Tortured Genius

By jmaginary

16.1K 1K 765

Eindreid, a misfit who secured a spot at the prestigious University of Tallis, finds her perception of nerds... More

Warning
Trailer
Outlier
Is it alright to have sex with animals?
Miracle
In Denial
Rejection
Self-Love
Chapter 7: Will to live
Chapter 8: Bewildered
Chapter 9: Jack Of All Trades
Chapter 10: Secrets
Chapter 11: Self-Discovery
Chapter 12: Say "No"
Special Chapter: A Miracle of Miracle
Chapter 13: DSPC
Chapter 14: Self-harm
Chapter 15: Words Unsaid
Chapter 16: News Writing
Chapter 17: What is Home?
Chapter 18: Touched by Wonder
Chapter 19: Anxious Heart
Chapter 20: The Promise
Chapter 21: History Repeats Itself
Epilogue
Frequently Asked Questions (FAQ)
Chord's Memoire

Real-Self Image VS Social Image

993 55 46
By jmaginary

EINDREID

Kahit malaki ang Cafeteria, at kahit na wala namang nakapwesto na ibang estudyante sa ilang lamesa, ewan ko ba rito kay Chord kung bakit gusto pa sa room mamalagi. Kaya heto kami ngayon, bitbit ang aming mga tray habang umaakyat sa hagdan. Take note, ang room namin ay nasa fourth floor pa.

"What a fourth floor~" kanta ni Chord at saka tumigil muna umakyat nang mapunta kami sa may platform na nasa pagitan ng mga hagdanan. Maski ako ay hinihingal na rin, kaso hindi ko naman pinapahalata. Nakakahiya. Knowing Chord in our first day, pakiramdam ko siya 'yong tipo ng tao na mang-aasar pag nakita niya ang kasama niya na nahihirapan.

Hinabol niya ang kaniyang hininga at sinenyasan ako. "Time out muna. Napapagod ako."

 Inirapan ko siya. "Nasa second floor palang po tayo. Aba. Galaw-galaw."

Sa totoo lang kasi, gutom na gutom na talaga ako. Gusto ko na talagang kumain. At siguro kung hindi ako sumunod sa babaeng 'to, edi sana mapayapa na akong kumakain ngayong sa Canteen. It doesn't matter if I eat alone or not. Basta makakain ako nang matiwasay, ayos na.

"Oo na, Reid," tugon niya at pinagpatuloy ang pag-aakyat. Akala ko magiging kasing tahimik lang siya tulad nung una naming pag-akyat, pero sa tingin ko, ang pagdadaldal sa akin ang ginawa niyang distraction para hindi hingalin.

"Ilang taon ka na?" tanong niya.

"16." 

"Transferee ka rin ba o anak ka rin ng University of Tallis?"

"Transferee."

"Cool, parehas tayo."

Napasulyap ako agad sa kaniya nung sinabi niya 'yon. She's new here? But they way I looked at it, she doesn't look like she's having difficulties to communicate with other people. Hmm. Flexible fella.

"Anyways, saan ka magka-college?" tanong ulit nito. Medyo napatigil ako sa tanong niya kaya hindi agad ako nakasagot. Nginitian ko siya.

"Sa School na my College," sagot ko. Tinignan niya ako sandali at wala na siyang sinabi na kasunod. She probably thinks that I might have something in my mind earlier pero naisip niya rin siguro na hindi pa kami ka-close para i-open up 'yon.

Nakarating kami sa room nang walang nagsasalita sa amin. Nang dumiretso naman kami sa mga upuan namin, I saw Jane, my other seatmate, talking with someone in her phone. 

Hula ko nga, 'yong syota niya 'yon.

Tumikhim si Chord nang medyo malakas, sapat na para marinig ko at nung katabi ko. Napaharap naman agad sa amin si Jane at hinarangan ng kamay niya ang screen nung phone niya."Uy, andiyan na pala kayo. Dito kayo kakain?" Hinugot niya 'yong binalot niya mula sa kaniyang bag. Ngumiti siya. "Mabuti naman at may makakasabay ako." 

Inusog ko 'yung upuan ko at hinarap kay Jane. Sumunod naman si Chord sa ginawa ko at inusod din 'yung upuan niya.

I went down to a place in Bed Stuy
A little liquor on my lips
I let him climb inside my body
And held him captive in my kiss

"Oh my god." Napatingin agad ako kay Chord nang bigla siyang bumulalas. Nakatingin siya kay Jane at halata ang saya sa mukha niya. Tinaas niya ang kamay niya. "You listen to Halsey?"

"Yes yes. I love her." tugon naman nito at nakipag-apir kay Chord. Gusto ko sanang tumawa sa mga reaksyon nila pero mas pinili ko nalang na huwag na. Magmumukha pa akong baliw. Matulad pa ako sa dalawang 'to. Makakain na nga lang.

"Anyways, I'm Chord. And you are Jane, right?" wika ni Chord. Tumango naman si Jane. Edi siya na. Hindi ako magaling sa names kaya nung una kong pakikipag-usap kay Jane, natawag ko pa siyang Janina. My bad.

"Jane Cristobal. Ikaw 'yung babaeng hindi nakikinig kay Ma'am Inah diba? Pero ikaw pa 'yung nakasagot sa tanong niya," komento naman ni Jane sa inasta kanina ni Chord. Napakamot ito ng batok.

"Nakakahiya nga kay Ma'am Inah, e. Crush ko pa naman siya." Halos mabilaukan ako sa kinakain kong adobo. What?

"Crush mo, teacher? Tapos babae?" bulalas ko. Yeah, I know. She told me that she's a bi pero teacher? As in teacher? Napawasiwas naman si Chord sa ere ng kamay niya.

"Hindi, hindi. I mean, ang astig niya kasi mag-discuss. Talagang alam niya 'yong tinuturo niya at saka nagbabagsak siya. Fair siya siguro magbigay ng grades kaya nacha-challenge ako, " she replied. Napatango-tango nalang ako. Ina-idolize niya lang pala?

I went down to a place in Brooklyn
Where you tripped on LSD
And I found myself reminded
To keep you far away from----Ring!

Napatingin kaming tatlo sa Phone ni Jane nang may tumawag sa kaniya. The screen flashed the name Gail at agaran din naman 'yung sinagot ni Jane. Sinenyasan niya kami na aalis lang siya sandali para kausapin kaya tinanguan ko lang siya habang si Chord naman ay nag-thumbs up lang.

"Something's fishy..." saad ni Chord na nagpakunot ng noo ko habang nginangatngat 'yung manok.

"Ano naman 'yon?" tanong ko. Kinakain ni Chord ang hotdog na nakatusok sa tinidor niya, habang ang mga mata niya nasa dinaanan parin ni Jane kanina.

"Feeling ko may syota si Jane. At 'yon ay si Gail."

Ngumisi ako. "Obvious naman. Una ko kasing nakita siya na kausap niya 'yong Gail, iba na kislap ng mga mata niya." pagpapaliwanag ko, and that explanation earned me a long stare from Chord that made me uncomfortable.

Medyo....nakaka-conscious?

"You're talkative when the topic is all about your observations, huh?" she said. 

I flashed a smile and gestured my hand. "Slight lang." 

Napatango-tango siya at tinignan ako sa mga mata. "Then tell me about your observations with me, Reid." Aniya. Medyo nabigla ako sa pagka-agresibo niya, pero hindi ko na 'yon pinansin at tinignan ko nalang ang mga mata niya. 

Her eyes....are full of sadness. At hindi ko matukoy kung ano ang kinauugatan nito. Medyo kinilabutan din ako dahil parang ibang chills 'yong hatid sa akin ng mga mata niya. Pasimple ko siyang iniwasan ng tingin at kumain. 

What's up with this girl? She's really great at making me uncomfortable.

"Moody ka," untag ko nalang. Narinig ko siyang tumawa.

"I always get that a lot," tugon niya at pinagpatuloy narin ang pagkain. Maya't-maya rin naman ay bumalik na si Jane at nakipagkwentuhan sa amin habang kumakain. And mostly, tungkol kay Gail, sa syota niya. Harot ni ate.

Hindi nagtagal ay pumasok naman na ang kasunod naming Teacher.

"Good morning class." bati nito. And as usual, bumati rin kami pabalik. Isa siyang lalaki na medyo mahaba ang buhok, abot sa batok, at may mahabang pilikmata. He looks fine, and parang nasa late mid 30s na.

"Ako si Arnel Romulo, ang teacher niyo sa Personal Development. Bago ko simulan ang discussion, gusto ko munang kumuha kayo ng 1/4 sheet of paper at sagutan 'tong mga bibigkasin ko. Just rate yourself from 1 - 4. Very weak to very strong."

 Sumunod naman kami sa ginawa niya at kumuha ng 1/4. Akmang ilalagay ko na ang pangalan ko sa papel nang may dalawang kamay na ang humarang sa paningin ko.

"Pahingi." sabay nilang saad. I frowned at Chord and Jane before handing them both my sheets of paper. Mabait kasi ako.

(A/N: The questionnaire is really on the G11 module of Personal Development. Pahiram po muna hehe. At saka para sa mga readers, kung gusto niyo ring sagutan, Go lang. Tignan natin kung ano tingin niyo sa sarili niyo hahahah go back to reading na)

Sinabi lahat ni Sir Arnel lahat ng mga kailangan naming i-rate sa sarili namin. This activity is quite interesting kasi self-inventory siya, at sa tingin ko makakatulong din ito para mas lalo pang makikila namin ang sarili namin. After all, this is personal development.

"Pakiki-add ng scores niyo sa first four questions," wika ni Sir kaya sinunod naman namin siya. Nagsulat ako ng bracket sa papel ko mula one to four at isinulat ang score ko. Eleven.

"Sino rito ang may score ng 14 pataas?" tanong ni Sir. May ilang kamay ang nagtaas at tumango-tango lang si Sir saka niya pinababa agad.

"Sino naman dito ang may score na 10 to 13?" tanong niya. Isa na ako sa mga nagtaas ngayon pati si Jane. Sumulyap ako kay Chord at hindi siya nakataas. Siguro below 10 'yung score niya? Pinababa narin agad ni Sir ang mga kamay namin.

"Below 10?" tanong ni Sir. May ilang nagtaas, siguro mga lima. Lumingon ako kay Chord at nakatingin lang siya kay Sir Arnel. Ako lang ba o talagang hindi talaga nagtaas ng kamay si Chord? Baka naman hindi ko napansin na nagtaas siya sa bandang 14 pataas?

Hmm, baka.

"Okay, class. Ang first four questions ng activity na ito ay tungkol sa Physical Appearance. Ito ay ang tingin niyo sa pisikal na sarili niyo kaya nakakalungkot isipin na may mga below 10 pa. Gano'n na ba kababa talaga ang tingin niyo sa sarili niyo?" pagkwekwestyon ni Sir Arnel. 

Napatahimik naman ang klase. He has a point. The world has been full of people that are not contented with the features that God had bestow to them. Kaya kung mamaliitin nila ang itsura nila, para narin nilang kinwestyon ang Panginoon.

"Ikaw ineng, anong score mo sa first four questions?" tanong ni Sir Arnel sa isa naming kaklase. I think her name is Kylie.

"8 po." tugon nito.

"Oh bakit? Pwede mo bang sabihin sa amin?" tanong naman ni Sir. Tumayo naman si Kylie at huminga nang malalim.

"Pakiramdam ko po kasi, mas attractive tignan ang babae kapag maputi. E, hindi naman po ako maputi. Tapos po hindi rin ako gano'n katangkad kaya hindi ko po talaga naiisip na may dating ako para sa ibang tao," pagsagot ni Kylie. Tumango-tango naman si Sir Arnel at lumingon sa katabi na lalaki ni Kylie.

"Ikaw totoy, magkatapatan nga tayo," asik ni Sir Arnel at tinuro si Kylie. "Pangit ba siya?"

Halatang nabigla 'yong lalaki sa tanong ni Sir. Kung ako rin naman 'yung nasa posisyon nung lalaki, mabibigla rin ako. Napaka-casual kasi ng paraan ni Sir ng pagtatanong. Talagang mapapaisip ka na lang talaga sa isasagot mo. Mamaya kasi tinitrip ka lang.

"H-hindi po. Maganda nga po siya lalo na't morena siya" tugon naman nung lalaki kaya nagkaroon ng hiyawan sa room. Tumawa naman si Sir Arnel at pinatahimik ang room.

"Pag mga ganyan talagang usapan, napaka-active niyo 'no?" pang-aasar ni Sir Arnel kaya may ilan ulit ang natawa.

"Nasa first part pa nga lang tayo ng Self Inventory, at may mga nagbelow 10 na." Umupo siya sa gilid ng teacher's table.  "Ang 5 to 8 na questions ay tungkol sa Human Relations. 'Yong 9 - 12 ay ang inyong Intelligence, Character ang 13-16, Communications ang 17 - 20, at Maturity niyo ang 21 - 24." 

Nanatiling tahimik ang classroom at hinahayaan lang siyang magsalita. "Kung isusumatotal ang bawat scores niyo sa bawat kategorya, meron talagang mga parts diyan na may mga below 10, nasa 11 - 13, at 14 pataas. 'Yong mataas ay marahil sa tingin mo magaling ka sa ganitong larangan at 'yong iba naman ay sa tingin mo, hindi ka gano'n kagaling." 

"Pero, kung mapapansin niyo kanina nung tinanong ko 'tong si.." Lumingon si Sir Arnel kay Kylie nang nakalimutan niyang tanungin ang pangalan nito kanina.

"Kyla po." tugon ni Kyla. Oo. Kyla pangalan niya at hindi Kylie. My bad.

"Nung tinanong ko si Kyla kanina kung bakit below 10 'yong score niya sa first part, sinabi niya 'yung tingin niya sa sarili niya. Pero nung si Totoy na 'yung tinanong ko---"

Nagtawanan ang klase kaya medyo napatigil muna si Sir Arnel. Totoy ba naman kasi ang tawag. Nakakatawa pa tono niya. Parang ewan lang.

"Pero nung si Totoy 'yung tinanong ko," pag-uulit niya. "Sabi niya, maganda siya lalo na't morena siya. Do you get my point?" 

I'm getting the hang of it. Parang alam ko na kung ano ang ibigsabihin ni Sir.

"Our lesson for today is about your real self image and your social image. 'Yang Self Inventory na 'yan ay 'yong tingin niyo sa sarili niyo. At kung binigyan niyo ng score ang sarili niyo na below 10, may problema sa inyo." pagpapaliwanag ni Sir. 

Napansin ko namang yumuko 'yong ilang tumaas kanina na merong mga below 10. Naalala ko naman tuloy 'yong katabi kong hindi manlang nagtaas ng kamay kanina. Tinignan ko si Chord gamit ang gilid ng mga mata ko ngunit walang pinagkaiba ang reaksyon ng mukha niya mula kanina. Nakatingin lang siya kay Sir.

"Pero sa tingin niyo ba, kung ano ang tignin niyo sa sarili niyo, 'yon din ang tingin ng iba sa inyo? Doon na papasok 'yong Social Image. Alam niyo kasi mga kapatid, dito sa ating mundo, hati-hati talaga ang bawat opinyon natin. Magkakaiba tayo ng paniniwala at magkakaiba tayo ng depinisyon ng maganda at pangit," saad niya at tinuro si Kyla sa maganda at 'yong Totoy na tinatawag niya bilang pangit kaya nagtawanan na naman ang mga tao sa room, at isa na ako roon. Paano ba naman kasi, 'yong mukha ni Sir, talagang loko-loko. Bangag din, e.

"Subalit, lagi dapat nating tatandaan na dapat, kung ano man ang tingin sa atin ng ibang tao, hindi dapat ito makaapekto sa kung sino ka ba talaga. Katulad ngayon, may ilan sa inyo na merong below 10. Iisa lang ang ibigsabihin no'n, may problema sila sa sarili nila. Ito ang dahilan kaya tayo meron ng subject na ito. Personal Development," may diin niyang saad at ngumiti. "Para makilala mo kung sino ka, malaman mo kung ano ang mga kalakasan mo at mga kahinaan mo. And create mitigating procedures para magamit mo ang strength and weaknesses mo. " 

Hmm, he's not bad at all. In fact, masaya siya magturo. I'm looking forward for more sessions with this Teacher.

Puro tawanan lang talaga kami nung nag-discuss na siya. Talagang umabot pa sa punto na sumasakit na talaga ang tiyan ko pati mga pisngi ko dahil sa mga pinagsasabi ni Sir Arnel. Si Chord nga ay napapahampas na ng upuan at napapapalakpak na dahil sa sobrang tawa. Napakabilis ng oras at hindi rin namin na namalayan na kanina pa pala time kaya kumaripas paalis si Sir dahil late na siya sa susunod niyang klase.

Humarap naman ako kay Chord nang may ngiti sa mukha ko. Wala kasi Jane at may katawagan na naman. Hay. I've never been this happy dahil sa isang teacher. Ganito ba talaga sa University of Tallis? Hindi nga nagkamali si Mama na ipasok ako rito.

"Ang galing ni Sir Arnel no? Hindi lang siya basta patawa. May matututunan ka talaga!" bulalas ko. Nginitian naman ako ni Chord at tumayo.

"Cute mo," bati niya kaya napatigil agad ako at nawala ang ngiti sa 'king mga labi. Tumikhim naman siya at tumango-tango. "Tama tama," pagsang-ayon niya sa sinabi ko kanina at tinuro ang labas. "Magbabanyo lang ako. Pakikibantayan ng gamit ko. Baka kasi may manghalungkat, ano pang makita."

Napatawa ako. Lakas talaga ng toyo nito.

"Ayon talaga 'yong wino-worry mo? 'Yong may makita silang something sa bag mo na isang tingin palang, parang dinaanan ng bagyo," pang-aasar ko. Sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Sama mo!" reklamo niya at pangiti-ngiti habang umiiling. "O siya, magc-CR na ako. Ihiin kita riyan e."

"Eww! Alis na nga!" pananaboy ko sa kaniya. Tumatawa naman siya paalis. Ibinalik ko ang tingin ko sa upuan niya at nakita ko ang 1/4 na ginamit niya sa Personal Development kanina. Tinignan ko muna siya kung nasa banyo na siya. When I confirmed na wala na talaga siya, saka ko sinilip 'yong papel niya.

Nanlaki ang mga mata ko.

0 ang score ng Physical Appearance niya. 4 lang ang Human Relations. 16 ang Intelligence tapos 5 ang Character. 14 ang Communication at 6 naman Maturity. Bakit sobrang bababa halost lahat ng scores niya? At tanging intelligence at communication lang ang mataas niya? Ganito na ba talaga kababa ang tingin niya sa sarili niya?

Katulad ngayon, may ilan sa inyo na merong below 10. Iisa lang ang ibigsabihin no'n, may problema sila sa sarili nila.

I heard Sir Arnel's voice in my head nung nakita ko ang scores ni Chord. If what Sir Arnel said was true...

Binalik ko ang papel sa mesa ni Chord at siniguradong parang walang nangialam doon. Pumalumbaba ako sa upuan ko na parang walang nangyari at nginitian si Chord nang papalapit na siya sa pwesto namin dito sa likod.

Her eyes...her personality....every piece of her.....

She's a living contradiction, I swear.

#####

Hello! Natagalan ba ang Update? Sorry na hahaha. Para sa mga nagtatanong, introduction palang ng school life nina Eindreid at ni Tri-Bi Genius Chord itong mga nauunang chapters kaya talagang all about studying and ano pa siya. I just hope y'all can stick to the end na may natutunan sa bawat kabanata. I will not stick into bookish examples of course. There will come a time na ma-aaply niyo 'yan in the future.

Nagtry ba kayong magsagot dito? Comment your results below!

Thank you for reading!

- Chris Rolfe (AnimeAddict04)

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
151K 6.3K 154
wherein jisoo and taehyung are cowards when it comes to commitment, so for the sake of their friendship, they'd rather choose not to love and would b...
875 31 20
Under PaperInk Publishing House's "Girl's Love Collaboration" (COMPLETED) Life could never go too perfect. Teagan Dellava knew that and yet she striv...
12.4K 471 21
Some short suggestions and tips on how to improve and write your stories. This is also a reminder for me , in case I will write. If you want to becom...