Rebound

By lileunoia

53.6K 1.5K 346

Mika Reyes and Ricci Rivero Fan Fiction. Created: 01-02-18 Highest Rank - #1 animo #2 rivero #3 dlsu #3 mikar... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Epilogue

Chapter 47

774 31 18
By lileunoia

Mika

Nang magising ako ay nasa hospital bed na ako.

Anong nangyari?

"Gising ka na Ye! Guys gising na si Yeye!" sambit ni Andrei.

Marahan akong ngumiti sa kanila.

"Anong nangyari?" tanong ko.

Napailing naman silang lahat.

"Saan ang tama ko ng bala?" dagdag ko.

Umabante naman si Aljun at niyakap ako.

Huh?

"H-hindi ikaw ang natamaan ng bala.." nauutal niyang sagot.

Napakunot naman ang noo ko.

"Eh sino?" nagtatakang tanong ko.

Nagulat ako sa lakas ng pagkabog sa pinto at bumukas ito.

Kaagad namang napalingon si Denice nang nakita niyang may tumakbo papalapit sa akin.

"Ricci..." nanghihinang sambit ko.

Akmamg yayakap sana siya sa akin nang..

Nakarinig ako ng putok ng baril at napapikit na lang.

Salamat sa lahat.

"R-Ricci?" tanong ko.

Walang umimik sa kanila at dahan-dahan nang tumulo ang mga luha ko.

"I-imposible 'yun..." saad ko.

Bakit? Bakit siya pa? Kung pwedeng ako na lang naman 'diba?

"Nasaan na siya?" tanong ko.

Bumuntong hininga naman si Kib.

"Nagpapahinga na.." sagot niya.

A-ano?

"Gaga, hindi pa siya patay!" dagdag ni Ramil.

I sighed.

"Nasa kabilang room siy—"

Kaagad kong pinutol ang sasabihin ni Jeron.

"Pupunta ako doon" giit ko.

"Hindi pwede Mika, magpapagaling ka pa" suway ni Thomas.

Umiling naman ako.

"Okay fine! Tigas ng ulo. Kayong tatlo humiram kayo ng wheelchair dali!" utos ni Jeron kila Aljun.

Kaagad namang lumabas sina Kib at bumalik nang hingal na hingal.

Inalalayan nila ako para umupo sa wheelchair at dinala sa kabilang kwarto.

Bumukas 'yon at nakita kong lalabas sana si Brent ngunit napaatras siya at inalalayan akong tumayo palapit sa kanyang kaibigan.

"Ricci..." sambit ko at tuluyang lumuha ulit.

"Mahal ko? Kamusta ka na?" nanghihina niyang tanong.

Umupo ako sa tabi ng higaan niya at hinawakan ang kamay niya.

"Mahal ko.. huwag ka nang umiyak, nalulungkot ang Rivero loko mo" dagdag pa niya.

Lumabas muna ang mga tao sa kwarto pati na rin ang pamilya ni Ricci.

"Mahal 'ko..." nanghihina niyang sambit.

Iniangat ko ang ulo ko sa kanya at tinitigan siya.

Tinaas niya ang kanang kamay niya at itinapat 'yon sa kaliwang braso niya.

"D-Dito... dito tumama 'yung bala.." dagdag niya.

"Masakit pa ba?" tanong ko.

"O-Oo eh, pero kailangang tiisin. Naalis na kaninang umaga pero sariwa pa rin ang sugat" sagot niya.

Hinigpitan ko ang hawak ko sa kanyang kamay.

"S-sorry... nadamay ka pa. S-sana.. hinayaan mo na lang akong mabaril, babe..." nauutal kong sambit.

Napangiti naman siya ng konti.

"Ang sarap namang pakinggan 'yan" saad niya.

Nginitian ko siya at hinawi ang buhok niya.

We don't need to explain our feelings right now. Pareho lang din naman kami ng nararamdaman.

Kung dati mahal 'ko, inalagaan mo ako.. ngayon, ako na ang mag-aalaga sa'yo.

"Pasensya na kung sinaktan ka ni Denice ng ilang beses. Nagkamali ako ng pinili, mahal ko" giit niya.

I faked a laugh.

"Kapag mahal mo ang tao, tanggap mo kung sino o ano pa siya" sagot ko.

Inabot ng kamay niya ang mukha ko.

Napapikit ako sa sakit kaya inalis niya rin kaagad 'yon.

"Ang ganda mo pa rin talaga, ano?" giit niya.

"Nambobola ka pa talaga? Eh pareho na nga tayong nasugatan" sagot ko.

Ngumiti naman siya sa akin.

Kinuha niya ang kamay ko at ipinatong sa kanyang dibdib.

"Babe.. ikaw pa rin pala talaga" sambit niya.

Tinignan ko siya sa mga mata.

Tinignan ko kung nagsisinungaling siya.

Wala akong ibang nakita kundi katotohanan lamang.

"Babe, nagseselos ako tuwing nakikita at nalalaman kong magkasama kayo ng kapatid ko" saad niya.

"Babe, uulitin ko ang tanong ko noon ha? Masaya ka na talaga sa kanya?" dagdag pa niya.

Dahan-dahan akong tumango.

Napapikit na lang siya at pilit ngumiti.

"Babe, I'm so sorry sa mga nagawa kong kasalanan sa'yo" he said with sincerity.

Tumango naman ako sa kanya.

"Pinapatawad na ulit kita Ricci" tugon ko.

Tumingin kami sa pinto nang bumukas 'yon.

"Mika, kakain ka pa. Bumalik ka raw na sa kwarto mo" giit ni Andrei.

Tumango naman ako at tumingin kay Ricci.

"Magpagaling ka ha?" sambit niya.

Ngumiti naman ako.

"Ikaw din" sagot ko bago nagpaalam at lumabas na nang kwarto.

Dumiretso na ako ng kwarto at nakita ko si Mommy na nakaupo doon at hindi mapakali.

"Ma!" I smiled at her.

Napatayo naman siya at kaagad lumapit sa akin.

"Anak ko! Ano nangyari sa'yo?!" nag-aalalang tanong ni Mommy.

Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko at tinignan ang bawat sugat ko.

"Momny, okay na po ako" sagot ko.

Napailing naman siya at biglang lumuha.

Umupo ako sa higaan at niyakap niya ako.

"Anak naman eh. Mag-iingat ka lagi ha? Nako, Mika! Huwag na huwag mo nang ulitin 'yon. Pinag-alala mo kami ng Mommy mo" paalala ni Daddy.

Tumango naman ako sa kanila at niyakap sila pabalik.

"Siguro ate Ye, sa mga naging syota ng Rivero na 'yan. Ikaw lang matino, ano?" sambit ng kapatid kong lalaki at inabutan ako ng pagkain.

Inirapan ko muna siya bago ilapag ko sa mesa ang inabot niya sa akin at nagsimulang kumain.

Hindi ko pa nakikita si Rasheed ngayong araw. Nasaan na kaya siya? Kamusta na rin kaya siya?

Rasheed

Mommy calling...

"Hi Mom!" bati ko.

"Anak, gising na si Sahia after his operation!" tuwang sambit ni Mommy.

"Yes Mom! Papunta na po diyan!" giit ko.

Nakita ko namang tulog si Ahia sa sala.

Tinapik-tapik ko siya para gisingin.

"Op?" tanong niya.

"Tara na sa hospital Ahia, gising na si Ricci!" sagot ko.

Napabalikwas naman siya sa kama at kaagad inayos ang kanyang damit.

"Ako na lang magdadrive" giit niya at kinuha ang susi niya sa tapat ng TV.

Pagkarating namin sa hospital ay dumiretso kaagad kami sa elevator at kumaripas ng takbo papunta sa kwarto ni Ricci.

"Kamusta na?" tanong ni Ahia.

"Ayos na" sagot niya at ngumiti.

"Paanong hindi magiging ayos eh nag-usap na sila ni Mika kanina!" pang-aasar ni Brent.

"Gago!" singhal ni Ricci.

I sighed.

Gising na din si Mika?

"Anak, Dihia. Pakibili naman muna 'to sa Mercury Drugs, pwede?" giit ni Mommy.

Tumango naman ako at hiniram ang susi ng sasakyan ni Ahia bago bumaba.

Natatakot ako na baka iwanan lang ulit ako ni Mika.

Natatakot ako na baka kalimutin niya ulit ako dahil ayos na sila ng kapatid ko.

Natatakot ako na baka isang araw, hindi niya na ulit ako papansinin dahil magkakabalikan sila ulit ng kapatid ko.

Mika

"Ate. Okay na ulit kayo ni Kuya Ricci?" tanong ng kapatid kong babae.

Ngumiti naman ako sa kanya.

"Oo. Pinatawad ko na siya" sagot ko.

"Pinatawad mo dahil naaawa ka at binuwis niya buhay niya sa'yo?" tanong ng kapatid kong lalaki.

"Miko!" singhal ko.

Napailing-iling naman siya.

Pinatawad ko si Ricci ng buong puso..

Wala eh, mahal ko.

Pero hindi ibig sabihin nun ay babalikan ko na siya.

Masaya na ako sa kung anong meron ako ngayon.

Kailangan na muna naming buuin ang mga sarili namin at magsimula ng panibago.

Dumating naman ang mga teammates ko kaya lumabas muna ang pamilya ko.

"Ye!" tili ni Charleen.

Napatakip naman ako sa tenga ko.

"Cha!" suway ng mga kasama namin.

"Oo na. Naexcite lang!" Cha said in defeat.

"Kamusta na ang anak ko?" tanong ni Nanay Aby at niyakap ako.

"Nay! Huhu. Sobrang pinahirapan ako ng Denice na 'yon!" sagot ko.

"Alam mo ba nakakainis!" singhal ni Momo.

"Ang alin?" tanong ko.

"Eh paano, pinagtakpan ng DLSU ang issue na nangyari. Sinabi nilang injured sa braso si Ricci, nag-out of the country si Denice, tapos alam mo ba ikaw? Nag-out of town!" sagot ni Michelle.

Uh?

"Ayaw lang siguro nila magkaroon ng issue ang school natin. Pero nasaan na ba talaga si Denice?" saad ko.

"Kinasuhan nga siya, pero nakulong ng isang araw lang dahil alam mo na! Rich kid si ateng!" sagot ni Kianna.

"Pero suspended siya ng isang buwan" dagdag pa ni Ara.

"Yep"

"Oo nga"

"Buti na lang"

Sang-ayon ng iba pa naming kasama.

Napatango naman ako sa kanila.

"Kamusta na magkabilaang pisngi mo?" tanong ni Cyd.

"Mahapdi pa rin ng konti pero may pinapahid na ointment sa pisngi ko" sagot ko.

"Ang brutal talaga ng babaeng 'yon!" inis na sambit ni Justine.

"Sa pagkakaalam ko si Mika lang ang naging matino na babae ni Ricci" sambit ni Norielle Julia.

Tumawa at sumang-ayon naman ang mga kasama ko.

"Mga baliw kayo. Ganun din sinabi ni Miko kanina" saad ko.

"Oh 'diba! Sabi sayo eh!" giit ni Julia.

Continue Reading

You'll Also Like

445K 6.8K 81
A text story set place in the golden trio era! You are the it girl of Slytherin, the glue holding your deranged friend group together, the girl no...
9.6K 373 39
When she was teased by a man she never thought she would like, but didn't know that the man wanted her from the beginning. How long will they be able...
189K 8.7K 82
Isa Lamang Ordinaryong Dalagita Si Heavenia na mataas ang Pride,Matalino, Shunga, Maharot, Marupok,Pulubi Este Mahirap na nakapag-aral sa Isang mamah...
4.8K 293 34
This story is about Simon Marcos and Grace Smith they are just strangers who accidentally met and fell in love with each other. Simon Marcos is the...