Ryza's POV.
"Narinig niyo ba yung balita? Anak daw siya ni Queen Shashsa"
"Eh bakit hindi naman Nightblood ang apelyido niya?"
"Ang gulo nga eh"
"Baka hindi naman totoo"
"Totoo daw eh"
(-_-)!
Mga chismoso't chismosa! Ano bang pakielam nila kung anak ako ni Queen Shasha? Sabagay hindi lang naman mga tao ang may kayang magsabi ng mean comments. Pati rin mga half bloods.
"Don't mind them" Sabi ni Joy habang naglalakad kami. Siguradong narinig niya rin yung mga mga sinabi ng half blood students.
Napanguso ako "Wala nama akong pakielam sakanila. Hindi naman nila ang totoo at ang buong storya ng magulo kong buhay" Yup! MAGULO KONG BUHAY.
Napabuntong hininga si Joy "I can't believe that you are a Nightblood"
"The feeling is mutual, Joy" Sabay kaming napailing "Hindi ko na alam! Ang gulo ng sitwasyon. Hindi ko alam kung anong apelyido ang dadalhin ko. Ang gulo-gulo na" Hindi na nagsalita si Joy. Napapahinto kami sa paglalakad ng biglang humarang si Jessie sa daan namin. Napansin kong malungkot siya.
"I have to go. Excuse me" Umalis na si Joy, mukhang nasense niya ang awkward aura sa paligid. Kaming dalawa nalang ni Jessie ang naiwan. Akmang aalis na ako para sundan si Mary Joy pero pinigilan ako ni Jessie.
"Ano bang kailangan mo?!" May pagkainis kong tanong.
"Mag usap naman tayo please"
"Sige" Walang emosyon kong pagpayag "Tutal marami akong gustong itanong sayo, ako na ang maguumpisa" Seryoso akong tumingin sa malungkot at kulay red-orange niyang mata "Alam mo ba ang lahat? Lahat ng tungkol saakin?" Tanong ko.
"Ryza, I'm so----" Pinutol ko ang sinasabi niya.
"OO o HINDI" Matigas kong sabi "Isa lang doon ang gusto kong marinig mula dyan sa bibig mo. Oo o Hindi lang"
"O-Oo" Nauutal niyang sabi kasabay ng pagtungo niya.
Napahawak ako sa noo ko at pinilit na pigilan ang galit ko "Bakit hindi mo sinabi saakin? Jessie naman! Pinagkatiwalaan kita! Akala ko wala kang tinatago saakin, akala ko lang pala yun. At ang sakit malaman na alam mo ang katutuhanan about saakin pero hindi mo man lang sinabi. Anong klaseng boyfriend ka?!"
"Dahil gusto ko na kina Tito at Tita mo malaman ang totoo. Tyaka natakot ako"
"Natakot ka kasi alam mo na ang ama mo ang pumatay sa tunay na Ryza, tama ba? Natakot ka na sabihin saakin ang katotohanan kasi ama mo ang puno't dulo ng lahat ng 'to. Edi sana kinumbinsi mo nalang sila Mama at Papa na sabihin saakin ang totoo kung natatakot ka. That's the best thing to do, Jessie "
"Ayokong lumayo ka saakin, bata palang tayo gusto na kita. At maniwala ka man o sa hindi, binalak kong kumbinsihin ang Mama at Papa mo na sabihin sayo ang totoo pero pinagtutulakan ako ng Papa mo, ayaw niya akong makausap dahil dumadaloy sa buong katawan ko ang dugo ng pumatay sa anak nila" Hinawakan niya ang kamay ko "Ryza, patawarin mo na ako please, hindi ko kayang nanlalamig ka saakin. Natatakot na 'ko" Konti nalang maiiyak na siya "Please, please, please. Sorry na" At yun na nga. Tumulo na ag luha niya "Please Ryza, hindi ko kakayanin kapag nawala ka saakin" He kneeled on the floor
"Tumayo ka ng dyan!" Wala naman talaga siyang kasalanan. Hindi niya kasalanan na pinatay ng ama niya ang totoo Ryza "Tumayo ka na kase dyan eh! Hindi nama kita hihiwalayan. Tamayo ka na! Sige na" Agad naman siyang tumayo. Hindi ko rin kaya, napamahal na saakin ni Jessie at alam kong katangaha 'to pero ang katangahan na ginagawa ko ngayon ay ang nagpapasaya saakin.
"T-Talaga? Hindi mo ako hihiwalayan?"
Pinunasan ko ang mukha niya gamit ang palad ko "Yes, I won't"
"Kiss me, tapos maniniwala ako" I sigh at unti-unting inilapit ang mukha ko sa mukha niya pero agad kong inilayo ng may maramdaman akong papalapit at mukhang naramdaman rin 'yon ni Jessien "Wrong timing naman oh!" Ginulo ni Jessie ang buhok niya sa sobrang inis. Pinigilan ko naman ang tawa ko.
(^_^)
He's so cute
"Ryza? Anak?" Napatingin ako sa likod at nakita ko si Mama at Papa.
"Ma! Pa!" Tinaas ko ang kamay ko at ngumiti sakanila. Nang makita nila ako ay ngumiti sila pero nung tumingin sila sa katabi ko ay nagbago ang aura nila.
(O_o)?
Galit parin ba sila kay Jessie?
Nag makalapit sila saamin, agad akong hinatak ni Papa palayo kay Jessie.
"Diba sabi ko layuan mo na ang anak ko" Matalim ang tingin ni Papa kay Jessie.
"Pa! Ano bang sinasabi mo? Wala namang ginagawa si Jessie ah!" Pagtatanggol ko kay Jessie. Totoo naman eh, wala naman siyang ginagawang masama.
"Sorry Tito, but I can't" Sabi ni Jessie.
"Don't you dare call me Tito!! Dahil sa ama mo kaya nangyayari ang lahat ng 'to" Galit na sabi ni Papa.
"Pa! Wala naman pong kasalanan si Jessie" Buti nalang umpisa na ng klase kaya walang half blood students sa paligid
"Ryan! Ano ka ba naman! Walang kasalanan ang bata, huwag mo siyang sisihin" Hays! Si Papa talaga!
"Basta! Wag na wag kang lalapit sa anak ko, kung hindi malilintikan ka saakin!!" Galit na sabi ni Papa.
Kinalas ko ang pagkakahawak ni Papa sa pulsuhan ko. Tumakbo ako papunta kay Jessie at niyakap siya, niyakap niya rin ako.
"What is the meaning of this?! Ryza bumalik ka dito!" Akamang kukunin ako ni Papa pero inilayo ako ni Jessie.
"No Sir, hindi niyo kami pwedeng paghiwalayin" Sabi ni Jessie. Napakunot naman ang noo ni Papa at parang sinasabi ng mga mata niya ay 'Can someone tell what's happening here'
Bumuntong-hinunga ako. This is it! "Kami na Pa, boyfriend ko po si Jessie. I love him so much" I confess.
Anong reaksyon nila?
Nganga lang naman. Hindi sila makapaniwala sa sinabi ko.
"Oh my god!!" Nagulat nalang ako ng biglang sapakin ni Papa si Jessie, sa lakas ng sapak na yun tumumba si Jessie "PA! ANO BA!" Lalapitan ko sana si Jessie pero bigla akong hinila ni Papa.
"Aalis na tayo dito!" Namumula sa galit si Papa.
"Ano po?! Paano ang pag-aaral ko?" Gosh! Kinakabahan ako.
"Hihinto ka muna"
"What?! No way!" Kinuha ko ang kamay kong hinihila ni Papa "Ayokong huminto!" Nice three Ryza, ngayon mo lang sinuway ang utos ng pinakamamahal mong Papa.
Masamang tumingin saakin si Papa "Sinusuway mo ba ako Ryza Brazil?!!"
"Maghunos-dili ka Ryan" Pagpapakalma ni Mama kay Papa.
"Papa naman kasi! Wag naman ganito! Mahal ko kayo pero mahal ko rin ang pag-aaral ko!!" Great! Sinigawan mo lang naman ang Papa mo Ryza.
"Ayan ba?! Ayan ba ang pinagmamalaki mong pag-aaral?!! Ang sumagot at sigawan ang magulang mo?!!!"-Papa
Napahawak nalang ako sa noo ko para pigilang sigawan muli si Papa. Naiipit na ako!
"Anong nangyayari dito?" Napatingin ako sa kaliwa ko at nakita ko si ate Hill "Anong nangyayari dito Killmer?" Tanong saakin ni ate Hill.
Hind ako nagsalita kaya naman si Jessie na ang sumagot "Gustong patigilan ni Mr. Brazil si Ryza sa pag-aaral, ilalayo niya si Ryza dahil lang nalaman niya na boyfriend ako ng anak niya" Sabi ni Jessie habang pinupunasan ang dugo sa bibig niya.
"Hindi niyo pwedeng ilayo si Killmer" Sabi ni ate Hill
"May karapatan ako dahil ako ang ama niya!!" Sigaw ni Papa.
"May karapatan din akong tutulan ang gusto mong mangyari dahil kaluluwa ng kapatid ko ang nakasapi dyan sa katawan ng anak niyo. Nagkaroon ng buhay ang anak niya dahil sa kaluluwa ng kapatid ko" Nagtagis ang bagang ni ate Hill.
"Makakasama mo ba ngayon ang kapatid mo kung hindi siya sumapi sa katawan ng anak ko!!"
"Tama na please. Ate Hill. Papa. Tama na" Pagpigil ko, pinagigitnaan ko na sila.
"Kahit kaila hindi ko binalak na buhayin muli ang kapatid ko!! Hindi dahil sa hindi ko siya gustong makasama. Dahil alam kong masaya na siya dahil hindi na siya makakaramdam ng hirap!" Masamag tumingin si ate Hill kay Papa "Tapos malalaman ko nalang na ang kaluluwa ng kapatid ko ay nasa katawan ng anak niy. Thank you ha?! Kasi kahit hindi namin sinabing buhayin niyo ang ang kapatid ko, binuhay niyo parin (sarcastic here)" Sigaw ni ate Hill
Seryosong tumingin saakin si Papa "Mamili ka Ryza. Matatapos lag ang lahat ng 'to kapag nakapamili ka na. Kami ng Mama mo o 'yang mga yan!" Tinuro ni Papa si ate Hill at Jessie
"Tumigil ka na Ryan!! Please lang!!" Umiiyak na sabi ni Mama
"Mamili ka Ryza. Ano ang desisyon mo?" Napatungo ako. Hindi ko ala kung sino ang pipiliin ko "Kapag kami ng Mama mo ang pinili mo, aalis tayo dito at ililipat ka namin ng school. Pero kapag sila ang pinili mo, aalis kami ng Mama mo dito at hahayaan ka, pero kakalimutan namin na nagkaroon kami ng anak na nagngangalang Ryza"
Anong gagawin ko? Ayokong mamili. Hindi ko inaakala na dadating ang araw na mamimili ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko
"Pa...." Yun lang ang lumabas sa bibig ko. Natatakot ako. Natatakot ako na baka pagsisihan ko lang ang desisyon ko.
"Mamili ka Ryza" Seryosong sabi ni Papa.
Hindi parin ako sumagot. Sa halip ay nakatungo akong bumakbang patalikod.
Nakita kong pumikit si Papa af may tumulong luha sa pisngi niya "Kung 'yan ang iyong desisyon. Paalam na.... Anak" Tumalikod saamin si Papa at Mama, naglakad na sila papalayo. Pero bago pa man sila makalayo lumingon muna si Papa. Kitang-kita ko ang disappointment sa mata ni Papa pero may sinasabi ang mata niya. I don't know what is it. Napapikit nalang ako nung may bumulong saaki.
'I love you, take care' Boses yun ni Papa.
Nang dumilat ako wala na si Mama at Papa. Napaluhod nalang ako tyaka umiyak ng umiyak habang ang mga palad ko ay nasa aking mukha.
After 2 days
Dalawang araw na ang nakaaraan. Lagi lang akong nakakulong sa kwarto ko. Hindi na ako kumakain, iyak nalang ako ng iyak. Namimiss ko na si Mama at Papa, gusto ko silang makita pero alam kong hindi na pwede dahil si ate Hill at Jessie ang pinili ko. Sa totoo lang ayoko talagang pumili pero wala na akong magawa.
"Kinain ko lang yung sinabi kong si Mama at Papa lang ang pipiliin ko kahit anong mangyari. Haha! Ang sama kong anak" Nababaliw na ata ako. Bakit ko ba kinakausap ang sarili ko? I think I'm crazy.
"If you're thinking that you are insane, well I'm telling you that you're not" Napatingin ako sa bintana ng kwarto ko at laking gulat ng makita ko si Queen Shasha. She smile at me "Hi Ryza. Should I call you 'bunso' because my daughter's spirit is in your body?" She's talking about Killmerianna.
"S-Sige po"
Lumapit siya saakin at hinawakan ang pisngi ko "You're depress"
"Depress?"
"Sinabi na saakin ng ate Hill mo ang nangyari. Pinapili ka daw ng Papa mo" Napatungo ako sa pilit na pinipigilan ang luha ko. Kapag naalala ko yun naiinis ako sa sarili ko "Bakit hindi ang mga magulang mo ang pinili mo?" Tanong ni Queen
"Hindi ko rin po alam" Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko. Aish! Umiiyak na naman ako! "Malakas po ang pakiramdam ko. At nung mga oras na yun, mas gusto kong sumama kila ate Hill. So I did. I pick them. Pero mukhang mali ang naging desisyon ko" Pinunasan ko ang mukha ko. Puno na kasi ng luha "D-Dapat sumama nalang ao sakanila edi sana hindi ako nagkakaganito"
"Satingin mo ba magiging masaya ka kapag sumama ka sakanila? Malalayo ka sa boyfriend mo, sa mga kaibigan mo at saaming pamilya ko"
"Queen...."
"Don't call me Queen, call me Mom" Sabi ni Queen----este Mom "Wala tama sa pagpipilian. Masasakta at masasaktan ka talaga dahil lalayo ka sa isa sa mga taong mahal mo"
"Tama ka po. Sinunod ko lang ang sinasabi ng puso ko"
"Magiging okay ka rin ana, nandito lang kami para sayo. Hinding-hindi ko ipaparadam sayo na nag iisa ka" Niyakap ako ni Mom, niyakap ko rin siya pabalik.
Magiging okay lang ba talaga ako sa desisyon ko? Sana..
Itutuloy...
**********************************************************************
A/N:
So sorry. Lima sana aaupdate ko ngayon kaso biglang nawala yung mga tinaype ko. Really sorry.