PAGPASOK NINA Wax at MJ sa pinto na may nakalagay na ‘Office of the President’, isang babaeng nakapulang bestida ang naabutan nila. Nakaupo ito sa swivel chair ni Wax at kunot-noong nakatingin sa kanilang dalawa.
Tila nagulat naman si Wax. “Carina! What are you doing here? You surprised me! Hindi ka man lang nagpasabi na bibisita ka pala!” Inilang hakbang lang ni Wax ang pinto papunta sa babae.
“Hindi nagpasabi?” mataray na tanong ng babaeng tinawag ni Wax na ‘Carina’. Hindi nito tinanggap ang pakikipagbeso sana ng lalaki.
Sa isip niya, baka girlfriend ito ni Wax. Well, kung umasta naman kasi ito ay parang girlfriend. Sa paraan pa lamang nang pagtingin nito sa kanya ay tila gusto siyang sabunutan.
“Kahapon pa kita tine-text at tinatawagan pero hindi ka sumasagot,” anito at tinapunan siya ng matalim na tingin. “Kaya pala. May kasama ka pala. Sino ba siya?” mataray na baling nito kay Wax.
Siya naman ay walang pakialam sa pagtataray nito. Wala naman silang ginagawang masama. At medyo humaba ng ilang pugada ang buhok niya dahil tila pinagseselosan siya nito. Kung magkagayon, ibig sabihin ay nagagandahan ito sa kanya o ‘di kaya naman ay nai-insecure. Kumpara kasi sa babae, hindi naman siya aabot man lang yata sa kalingkingan ng ganda ng hubog ng katawan nito. The woman was very sexy. The red dress she was wearing accented her curves. Walang-wala ang katawan niya kumpara sa babae. Maganda rin ang mukha nito kaya nga lang, para sa kanya ay masyadong makapal ang kolorete nito sa mukha. She must be really Wax’ girlfriend. Subalit naalala niya, single nga pala si Wax. Kung gayon, sino ang babaeng ito?
“She’s MJ Benitez, a friend of mine. Inilibot ko siya sa buong opisina,” simpleng sagot ni Wax kay Carina.
“Bakit mo siya inilibot dito? Is she an investor? A client?”
“Hindi. I said, she’s my friend. Inilibot ko siya dahil gusto ko,” Wax answered. This time, MJ heard the edge in his voice. Tila naiirita na ito sa pagtatanong ng babae. “What are you doing here?”
Pumadyak si Carina at inilingkis ang mga braso sa leeg ni Wax. “Ang tagal na nang huli tayong magkita. Hindi mo na ako tinawagan. So, I invited myself here to see you because I missed you,” paglalambing ng babae. Akmang hahalikan nito ang labi ni Wax pero lumayo ang lalaki.
Nagbuntong-hininga ito. “Carina, wala naman tayong relasyon. You can’t demand anything from me because we have no relationship. Hindi kita girlfriend. Hindi kita tinatawagan dahil isa lang ang ibig sabihin noon: hindi kita gustong tawagan, makausap o makita. Ano bang malabo doon?” walang emosyong wika ni Wax.
Nabigla siya sa naririnig at nakikita. Parang gusto niyang i-excuse ang sarili at lumabas upang hindi na marinig o makita ang nangyayari sa dalawa pero sa halip na gawin iyon ay napako lang siya sa kinatatayuan sa ‘di malamang dahilan. Ang lupit pala ni Wax mam-break ng babae! Maaari niyang ilagay iyon bilang isa sa mga karakter ng bidang lalaki sa kuwentong isinusulat niya.
“W-Wax, don’t say that,” sagot naman ni Carina. Tunog nagmamakaawa na ito. “Ayaw mo sa akin?”
“Sinabi ko na ang sinabi ko,” maikling tugon ng lalaki.
Mayamaya pa ay humikbi si Carina at padaskol na kinuha ang bag mula sa sofang naroon. “I hate you, Wax!” buong igting nitong sigaw. “I super-duper hate you!” sabay padabog na lumabas. Hindi siya nakaligtas sa galit ng babae dahil nang matapat ito sa kanya, binunggo pa nito ang braso niya kahit na hindi naman siya nakaharang sa dadaanan nito.
“Hey, are you okay?” may pag-aalalang tanong ni Wax at agad siyang dinaluhan.
“I am fine,” sagot niya. “Ang hard mo sa kanya, ha? Akala ko ba mabait at entertaining kang boss? Bakit ang hard mo kay Carina?”
“Hard?”
“Oo. Ang bagsik ng mga salitang sinabi mo. Naku! Kawawa naman si Carina. Paasa ka!” akusa pa niya.
“Hindi ako paasa. Katulad mo ay na-meet ko si Carina online. Ilang beses kaming lumabas. Ni minsan ay hindi ako nagpakita ng motibo sa kanya na gusto ko siyang maging girlfriend o kung ano pa man. I went out with her several times because I wanted some company. Akala ko ay iyon din ang nais niya mula sa akin. ‘Yon pala, she’s just like other girls I met online; always wanting more than the friendship I can offer. I was just a gentleman and I took care of her every time we were together. Kung umasa man siya, kasalanan niya iyon. Kung nag-assume siya, problema na niya iyon. Ayoko pa naman ng demanding,” paliwanag ni Wax.
Napailing na lang siya. “Siguro ay hindi mo nilinaw sa kanila ang agenda mo kaya ka nakipagkilala. Dapat sa unang pagkikita pa lang, sinasabi mo na ang kaya mong i-offer sa kanila.”
“Ikaw, ano’ng agenda mo sa akin?”
Muntik pa siyang mabilaukan sa sariling laway sa biglaang tanong nito ng ganoon. Naalala na naman kasi niya ang pagsisinungaling tungkol sa nawawalang wallet at flashdrive nito at sa agenda niya na gagamitin niya si Wax sa kanyang nobela.
“H-ha? W-wala akong agenda sa’yo, ‘no!” defensive niyang sagot. “Huwag kang mag-alala. Hindi ako mag-a-assume o aasa sa’yo dahil friendship lang din ang gusto ko,” dugtong na lang niya.
Nagdududang tiningan siya ni Wax. “Talaga?” Nakataas ang isang kilay nito.
“Oo.”
“Talagang-talaga?” muli ay tanong ng makulit na lalaki.
“Oo nga!” asik niya na siyang ikinahagalpak nang tawa nito.
“Eh bakit mo ako gustong makilala ng lubos?”
Napipilan na siya. Hindi niya maaaring sagutin! Wala siyang alibi! “K-kasi hindi tayo nagkaroon ng ‘getting-to-know’ phase noong first meeting natin dahil sinungitan mo ako. Bumabawi lang ako ngayon.”
“Ows? Baka crush mo ako?” ungot na naman nito.
“Heh! Tumigil ka nga riyan. Pero sa totoo lang, kung sa akin mo sasabihin ang mga sinabi mo kay Carina, baka nabura ko na ang mukha mo! Akala mo guwapo!” nanggagalaiti niyang pag-iiba ng usapan. Kahit paano kasi ay alam niya ang naramdaman ni Carina dahil babae rin naman siya.
Natigil sa pagtawa ang lalaki at muli ay nagseryoso. Subalit makikita naman na mapaglaro ang mga mata nitong tila sumusuri sa kanya. “So... hindi ka nagu-guwapuhan sa akin?”
Napangiwi si MJ. ‘Kapal rin nito, eh! wika niya sa sarili. “Guwapo ka. Pero hindi ka attractive sa mga mata ko, ‘no!”
“Talaga?” muli ay tanong nito habang unti-unting lumalapit sa kanya.
“Oo! You are not my type,” mataray niyang sagot.
Isang hakbang pa. “Totoo?”
“Hep!” pigil niya sa lalaki. “Isang hakbang mo pa ay hahambalusin na kita!”
Sa inis niya ay muling humakbang ito. “Talaga?” Kitang-kita sa mukha ni Wax na nag-e-enjoy ito sa pamu-muwisit sa kanya.
Dahil wala na siyang maisip na magpapatigil dito, bigla na lang siyang pumikit at bumirit ng isang madamdaming kanta. “Hindi kita malilimutan. Kailanma’y ‘di pababayaan. Hindi kita malilimutan. Kailanma’y ‘di pababayaan.” Nang idilat ni MJ ang mata, matalim na ang tingin ni Wax sa kanya. Nagtagumpay siya! He-he-he! Ang galing ko talaga, bati niya sa sarili. Ayaw nito sa musika at malungkot na kanta. Natawa siya nang malakas sa kalokohang naisip. Pang-libing pa naman ang kinanta niya.
“Stop it! Hindi nakakatawa,” seryosong turan nito.
“Uuwi na ako! Hindi na ako magmemeryenda rito. Baka lasunin mo na ako!” natatawa pa rin niyang pahayag. Para siyang masusugat sa mga matalim nitong tingin. Nasapul niya ang kahinaan nito pero wala siyang pakialam. Kinulit siya nito nang husto at gumanti lang siya.
“Ihahatid na kita,” mayamaya ay wika nito.
“No. I can manage to go home alone. Maraming salamat sa araw na ito.”
“Huwag ka nang makulit. Ihahatid kita. Kahit sa labas lang ng opisina,” pagpupumilit pa nito.
“Hindi na. Diyan ka na, Mr. Music-hater!” pang-iinis pa niya.
Hindi na siya pinilit ni Wax at hindi na rin ito nagsalita pa. Bumalik ito sa swivel chair at naupo doon. Bago siya tuluyang lumabas ng pinto, nakita niya kung gaano kalungkot ang mga mata nito na nakatingin lang sa kung saan. Para tuloy gusto niyang batukan ang sarili.
~~~
NANG gabing iyon, nakapagsulat ng marami si MJ sa kanyang nobela. Marami siyang nalaman sa lalaki sa loob lamang ng isang araw. Natutuwa siya dahil hindi na blangko ngayon ang isip niya tungkol kay Wax. Napansin niya na kahit na mahilig itong lumabas at uminom, responsable pa rin ito pagdating sa negosyo. Magaling din itong magdisiplina ng mga empleyado. Bukod doon, habulin ito ng mga babae. Marahil ay masyado itong mabait sa mga babaeng nakikilala nito kaya naipagkakamali na nagugustuhan na niya ang mga iyon kahit na hindi naman. Tingin niya ay natural sa lalaki ang pagiging gentleman. Subalit sa kabila nito, masakit din magsalita si Wax. Saksi siya sa mga sinabi nito kay Carina.
“Kain na po muna kayo, Ma’am” wika ng kasambahay nila sa labas ng kanyang kuwarto. Pang-ilang tawag na nito sa kanya. Sa sobrang dami nang dumadaloy na salita sa utak niya, mas gugustuhin na lang niyang magsulat ng nobela kaysa kumain.
“Bababa na lang po ako kapag kakain na ako, Manang!” sigaw niya.
Hindi na niya namalayan ang oras. Halos nakalahati na niya ang buong kuwento. Narinig na niya ang tilaok ng manok na nangangahulugang madaling araw na. Saka lamang niya naisipang tumigil sa pagtipa. Nang mahiga siya para matulog sana ay dinagsa siya ng mga alaala ng mga nangyari habang magkasama sila ni Wax. Napapangiti siya dahil gentleman ito. Lagi itong naka-alalay sa kanya kapag umaakyat sila ng hagdan. Palangiti rin ito at mapagbiro dahil ilang beses siya nitong kinulit buong araw. Ang mga tingin nito na ibinibigay sa kanya ay nakakatunaw rin. Kaya lang, ayaw niyang bigyan iyon ng malisya. Sinabi na nito ang agenda nito kaya ito nakikipagkilala sa internet. Marahil ay walang babae ang nakatagal sa set up na gusto ni Wax. Lahat ay nag-assume na magiging karelasyon sila ng lalaki.
Well, ibahin siya nito. Hindi niya gustong makipagrelasyon sa lalaki kahit pa guwapo ito. Una at natatanging dahilan, ayaw nito sa musika. Hindi niya ma-imagine ang sarili niya na i-gi-give up ang musika para sa isang tao. No way! Hindi pa rin niya maintidihan kung bakit galit ito sa musika pero saka na lang niya iyon aalamin. Sa ngayon, sapat nang natutuwa siya dahil unti-unti ay nakikilala niya ang lalaki at unti-unti ay natatapos niya ang nobela niya.
Kinuha niya ang tablet at tiningnan ang pictures ni Wax na ini-screenshot niya mula sa website kung saan sila nagkakilala. Wala sa sariling napapangiti siya kahit na picture lang ang kaharap niya. Bumalik pa yata ang pagkaka-crush niya sa lalaki na naramdaman niya noong unang beses niya itong makita sa personal!
“Hala ka, Musique Joaquinne! Crush mo siya!” nahihindik na bulalas niya.
~~~
SABADO muli nang araw na iyon, isang linggo makalipas ang pagpunta ni MJ sa opisina ni Wax ay muli na naman silang magkikita sa opisina nito. Nakaka-isang katok pa lamang siya sa pinto ay agad siya nitong pinagbuksan.
“Hi, MJ!” bati ni Wax sa kanya at binigyan siya ng magaang halik sa pisngi.
Hindi na lang niya ipinahalata ang pagkailang sa ginawa nito. Wari niya’y lumakas ang tibok ng kanyang puso na tila natuwa at kinabahan nang sabay. Isang maluwang na ngiti ang isinagot niya rito.
“Kumusta? Ano ang lagay ng business natin?” masayang tanong niya.
“The business is doing fine. Walang masyadong aberya sa mga upcoming projects namin dito ngayon. Everything is doing great! Ikaw, kumusta ang buong linggo mo?” Iginiya siya nito sa sofa na nasa gilid ng kuwarto. “Juice, coffee or soda?” tanong nito.
“Can I have coffee?”
“Sure. I’ll prepare it. Sagutin mo ang tanong ko habang ipinagtitimpla kita ng kape.” Tumalikod ito at nagpunta sa kabilang side kung saan naroon ang coffeemaker.
“My week is fine. Examination ng mga bata sa school buong linggo kaya hindi masyadong exhausted ang pagkatao ko ngayon,” aniya sabay tawa. “Sa susunod na linggo ay recital nila. I’m handling the voice, piano and guitar recitals. Whole weekend iyon at gaganapin sa school. Kung may time ka ay dumalo ka. Tiyak mag-e-enjoy ka,” buong pusong pag-iimbita niya rito.
Lumingon ang lalaki sa kanya. “Niloloko mo ba ako? MJ naman. You know that’s not my thing,” nakangiwing reklamo nito.
“Owww.” Nawala sa isip niya ang kinaaayawan nito. Nag-peace sign pa siya at humingi ng tawad.
“Nananadya ka, eh. Last week ka pa!” anito pero hindi naman galit.
Parehas pa silang nagulat nang biglang bumukas ang pinto at pumasok doon ang isang matangkad na babae.
Na naman, sa isip-isip ni MJ.
Naka-itim na damit ito na hanggang tuhod at stilhettos. Mapula ang labi nito at parang sinapak ang pisngi dahil sa kapal ng blush on. Sa kanyang tantya, hindi katangusan ang ilong nito subalit nadala ng make-up contour. Lumingon ito sa kanya at tinaasan siya ng kilay. Nang mapadako ang mata nito kay Wax ay ngumiti ito ng ubod laki at patakbong yumakap sa binata.
“I missed you, honey!” malanding wika nito.
Nakatulos lang sa kinatatayuan si Wax at siya naman ay hindi alam ang gagawin. Aalis ba siya o mananatili doon?
“S-Sunshine! What are you doing here?” gulat na tanong ni Wax. Ni hindi man lang ginantihan ng lalaki ng yakap ang babaeng nakalingkis dito.
Kumalas si Sunshine sa pagkakayakap kay Wax at nang makita ang kape na ginagawa nito ay mas lalong ngumiti.
Nakakatakot! wika ni MJ sa sarili. Kinikilabutan siya sa ngiti ng babae.
“Awwww! Alam na alam mo pa rin talaga hanggang ngayon na paborito ko ang kape! Sweet!”
Kape ko ‘yan! Hoy! muling wika niya sa sarili nang higupin ng bruha ang kape.
“Who is she?” tinaasan na naman siya ng kilay nito.
“Sorry for being improper, MJ,” kunot noong wika ni Wax sa kanya. Wari niya ay hindi nito nagustuhan na nandoon ang babae pero wala itong magawa. “MJ, this is Sunshine, an old friend. Sunshine, this is MJ. She’s also a friend of mine.”
“Ah,” sabi lang ng bruha. “Next time, I don’t want you to see anybody but me. Maliwanag?” pagpapatuloy nito at saka nilingkis muli ang mga braso sa balikat ni Wax.#
😂😂😂
AUTHOR'S CHIKA
Hala, siya! Friend lang pala si Sunshine pero kung maka-asta akala moooo grrrr!!! Comment naman, friends. Hahahaha
~~~
Ito ang mga pages na puwede niyong i-follow if you want to be updated about Precious Hearts Romances at syempre, about me:
Precious Pages: https://www.facebook.com/Precious-Pages-229654370425644/
Jel Evans PHR: https://www.facebook.com/phrjelevans/
Group ng mga nakabasa na ng Jel Evans' stories: https://www.facebook.com/groups/2006948939533953/
I-friend niyo ako sa Facebook, search niyo lang ang Jel Evans.
At kung gusto niyong bilhin ang physical book, search Jel Evans here: https://preciousshop.com.ph
XOXO,
Jel Evans