The Good Girl's Revenge (Publ...

By blue_maiden

176M 3.9M 1.6M

[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang mot... More

Prologue
Chapter 1: Welcome back
Chapter 2: Broken
Chapter 3: Breaking up
Chapter 4: Hidden feelings
Chapter 5: Big Brother
Chapter 6: Goodbye to you
Chapter 7: Half brother
Chapter 8: Queen bee's plan
Chapter 9: I'm coming home
Chapter 10: Dead and gone
Chapter 11: We meet again
Chapter 12: Selos much
Chapter 13: Threat
Chapter 14: Ex boyfriend
Chapter 15: Manliligaw
Chapter 16: Love and Anger
Chapter 17: Mystery girl
Chapter 18: 5th member
Chapter 19: Ginno
Chapter 20: Candice day
Chapter 21: Surprise gift
Chapter 22: Stranded
Chapter 23: Stuck with each other
Chapter 24: School project
Chapter 25: May The Best Woman Win
Chapter 26: Hello Korea
Chapter 27: Jeydon's reason
Chapter 28: My Sacrifice
Chapter 29: Her other side
Chapter 30: Second chance
Chapter 31: Miracle
Chapter 32: Wide Awake
Chapter 33: Confrontation (Part 1)
Chapter 33: Confrontation (Part 2)
Chapter 34: Letting go
Chapter 35: Reunion
Chapter 36: APAT
Chapter 37: Father and Son
Chapter 38: Truth
Chapter 39: Queen Bee's day
Chapter 40: Who and where?
Chapter 41: Independent
Chapter 42: Magical
Chapter 43: Late night convo
Chapter 44: Goodbye, Sweet Angel
Chapter 45: Reunited (Part 1)
Chapter 45: Reunited (Part 2)
Chapter 46: Abducted
Chapter 47: Mickey Mouse
Chapter 48: Stella & Bunny
Chapter 49: Tragedy
Chapter 50: He's Gone
Chapter 51: Grandmother
Chapter 52: Battle for love
Chapter 54: Love or Hate
Chapter 55: Make a Wish
Chapter 56: Road to Forever
Chapter 57: The Heir
Chapter 58: The Choice
Chapter 59: Graduation Ball
Chapter 60: Goodbyes
Epilogue (1st part)
Epilogue (2nd part)
Author's Note
Playlist
The Good Girl's Revenge book!

Chapter 53: Win or Lose

2.1M 51.4K 34.3K
By blue_maiden

Ang ingay. Para akong nabibingi sa sobrang lakas ng sigawan. Puro tili ng mga babae 'yong naririnig ko. Konti na lang, mapuputulan na sila ng ugat sa leeg. Hindi ko naman sila masisisi dahil gwapo naman talaga sina Jeydon at sina Lucas.

Halos hati rin 'yong mga sumusuporta sa Badburn at Phoenix. Para sa Badburn fans, nakasuot sila ng shirt na kulay blue at sa Phoenix naman, shirt na kulay yellow. Si Tiffany, syempre naka-blue para kay Troy, pati na rin si Menchie para kay Blake. Si Abby naman ay naka-yellow para kay Marky. 'Yong Powerpuff Girls naman ang cheering team namin ngayon. Naka-yellow rin silang lahat. Kasali kasi si Edward sa Phoenix at syempre, todo-suporta sa kanya 'yong girlfriend niyang si Blossom. Si Six naman ay kasali sa Phoenix at balita ko, sila na ni Bubbles kaya naka-yellow siya. Si Anne naman, naka-yellow rin siguro para pareho-pareho silang tatlo. Si Stacey naman ay nag-blue dahil kasali si Edward sa Phoenix.

Ako? Green na shirt 'yong sinuot ko, combination ng blue at yellow. Pareho ko kasi silang sinusuportahan.

"Let us welcome the Badburn Basketball Team!" pag-announce ng emcee. Grabe na naman 'yong mga sigawan ng tao.

"Go, Badburn!" sigaw nila.

"Number 23, Charles Gonzales!" Lumabas si Kuya tapos todo-hiyaw sila. Aba syempre, hindi ako papatalo.

"Go, Oppa! Hwaiting!" sigaw ko. Dahil wala na si Juan Paulo, si Kuya na 'yong substitute para sa kanya.

"Number 16, Blake Fuentabella!" Pagkalabas na pagkalabas ni Blake, todo-support na sa kanya si Menchie.

"Go, MM!" Lumingon sa kanya si Blake tapos kinawayan niya si Menchie. Tiningnan ko silang dalawa at napagtanto ko lang na bagay talaga sila. Hindi ko man lang naisip na magjowa pala sila ni Blake. Ang galing nila magtago.

"Number 1, Ginno Reyes!" Todo-cheer din sila kay Ginno. Nakita ko si Margot sa kabilang side at nag-cheer pa rin siya kay Ginno. Tiningnan ko si Stacey at nakangiti lang siya.

"At number 27, Troy Mendoza!" Number one fan talaga ni Troy si Tiffany. Grabe, talo pa niya 'yong buong gymnasium sa sigaw niya.

"Go, Boo! I love you!" sigaw ni Tiffany. Tumingin sa kanya si Troy tapos nag-flying kiss siya. Kilig na kilig naman si Tiffany at panay hampas siya sa 'kin.

"Last but not the least, number 12, Shawn Lucas Dela Fuente!" Paglabas ni Lucas, aakalain mong may lumabas na artista. Lalo siyang pumogi ngayon. Kita kasi 'yong braso niya at ang macho pala niya ha. Ngayon ko lang napansin.

"Hoy, Bee! Mag-cheer ka kay Shawn!" sigaw sa 'kin ni Stacey.

"Ay, oo nga 'no?" Hinintay ko na tumingin dito si Lucas tapos sumigaw ako."Go, Lucas! Go, Badburn!" Ngumiti sa 'kin si Lucas at grabe 'yong tingin niya sa 'kin, nakakatunaw.

Bakit ang gwapo ni Lucas?

"Now we're going to introduce the Phoenix Basketball Team!" Pagkasabi pa lang no'n, sigaw na naman nang sigaw 'yong mga tao. Lalo na ang Powerpuff Girls.

"Number 39, Edward Sy!" Si Blossom, todo-cheer. Tiningnan ko si Stacey sa reaksyon niya at parang diring-diri siya kina Blossom at Edward. Hindi na 'ata mawawala 'yong hatred niya sa dalawa.

"Go, babe!" Habang sinisigaw niya 'yon, nakatingin siya kay Stacey at parang nang-aasar pa.

"Aba, sasabunutan ko 'yang retokadang 'yan e!" Pinigilan na lang namin siya. "Pasalamat siya, hindi ko pumapatol sa pangit," hirit pa niya.

"At number 89, Six Arrelano!" Aba, itong si Bubbles, lume-level kay Tiffany sa pag-cheer ha. Pinagmasdan ko sila. Mukhang bagay naman sila.

"Next, number 26, Travis Mendoza!" Paglabas niya, akala ko lumabas ulit si Troy. Magkamukhang-magkamukha sila e Magkasunod pa sila ng number ni Troy.

"Go, Travis!" sigaw ni Tiffany. Napatingin sa kanya si Stacey. Napatingin din kami sa kanya. "O, bakit ganyan kayo makatingin?"

"Why cheer for him, sister?" tanong ni Stacey.

"Ate, kapatid siya ng boyfriend ko. Isa pa, kaibigan ko siya." May point naman siya roon pero kakaiba pa rin 'yong tingin sa kanya ng kapatid niya. Ano kayang problema?

"Number 41, Marky Lim!" Paglabas ni Marky, nag-cheer kami sa kanya, lalo na si Abby. Naisip ko lang, dahil wala na ngayon si Ginny, pwede na kaya ulit sila ni Abby?

"And last but not the least, number 8, Jeydon Lopez!"

Grabe 'yong sigaw ng mga tao no'ng lumabas si Jeydon. Hindi ko sila masisisi dahil he is so damn hot. Sa suot niya na jersey, halatang-halata ang well-built niyang katawan.

Hindi ko nakalimutan na i-cheer siya. "Go, Jeydon!" sigaw ko. Hindi ako gumawa ng banner kasi naisip ko si Lucas. Baka isipin niya, mas pinapanigan ko si Jeydon at alam ko na masasaktan siya no'n. "Go, Phoenix!"

Lumingon sa 'kin si Jeydon at tumingin agad siya sa 'kin. Nag-sign siya ng puso papunta sa 'kin. Maingay 'yong buong gymnasium pero kita ko sa bibig niya na nagsabi siya ng 'I love you' sa 'kin.

Oo, kinilig ako pero mas kinilig 'yong mga katabi ko. Ayan, todo-hampas na naman ang inabot ko.

"Players, get ready!" sigaw ng emcee.

Nag-form agad sila sa gitna. Sina Lucas at Jeydon 'yong nasa gitna para mag-jump ball. Pareho silang captain ng team.

Pagpito ng referee, hinagis niya agad 'yong bola at sabay na tumalon sina Jeydon at Lucas. Naunang tumama 'yong kamay ni Lucas sa bola kaya nasalo 'yon ni Ginno.

Nasa Badburn 'yong bola.

Hawak ni Ginno 'yong bola at si Six 'yong nagbabantay sa kanya. 'Yong mag-best friend, nagtapat. Pinasa niya 'yong bola kay Troy. Hindi masyadong makagalaw si Troy dahil maganda 'yong pagbabantay sa kanya ng kapatid niyang si Travis. Pinasa niya 'yong bola kay Kuya Charles. Si Marky naman 'yong nagbabantay sa kanya. Akala naming lahat, maishu-shoot ni Kuya 'yong bola pero fake lang pala. Imbes na i-shoot niya, pinasa niya 'yon kay Lucas. Dahil hindi nila inaasahan 'yon, mabilis na nakawala si Lucas kay Jeydon at dali-dali siyang nag-lay up.

Two points para sa Badburn.

Todo-cheer na naman ang mga tao. Nagkatinginan sina Lucas at Jeydon, at masama na naman 'yong tingin nila sa isa't isa.

Nasa Phoenix na 'yong bola, dala-dala ni Travis. Pinasa niya 'yong bola kay Edward at si Blake 'yong nagbabantay sa kanya. Hindi makahanap ng tamang tyempo si Edward kaya pinasa niya 'yong bola kay Marky. Nagulat kami no'ng hinagis lang ni Marky 'yong bola papunta sa ring. No'ng malapit na sa ring 'yong bola, biglang sumulpot si Jeydon at tumalon siya nang sobrang taas tapos nag-slam dunk siya.

Lahat kami, namangha roon. Puno na naman ng ingay 'yong buong gym. Two points na rin para sa Phoenix.

Nagkatinginan na naman 'yong dalawang captain. Ngumisi si Jeydon sa kanya at nabasa ko sa bibig niya na may sinabi siya kay Lucas. "Beat that, Shawn." Ang sama ng tingin sa kanya ni Lucas. Mukhang nagkakainitan na sila. Pasaway talaga.

Nabalik ulit 'yong bola sa Badburn. Si Ginno Troy 'yong nagdala ng bola. Pagdating nila sa kabilang side, pinasa niya 'yon kay Blake at dahil mas malaki sa kanya si Edward, pinasa niya kay Lucas 'yong bola. Nagtapat na naman 'yong dalawa. Swabe 'yong pag-shoot ni Lucas ng bola sa three-point line dahil hindi siya pinigilan ni Jeydon. Akala kasi niya, fake lang 'yong gagawin ni Lucas pero hindi pala.

Three points para sa Badburn, five points in total, at two naman para sa Phoenix. Lamang na sina Lucas.

Hinarap ni Lucas si Jeydon at gumanti siya ng pang-aasar. Hindi ko sila marinig sa ingay pero nalalaman ko 'yong sinasabi nila sa pagbukas nila ng mga bibig nila.

"Ang dali no'n," sabi ni Lucas. Natawa si Jeydon.

"Pinagbigyan lang kita. Hindi ka na makakaulit. Asa ka pa," sagot niya.

"Tignan natin." Lumapit si Lucas sa kanya, gano'n din si Jeydon. Inawat na lang sila ni Marky.

"Mukhang hindi lang bola 'yong pinag-aagawan no'ng dalawa, pati 'ata puso ni Candice," singit ni Stacey. Tumawa tuloy sina Tiffany.

"Tumahimik ka nga, Bee," sabi ko. "Manood na lang tayo, okay?" Tumawa na naman sila. Ako na naman nakita nila. Pambihira.

Pagbalik ng bola sa Phoenix, madali lang ulit silang nakapuntos. Halos buong second half nga yata, sina Jeydon at Lucas lang 'yong pumupuntos. Parang laban lang nilang dalawa 'to. Kada-pupuntos si Lucas, babanat ng pang-aasar si Jeydon. Gumaganti naman si Lucas kapag siya 'yong pumupuntos. Sumasakit nga lang 'yong ulo ko kapag nakikita ko silang nagbabangayan. Alam ko naman na may kinalaman ako roon. Dati, dahil sa 'kin kaya sila nagkaayos. Ngayon, dahil ulit sa 'kin, kaya naman sila nag-aaway. Minsan pakiramdam ko, ako na lang palagi 'yong dahilan ng problema.

Half-time break na. Lamang ang Badburn laban sa Phoenix.

Lumapit sina Tiffany at Menchie sa Badburn. Si Abby naman, do'n sa Phoenix pumunta. Kami ni Stacey, naiwan lang sa pwesto namin. Ayoko pumunta sa isa sa kanila dahil ayokong isipin ng isa na may pinapaboran ako.

"Anong feeling ng pinag-aagawan ng dalawang gwapong lalaki?" tanong ni Stacey. "Haba talaga ng hair mo, Bee. Putulin natin tapos kabit mo sa 'kin," pang-aasar pa niya.

"Akala mo masaya? Sakit lang sa ulo," sagot ko.

"Bakit naman?" nagtataka niyang tanong

"Dahil kapag pumili ka sa isa sa kanila, masasaktan 'yong isa, at 'yon ang ayokong mangyari. Ang masaktan kahit isa lang sa kanila."

"Hindi mo maiiwasan na may masaktan sa kanila. Ang kailangan mo lang, magpakatotoo sa sarili mo." Napatingin ako kay Lucas tapos kay Jeydon. "Alam kong si Jeydon 'yong mahal mo pero aminin mo rin na mahal mo na rin si Lucas kaya ka nahihirapan, kaya hindi ka makapili sa kanila."

Natigilan ako kasi alam kong tama 'yong mga sinabi niya. Magsasalita pa lang sana ako pero tumunog na 'yong buzzer. Simula na ng second half.

Hawak ng Badburn 'yong bola. Si Ginno na naman 'yong nagdala ng bola dahil siya ang point guard ng team. Pinasa agad niya 'yong bola kay Troy. Nag-turnover siya kay Travis tapos pinasa niya kay Kuya Charles 'yong bola. Nag-gorilla dunk, este, slam dunk din siya. Ang lakas na naman ng hiyawan ng mga tao.

"Kuya ko 'yan! Woohoo!" sigaw ko. Napatingin sa 'kin sina Stacey. Ako lang kasi 'yong maingay sa side namin. "Go, Badburn!" mahina ko nang sabi.

Bumalik na ulit kami sa panonood. Sa Phoenix naman 'yong bola. Si Travis 'yong nagdala ng bola papuntang kabilang side. Pakiramdam ko, may namumuo ring tensyon sa pagitan ng dalawang magkapatid na 'to. Pinasa ni Travis 'yong bola kay Edward. No'ng nasa kanya na 'yong bola, naagaw ito ni Blake sa kanya.

"Oh my gosh! Bakit pa kasi sinali sa Phoenix 'yang Edward na 'yan? Siya ang magpapatalo sa team nila," sabat ni Stacey. Buti na lang talaga at malayo sa 'min 'yong Powerpuff Girls kaya hindi 'yon narinig ni Blossom.

Dahil sa steal na yon ni Blake, nakapuntos na naman ang Badburn. Sampu na tuloy 'yong lamang nila. At mukhang pagod na si Jeydon.

Nagpahinga muna si Jeydon tapos pumalit sa kanya si Mir, 'yong dating taga-Section Eleven.

Nakaramdam ako ng gutom kaya nagpaalam muna ako sa kanila na pupunta muna akong canteen para kumain.

Habang naglalakad ako sa corridor, biglang tumayo 'yong mga balahibo ko. Pakiramdam ko, may nakatingin sa 'kin. Binilisan ko na lang 'yong paglalakad ko. No'ng nando'n na ako sa canteen, bumili agad ako ng sandwich at juice. Walang masyadong tao rito kasi lahat sila, nando'n sa gymnasium. Kumain lang ako nang kumain. Sa sobrang gutom ko, bumili pa ulit ako ng sandwich.

"Wahh!" Napatalon ako dahil may humawak sa braso ko. Tiningnan ko agad kung sino 'yon at si Margot lang pala. "Tinakot mo ako."

"Pasensya ka na, Candice." Umupo siya sa tabi ko. "'Wag kang mag-alala. Nagbago na ako at isa pa, wala akong sakit sa ulo."

"Alam ko naman 'yon, Margot. Nagulat lang talaga ako. Bakit ka nga pala nandito?"

"Sinundan talaga kita rito." Posible kayang siya 'yong nakatingin sa corridor kaya ako kinabahan? "Gusto talaga kasi kitang makausap."

"Oo nga pala. Pasensya ka na at hindi na tayo nakapag-usap. Ang daming nangyari e."

"Okay lang. Naiintindihan kita." Hinawakan niya 'yong kamay ko. "Candice, patawarin mo ako sa mga nagawa ko sa 'yo noon. Alam kong ang laki-laki ng naging kasalanan ko kaya sana ay mapatawad mo pa ako. Nagsisi na ako sa lahat ng nagawa ko. I'm sorry." Ngumiti ako at hinawakan ko rin 'yong kamay niya.

"For you to be happy, you should learn how to forgive." Napatingin ako sa langit dahil naalala ko siya bigla. "'Yan 'yong sabi sa 'kin ni Papa noon. At simula no'ng namatay siya, tinatak ko na sa puso at isip ko 'yong sinabi niya na 'yon. Kaya pinatawad na kita." Lumapit sa 'kin si Margot tapos niyakap niya ko.

"Salamat, Candice. Salamat."

Tama talaga si Papa. Kailangan mong matutong magpatawad dahil hindi ka tuluyang magiging masaya kung may galit ka pa sa puso mo.

Tumunog na naman 'yong buzzer. Fourth quarter na. "Babalik na ako roon. Tara?"

"Mauna ka na. Kakain na muna ako rito." Ngumiti ulit ako tapos naglakad na ako pabalik. Pero hindi pa ako nakakalayo, hinabol ako ni Margot tapos pinigilan niya ako.

"May problema ba?"

"Candice, mag-ingat ka ha," seryoso niyang paalala sa 'kin.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"Si Stella, hindi pa siya nahuhuli. At kilala ko siya kaya alam kong hindi siya titigil hanggang hindi niya nakukuha 'yong gusto niya. Kaya please, mag-ingat ka."

"Salamat, Margot. 'Wag kang mag-alala, mag-iingat ako."

Habang naglalakad ako pabalik, naisip ko si Stella. Nasa'n na kaya siya? Sana mahuli na siya para mapagbayaran niya 'yong pagkamatay ni Paulo. Kapag nagpakita siya sa 'kin, handa ako at hindi ako magpapatalo sa kanya. Wala na 'yong mahinang Candice.

Pagbalik ko sa gym, nagulat ako kasi tie na ang scores ng Badburn at Phoenix. Bumalik na sa game si Jeydon. Ang ingay na naman ng mga tao.

Hawak ng Badburn 'yong bola ngayon, na kay Kuya Charles. Pinasa niya agad ito kay Lucas tapos nag-cross over si Lucas kay Six at mabilis siyang pumunta sa ilalim ng ring. Mag-slam dunk sana siya pero na-block siya ni Jeydon. Pareho silang natumba sa sahig. Nakatayo agad si Jeydon pero si Lucas, hindi pa rin tumatayo.

Nilapitan agad siya nina Kuya.

"Shawn, gising!" Hindi pa rin siya tumatayo kaya nag-alala na ako.

"May dugo 'yong ulo niya!"

Tumakbo ako papunta sa kanya. "Lucas!" May lumapit na sa aming nurse para i-assist kami. Binuhat namin si Lucas papunta sa side.

Hindi na muna nakalaro si Lucas kay nag-sub sa kanya si Max, 'yong reserve player nila.

Nasa tabi lang ako ni Lucas. Sabi ng nurse, hindi raw maganda 'yong pagkabagsak ng ulo ni Lucas kaya dumugo 'yon. At hanggang ngayon, wala pa siyang malay. Nakabenda na 'yong ulo niya ngayon at maayos na naman daw siya. Hindi na ako nanood dahil 'yong atensyon ko ay na kay Lucas lang.

"Lucas, gumising ka naman diyan o." Hinawakan ko 'yong kamay niya habang nakahiga lang siya sa gilid.

No'ng last three minutes na lang tsaka biglang nagising si Lucas.

"Lucas, anong nararamdaman mo ha?" Ngumiti lang siya na parang walang nangyari sa kanya.

"Ayos na ako kasi nandito ka sa tabi ko." Psh, kainis. Nag-pick-up line pa siya sa lagay niya na 'yan. "Babalik na ako sa game."

"Baliw ka ba? Magpahinga ka na lang!" Tumingin siya sa scoreboard at lamang ng dalawang puntos 'yong Phoenix. "Kaya na nina Kuya at Troy 'yan."

"Hindi. Babalik ako sa game. Kailangan nila ako. Maayos na ako, Candice. Babalik ako kapag last two minutes na." Hindi ko na siya pinigilan dahil mukha siyang determinado. "Mananalo ako para sa 'yo." Tumayo siya at bumalik na siya sa game.

Nagulat sila dahil maglalaro pa siya. May tiwala naman sa kanya sina Troy kaya hinayaan na rin nila si Lucas.

Last two minutes na lang at dikit na dikit 'yong laban. Dahil sa injury ni Lucas, taga-assist na lang siya pero magaling pa rin siyang maglaro. Tiningnan ko si Jeydon at mukhang seryoso siya. Lamang pa rin ng dalawang puntos ang Phoenix.

Sa mga huling sampung segundo ng laban, pinasa ni Ginno 'yong bola kay Lucas at nasa three-point line siya. Kapag naipasok niya 'yan, panalo sila pero kung hindi, panalo sina Jeydon.

Win or lose.

Pagtalon ni Lucas, nakita kong sumakit bigla 'yong ulo niya kaya ang resulta, hindi pumasok 'yong bola.

Panalo ang Phoenix.

Nagsigawan 'yong mga tao. Panay ang cheer nila sa Phoenix. Nagkamayan naman sina Kuya at sina Jeydon.

Pagkatapos ng game, binigay na ng emcee 'yong medals at trophy sa Phoenix. Champion ang Phoenix at second placer naman ang Badburn. MVP si Jeydon.

May celebration na gaganapin sa bahay nina Marky. Sa game lang sila magkakaaway pero outside the court, magkakaibigan sila. Kaya manalo o matalo man, tuloy pa rin ang celebration kina Marky.

Lumapit na kami sa kanila para i-congratulate sila. Si Lucas, nakita kong umupo sa gilid dahil mukhang masakit na naman ang ulo niya. Nilapitan ko agad siya.

"Lucas, okay ka lang ba?" Ngumiti siya nang mahina sa akin.

"Candice! Ano? Tara na kina Marky?" aya ni Stacey.

"Mauna ka na. Susunod na lang ako." Pagkaalis niya, tiningnan ko si Lucas. "Lucas, kaya mo pa bang pumunta ro'n?" Hinawakan niya 'yong kamay ko.

"Magpapahinga na lang ako sa bahay. Sumasakit ulit kasi 'yong ulo ko. Candice, pwede bang samahan mo na lang ako?" Malungkot siyang nakatingin sa 'kin. "Wala na si Mom sa bahay. Ayokong mag-isa ro'n."

"Sige, magpahinga ka muna sandali rito. Ako na ang magda-drive sa 'yo pauwi. Magpapaalam lang ako sa kanila."

"Salamat, prinsesa ko."

Pumunta ako sa parking lot kung nasaan sina Stacey at Kuya para sabihin na hindi muna ako makakapunta dahil kay Lucas. Naintindihan naman nila ako.

Umalis na silang lahat pero nagulat ako no'ng nakita ko si Jeydon na nakasandal sa kotse niya at nakatingin sa 'kin. Biglang bumilis 'yong tibok ng puso ko. Lumapit agad ako sa kanya.

"This is for you." Sinabit niya sa 'kin 'yong medal niya. "Hope you like it."

"Thank you, Jeydon." Bigla siyang lumapit sa 'kin.

"Anong 'thank you'? May kapalit na kiss 'yan." Nag-smirk siya sa 'kin tapos mas lalo siyang lumapit na parang hahalikan niya talaga ako. Tinulak ko na lang siya palayo. "I'm just kidding, baby girl."

"Psh, naughty boy." Tumawa siya tapos hinawakan niya 'yong kamay ko.

"Let's go to the party. Sumabay ka na sa kotse ko." Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"I can't go. I'm sorry."

"Why? We need to celebrate our win and I need you to be there. Why aren't you going, huh?" Mas hinigpitan niya 'yong hawak sa kamay ko.

"Kasi kailangan ako ni Lucas." Unti-unti niyang binitiwan 'yong kamay ko. Natahimik siya bigla. "Sana maintindihan mo ako, Jeydon. Mag-isa na lang siya sa kanila at may injury siya sa ulo." Tiningnan ko siya at walang ekspresyon 'yong mukha niya.

"I told you I will understand you in every way possible because I love you. But right now, even though we won, I feel like I lost." Tiningnan niya ako sa mata ko. "I won the game, but I didn't win you. And it's hurting me so much." Binago niya bigla 'yong expression ng mukha niya. Ngumiti siya sa 'kin. "Don't mind me, okay? Right now, I know Shawn needs you more than I do, so go."

"Jeydon, sorry. I didn't mean to hurt you."

Hinila niya ako papalapit sa kanya tapos niyakap niya ako. "I love you, baby girl." Hinarap niya ako tapos hinalikan niya ako sa noo ko. "Lahat naman ng sakit nawawala, basta nayayakap kita. Please go. He needs you."

Tumalikod ako at hindi pa ako nakakalayo kay Jeydon nang narinig kong nag-ring 'yong phone niya.

"Hello? Brina? Are you going? Yes, I will see you there."

Pupunta si Brina roon? Nakaramdam ako ng matinding selos. Maisip ko pa lang na magsasama mamaya sina Jeydon at Brina, parang pinapatay na ako sa selos. Mukha silang close sa isa't isa tsaka maganda si Brina. Bakit ba kasi kailangan niyang pumunta ro'n? Hays. Tanga ka, Candice. Malamang kaibigan siya ni Jeydon at isa pa, ginusto mo naman na hindi pupunta ro'n. Habang naglalakad ako pabalik sa loob, hindi ko maiwasan na maiyak. Nasasaktan ako kasi nasaktan ko na naman si Jeydon at 'yong fact na wala ako sa oras na kailangan niya ako. Pero kagaya nga ng sabi niya, mas kailangan ako ni Lucas.

Nalilito na ako. Naguguluhan at nahihirapan ako sa sitwasyon naming tatlo pero isa lang 'yong na-realize ko.

Kailangan ko nang sabihin kay Lucas ang totoo dahil baka isang araw, wala na akong babalikan pa dahil may mahal nang iba si Jeydon.

I need to decide now. It's now or never.

Continue Reading

You'll Also Like

463K 14.6K 33
This is my life... Jeydon Lopez is the epitome of the word 'bad boy'. He doesn't care about girls and romance. Not at all. But what people don't know...
533K 14.4K 45
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
27M 716K 35
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
97.7M 2M 87
TEEN CLASH BOOK 2: Just when you thought they finally got their happily-ever-after, a twist in the story will occur. (Completed. Published under Pop...