A Knight in Jersey Uniform

De demoisellewerrerier

333 19 0

super slow update. Mais

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13

Chapter 10

13 1 0
De demoisellewerrerier

'May nakakaalam na'

Ang tanging nasabi ko nalang habang hawak ko yung box at yung tuhod ko ay tuloy tuloy sa panghihina. Tumingin tingin pa ko sa paligid kung may nakakakita sakin ngunit ako lang ang tao dito sa locker room. Sobra- sobrang kaba pa rin ang nararamdaman ko nung binasa ko ulit yung nakasulat sa kapirasong papel.

'For you Zandra Trinity Del Frima'

'Zandra Trinity Del Frima'

Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya minabuti ko nalang na umuwi agad. Dali-dali akong lumabas sa locker room at mabilis na naglakad pauwi. Hanggang sa bahay ay wala pa rin ako sa sarili at hindi pa rin ako makapag-isip ng maayos. Nakatulog ako ng di ko namamalayan at ng walang laman ang aking tiyan.

Kinabukasan ay tamad na tamad akong bumangon. Naiisip ko palang yung nabasa ko kahapon ay parang nanghihina na ko. Paglabas ko ng bahay ay kinabahan ako bigla dahil pakiramdam ko ay may nakasunod sakin. Sa twing tumitingin ako sa likod ko para tignan kung may nakasunod sakin ay wala naman akong makitang tao.

Habang naglalakad ako ay lumilipad na naman ang isip ko. Natauhan lang ako ng biglang may humatak sakin dahilan ng pagtumba ko. Nang tignan ko kung sino yung humatak sakin ay nakita ko ang lalaking nakatalikod na nakasuot ng jacket at hood sa ulo nito. Mabilis siyang tumakbo at dun ko lang namalayan na may sasakyan palang nakahinto sa gilid ko.

"Ano ba miss? Magpapakamatay ka ba?"Sigaw ng naiinis na driver sakin.

At dun lang ako nalinawan na muntik nakong masagasaan at yung lalaking tumakbo kanina ay hinatak ako para di ako masagasaan. Humingi nalang ako ng pasensya sa driver at nagtuloy-tuloy na ko sa paglalakad. Habang naglalakad ako sa don ko lang napansin na nagdudugo ang tuhod ko, dala siguro ito ng pagkatumba ko kanina. Nakapalda lang ako kaya kitang kita ang sugat sa tuhod ko. Pinunasan ko nalang ito ng panyo kahit na hindi pa rin tumitigil ang pagdudugo. Nang makapasok ako sa loob ng Jouwon ay may isang nerd na babaeng lumapit sakin na may dalang first aid kit.

"H-hi. Lilinisin ko muna yang sugat mo sa tuhod." Nakayukong sabi sakin ng babae at natigilan naman ako.

"Paano mo nalaman na may sugat ako?"

"P-pasensya na , napagutusan lang ako. Lilinisin ko lang yang sugat mo."

"Napagutusan ? Sino naman ang nagutos sayo?"

"Hindi ko pwedeng sabihin e. Pasensya na."

"Ganun ba? Sige na okay lang tong sugat ko."

"Pero miss.."

Hindi ko na siya pinansin at dumiretso nalang ako sa paglalakad. Naguguluhan ako sa mga nangyayari ngayon. Sino naman kaya ang nag-utos dun sa babaeng yun na linisin ang sugat ko at pano nya nalaman na may sugat ako. Pakiramdam ko ay sasabog na ang ulo ko sa dami ng katanungan.

Pumunta na ko sa klase ko pero hindi ko nagawang makinig sa tinuturo ng prof. Pagtapos ng klase ay nakita ko sa labas sila Kendra at Kendrick. Nakangiti sakin si Kendra at nang tignan ko si Kendrick ay nakatingin siya sa tuhod ko, nang napansin niyang nakatingin ako sa kanya ay inalis niya na ang tingin sa tuhod ko at nag-iwas siya ng tingin. Habang naglalakad kami papunta sa cafeteria ay kwinento ko kay Kendra ang nangyari kanina habang si Kendrick naman ay tahimik lang na naglalakad sa likuran naman.

"Magiingat ka nga Zandra. Lagi ka nalang napapahamak."

"Sobra-sobra na nga ang ginagawa kong pag-iingat e."

"Sobra? Eh nung nakaraan lang naholdap ka tapos ngayon muntik ka ng masagasaan , nasan ang pag-iingat don?"

"Hahaha Opo nanay mag-iingat na ko." Sabi ko kay Kendra at sabay kaming natawa.

Pagdating namin sa cafeteria ay maingay ang lahat pero mainit paring nakatingin ang mga mata nila sa akin. Habang kumakain kami ay biglang tumahimik ang lahat. Pagtingin ko sa pinto ay papasok ang tatlong magkakaibigan sa loob. Nagsimula na naman ang mga bulungan at tili ng mga babae. Nagpatuloy ako sa pagkain at hindi pinansin ang pagdating nila. Habang kumakain kami ay may narinig kaming isang malakas na sigaw.

"What the hell!"  Pagtingin ko sa sumigaw ay nakita ko si Van na pulang pula sa galit habang ang kanyang uniform naman ay basang-basa.

"S-sorry. Hindi ko sinasadya." Pagmamakaawa ng isang nerd na babae na halatang maiiyak na. Pero hindi ito pinansin ni Van, kinuha niya ang Softdrinks na hawak nung babae at dahan-dahan niya itong binuhos sa nerd.

Hindi ko na kaya ang nakikita ko at tatayo na sana ko para tulungan yung babae pero hinawakan ako ni Kendra.

"Wag ka na munang magpakasuperhero ngayon Zandra. Tignan mo galit na galit si Van. What if ikaw ang paginitan niya? Just stay here."

4"Pero kawawa naman yung babae. Hindi naman tama yung ginagawa ni Van."

"Please, lumayo ka muna sa gulo Zandra." Pakiusap sakin ni Kendra at para naman akong aso na sumunod sa kanya. Hindi ko na pinansin ang gulo na nangyayari sa loob ng cafeteria kaya nagtuloy nalang ako sa pagkain. Pero isang malakas na kalabog na naman ang narinig namin, pagtingin ko sa babae ay naka upo na siya sa sahig at umiiyak. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na pumunta sa babae upang tulungan siya.

"Here comes the superhero."

"Sana siya ang paginitan ni Van. Pakielamera talaga!"

Rinig kong sabi nang mga tao habang papunta ako sa babaeng nakasalampak na sa sahig.

"Miss, okay ka lang ba?"

"O-okay lang ako. Umalis ka dito baka madamay ka pa." Humagulgol ang babae kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na harapin si Van. Nakita kong masama ang tingin niya sakin kaya sinamaan ko din siya ng tingin.

"Ano ba ha? Wala ka bang ibang kayang gawin kundi ang manggulo? Pati babae pinapatulan mo! Wala ka talagang kwenta!."

Hinawakan niya ang kwelyo ng damit ko at ang kamay niya ay parang nakahanda ng suntukin ako. Nakita kong nagulat ang dalawa niyang kaibigan sa kinilos niya at tumahimik naman ang mga estudyante na kanina'y nagtatawanan pa kahit nagkakagulo na.

Pumikit ako at ilang segundo pa ay naramdaman ko ng unti-unti niyang inaalis ang pagkakahawak niya sa kwelyo ko. Minulat ko ang mata ko at nakita ko parin siyang masamang nakatingin sakin.

"STUPID!!"  Sigaw niya at saka lumabas ng cafeteria. Nilapitan ako ni Jeyroz at tinanong kung ayos lang ako pero sinuklian ko lang siya ng ngiti. Nilapitan ko ang babae at tinulungang tumayo at ayusin ang sarili. Laking pasasalamat niya dahil tinulungan ko siya pero sana daw ay hindi nako nakielam dahil ayaw niyang may maidadamay pa siyang iba.

Matapos ang insidenteng yon ay sermon na naman ang inabot ko kay Kendra habang naglalakad kami pabalik sa kanya-kanya naming classroom. Galit na galit siya dahil mas iniintindi ko pa daw ang ibang tao kaysa sa sarili ko.

Lumipas ang ilang oras at natapos na ang klase ko. Hihintayin ko si Kendra ngayon dahil manonood kami ng practice game ng kanyang kakambal. Habang naglalakad ako pababa ay may narinig akong boses sa may likod ng pader.

"Alamin mo as soon as possible or else."

Ayan lang ang narinig ko pero alam kong boses yon ni Van. Nang nakita ko ang anino niya na papalapit na sa may hagdan ay dali dali akong tumakbo pababa. Hindi niya ko pwedeng nakita dahil baka isipin niyang nakikinig ako sa pinag-uusapan nila nung kung sino man yong kausap niya.

Pumunta na ko sa court at don ko nalang hinintay si Kendra. Nang makumpleto na ang mga players ay madali ng sinimulan ang laro. Matapos ang isa't kalahating oras ay natapos na ang laro at nanalo ang team nila Kendrick laban sa team nila Van. Marami ang nagtataka sa pagkatalo nila Van dahil lagi naman sila ang nananalo sa practice game. Ang sabi ng iba ay parang wala daw ganang maglaro si Van na siya pang team captain

nila. Hindi ko naman iyon napansin dahil hindi ko siya pinapanood at ngayon nalang ulit ako nakapanood ng practice game kaya hindi ko alam kung paano sila maglaro. Nang pauwi na kami ay nahagip ko sila Jeyroz, Louis at Van na papuntang parking lot. Nauuna si Van na para bang nagmamadali. Hindi ko na iyon pinansin at namalayan ko nalang na nandito na kami sa tapat ng sasakyan nila Kendra. Pinilit na ko ni Kendra na sumabay sa kanila at ihahatid ako samin dahil anong oras na rin daw. Pumayag naman ako kahit na parang hindii pabor si Kendrick don.

Pagkahatid sa kin sa bahay ay nagulat ako ng may isang box na kulay itim sa labas ng pintuan. Awtomatikong nanghina ang aking mga tuhod at parang nawalan na naman ng lakas dahil sa nakita ko, at parang napraning na naman ako ng pakiramdam ko ay may nakatingin sakin.

Dahan dahan kong kinuha ang box at pinulot ito. Pagbukas ko dito ay tanging kapirasong papel ang nakalagay dito pero nagulat ako sa nakasulat dito.

Nakasulat sa kapirasong papel ang buong address ng bahay namin sa Fremire Village. Wala ng ibang nakasulat dito maliban sa address pero kabadong-kabado pa rin ako .

Continue lendo