You heal my broken heart

By jhanhettes

69.8K 1.3K 125

"paano ipaglalaban ang kasalukuyang minamahal, kung biglang nanumbalik ang nakaraan? mahihilom pa ba ang puso... More

You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart
you heal my broken heart
You heal my broken heart
You heal my broken heart

You heal my broken heart

1.4K 39 4
By jhanhettes

Part 22

Habang nagkakape si Janna
Ay pangiti ngiti pa 'tong naaalala ang
Mga pangyayaring naganap
Sa lugar ng kaibigan ni Jaeyoung na si Toshi.

Pangiti ngiti at patawa tawa pang nakaupo sa gilid si Janna, nang mapansin ito ng isa sa mga kasama niya sa tinutuluyang bahay...

*mukhang may naganap na kakaiba sa di mo pag uwi ah?! Ano ha! Siguro kasama mo maghapon yung laging sumusundo sa inyo ni Shen no! Ano, naibigay mo na ba~! (Pilyong wika ng kasamahan niyang si Analyn)

*ha-! Uy hindi no! Namasyal lang kami dun sa kaibigan niya!

Bigla namang sumabat ang isa pa nilang kasama na si alvira...

*sus~! Kunwari ka pa! Yung tipong hindi ka na umuwi?? Pasyal ba yon ng matinong babae! Haha! Biro lang ah (banggit nito)

Maya maya'y painsulto pang ngumiti rin ang isa pang nakatayo sa gilid nila habang may hawak itong cellphone.

Napangiti na lang ng marahan si Janna at napaisip sa inaasal ngayon ng mga kasama niya.
Sabay tayo nito at nagsalita...

*grabe kayo mag-isip ah, naku! talaga kayo, sige maiwan ko na kayo at maliligo na ko. (Sabay lakad nito papalayo)

Nang matapos nasiyang maligo ay agad itong nag-ayos at pagkaraa'y napansin niyang nag-uusap usap ang tatlo at tila pabulong pang nag-uusap ang mga ito, na tila may tinatawan..

Napailing na lang si Janna na iniwas na lang ang ulo sa pagkakatingin sa kanila, at binalewala na lang ang mga ito at marahang ngumiti at sabay harap sa salamin na inayos ang pagkakalagay ng powder sa kanyang mukha at naglagay ng red lipstick sa kanyang labi.

Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas na ito, at tamang tama na nasa labas na ng gate si Jaeyoung na inaantay siya.

*ohayo~!
(Banggit ni Jaeyoung habang nakangiti)

*hhello, good morning din! (Sagot ng dalaga sa kanya)

*tara, hatid na kita (pangiting wika ni Jaeyoung at pagkaraa'y pinagbuksan ng pinto ng kotse ang dalaga)

Pagka start ni Jaeyoung ng kotse ay agad na nagwika ito..

*Janna, baka mamaya di kita madaanan mukhang matatagalan ata yung operation namin eh.

*ayos lang, salamat.

Nang makarating sa pinapasukan ni Janna ay maayos na nagpaalam ang dalawa sa isa't isa na may kasamang ngiti.

Nagulat naman si Janna ng biglang pinigil muna siya sa pagkakabukas ng kotse at sabay may kinuha ito sa likurang upuan.
Napatingin naman din ito sa likod at sabay napatingin kay Jaeyoung...

*binaunan pala kita ng bento box. Ako mismo ang gumawa niyan (pangiting banggit ni Jaeyoung)

*Jjay-! Grabe ka, hindi bagay sayo yang ganyang ugali! Ano ka ba naman, babae lang ang gumagawa niyan sa lalake.

*hayaan mo, aantayin ko yung araw na 'yon, na ikaw ang gagawa non para sakin, sa ngayon ako muna, para kahit sa pagkain mo, maaalala mo pa rin ako. Para hindi ka na mahulog sa iba, sa akin ka lang.

*napaka cheesy mo no! Ganyan na ganyan din siguro yung ginawa mo sa ibang babae no~?!

*mukhang nagseselos ka na ah.

*anong nagsseselos?! Hindi no! Pag nasa oras ako ng trabaho, ni hindi nga kita naaalala eh! Selos ka diyan!

*oops'! Wala akong sinabi kung naaalala moko? Hmm.. Siguro iniisip moko no~!? Wah! Im so glad to hear that!

*hala ggrabe ah!

*namumula yung pisngi mo oh!

*aishh! Nak hmm!! Sige na, lalabas na nga ako. Salamat sa bento ah' bye.

Palinga linga pa 'tong lumabas at tila namumula na kaya pagkalabas ay sinara niya kaagad ang pinto ng kotse sabay harap muli sa binata...

*ok bye~!
(Sabay kindat nito sa dalaga)

*wah! Grabe 'to! (Sabay papigil pigil pa nang reaksyon na ngiti si Janna na halatang nagustuhan nito ang pagkindat sa kanya)
Sige na, alis na! bye'! (Sabay wave nito ng kamay)

Pagkaraa'y umalis na nga ang binata na nakatinging nakangiti sa kanya.

Pagkaraan ng pagkapasok ni Janna sa loob ng pinagtratrabahuang factory ay biglang tumunog ang cellphone ni Jaeyoung, tumatawag sa kanya ang isa sa mga kasamahan niya sa trabaho...

*Sir, pinatatawag tayong lahat ni chief, naiba kasi ang plano natin.

*ganun ba, ok sige papunta na'ko. (Sagot ni Jaeyoung dito)

Nang makarating si Jaeyoung ay agad silang nagtipun tipon at nagtungo sa meeting area nila at inilahad doon ang pagbabago sa operation nila.

Nagulat si Jaeyoung ng malaman ang gagawin niyang pagpapanggap sa operation...

*sir, ayoko na ng ganung style, ilagay niyo na lang ako sa iba.

*aba Jay, parang ngayon lang kitang nakitang tumanggi ah!? Ano bang nakain mo ha!? Sabi mo madaling madali lang sayo yung ganon? Pero ngayon sinasabi mo mismo sa harap ko na ayaw mo? Aba Jay~ alalahanin mo nasa oras ka ng trabaho? Pwede ba Gawin mo na lang.

*may nililigawan kasi ako sir, at malapit pa tayo sa working place niya, baka makita niya ko at di niya na ko pansinin.

*edi sabihin mo!

*medyo awkward naman yun sir na sasabihin niya na may kasama siyang ibang babae. (Sabat ng isa sa mga kasamahan niya)

*ganito, siguraduhin mo na lang na nakauwi na yung chicks mo ok?!
Wala tayong dapat pag-aksayahan pa ng oras! Maliwanag! That's an order!

Wala ng nagawa si Jaeyoung at tumango na lang ito.

Pagsapit ng uwian ni Janna ay napansin ng dalaga na nakatayo sa labas si Jaeyoung na nakasandal pa sa kanyang kotse, na ipinagtaka pa ni Janna na lumapit dito...

*oh Jay? Ang akala ko ba matatagalan pa ang operation niyo?

*ahmm ano kasi, nabago yung operation, kaya nandito ako para sunduin ka. Gusto ko kasing makauwi ka ng maayos.

*ok? ganun ba, saglit lang ah, kakausapin ko lang yung dalawa kong katrabaho na hindi ko na sila aantayin at mauuna na kong umuwi.

*ok sige. (Pangiting tugon ni Jaeyoung)

Pagkaraa'y nagtungo na nga ang dalaga sa loob ng factory at nagpaalam sa guard upang makapasok muli sa loob.
Nang nasa loob na ay agad na tinungo ang mga kasama na noo'y nagbibihis pa lang.

*bhe, mauna na ko sa inyo ah, dumating kasi yung sumusundo sa akin eh,

*ay! Sayang naman, nagyaya pa naman si Jessica na lumabas at sinabi namin na sasama ka, birthday niya kasi ngayon at expected pa naman niya na sasama ka, hindi ka kasi sumasama kahit minsan man lang sa lakad namin simula nung umuwi sa pinas si Shen.

*nnako, pasensya na ah, itext niyo na lang sakin mamaya yung location niyo at pupunta ako mamaya, promise. (Tugon ni Janna)

*ok, sabi mo yan ah! Darating ka!

*oo, pupunta ako. Uuwi lang ako at aayusin ko lang yung mga gamit ko. Sige mauna na ko, bye~.

Nang makalabas muli ay agad na tinungo ni Janna si Jaeyoung,
At pagkaraa'y umalis na nga ang mga ito.

Pagkarating sa tinutuluyan ng dalaga ay maayos na nagpaalam ang binata kay Janna...

Nagtaka si Janna na lumabas ng kotse si Jaeyoung...

*bakit Jay? May sasabihin ka ba?

*wwala naman, gusto ko kasing makita ka hanggang sa pagpasok mo sa loob.

*ganun ba, sige, papasok nako, bye, thank you.

*ok bye. (Tugon din ni Jay)

Ilang minuto ang lumipas
Ay maya maya'y
Nag ayos muli
Si Janna nang sarili
Upang makipagkita sa mga katrabaho niya.
At pakaraa'y naitext sa kanya ang lokasyon kung saan niya pupuntahan ang mga ito...

Samantala sa lugar ding 'yon,
Nag uumpisa na ring
maganap
Ang isang police operation...

-TO BE CONTINUED-

Matagal din bago ako nakapag update...sorry po..
Nag-aasikaso po kasi ako ngayon ng passport ko, may problema sa processing, tapos papasok pa sa work kaya sobra pagod :(

Sa mga may balak magpapassport umpisahan niyo na. Hirap po kumuha hayyy..


Tuloy tuloy pa rin po akong gagawa sa karugtong
ng story na 'to, medyo natagalan po ang pag uupdate sa dami ng ginagawa, pasensya na po...

And thank you nga po pala sa mga bagong readers at mga nag add at nagvotes, pati na rin po sa mga nag follow...
Salamat po ng marami at nagustuhan niyo! ^_^

**jhanhettes** (=•_^=)

Continue Reading

You'll Also Like

41.1M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...