Charm Academy School of Magic

By april_avery

61.7M 1.7M 522K

She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang... More

Charm Academy: Prologue
Chapter 1: What's Your Charm?
Chapter 2: The Fire Ball
Chapter 3: Deadly Deal
Chapter 4: Welcome to Enchanted Forest
Chapter 5: The Rebel's Punishment
Chapter 6: The Four of Us?
Chapter 7: The Quest for Evergreen
Chapter 8: Caught in the Trap
Chapter 9: The Modifying Charm
Chapter 10: Training Mishaps
Chapter 11: The Thing with Trust
Chapter 12: The Puzzle Game
Chapter 13: The Academy Secret
Chapter 14: The Bow and Arrow
Chapter 15: Training Arrow
Chapter 16: Fire Against Light
Chapter 17: The Escape
Chapter 18: The Full Moon
Chapter 19: Ariela Against Hades
Chapter 20: The Deal with Augury
Chapter 21: Mystic Gifts
Chapter 22: The Mystic Ball
Chapter 23: The Head Masters
Chapter 24: The Society of Mirandi
Chapter 26: For Those Who Remain
Chapter 27: Love Him or Hate Him
Chapter 28: The Harvest Festival
Chapter 29: Finally Captured
Chapter 30: The Royal Ball of Mirandi
Chapter 31: The Real Traitor
Chapter 32: The Augury's Revenge
Chapter 33: The Charm Stealer
Chapter 34: All In Battle
Chapter 35: Charm Diffused
Chapter 36: The Final Chapter
Charm Academy: Epilogue
Charm Academy: Special Chapter
Academy Series: Self Published Books

Chapter 25: Leon Lancaster

1.3M 37.7K 15.2K
By april_avery

Chapter 25: Leon Lancaster

Pinagmamasdan lang ako ni Leon buong oras na kumakain kami ng breakfast na naging lunch dahil halos tanghali na nang lumabas ako sa kwarto. Ewan ko ba sa kanya. Mukhang tuwang tuwa siya na wala akong kaalam alam sa nangyayari. He looks entertained and that definitely pisses me off.

Kahit ayaw ko kasing nasa malapit siya wala akong magawa. Isa siya sa mga nakatakdang magbantay sa akin habang nasa palasyo ako. Isa din siya sa mga matataas ang rank na charmer ng Mirandi. Halos mag kaedad lang kami sa palagay ko pero ginagalang siya ng mga tao dito. Maliban nalang sa mga babae.

Maliban kasi sa pagtitig sa mukha ko ay iba pa siyang pinag kakaabalahan habang kumakain. Kanina ko pa siya nakikitang nag bibigay ng kakaibang tingin sa isa sa mga babaeng nag sisilbi sa amin. The girl giggled ever so slightly. Nang mapatingin ako sa kanya bigla siyang huminto at napayuko. Hindi niya alam na yung pinalitan niyang taga silbi kanina na ngayon ay nasa kusina na ay ganyan ding ang reaction pag dating kay Leon.

JERK.

"Bilisan mong kumain, Ariela. Ipapasyal pa kita sa bayan." sabi niya. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain.

"Ayaw mo?" tanong niya nang hindi ako sumagot.

"Matutulog nalang ako." walang sigla kong sagot.

He shakes his head and sigh. The girl giggled once again pero tumigil din agad. "Utos sa akin yun kaya wala kang magagawa."

I gave him a deadpan look. Nakakainis dahil dalawa lang kaming kumakain ngayon. Wala sa palasyo ang mga Headmaster kaya wala akong mapag tanungan sa mga totoong nangyayari. Sabi ni Leon bumalik na sila sa mga trabaho nila. Si Headmaster Cray at Grimrose bumalik na sa Greven at si Georgia Laferty naman ay mamaya pang gabi ang dating sa palasyo.

One thing I also hated is the fact that everyone in this old palace is staring at me like I was a kind of trophy. Kahit pilit nilang itago ang mga tingin nila hindi ko parin maiwasang mapansin.

Kapag dumadaan ako nagtatabihan sila at yumuyuko. May narinig din akong bulungan ng mga taga silbi kanina na patungkol sa akin. At kapag may tinatanong ako o gustong sabihin nakayuko sila habang kausap ako. Hindi ba nila alam na mahirap magsalita kapag nakayuko ang kausap mo? Isa pang hindi ko matagalan. Ginagamitan nila ako ng po at opo kahit mas matanda sa akin. Ano bang problema ng mga tao dito?

















Bumalik ako agad sa kwarto nang matapos kaming kumain. Wala akong balak na manatili sa labas sa mga oras na ito. Habang paakyat ako sa malaheganteng staircase ng palasyo hindi ko maiwasang tingnan ang mga paintings na makikita sa pader.

Mukhang pictures ito ng mga namumuno sa Mirandi. Una kong nakita ang lumang picture ng isang matandang lalake. Siya ang pinaka unang namuno hangang sa naging mas makabago ang picture at nakarating ako sa picture ni Georgia sa pinakamataas na step ng hagdan.

Maamo ang mukha niya pero ang mga tingin niya parang nababasa ang isip mo. Ginagalang siya ng mga tao dito pero hindi ko magawang matuwa sa kanya.

"Ayos ba? Alam mo ba kung sino ang susunod sa trunong yan?"

Napalingon ako sa likod ko at nakitang sumunod pala si Leon. Sumimangot ako at nagpatuloy sa paglalakad.

"Sandali, ito naman. Tinatanong ka lang eh."

I rolled my eyes at humarap sa kanya. "Wala akong pakialam okay? Wala akong pakialam sa nangyayari sa lugar na ito."

Natigilan siya at biglang sumeryoso ang mukha niya. "Pero pinahahalagahan ka ng mga tao dito."

I was taken aback by his voice. Sigurado akong naapektuhan siya sa sinabi ko. Hindi na dapat ako nagsalita pa. That's stupid and insensitive.

"Sorry. Bakit ba kasi ang kulit mo. Gusto ko lang matulog yun lang." saka ko siya iniwan sa hallway.

Pagdating ko sa kwarto agad kong isinara ang pinto ang dumerecho sa balconahe ng palasyo. The warm breeze immediately gave me a calm feeling. Pinagmasdan ko ang bayan mula sa kinatatayuan ko.

Pinahahalagahan ako ng mga tao dito.

That is quite obvious actually. Sa kung paano nila ako itrato daig ko pa ang mismong nakatira sa palasyo katulad ni Leon. Pero hindi ko magawang maging masaya o maappreciate ang ginagawa nila. I can't help but compare. At kapag nagsimula ka ng mag kompara doon nawawala ang halaga ng isang bagay.























Lumipas ang buong araw na nasa kwarto lamang ako. Hindi ko na muling nakita si Leon. Nang tanungin ko ang isang taga silbi kanina na naglinis ng kwarto ko sinabi niyang nasa bayan na ito. Guilt. Yun ang naramdaman ko. He is doing his job and I'm making it unbearable.

Lumabas ako ng kwarto para sa hapunan. Nagsisimula ng dumilim sa labas at tumahimik na ang paligid. The castle started to fill with lights, hundreds of them, in every post and corner.

Pero pakiramdam ko kahit gaano pa kadaming ilaw hindi parin maalis nito ang abandonment na bumabalot sa kastilyo. Maliban kasi sa mga taga silbi at mga taga bantay, kay Leon at Georgia, wala ng ibang tao sa lugar na ito.

Nang bumaba ako para pumunta ng kusina muli kong nahuli ang pag uusap ng ilang taga silbi ng palasyo.

"Nandito nga talaga siya. Ang babaeng may special charm."

"Balita ko sinubukan siyang kunin ng Augury kaya siya nandito."

"Hindi ako makapaniwala. Ang swerte natin."

Kumunot ang noo ko pero hindi ko pinahalata. Lumapit ako sa kanila at balak sanang tanungin kong dumating na si Georgia nang yumuko sila at umatras palayo sa akin. Okay?

"Excuse me?" tanong ko. "Nandyan na ba si Georgia?"

Nagkatinginan sila habang nakayuko at nagbulungan.

"Tinawag niya sa unang pangalan ang Head Mistress."

Napaisip ako at muling nagtanong. "Si Head Mistress Laferty ang tinutukoy ko. Nandito na ba siya?"

"Wala po. Magagabihan daw po siya sa dami ng inaasikaso sa Council, Miss Davis."

"Ariela nalang." sagot ko.

"Miss Davis, mauna na po kami." Mas lalong kumunot ang noo ko. Paalis na sila nang muli akong magsalita.

"Bakit kayo umiiwas sa akin?"

Huminto sila at para bang nag uusap kung lilingunin ba ako o hindi. Maya maya pa sabay silang humarap sa akin na nakayuko parin.

"Hindi po namin pwedeng kausapin ang mga pinagsisilbihan namin." maikli nilang sagot.

"Pero masaya po kaming makilala kayo." siniko ng kasama niya ang nagsalita.

"Mauna na po kami."

Wala na akong nagawa nang tuluyan na nila akong iwan. Pinagpatuloy ko na lamang ang paglalakad. The atmosphere in this place is very traditional and I hate it. Pagdating ko sa dining area nandoon na si Leon at kumakain.

"Thank you sa paghihintay." sarcastic na sabi ko at umupo sa kabilang dulo.

He raised his head in interest. "Hindi ka pa ba kumain?"

I shake my head to say no. "Akala ko kasi balak mong magkulong maghapon." biro niya.

Bumalik na siya sa dati. Mabuti naman.



















"Namimiss mo ang Charm Academy, ano?"

Napalingon ako kay Leon nang tanungin niya yun. Nandito kami ngayon sa labas ng kastilyo. Sa isa sa mga garden na malapit sa ilog. Gusto ko sana na ako lang ang pumunta pero nagpumilit siya na sumunod dahil trabaho niyang bantayan ako.

"Alam mo pala na galing ako doon."

Natawa siya sabay taas ng braso at sinandalan yun. Nakatayo siya at nakalean sa trunk ng isang puno habang ako naman ay nakaupo sa damuhan sa ilalim nito.

"Lahat ng tao dito kilala ka. You are a legend here."

Tumaas ang kilay ko sabay balik ang tingin sa ilog kung saan nagr-reflect sa kabilang pampang nito ang liwanag na mula sa mga kabahayan sa bayan.

"Kung ganun alam mo din bang isa akong traydor?"

Muli siyang natawa. Mas malakas. Nababaliw na ata ito eh. "Traydor?" tanong niya. "Alam namin ang nangyayari bago mo pa man malaman. Isa ako sa nagligtas sa Grandma mo."

Natigilan ako. "T-Talaga?"

Sinabi niya sa akin kanina bago mag Lunch na nasa Greven na si Grandma. Hindi ko siya maaring makita pero sinigurado niyang ligtas ito. Pero bakit ngayon niya lang sinabi ang tungkol sa bagay na ito?

I can feel him nodding though I can't see him. "Yung mga kasama mo ba naniniwala na traydor ka?"

Hindi ako agad nakasagot. Sinimulan kong bunutin ang ilang damo na nasa ilalim ng palad ko. "Hindi ko alam. Hindi nila alam ang nangyayari gaya mo."

"Pero nagtitiwala naman siguro sila sayo hindi ba?"

Mas humigpit ang hawak ko sa mga damo. Hangang ngayon malinaw parin sa akin ang mga reaction nila noong nalaman nila ang totoo. Umaasa akong nabigla lang sila kaya nila nagawa yun pero ano bang alam ko? Malayo na ako sa kanila.

Umalis si Leon sa pagkakasandal sa puno at iniabot ang kamay sa akin. "Tara na sa loob. Lumalamig na."

Tiningnan ko lamang ang kamay niya. Bigla kasi akong may naalala.

"May problema ba?" tanong niya.

I shake my head to say no. Inabot ko ang palad niya saka tumayo. Ilang beses ko bang kailangang maalala si Jett sa kanya?



"Wake up! Wake up! Tama na ang tulog. Let's move!"

Naramdaman ko ang hangin at liwanag mula sa biglaang pagbukas ng bintana ng kwarto ko. Isa lang ang alam kong may kagagawan nun.

"LEON!!" sigaw ko sabay takip ng unan sa ulo ko. Anong oras na ba? Ang aga pa eh. Matutulog pa ako.

"Gumising ka na dyan. Late nanaman tayo sa schedule."

Nakakairita. Nakakairita talaga. Sa loob ng ilang araw na pananatili ko sa Mirandi ganito lagi ang umpisa ng araw ko. Gigisingin ako ng nakakairitang boses ni Leon na kung makapag utos parang kung sino. Sabado kaya ngayon! Dapat kapag ganito malaya akong magising sa oras na gusto ko dahil walang pasok.

"Walang schedule. Sabado." I groaned beneath the sheets.

Naramdaman kong umupo siya sa gilid ng kama. Hindi ako lumayo gaya ng ginawa ko noong unang araw ko sa Mirandi. Isa sa mga natutunan kong ugali niya kahit medyo hangal siya marunong parin siyang rumespeto.

"Tss. Ano ngayon kung Sabado? Wala tayo sa school."

Bumuntong hininga ako at umupo sa kama. "Oo na." I muttered. "Ano bang meron ngayon?"

He rubbed his chin. "Let's see. Ah, tama. Hindi pa tapos ang training mo."

He gave emphasized on the last statement and gave me a warning look. I smiled shipishly. Tumakas kasi ako sa training kahapon at pumunta ng bayan so I need to compensate for the loss training. Dahil doon naapektuhan ang iba pang dapat kong gawin.

Unang araw ko pa lamang kasi sa Mirandi ay nagbigay na ng listahan si Georgia ng mga gagawin ko sa pananatili ko dito. Kailangan ko yung masunod ayun na din sa mga araw na nakatakda. Kabilang dito ang pagbisita sa bayan. Ang umakyat sa gubat at obserbahan kung paano mangaso ang mga tao ng Mirandi. Bumisita sa paaralan. Aralin ang history ng Mirandi. At mag training. Lahat ng ito nagawa ko na. Pero ang training ang naging madalas sa schedule ko.

























"Come on! Ito lang ba ang kaya mo?"

Parang wala lang kung magpakawala ng lightning blades si Leon sa direction ko. Aakalain mong nagbabato lang siya ng crumpled paper sa taong binubully.

"You are better than this, Davis."

Sunod sunod ang paglabas ng lightning blades sa mga palad niya. It was almost automatic. Sobrang bilis kung bumulusok ang mga ito sa akin na para bang magkakasabay na pinakawalan. Today we are testing my speed sa pag release ng palaso at pag ilag.

"Sandali lang naman!" sigaw ko.

Sunod sunod kong pinatamaan ang mga paparating na liwanag ng kidlat. Halos mangawit na ang braso ko sa posisyon na isang oras ko na ding hindi matigilan. Minsan hindi ko natatamaan ang mga ito kaya derecho sa kinatatayuan ko. Kailangan kong umilag ng mabilis dahil kung hindi kuryente ang aabutin ko. Nagkamali na ako minsan at hindi ko na gustong maranasan ang matinding sakit na yun.

Yun ang araw ng unang training ko sa Mirandi. Medyo nanibago kasi ako sa kapangyarihan ni Leon. I was used to seeing red and blue blames intead of blinding lights. At halos mapamura si Leon nang makita niyang natamaan ako.

"Hindi ka hihintayin ng mga kalaban mo."

"Bakit kasi hindi mo ako hayaang gumawa ng arrow shower?!" naiiritang sigaw ko.

"Speed tayo hindi technique. Tapos na tayo doon."

DAMN YOU LEON. Pinagtiisan ko ang walang tigil na pag ilag at pag release ng charm arrow hangang sa pakiramdam ko naubos na ang lahat ng lakas ko.

"Stop!" sigaw ko. "Hindi pa ba tayo tapos?"

Tumigil ang pag bulusok ng mga lightning blades sa akin nang tingnan ni Leon ang holographic image ng orasan sa training room. Napangiti siya saka nag stretch ng leeg.


"Ah, tapos na pala eh."

Seriously? Sinamaan ko siya ng tingin at para bang gusto siyang patamaan ngayon na wala na siyang depensa. Kung hindi ko pa sinabi hindi niya pa mapapansin. Siya dapat ang nakakaalam kung kailan titigil!

Nilampasan ko siya at dumerecho sa pintuan.

"Hey, hintay naman."

"Hintayin mong mukha mo." asik ko. Leche.

Dumaan kami sa ilang taga silbi sa hallway na napatingin sa amin. "Davis, sandali!"

"Hwag mo akong matawag tawag na Davis."

Nagawa niya pang kindatan ang mga babaeng nadaanan namin habang sinusundan ako. I mentally face palmed. God, this guy. Natatawang sinundan niya ako pababa ng stairs at palabas ng kastilyo.

Tumatabi ang lahat ng taong naadanan namin dahil alam nila na kapag ganun na ang sitwasyon at ganun na ang expression ko hindi na ako makakausap. Halos sanay na sila sa araw araw na bangayan sa loob ng kastilyo.

"Ganito ka din siguro sa kanya ano? Yung dating nag t-training sayo."

Huminto ako bigla. Sa sobrang biglaan halos mabanga ako ni Leon na nasa likod ko. Umatras siya na nakataas ang kamay na para bang alam niya sa sarili niya na may nasabi siyang masama.

"Hindi. Hindi siya ganito. Seryoso siya at nakakatakot."

I smiled bitterly at the thought of Jett. "Mayabang siya gaya mo. Pero mas masama ang ugali niya. Mainitin din ang ulo niya. Impatient. Laging nagmumura..."

Something inside me started to ache in longing.

"Sinisigawan niya ako kapag nagkakamali ako. His words almost felt like knives. Pero may mga instance na mabait siya. Hindi ko alam kung bakit pero lagi niya akong nililigtas..."

It felt like a damn of emotions came flooding through me and I can't stop myself.

"Sakit siya sa ulo ng mga teachers. Tahimik at laging tulog kahit may klase. Mahilig din siyang mang inis at magbanta. At gustong gusto ko kung paano siya tumawa—"

"May gusto ka sa kanya."

Natigilan ako at napatingin kay Leon. Seryoso ang mukha niya pero may maliit na ngiti sa labi niya. Pilit na ngiti.

"Ako?" I laugh nervously. What am I thinking? "Narinig mo naman siguro kung ano ang ugali niya. He is not the nicest person."

He raised his eyebrow and smiled but he is looking at me with that same expression. He doesn't seem convinced. Nakangiti siya pero alam kong may iba siyang iniisip.



"Sabi mo eh."

***

Continue Reading

You'll Also Like

4.4M 111K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...
2.8K 341 26
It was December 4, 1999, and Mary Dedios, a cheerful, well-rounded, and kind young lady, had been reported missing. No one knows what happened or whe...
485 92 14
Issyl Ramirez, a senior high school student known as the muse of her campus, doesn't believe in anything supernatural. On her first day at school, a...
243K 1.8K 5
Para sa mga taong torpe at sa mga taong hindi marunong dumiskarte. Idaan na yan sa banat! :D