Ryza's POV.
K A T A H I M I K A N
Ayan ang bumalot saaming lahat. Hindi ko alam kung bakit nandito si Mama at Papa. Hindi parin nagsisink in sa utak ko na nandito sila. Actually ngayon palang silang bumisita dito simula ng mag aral ako dito sa Half Blood Academy.
Nabibing na ako sa sobrang katahimikan kaya ako na mismo ang bumasag sa katahimikan. Nag-aalala rin ako dahil hindi ko gusto ang expression ng mukha nila.
"M-Mama.... P-Papa" Lumapait ako sakanila at humalik sa kanilang pisngi "A-Ano pong ginagawa niyo dito?" Magalang kong tanong.
"Anak.... Tandaan mong mahal na mahal ka namin ng Mama mo ha? Mahal na mahal ka namin" Nakita ko ang pamumuo ng luha sa mata ni Papa. Pakiramdam ko maiiyak ako dahil sa nakita ko. Never ko pang nakita si Papa ng ganon. Full of pain in his eyes.
"P-Po? A-Ano pong ibig niyong sabihin?" Ngunit hindi sinagot ni Papa ang katanungan ko, ngiti lang ang tangi niyang sinagot saakin. Yung ngiting malungkot.
"Mrs. Nightblood" Tumingin si Papa sa Mama ni ate Hill "Gusto ko lang sabihin sainyo na ang anak naming si Ryza ay hindi talaga namin anak. Siya po ay iyong anak, Queen" Napatungo si Papa.
Gulat akong nakatingin kay Papa. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya "P-Pa, a-ano bang sinasabi mo? Wag ka ngang magsalita ng ganyan"
"Ano ang ibig mong sabihin Mr. Brazil?" Seryosong tanong ni Queen Shasha.
"Anak mo po si Ryza" Si Mama naman ang nagsalita.
"Pa! Ma! Bawiin niyo nga ang mga sinabi niyo! Anak niyo po ako, bawiin niyo po ang sinsabi niyo, please" Hindi ko na napigilan an luhang kanina ko pa pinipigilan, napatungo nalang ako "Please Pa..... Ma" Bakit ba nila sinasabi 'to? Anak nila ako pero bakit nila sinasabing ako ang anak ni Mrs. Nightblood
"Mawalang galang na po. Ano ba ang sinasabi niyo? Paano naging anak ni Mom ang anak niyo?" May halong inis ang boses ni ate Hill.
"P-Patay na si R-Ryza" Nauutal na sabi ni Mama.
"Ire-remind ko lang na buhay ang anak niyo. Ayan oh, nakatayo sa harap niyo" Sabi pa ni ate Hill.
"Kill! Respetuhin mo sila!" Suway sakanya ni Prince Zack
"Nakakainis eh!" Sagot ni ate Hill
"Maaari mo bang ikwento kung bakit mo sinasabing anak ni Shasha si Ryza?" Mahinahong sabi ni Headmaster. Pero ramdam ko na naiinis na rin siya sa mga magulang ko.
Wala na akong masabi, nakayakap lang ako sa bewang ni Jessie habang umiiyak. Pakiramdam ko pinagtatabuyan ako ni Mama at Papa. Pakiramdam ko hindi nila ako mahal.
"Shh... Magiging maayos din ang lahat" Pagpapatahan saakin ni Jessie pero hindi 'yon umepekto.
Gusto kong marinig ang paliwanag ni Papa. Siguradong hindi makakapagpaliwanag si Mama dahil kanina pa siya iyak ng iyak.
"12 years ago. Sa ikalawang linggo ng Oktubre, namatay ang anak naming si Ryza dahil sa digmaan sa pagitan namin ng mga gumagamit ng apoy" Bigla akong napatingin kay Jessie at nag iwas siya ng tingin. May alam ba siya? "Sa pagitan ng pamilya namin at ng pamilyang Woon" Masamang tumingin si Papa kay Jessie "Si Nam Jhoo Woon na tatay mo Jessie Woon. Siya ang pumatay sa anak kong si Ryza" Bigla akong napalayo kay Jessie ng sabihin 'yon ni Papa "Gumawa kami ng paraan para bumalik muli ang buhay ni Ryza na anak ko. Pinuntahan namin ang mga Trolls at nakiusap na ibalik ang buhay ng anak ko. Nagawa naman nila ng paraan, ibinalik nila ang kaluluwa ng anak ko" Napabuntong-hininga si Papa. Sobrang lalim ng buntong hininga na yun "Nabuhay nga si Ryza pero ang laki naman ng pinagbago niya. Hindi na siya ang anak kong si Ryza. Laging nakasimangot, hindi palakaibigan, at tahimik lang ang anak kong si Ryza. Pero simula ng ibalik ng mga Trolls ang kaluluwa niya, hindi na siya ang dating Ryza, nag iba na ang ugali niya. Kabaliktaran ng totoo kong anak" Unti-unti ko ng naintindihan ang lahat. Lahat-lahat "Kaya naman nag imbistiga kami ng asawa ko at bumalik sa mga Trolls. Natukoy nila na hindi nga kaluluwa ni Ryza ang nasa katawan niya kundi ang kaluluwa ng anak niyong si Killmer" Paliwanag ni Papa.
"Bakit...." Napatingin kaming lahat kay ate Hill "BAKIT NGAYON NIYO LANG SINABI?!! BAKIT NGAYON LANG?!!!" Sigaw ni ate Hill habang pumapatak sa mata niya ang mga butil ng luha. Napatakip ako sa bibig ko at pilit na pinigilan ang paghikbi ko pero hindi ko nagawa! Hindi ko magawang patahanin ang sarili ko.
"D-Dahil na t-takot kami na kunin niyo saamin ang anak naming si R-Ryza" Nauutal na sabi ni Mama. Mukhang natakot siya sa pagsigaw ni ate Hill, maging ako ay nagulat nung biglang sumigaw si ate Hill.
"Natakot? Hah!" Mapang-uyam na tumawa si ate Hill "Hindi ba kayo natakot nung nalaman niyong hindi kaluluwa ng anak niyo ang nasa katawan niya?! HINDI BA KAYO NATAKOT NUNG MALAMAN NINYONG NIGHTBLOOD ANG KALUKUWANG SUMAPI SA KATAWAN NG ANAK NIYO?!!!!" Pati si Mrs. Nightblood umiiyak na. Bigla akong napahawak sa dibdib ko. Hindi ako makahinga ng maayos.
"A-Ayos ka lang ba baby'mahal?" Nag-aalalang tanong ni Jessie, hahawakan niya sana ang kamay ko pero iniwas ko ang kamay ko.
"Wag..... Na wag mo akong hahawakan" Masama ko siyang tiningnan. Natahimik naman siya.
"Pasensya na Ms. Killy, natakot lag talaga kaming mawala saamin ang anak namin kaya hindi namin nasabi kaagad. Nakokonsensya na kami ng asawa ko kaya sinasabi na namin" Paghingi ng tawad ni Papa.... I mean si Mr. Ryan Brazil.
"So kung hindi pa kayo kinonsensya hindi niyo pa sasabihin saamin ang totoo, ganon ba?" Seryoso ang boses ni Prince Zack pero nagsusumigaw naman ang galit sa mga mata niya.
Hindi nakasagot si Mr. Ryan Brazil. Mas lalong nanikip ang dibdib ko. Namalayan ko nalang ang sarili ko na nakahiga sa sahig. Nihihilo ako, blurry na ang paningin ko hanggang sa wala na akong makita. Nilamon na ako ng kadiliman. Pero ramdam ko parin ang sakit sa dibdib ko. Hindi kayang i-absorb ng katawan ko ang katutuhanan.
Naramdaman ko nalang na para akong lumulubog sa ilalim ng dagat. Wala akong makita, wala rin ako sa marinig maliban sa abnormal na pagtibok ng puso ko. Hinayaan ko lang...... Hinayaan ko lang na mahulog ako kahit hindi ko alam kung nasaan ako. Lalo akong hindi makahinga, siguro kailangan ko ng mamatay tutal patay naman na ako dati pa.
"Killmer.... Killmer"
"S-Sino yan?" Hindi bumubuka ang bibig ko pero naririnig ko ang boses ko.
"Ang ama mo"
"A-Ama ko? Hindi kita maintindihan"
"Ako ang ama mong si El Diablo"
"K-Kung ganon ako talaga si Killmerianna? Isa talaga akong Nightblood?"
"Anak, mag iingat ka. Maaari kang mawala muli. Kaya mag iingat ka"
Bigla akong napadilat at napaupo, hinihingal ako. Para akong nagpigil ng hininga sa loob ng tatlong oras.
Napatingin ako sa paligid. Puro puti ang nakikita ko kaya nasisiguro ko na nasa HBA Hospital ako.
Nakausap ko si King El Diablo. At napatunayan niyang ako nga si Killmer.
I sigh, kasabay non ang pagbukas ng pinto at pumasok si Mr and Mrs. Brazil. Wala na akong karapatang tawagin silang Mama at Papa dahil hindi ko naman sila magulang.
"Ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong ko
Lumapit saakin si Mr. Brazil at hinawakan ang kamay ko "Ryza, anak..."
"Hindi po ako ang anak niyo" Sabi ko at kinuha ang kamay kong hawak niya.
"Ikaw parin si Ryza na anak namin. Hindi magbabago yun" Sabi ni Mr. Brazil "Pwede mo parin kami tawaging Mama at Papa"
"Talaga po?" Hindi makapaniwalang tanong ko at tumango naman sila bilang sagot.
"Hindi man ikaw ang kaluluwa ni Ryza, katatawan parin naman ng anak namin na si Ryza ang gamit mo. Kaya may karapatan ka paring maging magulang kami at may karapatan parin kaming maging magulang sayo" Sabi ni Mama.
"Na-Natakot po ako. Akala ko ibibigay niyo na ako sa mga Nightblood. Akala ko ayaw niyo na saakin" Napatungo ako "Akala ko hindi niyo ako mahal"
"Ryza, that's not true. We love you. Binigay namin lahat sayo, at nasisiguro kong hindi pa kami nagkukulang" Tumango nalang ako "Ryza. Alam naming naguguluhan ka ngayon. Alam din naming hindi pa nagsisink in sa utak mo ang mga katutuhanang sinabi namin ng Papa mo. Ginawa naming itago sayo ang lahat dahil natatakot kami na baka kapag nalaman mo ang totoo ay iwan mo kami" Nagsimula ng umiyak si Mama. Mahal na mahal talaga nila ako.
"Mama, hindi ko po gagawin yun. Never ko kayong iiwan ni Papa. Kayo ang nagpalaki saakin, minaha niyo ako, binihisan, at pinakain. Sapat na po yun para masabi kong mahal niyo talaga ako. Kaya wala akong karapatang iwan kayo" Sabi ko. Bumukas muli ang pinto at pumasok si ate Hill at si Prince Zack.
"Oh? 'Di parin kayo tapos? Pwedeng kami naman ang kakausap sa kapatid namin? Mamaya kung ano pang kasinungalingan ang sabihin niyo sa kapatid ko" Walang galang na sabi ni ate Hill. Naka arko rin ang kilay niya sa mga magulang ko. Nainis naman ako. Kahit ang Princess wala siyang karapatang bastusin ang mga magulang ko.
"Aalis na muna kami anak" Sabi ni Papa.
"Sige po, mag ingat po kayo. Mama, Papa" Ngumiti lang sila at walang emosyong humarap kay ate Hill at Prince Zack.
"Aalis na po kami" Sabi ni Papa at nag-bow sila sa harap ni ate Hill at Prince Zack.
"Sige na! Naaalibadbaran ako sainyo" Sabi ni ate Hill. Pilit lang na ngumiti ang mga magulang ko at lumabas na ng kwarto "Kamusta ka na Killmer?" Tanong ni ate Hill.
Walang emosyon akong tumingin sakanya "Mawalang galang lang po ate Hill, alam kong mas mataas po ang estado niyong mga Nightblood kesa sa mga magulang ko at alam ko rin pong hindi maganda ang ginawa ng mga magulang ko pero hindi naman po tamang pagsalitaan mo sila ng ganon"
"Tama si Killmer, Kill. Magulang parin sila ni Killmer" Pagsang-ayon ni Prince Zack "By the way I'm Zack Nightblood, but from now on you will call me Kuya or Kuya Zack. Okay?" Tumango naman ako "Hindi parin ako makapaniwala na ikaw si Killmer, kaya pala sa tuwing nakikita kita parang nakikita ko siya sayo. Yun pala ikaw talaga siya" Sabi pa niya.
"But not literally, katawan parin ni Ryza ang gamit ko kaya ako parin si Ryza"
"Gusto mo bang ilipat ka namin sa tunay mong katawan?" Tanong ni ate Hill. Bahagya naman siyang siniko ni Kuya Zack "What? Malay mo pumayag siya diba?"
"Okay na ako sa katawan na 'to. Tyaka malulungkot si Mama at Papa kapag bumalik ako sa tunay kong katawan. Ayoko sila makitang malungkot"
"Kahit nagsinungaling sayo si Mr and Mrs. Brazil, hindi mo parin magawang magalit sakanila" Seryoso ang boses ni ate Hill "Bakit?" Tanong niya.
Sinalubong ko ang walang emosyon niyang mga mata "Kahit ilang beses pa silang magsinungaling saakin hinding-hindi ako magagalit sakanila dahil napatunayan ko na ginagawa lang nila yun para hindi ako mawala sakanila dahil mahal nila ako, tyaka sasabihin din naman nila saakin ang totoo, tulad ngayon. Nagtatago man ng sekreto ang mga magulang ko pero hindi naman panghabang buhay"
Gulat silang nakatingin saakin, hindi ko alam kung anong nakakagulat sa sinabi ko pero wala na akong pakielam don.
Kung papipiliin ni ako, si Mama at Papa parin ang pipiliin ko.
Itutuloy...