Payne Sisters Series: Demi Lei

By Bblueee_06

293K 9.4K 1K

Demi Lei Payne - First daughter of Reynaldo Payne. Mula ng mamatay yung nanay ni Demi dahil sa panganganak, n... More

Intro
Characters
Payne Sisters
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13: Special Chapter
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25

Chapter 12

9.1K 348 70
By Bblueee_06


[Kristen Stewart as Candice]


[Bella Thorne as Barbara]

----------

Demi Lei

"Good morning Engineer Payne." Bati sa akin ng mga construction worker na mag-uumpisa ng magtrabaho. Isang ngiti at tango na lang ang binigay ko sa kanila.

Maayos naman ang pagkakagawa sa ground floor, 2nd floor naman ang ginagawa nila. Buti na lang maaasahan ang mga trabahador namin. Nagpunta muna ako sa isang tent para ilagay ang mga gamit ko.

Halos mapatalon naman ako sa gulat dahil sa nasaksihan kong karumaldumal. Karumaldumal talaga Demi?

"Sa pagkakaalam ko'y magkaaway kayong dalawa. Eh ano tong nasaksihan ko?" Napayuko naman silang dalawa. Siniko pa ni Barbara si Candice na parang sinasabing siya ang magpaliwanag. Kita kong pulang-pula ang mukha ni Candice.

Nakita ko lang naman silang naghahalikan. Hindi ako makapaniwala dahil ang alam ko mainit ang dugo nila sa isa't-isa pero totoo nga ata ang kasabihan na "The more you hate, Tha more you love." Kunware pa tong si Candice eh, denial din masyado kay Barbara.

"A-ano kasi De-Dems eh... Gu-gusto ko si Barbara." Nakayukong sabi pa niya. Napansin kong hinawakan naman ni Barabara yung kamay ni Candice. Nagkatinginan sila at napangiti. Napangiti naman ako sa kanila, buti pa sila.

"Gusto ko din si Candice. I mean matagal ko na siyang gusto. Tsaka habang tumatagal lumalalim yung nararamdaman ko para sa kanya." Nakangiting sabi pa ni Barbara sa akin.

I crossed my arms. "Masaya ako para sa inyong dalawa. Alam ko namang magkaka-aminan din kayo eh. Masyado lang talagang denial si Candice."

"Dems naman eh!" Maktol ni Candice kaya naman natawa si Barbara.

"Basta wag mo lang sasaktan ang bestfriend ko ha?" Sabay baling ko kay Barbara.

"Baka nga ako pa saktan niyan eh. Mapa babae o lalaki man ang daming naghahabol diyan."

"Uy, ikaw lang naman ang gusto ko eh at ang sinisigaw nitong puso ko." Napailing naman ako sa kakornihan ni Candice kaya binato ko siya ng stress ball na hawak ko.

"Yuck! Umalis nga kayo sa harap ko." Biro ko sa kanila.

"Sus! Inggit lang yan Barbs kasi wala siyang love life. Ay meron pala haha. Kaso ayaw niya naman dun. Mukhang tatandang dalaga na yang si Demi eh." Asar sa akin ni Candice. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Back to work guys!" Utos ko sa kanila. Buti na lang hindi na sila umangal pa, ako kaya ang boss.

Haayyy! Kailan ko kaya matatagpuan ang Miss Right ko? Ayoko naman ng Mr. Right. I'm not into boys talaga eh. Sa panahon ngayon karamihan ang chix, hanap din pala chix. Ganun ako. Maganda ako, hanap ko maganda din hehe.

Nagdedaydream pa ako ng may sumulpot nanaman sa harap ko.

"Flowers for you, honey." Nakangiting si Zaireen ang bumungad sa akin. May hawak siyang bulaklak.

"Anong ginagawa mo dito?" Kunot noong tanong ko sa kanya.

"Aww. Ang sungit mo naman honey. Meron ka ba? Nandito ako para tignan yung ginagawa niyo tsaka para makita kita. Heto oh, nagdala na din ako ng flowers para sayo." Siya na po ba si Miss Right ko? Wag naman po sana. Ang babaera niya kasi eh. Pansin ko ngang napapatingin sa kanya yung mga kababaihan minsan eh. Aaminin ko malakas yung appeal niya. Nakapagdagdag pa lalo ng appeal niya yung lubugan niyang cheekbones.

"Tsk!" Tanging nasabi ko na lang at inis na kinuha yung bulaklak galing sa kanya.

"Hehe. Ang cute mo pag nagagalit ka." Sabi niya pa sabay kurot sa pisngi ko.

"Ano ba yan! Nagagalit lang ako pag nakikita kita. Ewan ko ba! Naiirita ako." Nawala naman bigla yung ngiti niya pero agad din siyang ngumiti ulit kaso halatang pilit lang.

"Alam mo hindi mo naman ako lubos na kilala eh tapos ako pa ang napili mong maging girlfriend mo. Sinabi ko naman sayo na wala talagang sumpa. Hindi naman yun totoo eh. Nagawa ko lang naman yun dahil kailangan ko ng pera. Inutusan lang ako dahil gusto niyang makaganti sayo. Masyado ka kasing babae--" Hindi ko na natapos yung sinasabi ko ng putulin niya yun sa pamamagitan ng paghalik niya sa akin.

Bigla nanaman nag-abnormal yung tibok ng puso ko. Pakiramdam ko lalabas na yung puso ko. Ang bilis ng tibok nito. May kung anong nagliliparan naman sa sikmura ko, hindi ko namalayan na napapikit na ako at gumanti na din ako ng halik sa kanya.

Dumiin naman yung bawat paghalik niya sa akin, parang gigil.

"Hmmm..." Napaungol ako ng kagatin niya ng madiin ang ibabang labi ko. Napayakap na din pala ako sa batok niya. Siya naman nakahawak sa magkabilang beywang ko.

Naramdaman ko na lang na umangat ako, binuhat niya pala ako. Inupo niya ako sa lamesa.

Napasinghap ako ng maramdaman ko yung mga kamay niya sa aking hinaharap at dahan-dahan niya iyong minamasahe. Bumaba naman ang halik niya sa leeg ko. Naramdaman kong nag-iwan siya ng marka doon.

Ilang sandali pa'y naramdaman kong tumigil siya. Para akong nadismaya sa ginawa niya. Shit! Ano ka ba Demi! Para akong nawala sa katinuan kanina sa ginawa niya sa akin.

"Next time, honey." Nakangisi niyang sabi at mabilis niya akong hinalikan sa labi ko. Naiwan akong tulala habang nakahawak sa labi ko.

"Dems, hinahanap ka na dun ta-- OH MY GOSH!!! WHAT HAPPENED TO YOU?" Doon naman bumalik yung katinuan ko.

"MY GOSH! Nawala lang ako saglit. Ganyan na itsura mo? Para kang nirape ng sampung kabayo." Natatawang sabi pa niya kaya naman binatukan ko siya.

Tinignan ko naman yung sarili ko. My gosh! Para nga akong nirape. Yung strap ng bra ko nakababa na tapos yung damit ko medyo baba na din. What the f! Bwiset na Zaireen yun! Pinagsamantalahan ang kahinaan ko.

Agad ko namang inayos yung sarili ko. Ang gulo na din pala ng buhok ko.

"Dems, yung totoo? Nag-ano kayo ni Miss Cruise noh? Nakita ko kasing galing siya dito eh tapos naabutan kitang ganyan na ang itsura mo. Aba naman Demi! Mas matindi pa pala yung ginawa niyo kesa sa amin."

"Pwede ba? Hinaan mo yang boses mo at baka may makarinig sayo." Inis kong sambit sa kanya.

"Tsaka hindi ko alam kung anong nangyari. Para akong nawala sa katinuan." Kagat labing sabi ko pa sa kanya.

"Anong hindi alam ang nangyari? Eh obvious naman na ano eh. Alam mo na."

"Muntikan na Candice." Mahinang sabi ko.

"Hindi ko alam kung bakit hinayaan ko na lang siya." Dugtong ko pa. Napahawak ulit ako sa labi ko. Hindi naman ganun yung naramdaman ko ng magkiss kami ng ex kong si Alexina.

"Hay nako mukhang nagayuma ka na Dems ni Zaireen. Tsaka na natin pag-usapan yan. Kailangan ka na dun. Tara na." Hinila na ako palabas ni Candice pero bago pa kami makalabas, tumigil naman siya sa paglalakad. Kaya naman tumigil din ako.

"Is that a..." Nanlaki naman yung mga mata niya habang nakaturo siya sa may leeg ko?

"Ano ba yun Candice? Ano yun?" Tanong ko pa sa kanya.

"May chickiletchi ka." Sagot niya.

"Anong chickiletchi ka diyan?"

"May chickinini ka gaga!" Nanlakk naman yung mga mata ko. Kumuha naman siya ng salamin para makita ko.

What the heck! Ang laki! Tanginang Zaireen talaga yon! Ngayon ko lang naalala na aarrrggggghhhh! Wala talaga ako sa katinuan kanina.

"Oh my gosh! Dems! I KENAT! GRABE NA TOH!"

"Paano toh Candice? Paano toh? Nakakahiya kung makita nila." Naiiyak ko pang tanong sa kanya. Natawa naman siya.

"Tsk! Ako ng bahala diyan." Kinuha niya naman sa bag niya yung conceiler niya.

"Sure ka bang hindi na halata Candice?" Nakailang ulit na akong tanong sa kanya habang naglalakad kami.

"Oo nga! Kulit naman Dems eh. Ikaw kasi eh bakit hinayaan mong lagyan ka niya ng ganyan." Tinakpan ko naman yung bibig niya. Ang lakas kasi ng boses niya.

"Wala nga ako sa katinuan kanina okay? Na-engkanto na ata ako."

Pagkarating namin sa 2nd floor, nakita kong nandun ang magkapatid na sina Zaya at Zaireen. Nakangisi naman si Zaireen ng makita niya ako. Nakaramdam lalo ako ng pagkainis sa kanya.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Please vote guys :) Thanks :)

-Bee :)

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 18.9K 41
Dice and Madisson
3M 77.2K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
10K 760 16
Nagkaroon ng trauma si Louise Averille dahil sa kanyang nakaraan. Pinatay ang kanyang buong pamilya ng mga taong walang puso at gusto niyang maghigan...
126K 9.1K 44
Pagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa k...