Ako'y Para Sayo Lamang (Compl...

By Gidgetwitty

880K 5.6K 2.6K

When two people are meant for each other, no time is too long, no distance is too far, and no one can ever te... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Announcement to my readers
Chapter 12
Chapter 13 For my 18 years old and below readers (The Honeymoon)
Chapter 13 Adult Version (The Honeymoon)
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Book 2 Chapter 36 (A New Beginning)
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39 (Love & Harmony)
Chapter 40
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44 and Epilogue
Deleted Chapter 43 (Writer's Cut)
Announcement/ Raffle Drawing
Announcement for Raffle Drawing
Winner of the Raffle Drawing

Chapter 41

12.2K 123 75
By Gidgetwitty

Chapter 41

   Please it's important to play the music video before you start reading this chapter. 

   "What's happening?" natatarantang sigaw ni Andy sa mga medical staff.

   "Sir, sa labas na po kayo," sabi ng isang lalaking nurse na pilit pinapaalis si Andy sa tabi ng kama ni Jade.

   "Anong labas? Anong nangyayari sa asawa ko?" iwinaksi niya ang kamay ng nurse na nakahawak sa braso niya. "Doc, tulungan ninyo ang asawa ko, please maawa kayo," takot na sigaw ni Andy.

   Nakita niya ang paghihirap ng paghinga ni Jade. Nakapikit ito na parang natutulog. Maputla at nangingitim ang mga labi sa kakulangan ng oxygen. Mabilis na kumilos ang mga staff para maagapan ang nangyayari kay Jade. Maya-maya pa ay naging kalmado na uli lang lahat. Napaupo sa isang sulok si Andy, nanginginig ang buong kalamnan nito at kasing putla na rin ito ni Jade kung titingnan. Tinakpan ng mga palad nito ang mukha at napahagulgol.

   "Mr. Wu, your wife is stable right now. Binigyan namin siya ng additional drugs, at mukhang gumagana naman sa kanya," sabi ng mangagamot kay Andy. Nag-angat siya ng ulo para tingnan ang kinaroroonan si Jade na may suot ng face mask ngayon.

   "Anong nangyari sa asawa ko, doc?" nanglalambot niyang sabi.

   "Mr. Wu, tatapatin na kita. Your wife needs a heart transplant sooner than we think. Her ejection fraction is only 30 right now," ma-autoridad nitong pahayag.

   "Paano kung hindi agad makakuha ng puso ang asawa ko," halos ayaw ng lumabas ng boses niya sa lalamunan. 

   Napabuntong-hininga ang doktor. "Mamatay ang asawa mo kung hindi siya makakakuha ng puso sa lalong madaling panahon," tahimik nitong sabi.

   Parang hinulma sa istatuwa ang mukha ni Andy. Wala itong kakurap-kurap na tumingin sa kawalan. Makikita sa ayos nito ang kawalang pag-asa sa buhay.Pumatak ang solitaryong luha nito sa kanang pisngi.

   "I'm so sorry, Mr. Wu," naawang wika ng doktor saka ito tumalikod at lumabas ng kuwarto.

   Naabutan ni Luke at Lucille sa ganoong ayos si Andy. Awang-awang lumapit ang mag-asawa sa kaibigan.

   "Andy, tara sa labas para makakain ka muna," yaya ni Luke.

   Hindi ito kumibo. Parang walang narinig.

   "Andy, pumunta muna tayo sa cafeteria," sabi ni Lucille.

   Dahan-dahang tumayo si Andy at saka lumapit sa kama ni Jade.

   "Sweetheart, lumaban ka naman para sa amin ng anak mo," bulong nito sa asawa habang hinaayos ang ilang hibla ng buhok ni Jade na tumakip sa pisngi.

   HIndi man lang ito gumalaw sa pagkakahiga.

   "Promise ko sa iyo, mas lalo pa akong magiging ideal husband gumaling ka lang agad," gumaralgal na ang boses niya.

   "Luke," tawag ni Luke.

   Tumango lang si Andy at saka hinayaang siyang igiya palabas.

   Naabutan nila sa labas ng ICU ang pamilya ni Jade. Dumalaw na ito kahapon at ngayon ay bumalik muli.

   "Andy, kumusta ang anak namin," tensyonadong tanong ni Mang Ben.

   Tahimik na umiiyak si Aling Talia, Kristin, at Julia sa tabi. Samantalang tahimik lang si Brad pero halatang namumula ang mga mata nito.

   Kinuwento lahat ni Andy ang sinabi ng doktor sa kanya kanina. Lalong napahagulgol ang mga babae. Si Lucille ay parang namatanda, namutla ito at saka umiyak.

   Naunang pumasok ang magulang ni Jade, bawal kasi ang sabay-sabay na bisita sa loob ng ICU. Sumunod si Julia at Kristin, pagkatapos ay si Brad. Huling pumasok si Luke at Lucille.

   "Jade, si Luke ito. Bilisan mo na ang pag galing para sumaya na tayong lahat uli," sabi ni Luke. "At saka naaawa na ako sa kumpare ko."

   Matapos ang one-sided conversations with Jade ay nag-paalam na si Luke.

   "Luke, mauna ka na sa labas. Kakausapin ko lang ang bestfriend ko ng masinsinan sandali."

     Oras na makalabas si Luke ay naupo ito sa tabi ni Jade at saka dahan-dahang hinagod ang kaliwang braso ng kaibigan.

   "Jade, akala ko pa naman ako lang ang madrama sa buhay, tinalo mo ako this time ha Tita. Supporting actress na lang ako tuloy," mapait na sabi ni Lucille.

   "Di ba sabi mo dati walang iwanan, di ba tumupad naman ako. Lumaban ako at nabuhay. Ngayon turn mo naman ipakita sa akin na hindi mo rin ako iiwan.  Kailangang lumaban ka sa bagyo ng buhay, huwag kang susuko, ipakita mo ang matapang na Jade na kilala ko, na hindi mo iiwanan ang baliwag mong mag-bestfriend. Mas higit pa sa kapatid ang turing  ko sa iyo, kung hindi lang ako in-love na in love sa asawa ko, iisipin ng mga tao tomboy ako dahil mahal na mahal kita bestfriend!   Alam mo naman ang istorya ng buhay ko di ba, inampon lang ako nila nanay noong baby ako dahil hindi sila magkaanak ng tatay ko. Naging mabait naman sila sa akin pero siyempre iba pa rin ang turing nila sa totoo nilang anak na si Lorena.   Mahal na mahal kita talaga kita, bestfriend. Walang halong bola iyan ha," naiiyak niyang sabi.

   Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Jade. Binuka ang bibig upang magsalita ngunit walang kataga ang lumabas dito.

   "Jade! Bestfriend, gising ka na!" naiiyak man ay pilit ngumiti ni Lucille para sa kaibigan.

   "Bahagyang ngumiti si Jade sa kaibigan.

   "Huwag kang magsalita baka mapagod ka. Hayaan mo na lang akong  dumadaldal mag-isa. Tutal sanay ka naman sa kadaldalan ko di ba?"

   Muling ngumiti si Jade kahit na hapong-hapo ang itsura.

   "Ayan, ngumiti na ang bestfriend ko. Inggit ako sa iyo, Tita. Kahit na may sakit ka ang ganda-ganda mo pa rin. Wala ka yatang bad-hair days. Inborn kasi ang kagandahan mo. Sige na, bilisan mo na ang pagpapagaling mo para makapag-chikahan na tayo ng bonggang bongga," gusto na ni Lucille maghumiyaw sa sama ng loob sa nangyari sa kaibigan pero pinilit niyang magpakatatag.

   "S-Salamat," mahinang anas ni Jade.

   Hindi na napigilan ni Lucille ang mga luha, kusa itong pumatak ng sunod-sunod.

   "Ayan, pinaiyak mo na naman ako. Hindi naman ako pareho mo na kahit namamaga na ang mata ay maganda pa rin. Bestfriend, pagaling ka kaagad ha. Nami-miss na kasi kita."

   Pumikit muli si Jade, halatang napagod kaagad.

   "I love you, bestfriend! Alam ng Diyos kung gaano kita kamahal, hinding-hindi kita iiwan sa laban na ito. Parati lang akong nandito para sa iyo, Jade." Hinalikan ni Lucille ang kaibigan sa noo at saka tuluyan ng lumabas ng silid. Mugto na ang mga mata niya nang makita siya ng asawa.

  Lumipas pa ang ang tatlong araw...

   "Lalong lumalala ang asawa ko, doc. Anong gagawin natin?" nag-aalalang sabi ni Andy sa cardiologist nang mag-rounds ito noong hapon na iyon.

   "Mr. Wu, I'm so sorry pero wala pa tayong donor hanggang ngayon," naaawang sagot nito.

   "There must be something we can do about my wife's condition," galit na sabi ni Andy. Napasuklay ito sa buhok.

   "Mr. Wu, I'm sorry but unless we get a donor soon we can't do anything about your wife's condition."

   Nanlulumong napaupo si Andy sa tabi ni Jade na natutulog ng oras na iyon.

   Oh my God, please help my wife. Kayo na lang ang makakatulong sa kanya, Lord. Isinusuko ko na siya sa inyo. Gawin po ninyo ang lahat para gumaling siya. Mahal na mahal ko si Jade higit pa sa buhay ko. Handa akong ialay ang ang buhay ko sa kanya, Lord.

   Napahagulgol si Andy, bagsak ang mga balikat nito sa tindi ng kalungkutan.

   "I'm so sorry, Hijo," tahimik na sambit ni Dona Clara sa anak.

   "Ma, hindi ko na ito kaya," yumuyugyog ang mga balikat ni Andy sa paghagulgol.

   "Anak, manalangin tayo sa Diyos. Huwag kang mawawalan ng pag-asa. Alam ng Diyos kung gaano natin kamahal si Jade," umiiyak na wika ni Aling Talia.

   "I love her so much, it's hurting me so much to see her like this," basag ang boses na sabi ni Andy.

   "Hindi natutulog ang Diyos, Andy," sabi ni Aling Talia.

   7:30 PM....

   "Andy, nasa labas si Kian kasama ni Ate Lucille at Kuya Luke.  Nagpumilit kasing sumama," sabi ni Julia sa bayaw na nakatulog na sa silya katabi ng kama ni Jade.

   "Thanks, Julia." Napabuntong-hininga si Andy at saka tumayo para puntahan sa labas ang anak.

   "Daddy, I want to see mommy! How come she's not home yet?" inosenteng tanong ng bata paglabas niya ng ICU.

   "Kian, come here," sabi niya sa anak at saka binuhat ito.

   "Mommy is still sleeping inside and cannot be disturbed. Hopefully tomorrow you can see her," paliwanag niya sa anak na nakatitig sa kanya.

   "Daddy, why is mommy always sleeping lately?"

   Hindi makakibo si Andy, bumara sa lalamunan niya ang sasabihin.

   "Kian, do you want to eat ice cream?" sabad ni Lucille.

   "Yes, Ninang. I want chocolate ice cream," excited nitong bulalas. Nakalimutan na ang tanong sa ama.

   "Thanks, Lucille," bulong ni Andy sa pagsalo ni Lucille.

   "Wala iyon, Andy. Kahit na ano gagawin ko para sa kaibigan ko," tahimik nitong sabi.

   9:00 PM...

   "Andy, umuwi ka na kaya kasama nila Julia at Kian. Mukhang hindi ka na natutulog," mungkahi ni Luke.

   "Thanks, Luke pero dito na lang ako sa tabi ni Jade," tanggi niya.

   "Honey, kailangan kong umuwi muna para ma-check si Sam. Dito ka na lang para masamahan mo si Andy. Mag-tataxi na lang ako," sabi ni Lucille.

   "Lucille, magpahatid ka na lang kay Mang Karyo," pagod na sabi ni Andy.

   "Ay naku huwag na, mapapalayo sila at saka kawawa naman ang inaanak ko, kanina pa inaantok iyon," matigas na tanggi ni Lucille.

   "Honey, I'll drive you home tapos babalik ako dito sa ospital."

   "No, Luke. I'll take a taxi para hindi na hassle."

   Walang magawa si Luke kung hindi pumayag sa asawa.

   9:15 pm...

   "Nurse, nahihirapan na naman ang asawa kong huminga," sigaw ni Andy.

   Parang deja-vu na naman ang nangyari sa pakiramdam ni Andy, nagkagulo ang medical staff para maagapan si Jade. 

   "Mr. Wu, we have to intubate your wife. Hindi na niya kayang huminga mag-isa," sabi ni doktor.

   Napatango si Andy na parang wala sa sarili. Tahimik na nakatayo si Luke sa tabi niya, nakaalalay sa kaibigan.

   Sa taxi nang oras na iyon...

   Bakit ako kinakabahan ng ganito, anong nangyayari sa bestfriend ko? Dinayal niya ang cell phone ni Luke.

   "Hello, Luke, anong nangyayari diyan ngayon? Kanina pa ako kinakabahan kasi," tanong niya pagsagot ng cell phone ni Luke.

   "Lucille, teka lang at lalabas ako ng kuwarto," bulong nito sa cellphone.

   "Hello, honey. Huwag ka sanang mabibigla pero nilagyan ng tubo si Jade para makahinga," tahimik nitong sabi sa asawa.

   "Oh no, Luke! Kawawa naman ang bestfriend ko," napaiyak na sabi ni Lucille.

   "Ako na ang bahalang umalalay sa kanila. Tawagan mo na lang ako mamaya pagdating mo sa bahay natin."

   "Luke, basta ikaw an___OMG, MAMA BABANGGA TAYO!!!"

   "Lucille!! Anong nangyayari diyan?" kinabahang sigaw ni Luke ngunit ang huling narinig niya ay ang malakas at nakakarinding salpukan ng dalawang sasakyan.

   "Hello, hello!!!" hiyaw ni Luke sa patay na cell phone.

   Walang inaksayang oras si Luke, tumakbo ito palabas ng ospital.

   Halos takasan siya ng ulirat nang makita niya ang lugar ng aksidente. 

   "Sir, bawal pong pumasok diyan," sabi ng police.

   "Asawa ko ang nasa loob ng taxi!" sigaw niya sa police.

   Wala itong magawa kung hindi papasukin si Luke. 

   Kasalukuyang nilalagay ang duguang katawan ng asawa niya sa stretcher. Naririnig niya ang mahina nitong daing.

   "Lucille, nandito na ako," umiiyak na sabi ni Luke.

   "L-Luke," mahina nitong sambit. Puno ng dugo ang ulo nito.

   "SIr, sumama na po kayo sa ambulance," sabi ng paramedic.

   Sa loob ng ambulance....

   "Lucille, please huwag mo kaming iiwan ni Sam. Matapang ka, lumaban ka naman," umiiyak na sabi ni Luke habang hawak ang mga palad ng asawa.

   "L-Luke, a-laga  mo s-si Sam," hirap na sabi nito.

   "Oo aalagaan ko ang anak natin pero mas magiging masaya si Sam kung nandiyan ka para sa kanya."

   "D-Di ko na k-kaya.  P-puso ko p-para kay J-Jade, b-bestfriend ko," humigpit ang hawak nito kay Luke.

   "Lucille, please maawa ka sa amin ni Sam. Oh my God, I love you so much!"

   "I will l-love you a-always, L-Luke," sumilay ang napakagandang ngiti nito sa mga labi.

Ano para sa inyo ang tunay na kabulahan ng kaibigan?

Salamat sa walang tigil ninyong pagbabasa ng kuwento ko.

Salamat sa tiwala na ibinigay ninyo sa akin. Huwag sana kayong bibitiw mga mahal kong tagabasa sa nalalapit na pagtatapos nitong APSL.

By the way, I decided to combine chapter 41 and 42 para mas mahaba.

Gusto ko sanang malaman ang nilalaman ng puso at isip ninyo ngayon kung pwedeng isulat ninyo ang kumento ninyo sa Wattpad, KSG wall o sa Twitter.

Kung gusto ninyong magkaroon ng pagkakataon na manalo ng orihinal na kopya ng APSL huwag kakalimutang magrehistro bilang tagahanga ko sa Wattpad. 

@Gidgetwitty (Twitter and Instagram)

 www.facebook.com/KimXiFanFicStoriesByGidgetwitty.

Continue Reading

You'll Also Like

5.9M 273K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
8.7K 1.4K 39
true love is just around the bend but lovers find it hard to get one...
6.6K 473 16
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and accomplished doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her aloof attitude e...
4.3K 122 14
DISCLAIMER: 📌 In this captivating GL story I've woven, the names, characters, places and events are all born from my boundless imagination or brough...