Sold By Mr.Maniac

By jbdlsrys_

360K 5.5K 94

Top4- Spg(before) My Life is Boring... Until I Met you... But you're so Fucki 'n Pervert! More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Last Chapter
Author

Chapter Thirteen

9.7K 157 0
By jbdlsrys_


Selos

Nagising ako ng maaga. Nakita ko si Lac na nakatagilid habang natutulog. 7:30Am palang ng umaga.

Bumangon ako para magHilamos. Pumunta ako sa kusina para tignan kung ano ang pwede kong mailuto. Bacon na lang kaya. Or eggsandwich? Fried rice? Friedchicken? Hmm...

Nagluto ako ng bacon atsaka ng itlog. Ininit ko din yung sobrang friedchicken kagabi. Gumawa ko din ako ng garlic fried rice.

Isa-isa kong inayos at hinapag sa lamesa yung linuto ko. Nakita ko din si Lac na bagong gising lang. Dumeretyo siya sa banyo. Siguro magHihilamos din.

Binalot kami ng katahimikan habang kumakain. Bahagya akong tumigin sakanya ng mahuli ko itong nakatingin saakin.

"Uuwi ka na mamaya?" Unang tanong ko habang kumakain kami.

"Oo." Maikling sagot nito.

"Anong favourite mong kinakain? I mean yung ulam?" Paghahanda ko sana siya bilang utang na loob.

"Sisig na baboy."

Katapos namin kumain ay naglinis nako ng pinggan. Lumabas naman si Lac. Pagkatapos ko sa ginagawa ay lumabas din ako para hanapin si Lac.

Nakita ko si Lac kasama si Aleut inaalis yung isang gulong sa likuran ng sasakyan.

"Uuwi nako." Pagpapaalam saakin ni Lac.

"Huh? Hindi pa gawa yung sasakyan mo." NakaKunot noo akong tumingin sakanya.

"I know, Bawal bako mamasahe? Si Aleut na magUuwi ng sasakyan." Ani ni Lac atsaka nagAbang ng masasakyan sa kalsada.

"Bye." Kinawayan ako ni Lac bago sumakay ng tricycle.

Kumaway din ako pabalik bago pa siya makaalis. Bumaling ang tingin ko kay Aleut na nakaTuon ang atensyon sa ginagawa niyang gulong.

"Kumain ka na?" Tanong ko kay Aleut. Napatingin naman siya saakin atsaka siya tumango.

Natapos na siya sa ginagawa kaya nagHugas siya ng kamay sa bakuran. May gripo kasi don para sa mga halaman pag nagdidilig ako.

"Wait! Marunong ka magLuto ng sisig?" Tanong ko kay Aleut. NakakaInip naman kausap yung lalaking to.

"Oo bakit?" Kumunot ang noo nito sa tanong ko. Kita mo din sa itsura nito na nagtataka siya.

"Pwedeng turuan moko?" Ngumiti ako ng pilit para pumayag siya sa gusto ko.

"But—"

"Please?" Nagpuppy eyes ako para pumayag ito.

"Sige na nga, May baboy ka ba diyan? Kompleto ba sangkap mo?" Tinaasan ako nito ng kilay.

Waw! Nagsasalita siya. Pero masyado siyang seryoso katulad ng asawa ko este ng boyfriend ko.

"Wala hehe" Sagot ko.

"Punta tayo ng palengke." Pumasok siya ng kotse ni Lac.

Pupunta siya ng Palengke kahit madungis siya? Nagmadali akong pumasok sa kwarto para kumuha ng pera. Kumuha din ako ng damit panlalake para ipasuot sakanya.

Pumasok agad ako sa tabi ng driver seat. Inabot ko din yung damit na kinuha ko para magbihis siya. Pero hindi siya nagBihis at linagay lang niya iyon sa hita niya.

Tahimik kami habang bumabiyahe. "Hmm, ano ka ni Lac?" Tanong ko sa lalaki. NapaTingin naman ito sakin. Kasi parang super close nila sa isa't-isa.

"Kaibigan." Agad na sagot nito.

"Talaga? E ba't parang umiiwas ka sakin?" Noong una akala ko tauhan siya na Lac pero magkaibigan pala sila. Napansin ko kasi na todo iwas ito saakin kaya natanong ko sakanya.

"Dumidistansya lang ako sayo." Mariin na sagot nito.

"Huh? Bakit?" Naguguluhang tanong ko.

"Umiiwas lang ako sa gulo." Mabilis siyang sumagot sa mga tanong ko.

"Bakit nga?" Hindi ko siya maintindihan.

"Walang kaibigan na kinikilala si Lac pag may lumalapit sa girlfriend niya, in short umiiwas lang ako baka kasi pati kami magAway dahil sayo." Ani ni Aleut

Ahh, talaga ba? So alam din nya na girlfriend ako ni Lac? "Bakit naman kayo magAaway e hindi mo naman ako gusto." Sagot ko kay Aleut.

"Ts! Hihintayin ko pa ba na magkaGusto ako sayo bago ako umiwas?" Madiin ang pananalita nito saakin.

Natameme naman ako sa sinabi niya. "Kilala mo Race?" Tanong ko para maiba ang topic namin. Ang init kasi ng ulo niya kay Race pag nagkikita sila.

"Ofcourse, Race, Me and Lac. Kaming tatlo ang magkababata  sa lugar nato." ani ni Aleut.

Halos malaglag yung panga ko sa sinabi ni Aleut. Magkababata silang tatlo?! Oh fuck! Kaya pala nung nagtinginan si Race at Lac sa falls parang magkakilala sila. Pati nung nakita kami ni Lac sa sala na ginagamot ni Race yung sugat ko. Kaya pala parang walang pakielam si Race pag nagagalit si Lac. Kasi magkaBabata sila... Oh bravo Alex!

"Bumaba ka muna magbibihis ako." Utos sakin ni Aleut.

Nasa palengke na pala kami. PagkaBaba ko ay tumambad agad saakin ang sari-saring amoy. May mabaho, May malansa at iba pa. Ibang iba ang amoy ng hangin dito kumpara sa gawi ng tinitirhan ko. Madaming puno sa gawi ng bahay ni Lac pero dito iba. Halos bahay lahat ang nakaTayo dito. Pati yung simoy ng hangin ay mapolusyon. Namiss ko din yung amoy na ganito hehe last akong namalengke nasa Manila pako.

"Ayos ka lang?" Tanong sa'akin ni Aleut.

Tumango naman ako. NakikipagSiksikan kami sa loob ng palengke para makapasok.

"Ate pabili nga po ng baboy!" Hiyaw ni Aleut sa nagtitinda. Maingay dito at kailangan mong humiyaw para marinig ka ng tinder. Halos humihiyaw din ang lahat ng tao dito kaya wala kang maintindihan sa sobrang ingay.

Bumili nako ng sibuyas, sili at iba pa para sa sangkap ng sisig. Pagkatapos kong bumili ay linapitan ko agad si Aleut.

"Tara na." Sabay kinalabit ko si Aleut na nakaTalikod saakin.

Humarap ito pero ibang lalaki ang nakita ko.

"Sorry." Nasaan na si Aleut

Biglang may humawak sa braso ko kaya nagulat ako.

"Akala ko nawala ka na."

"Aleut ikaw pala! Kinabahan ako akala ko iniwan mo nako." Kinabahan talaga ako. Agad kami lumabas ng palengke para umuwi.

Pagpasok namin ng lotse ay pawis na pawis kaming dalawa. Grabe ang init sa loob.

"Huwag kang hihiwalay saakin pag nandito tayo." Pangangaral saakin ni Aleut.

"Bumili lang ako ng ibang sangkap." Pagpapaliwanag ko.

"Kahit na, Dapat hinintay moko, paano pag mawala ka? Lagot ako kay Lac, Kargo kita kasi dinala kita dito." Para akong bata na pinapagalitan ng Tatay ko.

"Sorry." Yan na lang ang lumabas sa bibig ko. Alam kong delikado ang ginawa ko pero hindi nako bata.

Agad kami bumiyahe pabalik ng bahay. PagUwi namin ay lininis ni Aleut ang baboy na binili niya. Utos nito na hiwain ko yung sibuyas dapat pino daw iyon. Inuna kong hiniwa yung kalamnsi atsaka piniga sa isang bowl.

Sumisingot pako dahil tumutulo ang sipon ko. Kanina pako umiiyak habang naghihiwa ng sibuyas. Halos nakapikit nako at kinakapa ko lang yung hinihiwa ko. Agad ako tumakbo sa lababo para maghugas ng mukha. Namamaga na yung mata ko dahil sa lintik na Sibuyas na yan.

...

Natapos na kame! Madali lang pala, akala ko mahirap.

"Tara na." Ngumiti ako kay Aleut.

"Sasama ka sa bahay nila Lac?" Nagtaas ito ng kilay sakin.

"Oo! Sinong kakain nito?!" Sumakay ako sa tabi niya habang hawak ko yung malaking pyrex na may sisig.

Excited nako ipatikim kay Lac ang luto ko. "Salamat." Wika ko bago pa kami makaPasok ng Mansyon ni Lac.

"Welcome, basta ikaw." Ngumiti siya pabalik saakin.

Pagpasok namin ay tumambad saakin ang nakaHubad na si Lac. Naglilinis ito ng kotse. Dalawa ang Mercedes Benz na sasakyan niya. Mas lalong tumamis ang ngiti ko sa excited. Pero agad iyon napalitan ng pait ang ngiti ko ng makita ko si Ann na naka spaghetti strap. Hawak niya yung host at si Lac ay sinasabon ang kotse nito habang si Ann naman ag nagAalis ng sabon. Silang dalawa pala naglilinis.

"Wrong timing ata tayo." Lumingon si Aleut saakin.

Lumingon din ako sakanya. "Tulungan moko ah gaganti lang ako." Seryoso na ang mukha ko ngayon.

"Hahaha sounds interesting, okay." Ngumiti ngatamis si Aleut na parang naexcite sa sinabi ko.

Bumaba si Aleut dahilan para mapaTingin sa gawi namin si Lac pero hindi niya alam na kasama ako ni Aleut. Biglang binasa ni Ann si Lac habang nakaTingin sa sasakyan namin. Gumanti naman si Lac sa ginawa ni Ann. Binasa niya gamit ang sabon na hawak nito atsaka niya hinabol. Nung mahuli ni Lac si Ann ay yinakap niya ito. Nagtatawanan silang dalawa. Hindi ko naririnig ang kasiyahan nila dahil hindi pako bumababa ng sasakyan. Mas lalong pumapait ang mukha ko sa nakikita ko.

Si Lac naman ngayon ang may hawak ng host atsaka niya binabasa si Ann ng tubig. Nagpark si Aleut malapit sakanila. Bumaba ulit si Aleut ng sasakyan.

Narinig ko yung boses ni Lac habang tumatawa naman si Ann. "Bat ngayon ka lang?" Tanong ni Lac kay Aleut.

Hindi pako Bumababa ng sasakyan. "May ginawa pako." Sagot ni Aleut kay Lac.

"Thanks Bro." Pasasalamat ni Lac.

Huminga ako ngalalim bago binuksan ang pintuan ng sasakyan para bumaba. PagkaBaba ko ay humarap ako kay Lac. Gulat ang ekspresyon ng mukha nito ng makita akong bumaba sa sasakyan.

"Hi." Mapait na ngiti ang pinakita ko kay Lac habang hawak ko yung pyrex na may lamang Sisig. Huminto sa pagtawa si Ann ng makita ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Seryoso na tanong ni Lac saakin.

"Nanonood ng love birds, hindi pa kasi ako nakaKita non! yung habang naliligo sila nagHaharutan." Madiin ang bawat letra na binibitawan ko. Atsaka ako ngumiti ulit ng mapait.

Lumapit ako sa lalaking nasa tabi ng gate nila Lac. "Kuya oh, Dinalhan ko po kayo ng pagkain. Alam ko pong nagugutom na kayo." Wika ko sa guard ng Mansion nito.

"Ayy, Salamat po." Tinaggap iyon ng lalaki atsaka magpasalamat saakin.

Bumalik ako kari Lac na pinapanood lang ako habang nakaTayo sila.

"Ano? Sige maglinis na kayo." Atsaka ko sila tinaasan ng kilay.

"Aleut? Di ba lilinisin natin yan." Tinuro ko ang dala naming sasakyan. Nagulat naman si Aleut sa sinabi ko.

Tumingin ng masama si Lac kay Aleut pero hindi iyon pinansin ni Aleut.

"Ahh—Oo." Pumunta agad si Aleut sa likod.

"Anong ginagawa mo dito?" Lumalapit saakin si Lac.

"Ops! Wag kang lalapit saakin! Basa ka baka mabasa ako." Lumayo ako ng kaonti kay Lac.

Pagbalik ni Aleut ay may dala siyang host at panglinis ng sasakyan. Agad ako lumapit kay Aleut atsaka ko kinuha yung host. "Thankyou." bulong ko kay Aleut ng makalapit ako sakanya.

"Hahaha sige lang, Nageenjoy ako." Bulong saakin ni Aleut.

"Sige Manong pakibukas na po yung gripo." Lumabas agad ang tubig sa hawak kong host.

"Tara, Tuloy na natin to." Tawag ni Ann kay Lac. Sumunod naman si Lac. Pinagpatuloy nila yung paglilinis sa sasakyan niya.

Lumapit ako kay Aleut na nagsasabon ng sasakyan. "Paano linisin to?" Bulong ko. Wala kasi akong alam sa paglilinis ng sasakyan.

Tumawa naman ng malakas si Aleut dahilan para mapatingin saamin si Lac pero hindi ko siya pinansin.

"Sige basain mo lang ako ng bahala." Utos ni Aleut saakin.

Pay back.

****

-Dapat bako may IkaSelos kahit walang tayo? 

-Alex

Continue Reading

You'll Also Like

28.9K 936 40
[SPG] The Monfero Family are so popular because of their richness. Sauvey Monfero. Sauvey was the third child of Monfero which is the CEO and the own...
4K 320 78
*Tatangapin mo ba ang lahat na kasinungalian na sinasabi nila o pababayaan nalang sila at magpatuloy sa buhay mo. Hahayaan mo ba silang saktan ka pal...
67.7K 773 21
Nasubukan mo na bang magmahal ng hindi mo kadugo ngunit naging Kapatid mo? (Unedited)
68.8K 1.4K 59
Sa isang pamilya kailangan ng anak pero paano kung ang inakala mung pagbubuntis ng iyung asawa ay peke mapapatawad mu ba? Sya at mamahalin mu ba ang...