note: uhmm sorry kung medyo boring ang part na to :)
Clarsh’s POV
August na… halos two months na din nung mangyari yun … break na kami ni Genesis… 3 days lang ang tinagal namin.. sya lang ag Masaya ehh…
-----flashback-----
“ayoko sayo..” hindi ako makapagisip ng idadahilan… palagi ko nalang naaalala yung nangyari nung isang araw..
“bakit nga Love?” ang kulit naman ng lolo nito!! Ayaw nga ehh!!! Love ang tawag nya sakin yun ang sabi nya…pero kada maririnig ko yun si Mark ang naiisip ko
“ayaw ko nga sayo!!! Tapos!!” anak ng tokwa!! Dyan ka na! Naglakad ako .. mga ilang meters na din ang layo ko saka ulit ako lumingon..
“BREAK NA TAYO….” Tumalikod uli ako sa kanya saka ako umalis… oha! Parang drama lang haha!
-------end of flashback-------
Ngayon masasabi kong ok na ko at alam ko na ang totoong nararamdaman ko….. gusto ko si Mark at sigurado ako dun…
Mayc’s POV
Grabe two months ding wala sa sarili tong si Clarsh… ang akala nga namin yung pagbrebreak nila ni Genesis ang dahilan….pero malabong iyon ang dahilan…3 days lang sila at sya pa ang nakipagbreak….well anyway papaaminin namin itong si Clarsh… nandito kami ngayon sa paborito naming tambayan sa skul sa may bench na hindi naman bench haha! Nu daw?!
“hoy Clarsh! Sino ba talaga ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan?!?!” tanong ni Thine.. ano ba yan! Dapat ako mauuna ehh…
“hoy batya ako dapat magsisimula eh!!” haha! Inaasar ko yan pero mahal ko yan.. XD
“he!! Tumigil ka dyan dwarfina!” dwarfina pala ha…. Grrr….
“araaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay!!” sigaw ni Thine kinurot ko bilbil nya ehh hahahah!
“isa pa paguuntugin ko na kayo!” aba aba!! Mukang okey na talaga tong si Clarsh dati kahit anong kulit naming ni Thine nakatulala lang sya eh.. lagi pa syang wala sa sarili…
“hoy mga baliw! May nakakalimutan kayo” epal tong si Diane siya kaya baliw! Hahahah!
“anyway bakit ba two months ka nang wala sa sarili Clarsh.. tinotoyo ka na?!” huwaw!? Lupit ng tanong ko.. ^u^
“Tengene mo! Mas malakas ang toyo mo sakin!kabayo ka!” kabayo pala ha! Uhm!
“aray! tignan mo nanipa pa! pinatunayan? Magsapatos ka ha!?” okey sya na talaga si Clarsh ngayon lang ako natuwa sa pantri-trip nitong babaitang to!
“eh.. ano ngang dahilan?! “ sabay-sabaw pa kaming tatlo oh!hahahha!
Kinuwento ni Clarsh ang nangyari nung nakaraang dalawang buwan.. at sinabi nya din na may gusto sya kay Mark .. nagkagusto sya sa playboy at demonyitong yun?.. oh well magkaugali sila haha! Pero hindi naman talaga sya demonyita .. anghel talaga deep inside tong si Clarsh nakikita ko nga halo nya ehh… for sure si Diane at Thine nakikita din yun…
“hoy! Wag nyong sasabihin to ahh… SECRET to!! Alam nyu un?! Baka magkapatayan tayo” haha! Nanakot pa ehh.. alam naman naming malaki ang tiwala nya samin.. siguro.. haha! Assuming lang ^_________^
Clarsh’s POV
Ehehehe!! Malaki naman tiwala ko sa kanila kaya ko sinabi…
--------------------------
Dito kami ngayon nila Diane sa ilalim ng acasia sa may tabi ng covered court kita kasi mula dito yung second floor ng building A ng school namin..nandun kasi yung room nung crush naming apat haha! Pinaghati-hatian namin bakit ba?! Name nya Kevin ^^ ang cute nya.. simple at ang lakas ng appeal hinihintay naming syang lumabas…. At ayun na nga lumabas na sya.. gawain naming to tuwing break time..
“ayan na lumabas na si Kevin!” sigaw ni Mayc… pasigaw talaga! Promise! Baliw na baliw to kay Kevin ehh..
“hinaan mo nga yang bunganga mo!” pgkakabunganga naman ni Thine >_<
“ang obsessed mo Mayc!”sabi ni Diane…
“mas obsessed si Clarsh …. Hindi nga lang kay Kevin… kundi kay MARK “ sige Mayc pagsigawan mo pa ,,,para namang may amplifier ang bibig nito eh..at anong obsessed?!
“hoy kelan pa!?” tanong ko… hindi naman kasi talaga ko obsessed …
“kelan pa?! tinanong mo pa! ehh araw araw mo kayang binabanggit ang pangalan nun!at baka gusto mo pang basahin ko to?” at nilabas nya yung….yung……
Omg si Mark papalapit!!!!!!
“hoy Mayc itago mo yan bilis!!” okey bakit ako sumisigaw magkalapit lang naman kami ni Mayc….kaya lang huli na.. nakuha na ni Mark…
“ano to?! “ tinanong pa talaga nya…
“akin na yan!!” sumigaw ako.. ok kanina pa ko sumisigaw…. Tapos tumayo ako para habuliln sya….at kunin yung notebook ko…. Alam nyo kung bakit?! Alam ko hindi!.... kasi nandun lang naman yung korning tulang ginawa ko para sa kanya… habang naghahabulan kami… sinimulan nya yung basahin….
“nung una kitang makita nagustuhan na kita..” ayan sinimulan na nyang basahin habang naghahabulan kami sa buong covered court
"sa bawat araw na ikay kasama patindi ng patindi ang nadarama" tuloy pa nya...
“wag mong basahin yan!! Syete naman oh!!!” nakakainis ayoko mabasa nya ang baduy kaya nun!
At ayun naabutan ko sya then…
….
*blag*
..
Ouch! Nakuha ko yung notebook pero nabagsak ako…
“aray..”
“hoy Loves ang bigat mo…”ha?! Nasan sya?!tapos pagtingin ko waaaaahhh!!! napaupo ako kay Mark…. Nasa likod ko sya para tuloy syang nakayakap sakin habang nakatalikod ako sa kanya.. >///<
“so—so—sorry!” tapos tumayo ako…
^______________________^
Nginitian nya lang ako ng ganyan… so eto na naman ako >///<
Pero pagkatapos nun hinila uli sakin ni Mark yung notebook..tapos bigla na lang syang nawala.. =3= hmmpf!!!
---------------------------------------
“hey Clarsh may nabalitaan ako kay Mark” sabi sakin ni Diane habang papalapit sakin
“paki ko?!” naiinis pa din ako nabasa nya kaya yung tula?
“oh eto binalik sakin ni Mark…. Sabihin ko daw sayo wala syang nabasa…” sabi ni Mayc.. kadadating lang nya…walang nabasa?! Hmmpf! At bakit nya kay Mayc pinabalik!?
“may gf na si Mark…. Emily ang name” singit ulit ni Diane,,
“ahhh….” Yun lang sinagot ko…. May gf na syya ehh ano naman hindi naman kami,,,,,
Pero….
….
Pero…..
…
Sana ako nalang…
Buong araw ko din pinagsiksikan sa utak ko ang mga sinabi ni Diane hindi ko maabsorb ehh…
--------------
“tadaima!!” means im home in Japanese wala lang nagagaya na ko sa anime haha! Mahilig ako dun ehh
“nandyan na ang hapon sigaw ng kapatid ko.. sira ulo din to ehh… manang mana sa pinagmanahan… kaso wala ako sa mood makipagkulitan sa kanya.. napansin nya yata kaya di narin ako kinulit
After ng hapunan… ay mali gabihan pala… diretso na ko sa kwarto ko at nagbukas ng fb..
Mark Kaizer Mendoza is in a relationship with……. Emily Takano
So totoo nga….. in a relationship huh!? J
Biglang pumasok sa kwarto ko yung siraulo kong kapatid…
“ate bakit ka umiiyak?” then saka ko narealize yeah umiiyak nga ako… hala isip Clarsh.. pano to..
*ting!* (haha!)
Lightbulb!
Pinindot ko kaagad yung ctrl then tab sa laptop ko naalala ko kasing nanonood ako ng anohana isang nakakaiyak na anime,,,
“naiiyak kasi ako sa pinapanood ko!” palusot ko..
“nye ang babaw mo naman” yun nakalusot! Teka nga dapat pinapagalitan ko to ah… pinunasan ko na yung luha ko…
“hoy lance!? Bakit ka ba nandito? Di ka manlang kumatok!? Get out!” sigaw ko
“hoo! PANGET!” aba lokong bata to saka umalis
“mas panget ka!” ..
-----------------------------
Buti hindi namugto yung mata ko dahil sa kagabi…..
Umupo si Mark sa katabi nung girl na nasa unahan ko…. Paula ang pangalan nitong si ms. Mataray..
“hi babes ” sabi ni Mark..
“baby ka dyan!” pagtataray ni Paula..
“pakiss!!” *tsup*
O_O my face!
Wow ha! May gf ba talaga tong gagong to?! Kung makahalik sa pisngi!at etong si Paula gustong gusto naman! Nagtataray pa ehh nakailang halik na sa kanya si Mark wala lang syang ginagawa…. Take note my teacher pa ha!!! napatingin sakin si Mark.. nilayo ko nalang yung tingin ko…
Nagring na yung bell… hay sa wakas uwian na… sawang sawa na ko sa paglalandian nitong nasa harapan ko…
Sasakay na sana ako ng maisipan kong gumala muna … pupunta ko dun sa paborito kong mini resto..wow ha! Loner ako haha! Wala na kasi si Diane nakauwi na…si Mayc at Thine naman nasa school pa,, dahil sa Club activities…pinapasali nga nila ko ehh.. kaso tinatamad ako >_____<
Dumaan ako sa may shortcut .. sa likod lang ng school namin.. medyo kakaunti lang ang dumadaan dito hindi naman akong masyadong natatakot kasi black belter ako ng taekwando …takot lang nila diba!?
Hindi pa ko nakaka-kalahati sa daan nakita ko si Mark na lumabas sa isang bar .. may bar din kasi dun.. at may kasamang tatlong P-O-K squared! Kitang-kita sa itsura nila kasi kulang na lang magbikini sila tapos ang hikaw parang plato at grabe para silang sinapak sa kapal ng blush-on… Palitan si Mark sa mga babae halik dito halik don… anak ng tokwa! Ang hilig naman tumuka nitong hayop na to … may hawak pa syang sigarilyo… nakita ko ni Mark..hmppf! di ko nalang to papansinin…
“oi Loves.. bat di mo ko pinapansin?” sabi nya wow ha! Nilambingan pa nya ang boses nya…
Narinig ko ang sinabi nung isang girl
“babes… bakit loves ang tawag mo sa kanya.. ang sabi mo babes ang tawag mo sa mga babae mo” putek! Nakakasuka ha!
“correction hindi nya ko babae… hindi ko nga yan kilala ehh” tapos tumalikod ako saka ko binilisan yung lakad ko…
Napakaplayboy mo Mark…. Tanga lang ang papayag na maging girlfriend mo…