Beryl's POV
Excited akong pumunta sa beach suot ang aking black two piece, Isang tao lang ang hinahanap ng mata ko dahil, buo na ang loob ko na ngayon ako mag coconfess kay Xenon my loves.
Napangiti ako noong mahagip ng mata ko ang taong hinahanap ko. Kaya agad akong tumakbo para puntahan siya. Napawi ang ngiti ko noong makita kong sa iba siya nakatingin, Argon? Kapwa silang nakatingin sa isat- isa at nag ngitian. Nagiwas ako ng tingin sa kanila.
Ayokong magbigay ng konklusiyon pero lagi ko nalang sila nakikitang magkasama, siguro nga ay ganon talaga sila ka close.
Nabaling ulit ang tingin ko kay Xenon sakto naman na napatingin siya sa direksyon ko.
"Beryl!" naka ngiting tawag niya sakin. Tumingin ako sa direksyon ni Argon pero wala na siya. Saan naman kaya nagpunta yon?
Ngiti lang ang ginanti ko sa kanya at naglakad patungo sa direksyon niya. Kasabay ng bawat yapak na iniiwan ko ay ang lalong pag tibok ng puso ko.
Noong magkaharap na kami ay huminga muna ako ng malalim bago magsalita.
"Xenon, pwede ba kitang makausap..." seryosong sabi ko, sabay tingin sa mga kasama niya "In private" pagpapatuloy ko.
"Oo naman" nakangiti niyang sabi. " wait lang pre ah" pagpapaalam niya sa mga kasama niya.
Tahimik lang kaming naglakad patungo sa kabilang dulo ng pangpang. Dito ay wala masyadong tao kaya ito ang lugar na napili ko. Naupo kami sa duyan na nandon.
"Para saan pala at bakit gusto mo akong makausap?" panimulang tanong niya.
"Ah, may gusto sana akong sabihin sayo" kinakabahan kong sagot.
Inhale, exhale... kaya mo yan Beryl ito na ang moment na pinaka hihintay mo.
"Noong una kitang nakita, humanga na talaga ako sayo Xenon... lalo na noong naglaro ka ng basket ball noon... sayo lang ako nakatingin, sa mga kilos mo. Alam kong weird tong mga sinasabi ko pero ito talaga ang gusto kong sabihin sayo " sabi ko habang nakatingin sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin Beryl?" nagtatakang tanong ni Xenon.
"Kahit kalian manhid ka talaga" dagdag ko pa. "Mahal kita Xenon" finally nasabi ko na, nasabi ko na ang matagal ko ng itinatago.
"Pero Beryl..."
Tumayo si Xenon mula sa pagkakaupo niya sa duyan. Sinundan ko naman siya.
"Anong pero Xenon? Hindi mo ba ako gusto? Is it because I'm ugly?" sabi ko habang hawak ko ang kamay niya.
"You're not---"
"Eh ano pala kung ganon! May gusto ka bang iba? Sino siya Xenon?" sigaw ko kay Xenon.
"Oo, May mahal akong iba Beryl" sabi niya sabay tangal ng kamay ko na nakapatong sa kamay niya. Tanging awa ang nakita ko sa mga mata niya.
Unti unting pumatak ang mga luhang kanina ko pa pilit na pinipigilang kumawala.
"Sorry, but I love her so much" sabi niya at tuluyan ng tumalikod at nagsimulang maglakad palayo.
Sobrang sakit pala, ganito pala ang feeling na mabigo. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Napaupo ako sa buhangin, parang naubos lahat ang lakas ko dahil sa huli niyang sinabi.
"Uupo ka lang ba dyan"
Naglahad siya ng kamay agad na inabot ko naman iyon at sabay punas ng luha ko.
"Kanina ka pa ba nandito Chlorie"
Oo, si Chlorie nga ang kausap ko ngayon.
"Hangang ngayon pa naman iyakin ka pa rin Couz" nakangising sabi sakin ni Chlorie.
Totoong magpinsan kami. Nauna akong napunta dito sa Elysium Academy dahil maaga akong binawian ng buhay dahil sa leukemia ko.
"Ang sakit kaya" sabi ko sa kanya habang nag pupunas ng luha.
"Gusto mo bang malaman kung sino ang babaeng mahal niya?" tanong niya sakin. Bigla akong kinabahan meron sa isip kong nagtutulak na sasabing Oo. Pero natatakot ako.
"O---Oo"
Nginitian niya lang ako at inabot ang puting sobre. Nagtatakang kinuha ko naman iyon.
"Sabi nga nila, to see is to believe, kaya lang ay hindi mo naman nakita kaya I take a picture na lang para maniwala ka"
"Ano to?"
"Open it" nakangisi niyang sabi.
Unti unti kong binuksan ang puting sobre.N akita ko ang tatlong litrato ng dalawang tao. Unti-unti nanamang bumaksak ang luha sa mga mata ko.
Si Argon at si Xenon sila ang mga na sa picture, meron silang kuha na magkayap, meron din yung magkahawak ang kamay. Ang sakit pala... ang akala ko ay matatangap ko kung meron siyang iba pero nagkakamali pala ako, ang sakit dahil mismong bestfriend ko pa ang mahal niya, Halos kapatid ko na kung ituring si Argon, pero anong ginawa niya?
"P—Parang kapatid ko na siya kung ituring, tapos ganito lang ang gagawin niya. All this time alam niyang mahal ko si Xenon pero anong ginawa niya... pinagmukha niya akong tanga!"
Hindi ko na napigilan ang sariili ko at nalukot ko na ang mga litrato, Ang sakit, Paano nya nagawa sakin to. Paano?
"See? Tingnan mo yang nangyari sayo. Hindi bat binalaan na kita sa kanya, pero hindi ka parin na kinig, Beryl we're cousin nandito lang ako lagi sa tabi mo"
Sabi ni Chlorie sabay yakap sakin, tama siya dappat pala ay nakinig ako sa kanya. Argon traydor ka.
"Gaganti ako Chlorie, magbabayad siya sa ginawa niyang pang aagaw kay Xenon sakin"
"Good" nakangising sabi sakin ni Chlorie.
Argon's POV
Gabi na noong matapos ang palaro, buong araw lang kaming magkasama ni Krypton. Ngayon ay nandito kami sa pangpang. Nakatingin lang ako kay Krypton na ngayon ay gumagawa ng Bonfire.
Napatingin din siya sakin at ngumiti. Noong matapos siya ay umupo siya sa tabi ko. Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan ito.
"I'm so glad that you're with me tonight" serosong sabi niya.
"I'm always by your side Krypton" nakangiti kong sambit.
Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko. Alam kong mahal ko na siya, pero ayokong masaktan lang sa huli.
Humarap siya sakin at marahang hinalikan ako.
"I love you" he said between our kisses.
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. tama ba ang rinig ko, mahal niya ako? Pagkatapos niya akong halikan ay nag iwas ako ng tingin.
"Mali itong ginagawa natin Krypton"
"But why?" may lungkot sa mga mata niyang sabi.
"Mali ang umibig sa lugar na ito , Paano kung malaman nila?"
Ayoko lang na mapahamak siya. Siya ang Student Council President at maaaring mawala sa kanya ang posisyon at kapangyarihan kung sakaling malaman na umiiibig siya.
"I will disobeyed anything just because of you, kung ikaw ang rason ay handa akong mamatay muli Argon"
"Nagaalala lang ako, baka kung anong gawin nila, ayoko lang na mapahamak ka"
Nagsimulang tumulo ang mga luha sa pisngi ko, hindi ko na mapigilang mapaiyak. Mahal ko siya at gusto ko ding ipaglaban siya. Gaya ng paglaban niya para sakin, pero ayokong mawala siya ng dahil lang sakin.
"I love you my love, please don't cry" sabi niya habnag pinupunasan ang mga luha sa pisngi ko.
"I love you too" sabi ko at niyakap siya. Sana lagi nalang ganito. Lagi ko siyang kasama, ayokong matapos ang araw na ito, dahil baka pagbalik namin sa Elysium Academy ay magbago bigla ang turing niya sakin. Ayokong magtago kami, pero kung yun lang ang paraan para magkasama kami ay gagawin ko, kakayanin ko. para sa kanya.