Love Was Made for Us [PHR]

By jnkbernardo

87.4K 1.2K 504

SEQUEL TO Marco and Jannah's story entitled UNTIL YOU FOUND ME. Southern Fever Band Book 3. ----------- "It'... More

Teaser
The Inspiration
1. Forever Friends
2. You're Still the One
3. My Happy Heart
Five: Drunk Realizations
6. Wish Upon a Cloud
7. Foolish Heart
8. Running Away from My Heart
9. Fall All Over Again
10. Forever Love

Four: Melting into You

5.2K 97 32
By jnkbernardo

NAKAKABINGI ang sigawan sa park nang ianunsiyo ng EMCEE na Southern Fever na ang susunod na tutugtog. Naroon siya sa isa sa mga mesang nakalaan para sa mga customers. Kapag kasi ganitong may okasyon ay nagkalat din sa paligid ang ministalls na nagbibenta ng mga inumin at bar-B-Q.

Isinama siya ni Ruben sa GeneralSantosCity dahil sa imbitasyon ng pamahalaan doon na mag-peform para sa culmination night ng Tuna Festival ang Southern Fever.

Lihim siyang napangiti nang lalo pang lumakas ang hiyawan ng mga tao paglabas ng mga miyembro ng banda. Tila nahihiya pang kumaway si Ruben sa mga audience. The tattoo on his right arm looked good on him. Sa kanilang lahat, ito lang ang nagpalagay ng tattoo sa katawan. Nagpatattoo daw ito noong nasa Dubai pa siya. Napailing na lang siya. Bagamat ayaw niya sa lalaki na nagpapa-tattoo ay hindi naman niya maikakailang bumagay rito ang tattoo nito.

Ilang sandali pa at naririnig na ang tugtuging rock sa ere. Ruben and Bryan performed an acoustic tandem bilang intro. Maging siya ay natutuwa sa performance ng mga ito.

"Rish?" bumaling siya sa lalaking biglang nagsalita sa kanyang tagiliran. Nanlaki ang mga mata niya nang makilala ito.

"B-Blair! Kailan ka dumating?" nakangiting bati niya rito. Medyo nilakasan niya ang boses niya upang marinig siya nito sa kabila ng maingay na tugtugin sa paligid. Dati niya itong kasamahan sa Dubai. Madalas pa nga silang nagdu-duet noon sa hotel.

"Noong isang linggo lang. Kinuha agad ako ng isang banda dito dahil biglang nag-quit ang vocalist nila," sagot nito at naupo sa tapat niya.

"That's good!" natutuwa niyang sambit. "Ngayon ko lang naalala, taga-rito ka pala, ano?"

Tumango ito. "May banda ka rin?" tanong nito. Marahil ganoon ang iniisip nito dahil karamihan sa mga dumalo nang gabing iyon ay may kinabibilangang banda.

"Wala. Pero may kasabay akong banda papunta rito," sagot niya.

"Pwede ka pa bang kumanta?" tanong pa nito.

"Oo naman. Bakit?" nagtatakang tanong niya.

Bumuntunghininga ito. He looked desperate. "Familiar ka ba sa Love Story? Yung kay—"

"Taylor Swift? Oo, bakit?" putol niya rito. Tumango ito na tila nabuhayan ng loob.

"Hindi kasi makakarating ang babaeng vocalist ng banda namin. Pwede bang ikaw ang pumalit sa kanya just for tonight? Will you sing with me again? Yung duet ang gagawin natin," hopeful nitong tanong.

"Are you sure?" nakangiting tanong niya rito.

"I'm desperate," anito. "Please? Dati pa naman tayong kumakanta sa hotel diba?"

"Hindi ba dapat may rehearsal muna?"

"We can rehearse backstage. Panghuli pa naman kaming magpi-perform. Payag ka na ba?" nakangiting tanong nito.

Natagpuan na lamang niya ang sariling tumango. Wala naman sigurong masama. Dati pa naman siyang kumakanta kasabay nito. Singing with him would be nothing like ordinary. At nami-miss na rin niya ang pagkanta. Mula nang dumating siya mula Dubai ay sa shower lang siya palaging kumakanta.

"Blair!" sabay silang napalingon sa sigaw ng isang babae. Iyon ang isa sa mga ushers base sa nakasulat sa nameplate nito. Lumapit ito sa kanila.

"Nandito ka pala. Dumating na ba si Jhoy?" tanong nito.

Nakangiti ito sa kanila. Gaganti na sana siya ng ngiti rito nang mapansin niya ang lalaking hawak ng kamay nito. It was none other than Ruben. Tapos na pala ang performance ng mga ito. And as usual, nakabingwit agad ito ng babae.

Tila may pinipiga sa puso niya sa magkahawak nitong mga kamay.

"Hindi siya makakarating. But I met Rish again. Dati kong kasama sa Dubai and she's singing with me," sagot ni Blair. Ipinakilala siya nito sa babae. Monica daw ang pangalan nito.

"Hi Rish. Si Ruben nga pala ng Southern Fever. Ruben, si Blair at si—"

"I know her. Kasabay namin siyang pumunta rito," maagap na sagot ni Ruben.Nakasimangot pa itong tumingin sa kanya at kay Blair.

"Have a seat," alok ni Blair. Naupo naman si Ruben sa tabi nito at tumabi naman sa kanya si Monica. Napansin niya ang titigan ng mga ito at lalong piniga ang kanyang puso. Bumaling na lang siya kay Blair. Ngumiti ito at tila may sinasabi. Sumenyas siyang hindi niya ito naririnig. Lumapit ito at bumulong sa kanyang tainga.

"Hindi mo sinabing Southern Fever pala ang kasama mo. Ayos lang ba sa kanila na hiramin kita? Wala ka bang sabit?" tanong nito.

Ngumiti siya. "Ayos lang iyon. They're just my friends. Sinama lang nila ako para maglibang," ganti ring bulong niya rito.

"That's good," sagot nito at umayos ng upo.

Mula sa sulok ng kanyang mga mata ay nakita niya si Ruben. Madilim ang anyo at tila patalim ang mga titig sa kanya. She only rolled her eyes. Alam niyang umaandar na naman ang pagiging protective nito. Hindi na ito nagbago. Tingin pa rin nito sa kanya ay isang kapatid na babaeng dapat nitong bantayan bawat oras.

Ngunit agad ding naagaw ni Monica ang atensiyon ni Ruben. Ilang sandali pa at ang mga ito naman ang nagbubulungan. Much to her dismay.

"Jingle lang ako, guys," paalam niya.

"Sige, Rish," nakangiting sambit ni Monica. In fairness mukhang friendly ito. Kung hindi nga lang nito kasama si Ruben ay siguradong magugustuhan niya ito.

"Praktis tayo pagbalik mo ha?" pahabol ni Blair. Tumango lang siya at dumiretso sa banyo. Nagulat siya nang paglabas niya ng banyo ay ang galit na mukha ni Ruben ang sumalubong sa kanya.

"Napa'no ka?" tanong niya. Sa halip na sumagot ay hinawakan nito ang braso niya at hinila siya sa isang sulok.

"I don't like that Blair! Wala akong tiwala sa kanya!"

"Ayos lang. Ayoko din naman sa Monica mo. So quits lang tayo. At matagal ko nang kilala si Blair. Isa siya sa mga kaibigan ko noon sa Dubai," sagot niya.

Lumambot ang anyo nito. "Rish—"

"Ruben, can we argue later? Nangako ako kay Blair na magduet kami. We need to rehearse kahit sandali," putol niya sa sasabihin pa sana nito.

"At pumayag ka naman!"

"Why not? Dati pa naman kaming nagdu-duet kahit noong nasa Dubai pa kami pareho," aniya. Hindi na niya pinansin ang pagtagis ng bagang nito. Mabilis niya itong tinalikuran.

"Ready?" tanong sa kanya ni Blair nang makabalik siya.

"Sure," aniya at sumabay na rito sa backstage.

-----------------------------

"AND LAST but not the least, we would like to welcome our very own, the pride of GeneralSantosCity, the Emerald Frost!" anunsiyo ng naroong EMCEE.

Base sa hiyawan ng mga tao ay halatang kilala ng mga ito ang banda nina Blair. Nakangiting bumaling si Blair sa kanya sa backstage. Naka-sling na sa balikat nito ang electric guitar nito. Ang isang kamay nito ay nakalahad para sa kanya.

"Let's go?"

Nakangiting tinanggap niya ang kamay nito at magkahawak-kamay silang lumabas ng entablado. Kasunod nila ang iba pang miyembro ng banda. Lalo pang lumakas ang hiyawan ng mga naroroon, lalo na nang ihatid siya ni Blair sa tapat ng isa pang mikropono at hinalikan ang kanyang kamay.

Bahagi iyon ng choreography nila kahit noong nasa Dubai pa sila pareho. Isa iyon sa ni-rehearse nila backstage. May ikinabit itong cord sa gitara nito at pagkuwan ay tumapat sa isa pang mikropono na isang dipa ang layo mula sa kanya.

Tumingin ito sa kanya at sinimulan ang intro ng kanta. "We were both young when I first saw you. I close my eyes, and the flashback starts, I'm standing there on the balcony in summer air..." panimula nito nang hindi inaalis ang tingin sa kanya.

Ganoon din ang ginawa niya nang kantahin niya ang kanyang bahagi. Nakatingin lang din siya dito. Lalo pang naghiyawan ang mga tao. Nang mag-chorus na sila ay bumaling siya sa audience. Tila kinikilig pa ang mga ito.

Hinanap ng kanyang mga mata si Ruben. Nakita niya itong umiinom kasama ni Monica sa mesang pinanggalingan niya. Ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin. At nakahilig pa sa balikat nito si Monica. Bumahid ang pait sa kanyang puso.

Bumaling na lang siyang muli kay Blair. Ngumiti ito sa kanya and she had to give him credit for his vocal quality. Dati pa ay alam na niyang magaling nga itong kumanta. Ngunit alam ring niya na kung maisipan ni Ruben na muling bumalik sa pagkanta, higit na mas maganda ang boses nito.

Nasa last chorus na sila nang biglang huminto sa pag gitara si Blair. Ang kasama na lang nito ang nagpatuloy sa pagstrum ng gitara. Pumihit si Blair paharap sa kanya at nagpatuloy sa pagkanta sa koro.

"Marry me, Juliet, you'll never have to be alone. I love you, and that's all I really know. I talked to your dad, go pick out a white dress. It's a love story, baby just say yes..." nilahad nito ang isang kamay sa kanya.

Kinuha niya mula sa stand ang mikropono at dahan-dahang lumapit dito sa pagpapatuloy ng kanta. Tinanggap din niya ang nakalahad nitong kamay ayon sa napag-usapan nilang choreography. Lalo pang nagkagulo ang audience, some were even screaming.

"We were both young when I first saw you..." pagtatapos nila sa kanta.

When the song ended, humalik si Blair sa kanyang pisngi at bumulong ng, "Thank you."

Isang ngiti lang ang naging tugon niya. Magkahawak-kamay pa rin sila pabalik sa backstage.

"Paano kita mapapasalamatan, Rish? You were so good out there and I'm very thankful," ani Blair.

"A simple thank you is enough, Blair. Masaya ako at nakatulong ako sa inyo. Besides, what are old friends for?" nakangiting tugon niya.

"No, I'll take you out somewhere. Kape tayo. My treat," nakangiting alok nito.

Nahawa siya sa ngiti nito kaya pumayag siya. Nagpaalam muna siya kay Jigs nang makita niya ito kasama ng ilang kababaihan. Ito na lang daw ang magpapaliwanag kay Ruben. Hindi niya kasi mahagilap si Ruben nang mga sandaling iyon dahil wala na ito sa table na kinauupuan nito kanina. Marahil, kasama nito si Monica.

Sa isang coffeeshop siya dinala ni Blair. Nagkuwentuhan pa sila roon at nagpalitan ng ilang experiences nila sa Dubai. Binalitaan din siya nito ng latest happening sa hotel doon bago ito nagdesisyong umuwi sa Pilipinas.

Matapos ang mahabang kwentuhan ay inihatid siya nito sa tinutuluyang hotel. Doon din tumutuloy ang Southern Fever. Dahil siya lang ang nag-iisang babae ay may sarili siyang silid roon. Hindi nagtagal ay nagpaalam na si Blair. Nag-exchange pa sila ng celphone numbers bago ito umalis.

Naisipan niyang magshower na lang at matulog. Hustong nakapagpalit siya ng pantulog nang may kumatok sa pinto ng kanyang silid. Malakas iyon na tila ba walang pasensiyang maghintay ang sinumang nasa labas. Laking gulat niya nang mapagbuksan ang kumakatok.

"R-Ruben?" Hindi makapaniwalang tanong niya. She had never seen him so haggard before. At mapupungay ang mga mata nito. Ngunit may nababasa siyang galit sa anyo nito. Ang isang kamay nito ay nakatukod sa damba ng pinto.

"W-what are you doing here?" tanong niya at naghalukipkip.

Sa halip na sumagot ay pabuway itong pumasok sa silid at pabalibag na isinara ang pinto at ini-lock iyon. Tama nga ang hinala niya. Lasing ito. Kinailangan pa nitong itukod ang kamay sa saradong pinto upang huwag matumba.

"Nasaan si Blair?" tanong nito sa matigas na boses and looked at her murderously.

"Umalis na. Bakit mo siya hinahanap sa silid ko?" naguguluhang tanong niya.

Nagtagis ang mga bagang nito at hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa.

"You're drunk, Ruben. You don't smell good," kumento niya. Halatang hindi nito nagustuhan iyon dahil naningkit ang mga mata nito.

"At mas gusto mong amuyin ang Blair na iyon?!"

"Bakit ka ba nagagalit? Hindi ka ba pinagbigyan ni Monica?" naiinis niyang tanong. Hindi totoong masama ang amoy nito. In fact, it was a combination of aftershave, smoke and liqour. Amoy sexy.

Nagulat na lang siya nang bigla siyang hablutin nito at siniil ng halik sa labi. Parang biglang tumigil ang kanyang mundo pati na ang tibok ng kanyang puso. Nais niyang tumutol ngunit hindi niya magawa. Dahil ang halik nito ay tila hinigop ang kanyang lakas. Ni wala siyang lakas upang itulak ito. Napapikit na lang siya.

Namalayan na lamang niyang dahan-dahan siya nitong itinutulak paatras sa kama niya. Ang kamay nito ay nakayakap sa kanyang baywang, pulling her even closer to him. Naikawit niya ang isang kamay sa batok nito. Kapwa sila bumagsak sa kama, with him on top of her. Ang halik nito tila apoy sa kanyang mga labi. Hot, hard and demanding.

It was everything she had imagined. Napilitan siyang tumugon sa paraang alam niya. Narinig niyang umungol ito at lalo pang pinalalim ang halik. Hinaplos ng isang kamay nito ang kanyang tagiliran. From her shoulder to her thighs. Bawat madadaanan ng palad nito ay tila nag-aapoy sa init. Hinaplos niya ang pisngi nito. Nais niyang maramdamang totoo nga ito at hindi panaginip. Kung saan man siya dadalhin ng halik nito ay magpapaubaya siya. Wala siyang pagsisisihan.

Mahal niya ito. Alam niyang lasing ito. Maaaring hindi na nito maaalala ang pangyayari paggising nito kinabukasan. But she will not stop him. She will forever remember this night with him.

Mula sa kanyang mga labi ay bumaba ang mga labi nito sa kanyang leeg. Pakiramdam niya ay malulunod siya sa masarap nitong halik. Naramdaman niyang bumaba pa ang halik nito sa gitna ng kanyang dibdib just above the low neckline of her dress. Nahugot niya ang kanyang hininga and anticipated his next move. Katulad ng mga nababasa niya sa mga romance novel. When the hero would slip his fingers inside the heroine's gown. But his lips only lingered there, unmoving.

Is he having second thoughts? Nag-aalala ba ito na baka tututol siya. Nasagot ang kanyang katanungan nang marinig ang malakas na hilik nito.

Napanganga na lang siya at dismayadong napatitig sa kisame. No wonder tila pabigat ito nang pabigat sa ibabaw niya. Nakatulog na pala ito.

Ganoon ba siya ka undesirable para tulugan lang nito? Kung nagkataong si Monica siya o ang iba pang mga babae nito, would he still fall asleep?

I don't think so, malungkot niyang sabi sa sarili.

Pinahid niya ang luha at pinagtagis ang mga bagang. Sigurado siya na kung isa siya sa mga babae nito, kahit pa siguro mamamatay na ito ay hindi ito hihinto nang ganoon lang. He would keep on pleasuring his women until his last breath.

"Too bad I'm not one of your women. Kahit ibibigay ko na nang kusa ang sarili ko, mas pipiliin mo pa ring matulog na lang. Am I so boring? Is that why you can't love me back?" galit niyang tanong. Wala siyang pakialam kung marinig man nito iyon. Umaasa siyang magising ito at sagutin siya ngunit nagpatuloy lang ito sa paghilik.

Ilang minuto niyang hinayaan lang itong makatulog sa kanyang dibdib habang lihim siyang umiiyak. Hindi niya alam kung tama ba ang naging desisyon niya na umuwi mula Dubai. Umalis siya noon dahil nasasaktan siya tuwing nakikita ito sa piling ng iba't ibang babae. Bumalik siya hoping he had already changed. Ngunit hindi pa rin ito nagbago. He's still the same reckless playboy na iniwan niya noon. Resulta ng pag-iwan dito noon ni Hannah.

"Kung ako na lang sana ang minahal mo, hindi ka magkakaganyan. Hindi ka na sana nasaktan," mapait niyang sambit at dahan-dahan itong inalis mula sa pagkakadagan sa kanya.

Pinatihaya niya ito sa kama at inayos sa pagkakahiga. Naghihilik pa rin ito. Hinubad din niya ang sapatos at medyas nito. Pagkuwan ay pinunasan ang pawis sa katawan nito. Alam niyang epekto iyon sa dami ng alak na ininom nito. Hinubad din niya ang pawisan nitong polo at isinampay iyon sa silya. Pinatay niya ang ilaw maliban sa lampshade sa tabi ng kama at nahiga sa tabi nito. Ang braso nito ang ginawa niyang unan.

Tila awtomatiko naman ang bisig nito na yumakap sa kanya, pulling her to his side. Namalayan na lamang niyang nakasubsob na ang kanyang mukha sa dibdib nito. Even in his sleep, halatang sanay itong may katabing babae sa kama. Parang instinct na nito ang pagyakap sa kanya. Muli ay nakadama siya ng kirot sa dibdib. Ngunit hindi siya kumawala sa yakap nito. Lulubusin niya ang isang gabing niyayakap siya nito magdamag. Hahayaan niya ang sariling mangarap sa gabing iyon.

"Bakit kasi sa dinami-dami ng lalaki sa mundo, sa'yo pa ako umibig kahit alam ko namang kaibigan lang talaga ang tingin mo sa akin? Matagal ko na ring alam na walang babaeng nakakatagal sa'yo. Tanga lang ako kaya hanggang ngayon nandito pa rin ako at naghihintay ng himala. Na sana, kahit konti ay mamahalin mo rin ako nang higit pa sa isang kaibigan," bulong niya sa dibdib nito bago sumuko sa nararamdamang antok.

-------------

Dear panget,

Sa lahat ng lasing, ikaw yung mabango pa rin kahit lasing na. Tse. Basta, there's that masculine scent that only smoke and liquor can accomplish. And of course, your loose tongue when your under the spirits. Hindi ko makakalimutan lasing ka nun sabe mo hanggang kamatayan mo ako lang ang mamahalin mo. Subukan mong kalimutan yan, papatayin talaga kita. hmp!

Happy monthsary. Ilang monthsary na ba ang sini-celebrate kong mag-isa? Ang tanga lang noh? Grabeh. Sisingilin talaga kita pag nakita kita uli. Lagot ka sakit. Mata mo lang ang walang latay hahaha. Tse. Ang cute mo. Nakakainis kasi namimiss kita. Pero sobrang layo mo. Ang tamad mo kasi. 608 miles lang naman ang layo mo pwede mong lakarin eh. Hmp. 

Mabulunan nawah ikaw. Pero xempre aawayin kita bawat araw kasi ganyan ako maglambing. Kapag sumuko ka sa akin, isusumpa kita habambuhay tandaan mo. 

Dear readers, batiin niyo ako sa fb wall ko or sa page ko ng happy monthsary plith? At least man lang me babati sakin. Gusto ko broadcast ganun hahaha PDA much ako e. Hays pakihanap nga ng pangit na yon at paki-aresto na rin ninakaw niya kasi puso ko ilang taon na hindi pa rin binabalik. Hmp!


hahaha

sana nagustuhan ninyo ang update kay Ruben hihihi nakakainis ang ganyang boys no? Hmp. 

Continue Reading

You'll Also Like

101K 1.4K 13
Si Andrei lang yata ang kilala ni Mariel na isang certified playboy na certified one hundred percent virgin. Kakaiba talaga ang best friend niya. Isu...
90.1K 1.6K 11
(May crush ka ba sa school niyo? Baka maka-relate ka rito :P) (Published under PHR - 2014) Ang sabi ni Zanny sa kanyang sarili ay hindi siya magka-cr...
89.1K 1.1K 10
"Kung ayaw mo pala akong maging distraction, eh, di gawin mo na lang akong inspiration. Ano sa tingin mo?" Cherry dreamt that she was being kissed by...
668K 12.7K 43
Loving someone can make you a fool. Loving someone you know that isn't capable of loving you is really hard. What will happen if you will be stuck wi...