Shine's POV
Nung papunta nako sa room nakita ko si kei at xav pati na si mike sa tapat ng room, kinakausap ata nila si kei.
Seryoso na seryoso yung mukha nilang Tatlo, kaya nilapaitan ko muna sila bago ako pumasok sa room na late nanaman pala ako, naka alis na si ms.jam next subject na namin. kaya siguro nasa labas to si kei
"Oh anong ginagawa niyo dito?" Tinignan ko si mike at xav. napatingin naman sila sakin tapos ngumisi sila. Abnormal ata sila
"Woi, my chix buti nalang. napagaan mo loob ko." Biglang kumindat sakin si mike. pwe. chix daw? Mukha nila.
"Hindi ako chix okay?" Lumapit ako ky mike at sinabi ko yan kaasar eh, pinapamukha pa na panget ako
"Okay sabi mo eh." Umupo siya sa sahig at sumandal. tapos lumungkot nanaman expression ng mukha niya ano kaya ng yari?
"Bat ang Tagal mo shine, San ka galing?" tumigin sakin si kei ng masama. hala? wala akong ginawa. emegeed yung mga titig niya nakaka sh*t sh*t lang!
"Ah eh db inutusan ako na isoli yung box sa lab storage? yun ginawa ko. hehe sige pasok nako kei hehe." nag bye sign nako sakanya, pero papasok palang sana ako ng nagsalita si xav yung mga salita niya ang nag pagulo pa sa isip ko..
"Pano na si andrei? mas naging close kayo kesa samin nila sin, kaya siguradong mas nag aalala ka kesa samin."
Andrei? parang nakita ko yon Kay night dun sa bandaid Niya, nung tinanong ko naman siya hindi niya sinagot yung tanong ko.
Gulong gulo yung isip ko, lumulutang yung isip ko, nung nag simula na yung next class ko.
Si kei naman tahimik lang siya..
Sinabi niya sakin na nexttime nalang daw kami mag aral masama daw pakiramdam niya, siya din sumama pakiramdam. ano to alternate kami?
Pero my clue ako kung bakit masama yung pakiramdam niya inaalala niya kaya yung tungkol Kay andrei the who na yon? Hindi mo alam, pero my kutob ako na konektado yon sa ipinakita sakin ni night na bandaid na my nakapagay na 'Andrei'
Sino Kaya Siya?
Nung natapos na yung klase ko pumunta nalang muna ko sa canteen para kumain nagugutom ako eh, sa sobrang dami ng iniisip ko.
Binili mo yung favorite ok na cake! at orange juice! my favorite! nasa mood ako kaya kakainin ko to :P
Humanap nako ng table, at nung makahanap nako umupo nako. marami rin palang kumakain siguro breaktime nung ibang sections. eh ako? Di ko naman breaktime pero kumakain ako. eh pakeelam ba nila? eh sa nagugutom ako.
Hinati ko na yung cake kaso... isusubo mo palang ng my nag salita..
"Pwedeng maki share ng sit?" tinignan ko kung sino, si night. Makiki share na naman siya? eh my available naman na sit don sa dulo ah? Wala narin akong magagawa umupo na siya eh. Tapos ang lakas pa ng loob mag paalam. kakaiba talaga siya.
Wala kaming imik, nakita mo naman yung bracelet mo suot suot padin niya. susubo palang sana ako kaso biglang my nag salita nanaman..
"Can I sit?" tinuro niya yung upuan sa tabi ko sa Kabila kung san nakaupo si night. seriously wala ba silang balak na pa kainin ako ng ispecial na cake ko?
Pero si sin? makiki share ng sit sakin? what the. Am I dreaming?
Biglang umupo si sin.. tss parehas sila wala pa ngang permission ko umupo na agad nag paalam pa. tsk
"My upuan naman don ah? bat dito kapa umupo?" susubo sana ulit ako kaso nag salita si night. sinabi niya yan habang kinakain niya yung spaghetti niya. ilang seconds din yung lumipas hindi parin sinasagot ni sin yung tanong ni night kaya siguro ito na yung tamang oras para sumunod nako ng cake ko.
Susubo na sana ako ng nag salita si sin..
"Eh sa gusto ko dito eh, eh ikaw bat kapa nakiki share ng upuan kung alam mo namang my vacant table & sit don?" Seriously wala ba silang balak na pakainin ako!?
"Ayoko eh mainit sa Banda don, lumipat ka nalang bagay ka naman sa maiinit na lugar eh." nag titinginan Lang silang dalawa ng masama, anong problema nilang dalawa? nakishare lang ng sits tung dalawang to nag away na sa harap ko!?
"Haha. kung mas bagay ako mas bagay ka tama db?" pakiramdam koans dilim na ng aura dito, kasama na din siguro yung aura ko.
"Hahaha. talaga sin? bat hindi natin subukang dalawa ng makita natin kung Sinong mas maiinitan? At sa paraang yon makikita rin natin kung sino ang mas traydor." traydor? takte nag aaway ba silang dalawa? anong dahilan!? mag kakilala rin pala sila? Naguguluhan nako!
"Tara edi subukan nat--" hindi ko na pinatapos mag salita si sin banas na banas nako eh Kada susubo ako ng cake tska sila mag sasalita! nanadya tung dalawang to eh! napadabog ko yung dalawang kamay ko sa lamesa sa sobrang inis ko.
''pwede bang tumahimik na kayong dalawa! gusto ko lang naman kumain ng mag-isa! mag-isa!'' tumingin ako sakanilang dalawa at ipinag diinan ko talaga yung 'Mag-Isa' na word nakaka inis na kasi eh kumakain ako ang gulogulo nila! gusto ko lang naman kumain ng tahimik! kinuha ko yung cake ko at juice at tumayo nako.
''kung my problema kayo sa isa't isa pwede bang ayusin niyo? hindi yung ng iistorbo pa kayo para mapalabas yang galit niyo sa isat isa.'' pumunta nalang ako dun sa sit na bakante umupo nako at kumain, ewan ko kung anong problema nila sa isat isa pero ang alam ko meron talaga silang problemang dalawa ni sin, kaso ang kinakainis ko dinadamay nila ko sa galit nilang dalawa. ang abnormal db? wala naman akong kinalaman sa kanilang dalawa sinisira pa nila yung pagkain ko
nakita kung tumayo na si night at nag lakad na palabas ng canteen, si sin naman nakita kung inis na inis bakit kaya?
mayamaya na ubos ko na yung cake ko, naisipan ko na na bumalik sa room kasi malapit na mag umpisa yung klase ko..
naglakad nako pa punta sa room..
iniisip ko parin kung bakit nag aaway si sin at night, nakatingin pa naman sakanila yung mga ibang istudyante kanina, siguradong my problema talaga silang dalawa sa isa't isa hindi ko sure pero pakiramdam ko meron talaga hindi naman sila mag aaway kung walang dahilan db? ang stupid naman nila kung ganon..
maya maya may bigla nalang umila sakin sa gilid, hindi ko masiyado nakita yung mukha niya pero nung nilagay niya yung dalawa niiyang kamay sa gilid, alam ko na kung sino siya...
si night?
ang lapit ng mukha niya sakin, tapos nakatitig pa siya sa mga mata ko.
''pumupunta kaba dito para sakin?'' para saknya? bat ba bigla siyang yumabang?
''sinundan moko no?'' huh? sinundan? makapal na talaga mukha neto. tinanggal ko yung may niya sa magkabila kung gilid at nag salita nako.
''hoy night, hindi ako pumunta dito para sayo, at mas lalong hindi kita sinundan para makita ko oh ano man yang iniisip mo papunta ako sa room ko kasi mag sisimula na yung klase ko, ngayon. pwede na bakong umalis? medyo nakakaabala kana eh'' ayoko talaga sa mga feelingero at mayayabang, alam niyo naman db? mabait ako pero ayoko sa mga lalaki yung sobrang yabang at feelingero tulad nitong kaharap ko akala ko mabait yung iba my tinatagong landi ito naman my tinatagong kayabangan.
nag lakad na ulit ako papunta sa room ko, hindi na siya nakapag salita eh.
nung nandito nako sa room saktong dumating yung teacher, at halata mo sakanya na masaya siya..
''class my i a announce ako!'' sabi nung teacher namin. aba siguradong my gagawin nanamang kababalaghan tung teacher namin..
''mag ka karon tayo ng event, gaganapin siya sa isang araw, 2days tayong mag s-stay sa tagaytay!'' yung mga classmate ko tuwang tuwa pati narin yung teacher ko, pati si caith at keilin ginugulo ako, mag sama daw akmi sa kwarto. as if naman na may choice pako?
''Class B & C ang makakasama natin sa isang buong bahay at ang Class D To F sa kabilang bahay naman sila.. well my mga madaming kwarto sa loob ng malaking bahay na yon at isang malaki ng kitchen & sala set, so we will devide you tomorrow, wala kayong class for tomorrow only fourthyear, so.. see you tomorrow? dismiss.'' biglang umalis na yung teacher ko at yung mga ka klase ko? sigaw ng sigaw.. nag iisip ng kung anong mga dadalhin nila at nag k kwentuhan na..tss sila keilin naman tinatanong nako, mag dala daw kami ng madaaming pagkain.. hays
nag paalam nako sakanilang dalawa.. gusto ko ng umuwi pagod nako eh..
kaso pag ka labas ko palang nakita ko si night at sin sa mag kabilaang hallway, eh?
nag stop silang parehas sa tapat ko.. ano nanaman kayang gagawin ng dalawang to?
''Class B.'' sabi ni night. eh ano naman?
''Class C.'' nakatingin si sin kay night ng masama at ganon din si night kay sin. eh ano ngayon? bat ba nila sinasabi sak--
No Way... naalala ko yung sinabi nung teacher ko.
''Class B & C ang makakasama natin sa isang buong bahay at ang Class D To F sa kabilang bahay naman sila.. well my mga madaming kwarto sa loob ng malaking bahay na yon at isang malaki ng kitchen & sala set, so we will devide you tomorrow, wala kayong class for tomorrow only fourthyear, so.. see you tomorrow? dismiss.''
''Class A.'' nakatulala kung sabi.. hindi pwede kasama ko si night at sin...
bigla namang dumating si kei banda kay night..
''sin? an- este night?'' ano yung an na sinabi ni kei? anan kaya? hehe. biglang napatingin sakin si kei
''oh shine? mag kakasama pala tayo sa event na gaganapin sa isang araw ah? either Class A ako kasi most of my subjects is Class A kaya sabi nung teacher na nag announce Class A daw ako belong so mag kakasama pala tayo?'' woah.. maisip ko palang na mag kasama kami ni kei feeling ko kukunin nako ni lord.. eh? ano bang sinasabi ko?
''hehe o-onga eh...'' nautal tuloy ako kainis.
''tara kain tayo ng ice cream? treat ko?'' ice cream? makakatanggi bako don? syempre hindi!
sumama nalang ako kay kei, si sin at night hindi ko nalang pinansin nakita ko namang nakatingin silang dalawa samin ni kei at ang sama ng tingin nilang dalawa.. problema nila? hays bahala nga sila..
bumili kami ni kei ng ice cream sa canteen sa gilid yung pinili ko cookies and cream siya chocolate kisses. humanap kami ng sit at kumain na kami ng ice cream..
''bakit nandun kanina si sin at night?'' bakit nga ba??
''hindi ko alam eh a ng weird ng dalawang yon..'' oo weird SOBRA
''kilala mo si night?'' sunod sunod tanong ni kei ah.
''oo, nakilala ko siya dito sa canteen nung naki share siya ng sit sakin.'' nakita kung tumungo naman siya, pag tapos non wala na ni isang nag salita smaing dalawa.. awkward..
''kei uwi nako, medyo pago ako eh.'' kanina pako pagod eh
''gusto mo hatid nakita?''
''hindi na kei okay lang ako mag lalakad nalang ako malapit lang naman bahay namin eh.'' sa totoo lang gusto ko talaga kaso nakakahiya hehe. baka pag kaguluhan nanaman kami daahil lumabas ako sa kotse ng isa SanJose.
nag bow nako at nag thankyou sakanya at nag lakad nako palabas ng school, kaso pag labas ko palang, ang daming babae sa gilid at tinitignan nila si Night at sin oo andito sila sa tapat ko. Nanaman. This time naman naka sandal sila sa harapan ng kotse nila.
dadaan na sana ako sa gitna ng bigla kung hawakan ni sin..
''sabay kana sakin, hatid na kita..'' tinignan ko siya at naka smile siya.. shet ang ganda nanaman ng ngiti niiyang nakakapangakit.. bigla kung hinawakan ni night..
''sabay kana sakin pauwi nako eh, hatid na kita sainyo..''
seriously anong nangyayari? nung tumingin ako sa mga babae sa gilid galit na galit yung mga tingin nila sakin parang sa mga tingin nila sinasaksak na nila ko...
bigla kung hinila ni sin kaya na pagewang ako sa side niya..
bigla rin akong hinila ni night kaya napa punta naman ako sa side niya..
''sakin siya sasabay!'' sabi ni sin.
''hindi sayo sin sakin..'' sabi ni night
bigla silang lumapit saking dalawa at nag titigan parin sila hawak parin nila yung kamay kung dalawa..
waaaa! ano bang nangayayri bat ba ang weird nilang dalawa ngayng araw? hindi naman sila ganto kahapon ah? ano ba ng yayari? hindi ko ma gets! kung bakit sila ganto ngayong araw nato!
There Acting So Damn Weird!!
A/N: abangan niyo UD ko exciting next UD ko.
Next UD ( II: 3 Of Us- UnCompatible