MOON

Door maxinelat

20.2M 701K 827K

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... Meer

DISCLAIMER
PANIMULA
MAXIMOR MOON
MONDRAGON
MESSIAH
MAZE MOON
MAXWELL MOON : PART 1
MAXWELL MOON : PART 2
MAXPEIN MOON : PART 1
MAXPEIN MOON : PART 2
MAXPEIN MOON : PART 3
MAXPEIN MOON : PART 4
MAXPEIN MOON : PART 5
MAXPEIN MOON : PART 6
MAXPEIN MOON : PART 7
MAXPEIN MOON : PART 8
MAXPEIN MOON : PART 9
MAXPEIN MOON : PART 10
MOON
MOON JAE SUK
MOON JIN AH
MONARKIYA
MISYON
MGA HUKOM
MAHATULAN
MADAKIP
PAGTATAPOS

MAKSIMO MOON

595K 24.7K 29.7K
Door maxinelat

MOKZ MOON

LUMAPIT AKO sa babaeng halos lamunin na ng putik saka inilahad ang aking kamay. Marahan siyang nag-angat ng tingin sa akin at saka ako tinitigan. Matagal bago niya tinanggap ang aking tulong. Inalalayan ko siyang tumayo. Agad kong napansin ang panghihina niya sa dagap ng kaniyang pangangatawan. Sinulyapan ko ang mga paanan niya at natigilan nang makita ang dugo mula sa kaniyang mga hita na dumadaloy sa agos ng tubig ulan.

"Dadalhin ka namin sa ospital," sabi ko. "Mukhang may iniinda ka sa katawan mo."

"Hindi," iring niya. "Sandali," tiningala niya ang bahay saka sinubukang humakbang sa lulos.

"Heurt," pigil ni Maximor. "Hindi maganda ang lagay mo. Ang panahon ay hindi makabubuti sa anak ko."

"Si Aling Nena..." hinang-hina man ay pinilit ni Heurt na akyatin ang lulos.

"Manatili ka na lamang dito, ako na ang hahanap sa kaniya." Sapilitan ko siyang iniupo sa hagdan saka ako umakyat.

Sinuyod ko ang noon ay magulo nang bahay. Pinasok ko ang tatlong kwarto ngunit walang nakita. Hindi ko natagpuan ang Aling Nena na tinutukoy ni Heurt. Hanggang sa tuntunin ko ang kasilya. Napabuntong-hininga ako nang makita ang matandang babaeng kalunos-lunos ang sitwasyon. Nakabusal ang bibig nito at nakatali nang mahigpit ang mga kamay at paa. Lumuluha ang humihingi ng tulong nitong mga mata. Walang habag ang gumawa nito sa kaniya.

Mabuti na lang pala at ganoon kapino ang aking pagmamaneho sa bago at mamahalin kong sasakyan. Kung hindi ay baka wala kaming naabutang buhay sa mga ito. Mahusay rin ang tauhan na nakuha ko. Dahil sa detalyado at tamang impormasyong ibinigay nito ay natunton namin ang kinaroroonan ng ikalawang mag-ina ni Maximor. Iyon nga lang at hindi namin inaasahan ang naabutan. Si Mondragon Lombardi, ama ni Heurt Park, ay isa sa pinakakilala at pinakamakapangyarihang sindikato sa bansang ito. Pangalan pa lamang niya ay kinatatakutan na umano. Nakangiwi kong pinakinggan ang mga kwento tungkol dito.

Bagaman may mga narinig ako tungkol kay Mondragon Lombardi ay hindi ko lubos na kilala ito. Marahil ay kailangan kong humanap ng dahilan para magkaroon ako ng interes sa pagkakakilanlan nito.

"Aling Nena!" hiyaw ni Heurt nang mamataan ang matandang akay ko.

Nagugulat namang natigilan ang matanda, at nang mapagtanto ang sitwasyon ni Heurt ay halos takbuhin nito ang hagdan. Wala akong nagawa kundi ang magmadali rin upang ito ay maalalayan. "Dios ko!" anang matanda. "Sino ang gumawa niyan sa iyo, Hart?" Hart? Napakatigas ng pagkakabigkas ng matanda sa pangalan nito. Agad na yumuko ang matanda at pinasadahan ng tingin ang dugong patuloy na dumadaloy sa hita ni Heurt. "Halika't dalhin natin siya sa ospital!" bulalas nito sa akin. Agad akong kumilos. "Teka muna, sandali!" bigla ay pigil sa akin ng matanda nang akma ko nang itatayo si Heurt. "Sino nga ba kayo? Hindi ba kayo nabibilang doon sa mga nanloob dito?"

Agad na sumilay ang sarkasmo sa ngiti ko. "Hindi hamak na mas maayos akong manamit kaysa sa mga iyon." Naiinsulto kong hinubad ang nakapulupot kong itim na bupanda (scarf) saka ipinakita sa kaniya. "Ang halaga ng kakarampot na tela na ito ay kayang palitan ng bago itong luma at nasisira nang barung-barong mo." Gusto kong humalakhak nang pagkunutan ako ng noo ng matanda. "Ako si Maksimo Zubel Moon. Mas kilala bilang Director Mokz Moon. Ako ang lolo ng anak ni Heurt," pinakadiinan ko ang tamang pagbigkas ng huling pangalan. "Ang sanggol na ito ang magiging pinakamahalagang tao sa aming pamilya."

Hindi nakapagsalita ang matanda. Hindi ko tuloy malaman kung naniniwala siya sa mga sinabi ko. Kung hindi ay talagang maiinsulto ako.

Dinala namin sa pinakamalapit na pribadong ospital si Heurt. Nakagalitan pa ng doktor si Maximor nang makita ang sitwasyon ng bagong panganak. Pero sa huli ay naging maayos ang kaniyang lagay. Kumuha kami nang maayos at magandang kwarto para kay Heurt at sa kaniyang anak.

Ang mungkahi ng doktor ay sa malaking kwarto na para sa mga bagong silang ilagay ang babaeng anak ni Maximor. Ngunit pareho kaming hindi pumayag. Nakipagtalo sa amin ang mga delegado ng ospital. Para umano sa ikabubuti ng sanggol ang pananatili sa espesyal na kwartong iyon para sa mga bagong silang. Wika ko ay para sa ikabubuti ng kanilang ospital ang paglalagay nila sa sanggol sa kwartong kinuha namin para sa ina nito. Sa huli ay walang nagawa ang mga ito kung hindi gawing espesyal din ang kwartong iyon ni Heurt para sa sanggol. Walang imposible para sa pamilya ng bagong silang na ito. Hindi ang salita ng mga doktor sa ospital ang didikta sa dapat naming gawin para rito. Walang libro ang makapagsasabi kung ano ang nararapat para sa babae kong apo.

Umuwi kami nang gabing iyon matapos masigurong maayos na ang lagay ng mag-ina. Sinalisihan kami ng mga tauhan na pinapuwesto namin sa bawat sulok ng ospital na iyon upang mabantayan ang bagong myembro ng aming pamilya. Kinabukasan nang bumalik kami ay kasama na ang panganay na anak ni Maximor, si Maxwell Laurent. Nagpumilit itong sumama upang hindi maburyo sa mansyon, at upang bumili nang bagong libro.

"Why are we going to the hospital anyway?" tanong ni Maxwell habang nasa daan, ang mata ay tutok sa binabasang libro.

Walang pinipiling oras ng pagbabasa si Maxwell. Interesado siya sa napakaraming bagay na maging kami ay hindi na kayang sagutin. Minsan maging ang libro ay hindi siya masagot kaya sa huli nauukilkil niya maging ang pinakamalalim na kahulugan ng mga bagay. Mas may oras siyang tingnan ang mga libro niya kaysa sa aming pamilya niya. Nakakausap niya kami nang naroon lang ang paningin.

"We're going to visit your sister, Maxwell Laurent," malumanay na tugon ni Maximor. May bahid ng alinlangan ang kaniyang tinig ngunit batid kong ayaw niyang magsinungaling.

Sa unang pagkakataon ay isinara ni Maxwell Laurent ang pinakamamahal na libro upang harapin ang kaniyang ama. Hindi siya makapaniwala sa narinig at tila hindi maisawika ang laman ng kaniyang isip. Napapanood ko silang dalawa mula sa salamin.

"We already talked about this, right?" umaasang patuloy ni Maximor. "I know you understand."

"I'm excited, dad," ani Maxwell Laurent. Gusto kong matawa nang wala akong mabasang emosyon sa kaniyang mukha.

Natigilan naman muna si Maximor bago nakahinga nang maluwag. Hinawakan niya sa ulo ang panganay at ginulo ang buhok nito. Sa sandaling iyon ay ramdam ko ang tuwa at saya niya.

"What's her name?" muling tanong ni Maxwell Laurent.

Napatitig si Maximor sa anak saka sumulyap sa akin. Pareho naming hindi alam ang isasagot. "We don't know yet."

Kumunot ang noo ni Maxwell Laurent sa pagtataka saka muling binuksan ang libro niya. Pareho na lamang kaming natawa at napailing ni Maximor. Ngunit ilang saglit lang ay muling isinara ni Maxwell Laurent ang libro at tumunghay sa daan. "Aren't we there yet?" Mukhang wala nang paglagyan ang pananabik nito. Gusto kong hangaan ang pag-iisantabi bigla nito sa pinakamamahal na libro para sa kapatid na babae.

"Totoo bang asawa mo ang lalaking iyon?" dinig kong tanong ng matandang Nena nang makarating kami. Sa edad nito ay hindi na kataka-takang hindi nito narinig ang pagbubukas ko ng pinto. Si Heurt lamang ang nakatingin sa amin nang tuluyan kaming makapasok. "Napakayabang naman ng lolo ng anak mong si Maxpein, Hart."

Tumikhim ako nang malakas dahilan para magkandirit sa pagtayo ang matanda upang harapin kami nina Maximor at Maxwell Laurent. Gumilid siya sa kama at tumabi kay Heurt na animong natatakot dahil may nasabing mali.

"Anong ipinangalan mo sa anak natin?" mahihimigan ang tuwa at saya sa tinig ni Maximor. Halos dalawang hakbang lang yata ang ginawa niya sa ilang dipang layo upang makalapit sa ina ng kaniyang anak.

Ngumiti si Heurt at saka sinulyapan ang anak na noon ay natutulog sa basinete. "Maxpein..." emosyonal niyang sabi. "Maxpein Zin."

Maxpein Zin...

Sa pagkamangha ay hindi nakatugon si Maximor. Mabilis siyang pinangiliran ng luha at naglakad naman papalapit sa kaniyang sanggol na babae. Agad akong umabante papalapit at mayamaya pa ay pareho na kaming nangingiti habang pinanonood ang mahimbing nitong tulog.

"Maxpein Zin..." sambit ni Maximor. "Maxpein Zin..."

"Maxpein Zin del Valle-Moon," wika ko.

Lalo pang pinangiliran ng luha si Maximor. "Iyon na yata ang pinakamagandang pangalan na narinig ko." Hindi niya maalis ang paningin sa kaniyang sanggol.

Ako man ay ganoon. Tila may hipnotismo ang batang ito at inaagaw ang paningin at buong atensyon namin. Kahit gusto kong lingunin si Maximor ay hindi ko nagawa. Nanatili ang aking paningin sa paslit nang nakangiwing magsalita, "Pinaghalo mo ang pangalan ninyo ni Maximor, mahusay. Magkaiba man ay iisa lang ang ibig sabihin ng pangalan mo at ng aking apo."

"Tama," hindi ko man lingunin si Heurt ay batid kong nakangiti siya nang isagot iyon.

"At ang Zin?" tanong ni Maximor. "Saan mo nakuha ang pangalan niyang Zin?"

"Sa kasalanan," ako ang sumagot. Hindi ko man sila tingnan ay batid kong pare-pareho silang natigilan. Nakangiti kong pinakatitigan ang mahahabang pilik-mata ng aking apo at hinangaan ang napakaganda at malaporselanang kutis nito.

"Mokz?" tinig ni Maximor.

"Tama si Director Mokz, More," mahinang ani Heurt. "Gusto kong isunod ang pangalan niya sa iyo at sa akin. Hindi naman babagay kung ididikit ko ang aking pangalan kaya binago ko. Pareho naman ang kahulugan. Ang Zin ay naisip ko nang sandaling ilapag siya ng kumadrona sa tiyan ko. Kahit anong saya ko nang sandaling iyon ay hindi ko malimut-limutang kasalanan ang sanggol na dinala ko sa mundong ito."

"Hindi," umiling nang umiling si Maximor. "Hindi kasalanan ang anak ko. At ang dalhin siya sa mundong ito ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko."

Ngumiti si Heurt kay Maximor saka muling nilingon ang anak. "Bukod doon..." Nadinig ko ang natunog niyang pagngiti. "Mukhang may kakaiba sa anak natin. Ilang beses nang pinalo pero hindi kumikibo. Umiyak lang siya nang tumalab ang sakit sa namumula niya nang talampakan at puwit. Bumilib ako."

"Zin also means significant," bigla ay sabat ni Maxwell Laurent. Ang nagniningning niyang paningin ay nakatutok na sa kapatid. "Zin means...meaning," sa tinig niya ay tila pati siya ay namamangha. Nilingon niya si Heurt na noon ay nangingilala na ang tingin. "Can I hold her?"

"You can't," agad na iring ni Maximor. "You're too young to hold a newborn, maji. Besides, she's sleeping. You'll wake her up, maji."

"I said...I want to hold her," nakangiting giit ni Maxwell Laurent. At sa ganoong lagay ng kaniyang reaksyon at tono ng pananalita ay kailangang mangyari niyon.

Napapabuntong-hiningang sinulyapan ni Maximor si Heurt at binigyan nang nagtatanong na tingin. "I'll call a nurse," kakamot-kamot sa ulong ani Maximor saka lumabas.

"Ha! Ha! Ha! Ha!" Doon ko naisawalat ang aking tawa. "He is the maji of our family," wika ko kay Heurt saka nilingon si Nena na noon ay nakangiwi na sa akin. "Ang kahulugan ng maji ay pangulong anak, panganay na lalaki, ganoon."

Nang makabalik si Maximor ay may kasama nang nurse. Nangyari ang gusto ni Maxwell na makarga ang sanggol. Hindi mawala ang mata niya rito. Ngayon ko lang nakita ang mga mata niyang magningning at matuon nang hindi sa libro. Mas maningning pa ang tingin niya sa kapatid kaysa sa mga iyon ngayon. Naglakad siya papalapit sa kama ni Heurt. Agad namang tumalima ang nurse upang lagakan siya ng silya na mauupuan.

Nakangiting pinanood ni Heurt si Maxwell Laurent. Ang pagmamahal ay mababasa sa kaniyang mga mata. Hindi ko siya masisisi. Sinumang nasa kwartong ito ay hindi inaasahan ang ganoong reaksyon ni Maxwell Laurent. Matalino ang aking apo, natural, dugo namin ang dumadaloy rito. Ngunit hindi lahat, sa ganitong edad niya, mauunawaan ang sitwasyon ng kaniyang ama, at bagong kapatid. Kahanga-hangang nauunawaan niya ang sitwasyon bagaman hindi detalyado ang nalalaman niya.

"I am Heurt Park of Namjjok," mayamaya ay ani Heurt na ang tinutukoy ay ang South. "May I know your name?"

Nag-angat ng tingin si Maxwell Laurent sa pinakapinong paraan, saka matamang ngumiti. "I am the first born of Moon family. My name is Maxwell Laurent del Valle-Moon of Bukjjok," tugon niya na ang tinutukoy naman ay ang North. Muli siyang nagbaba ng tingin kay Maxpein at namangha. "If you're breastfeeding her, she will lose about seven to ten percent of her weight on her seventh day. You need not to worry because that's normal. But she should regain her lost weight on the tenth day until fourteenth. Unless she's sick, that'll take time, like two or three weeks. But you can not let my sister get sick nor weak, Heurt."

"Of course," ngiti ni Heurt.

"Let me hold her too, Maxwell Laurent. Give her to me," mayamaya ay nakipag-agawan si Maximor sa anak. Nang hindi rin ako makatiis ay lumapit ako at hinintay ang pagkakataong ako naman ang makakarga kay Maxpein.

Nakakatuwa ang pakiramdam. Natatandaan ko pa noong si Maxwell Laurent ang ipanganak. Pakiramdam ko ay ako ang ama dahil tuwang-tuwa ako talaga. Ngunit nasapawan iyon ngayon nang dahil kay Maxpein Zin. Pero sa t'wing maaalala ko ang Emperyo, nababawasan ang ngiti ko. May kirot na dulot sa t'wing maiisip ko ang Emperyo. Dahil nalalaman ko ang pagdadaanan ng batang ito pagpatak nito ng isang taon.

Isang linggong nanatili ang mag-ina sa ospital na iyon. Matapos ay dinala namin sila sa Palawan kung saan paniguradong magiging ligtas kay Mondragon Lombardi ang mga ito. Natural, kasama si Nena. May pribadong isla na pag-aari ang mga Moon doon na hindi basta-basta napapasok ng kung sino. Bibihira at piling tao lamang din ang nabibigyan ng pahintulot.

Sinadya ni Maximor na patuluyin sina Heurt, Maxpein Zin at Nena sa isa sa mga villa. Noong unang buwan ay nanatili doon si Maximor upang alalayan sila hanggang sa masanay. Matapos niyon ay bumalik siya sa Laguna dahil na rin sa utos ng kaniyang asawa na si Maze. Isang beses sa isang buwan ay bumibisita siya sa Palawan at nananatili ng isang linggo. T'wing bakasyon lang nakakasama si Maxwell Laurent doon, hindi maaaring hindi dahil iginigiit nito ang kagustuhang makita ang kapatid. Ako naman ay madalang, hindi ako hayaan ni Maze. Gustuhin ko mang makita rin ang aking apo ay mahalaga sa akin ang nararamdaman ng anak ko. Batid kong kahit pa ilang buwan o taon ang dumaan, siya ang lubos na nasasaktan.

"Kailan mo planong sabihin kay Heurt ang tungkol sa mga rango, Maximor?" tanong ko habang sakay kami ng pribado naming eroplano.

Iyon ang isa sa mga araw na pinayagan ako ni Maze sumama kay Maxirmor sa Palawan ngunit naiwan doon ang aking apo na si Maxwell Laurent.

Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Maximor. "Ang totoo ay masaya akong nakasama ka. Ikaw na lang ang hinihintay ko para makapagsabi ako sa kaniya. Nag-aalala kasi akong hindi niya maunawaan. Kung nariyan ka ay mas maipaiintindi ko ang lahat sa kaniya."

"Hindi kita pababayaan."

Napakadaling planuhing sabihin kay Heurt ang tungkol sa mga batas ng norte, lalo na ang proseso at dahilan kung bakit nagiging rango. Pero hindi naging ganoon kadali para kay Maximor na gawin iyon. Sa t'wing may pagkakataon kasing buksan ang usaping iyon ay nauunahan siya nitong magsalita bukod sa pinangungunahan din siya ng kaba.

Mabilis na dumaan ang mga araw. May dalawang araw na lang kami noong mananatili sa Palawan at babalik na naman kami sa Laguna. Nakikita kong nahihirapan pa rin si Maximor na buksan ang tungkol sa usaping iyon kaya kumilos na ako.

Maganda ang klima kaya naroon kami sa patio sa tabing-dagat at naghahapunan. Pinanood namin ang takip-silim at nilalasap ang magkahalong mainit at malamig na hangin. Ang masasarap na pagkain at inumin, maging ang magandang tanawin sa sandaling iyon ay isa sa pinakamagandang nangyari sa aming pananatili doon.

"Gaano mo katagal binabalak na magtago kay Mondragon Lombardi, Heurt?" mayamaya ay seryosong tanong ko, binubuksan ang usapan.

Nakita ko siyang matigilan at humugot nang malalim na hininga. Nilingon niya ang anak na noon ay tahimik na natutulog sa kuna. "Habambuhay kung maaari," aniya saka hiniwa ang karne upang pagsilbihan kami. "Hindi ko magugustuhan ang magiging buhay ng anak ko kung makakasama namin ang aking ama, Director Mokz. Sinumang ina ay itatakas ang anak niya sa uri ng pamumuhay na kinalakhan ko, at sa uri ng pamilya na meron ako."

Nagsimula kaming kumain at pinuri ang mga niluto ni Heurt. Parang malilimutan ko ang mga gusto kong sabihin dahil sa sarap ng mga nakahain. Mukhang ang gabing iyon ang sisira sa maganda kong dyeta.

"Kung ganoon ay habambuhay ring malalagay sa kapahamakan ang buhay ng aking apo?" mayamaya ay sabi ko.

Muli siyang natigilan. "Ipaglalaban ko siya sa bawat hibla ng pagkatao ko, Director Mokz. Walang pwedeng manakit sa kaniya. Kahit si kamatayan ay lalabanan ko, huwag lang makuha sa akin ang anak ko."

"Maigi." Tumango-tango ako. "Minsan ay mas maiging magkaroon ng tapang na lumaban kaysa lakas upang tumakbo lamang."

Nagkatinginan kami ni Maximor. Napabuntong-hininga siya bago nagsalita. "Papayag ka ba kung sakaling ako ang magpalaki sa anak natin?"

Natigilan at napatitig nang matagal sa kaniya si Heurt. "Pero iba rin ang uri ng buhay na meron kayo, More."

Tumango si Maximor. "Magiging rango ang anak natin kapag nagkataon. Nabanggit ko na sa iyo ang tungkol doon."

Natitigilan, nag-aalalang nilingon ni Heurt ang natutulog na paslit. Bigla ay pinangiliran siya ng luha at nakamot ang kaniyang noo. "Ano ang mangyayari kapag pumayag akong kayo ang magpalaki sa anak ko?" tanong niya na ang paningin ay tutok sa hapag at panay ang hilot sa kaniyang ulo.

"Daraan siya sa proseso upang maging isang rango. May mga antas ang proseso at iyong pinakahuli ang maghihirang sa pinakamataas na rango," pabuntong-hiningang paliwanag ni More.

"Hindi magiging madali," mayamaya ay sabat ko. "Hindi lang sa butas ng karayom kung hindi sa butas ng karayom na may sinulid daraan ang anak ninyo."

"Hiling ng centro na gawing rango ang anak natin, Heurt," pag-amin ni Maximor sa garalgal na tinig.

"Hindi maaari..." hindi makapaniwalang ani Heurt.

"Pagtungtong niya ng isang taon ay kailangan ko siyang iparehistro sa norte," ani Maximor nang hindi inaalis ang paningin sa kaharap. "Magsisimula ang kaniyang ensayo pagtapak niya sa edad na pito. Sasabak siya sa unang antas ng proseso sa edad na nuebe."

Awtomatikong nagbago ang emosyon ni Heurt. "Bakit kung magsalita ka ay tila ganiyan na ang mangyayari. Pinaplano mo na ba ito, Maximor?"

Napatitig si Maximor at hindi malaman ang sasabihin. Hanggang sa wala siyang naging mapagpipilian kundi ang umamin. "Kaya kami narito ay upang bantayan si Maxpein Zin, Heurt." Nagsimulang maging emosyonal ang tingi niya. "Ipinag-utos ito ng centro. Babalik ako doon upang ipakilala ang anak natin. Kailangan niyang maging rango."

"At kung hindi ako pumayag?" matigas ang tinig ni Heurt.

Nagugulat na nag-angat ng tingin si Maximor. "Heurt..."

"Ano ang mangyayari kung hindi ako pumayag?"

Nilingon ako ni Maximor, humihingi ng tulong. "Labag sa aming batas ang nangyari sa inyo ni Maximor," malumanay kong paliwanag. "Lalo na ang pagkakaroon ninyo ng anak, nang hindi kasalhabang siya ay may legal na asawa at pamilya. Isa sa pinakamahahalagang tao sa norte ang pamilya na kinabibilangan ni Maximor, namin, Heurt. Ang paglabag sa batas ay magiging dahilan ng kawalan namin ng kapangyarihan."

"Kapangyarihan," hindi makapaniwalang bulalas ni Heurt. "Iyon lamang ang iniintindi ninyo? Handa kayong isabak sa impyerno ang anak ko para lamang maingatan ang kapangyarihang sinasabi mo, Mokz?"

"Hindi mo naiintindihan, Heurt," iling ko. "Malalagay tayong pare-pareho sa peligro."

"At anak ko ang kailangang magsakripisyo, ganoon ba?"

Lumaylay sa katotohanang sinabi niya ang mga balikat ko. Napakahirap ipaintindi ng batas sa kahit na sinong hindi tumagal nang maski isang taon sa norte. Kung hindi ka doon lumaki, isang kahibangan ang karamihan sa mga batas na mayroon sila. Ngunit sa sandaling makapanumpa ka at nayakap mo ang kanilang paniniwala at kultura, ang mga nasa labas na ng norte ang hindi mo maiintindihan.

"Hindi magiging rango ang anak ko, tapos ang usapan!" gilalas ni Heurt saka tumayo upang kami ay talikuran.

Naiwan kami ni Maximor na nakasunod lang ang tingin sa kaniya. Si Nena na noon ay hindi man lamang nagawang magsalita, maski yata ang paghinga ay apektado dahil sa tensyon, ay tumayo na rin upang sundan si Heurt. Nakakalungkot na ang maganda at masaya sanang hapunan ay nasira namin.

"Mokz! Mokz!" kinabukasan ay nagising ako sa malakas na sigaw ni Maximor. Halos talunin ko ang kama upang malapitan siya. "Mokz!"

"Kumalma ka. Ano ang nangyayari?" gilalas ko.

Nasapo niya ang noo. "Sina Heurt..." tumatangis na aniya, yumuko sa mga tuhod upang maghabol ng hininga. Gigil niyang tinampal ang pintuan saka namomroblemang tumingin sa akin. "Umalis sila, kasama si Maxpein!"

"Ano? Imposible! Sino ang tumulong sa kanilang makaalis sa isla?"

"Walang imposible sa isang ina," iling niya. "Mahusay si Heurt sa maraming bagay, Mokz, huwag mo iyang kalilimutan. Ngunit hindi iyon ang problema."

"Anong problema?" bigla ay kinabahan ako.

"May mga tauhan si Mondragon Lombardi na naghihintay sa kabilang dako ng isla at nadakip sila. Tumba ang karamihan sa mga tauhan natin."

"Ano?!"

"Kailangan natin silang makita sa lalong madaling panahon!"

Kakaibang galit ang namuo sa aking dibdib, at batid kong mas matindi pa roon ang nararamdaman ni Maximor ngayon. Habang nasa daan kami papasunod sa kung sino at kung saan ay panay ang pag-iisip ko sa lagay ng aking apo. Kahit dadalawa kami ay hindi pwedeng hindi kami manalo. Wala ni sino ang maaaring kumanti sa myembro ng pamilyang ito. Tamaan mo ang isa at titirahin ka ng lahat. Saktan mo ang isa, ililibing ka ng lahat.

Kailangan mong mamili, Heurt. Buhay ng iyong anak, o buhay ng iyong ama? Kung ako ang tatanungin, pipiliin ko iyong una.

To be continued. . . 

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

39.3M 1.6M 69
Love Trilogy #2 This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, phy...
2.8M 103K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
14.7M 325K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...
56.1K 1.1K 10
Sabi nila ang pag-ibig daw ay dadating sa tamang panahon, ngunit paano kung pagtripan ka nito ? Siya si Shan ,isang babae na pinaglaruan ng tadhana...