana ay kamukha nito ang magiging anak nila. Wess have the most innocent face she had seen.

            “I don’t really know kung sino, sino kaya ang pwede? Baka someone na nasa North o kaya naman ay South o kaya naman ay East or WESS?”

            “Baby darling baka naman sa West?” pagtatama ni Wade. Mukhang siya naman ang napagtripan ng mga itong asarin.

            “Uy, may narinig akong Wess.” She rolled her eyes when she heard Summer’s voice kasama nito si Qianna and of course ang asawa nitong abogado de kampanella na kung saan magpunta ang asawa ay nakasunod lang ito palagi. Sabi kasi ni Summer paranoid si Rechmond at baka daw maisipan niyang umalis… paranoid nga.

            “Nagkamali ka ng rinig dear.” Sabi niya at tinapos ang trabaho niya. “Walang free dito lahat ng kakainin niya ay may bayad at dahil kaibigan ko kayo kaya dadagdagan ko ang tax ng two percent.”

            Akmang isusubo na sana ni Summer ang ensaymada na nasa harap nito ay bigla nalang nitong ibinaba at maayos na ibinalik sa supot.

            “Goodness, twenty pesos na nga itong ensaymada mo tapos papatungan mo pa ng two percent eh di twenty pesos and forty cents na iyon.”

            “Wala akong panukli sa forty cent kaya gawin ko nalang thirty ang kada pirasong ensaymada.”

            “Rechie lhabs may batas bang pwedeng magpakulong sa babaeng iyan grabe kung makapatong ng presyo sa ensaymada niya. Porke’t masarap na masarap at naglilihi ako ay ganoon na?” madramang yumakap ito sa asawa nito na ginantihan naman ng masayang abogado. Hindi ito nakangiti pero nakangiti ang mga mata nito at mukhang masaya pa dahil yakap-yakap ng asawa nito.

            “Mayaman naman tayo Samantha kaya mura ang thirty pesos na ensaymada ilan baa ng gusto mong kainin?”

            “Gusto ko ng marami tapos iba-iba ang kulay. Gusto ko may blue, green at saka black na ensaymada.”

            Natawa siya sa naging reaksyon ni Rechmond sa hiniling ng asawa nito para kasing kulang nalang ay ibaon nito ang sarili sa lupa.

            “Wala naman silang ganoon mommy eh.” Si Rech na naglalambing.

            “Basta gusto ko ng ganoon.” Tiningnan siya ni Rechmond, ngumisi lang siya.

            “I can arrange it of course if the price is right.” Napailing nalang si Rechmond na mukhang wala namang pakialam sa price dahil gagawin nito ang lahat para sa asawa. Naisip tuloy niya si Wess kung nandito ba siya at naghihingi din ng kung anu-ano ay ibibigay din kaya nito?

            “Hindi ka ba naglilihi?” untag ni Gypsy sa kanya.

            “Nawala bigla ewan ko kung ano ang nangyari dati naman ay naglilihi ako ng magnum na gold na ice cream then miglang nawala.”

            “Magnum? Na gold?” takang tanong ni Wade sa kanya.

            “Yup. Why?”

            “Wala naman minsan kasi ay ginulo ako ni Wess na bumili ng magnum gold sa gitna ng gabi dahil gusto daw niyang kumain nun nagalit pa nga ng umayaw ako tapos sangkatutak na blackmail ang ginawa niya kaya napilitan lang din ako na bumili. Sinabihan ko siyang magstock pero ayaw niya kasi mas masarap daw kapag binili sa seven eleven. Ang weird nga eh.”

            Hindi naman siya naka-imik, mukhang si Wess ang nakasalo ng paglilihi niya. Mabuti naman. Bakit ba? Gusto din niyang maranasan nito kung gaano kahirap ang magbuntis no alangan naman na siya na nga ang manganganak tapos siya pa rin ang maglilihi.

            “Ay, gusto ko iyang ganyang paglilihi.” Si Gin. “Ang hirap kayang makita mo ang asawa mo na naglilihi at sumusuka ng umagang-umaga.”

            “Ang sweet mo talaga pabatok nga.” At binatukan naman ni Gypsy ang asawa na hindi naman nagreklamo mukhang sanay na eh. Ganyan daw ang dalawang iyan eh nagsimula sa asaran at awayan ang love story nila.

            “Hindi talaga madali ang magbuntis no lalo na kung triplets ang mga junakis mo.” Si Kissa na katabi si Pierce na pinaglalaruan ang mga daliri ng asawa nito. Kung traumatic ang love story niya mas traumatic naman ang sa babaeng iyan. Halos magkapareho kasi sila ng pinagdaanan eh. Mahirap nga yata kapag may kakambal, masaya na mahirap. Sana hindi kambal ang anak niya baka mahirapan siyang palakihing mag-isa ang mga iyon.

            Right now si Gypsy ay buntis sa bunso nitong babae, malapit na ang due date nito na babae. After daw ng bunso nila ay hindi na sila mag-aanak dahil kompleto na daw ang family nila. At least may family planning sila kilala pa naman niya ang mag-asawang iyan masyadong mataas ang libido kahit palaging nag-aaway. They just love each other too much.

            Si Kissa naman ay hindi na pwedeng magkaanak pa dahil na rin sa nangyaring aksidente dito noong nagbubuntis pa ito sa triplets nito. She actually wants to have a baby girl pero dahil hindi na pwede kaya kinakasya nalang nito ang sarili nito sa pagmamatch ng mga anak nito sa mga anak daw nila na babae.

            Si Kirra naman ayon nga buntis din, ang daming buntis sa mundo. Si Kendra ang panganay nito na babae and then five months preggy ito sa bunsong si Kendall. Hindi pa nga nabubuo ang baby ay may pangalan na sila diba sila na ang madam auring in the making.

            Si Summer sumunod sa uso, buntis din. Ang sabi naman kasi nito hindi na sila mga bata pa at kapag nanganak pa daw ito ng nasa early thirties na siya ay baka mahirapan na siya. Totoo naman iyon.

            At si Hyjea, kakapanganak lang nit okay Zhandra at kabibinyag lang din around five months ago. Pero narinig niya si Gleian na kausap ang mga kaibigan nitong lalaki na kailangan daw mabuntis ang asawa nito at ng makarami na sila. Gusto kasi nito ng one big happy family.

            At siya? Hindi siya naiinggit no at saka desisyon naman niya na lumayo muna sila sa isa’t isa.

            “Madam C.” tawag ng waiter niya sa kanya. May dala na naman itong isang bouquet ng mga bulaklak.

            “Uy flowers, kanino galing iyan kay North-south-east-WESS?” excited na usisa ni Jea.

            “Ay, hindi po maam eh. Kay mister Gomez po ito galing pinapabigay niya po at tinatanong niya kung kailan ka po raw makikipagdate sa kanya.”

            Napabuntong-hininga nalang siya at nagkibit-balikat. Gomez is a suitor isa itong client nila na nalove at first sight daw sa kanya. Sinabi na niyang buntis siya pero sabi nito he doesn’t care because what matters is hers, di ba? Kabaliwan lang ng isang iyon.

            “Akala ko ba si Mr. Padilla iyon?”

            “Mamaya pa iyon magpapadala ng kung anu-ano, nakakabaliw lang sila minsa ang sakit sa ulo.”

            “Huwaw! Ikaw na ang indemand buntis na maganda wala ka bang balak na hintayin si north-south-east-WESS?” Si Kirra.

            “Ha? Bakit ko naman siya hihintayin kung maraming lalaki na nagkandarapa sa akin at tanggap ako at ang anak ko? Nakapagpahinga na ako at handa na akong mag-entertain ng suitors ko baka nga weeks from now may boyfriend na ako at magpakasal na ako at may daddy na ang anak ko.” She cheerfully said.

            “Pero paano na ang WessChro love team?” nagpapadyak na tanong ni Jea.

            “May ganoon ba? Hindi ko naman kasalanan kung maunahan siya ng iba hindi ba? Maganda kaya ako kahit na buntis ako.” Ang kapal ng face niya, thanks to hormones.

            “Sure ka talaga diyan?”

            “Yup.”

            “Hindi mo na ba mahal si Wess?”

            “Mahal.” Pag-amin niya.

            “Pero bakit ka magpapaligaw?”

            “Bakit? Masama ba? Single naman ako hindi ba? At saka again hindi ko kasalanan kung maunahan siya ng ibang manliligaw ko.”

            “Ang daya naman! Hindi kami papayag ng ganoon walang laban ang manok namin.” Reklamo ni Jea.

            Tiningnan niya ang waiter at kinuha ang mga bulaklak. “Call him back, set me a dinner with him tomorrow night.” Aniya dito at tumango naman. Napangiti siya ng matingnan ang mukha ng mga kaibigan na parang pinagtakluban ng lupa. Hala, bakit kaya?

 

            “SISTAH!” Pukaw ni Elize sa kanya, nasa harap siya ng kanyang vanity mirror at nag-aapply ng light make-up. “Itutuloy mo ang date kay Gomez?”

            “Yup.”

            “Bakit?” hindi maipinta ang mukha nito.

            “Anong bakit?”

            “Hindi ako papayag! Dito ka lang.” utos nito.

            “Sa room ko? Ayoko nga may date ako ngayon at chance ko na itong makapagdate ng iba.” Reklamo niya.

            “Basta hindi ka pwedeng lumabas dito.” nagmamadali itong lumabas and then she heard something behind her doors. Agad siyang tumayo at binuksan ang pintuan niya but it was locked.

            “Elizabeth! Buksan mo itong pinto ano ba?” reklamo niya.

            “Huwag kang sumigaw baka nakakalimutan mong buntis ka matulog ka nalang, ay maligo ka muna iyon lukewarm water para hindi kumapit sa pamangkin ko ang germs ng make-up mo.” Mukhang wala talaga itong balak na palabasin siya.

            “Sis naman eh baka magalit si Gomez.”

            “Mabuti nga iyon at ng tigilan ka na niya basta diyan ka lang hindi ka pwedeng makipagdate hangga’t hindi si kuya ang kasama mo.” Sigaw nito.

            “Kailan ka pa nagkaroon ng ibang kapatid? Si Emman lang kuya natin at may asawa na iyon.” of course she knew whom she is referring to.

            “Basta matulog ka na makakasama sa baby natin ang magpuyat.” Hala! Kung makapang-angkin lang ng baby bakit kasama ba siya ng gawin nila iyon ni Wess? Napasimangot siya at pumasok sa banyo niya upang maligo. Nagsend na rin siya ng message kay Gomez na hindi siya pwede ngayon dahil may nangyaring hindi maganda. He politely said okay naman. Nagbabad muna siya sa bath tub at nagbihis na ng pantulog niya. She is back wearing her night gowns dahil mas magaan sa pakiramdam niya. Mukhang dala nga ng paglilihi ang sweater thingy craziness niya.

            Mabilis din siyang nakatulog and when she woke up ay nagtaka pa siya ng mapansin na parang nasa flower shop siya dahil sa dami ng mga bulaklak sa loob ng silid niya. At may nakahanda ng breakfast in bed. She asked her sister and everyone in the house pero wala daw alam ang mga ito.

            Hindi lang isang beses nangyari iyon dahil ganoon lang ng ganoon sa loob ng tatlong linggo. May hint na siya kung sino iyon kailangan lang niyang hulihin sa akto ang culprit. She can’t deny what she feels when she woke up and saw the flowers and the breakfast and of course the scent left beside her. Hindi nalang siya nagsalita pa.

            Isang gabi nagpaalam siyang matutulog muna pero hindi talaga siya natulog. She just waited and exactly eleven pm ay may bumukas ng pintuan niya and from the scent of it ay kilala na talaga niya ito. She heard some noises bago nagsettle sa tabi niya ang pangahas.

            “Good night cupcake.”

            Oh God! She is expecting it to be him pero iba pa rin pala kapag narinig na niya mismo iyon sa bibig ng lalaking ilang buwan na rin niyang hindi nakita.

            “I missed you a lot.” Kumilos ito and feel him kissing her tummy. “Night baby, daddy loves you and he loves mommy too.” Muli itong kumilos and he kiss her lips. Light kisses, the neurons inside her lips were activated dahil parang nanulay ang maliliit na kuryente sa buong bahagi ng kanyang katawan. Yumakap ito sa kanya and she never felt better… best. It feels so good being wrapped around his arms, and her heartbeat? It’s back to normal wala na iyong emptiness pero napalitan ng longingness.

            Mukhang napaganda ang paghihiwalay nila dahil mas lalo niyang naramdaman sa sarili niya na mahal talaga niya ang binata. Mas lalo niya itong minahal ngayon keysa noon, hindi man niya maalala pero iyon na iyon.

            Hindi agad siya nakatulog pero si Wess hayon mukhang pagod na pagod kaya maagang nakatulog. Nakalampas na sila sa first trimester kaya marahil wala na ang paglilihi nito.

            “I love you Chrome.” He uttered during his sleep.

            “Mahal din kita Wess, kaunting pursige pa show me how much you want me in your life.” Hinaplos niya ang buhok nito and he snuggle her. Alas singko ng umaga ay tumayo na ito at halos isang oras ay naramdaman niyang may mga gumalaw sa loob ng kanyang silid. He and the maids arranged the new and fresh flowers inside her room and she smell heaven when the breakfast settled on her bedside table. Napangiti nalang siya, hindi talaga siya nagsasawa sa ganito. Hindi din niya alam kung bakit inililihim nito ang ginagawa para sa kanya.

            “Should we wake her up?” boses iyon ng kakambal.

            “No, let her sleep. She needs sleep right now dahil sa baby.” He whispered.

            “Hindi ka ba mamumulubi sa kabibili ng sangkatirbang bulaklak?” her sister asked.

            “Kahit ubusin ko ang kayaman ko I don’t care I just want to make her happy.” Something warmed up inside her. She slightly moved to hid her smile dahil baka hindi na niya mapigilan ang sarili niya lundagin na ito. Kaunting pakipot pa muna.

            “You loved her that much?” Elize teased.

            “I wouldn’t wait for her for more than eight years kung hindi. Kahit sinabi niya sa akin na mahalin ko muna ang sarili ko hindi ko maiialis na siya na ang buhay ko. Ang taong nagpapatibok ng puso ko. Ang dugong dumadaloy sa bawat himaymay ng pagkatao ko.”

            “Yuck.” Natatawang react ni Elize siya naman ay hindi napigilang kiligin. Maybe he deserves another chance, no… not the third chance but the last chance. “Ewan ko ba sa inyo ang mamais na ninyo. Matawagan nga si Bret ko.” At umalis na ang kapatid niya at naiwan si Wess sa loob ng kanyang silid.

            “Sleep well cupcake have a nice sleep and good morning. Iwanan na muna kita baka kasi sumama pa ang pakiramdam mo kapag nagising ka at nakita mo ako. Ingat kayo palagi ni baby, I love you.” At hinalikan siya nito sa noo bago ito umalis sa kanyang silid.

            “Hoy, maarteng kapatid alam kong kanina ka pa gising.” Si Elize iyon. Umayos siya ng higa at sinulyapan ang kapatid na ang lapad ng ngiti.

            “Umalis na siya?”

            “Yup, kahit labag na labag sa kalooban niya. Patawarin mo na kasi.” sumampa ito sa tabi niya at saka hinaplos ang maliit na umbok niyang tiyan.

            “Bakit ko naman siya papatawarin samantalang wala naman siyang ginawang masama. Space lang kailangan namin.”

            “Alam mo sis dahil sa space na iyan maraming nakakasingit. Hihintayin mo bang mapagod siya at maghanap ng iba?”

            Nginitian lang niya ang kapatid. “We are matured enough to do the right thing and to make our own decision. Kung desisyon niyang ipursue ako then mahal niya ako pero kung susuko na siya ibig sabihin hindi niya ako ganoon kamahal.”

            “Alam mo masyado kang confident.”

            “I am not may takot din ako pero nananalig ako sa kanya. Alam niyang hindi ko pa kaya at sa aming dalawa siya ang umaalalay sa akin.”

            “Bahala ka.”

 

            It took many months na patuloy pa rin na ganoon ang ginagawa nito, palihim itong pumupunta sa bahay niya at natutulog doon sa pag-aakalang tulog na siya. Not knowing she is waiting for him. He passed. He passed from her trial, hindi ito nagbago, walang nagbago at habang tumatagal ay mas lalo niyang nararamdaman ang pagmamahal nito.

            “Baby.” She heard him whispering talking to her nine months old tummy, yeah kabuwanan na niya! “Natatakot ako sa paglabas mo kasi nakikita ko na masakit manganak. Sana hindi mo masaktan si mommy ha baka umiyak siya ng todo. Kung sana pwede ko siyang samahan okay lang na sigawan niya ako o kaya naman ay sabunutan it will make me feel better. Gusto kong makasama kayong dalawa.”

            “At hindi ako papayag na manganak ng mag-isa. Ano ka sinuswerte?” malakas itong napasinghap ng magsalita siya. Nanlalaki ang mga mata nito at pinagpapawisan ng husto.

            “Cupcake! I mean Chrome! Kailan ka pa gising? Ngayon lang ako nagpunta dito promise!” namutla na rin ito. Naningkit ang kanyang mga mata pero napangiti na rin although halos takpan na niya ang mukhang gamit ang unan niya.

            “Talaga? Ngayon ka lang nagpunta dito? Sayang naman akala ko matagal mo na akong pinupuntahan dito at nililigawan. Now I know, sasagutin pa naman sana kita pero since-.”

            “Matagal na akong nagpupunta dito at gabi-gabi din kitang katabi and yes, ilang buwan na akong nanliligaw. Tatanggapin mo na ako?” excitement at pangamba ang bumadha sa mukha nito.

            “Why should i?” she almost smirks at him lalo na ng bumagsak ang balikat nito at para itong pinagbagsakan ng semento.

            “Chrome… I’m sorry I know I promised but you can’t blame me I just love yo too much and I can’t bear to stay away from you.” Paliwanag nito. Inayos niya ang paghiga and motion him to come near her. Naguluhan man ito pero wala din naman itong reklamo at lumapit sa kanya. She motioned na mas lalo pa itong lumapit sa kanya, akala siguro nito na may ibubulong siya kaya iminwestra nito ang teynga nito but she did something he isn’t expecting. She cupped his cheeks using her palms and pulled his face and claim his lips.

            God knows how much she misses him a lot and he already passed the test meaning he already did something worth fighting for. Mukhang nagulat ito sa ginawa niya pero mga two seconds lang siguro ito dahil mabilis itong gumanti sa ma halik niya. Umayos ito ng pwesto pero magkahinang pa rin ang kanilang mga labi, umayos lang ito upang hindi maipit ang tiyan niya.

            “… Guess what Wess.”

            “Huh?” inosenting tanong nito. Kinuha niya ang palad nito at itinapat sa ibabaw ng kanyang puso. She knew he can feel the fast beating of her heart.

            “You made it, you made my heart beat again…”

 

            I LOVE seeing you smile cupcake.” Nagtaas siya ng tingin at napangiti sa asawa niya na may hawak na camera. Kanina pa ito kuha ng picture niya at ni Gideon sinabi na niyang tumigil na pero hindi pa rin. After kasi nilang magkaayos ay ito na ang palaging ginagawa ng asawa, he always took their picture because he wanted to keep their moments perfectly captured together.

            “Wess.” Tumabi ito sa kanya at saka ibinaba ang camera sa tabi nila at ninakawan na naman siya ng halik sa kanyang mga labi. Napailing nalang siya at napahawak sa malaking tiyan niya. Hindi pa niya kabuwanan pero Malaki na ang tiyan niya and no she isn’t having a twin luckily. Wala sa kanilang dalawa ni Elize ang may kambal, Elize and Bret got married a year after they got married and they already have a baby, isa lang.

            “I love you Chrome.” He whispered and she smiled at him. Alam niyang hindi na niya kailangan pang sabihin ang salitang mahal din kita or I love you too. But she loves it when she replied I love you too to him.

            “I love you too.” Naramdaman niya ang palad nito sa tiyan niya. During time like this mas gusto nalang nilang manahimik at mag-enjoy na kasama ang isa’t isa. Sa dami ng pinagdaanan nila sino baa ng mag-aakalang sila pa rin hanggang sa huli.

            Sabi nga nila, pwedeng mapagod ang pusong magmahal pero hindi ibig sabihin niyon ay tuluyan na iyong mawawala. Maaaring ikubli pero hindi maaaring mawala at palitan lalo na kung wala ka namang ginagawang hakbang upang kalimutan ito. Sa parte niya, naging manhid lang siya pero ibinalik ni Wess ang masarap na pakiramdam na nararanansan nila ngayon.

            Kumilos ang asawa at dinala ang ulo niya sa dibdib nito, yakap siya nito habang nakapatong ang chin nito sa kanang balikat niya. They are both looking at their own paradise… their own sweet haven.

            “Mom, dad! Smile!” a flash from a camera blinded them. Lumapit si Gideon sa kanilang mag-asawa at tiningnan ang picture ng camera. Napangiti siya ng makita ang picture they look so happy and contented. “Wow, it’s beautiful mom. You are the most beautiful girl in the world and then my sister comes next.” She chuckled at her beautiful child. “It’s perfectly captured po.”

            Kinuha ni Wess ang camera at saka may kinalikot at itinapat sa kanila. Yinakap din nito ang panganay nila and after a few more seconds ay may nagflash na. They both flash their best smile and their heart.

            “Here Gideon,” pakita ni Wess sa picture na nasa camera. “This is perfectly captured.” Nakangiting wika ng asawa, napangiti uli siya while looking at their family picture. Their book one already ended, their book two followed and it’s already closed as well, now they are opening the third book pero hindi na sila ang bida kundi ang mga susunod na henerasyon na. Now, she is excited to see the future, wala ng takot. Bakit pa siya matatakot kung hindi na siya nag-iisa? Hindi ba?

            There goes her happy ending… a not so perfect yet happy ending.

<3 <3 <3

A/N: Nang sinusulat ko ito ay hindi na po gumagana ang utak ko kaya bahala na kayong umintindi sa ending. Sleepy na ako, ang daming ginawa eh. May mga forms tapos practice pa kami sa dance presentation namin for the flag raising churva daw this thursday. Akalain niyo iyon sasayaw daw ako eh magkaparehong left ang paa ko or pwede ring parehong kamay ang mga paa ko. Ang sarap magpasabog ng granada! Trip yata nilang makakita ng cute na bola na tatalbog-talbog sa harap nila.

        Wala naman kasi akong talent sa sayaw at kanta, pagsulatin niyo na lang ako o kaya naman ay bigyan niyo ako ng mememoryahin mas keri ko pa iyon. Sa extra nalang iyong karugtong nitong otors note ko dahil inaantok na talaga ako.

PS: i LOVE you!

Seguir leyendo

También te gustarán

5.1M 115K 30
Bago namatay ang kapatid ni Miguel ay ibinilin nito sa kanya ang babaeng nakatakda nitong pakasalan. It took him two years before he finally found th...
11M 227K 57
Si Adrianna Grace Montgomery, isang modernong Maria Clara. A no boyfriend since birth, no first kiss and first love. Having a jaw dropping surname, s...
336K 6.1K 26
This is the Part 2 of Drowning To Love "Sometimes it's not the pain that make us cry but it's the memories that make you wish for another try." How...
114K 1.8K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...