Fate of Love.

By blueballoon19

2M 15.9K 4.6K

Is it true that we are capable of writing our stories or are we intertwined with the playful hands of fate? H... More

Fate of Love.
Chapter 1: Thank God I found you
Chapter 2: NOT him.
Chapter 3: Love Messages???
Chapter 4: Crossing Paths
Chapter 5: Starting my life with you
Chapter 6: Text then Call.
Chapter 7: Not a very lucky day.
Chapter 8: Real side?
Chapter 9: I, Warren Gabriel Villaroel, swears not to give you up
Chapter 10: Plan for Love <3
Chapter 11: Friends yung isa, less than lovers din yung isa?
Chapter 12: Parting Ways :((
Chapter 13: Impatient >.<
Chapter 14 (part1): The Date?!!!
Chapter 14 (part 2): The Date?!!!
Chapter 15: Akin ka na lang ha?
Chapter 16: Right and Left.
Chapter 17: Small kisses
Chapter 18: Its not enough :'(
Chapter 19: Trap in LOVE?!!
Chapter 20: May I?
Chapter 21: Valentine <3
Chapter 22 (Part 1) : Alam kong gago ako. ='(
Chapter 22 (Part 2): Alam kong gago ako ='(
Chapter 23 (part 1): Bagay tayo eh noh? :)
Chapter 23 (part 2) : Bagay tayo eh noh? :)
Chapter 23 (part 3): Bagay tayo eh noh? :)
Chapter 24 : Pendant
Chapter 25: Double Date?
Chapter 26: Patrick's past
Chapter 27: Sorry
Chapter 28: Angry Birds
Chapter 29: Meeting Maxene
Chapter 30: Ang kawal.
Chapter 31: Mahal mo ba ako?
Chapter 32: The Answer
Chapter 33: DATI :(
Chapter 34: Patrick's Confession
Chapter 35: Till my heartaches end
Chapter 36 (part 1) : Kung pwede pa ba tayo?
Chapter 36 (part 2): Kung pwede pa ba tayo?
Chapter 37: Fireworks
Chapter 38: Hello and Goodbye
Chapter 39: Standing up for you
Patrick's POV (part 1)
Patrick's POV (part 2)
Chapter 40: Kissing Coach
Chapter 41: Mukhang Badtrip. =____=
Chapter 42: Deeply Madly
Chapter 43 (part 1): A Week of Truth.
Chapter 43 (part 2): A Week of Truth.
Chapter 44: His heart.
Warren's POV
Chapter 45: Empty Beginning
Chapter 46: Pasan
Chapter 47 : Key Chain
Chapter 48: No Rainbow After the Rain.
Chapter 49: My turn
Chapter 50: Always You
Chapter 51: Familiar Face
Chapter 52: Loss Memory
Chapter 53: Reconcile
Chapter 54: Letting him go.
Chapter 55: Departure
Chapter 56: Bitaw
Chapter 57: Birthday Wish
Chapter 58: Remember
Chapter 59: *clash*
Chapter 60: Denial
Chapter 61: Advice
Chapter 62: Understanding
Chapter 63: Semestral Break
Chapter 64: [ Time Out ]
Chapter 65: Quarrel
Chapter 66: Flowers
Chapter 67: Puzzle Pieces
Chapter 68: *promise*
Chapter 69: Red Umbrella
Chapter 70: Angel
Chapter 71: Just forget the world
Chapter 72: Jealousy
Chapter 73: My kissing coach is back...
Chapter 74: Race
Chapter 76: Angst
Chapter 77: I do
Chapter 78: Let's Start Again
Chapter 79: Facing Patrick
Chapter 80: What If?
Chapter 81: Ultimatum
Chapter 82: Final Blow
Epilogue: Forever

Chapter 75: Outburst

14.6K 131 61
By blueballoon19

Hello Loves!

Sorry for a late update. I know I am a 'no see body' for the last two weeks. Pasensya na I have alot of commitments aside from my ever favorite thesis making. Sana maintindihan niyo ako. 

Nga pala, I needed your reaction sa chapter na ito kasi feeling ko hindi ko nadala yung emotions na dapat. =________= 

And a good news, may facebook account po si Rachel Elise Bautista. Want to add her? Just click yung external link sa gilid. She updates what she feels and what she thinks on that account. And want to say thank you for the special someone who did that. She said she must be anonymous pero binanggit ko na sa facebook ko. HAHAHA. Dumb me.

Happy Reading!

Love Much,

Raiiinn <3

___________________________________________________________________________

Sumakay kami sa isang kotse. Siguro nga kotse to ni Patrick. Hindi ko alam mukhang bago eh. Sa totoo lang wala na akong pakialam. 

Tinatanaw ko parin yung screen at sa ngayon nakita ko na pinagkakaguluhan na si Warren nung mga tao.

"Hindi mo man lang ba tutulungan si Warren, Pat?" 

"Masamang damo yan kaya alam kong hindi yan mamamatay sa ganyan" hindi siya nakatingin sa akin habang nasagot

"Anong bang pinagsasabi mo? Si Warren yun ang bestfriend mo"

"Wala akong paki"

Pinaandar niya na yung sasakyan niya.

"Bakit ang sama sama mo na? Sa tingin mo ba magiging masaya ka dahil nanalo ka? May nasaktan ka Pat"

Napatingin siya sa akin.

"Hindi naman talaga ako mabait at ikaw, naisip mo ba nung pinili mo siya ay sasaya kayo ng buo kahit alam niyong may masasaktan kayo?"

Hindi ako nakapagsalita.

Galit na galit talaga siya.

At dun ko lang naisip na kahit anong iyak ko ay hindi na ako papatahanin ni Patrick.

Ang kalma kalma niya sa sitwasyon ngayon.

At ako ang hindi parin mapakali sa nangyari kay Warren.

Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa at tatawagan sila Joysee. Kaso biglang kinuha ni Patrick yung cellphone ko, tinanggalan ng battery at tinapon sa likod ng kotse niya.

"Pinagpaalam na kita sa Lola mo. Sasama ka sa akin ngayon. You dont have to contact anyone"

"Ano ba?! Hayaan mong may tumulong kay Warren!"

"Remember, ako ang nanalo. In any means ako ang masusunod"

Napadabog akong lumingon sa labas ng bintana. Naiinis ako. Hindi nagagalit ako dahil sa walang kwentang race na ito eh kailangan ko tiisin si Warren.

Sa byahe namin wala ni isang nagtangkang magsalita. Lumilipad talaga ang utak ko yung tipong umiiyak ako pero sinusubukan kong pigilan.  Ayokong tumingin kay Patrick kasi naiinis ako kahit alam kong wala akong karapatang mainis sa kanya kasi kung hindi ko siya sinaktan eh hindi naman aabot sa ganito.

Pero si Warren.

Nasasaktan siya ngayon at wala ako sa tabi niya.

__________________________________________________________________________

Hindi ko alam kung paano basta pagkagising ko na lang ay nasa isang kama na ako. Napabangon ako nung nalaman ko na hindi ko alam ang mga bagay na nasa kwartong to. Bagong lugar na kahit kelan man ay hindi ko pa nakikita.

Dun ko lang naisip na kasama ko nga pala si Patrick kanina. Lumabas ako ng kwarto at nagsimulang hanapin si Patrick.

Walang gaanong laman yung bahay o sadyang laki lang nito. Simpleng tahanan lang nung sumilip ako sa bintana eh wala kaming katabing bahay o siguro malaking lote ito na may hardin. Imamasid ko pa sana yung tingin ko nung may narinig akong tugtog ng piano sa isang kwarto.

Nung nilapitan ko yung tugtog eh nakita ko si Patrick na nakatalikod na nakaupo sa harap ng piano.

"Come up to meet you, tell you I'm sorry

You don't know how lovely you are"

 

Nung kumanta siya dun ko lang nalaman na isa palang pamilyar na kanta yun. Napahinto ako ng paglapit sa kanya. Iniisip ko kung ano nga ba yung kanta na yun.

"I had to find you, tell you I need you

Tell you I set you apart"

Malungkot na kanta na alam kong kinanta niya sa isang masaya dapat na araw. Napakagat ako sa labi ko nung naisip ko na yun yung kanta na kinanta niya sa akin nung birthday ko.

"Tell me your secrets and ask me your questions

Oh, let's go back to the start"

Hindi ko parin naman talaga alam kung bakit niya kinanta yun at kung anong meron sa kanta. Bakit ngayong naririnig ko ulit to eh nakakaramdam ako ng lungkot. Lungkot na alam mong matagal ng tinago. Sinubukang iwasan pero hindi nakayang iwasan.

Nakakaramdam ako ng awa para kay Patrick. Mas matinding awa ngayon kesa nung huli ko siyang narinig kumanta bago yung race.

Nagulat ako nung pabagsak na nilapag ni Patrick yung kamay niya sa piano keysat napayuko.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Pat"

Hindi niya ako tinitignan pero alam kong nahihirapan siya ngayon.

"Ano bang nangyari sa atin?"

Narinig kong tinanong niya ng hindi parin tumitingin sa akin.

wala akong maisagot. 

Dinudurog ang puso ko na makita siyang ganito.

"Bakit minsan kahit anong pilit natin hindi talaga natin makuha ang gusto natin?"

"Pat, Sorry" hinawakan ko siya sa may braso niya "Im so sorry"

Napatingin siya sa akin tapos hinawakan niya ang ulo ko at umiling.

"Alam ko na naman dapat sa simula pa lang diba? Masyadong matigas lang ang ulo ko"

"Pinilit ko. Pinilit ko naman talaga pero mahina ako eh. Hindi ko kaya na hindi siya mahalin."

Niyakap niya ako bigla.

"Ssshhh, Naramdaman ko naman yun kaya hanggang ngayon pinipilit parin kita na piliin ako. Sorry kung lagi na lang kitang nilalagay sa sitwasyon na masasaktan ka"

Umiling ako.

"Hindi. Wala ka ngang ginawa kundi maging kasama ko. Maging kakampi ko"

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.

"Kailangan mo na malaman ang buong katotohanan. Kung malaman mo man yun siguro" he chuckled "malalaman mo na tama ang desisyon mo na piliin siya"

"Anong ibig mong sabihin Patrick?"

Humarap si Patrick ulit sa piano at tinugtog ulit yung kanta kanina.

"Diba sabi ko sayo na nasa kanta na to ang ang mga gusto kong sabihin sayo?"

"Yan yung nung birthday ko?"

Tumingin siya sa akin at napansin ko na lang eh kinakanta niya na ulit yun.

"Come up to meet you, tell you I'm sorry

You don't know how lovely you are

I had to find you, tell you I need you

Tell you I set you apart

Tell me your secrets and ask me your questions

Oh, let's go back to the start"

Ngumiti man si Patrick eh alam ko na malungkot siya. Tumigil siya ng pagtugtog.

"Gustong gusto kitang makita sa birthday mo. Pakiramdam ko kasi nung hinatid kita sa bus na yun alam ko na pagbalik mo nakapili ka na. You just dont know it that time kasi ginugulo ka ng utak mo at ginugulo ka ng existence ko. I made the phone call at yung kinanta ko kasi gusto ko naring magpaalam sayo. That night I realized the horror of letting you go"

"Ha? Hindi ko maintindihan. Nung paguwi ko cold ka sakin pero naayos naman natin diba?"

"Kasi tulad mo pag dating kay Warren, hindi kita matiis at yung katotohanan na yun kung kaya bakit ako naiinis sa sarili ko."

"Sorry kung inabuso kita. Mali na ginawa ko yun"

"Ako dapat ang humingi ng sorry kasi kinuha ko ang tatlong taon na dapat kasama mo siya."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Alam ko na naaksidente si Warren"

"Ano?"

"Alam ko way before na nalaman mo. Nung bumalik siya 8 months after the accident."

"Ha? Paanong mangyayari yun eh diba nalaman mo lang sa coach mo? Ni hindi mo nga alam na na-amnesia siya diba?"

Nararamdaman kong nanginginig ang tuhod ko nun.

"Hindi naman totoo yun diba? Yun ang pinalabas ni Warren para nmasabing nakamove on na siya. Nalaman ko na bumalik na siya. He came after you but I ruined it. I blew the chance he have that time. Siya na rin ang may sabi nun diba?."

Napahawak ako sa ulo ko.

"Hindi ko maintindihan. Ano bang pinagsasabi mo?"

Tinanggal niya ang kamay ko sa ulo ko at hinawakan yun.

"Pinakiusapan ako ni Nico na ilayo ka kay Warren. Siya ang unang nakaalam sa nangyari kay Warren at nung malaman niya na bumalik si Warren para sayo hindi niya ito nagustuhan. He wanted revenge. Nung una ayoko pero napapayag niya ako kasi I wanted you"

Hinila ko yung kamay ko sa pagkakahawak ni Patrick.

"Hindi yan totoo diba? Paano mo nagawa yun sa akin?"

"Im sorry Ray. Sorry kasi wala kang alam na pinalabas namin ni Nico na boyfriend mo na ako nun. Yun ang alam ni Warren. "

"Boyfriend?"

"Oo, yun ang alam niya all this time. Na naging tayo at masaya ka na sa akin. We feed Warren guilt dahil sa nangyari sa inyo. Gusto naming ipasok sa utak niya na wala na kayo. Hindi na mababalik yung dati lalo na sa kalagayan niya."

"Kaya pala dati lagi na lang ako sinusumbatan ni Warren na masaya na ako. Na masaya na ako na kasama ka?"

Hindi nakapagsalita si Patrick.

"Ang sama niyo. Ang sama sama niyo"

Hindi ko na napigilan ang umiyak. Napayuko na lang ako.

Ang sakit isipin na yung taong pinagkatiwalaan mo ng buong buo eh nagsinungaling sayo.

 

Yung taong akala mo buong buhay mo eh kakampi mo.

Tumayo si Patrick sa pagkakaupo at umupo sa harap ko.

"Bakit mo ginawa? Bakit mo ginawa sa akin to?" tanong ko sa kanya habang nakatungo ako.

"Kasi mahal na mahal kita"

Napatingin ako sa kanya.

(See upper promotional picture)

"Mahal? Ang maka-sarili naman ng pagmamahal mo"

Tumayo si Patrick at niyakap ako.

Habang nakasubsob ang mukha ko sa damit niya mas lalo akong naiyak. 

Pinilit kong makawala sa pagkakayap niya ng mahigpit sa akin pero wala na akong lakas.

Bakit ako naloko ng taong akala ko mamahalin ako ng tapat?

"Ti-nago mo yun ng tatlong taon Patrick? Tat-long taon. Alam mo ba kung ga-aano katagal yun? Ang sakit sakit nun sa a-kin. Ang hirap hi-rap. Bakit?"

Naramdaman kong umiiyak na siya.

"Ayokong mawala ka sa akin. Baluktot na rason dahil mahal na mahal kita pero yun ang totoo. Mahal kita. Sobra"

Humiwalay siya ng pagyakap sa akin.

"Ngayong nasabi ko na sayo. Pinapakawalan na kita. Pinanalo ko lang naman ang sarili ko para magkaroon ako ng chance na makausap ka. No more regrets. Ako na ang lalayo."

Nakita kong lumabas na ng kwarto si Patrick nun.

Ngayong magisa na ako eh lalo lang nagsisink in sa akin ang mga nangyari. 

Alam kong kagalit galit ang ginawa sa akin ni Patrick pero meron parin sa puso ko na nagsasabi na sapat na dahilan na mahal niya ako.

Sobra niya akong mahal kaya di niya ako kayang mawala sa kanya.

Oo, baluktot na rason pero para sa akin sapat na yun.

Nasaktan ko din naman siya.

Sa totoo nga lang madaming beses pa.

Madaming beses ko siyang nasaktan dahil mahal ko si WArren.

Isang baluktot na rason din.

Sobrang mahal ko si Warren kaya nasasaktan ko si Patrick.

Napatayo ako at sinundan si Patrick nakita ko siya na nakasandal sa pader at malayo ang tingin.

(see bottom promotional picture)

"Sabi ko sayo dati, hinding hindi na kita ihahatid kay Warren pag sinaktan ka niya ulit pero ngayon na ako ang dahilan kung bakit ka nasasaktan eh tama lang na ibalik na kita sa kanya"

Tumingin siya sa akin.

"Alam ko kung nasan siya. Ihahatid kita for one condition"

"Ano?"

"For the last time, please hold my hand"

Inabot niya sa akin ang kamay niya at tinignan ko naman yun.

"Huli na to Rachel. I told you Im going back to the start."

"Ibig bang sabihin nun eh tapos narin ang pagkakaibigan natin?"

"Pag nahatid na kita ibig sabihin nun eh putol na kung anu man ang lahat sa atin. Wala na tayong dapat pang balikan pa. Kung dati lagi kong di sinusunod yun eh hayaan mong gawin ko siya ng tama. Sabi mo nga pinipili mo siya. Wala na akong silbi."

"Pero magkaibigan tayo"

"Ang hirap hirap kung hihilingin mo pa sa akin na maging kaibigan mo. Hayaan mo naman akong baunin ang paghihiwalay natin ng kaya ko pa. Na ako pa ang nagpapalaya sayo at hind yung itataboy mo na ako. Our understanding back then is purely ideal. Tao lang ako. Hindi ko kaya yun kahit mahal na mahal pa kita. Tanga ako kasi sinabi ko yun dati. Hindi ko kayang makipagkaibigan sayo. Tara na"

Hinawakan ko yung kamay niya. 

"Im sorry pat"

"Tama na."

Nagsimula na kaming maglakad.

"Wag kang magalala nasa ospital siya malapit dito."

"Pano mo nalaman?"

"Pinaasikaso ko na kay Jayson ang lahat"

"Tinulungan mo si Warren"

"Hindi ko siya tinulungan."

Humigpit ang hawak sa kamay ko ni Patrick.

Dahan dahan kaming naglalakad. Sa totoo lang wala akong paki na kami na lang ang tao ngayon sa daan. Masaya ako na maayos lang si Warren pero nalulungkot ako sa katabi ko ngayon. Mabigat ang mga hakbang na ginagawa namin. Nakita kong pinunasan ni Patrick yung mata niya gamit yung ibabang parte ng palad niya.

"Patrick"

"Ang sakit sa mata nung hangin. Malapit na kasi ang Pasko"

"Diba sabi mo sa amin ka magpapasko?"

"Pandak ka talaga. Syempre hindi na tuloy yun. Balik ako sa dating gawi pag pasko"

"Pero sabi mo-"

"Marami na akong mga bagay na sinabi na hindi natupad. Madalas pagdating sayo"

"Mali ka. Tinupad mo yung pangako mo kay Warren"

He chuckled. "Yun ba? Mukhang sobra sobra pa nga ata dun"

"Kaya nga ang swerte ng magmamahal sayo"

"Sayang nga lang at hindi ikaw yun. Malas pa eh hindi tayo pwedeng na maging magkaibigan"

"Sana makakita ka ng babaeng mamahalin mo at mamahalin ka din. Pag nangyari siguro yun pwede na ulit tayong maging magkaibigan"

"Siguro. Pero sana wag mo masyadong ipilit na may darating pa na isa na mamahalin ko kasi hanggang sa oras na ito ikaw pa rin."

"Kung kaya ko lang sana suklian ang pagmamahal mo"

"Kung kaya mo yun, aba hindi na kita ibabalik kay Warren ngayon. Aangkinin na kita at ilalayo na kita. Kaso hindi ganun eh.Nakisawsaw ako sa inyo, inaway kita, ninakawan ng halik, be your best guy friend tapos fall in love. Fall in love deeper everyday hanggang sa hindi ko na macontrol ang emosyon ko. Masyado na akong nagpadala sa nararamdaman ko at ngayon sinasaktan kita at mamaya magpapaalam ako sayo then I will forget all of this. I will forget you. Mostly, I will forget how I feel for you"

Hindi na ako nagsalita mas naunang maglakad sa akin si Patrick kaya parang kitang hinihila niya ako.

Masakit nga ang hangin para sa aking mga mata. Ang hapdi kasi eh. Pinupunasan ko ang luha ko na di ko macontrol ang pagtulo.

Nung matanaw namin yung white na building eh mas lalong bumilis ang lakad ni Patrick. Mabilis ang lakad namin pero lalong humihigpit ang hawak niya sa kamay ko.

Alam kong nahihirapan siya na ihatid ako kay Warren pero ginagawa niya parin ngayon.

Mali ako sa sinabi ko.

Hindi maka-sarili ang pagmamahal niya.

Masyadong mapagbigay na wala na atang maiiwan para sa kanya.

Walang paki si Patrick at basta basta na lang pumasok dun sa hospital. Bigla siyang huminto at bumagal ang kanyang mga lakad.

Nung padaan kami ng hallway eh bigla siyang nagsalita ulit.

"Alam mong ayoko tong gawin." lumuwang yung paghawak niya sa kamay ko "pero dapat"

"Pat hindi mo na naman ako kailangang ihatid pa kay Warren sabihin mo na lang sa akin kung saan"

Humarap siya sa akin. "Hayaan mong ako ang gumawa"

"Gumawa ng?"

Hindi sinagot ni Patrick yung tanong ko.

"Rachel" tawag niya sa akin.

"Hmm?"

"Ingatan mo ang sarili mo. Please. Yun lang ang kaya kong sabihin sayo"

Huminto kami sa may isang pinto pero bago pumasok eh humarap sa akin si Patrick at hinawakan ang kanang bahagi ng aking mukha.

"Ngayon pa lang namimiss na kita. Pwede bang makiusap sayo?"

"Ano?"

"Sabihin mo sa akin na makakaya ko ng wala ka"

Nagulat ako sa sinabi niya.

Kasi alam ko na hindi ko kaya ng wala si Patrick.

Ang lalaking handang umalalay lagi sa akin.

"Rachel, sabihin mo na"

Huminga ako ng malalim.

"Pat, makaka-ya mo ng wala a-ko"

Pagkatapos na pagkatapos kong sabihin yun eh. Sinandal niya ang noo niya sa noo ko at pumikit ng mataimtim.

"Hindi ko kaya. Ayoko"

"Pat?"

Minulat niya yung mata niya at lumayo sa akin.

"Pero kakayanin ko kasi wala akong bagay na hindi sinunod lalo na pag galing sayo"

Pagkatapos nun eh humarap si Patrick sa may pinto at pumasok.

Dun ko nakita si Warren.

Nakahiga siya sa kama at may benda ang kanyang kaliwang kamay. Salamat sa diyos at dahil bukod dun puro pasa lang ang nakikita ko sa kanya. Nakapikit lang siya. Tulog ata.

Didiretso sana ako kay Warren pero hindi parin binibitawan ni Patrick yung kamay ko.

"Pat?" tinignan ko siya na parang nakikiusap na bitawan niya na ako.

Pero hindi niya ginawa.

Lumapit siya sa tabi ni Warren habang nakahawak pa din sa kamay ko.

Wala na akong paki at umupo na ako sa harap ni Warren.

"Warren, si Ray to. Andito na ako. Kamusta ka na? Uy, gumising ka dyan. Sabi na nga ba ang tagal mo na naman akong babalikan kaya ako na ang pumunta sayo"

Nagsimula na namang tumulo ang luha ko.

"Akalain mong ilang beses na ayos lang sayo ang muntikan ng mamatay para sa kanya"

"Pat ano ba?!"

Pero imbes pakinggan ako ni Patrick eh tinaas niya yung kamay ko na hawak niya at may nilagay na bagay tapos inihawak sa kamay ni Warren.

"Finders keepers pero alam ko naman na ikaw lang nagmamayari sa puso niya eh. Binabalik ko na siya sayo. Ngayon binabaliktad ko na ang kasunduan natin. Wag na wag mo siyang pababayaan dahil ikaw ang tingin kong nababagay sa kanya. Pare, usapang matino. Pag pinaubaya mo pa talaga siya ulit hindi ko lang siya kukunin sayo kundi babasagin ko pa lalo yang mukha mo. Lalampahin kita kasi hindi mo pinapahalagahan ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko ngayon. Mahalin mo siya at dapat higit ng akin. Naiintindihan mo ba? Kahit di ka na magsalita dapat oo ang sagot mo"

Dahan dahang binitawan ni Patrick yung kamay ko na ngayon ay nakahawak na sa kamay ni Warren kabilang yung bagay na binigay niya.

Naramdaman ko na pumwesto si Patrick sa likod ko

"Warren, ligtas ka na naman diba? Diba kailangan mo lang magpalakas? Kailangan talaga kasi diba forever tayo?"

Pinunasan ko yung luha ko tapos nagsalita ulit.

"Alam mo bang andito si Patrick?"

Nung lumingon ako sa likod ko eh wala na si Patrick.

"Pat?"

Tumayo ako sa kinauupuan ko at dumeretso palabas nung kwarto. Dun nakita ko na naglalakad si Patrcik na fist gesture siya habang tinatama niya yun sa wall.

"Patrick!"

Napahinto siya.

"Patrick!"

"Wag mo na akong sundan"

"Pat saan ka pupunta?"sinubukan kong lumapit.

"Sinabi nang wag kang sumunod eh Wala kang pakialam." Hindi parin siya lumilingon sa akin. 

At dahil dun medyo lumapit parin ako sa kanya. "Pat, kaibigan kita. Di ko gustong nangyayari sa atin to"

"Just stop!" Napahinto ako sa sinabi niya. Ngayon unting space na lang ang naglalayo sa aming dalawa.

"Sinasabi ko sayo pag sinundan mo ako ngayon. Kukunin kita at ilalayo kita dito. Hindi ko na rerespetuhin na pinili mo na si Warren at magiging kasalanan mo yun kasi hinabol mo ako."

Napahawak siya sa batok niya.

"Kaya please, nagmamakaawa ako na kahit ganitong setup lang magmukha namang ako yung nangiwan at hindi ako yung iniwanan. Kahit ngayon lang, baka sakaling makatulong sa akin"

Nagsimula na siyang maglakad ngayon mas mabilis kesa nung una.

Hindi ko siya mailigtas.

Hindi ko din kayang pagaanin ang loob niya.

Napaupo ako nun tapos naalala ko yung binigay niya kanina.

Nung tinignan ko yun eh napatingin ulit ako kay Patrick kaso wala na siya.

Ang iniwan niya na lang sa akin ay yung panda keychain na nilagay ko sa susi ng motor niya.

And my feelings started to outburst.

 

Yun na lang ang iniwan niya sa akin.

 

Yun lang.

 

__________________________________________________________________________

PS:

Someone will be coming for the next chapter:)))

GUESS WHO?

Continue Reading

You'll Also Like

52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
83K 979 16
naranasan mo na ba yung feeling na ma-in love sa kapatid mo? ay este, step-brother pala?! argh! wag mo nang i-try. Kasi mahirap. Ang sakit , puro sa...
20.6K 402 46
A DERPHERP FICTION ©2015
101K 2.7K 37
"Being your slave is the greatest thing that ever happened in my whole life. I'm very much willing to stay at your side until forever Jane. Kasi maha...