Fan Fiction

Od HotNovember23

6.9K 145 112

ONE SHOT FAN FIC COMPILATION <3 Více

Utos Niya
Utos Niya 2 (edited)
Ang Diary ni Jeannie Paolo

I met a jerk whose name is Seven

4.3K 111 58
Od HotNovember23

Dedicated sa henyo sa likod ng kwentong I met a jerk whose name is Seven ^_^

Nagkalat na ang mga fanfic ng IMAJWNIS, makikikalat lang din hahaha

(pa-speech lang muna, skip lang kung ayaw basahin)

Ewan kung dahil lang kay MM Magno pero ang tindi lang ng impact ng IMAJWNIS sa'kin at eto, may fan fic na naman ako...

Bali binabasa ko kasi yung epilogue ng IMAJWNIS nung May ata nang may ideang pumasok sa utak ko (hindi ito yun, iba pa lol) pero syempre, pumasok din to sa isip ko. Matagal ko nang nagawa 'to kaso nahihiya akong ipost kasi nakokornihan ako sa ending... Parang ang ewan lang... napaka desperate hahaha

A basta! Sayang yung effort ko sa pagtype pati kuryente namin kung paaamagin ko lang ang draft nito sa PC kaya nipost ko na rin haha

-----------------------------------------------------------

Point of View:

-Annika Marie Reyes-

“I pronounce you man and wife.”

Nagtayuan ang lahat sa loob ng simbahan at nagpalakpakan nang humarap ang mga bagong kasal at nagsimulang maglakad palabas ng simbahan. Pumapalakpak din ako habang may mga ngiti sa labi ko.

After 8 years, nakakatuwang makitang yung lalaking minsang minahal ko ay masayang kasama ang babaeng para talaga sa kanya. Di ako nasasaktan, masaya talaga ako para sa kanya.

Masaya ako para kay Seven.

Lumabas na ako ng simbahan at umalis na matapos ihagis ng ngayon ay asawa na ni Seven ang bulaklak nito, nasambot ito ng isang babaeng hindi ko kakilala. Hindi na ako pupunta pa sa reception ng kasal dahil may business flight pa ako mamayang gabi.

Hindi ko kilala ang napang-asawa ni Seven, pero yung babaeng naging dahilan ng break up namin ilang taon na ang nakakaraan, kilala ko. Kilalang-kilala.

Noong una, inakala kong simpleng issue lang ng naglahong pagmamahal ang dahilan. Pero mali ako, may third party pala. Naka-move on na ako kay Seven pero masakit pa rin kapag naaalala ko ang taong naging dahilan ng pagkasira ng maganda naming relasyon.

Sa pagod sa mga nangyari sa buong araw, matapos kong ayusin ang maleta ko para sa flight ko maya-maya, nakatulog ako. Pero hanggang sa panaginip ko, nagpatuloy ang pagbabalik ko sa masaklap na nakaraan.

HER REVENGE, MY NIGHTMARE: I met a jerk whose name is Seven Fanfic

"Seven? Yuri? Anong ibig sabihin nito?" hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Pumunta ako kina Yuri para sana magdrama na naman sa kanya dahil nga kaka-break lang namin ni Seven. Syempre hindi pa 'ko moved on at sobrang masakit pa sa'kin ang nangyari. 

Pero mas masakit pala ang maaabutan ko. 

Nabigla na lang ako nang magkasamang dumating ang best friend ko at ang ex ko.

Oo, magkasama sila.

Masayang magkasama, magka-holding hands pa. At sweet na sweet.

Halata sa mga mukha nilang pareho silang nabigla. Agad din namang nagbago ang ekspresyon ni Yuri. 

Bumitaw sya sa kamay ni Seven saka nag-cross arms. Taas-noo syang ngumiti sa'kin, ngiting nagyayabang; halata sa nakataas nyang kilay.

"O, best friend, anong ginagawa mo dito?"

Best friend? Parang gusto kong masuka.

Nagpasalin-salin ang tingin ko sa kanilang dalawa. Si Seven, nakaakbay lang kay Yuri habang walang emosyong nakatingin sa'kin. Ni hindi man lang sya nahiya.

"Nauna 'kong magtanong. Anong ibig sabihin nito? Bakit kayo magkasama?"

"Kelangan ko pa ba talagang i-explain? Osige, sasabihin ko. Kami na."

Para akong sinaksak ng espada sa dibdib, tagus-tagusan hanggang likod.

Napailing lang ako. Hindi ako makapaniwala. Wala pang five days since yung break up namin ni Seven tapos sila na? Ng best friend ko pa?

Joke ba 'to? Hindi ko gets.

"Hindi yan ang ine-expect kong reaction mula sa'yo, best friend. Di ba dapat i-congratulate mo 'ko?" may pang-asar na ngiting nakaguhit sa mukha ni Yuri, lalo na kapag binabanggit nya ang salitang "best friend." Talagang may emphasis. 

Napayuko ako, tapos napahawak sa parehong bewang, bumuntong hininga, pinilit tumawa. Tumangu-tango na parang tanga, tapos ay humarap ulit sa kanila na nakataas ang isang kilay. Ang gulo. Hindi ko alam kung paano ako dapat na mag-react.

"Since when?" tanong ko na nakaharap kay Seven pero si Yuri na naman ang sumagot.

"Last month pa."

"Last month?" lalo akong hindi makapaniwala. Tinutaym ako ni Seven? Akala ko nagbago na sya? "How come—" hindi ko naituloy yung sasabihin ko dahil parang naninikip yung dibdib ko sa di maipaliwanag na sakit.

"Mukhang marami pa kayong pag-uusapan," napatingin ako kay Seven nang kausapin nya si Yuri.

Tumango lang si Yuri habang tipid na nakangiti kay Seven. Ang sweet nilang tignan. Nakakasura sa kasweetan.

"Mauna na siguro ako." Sige mauna ka sa impyerno, manloloko!

Hinawakan ni Seven si Yuri sa baba saka hinalikan sa labi. Nakapikit si Seven the whole time pero si Yuri, matamang nakatingin sa'kin habang nakikipaghalikan sa ex ko.

Hindi ako naiinggit, Yuri. Nandidiri ako sa inyo.

Pero napayuko ako, nag-iwas ng tingin. Hindi ko kayang tiisin ang eksena sa harap ko. Kailangan pag naglandian, sa harap ko? Hindi ba nila maintindihang nasasaktan pa rin ako?

"Sige na, I have to go," finally mukhang natapos din sila.

"Bye baby, ingat sa pag-uwi."

"Tawag ka lang pag nagkaproblema, okay?" sabay tingin sa'kin ni Seven na parang pinaghihinalaan akong papatayin ko ang bago nyang girlfriend.

"I will," sabay tango pa ni Yuri.

Umalis na si Seven.

Umupo na si Yuri, nanatili akong nakatayo sa harap nya.

"So best friend—"

"Best friend my αςς." I cut her off. First time ko atang magsalita ng ganon kay Yuri.

Nasusuka talaga 'ko. Hindi ko alam kung paano nyang nasisikmura ang pakikipagrelasyon sa ex ko. At ano nga yung sinabi nya? Last month pa nag-umpisa ang paglalandian nila? Last month pa? As in nung kami pa ni Seven?

Kumurba ng ngiti yung isang side ng labi nya. Para syang kontrabida sa mga palabas. Nag-cross arms sya sabay cross legs din. Nakasuot sya noon ng maikling red dress, may terno pang red high heels na kung tama ang tantya ko ay mga four inches ang taas. Iba na manamit ngayon si Yuri. Iba na rin sya kumilos, parang hindi na sya yung best friend ko. Kaya ba nagawa nya lahat ng 'to?

Napatingin sya sa center table, "Mukhang iced tea naman ang sinerve sa'yo, bakit ang init naman ata ng ulo mo?"

"Yuri, hindi ako nakikipaglokohan sa'yo. Bakit kayo magkasama ni Seven?"

Tinawanan nya lang ako. "Gahd, hindi pa ba malinaw? Kami na nga di ba?"

Tae. Yun nga ang hindi malinaw eh. Bakit kayo na? Paano naging kayo?

"How could you? Yuri, boyfriend ko yung tinalo mo."

"Ex." Pagko-correct nya.

"Yeah right, ex. Pero kung hindi ka umeksena, dapat hanggang ngayon kami pa. Pa'no mo 'to nagawa sa'kin? Best friend kita!"

Nag-iba sya ng posisyon, pinatong nya ang baba nya sa likod ng mga daliri ng kanang kamay nya. Yung kanang siko nya, nakapatong naman sa likod ng kaliwang palad nya. Naniningkit ang mga mata nyang nakatingin sa'kin na parang sinusuri ang kabuuan ko.

"Honestly, yan din ang tanong ko eh. Best friend kita Annika, paano mong nagawang ahasin sa'kin si Kirby?"

"Yuri?" it's been four years. I thought she's over him?

"Ano Annika? How does it feel? Masarap ba? Masarap bang pagmukhain kang tanga ng boyfriend mo at ng best friend mo? Masarap bang maagawan, dear Annika? Tell me."

"Bakit mo pa ba binabalik ang nakaraan? Akala ko ba okay na tayo?"

"Okay? Sa tingin mo posible pa tayong maging okay?!" sigaw nya, nanlilisik ang mga matang nakatingin sa'kin. "Okay ka lang?"

"Pero sabi mo—"

"Nagkamali ako." Nag-cross arms na naman sya sabay sandal ng likod sa kinauupuan, umiwas sya ng tingin. "Akala ko kaya kitang patawarin. Akala ko kaya kong kalimutan si Kirby. But I was wrong."

Mahigpit na nakatikom ang mga labi nya sa galit. Pati ang mga mata nya, kahit sa ibang direksyon nakatingin, alam kong puno ng galit. Sa kabila ng lahat, kita ko ang pamumuo ng luha sa gilid ng galit na mga matang iyon. Nasasaktan sya.

"I did my best to forget Kirby," she started in a whisper. Gayunman, halata ko sa boses nyang any moment, she would break down. "Pero hindi ko nagawa. Ilang beses syang nag-sorry sa'kin. Ilang beses nya akong sinuyo para lang bumalik ako sa kanya pero hindi ko na nagawang maniwala pa sa kanya dahil sa sobrang sakit at sobrang takot." Tinignan nya ako, "Hindi ko nga maintindihan eh. Ikaw nagawa kong patawarin pero sya hindi. Siguro dahil best friend kita? Siguro dahil nakonsyensya ako nung nagtangka kang magpakamatay? Annika, sinira mo ang buhay ko eh. Sinira mo kami ni Kirby." Unti-unti nang bumuhos ang luha nya.

"I'm sorry."

She roughly wiped the trail of tears on her pinkish, make up-painted cheeks. "Sorry? Ano pang magagawa ng kalokohan mong yan? Wala na sa'kin si Kirby. At kahit kailan, hinding-hindi ko na sya maibabalik sa'kin. At kasalanan mo yon!"

"Yuri, hindi ko kasalanan kung pinakawalan mo si Kirby."

She stood up, her heels clack-ed against the white floor, "Pero kasalanan mo na nawala sya sa'kin. Annika, this is so unfair. Nawala sa'kin si Kirby nang dahil sa kalandian mo. Kaya hindi ako papayag na maging masaya ka. You're lucky, sinalo ka ni Seven. Pero ako, anong nangyari sa'kin?"

"Pero dumating naman sa buhay mo si Jared di ba?"

"Jared? The hell I care about that bastard?" pati pananalita ni Yuri, malaki na ang pinagbago. "Hindi ko sya mahal, kahit kailan hindi ko sya minahal. Ikaw lang naman ang tumutulak sa'kin dun sa lalakeng yun eh. Bakit, dahil nakokonsensya ka sa nangyari sa'min ni Kirby? You‍ think that ςhit would be enough to replace my Kirby? E wala ka namang alam. Nagmamarunong ka lang. Napaka mo! Kasalanan mo 'tong lahat eh!"

"Yuri, wag mo ngang isisi sa'kin ang lahat!"

"At kanino ko isisisi? Kay Kirby? Kay Seven? Sa'kin?"

Kanino nga ba? Dapat yata dun sa lalaking dahilan daw ng lahat, sino nga ulit yun... si Memo?

Ni hindi ko man lang alam kung totoo ang taong yun.

"Di ba tama lang na sa'yo? Kasi nilandi mo si Kirby. Nagpakita ka ng motibo sa kanya. Inakit mo sya, inahas mo sya, inangkin mo sya kahit alam mong akin na sya!"

"Kahit kailan hindi mo naging pag-aari si Kirby."

"At kanino pala sya? SA'YO?"

"Tao sya. Hindi bagay para maging pag-aari ng iba."

"Stop playing preacher, I'm not buying that. Ngayon kung pumunta ka dito para may iyakan ka na naman tungkol sa ex mong kasing landi mo, better go home. Tutal alam mo nang paplastikin lang kita kung aaluhin pa kita sa pagngawa mo tungkol sa kanya."

"Yuri," I mouthed. Nasasaktan ako sa ginawa nya pero mas nasasaktan ako para sa kanya. Sa tingin ko tama sya, ako ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Kirby. Ako rin ang nagtulak sa kanya para magkaganito.

Kasalanan ko.

"Ano, hindi ka pa ba aalis? Gusto mo ipagtulakan pa kita? Layas na!"

"Yuri, I'm sorry. Sorry sa nagawa ko." Napakagat ako sa ibabang labi, pakiramdam ko malapit na rin akong maiyak.

"Too late for that, b/tch." Tapos tinalikuran nya ako para umakyat sa kanyang kwarto.

Wala na akong nagawa. Lumabas na ako ng bahay nya para makauwi.

Hindi lang pala ako nawalan ng boyfriend, pati pala best friend nawalan din ako. :(

Paglabas ko, nakita ko si Seven na nakasandal sa pader na bumabakod sa bahay nina Yuri habang naninigarilyo. Napansin nya ang presensya ko kaya umayos sya ng tayo sabay tapon ng sigarilyo nya sa kalsada para tapakan.

Tulad pa rin sya ng kanina, blangko ang ekspresyon ng mukha.

"Annika."

Dati ang sarap ng feeling kapag tinatawag nya ako sa pangalan ko. Ngayon iba na, masakit na. Nakakadurog ng puso. Nagkusa ang mga binti ko, napatakbo na lang ako palayo.

Ramdam ko ang pag-agos ng luha sa mga mata ko habang pilit akong tumatakbo mula sa kanya, mula sa realidad na wala na sya. Gusto ko syang makausap, mukhang yun din ang gusto nya, kaso hindi ko kaya.

Gusto ko syang tanungin kung bakit nya ako iniwan at pinagpalit kay Yuri. Pero wag na lang siguro. Masasaktan lang ako. Kahit ano pa ang dahilan nya, malamang na hindi ko rin yon matanggap.

That night, I cried myself to sleep.

"Annika..."

May narinig akong malambing na boses na tumawag sa'kin pero hindi ko iyon pinansin.

"Annika, gumising ka na."

Hindi ko ulit pinansin ang boses, lalo kong pinikit ang mga mata ko saka nagtalukbong ng kumot.

Naramdaman ko ang paggalaw ng kama sa bandang likuran ko, may umupo ata, siguro yung taeng istorbo sa tulog ko. =_=

"Uy gising na," inalis nito ang kumot mula sa pagkakatalukbong sa'kin. "Baka ma-late pa tayo sa flight natin nyan eh."

"Inaantok pa 'ko eh."

Naramdaman kong lumapit sya sa tenga ko saka bumulong, "Honeymoon's over. Kailangan na nating maghanda pabalik ng Pinas, unless gusto mong mag-extend?"

Napabangon ako saka tiningnan ng inaantok ko pang mga mata ang taong yon.

Nginitian nya lang ako. "Sige na, bumangon ka na, breakfast's ready." Tapos ay mabilis nya akong hinalikan sa labi kahit hindi pa ako nagtu-toothbrush.

Haha, ganun ata talaga pag mahal mo or mahal ka. Kahit kagigising mo lang, magulo ang buhok at maraming muta sa mata, sasabihan kang ikaw pa rin ang pinakamaganda. Kahit alam mo sa sarili mong amoy panis na laway ka pa, sasabihin nyang mabango ka pa rin at hindi sya magdadalawang isip na bigyan ka ng morning kiss. At kahit sa pagtanda ninyo, kahit puro ka na kulubot at puro uban na, mamahalin at aalagaan ka pa rin nya na para lang syang nanliligaw. Kasi nga mahal ka nya. 

Hindi sa pagyayabang pero masasabi kong napakaswerte ko at napang-asawa ko ang isang tulad nya... ay hindi pala tulad nya kundi sya mismo. Isang lalaking gwapo, mahal ako, mabait, mahal ako, patient, mahal ako, may matinong trabaho, mahal ako, mahal ko at higit sa lahat, mahal ako. Ang kulit ko 'no? Hehe, gusto ko lang ipagsigawan sa lahat na talagang mahal ako ng lalaking ito.

Tinatanong nyo kung sino sya?

Sya ang asawa ko.

Si Seven Astute. Sino pa nga ba?

Ang gulo ba?

Hehe, naguluhan din ako kanina eh. Pero ngayon malinaw na ang lahat. Nanaginip lang pala ako. Panaginip lang na iniwan nya ako. Dahil ang totoo, hindi kaya ni Seven na mabuhay na wala ako. Ganun din ako, hindi ko na rin alam kung ano ang ibig sabihin ng buhay kung wala sya. Mahal na mahal ko si Seven at alam kong mahal na mahal nya rin ako.

Nga pala, okay kami ni Yuri. Yung panaginip ko, never nangyari yun sa totoong buhay. Ang totoo, super close pa rin kami ng best friend ko. Maid of honor ko sya sa kasal ko, ako rin ang maid of honor nya nung kinasal sya three years ago.

Si Kirby naman, hmm, marami syang mabibigat na pinagdaanan pero ang alam ko, sa ngayon, masaya na rin sya. Kasal na sya, kanino? Haay, sya na lang ang kausapin nyo.

Basta ako, happy na 'ko sa nangyari sa'kin.

-wakas

--------------

Wahahaha ang korni di ba?

Ginawang panaginip ang lahat para lang masunod ang gusto mwahaha

Pero unique naman ito sa ibang IMAJWNIS FF :)) 

Pokračovat ve čtení