Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong...

By emmanoehl

358K 9.9K 545

Mr. Pilosopo meets Ms. Taong bundok Sabi nga nila simula nung nauso si vice ganda eh wala ng makausap ng ma... More

YouAndMeAreMeantToBe Book 1 (Ken and Jazz)
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
Chapter 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
Chapter 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
FINAL CHAPTER

CHAPTER 41

4.5K 133 16
By emmanoehl

(Kung gusto n’yo pong malaman kung ano bang nangyari kay Vince nung nawala s’ya abangan na lang po sa susunod na story ko. (I’ll do anything to be your everything.) pasensya na po hindi ko masisingit dito. Itong chapter 41 medyo green kaya bawal bata hoho.

Chapter 41

(Ken, pwedeng pakiss? Namiss kita e.”)

-=Ken=-

    Namiss n’yo POV ko no? Hahaha ito na kayo naman daig n’yo pa si Jazz ko. ^0^

Kanina ko pa napapansin na parang tahimik ata itong babaeng ito. Pinagpapawisan pa aircon naman.

“Hoy! Anong problema mo?” hindi makatiis na tanong ko.

“Ha a...e...ano kasi...a.. wala.” Sagot n’ya.

“Wala e para kang natatae d’yan! Lamig ng aircon pawis na pawis ka!”

“Wala nga! Ang kulit mo!”

“Wala pala e bakit ayaw mo pa bumaba? Kanina pa tayo nandito e.”

Halata namang nagulat s’ya at sinilip pa sa bintana kung totoo sinasabi ko. Bumaba na ako at pinagbuksan n’ya. Pero nakatitig lang s’ya sakin.

“Alam kong gwapo ako. Pero kailangan mo ng bumaba. sa bahay mo na lang ipagpatuloy ang pagtitig sa akin.”

Bumaba naman s’ya agad. Aba hindi pinansin ang biro ko. Bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla s’yang humarang sa may pinto.

“Ano ba? Feeling mo pinto ka?umalis ka nga d’yan! Kung ayaw mong sa ilong mo ipasok tong susi na ito.”  

“K-kain tayo sa labas?”

“Wow may pera ka?”

“Hindi ikaw meron.”

“Ayaw ko nagtitipid ako!”

“Ken naman e. Sige na please...”

“Wag mo akong daanin d’yan sa pag-pa-pa-cute mo!”

“hmp. Nakakainis.”

“Wag mo rin akong daanin d’yan sa inis mo! Wala akong paki.Pagod na ako gusto ko ng magpahinga. At isa pa hindi ka pa ba nabusog sa kinaen mo? E wala ka na ngang ibang ginawa dun kundi kumain.”

“Ano kasi e may problema kasi ako.”

“Ano ba kasi yun sabihin mo na!”

“Kasi ano a.. kasi..e-.”

Hindi ko natapos pa ang sasabihin ko pinatabi ko s’ya sa gilid at binuksan ko ang pinto.

0///0

Wala akong Makita. Takban pa naman ang dalawang mata ko nitong taong bundok na ito eh.

“Hoy ano ba? Ang baho ng kamay mo alisin mo nga yan.”

“Mamaya sa taas. May ibibigay ako sayo bawal mo munang Makita.”

“Ano ba yan puro ka kalokohan.” Sabi ko. Tapos inalalayan n’ya na ako paakyat hindi na ko nagsalita. Excited ako sa surprise ano kaya yun? Baka naman nagpagawa pa s’ya ng malaking malaking banner na nakasulat welcomeback Ken. Haha napapangiti na lang ako sa naiisip ko. Simple lang pero nakakakilig hay naku ma-ki-kiss ko talaga. S’ya. Hoo adik na ata ako sa kiss n’ya may gayuma ata laway ng babae na ito. Bigla na n’yang inalis ang kamay n’ya sa mata ko.

(-- )( --) lingon sa kanan. lingon sa kaliwa. Wala naming kakaiba.

“Ano bang sinasabi mo? Wala naman akong makitang kakaiba sa kwarto? Bukod sa mga alikabok d’yan sa gilid ng bintana. Ikaw hindi ka nag pupunas ah. Sabagay ayos lang bawal ka pumasok dito sa kwarto ko pag wala ako.” Sabi ko tapos bubuksan ko sana ang pinto para bumaba. Nauuhaw ako e.

>-----(^.^)-----< humarang talaga s’ya sa pinto.

“Bawal wait lang kukunin ko yung surprise ko.” Sabi n’ya.

“Sige na nga bilisan mo.”

Ang tagal naman non ^___^ ano ba kasi yun?

Maya-maya bumalik na s’ya wala naman s’yang bit-bit nagbihis lang sya.

“O nasan na?”

“ito.”sagot n’ya sabay turo sa katawan n’ya.

Ano bang ibig n’ya sabihin yung katawa n’ya ba?

“Y-yan?” sabay turo ko naman sa katawan n’ya. Buti na lang hindi n’yo ako nakikita dahil pinagpapawisan po ako.

“OO, ito nga!” sagot n’ya sabay liyad sa harap ko.

Natulala na lang ako tapos napalunok. Bakit n’ya naman ibibigay sakin ang katawan n’ya? Balak n’ya bang gawin ang ibinibintang sa kanya ni Jane?sabagay wala naming masama.. ^o^ hohoh nagmamalinis pa. Makapagpakipot nga.

“Ayaw ko nga n’yang katawan mo! Hindi yummy.”

*BlagZ!$&T@*&

“Araaay! Bakit ba?”

“Anong katawan sinasabi mo? Baliw ka ba?”

“EH ano ba kasi yung sinasabi mong ibibigay mo?”

“Wala!”

0_0 niloloko n’ya ba ako?

“Wala naman pala e. May patakip takip ka pa ng mata. Tabi nga d’yan.” Sabay tulak sa kanya ng konti. Para mabuksan ko ang pinto. Pero humarang nanaman s’ya.

“Ano nanaman?”

“Wala akong ibibigay ipapakita ko lang sayo!”

Ayun at napalunok nanaman ako. Anong ipapakita?

“I-p-papakita mo?”

“Oo.”

“Bakit ipapakita mo lang? Ibigay mo na!”

“Hindi pwede hindi mo magugustuhan kasi,”

“Kasi ano?”

Tumingin s’ya sa dibdib n’ya tapos tumingin sakin.

“Maliit eh!”

“M-maliit?”

“Oo.”

“A-ayos lang naman sakin eh.” Sagot ko na pawis na pawis na. At inet na inet na.

“Sigurado ka ba?”

“Oo, simulan na natin?” tanong ko naman na nagmamadali na hohoho..syempre baka magbago pa isip kawawa naman ako.

“Anong simulan?” tanong n’ya pa-inocente pa. Gusto n’ya ng ganong laro. Sige.

“Oo ipakita mo na o baka naman gusto mong ako ang kumilos para tignan?” sabi ko sabay lakad palapit sa kanya.

“Wait.” Sabi n’ya sabay taas ng kamay dahil medyo malapit na nga ako tumama yung kamay n’ya sa dibdib ko. Owww

“Hindi mo na kailangan lumapit makikita mo naman d’yan.”

Tumango na lang ako.

“Ito na!” sabi n’ya sabay turo sa katawan n’ya.

“Niloloko mo ba ako? Hindi ko naman nakikita alisin mo na!”

0///0 natulala s’ya tapos namula.

“A-ano bang sinasabi mo? Itong damit ko pinapakita ko sayo! Bago ito binigay sakin ni Jennica.”

-,-!

“D-damit ang ipapakita mo?”

“Oo, bakit ano bang akala mo itong katawan ko? Grabe ka.”

“Ang kapal mo! Akala mo naman gusto kong Makita yan! Yucks kaya.”

“Eh bakit parang dismayado ka nung nalaman mong itong damit ipapakita ko?”

“Malamang eh ano ba kasing pakialam ko kung binigyan ka n’ya ng damit.? Bwiset! Tabi nga d’yan.”

>-----(^0^)----< humarang nanaman s’ya nagdududa na ako ano kayang meron sa baba.

“Ano ba umalis ka nga d’yan.”

“Hindi pwede hindi mo pa talaga nakikita ang surprise ko kukunin ko na talaga.” Sabi n’ya.

Umupo na muna ako sa kama habang hinihintay s’ya. Pumasok naman agad s’ya kasama si Jack.

“O ano nanaman? Bakit mo dala si Jack? Wag mong sabihing lumago ang buhok n’ya.”

“Anong Jack? Hindi si Jack ito! Si Jake ito Jazz and Ken.”

“Aba malay ko akala ko Jazz Yuck.”

“Weh patawa s’ya.”

“E ano nga kasi?”

“Si Jake nga tignan mo lumaki na s’ya diba? Saka nagsasalita na s’ya. Dadi...dadi..” sabi n’yang pinaliit pa boses pagkasabi ng dadi.

“Pwede ba? Wag mo nga akong itulad sayo! Hindi pa ako nasisiraan ng ulo.” Tapos inagaw ko ung panget n’yang manika sa likod ko. pinuntahan n’ya yun at sinamantala ko yun para makalabas ako tumakbo ako agad palabas diretso sa baba.

0///0

“JAAAAAAAZZZZZZZZZZ!”

Kakamot kamot na lumapit sakin si Jazz. Nakakainis ikaw ba naman pagod na pagod ka sa byahe tapos gustong gusto mo umuwi, pagod ka pa. Tapos ito madadatnan mo sa bahay.  Ang gulo!

“Pasensya na Ken, nagmamadali kasi ako kanina e.”

Hindi ko s’ya pinansin.

Ayyyy... grabe nakakadiri ang bahay ano ba naman yan! Tsktsk....umupo muna ko sa may sofa para magpakalma.

“Ken.” Sabi n’ya. Habang nakatayo sa harap ko.

“Umupo ka!”

“Ken, kasi nagmama-.”

“Sabi ko maupo ka hindi ko sinabing dumaldal ka!”

Umupo naman s’ya. Pero saglit lang biglang lumuhod.

“Ken, sorry na please wag ka ng magalit parang awa mo na. Nagmamadali lang talaga ako kanina.”

“Tumayo ka nga d’yan! Alam mo ikaw naiinis na mga readers natin sayo! Napakatamad mo! In-spoiled daw kita masyado.”

“E bakit mo naman pinapansin inis nila? Wag mong isipin inis nila isipin mo inis ko!”

“Aba! Sumasagot ka pa ah. .  ako may kasalanan?”

“Ha anong kasalanan mo naman?”

“Ewan ko sayo! Maglinis ka ngayon buong bahay!”

“Gabi na e. Pagod na ako. Pwede bukas na lang?”

“Hindi! Ngayon!”

“Wala kang puso!”

“Kung wala akong puso wala ka na sa harap ko ngayon!”

“NAKAKAINIS KA. IKAW PA NAGAGALIT E SA SOBRANG LUNGKOT KO NUNG WALA KA HINDI NA KO NAKAKILOS SOBRANG NANGHIHINA AKO. ISA PA PAG KUMIKILOS AKO PINIPIGILAN AKO NG MGA KAIBIGAN MO! HMP.” Sigaw n’ya tapos umalis na s’ya sa harap ko.

Kasalanan ko pa pala. Hays tama naman s’ya dapat bukas na lang, parang wala naman akong puso, ngayon ko pa s’ya pinaglinis. Sinundan ko s’ya sa kusinan. Nakita kong nakatungtong s’ya sa upuan at inaayos ang mga nakalagay sa cabinet.

“Hoy matulog ka na bukas na yan!”

“Kanina nakiki-usap ako ayaw mo. Ngayon nandito na ko sa taas papatigilin mo ko! Matulog ka na nga don.”

Langya inutusan pa ako.

“Wag mo nga akong utusan!”

“Hindi kita inuutusan! E di sana ikaw na gumagawa nito kung inuutusan kita.”

Aba’t sumagot pa talaga.

“Bumaba ka na d’yan! Antok na antok ka na oh! Mamaya mahulog ka pa d’yan.”

“Hindi na wag na! Kaya ko ito hindi na lang ako matutulog.”

“Ganon ayaw mo talaga?”

“Ayaw”

“Okay.” Sabi ko tapos pinatay ko yung ilaw.

“Waaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh, Ken nasan ka na.

Nilapitan ko naman s’ya para alalayan sanang bumaba pero sumobra lakad ko kaya natulak ko yung upuan dahilan para bumagsak s’ya. Buti na lang sa katawan ko s’ya bumagsak.

“K-ken?”

“Oo ako nga!”

Ngayong malapit na ang mukha n’ya sakin naaaninag ko na yun. Biglang tumibok ang puso ko. Naalala ko kasi kanina sa party ni Nash. Nung nakapatay ang ilaw kniss ko s’ya. ^o^ namiss ko kasi talaga s’ya hoho secret lang natin yun ah. Wag n’yong sasabihin. Ngayon parang gusto ko nanaman s’ya halikan. ^_^

“K-ken, tatayo na ako.”

Sabi n’ya kaya pala hindi s’ya tumatayo kasi nakayakap yung braso ko sa kanya. E parang ayaw ko s’yang pakawalan e.

“Jazz,”

“Hmmn?”

“Pwede mamaya na?”

“H-ha?”

“Pwede bang mamaya ka na tumayo? Payakap muna namiss kita e.” Sabi ko tapos hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya.

“Ken,”

“Yes?”

“Pwedeng pakiss? Namiss kita eh.”

0//0

(Kayo na ang magdesisyon... papayag ba si Ken? Comment lang po salamat.)

Continue Reading

You'll Also Like

178K 3.2K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
373M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
6.9K 284 59
Anim na lalaking Gangster at Isang Babaeng Kaibigan nila. The girl name is Athena Marion Sanchez. May nakaraan ngunit di nya maalala, may secretong t...
2.7K 372 62
Where is the real world? What does a real world looks like? Should I be scared or happy? Hindi natin alam na napakaraming misteryo ng ating buhay la...