Love Was Made for Us [PHR]

By jnkbernardo

87.4K 1.2K 504

SEQUEL TO Marco and Jannah's story entitled UNTIL YOU FOUND ME. Southern Fever Band Book 3. ----------- "It'... More

Teaser
The Inspiration
1. Forever Friends
3. My Happy Heart
Four: Melting into You
Five: Drunk Realizations
6. Wish Upon a Cloud
7. Foolish Heart
8. Running Away from My Heart
9. Fall All Over Again
10. Forever Love

2. You're Still the One

6.2K 106 57
By jnkbernardo

"RISH?"

Agad siyang nag-angat nang tingin nang marinig ang boses ni Ruben. Dahil sa pagbabalik-tanaw niya sa nakaraan ay nakalimutan niyang nasa coffeeshop pa rin sila.

"Hmn?"

"You okay?" tanong nito. May bahid ng pag-aalala sa mukha nito.

"Y-yeah—"

"You're crying, Rish. What's wrong?"

Napakurap-kurap siya at dinama ang pisngi. Mamasa-masa nga iyon. Hindi niya namalayang umiiyak pala siya habang naalala ang unang beses na nalaman niyang mahal na niya ito. Iyon din ang araw na nabigo siya sa pag-ibig dahil iba ang babaeng mahal nito. Pinahid nito ang kanyang luha gamit ang hinlalaki nito.

Paano ba niya sasagutin ang tanong nito? Akala niya ay matagal na niyang ibinaon sa limot ang damdamin niyang iyon para dito. Noong ipinagsigawan nito na sinagot na ito ni Hannah noon ay nagdesisyon siyang kalimutan na ang feelings niya rito at tanggapin na lang na hanggang magkaibigan na lang sila. Bakit ngayon kung kailan tumanda na sila at ilang taon na ang lumipas ay hindi pa rin nagbabago ang tibok ng kanyang puso?

After all these years and after all this time, ito pa rin ang lalaking sinisigaw ng kanyang puso. Ang lalaking una niyang minahal. And she never loved anyone since then.

Nang hindi siya nagsalita ay marahan siya nitong hinila pabalik sa mga bisig nito at niyakap ng mahigpit. 

 "Wedding anniversary na bukas ng parents mo. Kaya ka ba umiiyak dahil nami-miss mo sila?" tanong nito habang hinahagod ang kanyang buhok.

Wala sa sariling tumango na lang siya at lihim na pinagalitan ang sarili. Heto siya, nag-e-emote sa mga bisig ni Ruben at nawala sa isip niya na wedding anniversary na bukas ng mga magulang niya.

"Ililibre ko ang schedule ko bukas. Dalawin natin sila sa sementeryo, okay?" anito. Muli ay isang tango lang ang kanyang isinagot. Lalong humigpit ang yakap nito sa kanya.

Matagal na kasing patay ang kanyang mga magulang. Ilang buwan matapos ang graduation nila sa kolehiyo ay inatake sa puso ang kanyang ama. Sumunod ang kanyang ina pagkalipas ng dalawang buwan dahil hindi nito makayanan ang lungkot.

"Huwag ka sanang magbabago, Ruben," aniya nang matagpuan na niya ang tinig. 

Kahit kaibigan lang ang turing nito sa kanya, kahit hindi siya kasing-ganda ng mga girlfriends nito ay masaya na rin siya dahil palagi itong nasa tabi niya.

"Shh...Kahit kailan naman, hindi ako nagbago eh. Ikaw nga ang biglang naglayas papuntang Dubai. Kung hindi pa kita tinawagan noon, hindi ko malalamang nandoon ka na pala," sagot nito. May himig pang pagtatampo sa boses nito.

Lihim siyang napangiti. Alam niya kung bakit niya nagawa iyon. Dahil nakita niyang may dinala itong babae sa bahay ng mga ito. Nasa abroad na kasi ang mga magulang nito kaya solo na nito ang bahay. Sa kanya naman naiwan ang bahay ng mga magulang niya nang pumanaw ang mga ito.

Hindi nakayanan ng puso niyang makita ito kasama ang babaeng iniuwi nito noon. Nagkataon namang dumating ang isang offer sa kanya na maging singer sa isang sikat na hotel sa Dubai. Kahit hindi siya sigurado sa buhay doon ay tinanggap agad niya ang trabaho.

"Don't do that again, Rish. Next time you leave, magpaalam ka naman," dugtong pa nito sabay halik sa kanyang buhok.

"Okay," sagot niya at bumuntunghininga. "Bakit nga pala hindi ka pa nag-asawa? Hindi mo ba sineryoso 'yung babaeng inuwi mo noon?" hindi mapigilang tanong niya.

"Wala 'yun. Inireto lang iyon ni Jigs. Bakit? Gusto mo na pala akong mag-asawa?" ganti ring tanong nito.

"Nagtatanong lang naman," aniya. Bumuntunghininga ito bago sumagot.

"I haven't found the perfect girl yet," sagot nito. "Pwedeng ikaw na lang?"

Napatuwid siya ng tayo at sinalubong ang titig nito kasabay ng pag-uunahan ng tibok ng kanyang puso. Pakiramdam niya ay aatakehin na siya sa sobrang pagkabigla. Sumasayaw sa tuwa ang mga mata nito at bahagya pang yumuyugyog ang balikat sa pagpigil na matawa. Hinampas niya ito sa dibdib at muling binalikan ang magazine na binubuklat niya kanina. Naririnig niya ang mahinang tawa nito.

Muntik na niyang sagutin ito kanina at sabihing, "Ikaw lang naman ang hinihintay ko." Mabuti at napigilan niya ang kanyang sarili. Pilit niyang pinakalma ang kanyang sistema. Kahit sinong babae ay sadyang matutuwa kapag tinatanong iyon ng lalaking lihim na minamahal. Kahit sinong babae ay lulundag ang puso at mabubuhayan ng pag-asa.

But she knew the real score. Dahil alam niyang hindi ang tulad niya ang tipo nitong babae. Morena ang hilig nito samantalang may pagka-mestiza siya. No wonder kahit anong pagpapaganda ang gawin niya ay hindi siya nito napapansin.

Ilang sandali pa ay nagyaya na itong umuwi. Ipinarada nito ang sasakyan sa garahe ng bahay nito. Bumaba siya at agad tumuloy sa maliit na pintuang nag-uugnay ng bakod nila. Naroon na ang munting pintuan na iyon hindi pa man sila ipinanganak. Bubuksan na sana niya iyon nang pigilan nito ang kanyang kamay.

"Wait!" tawag nito. Nagtatakang lumingon siya rito.

"B-bakit?"

"Pasok ka muna sa loob. May ipapakita lang ako," alok nito sabay turo sa bahay nito. Tiningnan niya ito nang may pagdududa. "Come on. Saglit lang. Promise," anito. Marahil nabasa nito ang pag-aatubili niya.

"S-sige. Ano ba kasi iyon?"

"Basta," sagot nito. Nananatiling nakahawak ito sa kamay niya. Nagpahila siya rito papasok sa bahay nito. Ilang beses na siyang pumaroon noong mga bata pa lang sila kaya pamilyar na rin sa kanya ang bawat sulok niyon. Huminto ito sa tapat ng silid na alam niyang dating study room ng daddy nito.

"Ready?"

"Okay," sagot niya. Dahan-dahan nitong binuksan ang pinto at makahulugang tumingin sa kanya.

Madilim sa loob ng silid kaya hindi niya makita kung ano ang naroon. Kinapa nito ang switch ng ilaw at binuksan iyon. Napasighap siya nang tuluyang nagliwanag ang silid.

"Wow! Amazing!" hindi makapaniwalang sambit niya. 

Ang tinutukoy pala nito ay isang mini home recording studio nito. Pumasok siya sa silid. Nakabuntot ito sa kanya. Kumpleto iyon sa kagamitan. Mula sa hi-tech na mikropono hanggang sa mixers and control channels. Konektado sa isa sa mga ports niyon ang isang electric guitar nito. Pamilyar ang mga iyon sa kanya dahil dati rin siyang partime DJ noon bago siya nagtungo sa Dubai.

"You like it?" pukaw nito sa kanya. Nakangiting pumihit siya paharap dito. Nakangiti rin ito sa kanya. "Pinarenovate ko ang dating study room ni Daddy and turned it into this."

"It's perfect!" excited niyang sambit. "Ibig bang sabihin nito, babalik ka na sa pagkanta?" excited na tanong niya.

Naglaho ang ngiti nito. Malungkot itong umiling at nag-iwas ng tingin. Alam niya kung bakit nito iniwan ang pagkanta. Dahil kay Hannah. Ang first love nito. She knew exactly what happened dahil naabutan niya itong umiinom noon sa balkonahe ng silid nito. Agad siyang pumanhik noon sa bahay ng mga ito at tumuloy sa silid nito. Tatlong taon na mula nang mangyari iyon.

"Ruben, a-ano'ng problema?" tanong niya at lumapit dito. Iyon din ang unang pagkakataong nakita niya itong may luha sa mga mata. Mabilis nitong pinahid ang luha at bumaling sa kanya. Pinipiga ang puso niya sa nakikitang kalungkutan nito.

Nang makalapit siya ay ginagap nito ang kanyang kamay at hinila siya sa dibdib nito. Ilang sandali pa ay niyakap na siya nito nang mahigpit. At sa kabila ng paghihirap ng dibdib nito ay isinalaysay nito sa kanya ang pag-iwan rito ni Hannah.

"Pinapili niya ako. Kung alin ang mas mahalaga. Kung siya ba o ang pangarap ko," sambit nito na nakayakap pa rin sa kanya. Kahit hindi niya ito tingnan, alam niyang umiiyak ito.

"A-alin ang pinili mo?" tanong niya.

"My dreams," sagot nito.

"B-bakit?"

"Because I wanted to be the best for her. Akala ko maiintindihan niya. Na kaya ko gustong magtagumpay ay para na rin sa kanya. But she..." Hindi na nito tinuloy ang sasabihin. Alam nitong nakuha na niya ang kahulugan niyon.

"Shh...I'm here, Ruben. Kakampi mo ako. Mayroon pang mas karapat-dapat sa pagmamahal mo," aniya sabay hagod sa likod nito.

"I know, Rish. I know," bulong nito at humigpit pa ang yakap nito sa kanya. Lihim din siyang umiiyak nang mga sandaling iyon. Dahil dama niya ang kalungkutan nito. She knows exactly how he feels. Dahil iyon din ang pakiramdam niya nang sagutin ito ni Hannah noon at paikli nang paikli na ang panahon nito para sa kanya.

Iyon din ang araw na huminto ito sa pagkanta. Tanging gitara na lamang nito ang inatupag nito. He used to sing songs for Hannah while strumming his guitar sa balkony ng silid nito. Habang siya naman ay nakikinig lang mula sa kanyang silid at nangangarap na para sa kanya ang bawat kanta ni Ruben.

It all happened years ago ngunit hindi niya alam kung nakapag-move on na nga ba ito. Dahil hindi na ito nagkaroon ng seryosong girlfriend pagkatapos kay Hannah. Mahigit apat na taon din ang relasyon ng mga ito noon. A lot have changed about him. Tunay ngang nababago ng panahon ang isang tao. Nagtagumpay na ito sa larangan ng musika at naipatayo na rin nito ang pinangarap nitong resort sa lupang regalo ng mga magulang nito noong graduation nito. Ngunit nananatiling palaisipan sa kanya kung masaya nga ba ito sa pinili nito. At kung nagsisisi ba ito na ang pangarap nito ang pinili nito at hindi si Hannah.

Deep inside, naiinggit pa rin siya kay Hannah hanggang ngayon. Dahil hindi pa ito napapalitan sa puso ni Ruben sa kabila ng mga babaeng dumaan sa buhay nito. Hindi na ito naging seryoso sa mga babae pagkatapos ng pangyayaring iyon.

Tumikhim ito. Nag-angat siya ng tingin. Wala na ang lungkot na kanina ay nabasa niya sa mga mata nito. Nakangiti na ito ngayon.

"Why don't you try it?" alok nito sa kanya sabay turo sa kinaroroonan ng mikropono.

"Are you sure?" nakangiti na ring tanong niya.

"Go ahead," anito at dinampot ang gitara. "Same song? Same favorite?" tanong nito na ang tinutukoy ay ang paborito niyang kanta. Ang Dreaming of You by Selena.

Tumango siya at umupo sa tapat ng mikropono. May mga kinulikot itong buttons sa mixer. Ilang sandali pa ay umupo ito sa isang stool paharap sa kanya at kinapa ang gitara. Pumailanlang sa ere ang acoustic intro ng kanta.

"Late at night when all the world is sleeping. I stay up late and think of you. And I wish on a star that somewhere you are thinking of me too..." panimula niya. 

May malaking dahilan kung bakit iyon ang paborito niya. Dahil sa pamamagitan lamang ng awit na iyon nasasabi niya ang damdamin niya rito. Things she can never say in front of him.

But it wouldn't hurt to dream once in a while.

"Wonder if you ever see me and I wonder if you know I'm here. If you looked in my eyes would you see what's inside, would you even care?"

"Ano nga pala ang trabaho mo doon sa Dubai? Totoo bang singer ka sa isang hotel o nagbibiro ka lang sa tuwing tinatawagan kita noon?" tanong nito matapos ang kanta. Nakaupo pa rin ito sa stool at siya naman ay nasa tapat pa rin ng mikropono.

"Singer nga ako sa sikat na hotel doon," sagot niya.

Agad nagsalubong ang kilay nito. "What? Bakit naman sa dami-daming trabaho, iyan pa ang pinasok mo? Nagturo ka na lang sana dahil Education naman ang tinapos mo," sabi nito sa medyo mataas na boses.

"Bakit hindi? Marunong naman akong kumanta. At iyon ang kailangan nila eh," aniya.

Napansin niyang nagtagis ang bagang nito. Ibinaba nito ang gitara at lumapit sa kanya. Napatayo siya. Hindi niya maintindihan kung bakit may nababasa siyang galit sa mukha nito. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat.

"Don't ever go back there again, Rish. Kung nahihirapan ka, tell me. Tutulungan kita," sambit nito. Nababasa niya ang sinseridad sa mga mata nito. Iyon marahil ang dahilan kung bakit siya napatango. "Promise me, Rish. Promise me, you will not leave again."

Napalunok siya bago sumagot. "Pangako, Ruben."

Walang salitang niyakap siya nito. Gumanti na rin siya ng yakap kahit hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang inasal nito. Na-miss nga kaya siya nito o may iba pang dahilan?

Like what? Na love ka na niya? Dream on! Kung gusto ka niya, dapat noon pa! tila kastigo ng kanyang utak.

Bumuntunghininga siya. Oo nga naman. Kung may gusto man ito sa kanya, dapat noon pa nito pinadama iyon. Hindi na sana siya nito pinahirapan.

But it's never too late to revive your dream again, tila tukso namang bulong ng kanyang puso.

Mabilis niyang ipinilig ang ulo upang linawin ang utak. No. Ruben is just a good friend. Concern lang ito sa kanya. Walang ibig sabihin ang mga yakap nito. Hindi ba at dati pa naman itong sweet sa kanya? Ngunit nagagawa pa rin nitong makipag-flirt sa mga babae. Tatanggapin na lamang niyang hanggang kaibigan lang talaga ang turing nito sa kanya kahit pa malakas ang pagtutol ng kanyang puso.

---------


"GOOD MORNING po, Ma, Pa. Happy aniversary," sambit ni Ruben nang ilapag nito ang dalawang dosenang puting rosas sa puntod ng kanyang mga magulang. NasaDavaoMemorial Park sila ngayon kung saan nakalibing ang mga ito.

Napangiti na lang siya. Hindi pa rin ito nagbabago. Ever since her parents died, bumabati pa rin ito sa puntod ng mga ito. Uncaring if he would look stupid. At alam niyang hindi ito nagpapatawa dahil seryoso ang anyo nito.

"Good morning Ma, Pa," sambit rin niya. "Happy anniversary."

Kinuha nito sa kanya ang picnic mat at inilapag iyon sa damuhan malapit sa puntod. Pinagmasdan lamang niya ito. Puti ang suot nitong polo at nakamaong na pantalon. His hair was a bit ruffled. Parang sinadya nitong hindi magsuklay. Ngunit hindi iyon kabawasan sa kaguwapuhan nito. It even made him look more sexy.

"Upo ka," nakangiting alok nito sa kanya. Nakaupo ito sa harap ng puntod ng kanyang mga magulang. Ang dalawang paa nito ay naka-ekis sa ilalim ng binti nito.

Tahimik siyang umupo sa tabi nito. Ginagap nito ang kanyang kamay. Napalingon siya rito. Nakapikit ito ngayon. Alam niyang nagdarasal ito. Hindi niya mapigilang mapatitig lang sa nakapikit nitong anyo. He looked so peaceful habang nasa ganoong ayos.

Mula nang namatay ang mga magulang niya ay palaging si Ruben ang kasama niya. He was never absent kada wedding anniversary ng mga ito. Magpi-picnic sila roon at magdarasal ito habang hawak ang isang kamay niya. Samantalang siya naman ay natatitig lang dito habang nakapikit ito. At lihim na humihiling na sana habambuhay itong nasa tabi niya.

Nagmulat ito nang mga mata at nakangiting lumingon sa kanya.

"It's rude to stare when someone is praying," puna nito.

Agad nag-init ang kanyang pisngi. Alam niyang namumula iyon kaya nag-iwas siya ng tingin at nagkunwaring nagbubunot ng ligaw na damo.

"Dapat dinala ko ang gitara ko," anito maya-maya.

Noon pa lang siya nag-angat ng tingin. "Bakit naman?"

"Para kantahan mo sila. Ano nga ba ang favorite song nila?"

Napangiti siya. "Everything I Own," sagot niya sabay haplos sa puntod ng mga magulang. She can still remember their sweet gestures. Ang paglalambingan ng mga ito. Pati na ang paalala ng mga ito sa kanya na piliin niya ang tamang lalaki.

"Don't settle for anything less than you have dreamed of, baby. You'll only end up miserable," naalala niyang sabi noon ng kanyang ama. Ngumiti lang siya rito at yumakap rito nang mahigpit.

Naramdaman niya ang kamay ni Ruben sa kanyang balikat. Dahan-dahan siya nitong hinila sa mga bisig nito. Hindi siya pumalag.

"Nakaka-miss ang parents mo," anito sabay haplos sa kanyang buhok. "Parang magulang na rin ang turing ko sa kanila. I hope they are happy now," dugtong pa nito.

"I'm sure they are watching over me," sagot niya.

"I'm sure. At nandito din ako. Hindi kita pababayaan. Nangako ako sa mga magulang mo na aalagaan kita," sabi nito at lalo pang humigpit ang pagkakayakap sa kanya.

I hope you can take care of me forever, Ruben, lihim niyang sambit.


--------------

A/N: Tadaaaaaa!!!!

Sana lahat ng lalaki katulad ni Ruben kung mag-alaga hays. Minsan wala naman yan sa hitsura ee. Nasa paano iparamdam sa'yo na mahalaga ka. Kung paano ka sinusuyo kapag galit ka. Kung paano ka pinapatawad kapag nang-aaway ka dahil trip mo lang, dahil moody ka o dahil me dalaw ka. Nasa paraan yan ng pagyakap na para bang walang ibang mahalaga kundi ikaw. Nasa paraan ng pagbigkas ng mga salitang "mahal kita" ng walang halong kasinungalingan. Nasa pagsundo, pagsunod at paghahabol kapag ang babae ay naisipang maglayas para magpabebe o magpapansin man lang. Nasa bawat halik na nagpapadama na ayaw kang mawala sa kanya. Nagiging gwapo ang isang lalaki sa paningin ng babaeng nagmamahal sa kanila dahil na rin sa napupunan nila ang emotional needs ng isang babae. 

Dear panget, sana balang araw mabasa mo 'to. Sana kapag nabasa mo ito, buhay pa ako nun. Sana maalala mo lahat ng pinagdaanan natin. The good and the bad. The sad and happy years. Only God can change your heart and make it beat for me. Charoooot. Kelan ka mabubulunan? Kelan ka madadapa? Madapa ka sana ng maalala mo ako. Sana the next time you pass by a resto, bibigyan ka na ng flyers at hindi ka na mapagkamalang magnanakaw. *grin*

Continue Reading

You'll Also Like

106K 1.8K 20
Sa edad na treinta ay hindi pa nararanasan ni Lalah na magka-boyfriend. Dinig na dinig na niya ang pagtunog ng biological clock niya. Palagi kasing p...
158K 2.5K 12
"You may be out of my sight but not out of my heart. You may be out of my reach, but not out of my mind. I may mean nothing to you but you'll always...
1.7M 72.6K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
53.3K 852 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: