Love Was Made for Us [PHR]

By jnkbernardo

87.6K 1.2K 504

SEQUEL TO Marco and Jannah's story entitled UNTIL YOU FOUND ME. Southern Fever Band Book 3. ----------- "It'... More

Teaser
The Inspiration
1. Forever Friends
2. You're Still the One
3. My Happy Heart
Four: Melting into You
Five: Drunk Realizations
7. Foolish Heart
8. Running Away from My Heart
9. Fall All Over Again
10. Forever Love

6. Wish Upon a Cloud

5.4K 100 50
By jnkbernardo


"RISH, were very sorry. Hindi daw makakarating si Ruben. May emergency daw siya eh," hinging paumanhin ni Jigs nang salubungin ni Erisha ang pagdating ng Southern Fever sa lobby ng Knights of Venus orphanage.

Tila piniga ang puso niya sa narinig. "H-hindi siya makakarating? B-but he promised," dismayado niyang sambit. Wala naman itong binanggit sa kanya sa rehearsal nila kahapon. They rehearsed three songs. Siya lang ba mag-isa ang kakanta ng mga iyon?

"Don't worry, pwede naman daw si Marco. Nagpaalam na daw siya kay Jannah na makikipagduet siya sa'yo sa program," seryosong sabi ni Kristoff.

Nanlulumong tumango na lang siya. Huli na para magbackout siya. Tutal sasabayan naman daw siya ni Marco. Ngunit alam niyang hindi na ganoon kataas ang energy level niya sa pagkanta. Dahil si Ruben ang gusto niyang makaduet at hindi si Marco.

Baka babae ang dahilan ng emergency niya? Tanong ng kanyang utak.

Ouch.

Kung ganoon, mas mahalaga pa pala dito ang babae nito kaysa kaligayahan ng mga kabataan sa orphanage?

Kaligayahan ng mga bata o kaligayahan mo? Panunudyo pa ng kanyang utak.

Lihim siyang napaismid habang naglalakad tungo sa backstage. Hindi niya mapigilan ang magtampo. Labis pa naman ang paghahandang ginawa niya para lang sa araw na iyon. Umasa siyang kahit man lang sa isang saglit ay mapansin na rin siya nito nang higit pa sa isang kaibigan. But now all her hopes were lost.

"Napa'no ka Rish? Para kang namatayan. Ayaw mo ba akong ka-duet?" si Marco iyon. Halatang nag-aalala ito sa kanya. Pilit siyang ngumiti. "S-sorry, may...may iniisip lang ako," sagot niya.

"Guys, let's go," boses iyon ni Bryan. Ito ngayon ang may hawak ng gitara dahil nga kakanta sana sila ni Ruben. But now...

Bumuntunghininga na lang siya at sumabay sa mga ito palabas ng entablado. Kasunod niya sina Jigs at Kristoff.

Pinilit niya ang sariling ngumiti alang-alang man lang sa mga bata. Nais niyang pasayahin ang mga ito kahit pa malayo sa pagiging masaya ang kanyang puso.

Nag-intro si Bryan sa gitara. Ilang sandali pa ay sumunod na ang drums, bass guitar at keyboard.

"You're on the phone with your girlfriend, she's upset. She's going off about something that you said. 'Cause she doesn't get your humor like I do," panimula niya. Isa iyon sa mga kantang ipinilit ni Ruben na kantahin nila sa araw na iyon. Ngunit hindi rin pala ito makakarating.

Inaasahan niyang boses ni Marco ang maririnig niya para sa male part. Laking gulat na lang niya nang ang pamilyar na boses ni Ruben ang narinig niya.

"I'm in the room it's a typical Tuesday night. I'm listening to the kind of music he doesn't like and he'll never know your story like I do."

Mabilis siyang lumingon sa kinatatayuan ni Marco. Walang mikropono doon at kumindat pa ito sa kanya.

Nag-unahan ang tibok ng kanyang puso. Mas mabilis pa iyon kesa tambol ni Jigs. Mula sa isang sulok ay lumabas ang nakangiting mukha ng bestfriend niya. Wala sa sariling sumabay siya rito habang dahan-dahan itong naglakad palapit sa kanya ng may ngiti sa labi.

"But she wears short skirts, I wear tshirts. She's cheer captain and I'm on the bleachers. Dreaming bout the day when you wake up and find that what you're looking for has been here the whole time." Hindi niya napigilan ang pagpatak ng kanyang luha.

Luha iyon ng kaligayahan, gratitude and love. Kasama na ang inis dahil naisahan siya nito. At may gana pa itong ngumiti sa kanya ng pagkatamis-tamis pagkatapos siya nitong pahirapan! Sinikap niyang huwag mawala ang konsentrasyon sa kantang inaawit nila. Ngunit nang tuluyan itong nakalapit ay pinahid ng isang daliri nito ang kanyang luha. Dahilan upang mahinto siya sa pagkanta. Ito na lang ang nagpatuloy.

"If you could see that I'm the one who understands you, been here all along so why can't you see...You belong with me...You belong with me."

Naiinis na inirapan niya ito kahit halos lumuwa na ang kanyang puso sa tuwa. She had been singing all her life. Kumanta na rin siya sa harap ng mga prinsipe at prinsesa sa Dubai ngunit tila siya pa ngayon ang nagmumukhang amateur sa tabi nito. Kalmado ang anyo nito na tila ba natural lang para dito ang pagkanta samantalang habul-habol niya ang kanyang hininga. Ang lapad pa ng ngiti nito at kumakaway pa sa mga dalagitang tinuturuan niya.

Nang matapos ang una nilang kanta ay tuluy-tuloy siya sa backstage. Hindi niya pinansin ang panunukso sa mga titig ng kasamahan nito.

"Rish," habol ni Ruben sa kanya.

Masama ang tinging ibinigay niya rito. Ngumisi lang ito na animo tuwang-tuwa.

"I hate you," nagtatampo niyang sabi at lumabi rito. Nakangiting niyakap lang siya nito.

"Sorry. I just want to surprise you," anito at hinalikan siya sa noo.

Muli ay pinahid niya ang kanyang luhang nakatakas sa kanyang mga mata. "Akala ko hindi ka sisipot. Nang sabihin nina Jigs na may emergency ka, akala ko nandoon ka na naman sa mga trophies mo," nagtatampo pa rin niyang sambit sa dibdib nito.

Hinagod nito ang kanyang likod. "Shh...don't cry. Magagawa ko ba namang biguin ka? May pangako ba ako sa'yo na hindi ko tinupad intentionally?" sapo ang kanyang pisngi na tanong nito.

Umiling siya at ngumiti sa kabila ng mga luha. Hinalikan nito ang kanyang mga mata.

"I'm here now. I hope you're happy na tinupad ko ang wish mo. Alam mong ngayon lang uli ako kumanta sa stage after three long years," anito.

Hindi siya sumagot. Deep inside, her heart swelled with gratitude. Niyakap niya ito. Tulad ng dati, mas mahigpit ang yakap nito sa kanya.


------------------


"RISH, labas tayo bukas. Di ba, wala ka namang pasok kapag weekend?" pangungulit ni Ruben kay Erisha. Friday night kaya naroroon siya sa kanyang silid at nagpapahinga. Pagod siya sa activities nila sa orphanage nang linggong iyon. Kanina pa ito nakaupo sa gilid ng kanyang kama, iniimbitahan siyang mamasyal nito. At bukas na iyon.

"I'm dead tired, Ruben. Pwedeng pass muna?" inaantok niyang tanggi sabay talikod rito.

Hindi ito nakatiis. Kung kanina ay niyuyugyog lang siya nito, ngayon naman ay sadyang tumabi na ito sa kanya sa kama.

"W-what are you doing?" nagtataka niyang tanong nang kumilos ang isang kamay nito at yumakap sa kanya mula sa kanyang likuran. Totoong hindi na bago sa kanya ang ganoon nilang ayos. Mga bata pa lang sila ay madalas na silang natutulog nang magkatabi sa kama at nagkukuwentuhan. Ngunit hindi niya mapigilan ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Naalala niya ang halik nito sa kanya noong nasa hotel sila sa GeneralSantosCity.

"Pinapatulog ka," sagot nito. "Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka pumapayag na samahan ako bukas," dugtong pa nito sabay hagod sa kanyang tagiliran.

Lihim siyang napaungol. Alam ba nito ang ginagawa nito sa kanya? Na kahit nababalot ng makapal na comforter ang buo niyang katawan ay nararamdaman pa rin niya ang init ng haplos nito. At sa kanyang pagkamangha ay kinanta pa nito ang paborito niya.

"Late at night when all the world is sleeping. I stay up and think of you..." his version sounded so good.

Hindi rin siya nakatiis. Pumihit siya paharap dito. Nakapikit ito habang kumakanta nang mahina. Nakaharap din ito sa kanya. Halos magkadikit na ang kanilang mukha. Pwedeng-pwede niyang halikan ang mapupulang labi nito. Natatandaan pa niya kung gaano katamis ang halik nito sa kanya noon. Nakaukit iyon sa kanyang ala-ala.

"Ruben," bulong niya. Nagmulat ito at diretso sa kanya ang titig nito. Huminto na rin ito sa pagkanta. His brown eyes were hypnotic. She had been staring at those eyes all her life. Ngunit hindi pa rin siya immuned sa epekto nito sa kanya.

"Ano? Magtitigan lang ba tayo magdamag? Hindi mo talaga ako sasamahan bukas?" pabulong din na tanong nito.

"K-kasi.." Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil nasa pisngi niya ang isang palad nito at marahang hinahaplos iyon.

"Kasi?" tanong nito nang hindi na siya nakasagot. Bumuka ang kanyang bibig upang magsalita ngunit mabilis na nabura ang lahat ng kanyang mga sasabihin nang dumampi ang labi nito sa tungki ng kanyang ilong. Nahugot niya ang kanyang hininga.

"Sama ka na," paglalambing uli nito. "Matagal na rin tayong hindi namamasyal sa mall at naglalaro sa Timezone," bulong nito sa kanyang mukha. Ang init ng hininga nito ay gumapang sa kanyang kabuuan, making her shiver.

Pumikit na lang siya. Hindi niya kayang patuloy na makipagtitigan dito. Baka mabasa pa nito sa mga mata niya ang damdamin niya nang mga sandaling iyon.

"Sige na, panalo ka na. Go home, Ruben," aniya nang nananatiling nakapikit. Nararamdaman niya ang banayad nitong haplos sa kanyang buhok ngunit nananatili itong nakahiga sa kanyang kama.

"Hindi ka ba nalulungkot mag-isa, Rish? Hindi ka man lang ba nag-wish na sana may kasama ka?" mahina nitong tanong.

"Matagal nang wala ang mga magulang ko. Nasanay na rin ako. Besides, I'm a big girl now," aniya. Bumuntunghininga ito.

"Yeah. But you'll always be the special little girl for me," bulong nito. Natutukso siyang dumilat at tingnan ito ngunit pinigilan niya ang sarili. Dahil baka kapag ginawa niya iyon ay tatakas ang mga luhang nagbabanta sa kanyang mga mata.

I hope you would realize that I'm the perfect girl for you, Ruben, lihim niyang hiling.

"Sabay na tayong mag-breakfast bukas ha? Doon na tayo sa bahay kakain. Ipagluluto kita," sabi nito pagkuwan ay kinintalan siya ng halik sa kanyang noo. "Goodnight, Rish," bulong nito.

"Night, Ruben," aniya at nagkunwaring natutulog na. Nang makalabas ito ng silid ay saka pa lang siya dumilat at pinakawalan ang kanyang luha. Mabilis niyang pinahid iyon at bumaba ng kama. Sinilip niya ang bintana. Ilang sandali pa ay nakikita na niyang nasa kabilang bakod na si Ruben. Sumisipol itong pumasok sa bahay nito.

Sa kabila ng mga luha ay napangiti siya. Pakiramdam kasi niya ay niyayaya siya nito sa isang date bukas.

------------------------

"BUHAY pa pala ang punong iyan?" tanong ni Erisha kay Ruben habang nakatingala sa matandang puno sa tabi ng classroom na inaakyat nila noon. Pagkatapos nilang manood ng sine at maglaro sa Timezone ay niyaya siya nito na mamasyal sa dati nilang eskwelahan.

"Oo, buhay pa siya. Cool nga eh, diba?" sagot nito at lumapit sa puno. May kinakapa ito sa katawan niyon.

"Anong hinahanap mo?"

"Iyong engraving ng names natin noon. Mukhang nabura na ng panahon," malungkot nitong sambit. Napangiti siya. Tandang-tanda pa niya ang inukit nila noon sa katawan ng puno: Ruben + Erisha= Forever Friends.

"Di bale, gagawa na lang tayo ng bago," suhestiyon niya. Ilang sandali pa ay inukit na niya ang mga pangalan nila at ang katagang "Forever Friends" gamit ang matulis na bato. Umakbay ito sa kanya at pinanood nila ang nakaukit.

"Parang kailan lang ano? Nahuli tayo ni Miss Escote na umaakyat sa bubong noong third year high school," mamaya pa ay sambit nito.

Tumingala siya sa bubong ng dati nilang classroom. "Ang sarap nga naman kasi ng pakiramdam kapag nasa bubong tayo noon at solo natin ang lugar. Kung kailan tayo nag-promise na huling akyat na natin iyon ay saka tayo nahuli," nakangiti niyang sambit.

"Hey. Are you thinking what I am thinking?" baling nito sa kanya.

"Akyat tayo?" nakangiting yaya niya. Lumapad ang ngiti nito.

"Unahan uli?" tanong nito at pilyong ngumiti sa kanya. Hindi siya sumagot. Sa halip ay mabilis siyang umakyat sa puno at tumawid sa bubong ng classroom. Tumatawang nakasunod si Ruben sa kanya.

"Dito ka."

Napapitlag si Erisha sa boses ni Ruben. Nakahiga ito sa bubong habang siya naman ay masayang pinapanood ang mga ulap. Nakaunan ang ulo nito sa isang kamay at ang isa naman ay binuksan nito para sa kanya. Tulad noong high school pa lang sila, ang matandang puno ang nagsilbing shade sa bahaging iyon ng bubong kaya hindi mainit.

Napangiting tumabi siya rito ngunit sa halip na umunan siya sa braso nito ay doon siya humiga sa dibdib nito. Mas gusto niya doon dahil naririnig niya ang bawat pintig ng puso nito. Hindi talaga ito nagbago. Kahit noong mga bata pa sila ay iyon ang madalas nitong ginagawa.

"Rish?"

"Hmn?"

Hinintay niyang magsalita ito ngunit hindi na nangyari iyon. Sa halip ay naramdaman niya ang labi nito sa kanyang ulo.

Hindi na lang siya kumibo. Ilang sandali pa ay inaliw na lang niya ang sarili sa panonood ng mga ulap. Iba-iba ang hugis niyon.

"Ruben look!" turo niya sa isang ulap.

"Hmn? Saan?"

"There! Tingnan mo ang hugis ng ulap na iyon!" excited niyang sambit.

"Heartshaped?" tanong nito sabay bawi sa kamay niyang nakaangat. Nahugot niya ang hininga nang dalhin nito iyon sa labi nito at isa-isang hinalikan ang kanyang daliri. Hindi niya alam kung bakit nito ginagawa iyon. Tanging hiling lang niya ay sana, hindi na matapos ang sandaling iyon. "Mag-wish ka na," anito.

Madalas kasi siyang nagwi-wish noon kapag nakakakita siya ng ulap na hugis puso. Katulad noong mga panahong nasa bubong sila ng classroom at nanonood ng mga ulap. Para sa kanya, rare lang ang ulap na may ganoong hugis.

"I have something to tell you," sabi nito makalipas ang ilang minuto. Nilalaro pa rin nito ang hibla ng kanyang buhok.

"A-ano 'yun?" pinigil niya ang hininga ay hinintay ang sagot nito.

"Nagkita kami ni Hannah noong isang araw," sagot nito. Sandaling huminto ang tibok ng kanyang puso dahil sa narinig.

"S-si Hannah Olivarez? 'Yung first love mo?" paniniyak niya.

"Yeah. One and the same," mahina nitong sagot.

"T-tapos? K-kumusta na siya?" tanong niya sa kabila ng paninikip ng kanyang dibdib.

"Ayun, maganda pa rin. Kararating lang niya mula London. Doon pala sila lumipat pagkatapos naming maghiwalay noon."

"N-nagkabalikan na kayo?"

"Gusto niya."

Ouch. "B-bakit hindi siya ang isinama mo dito?" tanong niya sabay pigil sa nagbabantang mga luha. Ilang beses na niyang inutusan ang kanyang puso na kalimutan na niya ito at huwag nang umasa na mamahalin siya nito nang higit pa sa isang kaibigan. Her heart just wouldn't listen. At ito ngayon ang napala niya. Bonggang kasawian. The first heartbreak was understandable. Ngunit kung maulit pang muli ang kabiguang iyon at mula iisang tao, katangahan na ang tawag doon. Iyon ang sabi ni Jheng noon. Only, she didn't listen.

"Gusto ko kasing pag-isipang mabuti kung tama bang makipagbalikan ako sa kanya. What do you think?"

At may gana pa talaga itong humingi ng opinyon niya samantalang pakiramdam niya ay ibinabad sa suka ang sugatan niyang puso. Sobrang hapdi.

"W-what about Monica? I thought may something sa inyo?"

"Nah. We're just friends. Nothing to worry about her," sagot nito.

Tumango siya nang ilang ulit. "W-well, if you still love Hannah why don't you give her a chance?" mapait niyang sambit.

Congratulations, Erisha Morales! Best actress awardee! Tukso ng kanyang utak.

What can I do? Alangan namang pigilan ko siya at magmukhang katawa-tawa? Lihim niyang sambit.

"Do you think so? Kung mahal mo ba ang isang tao, bibigyan mo siya ng isa pang pagkakataon?" tanong nito.

"Hindi lang isang pagkakataon kundi marami. Maraming-marami. At kung hindi pa niya mapapansin na mahal ko siya, babatukan ko na talaga siya," pabirong sagot niya kahit iyon ang totoo niyang nararamdaman nang mga sandaling iyon.

Mahina itong tumawa at niyakap ang kanyang ulo. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi sa pagpigil na maiyak.

Pasalamat ka at mahal na mahal kita. Isinara ko ang puso ko sa mga lalaki maliban sa'yo. Panahon na siguro na isara ko na ang puso ko para sa'yo at buksan naman ito para sa iba, lihim niyang sabi.

Iyon ay kung may darating na mas higit pa kaysa kay Ruben.

"Before I make that decision, pwede bang...pwede bang imbitahan muna kita sa resort ko sa SamalIsland? Just for a week? P-please? Pwede ka namang mag-request ng leave sa work mo diba?"

Tiningala niya ito. May nababasa siyang sinseridad sa mga mata nito. Hindi niya alam kung bakit kailangan siya nitong imbitahan sa resort nito gayong pwede naman nitong imbitahan sa Hannah. Ngunit hindi niya palalampasin ang pagkakataong makasama ito kahit ilang araw lang.

"S-sure. K-kung ikatatahimik ng loob mo," sagot niya.

Hindi ito sumagot. Muli lamang siyang niyakap nito. Ibinalik uli niya ang tingin sa mga ulap. Naroroon pa rin ang hugis-pusong ulap sa langit. Hindi niya mapigilang muling umasa na sana magkakaroon na ng katuparan ang kanyang hiling. That he would finally realize she is the perfect girl for him and completely forget about Hannah.

Yeah, pwede ka nang sumulat sa Wish Ko Lang. Bongga ang pangarap mo day! Singit ng kontrabida niyang utak. Bumuntunghininga na lang siya.

----------------------

Dear panget,

Habang tumatagal, nawawalan ako ng pag-asa na makikita mo pa ako. Sa dami ng mga babaeng naghahabol sa'yo bakit mo nga naman pag-aaksayahan ng panahon ang tulad ko? Kung pwede lang maging Erisha at ikaw si Ruben, kung may kapangyarihan lang akong bumalik sa nakaraan, kung pwede lang humiling sa mga ulap na ibalik ka...ginawa ko na sana. 

Ang tagal ko ng nabubuhay sa nakaraan. I survived all these years because of our memories. Kapag napapadaan ako sa Timezone naaalala kita. I used to watch you play your favourite Tekken game. Ang cute mo tingnan kapag nagko-concentrate ka na sa laro. I secretly take pictures of you kaso yung phone ko ayaw makisama biglang nagreformat so all those stolen shots were deleted. Pati phone ko kumukontra eh. 

Kapag naririnig ko ang kantang "Hari ng Sablay" naalala kita kasi ang dami mong bloopers. Yung tipong ordinary day lang naman pero nagiging masaya dahil sa kapalpakan mo. Maulan dito ngayon, 608 miles from you. Lalong nakakadala ang weather. Lalo ko hinahanap ang yakap mo kasi naiiyak na ako. Konti na lang gagawa na talaga ako ng kwento at ang pamagat ay "DEAR PANGET".

Ang swerte swerte mo dahil all these years may isang taong hindi napapagod magmahal sa'yo kahit sa tahimik lang na paraan. There are feelings that never really leave because even when my mind is angry, my heart beats for you still. 

Mabulunan nawah ikaw. Hmp.

hahaha

Dear readers, 

Hayan na si Ruben oh. Prelude to heartache na naman yan for sure. Hays. Lagi na lang. Vote, comment, at pakihanap si panget pakibatukan para matauhan na sana siya the he belong with me. charoooot!

Continue Reading

You'll Also Like

16.8K 486 11
'Sa romance novel, puro perpecto ang mayroon ang lalaki, o babae. But in reality. People gets hurt, woman cries, and men played their games...
128K 2.2K 11
PUBLISHED: May 2009 This is my second approved PHR novel. Halos magkasabay lang itong napublish ng first novel ko. ^_^ So again, NO JUDGEMENT PLEASE...
319K 7.3K 22
published under PHR 2013 (Modified version) Why did I kiss you? Dahil gusto ko... Because I'm dying to kiss you every time I see you. Batang pasli...
89.5K 1.1K 10
"Kung ayaw mo pala akong maging distraction, eh, di gawin mo na lang akong inspiration. Ano sa tingin mo?" Cherry dreamt that she was being kissed by...