Among the Dead #Wattys2016

By Yllianna

37K 673 216

Choose your alliances well, sacrifice those of no use to you, outsmart the living and survive the dead. Sa mu... More

Among the Dead
⇜Prologue⇝
⇜CHAPTER 1⇝
⇜CHAPTER 2⇝
⇜CHAPTER 3⇝
⇜CHAPTER 4⇝
⇜CHAPTER 5⇝
⇜CHAPTER 6⇝
⇜CHAPTER 7⇝
⇜CHAPTER 8⇝
⇜CHAPTER 9⇝
⇜CHAPTER 10⇝
⇜CHAPTER 11⇝
⇜CHAPTER 12⇝
⇜CHAPTER 13⇝
⇜CHAPTER 14⇝
⇜CHAPTER 15⇝
⇜CHAPTER 16⇝
⇜CHAPTER 17⇝
⇜CHAPTER 18⇝ PART 1
⇜CHAPTER 19⇝
⇜CHAPTER 20⇝
⇜CHAPTER 21⇝
⇜CHAPTER 22⇝
⇜CHAPTER 23⇝
⇜CHAPTER 24⇝
⇜CHAPTER 25⇝
⇜CHAPTER 26⇝
⇜CHAPTER 27⇝
⇜CHAPTER 28⇝
⇜CHAPTER 29⇝
⇜CHAPTER 30⇝
⇜CHAPTER 31⇝
⇜CHAPTER 32⇝
⇜CHAPTER 33⇝
⇜CHAPTER 34⇝
⇜CHAPTER 35⇝
⇜CHAPTER 36⇝
⇜CHAPTER 37⇝

⇜CHAPTER 18⇝ PART 2

696 17 7
By Yllianna

                Malalim na ang gabi ngunit buhay pa rin ang malawak na harding nasasapinan ng Bermuda grass at napapalamutian ng mga halamang bulaklak at ilang puno. Ilang tao pa rin ang nagpaparoo’t parito. Ang iba ay may dalang mga armas na baril, itak o sibat. Mga guwardiya marahil, naisip nila. Sa isang bahagi ay nakaupo ang isang grupo ng mga kabataang halos kababaihan sa damuhan at nagkakantahan habang tumutugtog ng gitara ang isang lalaking kasing edad ng mga ito. Samantalang sa kabilang bahagi ay nakatirik ang mga make shift tents na gawa sa plywood, sanga ng puno, plastic, yero, palapa ng niyog, o tagpi-tagping tarp. Pawang sarado na ang pasukan ng mga iyon pero alam ni Kenji, lahat ay okupado.

Dumiretso sa pagtakbo ang kanilang sinasakyan sa gitna ng lupain kung saan nakalatag ang sementong daanan na may abstract na disenyo. It ended in a somewhat circular shape which had a similar abstract design, boasting a majestic fountain in the center. Pero imbes na tubig, apoy ang ibinubuga ng fountain. Nang huminto ang truck ay doon napunta ang atensyon ni Kenji. Bahagyang may kunot sa noong pinagmasdan niya iyon.

Malaki sa karaniwan ang fountain. Mamahalin ang mga batong ginamit sa disenyo. Natibag na ang batong eskultura sa gitna at tanging ang mga hita at binti na lamang ng dating nakatayo doon ang natira. Ngunit halos lamunin na rin iyon ng mataas na apoy na naglilingas mula sa mga kahoy na pang-gatong. Iyon ang nagsisilbing tanglaw ng malaking bahagi ng hardin.

Kusang sinundan ng mga mata ni Kenjirou ang nagngangalit na apoy hanggang marating ng kaniyang paningin ang dulo ng dila niyon at lumampas ang kaniyang tingin sa mansiyong nakatayo sa likod ng “bonfire”. Mistulang isang palasyo ang bahay sa laki at rangyang ipinagmamalaki nito sa lahat ng nandoon. Ngunit walang ni katiting na paghangang nakabakas sa mukha ni Kenji, habang namamangha naman ang kaniyang mga kaibigan.

 “Hindi kayo sa mansiyon titigil,” narinig nilang sabi ng lalaking katabi si Shizu kanina sa truck. Kabababa lang nito mula sa sasakyan at isinukbit ang dalang baril sa balikat gamit ang strap niyon. Si Kenji agad ang nilapitan nito na parang nahulaan ng lalaking siya ang leader ng grupo.

                “Si amo lang at ang mga tauhan niya ang pwede sa mansiyon,” sabi nitong diretchong nakatitig sa mga mata ni Kenji saka walang paalam na umalis. Hindi man sumagot ay tinapatan naman ni Kenji ang mga tingin ng lalaki at sinundan ito ng tingin hanggang sa makapasok ito sa loob ng mansiyon.

                “Pagpasensyahan nyo na si Haru,” tawag-pansin ng isang nakatatandang lalaking lumapit sa kanila. He had a friendly smile despite his age and the wrinkles on his face. “May pagkamainitin lang talaga ang ulo. Ng batang ‘yon. Pero mabait naman at maaasahan.”

                “Ah, wala po ‘yon manong,” nakangiting sabi ni Shizu kahit kay Kenji nakatingin ang bagong dating. Hindi kasi sumagot si Kenji.   

                Ginantihan si Shizu ng simpleng ngiti ng matanda.

                “Ako nga pala si Ernesto. Pwede nyo akong tawaging Tatay Ernesto o Mang Ernesto. Pwede ring manong kung iyon ang gusto nyo,” sabi ni Mang Ernesto. Sinenyasan sila nitong sumunod dito. “Ako ang sumasalubong sa mga bagong dating na gaya ninyo at nagpapakilala sa mga tao dito. Ako din ang nag-a-assign ng tent at nagpapaliwanag ng mga rules.”

                “Rules po?” tanong ni Kiari na inaalalayan ni Ren sa paglalakad. Saglit silang nilingon ni Mang Ernesto saka sumagot.

                “Oo. Bawat komunidad ay kailangan ng mga rules para mapanatili ang kaayusan, hindi ba?”

                Wala sa kanila ang sumagot.

                “Alam ko ang iniisip nyo. Sa mundo natin ngayon imposible na’ng magkaroon ng komunidad. Ng kaayusan,” sabi ni Mang Ernesto bago ito tumigil sa tapat ng isang tent na yari sa tarp at plywood, at hinarap silang muli. “Pero mga tao tayo. May isip. Maabilidad. Marunong makisabay sa mga pagbabagong ibinabato sa atin ng Langit. Kahit pa iyong mga hindi natin maunawaan. Pero hindi tayo makakaligtas kung hindi tayo magtutulungan. Kung walang kaayusan. Mauubos nag lahi natin kung hindi tayo magkakaisa. Kaya para sa ikabubuti ng lahat, binuksan ni amo ang lupaing ito sa mga nangangailangan ng matutuluyan. Para pag-isahin ang mga survivors. Para makabangon tayong muli sa kung anoman itong peligrong dumating sa atin.”

                Nakatingin lang sa matanda si Kenji. Walang indikasyon ng pagsang-ayon sa kaniyang mukha ngunit wala rin namang indikasyon ng pagtutol. Parang nag-iisip ang binata. Kung ano ay wala sa mga kasama niya ang makahula.

                “Pagod siguro kayo. Ito ang tutuluyan ninyo,” sabi ni Mang Ernesto na ang tent sa likod nito ang tinutukoy. “Dito ang mga lalaki at sa kabila naman ang mga babae. Alam kong magiging masikip kahit mas malaki yung kabilang dahil marami kayong mga babae. Pero pagpasensyahan nyo na sana. Wala kasing mas malaki pa doon. Isa pa eh wala nang ibang bakanteng tent. Pero kung gusto ninyo, maari ko kayong bigyan ng materyales bukas para makapagtayo kayo ng isa pang tent.”

                “Maraming salamat po, Mang Ernesto,” sabi ni Shizu. Ngumiti sina Kiari at Erika sa matanda bilang pasasalamat. Ang mga bata at si Manang Lupe ay nagpasalamat din na ginaya nina Ren at Maeda. Si Kenji ay nanatiling tahimik.

                “Walang anuman,” sagot ng matanda. He briefly eyed Kenji curiously before leaving them so they could rest.

               Bago pa lang pumuputok ang araw sa Silangan ay nasa labas na ng kanilang tent si Kenji. May ilan na siyang nakitang gising ngunit madali niyang naiwasan ang mga iyon. Sinilip ni Kenji ang isang bantay nang makalampas ito sa kaniyang tinataguan sa likod ng isang puno, ngunit bago pa siya makahakbang palayo ay napadako ang kaniyang mga mata sa isang partikular na bintana sa pangalawang palapag ng mansiyon. Saglit na natigilan si Kenji. Sarado ang salaming bintana at bahagya lang nakabukas ang kurtina niyon. Madilim sa loob ngunit parang tumatagos ang kaniyang tingin sa loob niyon.

                Kenji moved away from his hiding spot and swiftly made his way towards the back of the house. Malaki pa rin ang likod niyon. Tanaw niya ang mataas na pader na pumapalibot sa mansiyon. Sa isang bahagi ng lupain ay may hanggang bewang na bakod na yari sa mga sanga ng puno. Kulungan marahil ng hayop. Sa kabilang bahagi ng backyard ay may taniman ng gulay. Nilapitan ni Kenji ang mga iyon. Ang kulungan ay hindi pa yari. At ang mga tanim ay halos kasisibol pa lamang.

                “Sinimulan namin ‘yan dalawang linggo pa lang ang nakakaraan,” bungad ni Manong Ernesto na hindi niya namalayang nakalapit. Mula sa tinitigang mga halaman ay nag-angat ng tingin si Kenji. Maaliwalas ang mukha ng matanda habang nakatingin sa mga tanim. May hawak itong baso ng kape na siya nitong inalok sa kaniya.

                Umiling si Kenji.

                “Halos wala ka nang makikitang ganito,” sabi ni Mang Ernesto sa hawak nitong inumin. “Maswerte lang na may nakuha ang grupo nina Gino noong isang linggo. May nadaanan silang bahay na may maraming supplies.”

                “Hindi ka ba umiinom ng kape?” tanong ni Mang Ernesto nang hindi umimik si Kenji. Umiling lang uli ang binata.

                “Ano nga ba ang pangalan mo?”

                “Kenjirou,” simpleng sagot niya.

                “Alam mo Kenjirou, halos sementado ang backyard na ito. Ka-desenyo noong nasa harap ng mansiyon. Maganda. Pero sa suhestiyon ni Haru, pinagtulungan ng mga kalalakihang tibagin ang semento.”

                Napabigla ng tingin si Kenji sa kausap.

                “Bakit ho? Sino si Haru?” he asked with an intense look that he didn’t mean to show.

                “Si Haru ang kasama ng grupong nagligtas sa inyo kagabi. Iyon bang masungit na nagsabi sa iyong bawal kayo sa mansiyon,” sagot nito na di naiwasang mapangiti. “Sabi ni Haru wala naman daw pakinabang ang sementong iyon. Nasasayang lang ang espasyo. Kung titibagin ay mas mapakikinabangan pa ang lupang natatakpan niyon. Siya ang nag-suhestiyon na gawing taniman ito. Siya rin ang nagsabing pwedeng maggawa ng kulungan ng mga hayop para may source ang mga tao ng pagkain. Hindi nga naman habang-buhay na may makukuha tayo sa mga abandonadong bahay at pamilihan.”

                Saglit na ibinalik ni Kenji ang tingin sa lupa. Ngunit parang wala doon ang kaniyang atensyon. Mistula siyang nag-iisip.

                “Sabi ni Haru kagabi,” panimula niya saka muling tumingin sa matanda. “ang amo lang daw at mga tauhan nito ang pwedeng tumigil sa mansiyon. Sino ang amo ninyo? Gusto ko siyang makilala.”

                “Ah. Wala si amo. May nilakad sila ng ilang tauhan. Naghanap ng armas at ibang supplies. Tatlong araw na silang wala kaya nga lumakad din kahapon ang grupo nina Haru. Para makahanap ng supplies na magagamit namin habang hinihintay sina amo. Pero wag kang mag-alala, makikilala mo siya pagdating niya.”  

                “Bakit nga pala gusto mo siyang makilala?”

                Saglit na nanatiling tahimik si Kenji bago sumagot.

                “Wala ho. Gusto ko lang siguruhin na hndi siya tutol sa pagtigil namin dito.”

                “Naku hijo. Hindi tutol iyon, panigurado. Welcome ang lahat dito,” nakangiting sabi ng matanda saka uminom mula sa hawak na baso. But the seriousness on Kenji’s face didn’t change.

                “Bitawan mo ko!” narinig nilang sigaw ng isang babae mula sa gilid ng bahay. Sigurado siya, boses ni Shizu iyon.

                Agad na tinakbo ni Kenji ang pinagmumulan ng sigaw ni Shizu, kasunod si Mang Ernesto. Nang makalibot siya sa bahay ay sinundan niya ang mga sigaw ng babae para mahanap ito. Sa isang bahagi ng lagusang nagdurugtong sa harap at likod ng mansiyon ay nakatambak ang mga walang lamang case ng softdrinks at beer. Mataas ang magkakapatung-patong na mga case at nahahalinhan ng mga kahon. Lumigid si Kenji sa hilera niyon.

                Sa pagitan ng mga “pader” ay nakita niya ang isang babaing nakatayo habang nakahalukipkip at may inis sa mga matang nakatingin sa eksenang nagaganap. Samantala, natagpuan niya si Shizu na nakasandal ang likod sa batong pader ng bakuran. Sumisigaw ito at pilit nanlalaban habang pigil sa mga braso ni Haru.

                Medyo madilim pa sa paligid ay nagising na si Shizu. Maingat siyang lumabas mula sa tinutuluyan nilang tent para hindi maistorbo ang mga kasama. Nang makalabas ay saglit niyang tinapunan ng tingin ang kabilang tent. Sarado pa ang pinto niyon at mukhang wala pang gising sa mga umuukupa niyon.

                “Magandang umaga,” bati ng isang ginang sa kaniya. Ginantihan niya ito ng bati bago niya saglit na nilinga ang paligid. Namataan niya ang isang puno ng papaya sa gilid ng mansiyon. May kalayuan na iyon sa dulo ng hilera ng mga tent at malapit sa lagusan patungo sa likod ng mansiyon. Nilapitan niya ang puno. Nagugutom na siya at ayaw niyang manghingi ng pagkain. Isa pa ay halos wala pang ibang taong gising ng mga sandaling iyon.

                Pinagmasdan ni Shizu ang puno. May ilan iyong bunga. Dalawa sa mga ito ay maaari nang pitasin. Hindi iyon kataasan ngunit may kaliitan siya kaya hindi niya abot ang mga bunga. Naghanap si Shizu ng maaaring magamit na sungkit. Malinis sa paligid ngunit ilang dipa mula sa kaniyang kinatatayuan aya ang hilera ng mga plastic case at kahon. Nilapitan niya iyon. Kukuha sana siya ng isang case para gawing tuntungan nang may marinig siyang ungol. Nangunot ang kaniyang noo.

                Shizuka moved quietly around the piles of plastic cases and boxes. Nang may marinig siyang kaluskos ay maingat siyang sumilip mula sa mga pagitan ng case. She saw a young man passionately kissing a woman a little older than her. He had her pinned against the cement wall while she’s responding to his kisses. Nakatalikod sa kaniya ang lalaki pero sigurado siyang ito ang lalaking katabi niya kagabi sa truck.

                Shizu gulped when the man reached for the girl’s bare thighs, moved his hand up so that he could feel it and lifted it. The girl responded by circling her leg around his waist. His lips moved down to her neck, making her moan in pleasure.

              Natutop ni Shizu ang bibig. She has never witnessed anything like that before. She decided to leave but was careless. Nasipa ng paa niya ang kahon pagpihit niya at lumikha iyon ng ingay. Disturbed, the couple stopped. Bumilis ang tibok ng puso ni Shizu nang magtama ang mga mata nila ng lalaki mula sa pagitan ng mga case.     

                “So—sorry. Hind ko sinasadyang makita kayo,” natatarantang sabi niya bago tumalikod. Pero nakakailang hakbang pa lang siya ay may pumigil na sa kaniyang braso. Iyung lalaki. Marahas siya nitong hinila paharap dito.

                 “Ano’ng ginagawa mo dito?” may inis sa tinig na tanong nito.

                “Kukuha lang sana ako ng tuntungan. Hindi ko talaga sinasadya,” may nginig sa tinig sa sagot niya. Pero hindi iyon inintindi ng lalaki.

                “Gusto mong manood? First time mong makakita ng naghahalikan?” nang-uuyam na tanong nito sa kaniya saka siya tiningnan mula ulo hanggang paa. “First time mo rin bang mahahalikan?”

                 “H—huh!?”

            “Haru!” may inis na tinig na tawag ng babae. Ngunit wala sa kanila ng babae ang pinakinggan ng lalaki. Hinigpitan nito ang hawak sa braso ni Shizu at hinila sa dating pwesto nito at ng kasama.

               “Bitawan mo ko!” sigaw ni Shizu. Pero hindi ito nakinig. Walang-ingat siyang isinandal nito sa pader at pinigilan sa magkabilang mga braso. He tasted her neck, slowly licking it as if he was teasing her, while she was screaming.

                “Haru!” tawag ni Mang Ernesto nang makita ang nangyayari.

                Nang lumingon si Haru ay isang suntok ang tinamo nito mula kay Kenji. Tapos ay hinila ni Kenjirou si Shizu na nagtago sa likod niya. Sinapo ni Haru ang panga at sinuri ang sariling kamay. Nang makita ang dugo sa mga darili ay salubong ang mga kilay na tiningnan siya nito. Walang salitang sinugod ni Haru si Kenji na maagap na nakaiwas.

                “Kenji!” nag-aalalang sigaw ni Shizu. Pero hindi siya pinansin ng lalaki. Sinalubong ng galit nito ang init ng ulo ng kalaban. Sinipa niya si Haru sa tiyan dahilan para bumagsak ang huli. Ipinuwesto niya ang mga paa sa magkabilang bewang ni Haru at lumuhod sa harap nito. He grabbed Haru’s rugged shirt and punched him repeatedly in the face.

                “Haru!” tili ng babae. Sinubukan nitong awatin si Kenji pero hindi nito mapigil ang lalaki.

                “Kenji, tama na,” naiiyak na pakiusap ni Shizu. Natatakot siya kay Kenji. Hindi pa niya nakita itong maging bayolente. Iba ang nakikita niya sa mga ikinikilos nito ngayon kesa sa Kenji na nakilala niya. Parang puno ng galit. Ng paghihiganti. Gusto niya itong pigilan. Gusto niyang ibalik iyong dating Kenji.

                Humakbang si Shizu palapit sa lalaki. Pero bago pa man siya makalapit ay may mga lalaki nang dumating at mabibilis ang mga hakbang na nilampasan sila ni Mang Ernesto. Pinigil ng dalawang sa mga iyon si Kenji sa magkabilang braso at pilit itinayo at inilayo kay Haru. Kitang-kita ni Shizu ang bakas ng galit sa mga mata ni Kenji nang iharap ito ng mga lalaki sa direksyon nila.

                “Ano’ng kaguluhan ito?” tanong ng isa pang lalaki sa kanilang likod. They could sense the authority behind his voice.

                Nang lumingon si Shizu, isang may edad na lalaki ang nakita niyang nakatayo sa kanilang harap. Nasa bewang nito ang mga kamay habang kunot ang noong nakatingin sa kanila. Sa likod nito ay ang mga taong nag-uusyoso sa kaguluhan.

                “Amo. Nakabalik na po pala kayo,” bati dito ni Mang Ernesto.

                Amo?

                “Sino ang mga iyan?”

                “Mga bagong dating po, amo.”

                Tiningnan nito si Shizu bago lumampas ang tingin nito sa babae at napunta kay Kenji. Saglit na nagtama ang kanilang mga mata. Hindi nawawala ang pagkamuhi sa mga titig ni Kenji habang sinasalubong ang mapanuring tingin ng nakatatandang lalaki.

                “Palabasin sila. Ayoko ng ‘problema’ sa hacienda ko,” mariing utos nito saka tumalikod.

                “Hacienda MO?” may pang-uuyam na sabi ni Kenji sa malakas na tinig. Natigilan sa paglalakad ang tinatawag ng lahat na amo. “Wala kang karapatang paalisin ako at ang mga kaibigan ko sa haciendang ito.”

                “Ano’ng sinabi mo? Dahan-dahan ka sa pagsagot mo kay amo, bata,” may paghahamong saway ng isa sa mga lalaking pumipigil sa kaniya. Ngunit hindi niya ito pinansin kahit pa humigpit ang hawak nito sa kaniyang braso.

               “Bakit hindi mo sabihin sa lahat ng mga narito kung sino ako? Bakit hindi mo ako ipakilala sa lahat...”

                “…Papa.”

Continue Reading

You'll Also Like

17.8M 320K 59
WELCOME TO HELL. --- Date started: January 29, 2012 Date finished: November 21, 2012 (PUBLISHED UNDER VIVA • AVAILABLE NATIONWIDE)
13.9M 389K 79
Harrison University is an institution where the seventeen-year-old, Myrttle Joong, was obliged to finish her study, despite of her strong aversion. A...
25.4M 851K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)
56.1M 990K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...