The Guy In My Imagination(on...

By puzahnicat

709 8 2

SI Ysabelle Alcantara...simpleng babae na nangangarap na matagpuan ang perfect guy for her hanggang magkrus a... More

The Guy In My Imagination(on going..)
CHAPTER ONE
chapter two
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
Chapter 18

CHAPTER EIGHT

31 0 0
By puzahnicat

《《VIXIIMMXIV》》

♡♡♡CONTINUATION♡♡♡

...Malayo pa lang nakikita ko na siyang nakangiti sa akin..

lavas ang mapuputi nyang mga ngipin..sa ngiti pa lang nya nababaliw na ako

at nawawala sa sarili..nakakainlove talaga lalo ang paheart shape nyang face...

alam mo yun yung buhok nya parang nkapaheart..ang gwapo nya...

pagkalapit ko sa kanya biglang niya akong niyakap na parang wala ng bukas...

syempre hindi na nagpakipot ang lola nyo niyakap ko din sya ng todo..

pakiramdam ko safe na safe ako sa mga bisig nya..wala kaming pakialam

kahit pinagtitinginan kami ng mga tao...

inalis nya ang pagkakayakap sa akin at tinitigan nya ako sa aking mga mata

sabi nya.."mahal na mahal kita Ysabelle..palagi mo sanang tatandaan yan"..

"ako din naman mahal na mahal kita.." at naramdaman kong dahan dahang bumababa

ang mukha nya sa mukha ko kaya napapikit ako...mas masarap daw kasi ang kiss kapag

nakapikit ka....sino nagsabi??? napanuod ko lang sa tv...

this is it...mararamdaman ko na din kung paano makiss ng isang prinsipe...

1-2-3 eto na...biglang may humablot sa mamahalin kong buhok...mamahalin talagA..

(syempre shinashampoo at conditioner ko yan at hot oil kahit once a month noh)

ARAYY NAMANN!!! ansakit nun hahh...bakit ka ba nananabunot dyan?!

sabi ko habang pupungas pungas...

"Abahh Ysabelle Alcantara anong nangyayari sayo halos hindi na makahinga yang

kapatid mo sa higpit ng pagkakayakap mo", sabi ni inay...bigla akong napamulagat..

"ayy inay kayo po pala..hehe(ngiting aso).sorry...sorry...bunso hindi sadya ni ate.."

"ate..ate..grabe ka pong makayakap halos hindi na ako makahinga...tsaka ate bakit

nanghahaba yung nguso mo kanina..ganito oh(sabay haba ng nguso ni jethro)

napatingin naman ako kay inay sabay kamot ng ulo...ehehe...eh kasi baby namiss ka

ni ate ng sobra..(sabay yakap sa kanya.)..napanaginipan kasi kita eh..:))

"ahh talaga po ate...kaya pala"...akala ko pa naman nagdiday dreaming ka na naman eh

hahaha..parang ng isang araw lang.."sabi ni Jethro

"hoy...hindi ah..pinagsasabi mo dyan bunso kaw talaga kung anu-ano napapanuod

mo sa tv...namiss ka lang talaga ni ate...di ba nay?.":))

"hay naku...kumain ka na nga Isay..nalipasan ka na naman ng gutom kaya ka ganyan",sabi

ni inay sabay labas ng kwarto...

"at ikaw kala ko tulog ka na kanina pa"...sabay pisil ko sa pisngi nya

"arayy ko po ate magagasgasan ang mamahalin kong face.."

"ikaw talaga manang-mana ka sa kagandahan ng ate mo noh..napaka cute mo":))

sige na mauna ka na sa kitchen at magbibihis muna ang diosa mong kapatid..

pagtataboy ko sa kanya..paglabas ni Jethro ng pinto humarap agad ako sa salamin..

"Kainis akala ko pa naman totoo na..panaginip lang pala..tskk kainiss huhh.."

bakit ba palagi akong nabibitin..napanaginipan ko na naman yung guy na yun..

teka nga..kinuha ko yung susi sa drawer...

silip sa ilalim ng kama...sabay hila palabas ng antigo kong baul..

eto ang aking baul ng kayamanan...punong-puno ito ng ginto...Kaya may susi pa..

ginintuang ala-ala ng nakalipas...(kala mo gold bar na noh)

sa panahon ngayon may ganito pa???

yes kahit "2014 " na meron ako nito...minana pa ito ni itay kay Ingkong..

panahon pa ito ng kastila kaya super antique na ito..magkanu kaya ito kung ibebenta ko?:)

Ang baul ni Ingkong..Mahiwaga daw ang baul na ito...sa gabi may lumalabas dito..bwahaha

Waahh..ano ba yan kung anu-ano naiisip ko kinikilabutan tuloy ako...pagbukas ko..

kriiiiikkkkk!(tunog yan pagbukas ko ng baul)

kala mo may lalabas na halimaw sa baul dahan-dahan pa ako...

"aahhh..",tili ko napalundag pa ako sa gulat.."ano ba yan kakagulat

naman itong picture ni Ingkong nakangiti pa sa akin...may nakapatong pang putol

na kamay...parang ashtray na kahoy..akala ko may putol na kamay talaga...

Hanep din si Ingkong ha kung makasmile "wagas"..pero magandang lalaki pala si Ingkong

kamukha din ni tatay..kaya pala may pinagmanahan talaga ako ng ganda walang duda.

(walang duda sa kapal ng face...:D )

tamang halungkat lang sa laman ng baul...saan ba yun?

nakita ko na naman yung mga pictures namin ng nabubuhay pa si tatay..

ang saya-saya namin noon...lalo kapag namamasyal kami sa park..nagbabike..

kumakain ng ice cream at cotton candy na blue ang color...favorite ko talaga yun..

tapos magpapalipad kami ng saranggola ni tatay tapos kapag matayog na ang lipad ng

saranggola hihiga kami sa damuhan habang pinapanuod ito...

Tapos sasabihin nya sa akin.."Anak, paglaki mo magiging kasing tayog ka din ng saranggola

na iyan...titingalain  ka din ng mga tao...kahit simple...at mahirap ka ikaw ang magbibigay ng

kaligayahan sa mga tao sa paligid mo..dahil naiiba ka sa lahat anak...kaya kahit gaano

kahirap ang buhay natin huwag mong ikakahiya..dahil ang katulad mo  mas mahalaga pa

kesa sa isang ginto..hindi mapapantayan ng salapi ang halaga mo."

huhu itay...namimiss na kita..sobra-sobra...sabay yakap sa picture namin..

Pero tay...huwag ka pong magpapakita sa akin ngayon...takot po ako sa mumu..huhu

please itay..huwag po ahh...tama ng sa picture lang kita makita..pizz..T.T

Totoo kaya yung sinabi ni tatay..ako titingalain ng mga tao???

hahah malamang dahil nakasabit ako sa puno nakabigti..o baka dahil may second  floor

na ang bahay namin...hayy sakit sa ulo...labo naman..

(after 1hour ng pagrereminisce sa past)

ayownn nakita din kita ang kauna-unahang master piece ko..:))

Ang first drawing ko..ang mukha ng aking prinsipe sa panaginip...

pinalaminate at pinaframe ko pa yan talaga para di masira at anayin..

Grabe ang gwapo nya talaga...biruin mo matagal na panahon bago ko mabuo yung

itsura niya,,, kasi pagkagising ko nakakalimutan ko talaga yung face nya...

kaya ng nabuo ko itong picture nya pakiramdam ko nagchampion ako sa sinalihan kong contest..

..Hay sana totoo ka nalang noh at hindi imagination lang...habang hinahaplos ko yung

picture ni Mr.UK(unknown)..

Sana parang sa "frog prince" na kapag hinalikan nagiging prinsipe o kaya yung

tipong si "Machete" nabubuhay sa gabi..ikaw kaya paano ka mabubuhay???

Hay kakaloka ka...mabuhay ka na kasi para masaya..:D

Napakadami ko na palang nagawang sketch..eto nalang siguro ipapasa ko bukas

sa tito ni Marie...At ikaw Mr.Uk isasabit na kita dyan sa may dingding para pagdilat ko

ikaw agad makikita ko..hindi bagay sayo ang nakatago..yang ganyang pagmumukha

dapat nakabalandra sa bawat sulok ng bahay...(tamang kausap sa picture)

♥ARAW NG SABADO♥

..hahummm..hay ang sarap matulog kung ikaw ang nasa panaginip...at ang sarap gumising

kung pagdilat ng tantalizing eyes ko ikaw agad ang makikita...My prince..;)

Inat..inat...konting stretching muna habang nakaharap sa salamin...pakanta-kanta..

...

Ang isip koy litong- lito...hindi ko alam ang gagawin..

hirap ako sa paghuli ng iyong pansin..

Kapag kinakausap ka dibdib koy kakaba-kaba

Pati ang tuhod koy nanginginig na rin..

Hayan na ngat sumulyap na ang mapupungay mong mata

kasalanan ko ba ang mapatulala...

ha-ha-ha Mr.Dreamboy...Mr.Dreamboy...

"bwahahahaha".. biglang may humagalpak ng tawa

"ayy..palakang puyatt!". Anong ginagawa mo dito??? Paano ka nakapasok sa kwarto ko???

sunod-sunod na tanong ko..at siya nakatingin lang at todo smile...

"Ang ngiting yan..parang pamilyar sa akin..sabay kagat sa labi ko

..wait...wait..tama panaginip lang ito..Imposibleng mapunta ka sa kwarto ko..

sabay lapit ko sa kanya..kurot sa pisngi nyang mamula-mula....pindot sa ilong nya...

grabe antangos...siya naman nakatingin lang sa akin...

Sabay haplos ko sa mukha nya...ang gwapo mo pala sa panaginip...perfect!

Ang hahaba talaga ng eyelashes mo..kakainggit...Panalo!

Grabe sana naging panaginip ka nalang talaga Herodes..

Now i know kung bakit ka nakuhang model ng boutique na yun..

Hindi nga sila nagkamali..May laban ka tsong..

Oppss...huwag kang magsasalita dyan  panaginip ko ito

(sabi nga ni Steffie Cheon bawal daw magsalita sa panaginip ng iba)

....

Infairness...ang ganda ng mga mata mo..kung tititigan ka pa lang mabuti ang amo

ng mukha mo...hindi ka naman pala mukhang impakto....grabeh kapag ganyan

ka baka mainlove pa ako sayo...ang bango-bango mo(singhot..singhot..)

para kang rugbie..nakakaAdik ka.. Try ko ngang yakapin ka kung masarap din..

Hmmmmm...bakit pakiramdam ko parang safe na safe ako sa bisig mo?"

hayyy...panaginip...grabe ka..sarap matulog....bukas balik ka ulit hah..

Sabay hila ko sa kanya pahiga ng kama...niyakap ko sya ng todo...parang

ayoko na tuloy gumising kapag ganito...

(after 2 hours ng pantasya ni Isay..)

dilat..pikit...dilat..pikit..tamang excercise sa mata....eto gising na talaga ako...

Sabay tingin sa wall clock..abah 10 am na pala napasarap ang tulog ko..

tinanghali na ako ng gising...ganda ng panaginip ko...Winner!:))

mabuti hindi ako ginising ni nanay kanina...

Grabe bakit nasa panaginip ko si Herodes??? ibig bang sabihin iniisip ko sya???enggkk.. malabo!

may crush ako sa kanya???ngakk ngakk..lalong malabo yan men..never ko magugustuhan

yung panget na yun..NEVAAHHH EVAAHh EVAAAHHHH!...

pero bakit kakaiba yung pakiramdam ko kanina..

parang totoo sya talaga eh..hayyy...gutom lang ito Ysabelle...oo tama gutom lang ako..

deretso labas ng kwarto...walang suklay-suklay...

"good morning po nay..",bati ko.."a-anak saglit lang.."sabi ni nanay

pero dere-deretso ako sa kusina para magtimpla ng kape...

"wow..bacon...egg...hotdog...at sinangag..kagutom ang sarap ng almusal..pangmayaman!:))

"grabeh kakaiba ang araw na ito..ang sarap ng tulog ko...ang ganda ng panaginip ko..tapos

pagkagising ko ang sarap pa ng almusal..."

paghigop ko ng kape biglang may nagsalita sa likod ko..

"tapos gaganda pa lalo araw mo kapag ako ang kasalo mo sa pagkain.."

"ayyy...palakang sinabawan!"..bigla kong nabitawan yung tasa ko ng kape...

"aarayy...waaaahhhh....ang initt..."..wait lang..wait lang..panaginip ba ito??

sabay sampal sa pisngi ko..."awww...masakit sya..lalo na yung paso ko..T.T

"Ano bang ginagawa mo dyan...halika nga maupo ka dito ayan napaso ka tuloy...", sabi nya

kurap-kurap...kusot ng mata..pisil sa pisngi nya.."Arayy..ano bang ginagawa mo Ysabelle?"

"totoo ka...hindi ka panaginip??..nasa harapan talaga kita?

"bakit anong akala mo sa akin multo...guni-guni?"sabi nya

"Anak anong nangyari sayo?"..ah ehh...nabitawan ko po yung tasa nay..napaso ako..:((

"Nay..hindi ba ako nananaginip?"..sabay iling ni nanay

Sabay suri sa sarili ko...nakapantulog pa ako ng manipis..sabay kapa sa dibdib ko..

Oh no..wala akong bra...waahh....

ibig sabihin hindi ako nananaginip....hindiii!!! sabay takbo sa cr...grabe kakahiya...

"higupin mo na ako doro waaahhh...oppsss !!wait joke lang...ayoko makasama ang mga poopoo..."

"ahhh...grabe naman mukha akong bruha hindi pa ako naghihilamos at toothbrush...

wala pang suklay-suklay..

Tapos nakita niya akong nakapantulog ng manipis...walang bra..

At bakat pa ang panty kong pula..(nakakahiya ito...)

pero teka anong ginagawa  niya dito sa amin..

Paglabas ko ng cr takbo ako papunta sa kwarto ko para magbihis..

Nadatnan ko silang nagtatawanan ni nanay..grabe ang saya niya...

Malamang pinagtatawanan ako nito sa isip nya..

"Anong ginagawa mo dito...pano mo nalaman

kung saan ako nakatira.",pagsusungit ko sa kanya

"bakit masama bang pumunta dito para makikain?",sabi nya

"Anak...kalma lang..Ako nag invite sa kanya dito..

Dito din sila nakatira sa Subdivision na toh sa may dulo sila..

hindi mo ba siya nakikita??Siya yung sinasabi ko sayong binata na tumulong sa akin

minsan at nakilala ko sa simbahan...

Sabagay hindi ka naman kasi pala labas ng bahay eh...

magkaklase pala kayong dalawa..at boyfriend mo na pala tong

si Jasper hindi mo sinasabi..."dugtong pa ni nanay

"Ano...Ano pong sabi niyo??"hindi po...

""don't worry anak okay lang naman mag boyfriend ka tsaka kilala ko naman yang

si Jasper..tsaka nasabi na niya sa akin lahat-lahat...sabi pa ni inay

Ano daw sabi??.etong herodes na to boyfriend ko?..kailan pa??

Bakit hindi ko maalala...nagkaamnesia ba ako ng naging kami??

pakiexplain..

itutuloy......

pasensya na po kung now lang ulit nakapag update at dahil independence day gift ko na sa inyo yan..thanks sa mga nagbabasa at nagsshare sa iba ng story ko...pinagpray ko pa yan before ako magsulat..kasi ayaw gumana ng imagination ko..

thanks God sa wisdom and knowledge..

..

tag-ulan na naman..palaging magdala ng payong para hindi mabasa ng ulan at huwag lumusong sa baha lalot alam nyong may sugat kayo sa paa.huwag matigas ang ulo..

Higit sa lahat ugaliing magdasal sa lahat ng pagkakataon para safe..

God bless us...

time check,.3:45 am..

tulugan nA..I love you all...

meowwnight..

Continue Reading

You'll Also Like

370M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
4.8M 135K 75
[FILIPINO] HIGHEST RANKING| ROMANCE #3 08|18|19 Last year na ni Clay sa isang sikat na University sa Maynila. Napagaral at napagtapos nya ang kanyang...
61.3K 1.8K 51
What will you do if you end up in someone else body?