Payne Sisters Series: Demi Lei

By Bblueee_06

290K 9.3K 1K

Demi Lei Payne - First daughter of Reynaldo Payne. Mula ng mamatay yung nanay ni Demi dahil sa panganganak, n... More

Intro
Characters
Payne Sisters
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25

Chapter 13: Special Chapter

9.5K 331 22
By Bblueee_06

[A/N: Isisingit ko na lang love story ni Candice at Barbara dito 😁 Kapag ginawan ko sila ng story baka iilang chapter lang haha tsaka may dalawang story pa akong susunod 😊]

-------

Candice

Nagtataka ba kayo kung bakit mainit ang dugo ni Barbara sa akin? Hmmm... sige kukwento ko. Flash back tayo.

Maaga akong nagising dahil magpapasa ako ng resume sa company nila Demi. Kahit best friend ko yun siyempre gusto ko yung pormal akong mag-aapply sa company nila, gusto kong maging fair. Pagtapos kong mag-ayos agad akong bumaba at kumain ng almusal. Ako lang mag-isa dito sa condo ko. Sila Papa at Mama kasi nandun sa Antipolo. Nandun din yung dalawa kong kapatid, may mga pamilya na sila. Ako ang bunso at nag-iisang babae dahil puro lalaki ang kapatid ko.

Aaminin ko nung bata pa ako mahilig akong maglaro ng mga larong panlalaki at magsuot ng damit panlalaki pero naiba lang yun nung magdalaga na ako. Si mama kasi eh puro pambabaeng damit na ang binili sa akin kaya mula nun ang girly ko na para naman daw magmukha akong dalaga.

Anyways, pagtapos kong kumain agad ko namang hinugasan yung pinagkainan ko. Pagtapos kong i-check ang unit ko kung maayos na ba, tsaka ako umalis.

Papasok na ako sa building ng company nila Demi. Saktong nagtext naman siya na sa 4th floor ko daw siya puntahan.

Pagkarating ko sa 4th floor naghanap ako ng pwedeng matatanungan kung saan yung opisina ni Demi. Buti na lang may nakita ako agad.

"Ahhmmm... Manang, saan po yung office ni Demi Lei Payne?" Tanong ko sa babaeng tutok sa binabasa niyang libro. May suot itong salamin tapos nasabog pa ang buhok nito kaya naman hindi ko masyadong makita yung mukha niya.

Nagulat ako ng hinampas niya sa lamesa yung dalawa niyang kamay. Buti na lang kaunti pa lang ang mga tao dito. Galit na tumayo siya at tinanggal yung suot niyang salamin, hinawi din niya yung magulo niyang buhok. Galit na tumingin siya sa akin pero saglit siyang natigilan. Ako din ay natigilan dahil isang dyosa ang kaharap ko. Akala ko talaga kanina... Maraming namamatay sa maling akala Candice.

"Mukha ba akong manang?" Nakasimangot na tanong niya sa akin.

"So-sorry. Akala ko kasi medyo ma-may edad ka na." Pakiramdam ko nag-init yung tainga ko dahil sa hiya.

"Ganun? Alam mo maraming namamatay sa maling akala. Tsaka excuse me! 23 palang ako. Mukha ba akong manang ha?" Mataray niyang tanong sa akin. Namumula na din siya sa galit.

"So-sorry na. Mag-ayos ka kasi para hindi ka mamgmukhang manang." Nakayukong bulong ko.

"Aba't talagang iniinis mo ako ha! Umalis ka sa harapan ko baka kung ano pang magawa ko sayo!"

"Anong gagawin mo sa akin? Siguro ano noh? Sorry na lang hindi ako napatol sa mga babae eh tsaka may taste ak---" Hindi ko na natapos yung sinasabi ko dahil binato niya sa akin yung librong binabasa niya kanina. Sapul mukha ko.

"Hindi ka lang laitera, manyak pa!" Galit na galit niyang sabi. Asar na ngumiti naman ako sa kanya. Magsasalita pa sana ako ng marinig kong tinatawag ako Demi.

"Nandito ka na pala. Kanina pa kita hinihintay. Sumunod ka na lang sa akin." Tumango na lang ako sa kanya. Hinagis ko naman yung librong binato ni manang, nasalo naman niya yun. Tatalikod na sana ako pero narinig kong may sinabi pa siya.

"Alam mo akala ko bakla ka. Hindi kasi sayo bagay yung magsuot ng mga ganyan." Napalingon naman ako sa kanya at nakaturo siya sa suot kong dress. 

"How dare yo--"

"Miss Candice, pinapatawag na po kayo ni Ma'am Demi." Putol ng isang babae kaya naman sinamaan ko ng tingin si Manang. Siya naman ang nang-aasar na ngumiti.

Ugghhh! How dare she? Anong akala niya sa akin? Bakla? What the heck! Hindi pa tayo tapos manang! Babawiin ko na yung sinabi kong dyosa siya. Ang pangit niya! Maputi lang siya naman siya ehhh. Nagsorry naman ako sa kanya eh. Malay ko bang 23 lang siya, isang taon lang pala ang agwat ko sa kanya. Naiinis ako sa kanya! Hindi ko makalimutang sinabihan niya akong bakla! Arrrgghhh!!!

-

"Candice? Pansin ko lang bakit hindi kayo magkasundo ni Barbara?" Tanong sa akin ni Demi. Busy naman ako sa pagsusukat at sketch.

"Noong nag-apply kasi ako dito, tinawag ko siyang manang para sana magtanong. Mukha kasi siyang manang eh." Bored kong kwento sa kanya. Ang tagal ko na pala dito. Ang tagal na din mula ng mangyari yun. Magfo-four years na mahigit.

"WHAT??"

"Ang O.A mo naman Dems eh. Magkakapatid nga kayo nila Aj. Ang O-O.A niyong magreact."

"Eh bakit pati ikaw galit din kay Barbara? Ikaw pala itong may kasalanan eh." Tinigil ko naman yung ginagawa ko.

"Paanong hindi ako magagalit? Nagsorry naman ako sa kanya pero galit pa din siya sa akin. Tapos. . . Tapos. . . Aarrrggghhh! Mukha daw akong bakla at hindi bagay sa akin yung mga dress." Kaya nga hindi na ako nagsusuot ng dress eh. Nagpapants na lang ako or slacks tapos long sleeves na polo. Narinig ko naman ang malakas na pagtawa ni Demi kaya naman napatingin sa kanya yung mga tao dito sa opisina.

"Now I know. Kaya pala hindi ka na kikay manamit. Alam mo Dems, may point siya na hindi bagay sayo yung ganun. Para kasing ang manly mo eh. Kung hindi ko lang alam na straight ka baka napagkamalan na kitang tiboom eh. Pero may ibang dress naman ang bumabagay sayo kaso kaunti lang haha. Candice, babae ka ba talaga? Baka naman lalaki ka ha? Hahaha." Tawa-tawa pa niyang sabi kaya naman binato ko sa kanya yung lapis na hawak ko.

Umilag naman si Demi, saktong naglalakad si Barbara papunta sa table ng isang Engineer, puro lalaki na lang ang nilalapitan niya. Inggit ka noh? Gusto mo sayo siya nalapit noh? Sabat naman ng isip ko. No way! Tanggi ko. Tumama naman sa pwetan ni Barbara yung lapis na babato ko sana kay Demi, napalakas ata ang pagbato ko.

"Bastos ka talaga!" Galit na sambit niya sa akin. Galit na binato niya sa akin yung lapis. Buti na lang nasalo ko yun. Sinamaan ko naman ng tingin si Demi na natatawa lang sabay alis sa harap ko. Tamo tong babaeng toh. Siya may kasalanan tapos lalayasan ako.

Itutuloy ko na sana yung ginagawa ko ng bumalik nanaman si Demi.

"Hey, look. Lalong gumaganda si Barbara. Ang sexy pa tapos hindi na siya nagmukhang manang." Bulong sa akin ni Demi kaya naman siniko ko siya.

"So what? Bumalik ka na nga sa opisina mo Ma'am. Istorbo ka sa ginagawa ko eh." Natatawang napakamot naman siya sa ulo niya at tuluyan ng pumasok sa opisina niya.

Pasimpleng sinulyapan ko naman si Barbara na nakikipaglandian kay Jake. Si Jake na mukha namang bakla. Nainis nanaman ako sa word na baklang yan! Naaalala ko yung sinabi ni Barbara.

Tama nga naman si Demi. Mula nung sinabihan kong manang si Barbara, kinabukasan hindi ko siya nakilala dahil sa ayos niya at pananamit niya. Nagmukha siyang modelo pero para sa akin ang pangit pa din niya. Sama mo naman Candice. Sabat nanaman ng isip ko. Whatever.

Tinignan ko naman siya mula ulo mukhang paa este mula paa. Napasipol naman ako sa isip ko ng mapadako yung tingin ko sa pwetan niya pababa sa legs niya. Holy cow! Bakit parang biglang uminit? Oh my gosh Candice! Si Barbara yan! Mortal enemy mo kaya tigilan mo yang ginagawa mo.

Kaya naman tinigilan ko na ang pagtitig sa legs niya. May ganun din naman ako eh. Saktong nagtama ang aming mga mata. May kung ano akong nababasa sa kanyang mga mata. Hindi ko nga lamg alam kung ano yun. 😁 Napangisi naman siya sa akin. Wait. . . Nahuli niya kaya akong pinagmamasdan ko yung kabuuan niya? Oh my gosh! Ano na lang ang iisipin niya! Na nagagandahan ako sa kanya? Nasesexyhan? Wuuuhhh! Baka lumaki ang ulo niya.

Nag-iwas naman ako ng tingin sa kanya at nagkunwaring busy na lang. Pisti! Pakiramdam ko nakatingin pa din siya sa akin. Hindi tuloy ako mapakali sa kinauupuan ko kaya naman tumayo ako at dali-daling nagpunta sa office ni Demi.

End of flash back

-

Hanggang sa mahuli kami ni Demi na naghahalikan ni Barbara. Inakit niya kasi ako eh. Nagpaakit ka naman? Sabat nanaman ng isip ko. Natukso kasi ako eh. Ikaw na talaga Candice! Wuuhh! Idol!

Kaya naman heto, nililigawan ko si Barbara. Sabi pa nga niya liligawan daw niya ako pero sabi ko sa kanya na dapat ang mga katulad niya ang nililigawan at alagaan. Buti na lang pumayag siya. Nauna pa ang kiss kaysa sa ligaw? Nako! Isa kang dakilang hokage Candice.

Pinakilala ko na din siya kina Mama at Papa nung dalawin nila ako sa bahay. Akala ko nga magagalit si mama eh pero natawa pa sila ni papa. Alam naman daw nila mula bata pa ako kung ano talaga ako. Biniro pa nga ako ni papa na puro lalaki daw ang mga anak niya.

Nakasundo naman agad ni mama at papa si Barbara.

Ang sweet ni Barbara tapos down to earth pa kaya naman habang tumatagal palalim ng palalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Ayoko naman na madaliin siyang sagutin niya ako eh. Kaya ko namang maghintay kahit matagal pa yan basta ba mahal mo yung tao eh. Yes! I love her. She's the one. Hindi ko na siya papakawalan pa. Ang tagal kong naghintay kaya. Gosh! Biniro pa nga ako ng mga kuya ko eh. Ako na lang daw ang wala pang asawa at anak pero mula ng naiinlove ako kay Barbara, sa kanya ko nakikita yung magiging future ko tho madami namang nanligaw sa akin pero wala talaga eh.

"Hey, ako ba ang iniisip mo?" Napangiti naman ako sa babaeng nasa harapan ko.

"Si Stella Maxwell ang iniisi-- Aray ko!" Piningot niya kasi yung tainga ko. Binibiro ko lang naman siya. Alam niya kasi na crush na crush ko si Stella Maxwell kaya naman todo selos siya dun. Natawa naman ako. As if naman mapansin ako ni Stella hihi. Harot mo Candice ah.

"Joke lang Barbs. Alam mo namang ikaw lang laman nito eh." Sabi ko sa kanya sabay turo sa puso ko.

"Tseee! Bahala ka diyan! Matagal kitang sasagutin kala mo!" Natatawang kinurot ko naman yung pisngi niya.

"Okay lang kahit matagal. Handa akong maghintay makamit lang ang matamis mong OO." With matching wink pa yun. Nagpigil naman siyang huwag ngumiti.

"Korni mo! Tara na nga at hinahanap na tayo ni Demi."  Nakangiting hinila niya ako. Pakipot pa siya eh.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Hope you like this chapter 😁
Enjoy :)

-Bee :)

Continue Reading

You'll Also Like

991K 31.5K 41
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
8.6K 426 39
Iisang bagay ang dahilan kung bakit nainlove si Annie kay Mindy. Ang isang bagay na ito kaya ang magiging dahilan din para di niya mahalin ang dalaga...
2.9M 82K 40
~ COMPLETED ~ Started: June 10, 2021 Ended: July 24, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 **** UNEDITED ****
364K 13.2K 34
"Someone said to me that It's hard to pretend you love someone when you don't. But its harder to pretend you don't love someone when you really do."...