Friends or Lovers? [Oneshot]

By silver_valentine

735 29 30

Pag bestfriends ba hindi na pwede maging lovers? Paano nalang pag niligawan ka ng bestfriend mo, anong gagawi... More

Author's note :D

Friends or Lovers? [Oneshot]

643 26 30
By silver_valentine

"Bes, may gusto sana akong itanong sayo eh....

 

 

 

 

Pwede bang manligaw?"

Kung ikaw ba tatanungin ng bestfriend mong lalaki ng ganyan, ano isasagot mo? Papayag ka ba o hindi? Iri-risk mo ba ang pagkakaibigan niyo? Isang pagkakaibigang nabuo maraming taon na ang nakalilipas? Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o madidismaya. Hindi rin ako makasagot. Kung ikaw ba ang tinanong, ano nga ba ang dapat na gawin?

"Hindi naman kita minamadali eh, pwede mo pang pag-isipan yung isasagot mo Mika" dagdag ni JR

Napatingin nalang ako sa baba, nahihiya ako. Nahihiya saan? Nahihiya dahil hindi ako makasagot o nahihiya dahil ang pinakamatalik kong kaibigan ang nagtanong sa akin? Hindi ko rin alam. Si John Russel Lim, ang pinakamatalik kong kaibigan, ang isang taong kailanman ay hindi ko inaasahang magtanong sa akin ng ganoong bagay. Ang alam ko lang, mahal ko siya... bilang isang kaibigan lang.

"JR, hindi nakakatawa yang biro mo ha" sumbat ko na may pilit na tawa. Ayoko ng ganitong sitwasyon, hindi ako komportable.

"Mikaela, hindi ako nagbibiro" sa tuwing tinatawag niya akong ng Mikaela, alam kong seryoso siya. Pero sa kasalukuyan, di ko maiwasang ipagdasal na sana nagbibiro lang siya. "Mika, mauna nalang muna ako ha? Huwag mo nalang muna masyadong isipin yung sinabi ko. Kalimutan mo nalang yun." Nginitian niya ako bago siya tuluyang umalis.

Hindi ako makatayo sa kinauupuan ko... Ano nga ba dapat kong gawin? Napabuntong-hininga nalang ako at umalis pagkatapos. Kahit anong paglibang sa sarili ang gawin ko, hindi ko maalis sa isip ko ang tanong niya. Kung bukas, makasalubong ko siya, kakausapin ko kaya siya? Nakakainis naman, hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko. Sa kakaisip, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Kinabukasan, nag-umpisa ang araw ko nang normal. Hindi ko kasi kaklase si JR kaya pansamantalang nawala sa isip ko yung tanong niya. Buong umaga ko siyang hindi nakita.. iniiwasan kaya niya ako? Maganda na rin siguro ang ganito.

Tatlong araw na nakakaraan, di ko parin siya nakikita o nakasalubong man lang. Hindi ba siya pumapasok? O sadyang umiiwas lang siya? Uwian na, siguro uuwi nalang ako mag-isa.

"Bes, sabay na tayong umuwi" Napatingin ako sa nagsalita. Si JR. Nakatayo siya sa gate ng school, nakangiti habang kumakaway sa akin. Napaisip ulit ako. Wala naman sigurong masama diba? Matagal naman na kaming umuuwi ng sabay.

"Sige" at nag-umpisa na kaming maglakad. Medyo malapit lang naman ang bahay namin sa paaralan kaya naglalakad nalang kami. Isang kanto lang pagitan ng bahay namin ni JR kaya hinahatid na niya ako pauwi magmula pa noon.

Pagkarating sa bahay, pakiramdam ko dapat ko nang sagutin ang tanong niya. pero hindi parin ako sigurado sa kung ano isasagot ko... bahala na.

"Mika, may hinihintay ka ba? Parang ayaw mo pa pumasok sa loob eh, parang uulan na oh" -JR

"Ha? Ahh, eh kasi.. wala naman. Naisip ko lang kasi yung tanong mo"

"Hindi naman kita minamadali eh, pkahit matagalan ka pa sa pag-iisip ayos lang, maghihintay ako" -JR

"Pero may sagot na ako eh" kinakabahan ako... Tama ba tong sinasabi ko? Seryoso lang mukha ni JR, kung titignang maigi, sa tingin ko parang kinakabahan din siya. Hinihintay niya akong magsalita kaso... parang hindi ko pa rin masabi ang sagot ko.

"Mika, tumingin ka muna sa akin saglit." "De, okay na akong ganito" "Di naman kita aanuhin eh, tingin ka lang sa akin. Saglit lang, please?" Napatingala ako sa kanya, nakangiti lang siya.

 

"Huwag mo pagurin utak mo sa kakaisip dun, okay? Kung nahihiya ka na sa akin dahil sa tinanong ko, ayos lang. Di kita sinisisi, pero sana bigyan mo ako ng kahit isang pagkakataon man lang. Pero kung ayaw mo talaga, bes mo pa rin naman ako diba?"

"Bes?" Tawag ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano sasabihin ang sagot ko. Napa-buntong hininga siya sabay sabing "okay lang, naiintindihan ko"

"Bes, ayos lang naman sa akin eh.

 

 

 

Payag na ako"

Lumipas ang mga araw, at gaya ng dati, sabay pa rin kaming pumasok at umuwi. Araw-araw kaming magkasama, lagi niya akong pinapasaya. Siguro nga nagugustuhan ko na siya higit pa sa isang kaibigan gaya ng sabi nila. Malapit na nga pala siya magbirthday, naisipan kong bilhan siya ng regalo. Ano kaya magandang iregalo? Maghahanap nalang ako mamaya pagkatapos ng klase namin.

Natapos ang hapon ko kakaisip ng kung ano pwede iregalo sa kanya. Oo, matagal na kaming magkaibigan pero hindi kasi ako sanay na binibilhan siya ng regalo eh. Nakita ko si JR sa gate pero mukhang di siya mapakali.

"Mich!" sigaw niya. Magmula nang pumayag akong manligaw siya, hindi na niya ako tinatawag na bes. "Kanina ka pa ba dyan?" Tanong ko. "Hindi naman ^___^ Mika, hindi pala kita maihahatid ngayon. May pupuntahan kasi kami ni mama eh. Okay lang ba sayo?"

"Okay lang" Agad kong sagot. At least hindi ko na kailangang mag-isip ng palusot para di kami magsabay pauwi diba? "Talaga? Hindi ka nagtatampo?" Pangungulit niya. "Ayos lang talaga, promise! Bes talaga"

 

"Bes? Awts naman oh! haha joke lang siyempre. Sige, mauna na ako. Ingat ka ha?"  Sabi niya bago pa man siya sumakay sa jeep. Pagkasakay niya, agad agad naman akong pumunta sa mall na mga ilang kanto ang layo sa paaralan namin.

Matapos ang ilang oras ng pag-iikot, wala pa rin akong nabibili. Aish, ang hirap naman maghanap ng magandang regalo. Pagod na rin akong maglakad. Pero sayang naman effort kong nagpagod kung wala rin lang akong mabibili. Hmm, ikot nalang ako ulit. May nakita akong shop, maliit lang siya pero nagandahan ako sa mga nakadisplay na accessories. Ang cute *u* kung pwede lang sana bilhin lahat eh kaso malamang hindi pwede.

May nakita akong kwintas, hindi ako sigurado pero binili ko nalang. Baka may iba pang makabili eh, sayang naman. Simpleng susi yung pendant, hindi siya magara pero tingin ko pwede na yun pangregalo sa kanya.

Paalis na sana ako ng shop kaso pagtingin ko sa labas, may isang lalaki na naka-akbay sa isang babae. Kamukha ni JR yung lalaki, yung babae naman, hindi ko mamukhaan. Imposible maging si JR yun diba? Kasi ako yung nililigawan niya. Wala naman daw siyang girlfriend. Pero bakit ganoon, may kumikirot sa dibdib ko. Siya nga ba talaga yun?

"Babe, kain na tayo pleeeaaaassse? Lab mo naman ako diba? Kain na tayooo" Narinig kong sabi nung babae "Babe naman, siyempre laaaaab na lab kita pero di pa tayo nakakaikot, kain na agad? Mamaya nalang, itreat kita sa favorite mo" Sagot ng isang napakapamilyar na boses.

Ang sakit. Naiiyak ako, sana guni-guni ko lang yun. Sana lang talaga... Agad na akong umuwi, dumiretso ako sa kwarto ko at nagkulong. Ayokong umiyak, pakiramdam ko wala akong karapatang umiyak. Hindi naman kami diba? Hindi ko pa naman siya sinasagot. Eh bakit ako nagseselos? Mahal ko na ba talaga siya? Mahal ko bilang ano? Nalilito ako...

 

Kinabukasan, sinundo niya ako sa bahay. Alam kong kinakausap niya ako pero... parang hindi ko siya naririnig. Lumilipad nanaman utak ko, hindi ko makalimutan yung nakita at narinig ko. Nagpasya nalang ako na tanungin siya.

 

"Bes, kamusta pala lakad niyo ni tita kahapon?" Tumingin ako sa kanya, diretso lang sa daan ang tingin niya habang sumasagot. "Okay naman, nagdinner kaming pamilya kagabi sa labas. Kinakamusta ka pala ni mama, di ka raw kasi masyadong bumibisita sa bahay eh"

Pinilit ko nalang ngumiti. Ayaw kong ipahalata na alam kong nagsisinungaling siya... ayaw kong ipakita na nasaktan ako. Lumipas ang ilang araw, pinilit ko ring kalimutan ang nangyari. Siguro nga niloloko ko na sarili ko... pero mahal ko na siya eh.

Kaarawan na niya ngayon. Nagyaya siyang kumain sa bahay nila, ipnaghanda raw kasi siya. Habang naglalakad kami, naisipan kong ibigay sa kanya yung regalo ko.

"Bes, may ibibigay ako sayo"

"Mika naman, wag mo na akong tawaging bes please? Ansakit eh, nililigawan kita tapos Bes parin tawag mo sa akin? Awts!" sabi niya habang umaastang mangiyak-ngiyak.

"Hoy JR, tigilan mo nga yan, nagmumukha kang bading! hahaha eto oh, pagpasensyahan mo nalang"

Kinuha niya yung regalo ko sabay binuksan kaagad. "Wow naman Mika! THANK YOU!" Bigla niya akong niyakap. Bakit parang bumilis tibok ng puso ko? "May kaparis ba ito?" bigla niyang tanong. "Ha? Bakit mo natanong?" Para saan naman kaya yung kaparis? "Dapat may kaparis ito para pair tayo" Nakangiti niyang sagot.

"Wala eh, okay lang yan para wala kang kapareho" sumbat ko naman

"Hindi naman kapareho yung hinahanap ko eh"

"Eh? Kala ko nagtatanong ka ng kapareho niyan?"

"Hindi.... Kaparis ang sabi ko. Para sana kung may susi ako, nasayo yung lock. Para pair tayo!"

"Ahh, di ko nabili eh. Di ko naisip yun. Tsaka hayaan mo na, okay lang yan"

"Kawawa naman yung susi, walang kaparis" Nakasimangot niyang sagot

"Eh di abangan mo nalang kung anong mangyayari jan para alam mo kung ano isasagot ko sa iyo" Pabiro kong sabi sa kanya

"Umamin ka nga, may surprise ka para sa akin no? Akin na yung surprise dali!"

"Asa, bakit naman sana kita isusurprise?"

"Kasi mahal mo ako" Simple niyang sagot.

Hindi ako nakaimik, kasi naman eh... Sa lahat ng pwede niyang sabihin, bakit yun pa? Buti nalang andito na kami sa gate nila. Sinalubong kami ng mama niya. Naging okay naman handaan niya, masaya rin kahit di gaanong marami yung bisita. Ayaw niya daw kasi ng maraming tao.

Ilang araw na niya akong kinukulit sa susi, sa totoo lang, hindi ko rin naman alam kung paano ko siya sasagutin gamit yun. Bakit ko ba kasi nasabi yun? Kaasar naman oh.. Hayy

Uwian na, nakaabang nanaman siya sa gate ng school. "Mika!" Tawag niya sa akin. "Kanina ka pa dyan?" Tanong ko naman sa kanya. "Di naman gaano, tara na?" Habang naglalakad pauwi, may naisip ako.

"JR, tungkol sa susi--"

"Bakit yun, sasagutin mo na ako?"

"De, batukan kita dyan eh--"

"Binabusted mo na ako?!?"

Hindi ba pwedeng tapusin ko muna yung sasabihin ko? =____= Tinignan ko nalang muna siya ng masama... kasi naman eh.

"Biro lang naman eh. Wag ka na magalit. Ano na yung tungkol sa susi?"

"Wala."

"Mika naman eh... sabihin mo na... pag di mo sinabi ibig sabihin tayo na"

Binatukan ko siya pagkasabi niya nun. Nagreklamo naman siya kasi masakit daw. Sabagay, napalakas pagbatok ko sa kanya. Di ko naman sinasadya, pero hindi rin ako nagsorry.

"Yung sa susi. Malalaman mong tayo na pag nagsuot ako ng kapair niyan."

"Paano ko malalaman kung busted ako?" walang pag-aalinlangan niyang tanong

"Simple. Pag kinuha ko sayo yung susi."

"Madaya! Regalo mo sa akin to eh!" Oo nga pala aish, nakalimutan ko yun. Pero..

"Ah basta! Yun gusto ko eh" Pang-aasar ko sa kanya

Hindi na siya nakapalag. ilang linggo narin ang nakalipas. Halos araw-araw magmula nung pag-uusap naming yon, lagi niyang tinitignan leeg ko kung may suot na ba akong kwintas. Pero sa totoo lang, wala pa rin akong nabibili. Siguro nga madaya ako. Bumili nalang kaya ako ngayon para di ko makalimutan?

 

Tapos na ang klase, uwian nanaman. Agad-agad akong pumunta sa gate para magpaalam kay JR pero wala siya doon. Maya-maya nakareceive ako ng text.

From: Bes JR

Bes, nauna n akong umuwi, sori. bawi nlang ako sau bukas, pramis! ngpasama kc si mama eh, d nman ako mkatanggi. ingat k ha? :)

Parang ang swerte ko naman masyado sa mga ganitong pagkakataon. Hindi ko na kailangang magpalusot ulit sa kanya. Agad naman akong pumunta sa mall, dun sa shop na pinagbilhan ko nung susi. may nakita akong kwintas na may lock bilang pendant niya. Siguro kaparis talaga to nung susi, halos pareho kasi ng disenyo. Buti andito pa. Pagkabili ko nung kwintas, naisipan kong dumaan muna sa park. Gusto ko munang mag-isip isip.

Wala masyadong tao ngayon kahit medyo maaga pa. Umupo ako sa may picnic area. Nakapatong mga braso ko sa mesa, tapos yung ulo ko nakapatong din sa mga braso ko. Hindi naman sa inaantok ako. Mas nakakaisip lang kasi ako pag nakapikit.

Ano nga ba isasagot ko kay JR?

Ilang minuto narin akong andito. Mag-iisang oras na sigro.. ewan basta gusto ko lang muna mapag-isa. napatingala ako, nangawit na kasi leeg at mga braso ko. May nakita akong mga batang naglalaro... ang saya naman nila. Sana may kapatid rin ako para hindi ako nag-iisa sa bahay pag wala sila mama.

Pagkatapos kong panuorin yung mga bata, naglakad ako pauwi. Oo, palakad-lakad lang ako. Hindi naman ako nagmamadaling umuwi, gusto ko lang rin maglakad-lakad ngayon. Pero gaya nung huli akong lumabas ng mag-isa--noong bumili ako ng regalo para kay JR--may nakita akong isang senaryo na sana lang ay di ko na nakita pa.

Sigurado akong si JR yun pero hindi ko alam kung sino yung babae. Medyo malayo ako sa kanila pero kitang-kita ko ang mga mukha nila... ang sweet nila. Lahat siguro ng makakita sa kanila iisipin na mag boyfriend at girlfriend sila. Naglakad sila papalapit sa kinatatayuan ko... hindi ako makagalaw. bago pa man din nila ako makita,tumalikod nalang ako at umastang tumitingin sa mga nakadisplay sa shop.

Nagrinig ko yung usapan nila..

"Bhie, kung tayo na, paano nalang yung nililigawan mo? Bes mo yun diba?" tanong nung babae

"Wag mo yung alalahanin bhie. Wala naman siyang alam eh. Sikreto nalang natin to okay?"

"Pero bhie, kawawa naman"

"Hindi, okay lang yun sa kanya bhie. Kung sakaling mapa-oo ko siya eh di magtiis nalang muna tayo ng konting panahon bago ko ibreak para naman hindi tayo mahalata."

"Pero bhie... Bakit mo ba kasi niligawan?"

"Ayaw mo kasi magpaligaw sa akin noon eh"

Buti pa yung babae, concerned. Buti pa yung babae, naawa sa akin. Buti pa yung babae, naisip na kawawa ako. Eh si JR? Hindi man lang ba niya naisip kung ano mararamdaman ko? Ano bang ginawa ko para gawin yun sa akin? Wala naman akong ginagawa sa kanya ah? Akala ko ba magkaibigan kami? Kasinungalingan lang din ba pagkakaibigan namin? Grabe siya manakit ah? Sobrang sakit eh. Panakip butas lang pala ako, sana sinabi nalang niya ng diretsahan, baka natanggap ko pa kung ganoon.

Bago pa man nila ako mapansin, tumakbo na ako pauwi. Ayoko na. Sana tinigil ko nalang nung una ko siyang nakita sa mall na may ibang kasama. Pero ang tanga ko eh, nakakainis! Dapat kasi hanggang kaibigan ko lang siya eh. Dapat naisip ko na na pwede niyang gawin sa akin yun.

Pero kaibigan ko siya.. sa pagkakaalam ko, kaibigan ko siya. Kaya siguro di ko naisip yun. Buti nalang wala sila mama ngayon. Hindi ko rin alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanila kung bakit ako umiiyak eh.

Kahit paano, nagpapasalamat rin naman ako na naging kaibigan ko siya. Hindi ko pinagsisisihan yun. Pero sobra sobra pagsisisi ko ngayon dahil nagpaligaw ako... dahil natutunan ko siyang mahalin.

Pagod na ako, pagod sa kakalakad at kakatakbo kanina. Pagod na rin ako umiyak. Bahala na kung anong mangyayari bukas.

Kinabukasan..

Uwian na.. Kaya ko to. Tingin ko eto ang dapat kong gawin. Suot ko yung kwintas na binili ko kahapon. Nag-ayos ako konti bago pumunta sa gate. Kinakabahan ako... pero tingin ko eto ang nararapat.

Pagkarating ko sa gate, nakita ko siya. Tinitignan niya leeg ko. Na siguro niya yung suot ko. Lumapit ako sa kanya. Yung itsura niya, parang di siya makapaniwala sa kwintas na suot ko...

"Mika... yung kwintas.. talagang... wow" Di ko pinansin yung sinabi niya. Niyakap ko nalang siya. Niyakap niya rin ako.

Pagkatanggal ko ng pagyakap ko sa kanya, kinausap ko siya

"JR, mauna na muna ako, may iba kasi akong lakad eh"

"Samahan na kita" Sagot niya

"Di na kailangan"

 

Inumpisahan ko nang maglakad. Naiwan lang siyang nakatayo sa may gate. Bago pa man ako makalayo ng hutso, tinawag ko siya.

"JR! Ingat ka ha? GOODBYE NA BES!"

Tingin ko nagtaka siya kung bakit ko yun sinabi.. Bago pa man siya makapagsalita, kumaway na ako sa kanya para magpaalam. Halatang gulat at di siya makapaniwala sa nakita niya. Tumalikod na ako at tuluyang umalis

Hidi ko na kailangang lumingon para tanungin siya kung ano nakita niya. Alam ko kung bakit siya nagulat. Inaasahan ko na na magiging ganoon reaksyon niya.

Diretso lang ang tingin ko, ayoko na siyang lingunin pa. Nasasaktan parin ako pero, ayos lang, mawawala rin to. Tumingin ako sa kamay ko. Yung kamay na pinangkaway ko kaninang nagpaalam ako. Yung kamay kung saan may nakapulupot na kwintas na may susi.

---the end--

A/N: MWAHAHAHAHAHAHA >:)

Pagpasensyahan no na! Trial lang hahahaha

Thank you Sarah sa pagsuggest ng plot at names ng characters! hahaha

 

May mga inconsistensies sa paggawa ko haha sorry!

 

Paclick yung vote please? :D labyu! <3 <3 hehe

Comments? XD Comment ka pretty please? *u* wag matakot na magfan, di ako killer haha XD magfan kayo para friends tayo :D

 

PS. May sequel na po ito, completed na rin hehe

Continue Reading

You'll Also Like

52.6M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
27K 928 37
SA MAHILIG SA SUGARMOM JAN , THIS IS FOR YOU HAHAHHAHA . This is an intersex story , kung di open minded please do skip this story 😘 ALL EVENTS AND...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.