Hi Crush!

By yastrawberry

141 5 0

May crush ka ba? minsan mo na ba siyang nabati? kahit simpleng 'Hi Crush!' lang? More

Hi Crush!

141 5 0
By yastrawberry

Yastrawberry’s note:

          Horaaaaaay! May isa nanaman po akong one-shot! Haha. May part dito na totoo pero the rest, daydreaming ko na yun! Bwahahaha! Ambisyosa si author eh. yae na. salamat nga dito sa wattpad at nai-lalabas ko kung anong nararamdaman ko. hihihihi~ kasi nemen eeeehh! Haha. Landi.

Nga pala may paalala lang po, pag may nakita kayong ganito [***]  ibig sabihin po niyan kay Skye na POV po tapos pag ganito naman [###] kay Stephen po. Yun lamang! Tenchuu!

Hehehe. Ayown lamang. Enjoy reading! Nawa’y magustuhan ninyo!

P.S. Advance sorry sa typos and grammatical error. Tinatamad akong mag-reread XD

***

Haaaayyy… ang gwapo niya talaga *____*

 

Kahit buong araw ko pa siyang titigan..okay na okay lang ..

 

Kyaaaa~ ayan nanaman siya! Dadaan nanaman siya sa harap ko >/////////<

 

Kalian ko kaya siya mababati? Kahit sabihin ko man lang ..

 

Hi crush! Hihihihi..

 

Pero imposible. May iba na siya eh = 3=

 

 

Ayan. Padaan na siya..

 

*yuko, pasimpleng tingin sa kanya.. eeeeehhhhhhh!! Naman, kinikilig akoooo~ ^////^

 

Ayan, nakadaan na siya..

 

Titig sa likod niya.. haaaayyy.. grabe, kahit likod niya lang, ang gwapo niya pa rin.. *day dreaming*

 

Yan po ang nakagawian ko araw-araw.. sa loob ng 3 taon. Oh diba tibay?  tambay ng library every after lunch para masulyapan ang aking sinisinta. Yak. Baduy.

 

Kahit nga tingin lang, choks na sa akin eh. ang swerte ko na ngang masulyapan siya araw-araw eh kahit di ko na siya makausap..

 

Drama ko -__-

 

Sa araw-araw ba naman kasi na ginawa ng Diyos, eto nalang lagi kong routine,

 

Bahay-school-lunch-library(always)-class-bahay

 

Oh diba? Haha. Walang araw na di ko nakakaligtaang pumunta ng library para lang masulyapan siya. Dito ko na nga ginagawa mga assignments ko sa ibang subject eh. hihihi~ ay lande -_-

 

“hoy! Muntimang ka nanaman dyan. Kinikilabutan na ako sa’yo hah. Makangiti ‘to oh” sabi sa akin ng walangya kong bespren na si Kylie. Makabatok din wagas noh? sapakin ko kaya? Ay wag pala, malalagot ako sa kuya kong monster, sabihin nanaman nun, inaapi ko mahal niya. Shet. Ambaduy -_-

 

“Makabatok lang teh? Tsaka, anubeey! Sinira mo naman day dreaming ko eh. maganda na yun eh.. konti nalang magkikiss na kami eh. epal -___-“ sabi ko sabay ligpit na ng mga gamit ko sa table. Aalis na ako kasi lumabas na naman siya eh. wahehehehe~ tsaka tapos ko na assignments ko noh. lol

 

“Tss. Sauce, siya nanaman pinagpapantsyahan mo? Eh alam mo naman waley ka nang pag-asa dun noh. may Princess na yun!” sige. Ipamukha pa. kutusan kita eh. Makita mo. Hmp.

 

“Eh ano ngayon? Eh crush ko lang naman siya ah. Di ko naman siya gusto or mahal. Pft” sabi ko sabay lakad na papuntang baggage room, dun nilalagay mga bags namin, bawal kasi magdala ng bag sa loob eh baka daw may ipuslit na libro. Pft. Daming arte.

 

“Suuuss.. crush daw.. eh halos, ubusin mo na nga yung stock niyong tissue nung nalaman mong may napupusuan na yang Stephen na yan eh! naku, huwag mo na ako lokohin.” Sabi niya tapos sabay na kaming lumabas ng library. Pft. Ipaalala daw ba?

 

“Heh! Tsaka, ano ba. Kahit naman crush ko lang siya syempre it hurts pa rin noh, kasi wala na akong pag-asa sa kanya pag nagkataon” sabi ko na lang.

 

“Ayown! Edi ikaw na mismo umamin na wala ka ngang pag-asa. Hay nako Skye Avryl Samonte! Ewan ko sayo ba’t baliw na baliw ka dun. Basta eto lang mapapayo ko sa’yo ha, tigilan mo na yang pagpapantasya mo sa kanya, kasi kahit naman di mo sabihin sa akin, alam kong mahal mo na yang ugok na yan. Masasaktan ka ba kung hindi? Kaya, tama na sis. Hangga’t di pa nadadamage ang heartlalu mo. Mahirap na yan tapalan pag-over damage na” haba ng litanya niya hah. Pero natigilan naman ako sa sinabi niya..

 

Mahal ko na nga ba siya?  Pero, imposible naman yun diba? Ni di nga kami nag-uusap o nakapag-usap eh. haaayy.

 

Ewan. Basta isa lang alam ko. Crush ko siya. Period.

 

***

The next day..

 

Ganun pa rin , nandito ako sa library.. sinusulyapan siya..

 

Ang gwapo niya talaga..

 

Haaaay..

 

Pero napawi yung ngiti ko nung may lumapit na isang mala-anghel ang beautylalu..

 

Aray.

 

Nandiyan na pala yung bida. Pft.

 

Extra lang pala ako. Nakalimutan ko.

 

Ewan.. pero nung nakita ko yung ngiti niya, lalo na at dahil yun sa babaeng dumating, parang may kumirot somewhere down the road, de joke, parang kumirot yung sa bandang dibdib ko.

 

Siguro nga.. tama nga si Kylie. Mahal ko na siya. Di ko lang maamin sa sarili ko kasi alam kong wala na.. na hindi na pwede. Kaya isinisik-sik ko sa isipan ko na CRUSH ko lang siya pero I know in me, MAHAL ko na siya.

 

Di ko namalayan na may likido na palang pumapatak galing sa magaganda kong mata. Anubayan. Nagdadrama na nga, nagloloko pa ako.

 

Shet. Better escape na. baka Makita niya akong umiiyak. Wapoise. Pero ano nga naman pakialam niya sa akin diba? Wala lang naman ako sa kanya, kasi di kami magkalevel.

 

Nasa-top siya, nasa average level lang ako eh. haaay.

 

Hirap mong ma-reach.

 

 

Nagmadali na akong magligpit ng gamit ko tsaka lumabas na ng library.

 

Ang sakit kasi sa heart eh. pangit din ang view dun.

 

 

***

After THAT day, di na ako pumupunta dun after lunch, napapad-pad lang ako pag may research kami.  Saklap nga eh kasi kung minsan nakikita ko siya dun, gustuhin ko mang titigan siya, pinipigilan ko kasi naaalala ko lang na may iba na pala siyang mahal.

 

 

At katulad nga ngayon, nasa library ulit ako, may research kasi kami sa English namin eh. tss. Teenage Love pa natoka sa amin -___- by group kasi ‘to.

Kailangan ‘din kasi ng survey dito para malaman namin yung different definition nila sa ‘TEENAGE LOVE’ na yan. Kahit nakakasakit yung topic, gora nalang, alang-alang sa grade -___-

At ako inassign nilang magdistribute. Pfft. Sabi din nila na dapat daw sa Library ako mauuna after ko kumain kasi maraming nerds dun. Truth enough.

 

Kaya eto ako’t naglilibot para maghanap ng mabibiktima. Nyahahaha. Biktima talaga? lol. Ayaw kasi ng mga estudyante sa mga survey-survey eh. tinatamad silang sagutan. Nga naman, nakakatamad.

 

Natapos ko nang bigyan ang mga estudyanteng na nandito sa side ko, yung sa kabila naman, pero pag minamalas ka nga naman talaga, siya lang mag-isa dito na side. Lagi naman eh. ewan kung bakit -_-

 

Kaya no choice, para ‘to sa grade niyo Skye. Woooh! AJA!

 

Okay. Nasa gilid niya na ako, at mukhang napansin niya ngang may taong umaaligid sa kanya kaya napalingon sa akin. Siomaaaaai! Ang gwapo niya pala sa malapitan. Hoooy! Mag-hunusdili ka! May nagmamay-ari na niyan!

 

*inhale

 

*exhale

 

I clear my throat before I speak.. kinakabahan ako ehh..hooo..”U-uhh.. p-pwedeng makahingi ng konting time mo? Mag-papasurvey lang ako. Saglit lang naman ‘to kung o-okay lang?” anakngdilis! Nautal pa ako oh. Eh kasi naman! Makatitig naman kasi, para akong matutunaw! Ampotek! Feeling ko nga namumula na pisngi ko eh! waaaaaah! Baka makahalata siya.

 

“ehem. Yeah sure” sabi niya at inabot yung papel na binigay ko.

 

Nice! Nyehehehe~ first convo with him ^////^

 

Ay. Tanga. Iiwas na pala dapat ako. Pero eto ako’t nagdiriwang. Tss.

 

“Uhm. Kukunin ko na lang yan maya-maya, babalikan ko nalang. Kokolektahin ko pa kasi yung iba. Sige. Salamat ulit” sabi ko sabay ngiti ng matamis. Tengene, nakuha pang lumandi Skye? Siopao naman oh!

 

Ayun, kumaripas na rin ako ng lakad.. oo lakad, bawal tumakbo eh. lagot ako sa librarian.

 

At gaya nga ng sinabi ko, kinolekta ko na yung mga una kong binigay na survey questionnaire pagkatapos eh binalikan ko na siya.

 

“Uhm. Tapos mo nang sagutan? Kukunin ko n asana eh” mahina ko lang sabi. Kasi nga diba nasa library? Mahina lang naman talaga ako magsalita eh kahit nung nandito kami ni Kylie nung nag-aargue kami. Hehe. Di lang halata.

 

“Ah. Sandali lang, isa nalang yung sinasagutan ko.” sabi niya. Tapos pinagpatuloy ang pagsusulat.

 

“O-okay. Hihintayin ko nalang. Pwedeng maki-upo?” tinuro ko yung upuan sa harapan niya. Baka kasi ayaw niya ako makatabi kaya dun nalang sa harapan yung tinuro ko.

 

“Yeah.” Ay ang haba dre.

 

Baka nagtataka kayo kung bakit okay lang na magtagal ako. Kasi naman tapos na klase namin, kanina pa. half-day lang kasi eh.

 

At dahil na rin sa pagod ako kaka-research at pagbibigay ng mga questionnaire buong umaga hanggang ngayon eh di ko namalayang naka-idlip pala ako..

 

ZzzzZZZzZZzzzzZZz…

 

 

###

 

“annyeong oppa~” kilala ko na kung kaninong boses yan -__-

 

“Hey yow Princess” sabi ko sabay ngiti.

 

“What are you doing here again oppa? you’re done with your home works yesterday right?” maka-english naman ‘tong babaeng to.

 

“Shhh.. she might hear you” napatakip naman siya ng bibig niya tapos, nagpalingon-lingon.

 

Minsan talaga iniisip ko kung kapatid ko nga ba talaga ‘to. Isip-bata kasi eh.  magkasing-edad lang naman kami -__-

 

oo. tama kayo ng nabasa, kapatid ko yan, sa father side nga lang. pure Korean tatay namin kaya mukha kaming koreano at koreana at kaya rin panay ang English nito kahit magaling naman magtagalog.

 

“Oopss. Hehe. She didn’t hear me naman eh. I saw her strode away. Nakalabas na rin siya ng lib.” Sabi niya kaya napalingon ako sa lagi niyang pinupwestuhan. Wala na nga siya.

 

Haaay.. kasi naman tong makulit na ‘to eh.

 

“Tss. Go back to your class now. Okay?” sabi ko. hinalikan niya lang ako sa pisngi tapos umalis na rin siya.

 

Kaya kami napagkakamalang ‘kami’ neto eh. tengene. Wala kasing may alam na magkapatid kami.

 

At kaya ako laging dito natambay sa library kasi lagi siya rito at dito rin, Malaya ko siyang napagmamasdan. Kaya nga nirequest ko sa librarian na huwag payagang may iba akong kasama dito, sa amin naman ‘tong school eh kaya okay lang. Para di niya halatang pinagmamasdan ko siya, kasi aakalain niya sa iba ako nakatingin kahit sa kanya lang naman atensyon ko. leshe. Nababading ako neto eh.

 

Umalis na rin ako ng lib. kasi wala nanaman akong gagawin dito eh. at tama rin yung kapatid ko, tapos ko na mga assignments ko, nagkukunwari lang akong busy para di halatang tinitignan ko siya. Buti nga di niya ako nahuhuli eh. haha.

 

Nung sumunod na mga araw, hindi na siya pumupunta dito, except if may gagawin siya kasama yung bestfriend niya. Siguro research.

 

Pero madalang na lang siya kung pumunta. Namimiss ko na nga yung maamo niyang mukha eh. ang maganda niyang mata kahit na sa malayo ko lang natitignan.

 

Lumipas ang mga araw, nandito ulit ako sa lib., nagbabasakaling nandito siya, di nga ako nagkamali kasi nandito siya at may dinidistribute na papel. Hanggang sa papunta siya sa direksyon ko. shit. Kinakabahan ako. Nakayuko lang ako, kunwari nagbabasa tapos nilingon ko siya. Powtek. Ang ganda niya sa malapitan lalo na yung mga mata niya na parang kumikislap. Tengene! Ambading ng dating.

 

”U-uhh.. p-pwedeng makahingi ng konting time mo? Mag-papasurvey lang ako. Saglit lang naman ‘to kung o-okay lang?” nauutal niyang sabi. Ayown oh. Nakarinig ako ng boses ng anghel. Kahit buong oras ko ngayong araw okay lang. makasama ka lang. tae, ang korny!

 

Ako naman eh parang di mahanap ang dila ko na parang umatras yata. Ang kyut niya mag-blush. Hahaha

 

Umubo muna ako kunwari bago nagsalita..“ehem. Yeah sure” tapos inabot ko yung binigay niya.

 

Maya-maya nagsalita siya ulit.. “Uhm. Kukunin ko na lang yan maya-maya, babalikan ko nalang. Kokolektahin ko pa kasi yung iba. Sige. Salamat ulit”

 

Tapos nginitian niya ako.. potek! Mas lalo siyang gumanda. Pagkatapos nun, mabilis siyang umalis.. shet! Ang ganda niya, pati boses mala-anghel! Hoooo!

 

Tinignan ko yung title nung binigay niya.

 

Topic: TEENAGE LOVE

 

Nice. Ang galing nila. Haha. Maasahan talaga mga bugok na yun!

 

Nung nasa panghuli na ako .. hindi ko alam pero.. bumilis nanaman yung tibok ng puso ko sa last question.

Eto kasi yun eh ..

 

If you’re given a chance to confess your feelings to someone you love how will you do it? If both of you doesn’t have any communication nor connections with each other, How will you do it?

Tengene! Tumama oh! Sakto eh. lalo na sa sitwasyon namin. Lul. Ni ‘di niya nga siguro ako kilala o ‘di niya alam na nag-e-exist pa ako. Tss. Kahit pa inutos ko ‘to parang kinakabahan pa rin ako. Oo, ako nag-utos na isulat yang tanong na yan

 

Tinitigan ko lang talaga yung huling tanong na yun hanggang sa bumalik na siya.. wala pa ring sagot. Potek. Ang talino ko tapos bobo ako pagdating dito? Tae. Hindi ko kasi alam paano ko sisimulan.

 

Narinig ko nalang siyang nagsalita sa gilid ko.

 

“Uhm. Tapos mo nang sagutan? Kukunin ko na sana eh” mahina niyang sabi. Napalingon ako sa kanya tapos ..

 

“Ah. Sandali lang, isa nalang yung sinasagutan ko.” sabi ko nalang tapos kunwari eh may sinusulat ako pero ang totoo. Nabablanko ako lalo pa’t nandito siya sa tabi ko. leshee!

 

“O-okay. Hihintayin ko nalang. Pwedeng maki-upo?” tinuro niya yung upuan na nasa harapan ko. bakit naman diyan pa? eh pwede namang dito ka nalang sa tabi ko umupo eh.

 

“Yeah.” Sabi ko nalang. Psh. Baka ayaw niya lang sa tabi ko. -_____-

 

Maya-maya, napansin ko na nakahiga na ulo niya sa mesa, yung pagkakahiga ng ulo niya eh patagilid, sa right side yung mukha niya nakaharap.

 

Ang payapa niyang tignan. Shet. Ang ganda ng view oh! Kinuhanan ko siya ng litrato habang tulog. Ang ganda eh. XD

 

Natapos ko na rin sa wakas yung pagsagot sa langyang panghuling tanong nay un. Woooo! Sana mabasa niya yun. Tss. Kainis. Nahihiya ako.

 

Ginising ko na rin siya kasi mag-a-alas tres na ng hapon eh. grabe 3 hours with her? Aba. Improvement to! Haha.

 

Tignan mo, kahit nga pag-gising niya, ang ganda niya pa rin..

 

“Ay, sorry, nakatulog pala ako. *tingin sa relo niya* nako! 3pm na pala, kelangan ko nap ala ‘tong isubmit, salamat ulit sa time hah. Hehe” sabi niya tapos ngumiti nanaman, huwag ka ngumiti ng ganyan. Siopao. Na-iinlove ako sayo lalo eh!

 

“a-ah. Ganun ba? Sige. Walag anuman” sabi ko. lintek! Nautal pa. pahiya konti.

 

“Sige. Mauna na ako” at ayun tuluyan na nga siyang umalis. Letsugas nga naman oo.

 

***

Weeeeeeee~ gondo ng araw ko ngayon. Mwehehehehe~ pano  ba naman kasi, keganda  naman kasi ng hapon ko. eto ako ngayon sa bahay kasama mga ka-group ko. ako nagbabasa ng mga kwestyuneyr para macheck yung mga pwede sa hindi, kasi yung iba kalokohan lang nakalagay eh. tsaka ako rin ang nakatoka dito. nasa panghuli na akong kwestyuneyr, ang totoo niyan kay Stephen tong papel eh. iniba ko talaga. mwehehe~ gusto ko kasi malaman yung Point of view niya sa Teenage Love.

 

Magaganda naman mga sagot niya, mukha ngang may pinanghuhugutan eh. ..

 

Last question na ..

 

Para akong iniputan ng ibong adarna dahil nanigas ako sa nabasa ko. s-seryoso ‘to?!

 

Alam kaya niyang ako ang magbabasa neto? Waaaaaa! Nakakawindang!

 

Eto kasi yun oh ..

 

If you’re given a chance to confess your feeling to someone you love how will you do it? If both of you doesn’t have any communication nor connections with each other, you’re like strangers with each other. How will you do it?

 

Answer:

            First, I’ll go to the place where she always stay and say ”Hi Crush!” alam ko magugulat siya pero yun talaga ang gusto kong unang sabihin. Matagal ko na siyang gusto, first year pa lang kami, crush ko na siya, di ko lang maamin sa kanya kasi nahihiya ako o mas tamang sabihing natotorpe ako. Lagi ko siyang nakikita sa library, kaya ginawa ko n ‘tong tambayan kahit na natapos ko na mga assignments ko, sinadya ko yun para masulit ko yung oras na titigan siya. Actually nunng binigay tong questionnaire na ‘to, chance ko nang maka-usap siya nun eh. pero inatake nanaman ako ng hiya, oo, yung babaeng nagbigay neto sa akin ang taong tinutukoy ko. hindi na na yata CRUSH lang ito eh. Mahal ko na siya. Kaya ikaw miss!

 

 

I’ll wait for you where we first met .. 6pm” – S.K.Y

 

OH MY GOSH!

 

O______O

 

SERYOSO?!

 

“Puntahan mo na! anong oras na oh?!” sabi ni Kylie sa akin.

 

t-teka, may kinalaman siya dito?

 

“Sige na Skye! Baka di mo na siya maabutan!” sabi nung isa pa naming kagroup. Kaibigan to ni Stephen eh. si Carl.

 

“Time is running Skye” sabi ulit ni Kylie at pinagtutulakan na ako palabas ng bahay namin. Talagang mapilit noh? ni wala pa nga akong nasasabi oh. Mga to!

 

At wala na akong nagawa, tumakbo na rin ako palabas ng village tapos pumara ng tricycle papuntang school, malapit lang naman siya eh, pero mas madali pag naka-tric.

 

Nung tinignan ko yung relo ko.

 

6:05

 

Shet na. late na ako! Waaaaaa! Baka wala na siya dun!

 

Hingal na hingal ako nung nakarating ako sa tapat ng pinto ng library.

 

Kinakabahan ako ng sobra. Nandito pa kaya siya?

 

Pinihit ko na ang doorknob tapos dahan-dahang pumasok.

 

Bakit yata ang dilim?

 

“S-stephen?” luuhh? Epsi?! Nyahahaha. Pero teka nga. Andilim eh! waaaaa!

 

 

“Hi Crush” nagulat ako kasi may biglang yumakap sa akin mula sa likod tapos binulungan pa ako. Leche flan naman. Goosebumps!

 

“S-stephen?” humarap na ako sa kanya at sakto naman lumiwanag na ang buong library.

 

Waaaaaa! Yakap-yakap niya parin ako! Oh Lord, ambaet niyo po. Pero diba may Princess na ‘to?

 

“Baka Makita tayo ni Princess. Sugurin pa ako”  sabi ko.he just chuckle. >O<

 

Ba’t ankyot niyang tumawa?! Andugaaaa!

 

“O-oy! Ba’t ka tumatawa?!” naman eh! Makita kami ni Princess, lagot ako! Uwaaa~ gusto ko pang mabuhaaaaay!

 

“Are you jealous?” then he smirk. Tengeneng lalaki ‘to. Tinanong pa.

 

“H-hoy! D-di ah! Tsaka ano ba ibig mong sabihin dun sa sagot mo sa kwestyuneyr?!” ayan. Natanong ko rin yung pakay ko -_-

 

“tss. Manhid ka rin noh?” aba’t!

 

“Anong manhid?!” lumayo na rin ako sa kanya. Pero sadyang makulit ang damuho at hinapit pa ako sa bewang. Ampotek >.<

 

“Di pa ba klaro yung sinulat ko dun? Oh sige, sasabihin ko pero walang ulitan kundi hahalikan kita!” aba’t bantaan ba ako? Pero bet ko yun ah. Hahaha. Landeee!

 

“Mahal kita. Mahal kita, Skye Avryl Samonte” sabi niya na nakatingin ng diretso sa mga mata ko. hoooo~ tunaw na ako.

 

“A-ano?—“ di na ako natapos sa sinasabi ko pa’no ba naman kasi ..

 

 

 

 

..halikan ka ba naman sa labi. Di ba titikom yang bibig mo?!

 

OHMYFISH! FIRST KISS KOOOOOOO!

 

“sabi ko sayo eh. huwag ng ipaulit.” Tapos nag-grin siya. Waaaa! Lord ba’t ang gwapo ng nilalang na ‘to?

 

Salamat at sa kanya napunta first kiss ko!

 

Pero teka lang eh kung mahal niya ako? Ano niya si Princess?

 

“Teka ha. Eh kung mahal mo ako. Ano mo si Princess? Diba Girlfriend mo siya?” nagtatakang tanong ko.. tapos …

 

 

“HHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA” ay leshe. Tawanan ba ako? Anong nakakatawa?!

 

“Hoy! Anong nakakatawa hah!?” ayun nagpipigil pa siya ng tawa. Lintek.

 

“Haha..pfftt..kasi..ahahah..hindi ko…hahaha..Girlfriend si Princess!” anudaw? Nabingi yata ako?

 

“eh?” oh kitams. Muntanga lang.

 

“Kapatid ko siya sa ama” sabi niya na may malapad na ngiti.

 

“k-kapatid!?” O_O

 

“yeah. Kaya huwag ka nang magselos. Hindi mo pa nga ako sinasagot eh.” sabi niya tapos nagpout pa. anubeeeey~ huwag ka magpout dyan baka magkaroon ng round 2!

 

Hahaha. Ang landeeee mo Skye!

 

“Anong di sinasagot? Bakit may tinanong ka?” boom! Barado si kuya.

 

“Tss. Sabi ko diba Mahal kita?”

 

“Oh? Eh saan naman yung tanong dun?—” pinutol niya yung dapat na sasabihin ko. ay tungeks -_-

 

“tss. Bahala ka na nga dyan” at nagwalk-out na. hawak niya na ang door knob ng sumigaw ako ..

 

 

“AY TANGA! MAHAL DIN KITA! DI MO NAMAN KO PINATAPOS EH!” napatigil siya tapos humarap na may malapad na ngiti tapos naglakad na siya pabalik sa direksyon ko.

 

“talaga? ano yun?—“ di ko na siya pinatapos.

 

Kasi hinalikan ko na siya eh. hahahaha!

 

 

“patapusin mo muna kasi ako. Ang sasabihin ko sana, ‘Oh? Eh saan naman yung tanong dun? De joke lang, Mahal din kita ..

 

 

 

Crush. Walang ulitan kundi hahalikan kita’ ayan tuloy.” Sabi ko tapos napangiti nalang kami at natawa.

 

“SSSSSHHHHH” nagulat kami kasi paglingon namin, nandun yung librarian, si Kylie at yung mga kaibigan niya. Kailan pa sila napunta rito?! Eh iniwan ko sina Kylie sa bahay ah? Bahala na basta Masaya kami. Haha

 

Natawa na lang kami tapos nagtitigan..

 

Unti-unting lumalapit ang mukha niya ..

 

Hanggang sa maglapat ang mga labi namin.

 

Oh how I love this man. Akala ko hindi na pwede. Nagselos at nagpaubaya ako para lang sa wala. Kasi naman, di ko naman alam na may kapatid siya eh.

Ayan tuloy. Pero salamat sa kwestyuneyr at nagka-aminan din. Ahahaha.

 

Akala ko nga ako una makakasabi sakanya nun eh..

 

Yung  matagal ko nang gusto sabihin sa kanya pagbabatiin ko siya?

 

Yung …

 

Hi Crush!

 

Pero siya pa ang nauna! Andugaaaa! Haha. Pero yae na. ang importante, I’m happy on what’s happening right now.

 

Nung maghiwalay na kami sa halik nayun, tinitigan niya ako sa mata sabay sabi ..

 

“I love you Skye”

 

“I love you too

 

 

 

Crush”

 

 

 

The End ♥

 

Continue Reading

You'll Also Like

8.7M 320K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
15.3K 882 26
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
24.7M 558K 157
This is not a love story. This is a story about LOVE.
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...