ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of...

De angelodc035

43.7K 2.2K 550

FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic... Mai multe

ANG NAKARAAN....
PROLOGUE
Chapter 1: FAILURE
Chapter 2: THE AWAKENING
Chapter 3: A WEREWOLVES NIGHT
Chapter 4: THE DUEL
Chapter 5: BLAKE
Chapter 6: A NEW DAWN
Chaptet 7: THE MAN ON A BLACK CLOAK
Chapter 8: THE ISLAND OF SEVEN KINGDOMS
Chapter 9: FIRE, ICE AND PROPHECY
Chapter 10: PILUNLUALAN (MYSTIC TUNNEL)
Chapter 11: CAREN'S FATE
Chapter 12: THE NEW ALPHA
Chapter 13: SAKAYA
Chapter 14: DIYOSANG TALA
Chapter 15: SAKAYA'S TEST
Chapter 16: ANILAOKAN
Chapter 17: STRIGOI
Chapter 18: QUEBALUAN TREE
Chapter 19: CHASING MEMORIES
Chapter 20: AWAKENING
Chapter 21: AWARENESS
Chapter 22: THE FATE
Chapter 23: BLOOD BY BLOOD
Chapter 24: A DECISION MADE
Chapter 25: ANILAOKAN'S LOVE
Chapter 26: BEHEMOT
Chapter 27: REDEMPTION, REVENGE AND REUNION
Chapter 28: DRAGON PHOENIX
Chapter 29: DESPERATION
Chapter 30: INTERROGATION
Chapter 31: BATHALA
Chapter 32: THE RETURN
Chapter 33: THE ELEMENTAL WORLD
Chapter 34: BLAKE, LAUREA, DIYOSANG TALA AND CLAUDIUS
Chapter 35: THE FALLEN GODDESS
Chapter 36: MANGGAGAWAY (SPELL CASTERS)
Chapter 38: BLOODY GHOULS DAY
Chapter 39: BLOODY BATTLE
Chapter 40: BLOODY DEATHS
Chapter 41: DEATH BY BLOOD
Chapter 42: DEAD EVERYWHERE
Chapter 43: LOSS
Chapter 44: BATHALA'S DEATH
Chapter 45: QUINTA FOREST
Chapter 46: BALINTATAW
Chapter 47: CHAOS
Chapter 48: HUKLUBAN
Chapter 49: DARK POWER
Chapter 50: CAPTURE
Chapter 51: ERISE
Chapter 52: HOTEL MORTE
Chapter 53: DIYOSANG BULAN
Chapter 54: BABAGUA
Chapter 55: REVELATION
Chapter 56: INFESTATIONS
Chapter 57: THE ESCAPE
Chapter 58: LOVE AND BETRAYAL
Chapter 59: A SISTER'S DEMISE
Chapter 60: A NEW HOPE
Chapter 61: LAMUIAN FOREST
Chapter 62: PALACIO LUNAR TOWER
Chapter 63: MOTIVES
Chapter 64: FORCES OF NATURE
Chapter 65: APOCALYPSE
Chapter 66: DEATH IS THE BEGINNING
EPILOGUE
PASASALAMAT

Chapter 37: CITY OF THE DEAD

443 26 10
De angelodc035

"Tama ang narinig ninyo mga kaibigan. Sa aking pagkawala ay lubos ko ng nakilala ang aking pagkatao. Nalinang ko ang aking kakayahan at nalaman ko na mayroon akong napakaimportanteng misyong gagampanan sa ikatlong mundo." ang seryosong wika ni Odessa sa mga kasama.

Sa loob ng simbahan ng Barasoain ay pinulong niya ang kanyang mga kasama. Lahat ng kanyang naranasan at nasaksihan sa ikatlong mundo ay malahad niyang ikwinento ang mga ito. Pero ng mapunta ang usapan sa bigo niyang mailigtas ang kinikilala niyang kapatid na si Laurea ay hindi nito napigilan ang maiyak.

Lumapit si Demetria kay Odessa at hinawakan niya sa balikat ang babaeng Sangre. "Karamay mo kami sa iyong pighati kaibigang Odessa. Naririto lang kami lagi sa tabi mo." ang wika ni Demetria para mapagaan nito ang nararamdaman ng kaibigan.

Nanatiling malungkot na nakatingin lamang sa kanya si Randy at maluha-luha rin ang mga mata.

"Pero hindi ito tungkol sa nabigong pagkakaligtas ko kay ate Laurea at ang pagkakadiskubre ko sa aking kakayahan at kapangyarihan ang dahilan kung bakit ipinatawag ko kayo rito..." huminga ng malalim si Odessa at inilagay ang dalawang kamay sa kanyang bewang.

Nanatiling nakatingin naman sa kanya ang mga kasamahang naroroon at naghihintay sa kanyang susunod na sasabihin. Nakapuwesto sila sa harapan ng antigong retablo ng simbahan at nakapagitna si Odessa sa lahat ng mga naroroon. Magkakatabi sina Alex, Caren, father Mexo at iilan sa mga lider ng mga taong nagbabantay sa lugar na pinamumunuan ng kura paroko ng lugar na si father Noel, si Berong ang tumatayong kapitan sa lugar at si Drigo ang natitirang barangay kagawad ng lugar.

Nakatayo sa likuran ni Odessa sina Randy at Demetria habang si Sagaway ay nakasalampak na nakaupo sa gitna ng simbahan. Sa kanyang tabi ay ang mga kahoy na upuang itinabi sa mga pader ng lumang simbahan. Samantalang si Alimog ay nagsilbing tagamasid sa paligid ng simbahan.

Mag-aalas singko na ng madaling araw ng mga oras na iyon at ang tanging nagpapainit sa sikmura nina Alex at ng mga bata ay ang medyo malamig na kape na tinimplahan ni Nanay Luming. Isa si nanay Luming sa mga nailigtas ni father Noel noong kasagdagan ng paglusob ng mga anak ng buwan sa lungsod ng Malolos. Siya rin ang nag-alaga sa dalawang bata na sina Adrian at Margaux habang abala sina Alex sa pakikipag-usap kina Odessa.

"Ang labis na nagbigay ng pag-alala sa akin ay ang pagkawala ni Amang Bathala." ang pagpapatuloy ni Odessa.

Nagkaroon ng mga bulung-bulungan sa mga tao at ibang nilalang na naroroon. Sari-saring reaksiyon ang kanilang ipinakita kay Odessa.

"Amang Bathala? Ito ba ang diyos na kinilala ng mga Filipino? Pero, imposible yata ang sinasabi mo iha?" ang may pagdududang wika ni Father Noel.

Pilit na ngumiti si Odessa sa pari. "Father,  sa lahat-lahat na ng kababalaghang nangyari sa paligid ninyo, sa tingin mo ba mayroon pang salitang imposible ngayon?" ang may pagkasarkastikong tugon ni Odessa  sa pari.

"Pero, iisa lang ang Diyos iha, ang Diyos na may lalang ng langit at lupa. Ang Diyos ni Abraham, ni Moises at ni Haring David, paano nangyaring totoo si Bathala? At iba pang mga diyos at diyosa na nabanggit mo kanina? Pawang mga nababasa lang ang mga yan sa ating mga aklat at panonood ng pelikula at telebisyon. "

Tumayo si father Mexo para siya ang tutugon sa kapwa pari pero pinigilan siya ni Caren.

"Father, bakit ka naniniwala sa isang nilalang na hindi mo man lang nakikita? Madaling sabihin na may diyos, isang nilalang ng lumikha sa lahat pero nasaan ang sinasabi mong Diyos? Bakit hinayaan niyang mangyari ang lahat ng ito, ang katayin at kainin ng mga alagad ng kadiliman?" ang biglang wika ni Randy.

"Anak, hindi ito kagustuhan ng Diyos. Ito ay bunga ng kasakiman at kasalanan ng tao. Oo gawa ito ng Diablo, ni Satanas ng Demonyo pero sa bandang huli ay mananaig pa rin ang kagustuhan ng Diyos, ang pangingibabaw ng kabutihan laban sa kasamaan." ang pilit na pagpapaliwanag ni Father Noel kay Randy.

"Tama si Father Noel mga kaibigan. Totoo ang pinaniniwalaan niyang Diyos. Dahil ang lahat ay bahagi ng kanyang nilikha at si Bathala ay isa lamang sa kanyang nilikha. Sila ang mga diyos at diyosa na tagapangalaga sa sanlibutan at sa mga tao na nilikha din ng Diyos. Ang tanging layunin nila ay pangalagaan ang buhay ng tao lalo na't nasa paligid lamang ang hari ng kasamaan upang linlangin at gawing masama ang tao. Ngunit nasilaw ang mga nilalang na tulad ni Bathala sa pagbibigay ng atensiyon ng mga tao sa kanila lalo na ng sinimulan silang sambahin ng mga ito. Hindi lang mga tao ang naging palalo pati na rin ang matataas na uri ng kanyang nilikha kagaya ng mga anghel at mga elemental, mga nilalang ng ikatlong mundo. Gustong-gusto nila ang sinasamba, binibigyan ng alay dahil nagkakaroon sila ng kakaibang kapangyarihan. Marami ang nawili at naging palalo sa pagsamba ng mga tao sa kanila hanggang inutusan si Bathala ng nag-iisang Diyos ng Sanlibutan, na parusahan ang mga katulad niyang elemental na umabuso sa kahinaan ng tao. Kasabay ito ng pagpapalayas ng Diyos ng sanlibutan sa mga anghel na na umabuso rin sa kapangyarihan." ang paliwanag ni Odessa sa mga naroroon.

"Pero isang kasinungalingan ang impormasyon na iyong sinabi!..." ang halos pasigaw na sagot ni father Noel kay Odessa.

"Father, hindi ito ang oras para magtalo tayo tungkol sa iyong paniniwala at ang katotohanan na aking sinasabi ngayon. Ang sa akin lang ay ipinapaalam ko sa inyo ang impormasyon na ito dahil paparating na ang mas malala pa sa naunang paglusob ng mga anak ng buwan dito sa inyong mundo." ang matigas na tugon ni Odessa. "Nakasalalay sa ating mga kamay ngayon ang kaligtasan ng mga tao rito sa inyong nasasakupan at sa buong sanlibutan."

"A... Anong mas malala pang mangyayari?" ang biglang pagsabat ni mang Drigo kay Odessa na nagsimula na ring kabahan.

Iginala ni Odessa ang kanyang paningin sa bawat mukha ng mga taong naroroon bago siya sumagot. "Dahil sa pagkawala ni Bathala, nagkaroon ng lakas ng loob ang mga kampon ng kadiliman na kunin ang trono ng kalangitan. Ito ay ang pamumuno ni diyosang Bulan sa ikatlong mundo at ang pamumuno ni Behemot sa mundo ng mg tao, ang mundong kinagagalawan natin ngayon."

"Si Behemot? Ang isa sa mga anghel na itinakwil ng Diyos sa kalangitan dahil sa pagrerebelde nito sa Diyos kasama si Lucifer." biglang tumawa ng malakas ang pari. "...kalokohan yang sinasabi mo Odessa!"

Tahimik na pilit ang ngiting itinugon ni Odessa sa hindi naniniwalang si Father Noel. "Hindi ko lubos maisip kung ano nga ba ang pinaniniwalaan ninyo father sa kabila ng mga nasaksihan ninyong mga pangyayari sa nakalipas na buwan. Hindi ko alam kung sinasadya mo lamang magbulag-bulagan sa mga nangyayari ngayon lalo na't malapit ng maglaho ang lahi ng mga tao sa sanlibutan." pagkasabi ni Odessa ay bigla itong umangat sa kanyang kinatatayuan at sumabog ang napakapulang liwanag sa kanyang katawan. Sa isang iglap ay nagbago ang anyo nito bilang isang Baguisan o Dragon Phoenix.

Magkahalong pagkamangha at takot ang naramdaman ng mga tao sa kanilang nakita. Maging sina Demetria, Randy, Alex, Caren at Sagaway ay hindi makapaniwala sa kanilang nasasaksihan kay Odessa. Nagising naman sina Adrian at Margaux ng marinig ang sigawan ng iilan sa mga naroroon.

"O....Odessa?..." ang sabay na nasambit nina Randy at Demetria.

Napatayo naman sina father Noel at ang mga kasamahan nito sa kanilang nasaksihan. Napakrus ang pari sa kanyang kamay pagkakita sa Baguisan. "Diyos na mahabagin..." ang halos pabulong na wika ng pari.

Ngumiti si Caren at tumayo rin sa kinauupuan. Lumapit siya kay Odessa at saka nagpalit din ng anyo bilang isang mabangis na taong-lobo. Buong tapang niyang ipinakita sa lahat ng mga taong naroroon kung sino siya. Akmang tatakbo na sana papalayo sina Drigo at Berong papalabas ng simbahan ng hinarang ni Sagaway ang mabalahibo at napakahabang paa nito. Natigilan ang dalawa at saka lumingon sila sa pari na tila napako ang mga paa sa kinatatayuan nila.

lumapit din si Demetria kina Odessa at saka nagpalit ito ng anyo bilang isang puting kwago. Sumunod din sa kanya si Randy na iwinasiwas ang kalahating bahagi ng Eskrihala.

Napansin ni Alex na tila nagsisitayuan ang lahat ng balahibo nito sa kanyang katawan. Napatingin siya kay father Mexo na lahat ng hibla ng buhok nito ay unti-unting nagsisitayuan. Napayakap naman kay nanay Luming ang magkapatid na Adrian at Margaux dahil sa nararamdamang takot.

Binalutan ng napakaraming hibla ng kuryente ang katawan ni Randy hanggang sa pumasok ang mga ito sa loob ng kanyang katawan. Naging puti ang itim ng mga mata nito pati na rin ang kanyang buhok.

Kahit walang kapangyarihan ay tumayo at lumapit din si father Mexo kina Odessa at iminuestra nito ang napakatalim na Katana.

Nawala ang takot ni Margaux at tumawa ito ng napakalutong. "Huyyy, parang eksena sa power rangers!!! ang halos mapatiling wika ng batang babae kasabay ng kanyang pagpalakpak sa tuwa. Napatingin naman si Alex kay Margaux at nag-iwan ng matamis na ngiti sa bata.

"Hindi pa ba sapat sa'yo ang iyong nakikita ngayon sa iyong harapan, father Noel? O patuloy ka lang nagbubulag-bulagan dahil hindi mo matanggap na hindi lamang kayong mga tao ang nilikha ng pinaniniwalaang mong Diyos?" Ang wika ni Odessa sa pari gamit nito ang kanyang isip.

"Hi...hindi, hindi puwedeng mangyari ito, imposible mga anak kayo ng diyablo! Mga anak kayo ng diyablo! Hindi! Hindi!" ang malakas na sigaw ni father Noel at saka tumakbong papalabas ng simbahan.

"Father Noel!" ang malakas na tawag ni Drigo sa pari na akmang pipigilan siya nito. Pero minabuti na lamang niyang sundan ang pari papalabas sa simbahan. Sumunod rin si Berong pagkakita kay Drigo na sumunod sa pari.

Napailing sa kanyang ulo si Sagaway at nagkibit ito ng balikat habang nakatingin sa kanya sina Odessa.

Sa labas ng simbahan ay hindi malaman ni father Noel ang kanyang gagawin. Balisa ito habang patakbong papalayo sa simbahan. Sa kanyang likuran ay ang magkasunod ring sina Berong at Drigo.

Halos mag-aalas sais na rin ng umaga ng mga sandaling iyon pero madilim-dilim pa rin ang paligid. Tahimik ang lugar at walang buhay. Di tulad dati na abala ang mga tao sa kanilang mga gawain sa pagsisimula ng umaga. Hindi na rin malamig ang panahon bagkus ay tumatagiktik ang pawis sa katawan ni father Noel dahil sa maalinsangan na umaga.

Wala na rin ang napakaingay na kalasada na dati ay dinaraanan ng napakarami at iba't-ibang uri ng sasakyan. Mga taong paroo't-parito na tila walang kapaguran sa kanilang mga pagaraw-araw na gawain. Ngayon ay nakakabinging katahimikan ang tumatambad sa kanya araw-araw.

Pagdating niya sa isang overpass ay saka ito tumigil at hinabol ang kanyang hininga. Minasdan ang paligid at saka umupo sa konkretong hagdan ng overpass. Napakarumi ng paligid at nagkalat ang mga basura sa kalsada. Nakabandera naman sa kalsada ang iba't-ibang klase ng sasakyan na kung hindi inabandona ng may-ari ay nabiktima ang mga ito ng mga aswang, bampira, at iba pang alagad ng dilim.

Napako ang paningin ng pari sa gawing silangan at mula roon ay naaaninag na niya ang napakagandang sikat ng araw na unti-unting bumabangon mula rito.

Nasaan na ang mga libo-libong mga tao na dati'y laman ng kalsadang ito? Mga taong dati'y nasa loob ng simbahan taimtim na nagdarasal at nakikinig sa kanyang mga sermon. Napabuntong hininga si father Noel sa tuwing naaalala niya dati ang lugar na iyon.

Napagtanto niya na napakatagal pala niyang nagpakatanga sa paniniwalang ang tao lamang ang pinakatanging nilikha ng Diyos. Ang tao na hinubog na kawangis ng Diyos. Ngayon ay tila nagising siya mula sa isang bangungot.

Tumayo si father Noel at naglakad-lakad patungo sa parke na malapit sa kapitolyo. Kailangan niyang makapag-isip at mapag-isa. Mabilis niyang tinungo ang kapitolyo at saka naupo sa isang konkretong upuan. Kinuha niya sa bulsa ng kanyang pantalon ang rosaryo na ibinigay pa ng kanyang namayapang ina sampung taon na ang nakakaraan. Kulay berde ang rosaryo na kanyang tinitigan muna bago niya hinalikan ang krus nito. Kaagad ay sinimulan niya ang kanyang pagrorosaryo kasabay ng pagpatak ng mga luha sa kanyang mga mata. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa bawat butil ng rosaryo, nanginginig ang kanyang mga kamay. Naninikip ang kanyang dibdib sa sama ng loob.

Mula sa pagkakaupo ay mas pinili niya ang lumuhod sa konkretong kalsada. Sa pagkakataong iyon ay taimtim siyang nagdasal.

"Diyos ko...patawarin po ninyo ako. Patawarin po ninyo ako sa aking mga pagkakasala..." ang taimtim niyang dasal.

Nasa kalagitnaan na ng pagdarasal ni father Noel nang maantala ito ng mga kaluskos at mga pagdaing sa paligid. Nakaramdam ng pangingilabot si father Noel sa kanyang mga naririnig.

Itinigil niya ang pagdarasal ng rosaryo at dahan-dahan itong tumayo para tunguhin ang lugar kung saan niya naririnig ang mga kaluskos at pagdaing. Mabibigat ang kanyang mga paa at nanginginig ang mga tuhod na tinungo ang lugar. Sa tingin niya ay nanggagaling ang mga kaluskos at ingay sa gawing palaruan ng mga bata.

Alisto ang mga mata ng pari. Minamasdan ang buong paligid upang masiguro nitong ligtas ito sa kahit na anu mang nilalang ng dilim na maaaring nasa paligid lamang niya. Sa tingin niya ay wala na sigurong umaali-aligid na nilalang ng dilim sa parke dahil maliwanag na rin ang kapaligiran at ilang minuto na lang ay tuluyan ng magpapakita ang araw sa kalangitan.

Mula sa kanyang kaliwa ay muli niyang narinig ang mga kaluskos at pagdaing. Sa mga sandaling iyon ay nagtatalo ang isip ni father Noel kung itutuloy pa rin niyang alamin kung saan nanggagaling ang ingay. Gusto na niyang bumalik sa simbahan pero paano kung isang tao ito at nangangailangan ng kanyang tulong?

Uuungg..... 

Napatingin ang pari sa kanyang gawing kaliwa at doon ay tila may napansin siyang gumagalaw. Biglang kumabog ang puso niya sa kanyang dibdib habang marahang papalapit sa pinanggagalingan ng pagdaing.

Uuunggg.... Uuunngg....

Dahan-dahan ang kanyang mga paghakbang pero pabilis ng pabilis ang pagkabog ng kanyang puso sa dibdib.

Uuunnnggg... Uuunnnggg....

Bumungad sa kanya ang dalawang batang aswang na buong ganid na pinagsasaluhang katawan ng wala ng buhay na matandang babae. Halos maihi ang pari sa kanyang suot na pantalon ng dahil sa takot. Muntik na ring bumaligtad ang kanyang sikmura dahil sa umaalingasaw na amoy ng katawan ng matandang babae.

Nagawang pigilan ni father Noel na huwag masuka at gumawa ng ingay para hindi ito mapansin ng dalawang aswang. Lalong pinagpawisan at nanginig sa sobrang takot ang pari. Dahan-dahan na humakbang ng paurong si father Noel para hindi siya mapansin ng mga aswang. Kailangan niyang makalayo sa lugar na iyon. Ayaw pa niyang mamatay. Gusto pa niyang mabuhay.

Ilang hakbang na lang. Ilang hakbang na lang at makakalayo na siya sa lugar na iyon. Tatakbo siya ng mabilis na mabilis at babalik sa simbahan ng Barasoain. Konting hakbang na lang, konting-konti na lang.

"Father Noel!" Ang malakas na sigaw ng isang lalaki na halos magpalundag sa kanya sa pagkakabigla. Tila lumabas sa dibdib ang kanyang puso lalo na't napatingin na sa kanya ang dalawang aswang dahil sa sigaw ni Berong sa kanyang pangalan.

Nakangising tumingin sa kanya ang dalawang batang aswang at nagsimulang maglaway sa nakita nilang sariwang pagkain sa kanilang harapan. Inihanda ng dalawang aswang ang pag-atake kay father Noel at akmang tatalon papunta sa kanya.

"Hindeee!!!"

Hindi na nakuha pang tumalikod ang pari dahil inabutan na siya ng isa sa mga aswang. Tila napako ang mga paa sa kanilang kinatatayuan ang dalawang lalaki na sina Drigo at Berong habang nilalapa na ng dalawang aswang ang pari. Pero sa likuran ng dalawang lalaki ay ang mag-asawang aswang na sabik na sabik sa sariwa at malinamnam na laman ng tao sa kanilang harapan.

Sa loob ng simbahan ng Barasoain ay nakaramdam ng panganib si Odessa na lubos din niyang ikinabahala. Biglang nagliyab ang kanyang mga mata at naging hugis diamante ang itim ng kanyang mga mata.

"Magsihanda kayo, magiging madugo ang araw na 'to!" ang matigas niyang sabi sa mga kasamahan sa loob ng simbahan.

Continuă lectura

O să-ți placă și

937K 36.3K 54
Here is the story of the journey of The Four Elementalist. •The WATER... •The EARTH.. •The FIRE.. &.. •The AIR... And what will it be there destiny? ...
Secrets Volume 2 De Cher

Ficțiune generală

3.2M 115K 59
More secrets, deeper, darker...
249K 6.8K 44
Sky High: School of Magic. Written by: akosimsvilla All Rights Reserved 2017
332K 9.3K 53
Siya si Kia Swift. Isang babaeng hindi basta basta nagtitiwala sa mga tao sa paligid niya lalo na kung mayaman ang mga ito. Pero paano kung isang ara...