The Princess' Heart (Complete...

By loveorhatethisgurl

5.1M 48.4K 3.7K

Love story of Yumi and Kurt's daughter named Louise Princess Montefalcon.. More

Prologue
Chapter 1: Masquerade Ball
Chapter 2: Weekend Date
Chapter 3: The Noise
Chapter 4: Death Anniversary
Chapter 5: Man to Man
Chapter 6: The Suitor
Chapter 7: Bacon and Mushroom
Chapter 8: Birthday Party
Chapter 9: Cinderella's Shoe
Chapter 10: Cruise Trip
Chapter 11: Locked Up
Chapter 12: Mysterious Girl
Chapter 13: I'm no Cinderella
Chapter 14: Bad Day
Chapter 15: A Chance
Chapter 16: Double Date
Chapter 17: Heart vs Mind
Chapter 18: Bet
Chapter 19: Stormy Afternoon
Chapter 20: First Night
Chapter 21: Talk of the Town
Chapter 22: Misha
Chapter 23: Kaylee's Confessions
Chapter 24: Flashback
Chapter 25: Kurt's Plan
Chapter 26: Xander's Version
Chapter 27: A night to remember
Chapter 28: I'm Your Man
Chapter 29: Roller Coaster Ride Feeling
Chapter 30: What a Relief!
Chapter 31: Alexander's Secret
Chapter 32: A Favor to Ask
Chapter 33: Man in Black
Chapter 34: Blackmail
Chapter 35: Monthsary
Chapter 36: A Threat
Chapter 37: An Accident
Chapter 38: Not an Accident
Chapter 39: Untitled Feelings
Chapter 40: Missing Bacon
Chapter 41: Unanswered Questions
Chapter 43: Dreams vs Reality
Chapter 44: Night Life
Chapter 45: Revelation
Chapter 46: Coincidence
Chapter 47: Stood Up
Chapter 48: Prisoner
Chapter 49: Invitation
Chapter 50: The Plan
Chapter 51: He's here
Chapter 52: Note
Chapter 53: Unexpected Guest
Chapter 54: STOP!
Chapter 55: Untitled
Chapter 56: Double Celebration
Chapter 57: "I d....."
Chapter 58: Where?
FINALE
Author's Note:
Andrey's Love Story POLL
Codes
Announcement

Chapter 42: Evil Witch

57.6K 475 36
By loveorhatethisgurl

Xander’s POV

Ilang araw nadin ang lumipas simula nong iniwan ko si Louise sa ospital. Hindi pa siya nagigising non, siguro mas mabuting hindi na niya ako nakita dahil mas mahihirapan akong magpaalam sa kanya.

Kahit na hindi ko na siya kasama ngayon patuloy parin ako sa pagmamasid sa kanya mula sa malayo. Sobrang saya ko ng mabalitaan kong nakalabas na siya ng ospital. Alam ng Diyos kung gaano ko ka gustong puntahan si Louise, pero natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na balikan siya at natatakot ako na baka may masama na namang mangyari sa kanya. Ang mas lalong ikinatatakot ko na baka hindi lang iyong ang aabutin niya sa susunod.

Ilang beses ng tumatawag sa’kin si Louise at nagtetext, pero pinigilan ko ang sarili ko na hindi tumawag sa kanya. Ang pinapanalangin ko nalang ngayon na sana hindi na kami muling magkita pa dahil gusto kong makalimutan na niya ako kaagad at makahanap na siya ng ibang lalaking magmamahal sa kanya at mamahalin niya. Masakit mang isipin, iyon ang mas makakabuti para kay Louise.

*ring* *ring*

Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan sa screen kung sino ang tumatawag.

 

Evil Witch Calling

 

 

“Hello?”

(Hi hon. Kelan ba tayo magkikita? Sabi ni Daddy susunduin mo daw ako ngayon. What time ba?)

“Fvck Megan. Huwag na huwag mo akong tatawaging hon nakakadiri.”

(Alright. Kung ayaw mo eh di huwag. Hindi na kita pipilitin. Basta Xander ha puntahan mo na ako dito sa bahay na bo-bore na me masyado.)

“Oo na. Papunta na ako diyan.”

“Tha…”

Hindi ko na pinatapos si Megan dahil ayokong marinig ang boses niya. Kung pwede lang sanang hindi ko siya puntahan ngayon.

Simula nong nag-usap kami ni Raven, hindi na ulit kami nagkita. Dahil nakapangako akong pupuntahan ko ang anak niya, syempre kailangan kong tuparin iyon. Ang hirap ng kalagayan ko ngayon, pakiramdam ko para akong puppet na pinapakilos gamit ang mga daliri ni Raven.

May sarili man akong utak hindi ko parin ‘to magamit, may sarili man akong puso hindi ko parin ‘to masunod.

Hindi ko parin nasasabi ang sitwasyon na kinalalagyan ko ngayon kay Dad dahil nag out of town siya. Isang linggo narin siyang wala dito sa bahay, sigurado akong may inutos na naman si Raven sa kanya.

..TPH..

“I’m really happy Xander at nagising ka na din sa katotohanan. Alam mo wala ka naman talagang magandang makikita diyan kay Louise. Princess nga pangalan niya pero hindi naman bagay sa kanya, para siyang katulong.”

Kanina pa satsat ng satsat si Megan habang kumakain kami. Ayoko mang makasama siya, hindi ako pwedeng umayaw dahil alam ko kung ano ang magiging kapalit non.

“Pwede ba Megan huwag kang magsalita ng ganyan kay Louise?”

“Bakit Xander? Kinakampihan mo ba siya? Ako ang girlfriend mo hindi siya.”

Hindi ko na pinatulan si Megan at nagpatuloy nalang sa pagkain.

“By the way Xander, narinig ko na nasagasaan daw si Louise. How true?”

“Dahil iyan sa Tatay mo Megan. Paano niyo ba nakakayanan ang mga ganyang bagay? Paano kayo nakakatulog sa gabi gayung alam niyong may mga tao kayong sinasaktan.”

“Huwag mong pagsalitaan ang Daddy ko ng ganyan Xander mabait siyang tao.”

“Kung tama nga iyang sinasabi mo, hindi na niyasanaako pinilit sa bagay na hindi ko gusto. Megan nakipagkita ako sa’yo hindi para makipag date sayo.”

“Anong ibig mong sabihin Xander?”

Hindi ko masasabi kung may alam ba si Megan sa ginawa ng tatay niya sa’kin.

“Gusto ko lang linawin sayo ang lahat. Kaya mo lang ako kasama ngayon dahil pinilit ako ng Tatay mo. Hindi kita mahal Megan, kahit na tayo ang magkasama ngayon naiwan parin ang puso ko kay Louise.”

Napatigil na lang sa pagkain si Megan at parang naiiyak na.

“Xander, kahit mahal mo pa si Louise ngayon alam kong matututunan mo din akong mahalin balang araw at hihintayin kung dumating ang araw na iyon. Hindi ako magsasawang hintayin ka kahit gaano katagal. Gusto ko lang na makasama kita.”

Gustuhin ko mang maawa kay Megan, hindi ko magawa dahil kung tutuusin ako ang pinakakawawa dito.

“Ayokong paasahin ka Megan. Ikaw lang din naman ang masasaktan. Kung talagang mahal mo ako pakawalan mo na ako at hayaan mo na kaming maging masaya ni Louise.”

Alam ko hindi ko kayang labanan si Raven pero alam ko kung ano ang kahinaan niya at si Megan iyon.

Akala ko na papayag na si Megan sa gusto ko pero bigla nalang siyang tumayo mula sa kinauupuan niya. Napatingin tuloy ang mga taong nasa paligid namin kay Megan. Galit na galit ang mukha niya.

“Hindi mangyayari iyan Xander. Pinapangako ko sayo na magiging masaya ka sa piling ko kaya huwag kang mag-alala.”

“Pero Megan…”

“Nawalan na ako ng gana umalis na tayo.”

Saka siya tumalikod sa’kin at lumabas ng restaurant. Hindi pa ako tapos sa pagkain ko pero kailangan ko na siyang sundan. Tumayo narin ako at sumunod sa kanya na parang tuta.

Hindi ko dapat galitin si Megan dahil alam kong si Louise ang magbabayad nito. Isang sumbong lang ni Megan sa Tatay niya at manganganib na naman ang buhay ni Louise.

“Megan? Galit ka ba?”

Tanong ko sa kanya habang nauna parin siya sa’kin na naglalakad papunta sa kung saan.

“Megan? Sorry na hindi na mauulit.”

Bigla nalang siyang tumigil sa paglalakad niya at hinarap ako. Kung kanina sobrang galit na galit ang mukha niya ngayon naman kabaliktaran naman kanina ang eksresyon ng mukha niya.

Abot tenga ang ngiti niya sa’kin. Hindi ko talaga maintindihan kung may sayad ba itong babaeng kaharap ko ngayon oh hindi.

“No need to say sorry Xander. Alam mo namang mahal kita eh.”

Saka siya lumapit sa’kin at kinurot ang kanang pisngi ko.

Balit ba ‘tong si Megan?

Ngayon ko lang nakita ang ganitong side niya.

“Wait lang muna ha? Punta lang akong comfort room. Hintayin mo lang ako dito. Huwag kang aalis ha? Magagalit talaga ako sa’yo kung iiwan mo akong mag-isa.”

Sabi niya habang nakangiti pa. Saka siya tumalikod at lumayo sa’kin.

May sayad siguro ‘tong si Megan.

Wala na akong ibang nagawa kundi ang manatili sa kinatatayuan ko at hintayin si Megan.

Lumipas ang sampung minuto pero hindi parin siya bumabalik. Hindi ko alam kung ano nang nangyari don. Kung na flush na ba siya sa indoro oh baka naman kung san na nagpunta.

Kung hindi pa talaga siya makakabalik pagkatapos ang dalawang minuto iiwan ko na talaga siya.

 

“Bacon?”

 

Nanigas ang buong katawan ko pagkatapos kong marinig ang salitang Bacon. Tanging si Louise lang ang tumatawag sa’kin ng ganyan.

 

Hindi ako agad nakakilos dahil sa sobrang kaba na naramdaman ko. Hindi pa ako handa. Hindi pa ako handang makita si Louise. Hindi pa ngayon.

 

“Bacon?”

 

Bakit ngayon pa? Alam kong hindi ko na matatakasan ang sitwasyon ngayon. Kailangan kong harapin si Louise. Dahan dahan kong inikot ang katawan ko para harapin si Louise.

 

“Louise?”

 

Bigla nalang lumapit si Louise sa’kin at niyakap ako ng mahigpit. Gusto ko siyang yakapin pabalik dahil sobrang namiss ko siya. Pero hindi ko magawa dahil hindi pwede.

“Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon Bacon. Bakit hindi mo man lang ako binisita nong nasa ospital ako? Hindi mo man lang sinasagot ang tawag ko, kahit text man lang hindi mo ginawa.”

 

Saka lang ako binitawan ni Louise.

 

“Busy ka ba kaya hindi mo ako nabisita?”

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya.

“Bacon okay ka lang ba?”

Tanong niya ulit sa’kin.

“Louise…”

 

Ito na iyong kinatatakot ko. Ayokong makita si Louise dahil alam kong hindi ko kayang iwasan siya. Hindi ko kayang lumayo sa kanya. Natatakot ako na baka masabi ko sa kanya ang totoo. Na baka iwanan ko si Megan at bumalik sa kanya.

 

“Xander?!!!”

 

Bigla nalang dumating si Megan. Hindi na maipinta ang mukha niya. Para na siyang isang bulkan na malapit nang sasabog.

 

“Pwede ba Megan? Umalis ka na? Hindi ka namin kailangan dito. Hindi namin kailangan ang presensya mo.Parakang virus, sa tuwing nakikita kita sumasakit ang mga mata ko.Parakang kuto, gustong gusto kitang tirisin. Kaya kung ayaw mong mapahiya dito umalis ka na..”

Gusto kong sawayin si Louise. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi niya dapat galitin si Megan dahil masasaktan lang siya. Pero hindi ko parin magawa.

 

“Oh? Really huh? I think ikaw ang dapat umalis Louise dahil sinisira mo lang ang date namin ni Xander.”

Lumapit si Megan sa’kin at hinawakan ang braso ko.

I’m sorry Louise..

 

“Xander paalisin mo na si Louise.”

Kung mananatili pa dito si Louise, mag-aaway lang sila ni Megan at si Louise naman ang manganganib pagkatapos.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Litong lito na ako.

“Louise, nakikiusap ako umalis ka na.”

Para din sa’yo ang lahat ng ‘to Louise. Kahit hindi mo man ako maintindihan. Alam ko nasasaktan kita ngayon pero ayokong manganib ulit ang buhay mo.

I love you Mushroom pero hindi ko na pwedeng sabihin sa’yo iyan ngayon.

“Bacon? May problema ba tayo?”

“Please Louise umalis ka na.”

Ayokong umalis ka Mushroom.

Iyon ang gusto kong sabihin sa kanya pero hindi ko masabi.

“Bacon, huwag kang mag-alala maiintindihan ko naman ang lahat. Baka may gagawin lang kayong importanteng bagay ni Megan diba kaya mo ako pinapaalis?”

“Diba Bacon? Pinapaalis mo lang ako dahil nag-aalala ka na baka masaktan ako dahil kagagaling ko lang sa aksidente.”

“Get lost Louise. Hindi ka namin kailangan.Parakang virus ang sakit mo sa mata.”

“Pwede ba Megan tumahimik ka?”

“Xander oh inaaway niya ako.”

“Bacon, tell me what’s happening.”

Hindi ko maaring sabihin sa’yo ang lahat Louise. I’m sorry.

Hindi ko na kayang makita si Louise na nasasaktan. Dahil doble sa nararamdaman niyang sakit ang nararamdaman ko ngayon.


“Kung ayaw mong umalis Louise, kami nalang ang aalis ni Megan. Megan, let’s go.”

Masakit man, lumayo parin ako kay Louise.



Continue Reading

You'll Also Like

364K 3.9K 69
Two gangsters that met, they became enemies but somewhere down the road, they fell for each other. A twisted love story that revolves around the dang...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
1.2M 13.1K 50
Losing the one she loves the most, Euphy Maniego agreed to marry someone her parent wants for her. But when she finally accepts the fact that she'll...
5.3K 417 53
Dalawang magkaibang tao na magtatagpo dahil sa isang misyon na pareho nilang hiniling sa langit. Upang matupad ang kanilang mga hiling na maayos ang...