My Naughty Boastful Boss (Fre...

By Ice_Freeze

9.1M 193K 18.6K

Warning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED PUBLISHED UNDER PSICOM Avrein Laiclei Freezell is not your typical... More

READER'S GUIDE
Freezell #2: My Naughty Boastful Boss
PROLOGUE
One
Two
Three
Four
Five
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
Forty
EPILOGUE
MNBB UNDER PSICOM

Six

258K 5.6K 183
By Ice_Freeze

AVREIN

AWTOMATIKONG naitulak ko ang dibdib niya nang magproseso sa utak ko ang sinabi niya.

"U–Uuwi na po ako, Sir," utal na wika ko rito nang hindi ko man lamang siya tinapunan ng tingin at tumayo mula sa pagkakaluhod ko.

Lumakad ako palapit sa glass door na dinaanan ko kanina. Akmang bubuksan ko na ito nang maramdaman ko ang isang kamay sa braso ko.

Sandaling nagtama ang mga mata namin bago siya nagsalita. "We'll talk, Ms. Freezell."

"N–No need, Sir. K–Kailangan ko na pong umuwi," utal na pagtanggi ko saka ko binawi ang braso ko at humarap sa salamin.

"Fine, I'm sorry. I was too impulsive and full of myself," anas nito na nakapagpakislot sa akin.

Hindi ko siya nilingon at binuksan ko ang pintuan ngunit sa kasamaang palad ay ayaw nitong bumukas.

"I said I'm sorry, Avrein," turan na naman nito ngunit nanatili akong nagpupumilit buksan ang pintuan.

Pambihira pinto, bumukas ka!

"I'm sorry. This will be the last time that I will say those words for what I've done. Kung hindi mo matatanggap, mapipilitan akong paamuin ka sa paraang kinasanayan ko," aniya at sa tono niya ay tila nagbabanta kaya't napilitan akong humarap na siya namang pinagsisihan ko. Sobrang lapit pala ng mukha niya sa mukha ko kaya't muntik nang magdikit ang mga labi namin.

"O–Okay na po iyon, Sir. U–Uuwi na po ako," utal na tugon ko dito dahil hindi man lamang niya inilayo ang mukha niya sa mukha ko. Hindi rin naman ako makaurong dahil sliding door na ang nasa likod ko.

"You don't want to talk to me?" usal nito sa mapang-akit na tono at ang paraan ng pagtitig niya sa mga mata ko ay talaga namang parang nakakalusaw.

"K–Kailangan ko na po kasing umuwi," paalam ko saka ko inilihis ang mga mata ko sa mga mata niya. Nakakatakot dahil . . . pakiramdam ko ay bibigay ako sa mga matang iyon.

"What if . . . ayaw kitang pauwiin?" anito at itinukod ang magkabilang kamay sa gilid ko.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Kung anong dapat maramdaman ko, o . . . kung anong dapat isipin ko.

"W–Why are you doing this, S–Sir?" tanong ko nang hindi man lamang tumitingin sa mga mata niya.

"Hindi ko rin alam, Avrein."

"Pero—"

"Hindi ko alam bakit naiinis ako sa tuwing mararamdaman ko na wala akong dating sa 'yo. Hindi ko alam kung bakit parang nasisiraan ako sa tuwing may nakikita kang mas dapat bigyan ng atensyon kaysa sa akin. Hindi ko alam, Avrein. Hindi ko alam kung bakit ginagawa ko ito. Siguro nga, bago sa akin na may isang babae na hindi tinatablan ng karisma ko."

Pinilit kung gawing blangko ang ekspresyon ko saka ako tumingin sa mga mata niya. "Nasanay po kasi kayong laging nasa inyo ang atensyon ng kahit sinong babae, kaya't nasasaktan ka o naiirita sa tuwing mararamdaman mo na mayroon isa na hindi ikaw ang tipo." Nakita kong nagdilim ang anyo niya sa sinabi ko. "Hindi po ako nagpunta rito para gawin n'yo iyon, Sir. Kung may problema po kayo sa akin ay maaari n'yo naman po akong tanggalin sa kumpanya, hindi n'yo na po ako kailangang bastusin o halikan para lang mapatunayan n'yo pong lahat ng babae ay magkakandarapa sa inyo. Sinasabi n'yo pong hindi n'yo 'ko babastusin pero iba pa rin po ang ginagawa n'yo sa sinasabi nyo," diretso kong anas at nakita ko ang mas lalong naging pagdilim ng mukha niya.

Muli akong humarap sa sliding door at narinig ko ang pagbuntonghininga niya.

"Nana Lena, open the door." wika nito na hindi ko na ipinagtaka. Alam ko na kanina pa ay may sadyang nag-lock ng pintuan.

Binuksan ito ng matanda at lumabas na ako, ngunit bago ko pa man ito isara ay humarap ako sa kaniya at nakita ko siyang nakayuko. "Hindi n'yo na po kailangang patunayan sa sarili n'yo na guwapo o ma-appeal kayo. Given na nga po iyon, Sir. Ang kailangan n'yo na lang pong patunayan ay kung kaya n'yo po bang rumespeto ng ibang babae bukod sa akin. Kung inirespeto n'yo nga po talaga ako," muling wika ko at sinadya kong pasarkastikuhin ang tono ko sa mga huling salitang sinabi ko.

Tuluyan na akong lumabas at tumungo sa gate. Akmang bubuksan ko na ang gate nang may humigit muli sa braso ko.

"Sorry," wika nito ngunit hindi ko siya nilingon.

"Uuwi na po ako," kaswal na tugon ko rito at hinigit ko pabalik ang braso ko.

"It won't happen again, but I can't . . . promise."

"Sanay na po ako, Sir. Unti-unti na nga po akong nai-immune," sagot ko at tuluyan na akong lumabas.

Naguguluhan ako sa kaniya.

KANINA pa ako palinga-linga at nang tiyak kong walang nakakakilala sa akin ay agad kong inalis ang shoal ko saka tinungo ang dance floor.

Bawat indayog ng katawan ko ay isinasabay ko sa tugtog. Ito lamang ang paraan ko para mawala ang kung ano mang nararamdaman ko—ang maging isang ako. Iyong Avrein na tanging ako lang at si Fria ang nakakakilala. This was the Avrein of California.

Naramdaman ko na lang na may humapit sa bewang ko ngunit hindi ko ito ininda. Sanay ako sa ganito lalo na't gamit ko ang isang katauhan ko.

"Hello, Baby." My body stiffened as I heard that voice. "Wanna play some game with me?"

Of all people bakit ikaw pa?

Hindi ako sumagot, sa halip ay itinuloy ko ang pagsayaw para kahit paano ay mawala ang kabang nararamdaman ko.

Biglang naging slowrock ang kanta kaya't mabilis kong inalis ang pagkakahapit ng pamilyar na tao sa bewang ko. Hindi na kakayanin ng pintig ng puso ko kung bigla niya akong aayain na magsayaw.

Agad akong naglakad patungo sa table ko kanina at mabilis kong tinungga ang order kong margarita.

"Hey!"

Pambihira! Huwag naman po ngayon. Nagpunta po ako rito para mag-unwind sa nangyari kanina, tapos . . . ikaw rin ang madadatnan ko rito.

Hindi ko malaman kung tatakbo ba ako o haharapin ko siya nang nakangiti dahil imposibleng makilala niya ako sa ayos ko ngayon. I'm wearing a fitted dress—four inches above the knee that reveals the back part of my body and a four inches pair of black wedge.

Sa huli, ang huli ang pinili ko. "Hmmm, yes? Do I know you?" nakangiting wika ko rito, ngunit sa likod ng ngiti ko ay naroon ang kaba . . . kaba na baka bigla niya akong makilala.

"Well, I think I don't. Ngayon ko lang nakita ang ganiyan kaganda at ka-anghel na mukha sa tanang buhay ko," anas nito at ginamitan ako ng tila nang-aakit na tingin.

"Oh I see," maarteng sagot ko saka ako naupo sa upuan ng kinuha kong table.

"Are you with someone?" patuloy na pangungulit nito na mas lalong ikinakakaba ko. Gusto kong umalis na lang siya at iwan ako.

"Ah—"

"It doesn't matter. Wala naman akong gagawin sa iyo. Ang gusto ko lang naman ay makiupo sa table mo. Can I?"

Pambihira!

"Sure." Iyon na lang ang sinabi ko dahil ayaw kong isipin niya na itinataboy ko siya kaht na iyon naman ang totoo.

Naupo siya sa isang upuan at bahagya niyang inusog ito palapit sa kinauupuan ko.

"Don't you think you're too fast?" tanong ko rito dahil naramdaman ko ang pag-akbay niya at ang mataman na pagtingin niya sa mukha ko.

"You know what? You remind me of someone." Tila binangga ako ng pison sa narinig kong ibinulong niya sa punong tainga ko. Nakilala ba niya ako? "You're also conservative like her," dagdag pa niya na lalong ikinabigat ng paghinga ko.

"I'm not conservative. I just don't do flirting this fast," anas ko at pilit kong pinakakaswal ang boses ko where in fact, sobrang kinakabahan na ako lalo na't dama ko ang palad niya sa balikat ko na naka-expose.

"Really?"

"Don't believe me. It's your choice."

"Oh come on, Baby? Am I not your type? Every girl here drools for me. Look around you, Baby, they envy you. Every girl here wants to rip your head but they won't do that as long as you're with me," malaki ang tiwala sa sarili na sagot nito.

"I'm not one of them, I'm sorry. You may be handsome but sad to say, I will never drool for you . . . not even once," matigas na saad ko ngunit ang totoo ay bawat salitang binibitiwan ko ay tila may bumabara sa lalamunan ko.

"You do really remind me of her. Halos ganiyan din ang sinabi niya sa akin kanina. Two hits in one row. Sa loob ng isang araw, may dalawang babae ang nagsabi sa akin na hindi nila ako tipo. Funny to think na halos lahat ng kababaihan ay gugustuhin na sila ang kinukulit ko ngayon," sarkastikong turan nito saka ngumisi. Ramdam ko rin ang pagdidilim ng aura niya.

"Sino ba siya? Maybe we're on the same boat. Ayaw namin sa mga lalaking mahangin," kaswal ko na namang turan. Pinipilit kong hindi mautal. Pinipilit kong hindi ako kabakasan ng kahit anong tono ng pagkatao ni Avrein.

"She's my secretary. Sa totoo nga niyan ay may pagkakahawig kayo base sa itsura n'yo but I doubt kung mapagsusuot siya nang ganito." Bigla kong naramdaman ang paglandas ng mga kamay niya sa expose na likod ko.

"Why?"

"I told you earlier, she's too conservative."

-- 

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

VOTE | COMMENT

Continue Reading

You'll Also Like

971K 14.9K 75
mahal na mahal ni autumn ang kanyang kuya. para sa kanya, siya ang the best kuya in the whole world. at para naman sa bestfriend niya, ang kuya niya...
342 96 72
❝ kelan kaya ulit darating yung panahon na ikaw ang maghahabol sa akin? ❞ ━ in which a girl wishes to be chased again by her ex. 「 bam...
50.5M 139K 14
Iris Villafuente made a contract marriage after their company has been bought by her sexy, bipolar and dominating boss Zachary Levi Esqueza. During t...
342 53 8
Started: August 27, 2016 Ended: November 24, 2022 Ksenia just met the saddest eyes on earth. And the guy who owns those is Lander. When she first saw...