Her Unexpected Fallback

By GoalSetter

84 13 12

Madadala nga ba ang lahat sa patibong? Madadala ba ang love sa Plano? Madadala ba ang love sa Pagiging desper... More

Planado
Fallback?
Endearment
Pinapakilig
Reality
REALationship
Author's Note
Truth Slaps hard

Asawa

5 1 3
By GoalSetter

Unti unti kong minulat ang mata ko.Nasaan ba ako?

Nilibot ko ang tingin sa paligid.Malaki ang kwarto ko pero mas malaki ang kwarto na ito.Punong puno ng paintings ang dingding at nagkalat ang bulaklak sa kwarto.Asul ang kulay ng buong kwarto at napakagandang tingnan ng maayos na bookshelves sa gilid.Sa kabilang bahagi ng kama ay doon nakalagay ang lamp shade at may mahabang lamesa na pinaglalagyan nito.May flower vase doon at ilang picture frames na laman ang picture ko..

Kumunot ang noo ko.Bakit may picture ako dito?

"Oh,Gising ka na pala..."Napatalon ako sa gulat nang may bigla nalang nagsalita.

Siya yung lalaki kahapon sa booth.Pero anong ginagawa niya dito?

"Anong ginagawa mo dito?"Takang tanong ko sa kanya.May dala siyang pagkain at inilapag niya iyon sa lamesa malapit sa kinalalagyan ng lampshade.

Namutla ako ng unti unti siyang lumapit sa akin."This is my house.."

Bahay niya ito?So anong ginagawa ko dito?Anong nangyayare?Wait...what the hell!?

"Hey!D-did you just kidnap me??"Pasigaw na tanong ko.Medyo umatras pa ako sa kaba na baka may gawin siyang masama sa akin.

Napasinghap ako ng Umupo siya sa gilid ng kama at bahagyang lumapit sa akin.Hinaplos niya ang pisngi ko kaya napaawang ang bibig ko.Anong ginagawa niya?

Pero mas lalong nanlaki ang mata ko ng bigla na lang niyang halikan ang ilong ko.Sa gulat ko ay naitulak ko siya ng malakas.

What the hell! He just kiss my nose!

"Ano bang problema mo?Bakit bigla ka nalang nanghahalik diyan?!Manyak!"

Hindi siya gumalaw.Nag init ang ulo ko doon.Nakakainis ang ngiti na hindi natatanggal sa labi niya!Bakit ba siya ngiti ng ngiti?

Pero ang Hindi ko inaasahang ginawa niya ang nagpapikit sa akin.Sa bilis ng kilos niya ay Hindi ako makahinga.

Hindi ko namalayan ang biglang pagtalon niya sa kama at tinulak ako pahiga.Nakakulong ang mukha ko sa gitna ng dalawang kamay niya at itinataas niya ang sarili para hindi ako madaganan.

Nanghina ako at nahirapang huminga.Ni hindi ako makagalaw.Para akong naestatwa at hindi makapaniwala sa ginawa niya.Mariin ang titig niya sa mukha ko at hindi ko gusto iyon.May iba sa tingin niya na nagpaparamdam sa akin ng pagkailang.I feel awkward. Well,Sino bang hindi makakaramdam ng awkwardness kapag ganito ang posisyon niyo at nasa ganitong sitwasyon kayo?

Hindi ko natagalan ang posisyon namin kaya pilit ko siyang itinulak at pinaghahampas."Ano ba?!Alis!"

Pero sa lakas niya ay hindi siya natinag.Nanatili lang siyang nakatingin sa akin."Sabing umalis ka!Kailangan bang sampalin pa kita?Iritadong sigaw ko sa kanya.

Swear,I'm gonna kill this guy!Fuck.

"Can we stay like this for a while?Gusto lang talaga kitang titigan,Kahit ganito kalapit lang.."

Natahimik ako doon.Hindi ko alam ang nangyari basta hinayaan ko na lang siya sa gusto niya.Pinipilit kong wag siyang sampalin ngayon dahil sa mga pinaggagawa niya.

Una ay ang sa wedding booth na yon.Hinalikan niya ako!Hindi yon aksidente dahil matagal iyon at ayaw niyang papigil.Ang kapal ng mukha niya para papakin ang labi ko.

At ngayong araw na ito,Hinalikan niya na naman ako.Ano bang balak niya?isa isahing halikan ang parte ng mukha ko?At sa tingin niya ay papayag ako doon?

Maya maya lang ay bumangon na rin siya at ginulo ang buhok niya.He looks disappointed. May nagawa ba ako?

"Can you please explaine to me kung ano ang nangyayare?Naguguluhan na talaga ako..Kahapon pa ako ganito..ays!!"Napasabunot na lang ako sa buhok sa sobrang dismaya.Litong lito na ako sa nangyayari.

Ang naaalala ko lang ay ang nangyari kahapon sa wedding booth,At pagkatapos nun ay blur na lahat.Para akong may hangover sa sakit ng ulo ko pagkagising.Kaya nga wala akong ideya kung bakit ako nandito sa bahay ng lalaking nasa harap ko ngayon.

"Mrs. Fontalba…"Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

A-anong Mrs. Fontalba?Tapos na ang wedding booth na iyon ah!Tsaka fake lang iyon!Kaya bakit ganyan pa rin ang inaasta niya?

"W-wag mo nga akong tawagin ng ganyan!T-tsaka anong Mrs. fontalba?!!Fake lang yung nangyare kahapon!Kaya itigil mo yang mga ginagawa mo.."

Nang humarap siya sa akin ng may seryosong mata,Hindi ko ito kinakaya.Para bang nilalamon niya ang buong pagkatao ko..Sa twing magtatama ang mata namin ay napapaiwas na lang ako dahil may kung ano sa mata niya na ayaw ko.His eyes is full of administration and i hate it.I hate it so much.

"Wala ka nang magagawa bear…"Napangiwi ako sa sinabi niya.Nag init ang ulo ko at agad nagsalubong ang kilay.Paano naging bear ang pangalan ko?Napakalayo naman ng katie sa bear na sinasabi niya.

"For your info Mr. Fontalba,Katie Zairen Villamor ang pangalan ko---"

"Yes,MRS. FONTALBA.Your name is  Katie Zairen Villamor-Fontalba and your my wife.You are 17 years old and your house is near the desire cafe at the silver street.Your mother is Tita Hillary Villamor while your father is Tito luis villamor.You have no boyfriend since birth but now you are married to me.You are my property, you belong to me.You get it?Hmm?"

Natulala na lang ako sa kanya.Hindi matanggap ng utak ko ang mga binibitawan niyang salita.Teka,Kelan pa naging fontalba ang apelyido ko?Bakit Tita ang tawag niya sa magulang ko?Paano niya nalaman kung saan ako nakatira?Saan niya nakuha ang mga impormasyon na yan?Stalker ko ba siya?Kinikilabutan ako sa twing maiisip na sinusundan niya ako dahil lang sa may kailangan siya sa'kin.

"Paano mo nalaman ang mga iyan?Stalker ba kita?Ano bang kailangan mo sa'kin?Pera?Akala ko pa naman mayaman ka na pero ransom pala ang kailangan mo.Sinadya mo akong i-kidnap tama?!Masama ka sigurong tao!Sorry ka nalang dahil hindi ako magsasayang ng pera para sayo at kayang kaya kung tumakas dito nang wala ang tulong ng kahit sino,makikita mo."

Ngumisi siya."Kung masama akong tao,Dapat kahapon palang ginahasa na kita.At oo,I already stalk you for about 2 years katie.Alam ko na ang pasikot sikot ng buhay mo.Gusto ko lang malaman mo na hindi ko kailangan ang pera,Dahil ikaw ang kailangan ko."Nalaglag ang panga ko at bumagsak ang balikat sa sinabi niya.He's so blunt.

"Your so honest and I admired you for that.Major turn off sa'kin yan kuya kaya wag mong isipin na natutuwa ako sa pagsunod sunod na ginagawa mo sa akin."Napabuntong hininga siya ng malalim.

"I'm sorry.I just love you so much that's why.."

Nagtaka ako roon.Kahapon lang kami nagkita ah?So may feelings pala siya sa'ken?Matagal niya na akong inii stalk so definitely kilala niya na ako dati pa..Hays.Ano bang revelations ang mga ito?

Napabuntong hininga ako."Ano ba talaga ang ginagawa ko dito?!I really need to go kuya..Baka hinahanap na ako ng parents ko..They will surely get mad at me!"

Matigas niya akong tiningnan.Hinarap niya ang mukha sa akin at hinawakan ng mariin ang balikat ko.Kumalabog ang puso ko sa kaba.A-ano bang ginagawa niya?

"You will never leave this house from now on.Asawa na kita kaya ito na ang magiging bahay mo.Hindi ba ang mag aasawa ay nagsasama sa iisang bahay lang?Kaya dito ka na titira simula ngayon…"

Umawang ang bibig ko sa narinig.A-anong asawa?Anong kasal??Fake lang naman ang lahat ng nangyari kahapon!Parte lang iyon ng punishment ng ssg officer sa'ken at wala nang iba pang ibig sabihin yon.

"And please stop calling me kuya.I'm your husband not your brother.My name is Lazer but you can call me Tedd"

Kumunot ang noo ko.H-husband?Ako ba ang nababaliw dito o siya ang nasisiraan ng bait kanina pa?

"Tangina ano ba talagang pinagsasabi mo?Mukha ba akong nakikipaglokohan sa'yo?!!"Inis na sigaw ko sa kanya.

Kanina pa ako nagtitimpi ng galit dito.Gulong gulo pa rin ang isip ko.Hindi ko maintindihan kung bakit paggising ko ay nandito na ako,Sa ibang kwarto.At nawiwirduhan na ako sa sinasabi ng lalaking to.

Nanlaki ang mata ko sa sunod niyang ginawa.Pakiramdam ko ay tumigil sandali ang oras at bumaliktad ang ikot ng mundo.Sa simpleng pagyakap niya ay may nag iba sa akin.Naestatwa ako at hindi makagalaw.Ni hindi nga ako pumalag sa ginawa niyang pagyakap.Para akong nanghina at bumagsak ang katawan.Parang hawak niya ang sistema ko at siya lamang ang makaka kontrol nito.Hindi ko mapigilang mamula sa pagkakataong ito.Pero wala akong magawa dahil hindi ko rin maibuka ang bibig ko.Nawalan ako ng lakas sa ginawa niyang pagyakap..

Mariin ang titig niya sa akin,At ganoon din ako sa kanya.Hindi maalis ang titig niya sa aking mukha.Dahan dahan niyang hinawi ang buhok na nakaharang sa noo ko.Marahan niyang hinaplos ang mukha kong pawisan na.

His touch.Napakagaan,Napatulala na lang ako sa harap niya.Hindi ko na rin alam ang nangyayari sa akin.Parang wala ako sa sarili.

"Gustong gusto ko kung paano ka magsungit kapag ayaw mo sa mga bagay na nakikita mo.Kahit nasa malayo ako ay tanaw ko pa rin ang mukha mong hindi maipinta sa tuwing may maghahalikan malapit sa'yo.Hindi ka pala ngiti lalo na sa mga bagay na hindi nakakukuha ng interes mo.Hindi mo namamalayan may mga lalaki na palang humahanga sayo pero natatakot silang komprontahin ka dahil baka magmukanga tanga kapag kaharap ka na nila.."

Hindi ako umiimik.Gusto ko lang siyang pakinggan.Gusto ko lang malinawan.

"You are mine now katie zairen villamor-fontalba.."Nagtaasan ang balahibo ko sa pagbulong niyang iyon.

Mine?Hindi ba siya nakakaintindi ng salitang 'fake lang'?

"Did you forget it?It was all fake lazer.."

Napabuntong hininga siya."Lahat ng nangyare ay naayon sa plano.Hindi man itinadhana kasi planado,Alam kong itinakda talaga itong mangyare sa ating pareho."

"A-ano ba talaga ang sinasabi mo??"Nauutal na sabi ko.

Tinitigan niya ako sa mata."Hindi mo pa rin naiintindihan hanggang ngayon??"Naiinis na ang tono nito kaya napalunok ako.Nakakatakot siya…

"Lahat ng nangyayari ngayon ay totoo.Asawa na kita at kasal na tayo.Dito ka na titira at ako na palagi ang kasama mo.Sa ayaw at sa gusto mo,Kailangan mo nang tanggapin na may asawa ka na.At ako yon,Your Mr. Fontalba…"

Nalaglag ang panga ko sa narinig.S-so eto pala ang t-tinutukoy niya??

Ngayon ko lang naiinintindihan ang lahat.Tiningnan ko siya ng may galit sa mata.Nakakahiya siya!Kinasusuklaman ko siya!

Kaya pala nangyayari ang lahat ng ito..

Kung bakit ako nandito…Yung kasal sa booth…kaya pala pakiramdam ko may mali…Kaya pala may gown..may make up..Singsing at bello pa…kaya pala may pastor at hindi estudyante ang nandoon…Kaya pala may halikan na nangyare..L-lahat yon totoo!Isa yong totoong kasal!Naloko ako!Ang tanga tanga ko!

Hindi ko na napigilan ang sariling umiyak.Alam ko na na may mali kahapon pa..Hindi ganoon ka engrande and punishment lang..Ang tanga tanga ko para hindi marealize na ikinakasal na pala ako.

"B-bakit mo ginawa to?A-alam mong nagmamahalan lang ang dapat nagpapakasal..H-hindi naman kita mahal.."

Nakita ko ang unti unting pag lungkot ng mata niya.Nasaktan ba siya sa sinabi ko?Hindi ko naman talaga siya mahal.Alam kong may feelings siya sa akin,Pero hindi ko iyon masusuklian.Lalo na ngayon at nalaman ko ang ginawa niya.

Niloko niya ako!Pinakasal niya ako sa sarili niya kahit alam niyang Hindi ko naman siya mahal.He's so selfish.Hindi ganito ang pagmamahal.Kaya kahit kelan hindi ko siya mapapatawad.Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang ko sa'kin?Na malandi ako?Ang dami dami ko pang pangarap sa buhay!At wala sa bokabularyo ko ang pag aasawa ng maaga..I'm just 17 years old for Pete's sake!Hindi ba siya nag iisip?

Hindi basta basta ang pagpapakasal.Hindi ito biro lang.At kung nagbibiro man siya ngayon,Eto ang pinakapangit na biro na narinig ko.

"Masakit man sa parte ko na ipilit ang ang sarili ko sa'yo,But I have no damn choice!Kahit kelan hindi mo ko pinapansin,Hindi mo ko tinitingnan!Ni hindi mo nga ako nakikita!!"

Ako pa ang may mali?Kasalanan ko bang hanggang sunod at buntot nalang ang ginagawa niya?Kasalanan ko bang hindi siya nag confess at umasa sa pag stalk na lang?

"Hindi ka nagpapakita lazer!Wag mo kong masisi sisi!"Bumilis ang paghinga ko sa galit.Siya ang may kasalanan ng lahat ng ito.Binigyan niya ako ng malaking problema.Nakakainis siya,Sobra.

"Because you are too cruel! Man hater ka! Ano pang aasahan ko sa'yo?Baka mamaya pag nag confess ako,bigla mo nalang ako sigawan at paalisin sa harap mo!Anong magagawa ko katie,Gustong gusto lang naman kita..kahit ang sakit sakit na!"

Ganito ang pagmamahal para sa kanya?Pwes,Hindi ako naniniwalang nagmamahal siya.

"Masyadong kang nagpapaniwala sa sarili mo!Sana sinubukan mo munang magpakita manlang .Sana sinubukan mong magsalita,Hindi porke nakikita mong ganito ang ugali ko ay magpapakaduwag ka na.Kung sa akin pa nga lang Hindi mo na kaya,Sa relasyon pa kaya?"

Napabuntong hininga siya.Bakas na bakas ang lungkot sa mga mata niya.Namumula na ang tenga nito at mabilis na ang paghinga dahil sa galit.

"Bakit?Kapag ba naging tapat ako sa'yo at sinabi ang feelings ko,May pag asa ba ako katie?"Desperado na ang boses niya.Hinawakan niya ang balikat ko.Natahimik ako doon.

Isa akong babaeng may matayog na pangarap,At ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko ang makipag relasyon sa kung sino lang.Hindi ako pihikan,Sadyang wala akong interes sa mga ganong bagay.Sa tinatawag nilang 'Love'.

Namutla ako at kinabahan nang yugyugin niya ang balikat ko.Pakiramdam ko ay pinipigilan niya ang sarili niyang magwala..Binitawan niya ako at mabilis na kumuyom ang kamay niya.Ginulo niya ang buhok na para bang nauubusan ng pasensiya sa akin.Natatakot na ako…

"Sumagot ka katie!Kung sasabihin ko ba sa'yo ang nararamdaman ko may pag asa ba?!!"Lumabas na ang mga ugat niya sa leeg sa lakas ng pagkakasigaw niya.

Napapikit ako ng mariin at hindi na rin napigilan ang sariling singhalan siya."May pag asa ka sana kung nag confess Ka na lang at hindi naging baliw para isiping magpakasal pa tayong dalawa!!"

Galit na galit ako sa kanya.Sinayang niya ang mga pangarap ko.Parang tanga lang no?Yung akala mong punishment lang sa wedding booth..Totoo pala.

Akala mo parusa lang,Pero totoong kasal na pala yung nagaganap.Nakakapanliit lang,Nagmukha akong tanga.

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.Bumubukas sara ang bibig niya pero walang lumalabas na kahit anong salita dito.Para bang may sasabihin siya pero wala.

"Hate me or not,Wala ka nang magagawa.Wala ka ring choice kundi pakisamahan ako.Asawa mo na ako ngayon katie at kahit ayaw mo sa ideyang iyon,Walang mababago.Alam ko naman na mamahalin mo rin ako--"

Nag init ang ulo ko.Paano naman siya nakasiguro doon?Sa tingin niya mamahalin ko pa siya sa ginawa niya?Walang kwenta talaga.

"At paano ka nakasiguro na mamahalin kita,Hmm?Your so stupid!So selfish!Ang gusto mo lang ay yung ikasasaya mo---"

"Ikaw lang naman ang kasiyahan ko,Pero bakit parang mali pa rin iyon sayo?"

Tinitigan ko siya ng mabuti.Sa mga mata niya ay naghalo ang galit,Lungkot at pait na sumasalamin sa nararamdaman niya.Gustuhin ko mang maawa ay hindi ko magawa.Pagbali-baliktaran man ang mundo,Kasal na ako sa kanya.Sa taong ngayon ko lang nakita.Ni hindi ko nga siya kilala.At ang masakit pa doon,Hindi ko naman siya mahal.

"Hindi ganito ang pagmamahal lazer.Kung mahal mo talaga ako,Lagi mong iisipin ang nararamdaman ko.Kung magagalit ba ako o hindi sa gagawin mo.Kung mahal mo talaga ako,Hindi ka basta magpapa dalos dalos sa desisyon mo..Napakabata pa nating pareho,Tapos pakasal agad ang gusto mo?"

"I-i'm sorry katie..I just love you so much.."

Umiling iling ako."Mapapatawad kita kung pakakawalan mo na ako.Papalabasin mo ako ng maayos sa bahay mo at kakalimutan ang napag usapan nating dalawa.Wala na akong pakealam sa nangyari sa booth basta pauwiin mo lang ako lazer.."Nanahimik siya ng sandali at bahagyang natigilan.Napalunok siya ng ilang beses.Pilit niyang itinatagal ang tingin sa akin pero napapaiwas din siya.Pero nang magtama ang aming paningin,Nag iba ang titig niya.

Hindi ko nagustuhan iyon.Wala na akong makitang lungkot kundi galit na mata ang ipinalit niya dito.

"Walang uwian na mangyayari.Dito ka lang titira katie,Sa'kin lang.Sa bahay lang natin.Hindi mo makakalimutan na kasal ka na dahil araw araw ko yong ipapaalala sa'yo.Hindi ka makakatakas sa'kin katie.Dahil akin ka na simula ngayon.."

Mabigat ang paang lumabas siya ng kwarto at kinalabog pa sarado ang pinto.Naiwan akong nakatulala at hindi na napigilan ang pag iyak.Napahagulhol ako sa dismaya.

Sinabunutan ko ang sarili at hinagis ang lahat ng bagay na mahawakan ko.Isinigaw ko ang mga bagay na gusto kong sabihin.Naaawa na ako sa sarili ko.

"ANO BANG GINAWA KO BAKIT NANGYARE TO?AYOKO NG GANITO!AYOKO!AYOKO DITO.."Napahagulgol ako at mas lumakas pa ang iyak.

Hindi ko kayang isipin na dito na ako titira habang buhay.Na siya na ang kasama ko araw araw.Hindi ko matatanggap na asawa ko siya--wala akong asawa!Wala!

H-hindi na ba talaga ako makakalabas dito?














































Continue Reading

You'll Also Like

433K 15K 163
Sevyn and Von hung around the same people but did not like each other. But they were just cordial. Until Von's birthday came up and Sevyn was the onl...
130K 2.3K 48
Alexis Piastri is Oscar Piastri's older sister. After feeling unfulfilled with her life, Alexis decides to drop everything to take a gap year and joi...
185K 8.5K 106
In the vast and perilous world of One Piece, where the seas are teeming with pirates, marines, and untold mysteries, a young man is given a second ch...
753K 20.4K 76
မင်းဟာ လူသားတွေကိုကယ်တင်နေတဲ့ဆရာဝန်မလေးပေမယ့်ကိုယ့်အတွက်တော့ အချစ်တွေကုသပေးမယ့် အချစ်ဒေါက်တာမလေးပါ..... #စဝ်ခ...