"Siguro naman sa halos 4 years na panliligaw ko sayo ay sasagutin mo na ako?"
Wika ko kay Grace habang magkaharap kami sa isang table sa canteen at kumakain ng pagkadami daming pagkain na inoorder niya araw araw. At siyempre sagot ko ang bayad.
Siya si Grace Vanderwaal, ang babaeng nagpapatibok ng aking nalulumbay na puso. Wow naman lakas makaFilipino ng sinabi ko ahh.
By the way, si Grace ay half filipino at half German. mistisa, maganda, sexy, matalino, at higit sa lahat mabait.
Kaya ndi nakapagtataka na nainlove ako sa babaeng iyan.
Ako nga pala sa Adrian Balot, "AB" for short. 14 years old...Oo 14 years old at kung susumahin, sa 4 years na panliligaw ko kay grace ay simula 10 years old palang ako until now ay nanliligaw parin ako... Kailan kaya ako sasagutin ng babaeng pinapangarap ko???
Ako ay Maputi, matangkad,at medyo payat at ndi naman sa pagmamayabang eh isa ako sa pinakagwapo sa Barden University.
Pero di tulad ng mga tipikal na mga gwapings, ndi ako sikat sa school namin dahil nagnenerd disguise ako para wlang magkagusto sa aking ibang tao maliban kay Grace.
Sa kanya ko lang pinapakita ang totoo kong mukha dahil para sa kanya naman talaga ako eh...nakatadhana kami para sa isat isa...
Kahit nga sa mga kaklase ko eh, ndi alam ang tunay kong mukha...
Maliban kay Nico kawaii, besfriend ko from kinder ti'l now na grade 8 na kami. Syempre ndi din nya pinagkakalat kase laging ang tingin ng iba pag magkasama kami ay siya ang mas gwapo...at syempre gustong gusto naman nya..
Anyway back to topic...
"Kailan mo ba ako sasagutin?" tanong ko habang nakatingin sa mga mata niya...at siya naman ay nakatingin sa mga pagkain na nakalagay sa lamesa
Nakikita ko sa mga mata nya na may gusto syang sabihin pero ndi nya ito mailabas...
"Ahhmmm ano kasi eh" nauutal na sagot ni Grace habang patuloy paring nakatingin sa lamesa...
"Ano ang ibig mong sabihin?" nagtataka kong tanong dahil hindi naman ganito ang ugali nya kapag magkasama kami...
Eh pano halos ndi ko na siya makausap dahil apura ang pagsubo niya ng kung ano anong mga putahe na inililibre ko sa kanya
"AB... sa tingin ko...ndi talaga tayo para sa isa't isa and besides...sa loob ng 4 years na panliligaw mo sa akin ay siguro naman nakahanap ka na rin ng iba na mas karapat dapat sayo" mahina niyang sabi sabay inilipat ang tingin sa kaniyang gilid
"Ano? Alam mong ikaw lang ang babaeng ineentertain ko ng ganito...at sa loob ng apat na taon ay nagtiyaga akong ligawan ka" sagot ko sa kanya habang patuloy paring nakatitig sa kanya...
"Pero sa kahit anong gawin ko... hindi tlga kita magustuhan eh"mahina pa rin nyang tugon habang nakatingin pa rin sa parehong direksyon.
"Akala ko may pag-asa ako sayo... hindi na nga ako gumagastos para lang mabili lahat ng bagay na pinapabili mo sa akin tapos pinapaasa mo lang pala ako!"nanginginig kong sambit dahil sa pait at lungkot na nadarama ko sa mga oras ito...nanggilid na din ang aking luha
"Im really sorry AB, pero hanggang friendship lang talaga ang kaya kong ibigay sayo eh" sa mga oras na sinabi niya iyon ay pakiramdam ko ay pinagsakluban ang puso ko ng langit át lupa...
"Kung iyan ang desisyon mo...pagbibigyan kita...mahal kita eh...kaya lang para pala akong nanalamin sa pader...wlang reflection...wlang bumalik na love para sa akin" bigla nalang tumulo ang aking mga luha na agad kong pinunasan
"Im really sorry" dahan dahan siyang tumayo at naglakad palayo at ako naman ay naiwang mag isa na pilit pinipigil ang luha...
"AB...wag kang umiyak...14 ka na... 10 years kang nabuhay ng wla sya...tandaan mo...4 years lang naman siyang naging parte ng buhay mo..kaya wala kang dapat iiyak" bulong ko sa sarili na pilit pa ring pinipigil ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
Maya maya pa'y tumunog na ang bell at senyales na umpisa na ulit ang klase...
Agad ko nang pinunasan ang aking mata na kaunting sandali na lang ay sasabog na ang mga luha.
Lumipas ang maghapon at patuloy parin ang pag tulo ng mga luha sa aking mga mata...sabi ko sa mga kalase ko...sore eyes lang...
Nang makarating ako sa bahay ay mabilis na akong naglakad papasok upang magtungo sa kwarto
ayoko kasing makita ni mama na umiyak ako...
Pero sakto sa pagpasok ko ay nadatnan ko si mama na nagwawalis
" oh anak nakarating ka na pala" wika ni mama habang patuloy sa pagwawalis.
"Opo ma...pasok na po ako sa kwarto ko hah" wika ko naman at nagpatuloy na sa paglalakad.
Nang makarating ako sa kwarto ay agad kong nilock ang kwarto ko at humiga sa kama saka ko iniyak lahat ng luha ko... Gusto ko magwala pero ndi ko magawa dahil ayokong may makaalam na umiiyak ako...
Syempre...ganun naman tlga ang mga lalaki diba? Ayaw makitang umiiyak sila dahil senyales daw iyon ng pagiging mahina pero hindi naman totoo yun...
Lahat ng tao ay may karapatang ipahayag ang kanilang saloobin at damdamin sa kahit anong lugar..
Pero ako...ayoko lang talgang may makakita...di kasi ako sanay na nagshashare ng mga problema ko...ang awkward kase eh...
Lumipas ang ilang oras... Wala nang luha ang kayang ilabas ng aking mga mata...kaya naisip ko na pati mata ko nakamove on na kaya dapat mag move on na din ako...
Tuloy lang ang buhay...
Hindi dapat maging dahilan ng pagsuko ko ang taong naging dahilan ng panandaliang sakit na nararamdaman ko...
(Author: "tama yan AB...wag kang sumuko, malay mo ako pa ang makatuluyan mo sa huli! Hihihi...)
>author<
Hi guys, I hope you like my story.
Help me to discover my story by simply voting for my chapters thanks.
>♡<