CHAPTER 29
Nasa isang coffe shop si Myles at doon nagpapalipas ng oras. Ayaw pa nyang umuwi ng bahay dahil puro kalungkutan lang naman ang maabutan nya roon.
Bukod sa hindi na maayos ang pakikitungo sa kanya ni Matt ay lagi pa itong nakasigaw sa kanya at laging mainit ang ulo na tila ayaw nang makita ang kanyang mukha.
Mula sa pintuan ay tanaw nya ang papasok na babae. Kilalang-kilala nya ito. Si Jel, ang kanyang best friend.
Ang sinabi sa kanya ng kanyang ina ay nasa ibang bansa na ito at doon nagtatrabaho bilang isang nurse sa malaking ospital. Kelan kaya nakabalik ng Pilipinas ang kanyang kaibigan?
Tumayo na sana sya upang lapitan ito nang bigla syang mapahinto. May kasama ito. Si Matt. Napakunot ang kanyang noo. What a small world. Magkakilala pala ang dalawa?
Nakita nya na umupo ito sa isang mesa at nag-uusap. Dahil malayo sya sa mga ito ay hindi nya marinig kung anu ang kanilang pinag-uusapan.
Parang tinusok ng karayom ang kanyang puso sa kanyang nakita. Anu ang ginagawa ng dalawang ito rito? Hindi kaya may relasyon sila kaya napakalamig na ng pakikitungo ni Matt sa kanya?
Sa dami ba naman ng babae sa mundo, kaibigan pa nya ang magiging karibal sa pag-ibig nya kay Matt?
Nakita nya na masayang-masaya ang dalawa habang nag-uusap. Nagtatawanan, nagtitigan, at nakita rin ng dalawang mata nya kung paano ang pakikitungo ni Matt rito.
Nais na nyang lumapit sa mga ito ngunit pinipigilan nya ang kanyang sarili. Wala naman syang karapatan na magtanong at magalit kahit ilang babae pa ang sasamahan ni Matt dahil hindi na sya asawa nito mula noong nabunyag ang katotohanan.
Lihim na lamang syang nasasaktan habang pinapanood ang mga ito.
Gabi na sya nang umuwi nang bahay nang araw na iyon. Naabutan nya na nagpapahinga si Matt sa sofa habang nanonood ng palabas sa telebisyon. Lumingon ito sa kinaroroonan nya nang maramdaman may tao sa likuran nito.
“ ganyan na ba ang uwi mo ng bahay ngayon?”
Gusto nyang sabihin dito na….
“ anu namang pakialam mo sa akin ha? E wala ka na namang pakialam?”
“ isa pa wala akong ginagawang masama, na hindi katulad mo”
“ kaya wag ka na magkunwari na concern ka, dahil hindi naman at pagtuunan mo nalang ng pansin yung bago mong kasintahan!”
Ngunit kahit gusto nyang sabihin ang mga iyon ay hindi nya magawang komprontahin ang lalake. Hindi nya ito sinagot at nagtungo na lamang sa kusina upang ilagay roon ang pinamili.
Isa-isa nyang ipinasok sa loob ng Refrigerator ang mga biniling hinog na mangga, mansanas, at ubas nang bigla nyang mabitiwan ang pinakahuling mansanas na hawak nang nagsalita si Matt sa kanyang likuran.
“ saan ka ba galing ha? At ginabi ka?”
Nagpatuloy sya sa ginagawa na tila walang naririnig at nang maipasok lahat ay umalis upang magtungo sa kanyang kwarto nang makaiwas sya kay Matt ngunit nahawakan nito ang kanyang kamay.
“ tinatanong kita kung saan ka galing? Wag mo akong bastusin!”
Sa inis ay sinagot sya ni Myles. “ anu bang pakialam mo kung san ako galing ha? E ikaw…hindi naman ako nangialam sa mga lakad mo!” aniya sabay hablot sa kanyang kamay kaya nabitawan iyon ni Matt. “ wala akong panahon na sabihin sayo ang bawat ginagawa ko! Hindi mo ako kaanu-anu, ni hindi tayo magkarelasyon! Asikasuhin mo nalang kung sinuman yung babaeng nagugustuhan mo!” sabay talikod kay Matt.
Nananatiling nakatayo si Matt sa kanyang kinatatayuan. Kung noon ay tahimik lamang ang babae sa tuwing inaaway nya ito, hindi na ngayon. Sumasagot na ito sa kanya at nagagalit.
Sinundan na lamang nya ito ng tingin hanggang sa mawala iyon nang makaakyat na sa taas papunta sa kwarto nito.
Sa inis, ay kumuha si Matt ng alak sa refrigerator at bumalik sa sofa na inuupuan kanina bago pa dumating ang babae. Tinungga iyon. Ngunit dahil wala pang laman ang kanyang tiyan dahil sa kaaantay nya kay Myles ay agad syang tinamaan san ininum na alak.
Parang may lumilipad na alitaptap sa tagiliran ng kanyang mga mata nang akyatin nya ang hagdan pataas. Kahit lasing ay nagawa pa nyang tumungo sa kwarto ng babae, ngunit nang marinig na tahimik na roon at nakapatay na ang ilaw ay nagtungo na lamang sya sa kanyang kwarto.
Nang makapasok sa loob ay ibinagsak sa kama ang katawan at nakatulog na hindi man lang nagpapalit ng damit. Umaga na nang magising sya.
Matapos magbihis ng kasuotang pang-opisina, ay lumabas si Matt ng kanyang kwarto. Sakto naman na lumabas din ng kwarto si Myles kaya nagkabanggaan silang dalawa. Muntik nang matumba ang babae sa sahig kung hindi pa nya ito nasalo. Ngunit dahil may kung anung bagay na nasa loob ng kanyang sapatos ay nailing sya at nawalan ng balanse kaya parehas silang natumba sa sahig.
Nasa ilalim si Myles at sa ibabaw nya ay naroon si Matt. Nagkatitigan ang dalawa nang ilang Segundo bago matauhan kaya nagmamadaling tumayo si Matt at si Myles naman ay nakayuko habang inaayos ang suot na bestida na bahagyang umangat sa kanyang hita ang laylayan.
Napalunok si Matt nang mapako ang tingin sa hita ng babae na dati ay dinadaanan ng kanyang labi sa tuwing nagsisiping silang dalawa sa kama.
Nahinto lamang ang pagnanasang iyon nang tumunog ang cellphone ni Matt na nasa kanyang bulsa. Parehas na umalis ang dalawa roon.
Si Matt ay nagmamadaling bumaba upang umalis ng bahay at si Myles naman ay bumalik sa loob ng kwarto. Mukhang napilayan yata sya nang bumagsak sya dahil nananakit ang kanyang balakang.
KINAHAPUNAN…..
Nakatanggap ng tawag si Myles mula kay Geo. Niyaya sya nitong lumabas. Dahil wala naman syang ginagawa at dahil patuloy na nangungulit ang lalake sa kanya ay pinaunlakan nya ito.
Namasyal sila sa Mall at nang magsawa roon ay dinala sya ni Geo sa isang mamahaling restaurant. Sagot daw nito ang dinner nila bilang treat sa kanya dahil pumayag sya sa kahilingan nito.
“ kamusta na pala kayo ng asawa mo? Nagging malupit pa rin ba sya sayo?” tanong sa kanya ng lalake habang naghihintay sa order nila.
“ hindi na kami gaanong nag-uusap ngayon, nagsasama kami sa iisang bubong pero magkaiba ang kwarto na tinutulugan naming”
“ I see…so hindi ka ba nalulungkot?”
“ nalulungkot din..kasi mahal ko pa sya pero mukhang may mahal na syang iba”
“ nakita ko sila na magkasama”
“ano bang nangyari sa inyo at nagkalabuan kayo? Sabi mo nga..maayos naman kayo dati?”
“ mahabang kwento Geo, hindi matatapos ng buong magdamag kapag ikukuwento ko sayo”
Ngumiti lamang ito sa kanya bilang tugon sa kanyang sinabi. “ pero kapag handa ka nang ikuwento sakin kung anuman iyon, wag kang mahihiya na magsabi”
“ Oo ba, sabi mo eh”
Kalagitnaan sila ng kanilang pagkain nang dumating si Matt sa restaurant kasama si Jel. Sa dami ba naman ng Restaurant sa Maynila ay lagi pang nagkakasalubong ang landas nila.
Nakita nya na lumaki ang singkit na mata ng lalake nang makita sila na naroon.
Tinimpi ni Matt ang kanyang sarili kahit na gusto na nyang basagin ang pagmumukha ng lalakeng kasama ngayon ni Myles. Ngunit dahil kasama nya si Jel, ay pinigilan nya ang kanyang sarili. Ayaw nya na makita ng babae na nagseselos sya sa mga ito. Higit sa lahat, hindi naman kilala ni Jel personally si Myles.
Lihim na sinusulyapan ni Myles ang lalake at paminsan ay nahuhuli nyang nakatingin ito sa kanila.
Nakita rin nya kung gaanu ito ka-sweet sa kanyang kaibigan. Pinunasan pa nito ang talsik ng ulam sa pisngi ng babae. Aminado si Myles na nagseselos na sya, kaya naman ginamit nya ang pagkakataon na iyon upang pagselosin ang lalake.
Nagpapaka-sweet sya kay Geo, lihim naman na natuwa doon ang binata dahil ang pagkakaakala nito ay gusto sya ng babae.
Sinusubuan ni Myles si Geo ng kanyang pagkain, ganoon din si Geo sa kanya na sinusubo naman nya at sabay ngiti sa lalake.
Nakita nya na ginawa din ni Matt kay Jel ang kanyang ginawa.
Napagpasyahan ni Myles na magtagal doon at antayin na umalis sina Matt bago nya yayain si Geo na umuwi ngunit may balak na magtagal roon ang lalake dahil nakita nya na umorder ito ng alak.
“ Geo, may lakad ka pa ba after nito?”
“ wala naman….why?”
“ parang gusto kong mag-inum ngayong gabi”
“ talaga? Sure ba? Sige, oorder ako ng maiinum natin, what do you like to drink?”
“ SML nalang?”
Ganoon na rin ang inorder ni Geo para sa kanyang sarili. Isang bucket na beer ang kinuha nito para sa kanilang dalawa.
Sunud-sunod ang pagtungga ni Myles.
“ dahan- dahan lang, baka naman malasing ka ng sobra nyan”
“ kung malalasing ako, ihahatid mo naman ako di ba?”
“ Oo naman! Hindi ko naman hahayaan na may mangyaring masama sayo”
“ talaga? Kahit nandoon ang asawa ko? Hindi ka natatakot?”
“ hindi, una wala naman tayong ginagawa, hinatid lang naman kita”
“ saka wala nang pakialam sayo yun di ba? E di ako…ako ang mangingialam sayo”
Malakas na tawa ang napakawalan ni Myles na halatang lasing na. Naiinis na nakatingin si Matt sa kabilang mesa na hindi naman nakaligtas sa paningin ni Jel.
“ you know her?”
“ yes….she is my ex- wife”
“ really.. then now she’s with another man?”
“ kaibigan lang nya ang lalakeng yan”
“ oh come on Matt…sa ikinikilos nilang dalawa, mukhang hindi sila magkaibigan lang! there’s something more than that” ang sinabi na iyon ni Jel ang lalong nagpainit ng ulo ni Matt.
“ Jel, kailangan ko nang umuwi…kailangan ko pang alalayan si Myles”
“ okay, ihatid mo nalang ako sa parking lot”
Nakita ni Myles na tumayo ang dalawa. Mukhang uuwi na ang mga ito at mukhang ihahatid pa yata ni Matt ang babaeng iyon.
Nang makalabas ang mga ito ay niyaya na nya si Geo na umuwi. Sumang-ayun naman kaagad ang lalake kaya tinawag nito ang waiter para kunin ang kanilang bill.
Nang mabayaran ng lalake ang kanilang bill ay magkasabay na silang lumabas ng resataurant na iyon upang magtungo sa parking lot.
Papasok na sa loob ng sasakyan ni Geo si Myles nang awatin sila ng isang pamilyar na boses, kaya parehong napalingon ang dalawa sa pinanggagalingan ng boses nito.
“ hindi na sya sasabay sayo!”
“ bakit naman pare? Sino ka ba?”
“ itanong mo sa kasama mo kung sino ako”
“ sa akin sya sasabay! Kaya Myles…pumasok ka na sa loob ng kotse ngayon din”
“ teka Pare, ako ang kasama nya kaya dapat, ako ang maghahatid sa kanya”
“ ano Myles? Kanino ka sasabay ha? Sakin o sa kanya?”
“ ahm…Geo, pasensya ka na ha? Kay Matt nalang ako sasabay, sorry talaga, see you next time nalang”
“ oh..paano Pare? Aalis na kami?” pangangasar pa ni Matt sa lalake.
Tahimik na lamang na sinundan ng tingin ni Geo ang pag-alis ng dalawa. Matt ag binanggit na pangalan ni Myles, kaya alam nya na yun ang asawa ng babae. Wala naman syang laban sa lalake na iyon dahil alam naman nya na asawa ito ng babaeng nagugustuhan nya. Hihintayin na lamang nya ang tamang panahon na magiging Malaya ang babae para magkakaroon sya ng pagkakataon na tuluyan na itong ligawan.
SA LOOB ng sasakyan ni Matt habang bumabyahe pauwi…
“ bakit mo ba ginawa yun ha? Nakakahiya doon sa tao!” sita sa kanya ng babae.
“ alin ang nakakahiya doon?”
“ magkasama naman tayo sa iisang bahay, kaya dapat lang na sa akin ka sasabay?”
“ saka…iniingatan lang kita! Paano kung may gagawin sayong masama ang lalakeng iyon ha?”
“ mabait si Geo!”
“ bakit kilala mo na ba sya? Gaano mo na ba kakilala ang lalakeng iyon?”
“ kilala ko man sya o hindi, wala ka nang pakialam doon! Dahil hindi ko naman pinapakialaman ang relasyon nyo ng babaeng iyon”
“ at sinong babae ang tinutukoy mo?”
“ si Jel?”
“ nagseselos ka ba kay Jel?”
Naiinis man ngunit nanahimik na lamang si Myles. Ayaw nyang makipag-away kay Matt. Isa pa, tumama na sa kanya ang ispiritu ng alak kaya medyo nahihilo at nasusuka sya,para makipagdebate lang dito.
Hindi naman iyon nakaligtas sa paningin ng lalake kaya tumahimik na rin ito. Alam nyang naiirita na sa kanya si Myles kaya tumahimik na lamang sya bago pa lumaki ang gulo sa pagitan nilang dalawa.
Pagdating sa kanilang bahay ay padabog na bumaba ng kotse si Myles at binalibag ang pinto na halos nagpabingi sa pandinig ni Matt.
Dire-diretso ang babae sa loob ng bahay at nang makapasok roon ay umakyat sa kwarto nito at ni-lock ang pinto.
“ anong nangyari roon?” nagtatakang tanong ni Manang Mildred dahil kahit sya ay hindi man lang binati ng babae. Hindi ito sanay na ganoon si Myles dahil malambing ito sa kanya at halos anak na nga ang kanyang turing dito.
“ wala po iyon Manang, nakainum kasi”
“ ahh ganoon ba? Kumain na ba kayo? Ipaghahanda ko na kayo?”
“ wag na po Manang, magpapahinga na kami, kumain na po kami bago umuwi”
“ magpahinga na rin po kayo, alam kong pagod na kayo sa maghapong gawain dito sa bahay”
“ sya nga pala iho, may sasabihin sana ako sayo”
“ ano po iyon Manang?”
“ nais ko sanang humiram sa inyo ni Myles nang kaunting halaga para ipapadala sa apo ko sa Probinsya, nasa ospital daw kasi ang apo ko dahil nagkaroon ng Dengue?”
“ ikaltas nyo na lamang sa aking sasahurin kung maaari sana?”
Kinuha ni Matt ang wallet sa kanyang likurang bulsa. Kumuha ng sampung libo at inabot sa matanda.
“ eto Manang, huwag nap o ninyong babayaran yan, tulong ko na pos a apo ninyo”
“ talaga iho? Ngunit napakalaking halaga naman nito”
“ wala pa po yan Manang sa lahat na ginawa mo para sa akin, kayo na po ang nag-aruga sa akin mula noong bata pa ako”
“ hanggang ngayon ay nandito pa rin kayo para alagaan kami ni Myles, kaya kung tutuusin, kulang na kulang pa iyan”
“ maraming salamat iho, bukas na bukas ay ipapadala ko ito sa anak ko”
“ sige Manang Mildred, at kapag kinulang pa iyan,huwag kayong mahihiyang magsabi sa akin”
“ sige iho, at salamat ulit sa inyo ni Myles”
Matapos iyon ay umakyat na si Matt sa itaas upang magtungo sa kanyang kwarto. Ngunit bago pumasok sa loob ay sinulyapan nya ang kwarto ng babae.
Lumapit sya doon at pinihit ang siradura ng pinto ngunit naka-lock iyon. Kakatok pa sana sya ngunit hindi na lamang nya tinuloy sapagka’t alam nyang galit sa kanya ang babae.
Naiinis sya sa mga sandaling iyon. Hindi nya malaman kung naiinis sya sa babae dahil tinataboy na sya nito palayo rito o naiinis sya dahil hinayaan nya na mangyari iyon dahil sa kanyang mataas na ego.
Bakit hindi na lamang nya subukang humingi ng tawad rito at tanggapin ang katotohanan na wala na nga si Mariel, at ito na ang dapat nyang mamahalin at kalimutan ang dating minamahal? Isa pa, katauhan pa rin ni Mariel ang kanyang nakikita kay Myles?
SA loob ng kwarto ni Myles…
Paikot-ikot ang babae sa kanyang kama. Hindi nya tuloy malamang kung saan sya banda nahihilo? Sa alak na ininum o sa kanyang kalikutan?
Ayaw na naman syang dalawin ng antok. Naaalala nya si Matt at si Jel. Sila na kaya? Sa dinami-dami ng babae bakit ang kanyang best friend pa?
“ hays! Nakakainis”
“ Jel, hindi mo ba alam na mahal ko ang lalakeng nagugustuhan mo?”
“ at ang Matt naman na iyon, todo kung makapagpa-cute sa babaeng iyon, hindi na nahiya…sa harapan ko pa!”
“ sana, hindi nalang kita inibig Matt! Nagkamali ako ng minahal kita”
“ bakit kasi ayaw mo nalang tanggapin na wala na si Mariel, at tanggapin na lamang ako sa buhay mo”
“ ako parin naman to! Si Mariel pa rin naman ang nakikita mo sa akin di ba?”
Parang baliw na nagsasalitang mag-isa si Myles habang nakasandal ang ulo sa kanyang kama. Hindi nya maintindihan ang sarili kung bakit mahal pa rin nya ang lalakeng iyon gayung pasakit lang naman ang binibigay nito sa kanya.
Hindi katulad ni Geo, minahal sya nito kahit alam nito na may sabit sya at malabo na magkaroon ng ugnayan sa pagitan nilang dalawa.