Payne Sisters Series: Demi Lei

By Bblueee_06

290K 9.3K 1K

Demi Lei Payne - First daughter of Reynaldo Payne. Mula ng mamatay yung nanay ni Demi dahil sa panganganak, n... More

Intro
Characters
Payne Sisters
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13: Special Chapter
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25

Chapter 15

8.7K 327 52
By Bblueee_06

Demi Lei

Bigla akong nakosensya nang makita ko yung binigay sa akin ni Zaireen. Pangalan ko ang nakalagay sa name ng perfume na binigay niya. Baka sa mukha niya kanina ang lungkot. Gusto ko sanang bawiin yung mga nasabi ko sa kanya pero parang may bumara sa lalamunan ko kaya hindi ko masabi. May kung anong kumurot din sa puso ko ng makita kong nalungkot siya sa mga nasabi ko. Wala kasing preno yang bibig mo Demi eh. Sabat ng isip ko.

Hindi din maayos yung pakikitungo ko sa kanya, nakalimutan kong sila ang client namin tapos hindi pa ako naging nice sa kanya. Samantalang ang ayos ng pakikitungo akin ni Zaireen. Maayos naman ang pakikitungo ko sa kapatid niya pero hindi ko alam kung bakit ganun ako kay Zaireen. Base kasi sa kwento akin ni Abbey, madami daw naging girlfriend slash exe's si Zaireen kaya naman pakiramdam ko hindi siya seryoso sa inalok niya sa akin na maging girlfriend niya tapos maging asawa pa.

"Ang bango nito Ate ah. Kanino galing?" Hindi ko naman namalayan na nakuha na pala ni Iris yung pabangong hawak ko.

"Kay Zaireen." Mahinang sabi ko sa kanya.

"Yieeee, ang sweet naman niya at talagang name mo pa ang nilagay na pangalan sa pabango ha."

"So kamusta naman kayo Ate?" Tanong pa niya.

"Sabi ko kasi wag na lang ako eh tutal madami namang iba diyan tsaka hindi naman namin mahal ang isa't-isa tapos ako pa ang gagawin niyang girlfriend niya." Malungkot kong kwento sa kanya. Bakit ba ako nalulungkot? Diba dapat masaya ako dahil hindi na niya ako kukulitin at iistorbohin.

"Malay mo Ate may gusto sayo yung tao. Sabi mo nga ang sweet niya tapos ang ayos pa ng pakikitungo sayo. Ikaw lang tong panay pagsusungit at pagtataray sa kanya. Hindi mo alam na baka nasasaktan na siya sa mga nagagawa mo. Try mong maging nice sa kanya Ate. Malay mo siya na pala ang makatuluyan mo." Mahabang sabi ni Iris.

"Eh wala na. Pumayag naman siya sa sinabi ko na iba na lang at wag ako."

"Pero ate, tanong ko lang. Nagkakagusto ka na ba sa kanya? Kahit kaunti lang." Napaisip naman ako sa tanong ni Iris sa akin. Nagkakagusto na ba ako kay Zaireen? Hindi ko alam dahil gulung-gulo ang isip ko. Mula kasi ng magbreak kami ni Alexina, hindi na ako nagkaroon pa ng kasintahan. Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil may hinahanap ako na hindi ko mahanap. Hindi ko nga lang alam kung ano o baka naman sino? Sabat ng isip ko.

"Alam mo matulog ka na Iris. Alam kong pagod ka." Pag-iiba ko na lang para iwas doon sa tanong niya. Buti na lang hindi na siya nangulit.

-

"Good morning Miss Zaireen." Bati ni Candice at Barbara nang makasalubong namin si Zaireen, ako lang ang hindi bumati. Tumango naman si Zaireen at tipid na ngumiti sa kanila. Sa kanila lang hindi sa akin dahil hindi man lang niya ako tinignan.

"Anyare sa bebe mo Demi? Bakit hindi ka ata pinansin? Tsaka wala atang binigay sayong bulaklak." Takang tanong ni Candice. Halos araw-araw kasi akong binibigyan ng bulaklak ni Zaireen, minsan naman cake or cupcakes na gawa daw nila ni Samara. Nagkibit-balikat na lang ako sa kanila.

Halos ilang linggo ko nang napapansin na iniiwasan ako ni Zaireen. Namimiss mo na noh? Sabat ng isip ko. Ikaw kasi eh, masyado kang naging hard kay Zaireen. Sabat naman ng konsensya ko. Nasabi ko na din kay Candice yung naging pag-uusap namin ni Zaireen. Nasabihan pa ako ni Candice na malamang iiwasan ako ni Zaireen dahil nasaktan daw iyon, kinokonsensya pa ako eh. Kesyo kasalanan ko naman daw. Parang hinahanap-hanap ko yung pangungulit niya sa akin. Ano bang ginawa mo sa akin Zaireen Cruise?

Nakarinig naman ako ng parang may nagtatawanan. Pagtingin ko sa paligid nakita ko si Zaireen, may kasamang babae. May kung ano akong naramdaman kaya bigla akong nainis.

"KUYA! DOON NIYO HO ILAGAY YANG SAKO NG SEMENTO." Sigaw ko sa isang construction worker na nagbubuhat ng semento. Tinuro ko naman yung direksyon kung saan malapit si Zaireen at yung kasama niyang babae. 

Natuwa naman ako ng sinunod niya yung pinag-uutos ko, malamang ako ang boss nila eh.

"1,2,3. . . BOOM!" Bulong ko sa sarili ko habang nailagay na yung isang sako ng semento sa harap nila Zaireen. Then boom! Malakas yung pagkakabagsak nun kaya may alikabok na kumalat sa hangin na may halong semento. Lihim akong natuwa ng makita ko ang reaksyon nilang dalawa.

Nainis naman ako lalo dahil todo makakapit yung babaeng kasama ni Zaireen sa kanya. Kala mo naman may granadang sumabog. Hagisan ko pa siya ng granada eh. Hmmmppp! Ang harot kasi eh.

"Sorry po mga Ma'am. Utos kasi ni boss na dito ko ilagay eh." Narinig kong sabi ni Kuya Berto. Tumango-tango na lang si Zaireen. Yung babae naman todo kusot ngayon sa mata niya. Pinahipan pa kay Zaireen. Nakakasira na talaga sila ng view nakakainis na! Kaya naman umalis na ako pero nagpasalamat muna ako kay Kuya Berto.

Hindi ko alam kung namamalik-mata ako. Pagkatingin ko kasi kay Zaireen para siyang ngumisi eh pero biglang naging seryoso yung tingin niya sa akin tapos todo asikaso na siya dun sa babaeng kasama niya.

"Mukhang mainit ulo mo Ma'am ha." Bungad sa akin ni Barbara. Kumunot naman yung noo ko.

"Diba sabi ko sayo, Demi na lang." I rolled my eyes na ikinatawa naman nila ni Candice.

"Lunch na tayo guys." Aya naman ni Candice sa amin.

"Mabuti pa nga. Gutom na ako eh." Sabi ko naman.

"Ang ganda ng kasama ni Miss Zaireen, nakita niyo ba?" Tanong ni Candice sa amin habang hinihintay yung order namin. Napag-isipan kasi namin na sa labas kami kumain. Bigla naman siyang binatukan ni Barbara, natawa tuloy ako.

"Ikaw! Puro ka maganda, maganda! Baka nakakalimutan mong may girlfriend ka na." Halos namula naman si Barbara sa galit. Nakalimutan kong sabihin na sila na pala.

"Eh babe, nagtatanong lang naman ako kung nakita niyo eh. Hindi ko naman sinabi na type ko eh. Alam mo namang ikaw lang ang gusto ko at mahal ko." Napakagat labi naman si Barbara sa banat ni Candice.

"Eeewwww! Grossss!" Maarteng sabi ko sa kanila. Panira moment lang kumbaga hehe.

"Bitter ka lang Dems eh." Sabay belat sa akin ni Candice na inirapan ko.

"Pero Dems, nakita mo yung kasama niya?" Tanong niya sa akin. Naalala ko nanaman yung maharot na babaeng yun kaya naman napahampas ako sa lamesa. May lumapit naman sa table naming babae.

"Excuse me, may problema po ba mga Ma'am?" Magalang na tanong sa amin ng magandang babae. Napanganga naman si Candice sa kanya, maging ako din pati na rin si Barbara.

"Hello, I'm talking to you guys." Natatawang sabi pa niya at winagayway pa yung kamay niya sa amin.

"Ah-wa-wala naman. Napala-lakas lang yung hampas ko." Nauutal ko pang sabi sa kanya. Narinig ko naman na natawa yung dalawa kong kasama.

"Oohh. Sorry. Akala ko kasi may problema eh. By the way, I'm Mia. Sa amin itong restaurant." Inilahad naman niya yung kamay niya. Agad ko naman iyong tinanggap. Nakipag kamay din siya sa dalawa kong kasama. Nakipag-usap naman siya sa amin pero saglit lang.

"See you around guys. Tawagin niyo lang ako kung may problema." Natatawang sabi pa niya. Napakamot na lang ako sa ulo ko.

"Nakakahiya ka Demi. Siya pala yung may owner nito. Ikaw kasi may pahampas-hampas ka pa sa lamesa eh. Nakaka-agaw pansin kaya." Sabi naman ni Candice sa akin.

"Pero infairness, ang ganda at ang bait niya." Sabi pa ni Barbara.

"Napanganga nga kayo eh." Sabi ko sa kanila.

"Ikaw kaya ang nauna." Balik sa akin ni Candice.

"Siguro type mo siya noh?" Tukso sa akin Barbara. Palagi kasi nila akong tinutukso sa kung sinu-sino man ang makita o makilala namin.

"Hindi noh. Tsaka hindi niyo ba narinig? May asawa na siya. Kayo talaga. Kumain na lang tayo. Ayan na yung order natin." Tahimik naman kaming kumain. Ang sarap ng foods nila.

Bigla naman akong nasamid nang makita kong magkasama nanaman si Zaireen at yung babaeng maharot. Sinubuan pa ni Zaireen yung babae. May kamay naman yung babae tapos susubuan pa niya.

"Uy, Dems. Tubig oh." Agad ko namang ininom yung tubig na inabot sa akin ni Candice.

"Sila Ma'am Zaireen oh." Turo ni Barbara sa amin. Tinawag naman nila Candice si Zaireen. Kumaway naman ito sa kanila maliban sa akin.

"Mauuna na ako sa inyo ha. May naiwan pala ako sa office." Pumayag naman silang dalawa.

Diretso lang ang tingin ko dahil ayokong makita si Zaireen at yung maharot niyang kasama.

Nang nasa tapat na nila ako bigla akong napatid pero may agad na sumalo sa akin.

"Thanks, Mia." Nakangiting pagpapasalamat ko kay Mia. Napansin ko sa gilid na nakatingin si Zaireen sa amin pero binalewala ko na lang. Nagulat ako ng hapitin ako ni Mia sa may beywang ko.

"Next time kasi babe, titignan mo yung dinadaanan mo." Taka ko siyang tinignan pero kinindatan niya lang ako. Nang magets ko yung ibig niyang sabihin nakisakay na lang ako sa trip niya. Narinig ko naman na may malakas na paghampas sa lamesa. Pagtingin ko si Zaireen. Hinila naman ako ni Mia palapit sa babaeng kasama niya kanina.

"This is my wife, si Mandy." Pakilala ni Mia sa akin dun sa asawa niya.

"Hello. I'm Demi." Nakangiting pakilala ko sa kanya at inilahad yung kamay ko na tinanggap niya agad.

"Nice meeting you." Nakangiting sabi naman ni Mandy.

"Mukhang papatayin ka sa tingin nun love." Natatawang sabi pa ni Mandy kay Mia. Napatingin naman kami sa gawi nila Zaireen.

"May ginawa ka nanamang kalokohan noh?" Napakamot na lang sa ulo si Mia sa tanong ng asawa niya.

"Bakit mo nga pala yun ginawa Mia?" Tanong ko sa nangyari kanina.

"Kanina pa kasi namin napapansin ng asawa ko na panay ang tingin sayo nung babae eh. Tapos ikaw naman halatang nagseselos ka nang makitang may iba siyang kasama." Nakangiting sagot ni Mia.

"Hindi ako nagseselos noh." Talaga ba Demi?

"Hahaha. Denial stage pa lang yan." Natatawang sabi ni Mandy. Ano ba naman ang pinagsasabi nila?

"Sa una kasi maguguluhan ka sa totoong nararamdaman mo sa kanya. Kumbaga malilito ka pero hindi magtatagal malalaman mo din iyon. Sige. Mauna na kami ha. Ingat ka. Balik din kayo ng mga kaibigan mo dito para dagdag kita na din." Biro pa ni Mia sa akin.

Weird naman ng mag-asawang yun. Parang manghuhula eh. Sambit ko sa isip ko habang nagdadrive papunta sa office ko. Wala naman talaga akong nakalimutan eh. Gusto ko lang munang makapag-isip.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Owww Paulie bakit mo iniwan si Tori 😭💔 I kennnaattt!

-

Sad Valentines Day! Pffftttt... Mag movie marathon na lang mag-isa 😂😂 Tutal sanay naman akong nag-iisa eh 😂😂😭😭

Happy Valentines Day sa inyo.

Extra sila Mia 😁

May new story ako guys 😊 check it! Payne Sisters Series: Iris Layne ang title.

-Bee :)

Continue Reading

You'll Also Like

153K 4K 28
University Series: 3rd Year (COMPLETED) Si Sabrina Montezor ang babaeng gagawin ang lahat para lang mapansin ng kanyang Dream Guy na si Chuck Sandova...
1M 32.5K 42
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
1.8K 83 2
Hi Mga Baccla! Ako nga pala si Theo Louise Lefevre ang pinaka magandang Lefevre sa aming magpipinsan. Sa kasamaang palad pareho kami ni Devyn AKA Dev...
Skylar By Sky

Teen Fiction

3.8K 122 33
Skylar Elise Liscano have a huge crush on someone in her class but she doesnt know what to do, is she gonna confess her feelings to this person, or i...