His Property

By KookyDamsel

2K 201 132

Keep calm and read His Property :) More

Must Read
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16

CHAPTER 10

91 12 5
By KookyDamsel

CAI'S POV

"Bye class"

"Bye ma'am"

"Di ka mag-rerecess?" narinig kong sabi ni Sandy

Nilingon ko naman kung sino yung kausap niya. Si Tanya pala.

"Tanya sama ka na sa'min" - Freya

"Ah...eh..." hinila na siya ni Sandy

"Simula ngayon, sama ka na sa'min" - Sandy

Nung nasa tapat na kami ng kabilang room, saka ko naalala na nasa bag ko pala yung card ko. Oo, may card na kami.

"Teka lang. Naiwan ko pala yung card ko sa bag. Mauna na kayo. Sunod nalang ako"

Tumakbo ako pabalik ng classroom.

"Aray" saktong may lalabas pala

Hawak hawak ko yung ilong ko. Ang sakit.

Semento ba ang dibdib ng isang 'to?? Ang tigas ah. Tsk.

Pagtingin ko sa kanya...

Siyaaa????

Tinignan ko siya nang masama. Pababa at pataas. Parang wala lang sa kanya. Nakabulsa yung dalawa niyang kamay sa pants niya at nakatingin lang sa'kin.

Wala man lang balak mag-sorry? Tss.

"Ano ba! Abante naman! Tagal tagal! Gutom na ako eh!"

"Ang ingay mo Kean!"

"Hi! Di ba ikaw yung...katabi ni Sandy?"

Tumango naman ako.

"Ako nga pala si A.D. Tapus si Ian" turo niya sa lalakeng nasa harapan ko "Tapos..." hinila niya yung nasa likuran nung Ian "Eto naman si Kean at si Naphne" turo pa niya sa isa nilang kasama

"Hi" bati naman nila sa'kin

"H-hello"

"Ok ka lang? Bat parang namumula 'yang ilong mo?" tanong nung katabi ni A.D. Naphne ata

"Ha?"

"Cai!"

Narinig ko namang may tumawag sakin. Boses yun ni Sandy ah.

"Bat ba ang ta-" napahinto siya at napatingin sa kanila

Binigyan niya ako ng 'Anong nangyayari dito look'

"Hi Sandy!" - A.D

-----

"Bat ba ang tagal niyo?" 'yan agad ang bungad samin ni Freya pagkarating namin sa canteen

Nagtinginan naman kami ni Sandy.

"Tsaka...bat namumula 'yang ilong mo? Sinisipon ka ba?" dagdag pa niya

"Siyanga pala...anong club ang sasalihan niyo?" - Tanya

"Club?" tanong ko

"Mm mm" sabay inom niya ng coke "Sa Friday na yun"

"Anu-ano ba yung mga clubs dito?" - Sandy

"May...sports, dance, arts, basta. Madami"

"Anong sasalihan mo?" tanong ni Freya kay Tanya

"Sports"

"Ano kaya sa'kin? Eh ikaw Dy? - Freya

"Gusto ko sana sa music. Meron ba?" - Sandy

"Oo. Glee club" - Tanya

"Ahh..Ayos. Yun nalang" - Sandy

"Ikaw Cai?" tanong ni Tanya sa'kin

"Arts nalang siguro" sagot ko

"Ano kaya sa'kin? Wala bang Night Club ba? Hehe. Joke. Dance nalang kaya? Ano sa tingin niyo?" - Freya

"Malay namin sa'yo"

-----

"Class, about the club thing, alam niyo naman siguro na ngayon na yun. May kanya-kanyang booth ang bawat club. Puntahan niyo nalang yung mga napili niyong club at magparegister. Ok?" sabi ni Miss Kalas

"Yes ma'am"

"Quietly, fall in line outside"

Nagsitayuan na kaming lahat.

"PARE! ANONG CLUB ANG SASALIHAN NIYO?"

"MR. DE ROQUE!" sigaw ni Miss Kalas kay Kean "KAILANGAN BA NG BUNGANGA SA PAGPILA?!"

Nagulat naman si Kean.

"Sorry ma'am for the inconvenience"

Bumaba na kami. Buti nalang per year. Di gaanong siksikan.

"Oh ano? Kita-kita nalang mamaya tayo dito pagkatapos magparegister?" - Tanya

"Sige"

Pumunta na nga kami sa kanya-kanyang club na sasalihan namin.

"San ba yun?" kanina pa kasi ako pabalik-balik. Di ko mahanap yung Arts Club

English, Math, Filipino, Sports lang yung mga nakikita ko.

"Aray"

 

Tae naman. Bat ba lagi nalang akong nababangga? >_<

"Sorry miss" sabi ng isang lalake

"Ok lang"

"Uh...Pwede ko bang malaman kung anong club ang sasalihan mo?" tanong niya

"Hmm...Arts" sabi ko habang hinahanap parin yung Arts Club

"Tamang tama! Arts din ako. Sabay na tayo. Ok lang?"

"S-sige"

"Ako nga pala si Chester" tapos inabot niya yung kamay niya para makipag-handshake "Chester Reyes"

Tinanggap ko naman.

"Cai Gonzales"

"Nice name"

"Thanks"

"May pick up line ako"

"Ano?"

"Ikaw ba si Vice?"

"Bakeet?"

"Kasi...ang Ganda mo"

Napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Nakatingin siya sa'kin.

"Lol" yun lang nasabi ko

Tumawa naman siya nang malakas kaya napatingin yung ibang estudyante sa'min.

"Transferee ka ba?"

"Bakeet?" tanong ko na naman

"Huh?"

"Bakit nga? Transferee ako...kase???"

"Uh...Hindi yun pick up line"

"Haaa?" napanganga ako sa sinabi niya

Tumawa na naman siya.

"Ang cute mo!" tapus bigla niyang kinurot yung pisngi ko

Awchi.

"Tinatanong ko kung transferee ka. Ngayon lang kasi kita nakita dito"

"Ahhh..." yumuko ako dahil sa hiya "Oo. Pasensya na"

Kasi naman eh. Porket nagtanong ulit pick up line na naman? Ano ka ba Cai. Di lahat ng tanong pick up line. NA-KA-KA-HI-YA! Ang gwapo pa naman niya. Omeged.

"Ito na pala yung Arts eh"

Nakakainis. Para tuloy akong ewan kanina. Eh di naman pala pick up line. Talagang nakakahiya. Nakakahiya ka Cindy Andrea Inah Gonzales!!!!

"Hey! Where are you going?" napalingon naman ako sa kumalabit sa'kin

"H-ha?"

"Sabi ko, san ka pupunta"

"S-sa Arts Club. Diba dun tayo p-pupunta?"

Ngumiti siya.

"Ayun po yung Arts Club oh" at tinuro niya yung pangalawang booth mula sa kinatatayuan namin "Nasobrahan ka po sa paglalakad Ms. Gonzales"

Natapik ko naman yung noo ko. Nalagpasan ko nga. Ano ba Cai? Sobrang nakakahiya ka na talaga. Kanina yung pick up line tapus ngayon eto naman?

"Uhh..."

"Nevermind" *smile* "Tara" bigla niyang hinila yung kamay ko

-----

"Chester, una na ako ha? Baka inaantay na nila ako eh"

"Ha? Ganun ba?"

"Oo. Salamat ha?"

"Oh sige. No problem" tapus ngumiti siya

"Babye!"

"Ingat!"

Pabalik na ako sa meeting place namin. Baka ako nalang hinihintay.

"Cai!" hinanap ko naman yung tumawag sa'kin

"Dito Cai! Tingin ka sa kaliwa!"

Tumingin naman ako sa kaliwa. Si A.D. Nginitian ko siya.

Napatingin naman ako sa iba pa niyang kasama. Kumaway naman sina Naphne at Kean. Kinawayan ko din sila.

Himala. Di ata nila kasama yung lalaking di marunong mag-sorry.

-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-

- KookyDamsel

Continue Reading

You'll Also Like

376K 37.1K 114
ဘာသာပြန်သူ - စွဲညို့အသင်း ရိုရိုချိုချိုနဲ့ မခါးတာလေး ဖတ်ချင်ရင် လာနော်
92.6K 8.1K 22
Triangle LOVE ...
407K 58.1K 199
ဘာသာ​ပြန်သူ - Swae Nyoe Team (တစ်ဦးတည်း ဘာသာပြန်ဆိုခြင်း မဟုတ်ပါ)